Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV Ang Kabanalan Ng Diyos (I) (Ikatlong Bahagi)



Mga Pagsasalaysay | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi IV Ang Kabanalan Ng Diyos (I) (Ikatlong Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Anumang mga panukala ang ginawa ng Diyos, sa kasagsagan ng Kanyang paggawa ang lahat ng mga iyon ay may positibong epekto para sa tao, at pinangungunahan ng mga ito ang daan. Kaya may mga makasariling pag-iisip ba sa isipan ng Diyos? Mayroon bang karagdagang mga layunin ang Diyos patungkol sa tao, o nais ba Niyang gamitin ang tao sa ibang paraan? (Hindi) Hindi kailanman. Ginagawa ng Diyos kung ano ang sinasabi Niya, at ganito rin Siya mag-isip sa Kanyang puso. Walang magkahalong layunin, walang makasariling mga saloobin. Wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanyang Sarili, subalit ginagawa talaga ang lahat para sa tao, nang walang anumang pansariling layunin. Bagaman may mga plano at mga intensyon Siya para sa tao, wala Siyang anumang ginagawa para sa Kanyang Sarili. Lahat ng ginagawa Niya ay pawang ginagawa para sa sangkatauhan, upang ingatan ang sangkatauhan, upang mapanatiling hindi naliligaw ang sangkatauhan."

Kung nais mong makamit ang paraan ng pamumuhay, dapat mo munang malaman ang Salita ng Buhay 

Christian Crosstalk | "Ang Paglabas sa Biblia" (Crosstalk 2019)



Christian Crosstalk | "Ang Paglabas sa Biblia" (Crosstalk 2019)


Nagtatrabaho si Xiang Yang sa isang bahay-iglesia, at gaya ng maraming mga relihiyong mananampalataya, iniisip niyang ang mga salita at gawain ng Diyos ay nasa Biblia, na ang paniniwala sa Panginoon ay nangangahulugang paniniwala sa Biblia, na ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, at kapag sumusunod siya sa Biblia, makakapasok siya sa kaharian ng langit at magkakamit ng buhay na walang hanggan.

Tagalog Gospel Songs | "Magsasaya't Magpupuri sa Diyos ang Buong Daigdig"


Tagalog Gospel Songs | "Magsasaya't Magpupuri sa Diyos ang Buong Daigdig"


I
Ang tanging tunay na Diyos
na nangangasiwa sa lahat ng bagay sa sansinukob
—ang Cristong makapangyarihan sa lahat!
Saksi ito ng Banal na Espiritu.
Gumagawa Siya upang magpatotoo sa lahat ng dako.
Nang walang magdududa. Ang Haring matagumpay,
Makapangyarihang Diyos, ay nanaig sa buong mundo.
Napagtagumpayan Niya ang kasalanan
at natupad ang pagtubos.
Purihin ang matagumpay na Hari ng sansinukob.

Kahanga-hangang Kaligtasan | Ang Pag-ibig ng Diyos ay ang Pinakatunay

Wenzhong, Beijing

Agosto 11, 2012
Noong gabi ng Hulyo 21, 2012, nagkaroon ng malaking baha sa amin na hindi karaniwang nangyayari. Nais kong ipahayag sa lahat ng nauuhaw sa Diyos ang aking talagang naranasan at nakita nang araw na iyon.

Nang araw na inasikaso naming mag-asawa ang bakuran ng kamalig ng aking kapatid na babae. Kinagabihan, patuloy na bumuhos ang napakalakas na ulan at natulog kami nang maaga. Pagpatak ng alas tres kwarenta’y singko ng madaling araw ay ginising kami ng tawag ng aking bayaw na nagsasabing, “Bubuksan nila ang prinsa! Lahat ay babahain! Kailangan nating agad na lumikas!” Nang marinig ko ito ay natulos ako at ang naibulong ko lamang sa Diyos sa kaibuturan ng aking puso ay ang mga katagang, “Diyos ko! Diyos ko!” Ang tanging naisip kong isalba ay ang elektronikong scooter at MP5 player at TF card na ginagamit ko upang makinig ng mga himno at sermon.

Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Mga Pelikula Tungkol sa Ebanghelyo | "Hindi Naglalaho ang Integridad"


Nagpapatakbo ng isang tindahan ng damit si Wang Xinyu at ang kanyang asawa, at kahit sinikap nila noong una na patakbuhin ang kanilang tindahan nang may integridad at konsiyensya, hindi sila gaanong kumikita, at napakahirap ng buhay nila. Ngunit nang makita nila ang mga kabarkada nilang umaasa sa pagsisinungaling at panlilinlang sa negosyo na bumibili ng mga kotse at bahay at maluho ang pamumuhay, ipinasiya nila na hindi sila magpapaiwan. Sa paggabay ng kanilang mga kabarkada, sinunod nila ang kalakaran sa lipunan at nagsimulang magnegosyo sa pamamagitan ng pagsisinungaling at pandaraya. Makalipas ang ilang taon, bagama’t kumita sila nang kaunti, madalas silang makonsiyensya at hungkag ang puso nila.

Tagalog Gospel Songs | Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin

tagapagligtas,manlilikha,


Tagalog Gospel SongsAng Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin



I
Ang Diyos ay praktikal sa puso ng mga tao,
kapag Siya'y nasa lupa.
Sa langit,
ang Diyos ang Tagapamahala ng lahat ng mga nilalang.
Minsang naglakbay ang Diyos sa mga bundok at sa mga tubig,
marahan Siyang lumakad kasama ng sangkatauhan.
Sinong mangangahas labanan sa publiko
ang praktikal na Diyos Mismo?
Sinong mangangahas na lumabas
sa pamamahala ng Makapangyarihan?
Sinong mangangahas na magsabi
nang walang pagdududa na ang Diyos ay nasa langit?

Salita ng Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Ikalawang Bahagi)



Salita ng Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis.