Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay


Clip ng Pelikulang Ang Misteryo ng Kabanalan (5) | "Paano Malalaman na si Cristo ang Katotohanan, ang Daan at ang Buhay"


Ang dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay kapwa nagpapatotoo na si "Cristo ang katotohanan, ang daan at ang buhay." Bakit sinasabi na si Cristo ay ang katotohanan, ang daan at ang buhay? At ang mga apostol na iyon at mga dakilang espirituwal na mga tao na sumunod sa Panginoong Jesus ay nagsabi rin ng maraming bagay, mga bagay na kapaki-pakinabang sa tao, kaya bakit ang mga ito ay hindi ang katotohanan, ang daan at ang buhay? Paano natin dapat maunawaan ang pagkakaiba sa pagitan ng dalawang aspetong ito?

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo


Salita ng Buhay | "Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo"



Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring makaalam sa lahat ng ating iniisip, o maunawaan ang ating kalikasan at diwa, o hatulan ang pagiging mapaghimagsik at katiwalian ng sangkatauhan, o kausapin tayo at gumawa sa ating kalagitnaan sa ngalan ng Diyos ng langit. Walang sinuman maliban sa Kanya ang maaaring magkamit ng awtoridad, karunungan at karangalan ng Diyos; ang disposisyon ng Diyos at kung anong mayroon at kung ano ang Diyos ay bumubukal, sa kabuuan, mula sa Kanya.

Patotoo ng Isang Kristiyano: Paano Niya Napagtagumpayan ang Tuksong Mangalunya (Unang Bahagi)



Ni Xiyue, Lalawigan ng Henan

Isang gabi, naglilinis ng kanyang bahay si Jingru.

“Kring, kring.” Nagsimulang tumunog ang telepono. Sinagot niya ito at isang kakaiba ngunit pamilyar na boses ang kanyang narinig: “Hello! Si Wang Wei ito. Nasa bahay ka!”

“Wang Wei?” Medyo nabigla si Jingru: Bakit siya napatawag ngayon makalipas ang napakaraming taon?

“Oo … nasa bahay ako. Ano’ng meron?” tanong ni Jingru sa pagkagulat.

“Antagal na nating ‘di nagkita. Gusto kitang ipasyal. Papunta na ako sa inyo at malapit na ako. Antayin mo na lang ako sa may pintuan!” sabi ni Wang Wei.

Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)


Salita ng Buhay | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Unang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang mga taong makakatayo nang matatag sa panahon ng gawain ng paghatol ng Diyos at pagkastigo sa mga huling araw—iyon ay, sa panahon ng huling gawain ng paglilinis—ay mga tao na papasok sa pangwakas na kapahingahan kasama ang Diyos; samakatuwid, ang mga taong pumapasok sa kapahingahan ay ang lahat na nakawala sa impluwensya ni Satanas at natamo ng Diyos pagkatapos lang sumailalim sa Kanyang huling gawain ng paglilinis.

Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?


Nanganganib na Pagdala | "Ano ang Mahalagang Pagkakaiba sa Pagitan ng nagkatawang-taong Diyos at mga Taong Ginamit ng Diyos?" (Mga Movie Clip)

Sinasabi ng Diyos, "Ang salita ng Diyos ay hindi maaaaring bigkasin gaya ng salita ng tao, lalong hindi maaaring ang salita ng tao ay mabigkas gaya ng salita ng Diyos. Ang isang tao na ginamit ng Diyos ay hindi ang nagkatawang-taong Diyos, at ang nagkatawang-taong Diyos ay hindi isang tao na ginamit ng Diyos; dito, may malaking pagkakaiba" (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Dalawang beses nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain ng pagtubos at pagliligtas sa sangkatauhan, at dalawang beses na nagkaroon ng mga taong ginamit ng Diyos na nakikipagtulungan sa gawain ng nagkatawang-taong Diyos.

Tagalog Christian Songs | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"


Tagalog Christian Songs | "Ang mga Tumatanggap lang ng Katotohanan ang Makakarinig ng Tinig ng Diyos"

Kung sa'n may pagpapakita ng Diyos,
may pagpapahayag ng katotohanan at ang tinig ng Diyos.
Ang mga tumatanggap lang ng katotohanan
ang makakarinig ng tinig ng Diyos 
at makakasaksi sa Kanyang pagpapakita.

May Kinalaman sa Isang Normal na Buhay Espirituwal

Ang isang sumasampalataya ay dapat mayroong isang normal na buhay espirituwal-ito ang saligan para sa pagpapakaranas ng mga salita ng Diyos at pagpasok sa katotohanan. Sa kasalukuyan, maaari ba na ang lahat ng mga panalangin, ang mapalapit sa Diyos, ang pag-awit, pagpupuri, pagbubulay-bulay, at ang pagsisiskap na alamin ang mga salita ng Diyos na inyong isinasagawa ay nakaaabot sa mga pamantayan ng isang normal na buhay espirituwal. Walang sinuman sa inyo ang masyadong malinaw tungkol dito. Ang isang normal na buhay espirituwal ay hindi limitado sa panalangin, awit, buhay iglesia, pagkain at pag-inom ng mga salita ng diyos, at iba pang gayong mga pagsasagawa, ngunit ito ay nangangahulugan na isabuhay ang isang buhay espirituwal na sariwa at masigla. Ito ay hindi tungkol sa pamamaraan, bagkus sa resulta. Iniisip ng karamihan sa mga tao na upang magkaroon ng isang normal na buhay espirituwal ang isa ay dapat manalangin, umawit, kumain at uminom ng mga salita ng Diyos, o subukang unawain ang mga salita ng Diyos. Hindi alintana magkaroon man ng anumang resulta, o magkaroon man ng isang tunay na pagkaunawa, ang mga taong ito ay basta na lamang nagpopokus sa pakikiayon sa nasa labas- at hindi nagpopokus sa resulta-sila ang mga tao na nabubuhay sa loob ng mga ritwal ng relihiyon, at hindi mga taong nabubuhay sa loob ng iglesia, at lalong hindi sila mga tao ng kaharian. Ang ganitong uri ng mga panalangin ng tao, mga awit, at pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos ay pagsunod lahat sa mga patakaran, sila ay inuudyukan na gawin ang mga ito, at ang mga ito ay ginagawa upang makisabay sa uso, hindi sila ginagawa nang kusa o ginagawa mula sa puso. Hindi alintana gaano man ang idalangin o awitin ng mga taong ito, hindi magkakaroon ng anumang resulta, sapagkat lahat ng kanilang isinasagawa ay mga relihiyosong patakaran at mga ritwal, at hindi nila isinasagawa ang salita ng Diyos. Sa pagpopokus lamang sa pamamaraan, at pagdadala sa mga salita ng Diyos bilang mga patakaran na susundin, ang ganitong uri ng tao ay hindi isinasagawa ang salita ng Diyos, ngunit pinalulugod ang laman, at gumagawa ng mga bagay upang purihin ng iba. Ang ganitong uri ng relihiyosong ritwal at patakaran ay nagmumula sa tao, hindi mula sa Diyos. Ang Diyos ay hindi nagpapanatili ng mga patakaran, hindi sumusunod sa anumang mga kautusan; gumagawa Siya ng mga bagong bagay araw-araw at gumagawa Siya ng praktikal na gawain. Kagaya ng mga tao sa Tatlong-Sariling Iglesia na limitado lamang sa pang-araw-araw na panalangin sa umaga, mga panggabing panalangin, mga pagpapasalamat bago ang pagkain, pagpapahayag ng pasasalamat sa lahat, at iba pang gayong mga pagsasagawa, gaano man karami ang gawin ng mga taong ito, o gaano man katagal nilang isagawa, hindi nila matataglay ang gawain ng Banal na Espiritu. Kung ang mga tao ay nabubuhay sa loob ng mga patakaran, na ang kanilang mga puso ay buhos sa pagsasagsawa, kung gayon ang Banal na Espiritu ay walang pag-asang gumawa ng gawain, sapagkat ang puso ng mga tao ay abala sa mga patakaran, abala sa mga pagkaintindi ng mga tao; kung gayon ang Diyos ay walang paraan upang gumawa ng gawain; ang mga tao ay palagi na lamang mabubuhay sa ilalim ng pagkontrol ng kautusan, at ang ganitong uri ng tao ay hindi kailanman matatanggap ang papuri ng Diyos.