Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Tagalog Christian Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | The Great Power of God


Tagalog Christian Musical Documentary "Siya na May Kapangyarihan sa Lahat" | The Great Power of God


Sa buong kalawakan ng sansinukob, lahat ng bagay sa kalawakan ay gumagalaw nang eksakto sa sarili nilang orbit. Sa ilalim ng kalangitan, mga bundok, mga ilog, at mga lawa, lahat ay may hangganan, at lahat ng nilalang ay nabubuhay at nagpaparami sa loob ng apat na panahon alinsunod sa mga batas ng buhay …. Napakaganda ng pagkadisenyo sa lahat ng ito—may Isang Makapangyarihan bang namamahala at nagsasaayos sa lahat ng ito? Mula nang dumating tayo sa mundong ito na umiiyak, nakapagsimula na tayong gumanap ng iba’t ibang papel sa buhay.

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | 21. Ano ang pagsunod sa Diyos?

Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Ang pangunahing kahalagahan ng pagsunod sa Diyos ay na ang lahat ay dapat alinsunod sa totoong mga salita ng Diyos: Maging ikaw ay naghahangad ng pagpasok sa buhay o ang katuparan ng kalooban ng Diyos, ang lahat ay dapat nakasentro sa totoong mga salita ng Diyos. Kung ano ang iyong pakikipag-isa at hinahangad ay hindi nakasentro sa palibot ng totoong mga salita ng Diyos, kung gayon isa kang estranghero sa mga salita ng Diyos, at ganap na nawalan ukol sa gawain ng Banal na Espiritu.

mula sa “Alamin ang Pinakabagong Gawain ng Diyos at Sumunod sa Mga Yapak ng Diyos” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nagbabago sa araw-araw, pataas nang pataas sa bawat hakbang; ang pagbubunyag ng bukas ay nagiging mas mataas kaysa sa ngayon, bawat hakbang ay umaakyat nang mas mataas.

Ang Himno ng Salita ng Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"


Ang Himno ng Salita ng Diyos | "Paano Pinamamahalaan ng Diyos ang Lahat ng mga Bagay"

I
Mula sa iyong pagsilang at pag-iyak sa mundong ito,
inumpisahan mo'ng gawin ang iyong tungkulin.
Sa plano’t ordinasyon ng Diyos, tungkulin ay tinanggap mo,
at ang paglalakbay mo sa buhay ay sinimulan.
Anumang nakaraan o paglalakbay sa iyong hinaharap,
walang makakaalpas sa pagsasaayos ng kalangitan,
at walang may hawak ng kanilang tadhana, 
pagkat Diyos lamang ang namumuno sa lahat ng bagay.

Mga Pagbigkas ni Cristo | Tanging ang Pagsasagawa ng Katotohanan ang Pagkakaroon ng Realidad

Ang kakayahang maipaliwanang nang tahasan ang mga salita ng Diyos ay hindi nangangahulugan na taglay mo ang katotohanan—ang mga bagay ay hindi kasing-simple ng iyong iniisip. Taglay mo man ang katotohanan o hindi, hindi ito nakabatay sa kung ano ang iyong sasabihin, sa halip, ito ay nakabatay sa iyong isinasabuhay. Kapag naging buhay at likas na pagpapahayag mo ang mga salita ng Diyos, ito lamang ang naituturing na realidad, at ito lamang ang naituturing na pagkamit mo ng pagkaunawa at tunay na tayog. Kailangan mong makayanan ang pagsusuri sa mahabang panahon, at kailangan mong maisabuhay ang wangis na hinihingi sa iyo ng Diyos; hindi ito dapat na sa anyo lamang, ngunit kailangan itong likas na dumaloy palabas sa iyo. Sa gayon ka lamang tunay na magkakaroon ng realidad, at sa gayon mo lamang makakamit ang buhay.

Tagalog Gospel Songs | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"


Tagalog Gospel Songs | "Ang Diyos na Nagkatawang-tao ay Pinaka-kaibig-ibig"


I
Matapos maging tao ang Diyos, at namuhay kasama ng tao,
nakita Niya kasamaan at kalagayan ng buhay nila.
Sa katawang-tao'y nadama Niya 
ang kawalang kakayahan ng tao,
na kaawa-awa, naramdaman Niya ang kanilang kalungkutan.
Mas lalong nahabag ang Diyos sa kalagayan ng tao,
at mas mapagmalasakit sa Kanyang 
mga taga-sunod dahil namuhay sa katawang-tao.

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan

Ang pagkilala sa gawa ng Diyos sa mga panahong ito, sa pinakamalaking bahagi, ay ang pagkilala sa Diyos na nagkatawang-tao ng mga huling araw, kung ano ang Kanyang pangunahing ministeryo, at kung ano ang Kanyang pakay na gagawin sa daigdig. Akin nang nabanggit sa Aking mga sinabi na ang Diyos ay naparito sa lupa (sa mga huling araw) upang magbigay-halimbawa bago lumisan. Paano ipinakikita ng Diyos ang halimbawang ito? Sa pamamagitan ng pagsasalita, sa pamamagitan ng paggawa at pagsasalita sa buong lupain. Ito ang gawain ng Diyos sa mga huling araw; Siya ay nagsasalita lamang, nang sa gayon ang daigdig ay maging isang mundo ng mga salita, upang ang bawa’t tao ay mapaglaanan at maliwanagan ng Kanyang mga salita, at upang ang espiritu ng tao ay magising at siya ay malinawan tungkol sa mga pangitain. Sa mga huling araw, ang Diyos na nagkatawang-tao ay naparito sa lupa pangunahin na upang magbahagi ng Kanyang mga salita. Noong dumating si Jesus, pinalaganap Niya ang ebanghelyo ng kaharian ng langit, at tinupad ang gawain ng pagtubos sa pamamagitan ng pagpapapako sa krus.

Tagalog Gospel Songs | Walang Nakauunawa sa Kalooban ng Diyos




Tagalog Gospel Songs | Walang Nakauunawa sa Kalooban ng Diyos


 I
Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa gitna n'yo.
Ngunit walang bakas ng sampung porsiyento ng Diyos.
Ang sampung porsiyentong bigay ng maka-Diyos,
inaagaw at kinukuha ng masama.
Di ba kayong lahat ay ikinakalat mula sa Diyos?
Di ba kayo palaban sa Diyos?
Paano makikita ng Diyos ang masama
n'yong gawa bilang bagay na mahalaga?
Kusang ipinagkaloob ng Diyos ang lahat sa inyo,
kaya kahit nagdurusa kayo, nakakamit pa rin n'yo
lahat ng dinadala Niya para sa inyo mula sa langit.
Ngunit wala talaga kayong paglalaan.
Kahit kaunti ang inyong inilalaan,
kalaunan kayo'y magbibigay-sulit sa Diyos.