Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Pagpapanatili sa Mga Utos at Pagsasagawa sa Katotohanan

Sa pagsasagawa, ang mga utos ay dapat nakaugnay sa pagsasagawa sa katotohanan. Habang pinananatili ang mga utos, dapat isagawa ng isang tao ang katotohanan. Kapag isinasagawa ang katotohanan, hindi dapat labagin ng isang tao ang mga panuntunan ng mga utos o sumalangsang sa mga utos. Habang lalo mong isinasagawa ang katotohanan, mas lalo kang nananatili sa diwa ng mga utos.

Pagbabasa ng mga Salita ng Diyos | "Napakahalaga na Maintindihan ang Disposisyon ng Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung hindi mo alam ang diwa ng Diyos, magiging imposible para sa iyo na magpakita sa Kanya ng pagpipitagan at pagkatakot, pero sa halip tanging walang pakundangang pagwawalang-bahala at paglihis, at bukod diyan, hindi na maiwawastong paglapastangan. Bagama’t ang pag-intindi sa disposisyon ng Diyos ay tunay na mahalaga at ang pag-alam sa diwa ng Diyos ay hindi dapat maliitin, walang sinuman ang kailanman ay lubusang nakapagsuri o nakapagsiyasat na sa mga isyung ito.

Ano ang ibig sabihin ng maligtas? Ano ang pagliligtas?

Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:

“Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; datapuwa’t ang hindi sumasampalataya ay parurusahan” (Marcos 16:16).

“Sapagka’t ito ang aking dugo ng tipan, na nabubuhos dahil sa marami, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan” (Mateo 26:28).

Clip ng Pelikulang (1) "Niyanig ng Kidlat ng Silanganan ang mga Relihiyon"


Ang Kidlat ng Silanganan—ang pagpapakita at gawain ng Diyos sa mga huling araw ay niyanig ang lahat ng sekta at denominasyon, at ibinunyag na ang lahat ng klase ng tao. Mas gusto pa ng maraming mabubuting tupa sa c na dumanas ng di-mapigil na pag-aresto at pagpapahirap ng Chinese Communist Party para lang mahanap at masiyasat ang Kidlat ng Silanganan.

Hinggil sa Patutunguhan

Sa tuwing binabanggit ang patutunguhan, itinuturing ninyo ito nang may espesyal na pagpapahalaga; lubusang maramdamin kayong lahat tungkol sa usaping ito. May ilang taong hindi makapaghintay na maging sunod-sunuran sa Diyos para lamang makarating sa magandang patutunguhan sa dulo. Kinikilala Ko ang inyong pagiging masigasig, na hindi na kailangang ilahad pa sa pamamagitan ng mga salita. Tunay na ayaw ninyong humantong sa kapahamakan ang inyong katawan, at bukod pa rito, ayaw ninyong mahulog sa kayhabang kaparusahan sa hinaharap. Kayo ay umaasa lamang na mabuhay nang higit na malaya at maalwan. Dahil dito, nakadarama kayo ng ligalig sa tuwing nababanggit ang patutunguhan, lubos na nangangamba na kapag hindi kayo nakapagtutuon ng pansin, na maaaring nagkakasala kayo sa Panginoon, at dahil dito, makatatanggap ng nararapat na parusa.

Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Tagalog Christian Skit | "Pagtitipon sa isang Kamalig" | Why Do Christians Meet in a Cowshed?


Sa kasalukuyan, ang pagpapahirap ng ateistang gobyerno ng CCP sa mga Kristiyano ay tumitindi araw-araw. Ang mga mananampalataya ay nahaharap sa mga pagbabawal na isagawa ang kanilang pananalig sa lahat ng oras; ni hindi sila makahanap ng lugar para makapagtipon nang payapa. Dahil wala nang pagpipilian, sa kamalig na lamang ni Liu Xiumin ginanap ang pagtitipon nila ng kanyang mga kapatid.

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos

paniniwala,sundin,Karanasan,pananampalataya sa Diyos ,
Bakit ka ba naniniwala sa Diyos? Karamihan sa mga tao ay nalilito sa tanong na ito. Sila ay palaging may dalawang lubos na magkaibang pananaw tungkol sa praktikal na Diyos at sa Diyos na nasa langit, nagpapakita na sila ay naniniwala sa Diyos hindi para tumalima, nguni’t para makatanggap ng ilang mga pakinabang, o para makatakas sa paghihirap ng kapahamakan. Saka lamang sila medyo tumatalima, subali’t ang kanilang pagtalima ay may kundisyon, ito ay para sa kapakanan ng kanilang mga sariling adhikain, at ipinilit sa kanila.