Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang tinig ng Diyos| Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, Kaharian, Biyaya

Kristianong Awitin|Ang tinig ng Diyos | Ang Ikalabing-apat na Pagbigkas


   Sa mga nagdaang kapanahunan, wala pang taong nakapasok sa kaharian at sa gayon ay wala pang nakapagtamasa ng biyaya ng Kapanahunan ng Kaharian, wala pang nakakita sa Hari ng kaharian. Bagama't sa ilalim ng pagpapalinaw ng Aking Espiritu, maraming tao ang nagpropesiya ng kagandahan ng kaharian, panlabas lamang ang alam nila, hindi ang panloob na kahalagahan nito. Ngayong araw, sa pagdating ng kaharian tungo sa pormal na pag-iral sa lupa, karamihan sa sangkatauhan ay alam pa rin hindi lamang kung ano ang dapat na maisakatuparan, kung anong kinasasaklawan ang pagdadalhan sa tao sa kasukdulan, sa Kapanahunan ng Kaharian. Tungkol dito, ikinatatakot Ko na ang lahat ng mga tao ay nasa isang estado ng pagkalito. Dahil ang araw ng ganap na pagsasakatuparan ng kaharian ay hindi pa lubusang dumarating, lahat ng tao ay nalilito, hindi ito makita nang malinaw. Ang aking gawa sa pagka-Diyos ay nagsisimula nang pormal sa Kapanahunan ng Kaharian. Ito ay sa pamamagitan ng pormal na pagsisimula ng Kapanahunan ng Kaharian na ang Aking disposisyon ay nagsisimula na progresibong ihayag ang kanyang sarili sa tao. Kaya sa sandaling ito ang banal na trumpeta ay pormal na nagsisimulang tumunog at magpahayag sa lahat. Kapag pormal Ko nang nakuha ang Aking kapangyarihan at paghahari bilang Hari sa kaharian, ang lahat ng Aking mga tao ay gagawin Kong ganap sa pagdaan ng panahon. Kapag ang lahat ng mga bansa ng daigdig ay nagkagulo, iyon ang tiyak na oras na ang Aking kaharian ay itatatag at huhugisan at kung kailan din Ako ay magbabagong-anyo at babalik sa buong sansinukob. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga tao ay makikita ang Aking maluwalhating mukha, makikita ang Aking totoong itsura. Mula sa paglikha ng mundo hanggang sa kasalukuyan, ang sangkatauhan ay natiwali ni Satanas na hanggang sa ngayon ay umiiral ito. Sa katiwalian ng tao, ako ay naging higit at higit pang nalilingid mula sa mga tao at lalong hindi-maarok sa kanila. Hindi pa kailanman nakita ng tao ang Aking tunay na mukha, hindi kailanman direktang nakipag-ugnayan sa Akin. Tanging sa sabi-sabi at mitolohiya lamang nagkaroon ng isang “Ako” sa likhang-isip ng tao. Ako samakatuwid ay naaayon sa likhang-isip ng tao, iyon ay, sa mga pantaong pagkaintindi, upang mapakitunguhan ang “Ako” sa isipan ng mga tao, na maaari Kong mabago ang estado ng “Ako” na natanim sa kanilang isip sa napakaraming taon. Ito ang prinsipyo ng Aking gawa. Wala kahit isang tao ang nakaalam nito nang lubos na lubos. Kahit ang mga tao ay nangagpatirapa sa Akin at humarap sa Akin upang sumamba sa Akin, hindi ako nasisiyahan sa naturang mga kilos ng mga tao dahil sa kanilang mga puso hindi nila hawak ang Aking imahe, kundi isang imaheng panlabas sa Akin. Samakatuwid, ang kanilang isip ay kulang ng Aking disposisyon, wala silang alam sa totoong mukha Ko. Samakatuwid, kapag sa tingin nila ay lumaban sila sa Akin o sinuway ang Aking mga kautusan sa pangangasiwa, isasawalang bahala ko muna ito. At samakatuwid, sa kanilang mga alaala, Ako ay isang Diyos na nagpapakita ng awa sa mga tao sa halip na kinakastigo sila, o Ako ang Diyos Mismo na hindi ginagawa ang sinasabi Niya. Lahat ng mga ito ay mga likhang-isip na naibunga sa pag-iisip ng tao at hindi naaayon sa mga pangyayari.

Kristianong Awitin| Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao

Pagkakatawang-tao, Jesus, Diyos, Himno, espiritu


Kidlat ng SilangananKristianong Awitin| Sa Pagkakatawang-tao Lamang ng Diyos Magiging Katiwala Niya Ang Tao

I
Kapag ibinibaba ng Diyos ang sarili Niya,
Siya’y nagkakatawang-tao’t nananahan sa tao,
saka lang sila maaring maging,
kanyang katiwala’t matalik na kaibigan.
Paano magiging katiwala ng Diyos ang tao
kung ang Diyos ay espiritu, angat at mahirap arukin?
Tanging sa pagkakatawang-tao lamang ng Diyos
mauunawaan ng tao ang kalooban Niya at matamo Niya.

Kidlat ng Silanganan| Ang Kalooban ng Diyos| Ang Ikalabintatlong Pagbigkas

Kidlat ng Silanganan| Ang Kalooban ng Diyos| Ang Ikalabintatlong Pagbigkas


    Nakatago sa loob ng mga pagpapahayag ng Aking tinig ang isang bilang ng Aking mga layunin. Ngunit walang nalalaman at naiintindihan ang tao tungkol sa mga ito, at patuloy na tinatanggap ang Aking mga salita buhat sa labas at sinusunod ito mula sa labas, na walang kakayahang unawain ang Aking puso o alamin ang Aking kalooban mula sa Aking mga salita. Kahit na gawin Kong malinaw ang Aking mga salita, mayroon bang sinumang nakauunawa? Mula sa Sion, nagtungo Ako sa sangkatauhan. Dahil isinuot Ko ang pagkatao ng isang ordinaryong tao at dinamitan Ko ang Aking sarili ng balat ng isang tao, lumalapit lamang ang mga tao sa Akin, upang tingnan ang Aking panlabas na anyo, ngunit hindi nila nalalaman ang buhay na umiiral sa Aking kaloob-looban, o nakikilala man lamang ang Espiritu ng Diyos, at ang kilala lamang nila ay ang taong nasa laman. Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat para subukan ninyong kilalanin Siya? Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa inyong ginagawang pagsisikap para subukin na “suriin” Siya? Kinasusuklaman Ko ang katiwalian ng buong sangkatauhan, ngunit nahahabag Ako sa kanilang kahinaan. Pinakikitunguhan Ko rin ang dating kalikasan ng buong sangkatauhan. Bilang isa sa Aking bayan sa China, hindi ba bahagi rin kayo ng sangkatauhan? Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo. Sa kadahilanang ito, ginamit Ko ang pinakamalaking bahagi ng lakas sa inyo, ang pinakamalaking bahagi ng pagsisikap. Hindi ninyo pa rin ba iniingatan ang pinagpalang buhay na ikinalulugod ninyo ngayon? Pinatitigas ninyo pa rin ba ang inyong puso upang maghimagsik laban sa Akin at sundin ang inyong sariling mga panukala? Kung hindi Ko pinanatili ang Aking awa at pagmamahal sa inyo, matagal nang bumagsak ang buong sangkatauhan bilang bihag ni Satanas at magiging “napakasarap na piraso” sa bibig nito. Sa araw na ito, sa gitna ng buong sangkatauhan, silang tunay na gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin at buong puso Akong minamahal ay hindi pa rin sapat na mabilang sa mga daliri sa isang kamay. Maaari kayang sa ngayon, ang titulo na[a] “Aking bayan” ay naging personal ninyo nang pag-aari? Ang konsensya mo kaya ay basta na lang nanlamig? Tunay ka kayang karapat-dapat na maging bayan na Aking hinahangad? Kung iisipin Ko ang nakaraan, at titingnan Kong muli ang kasalukuyan, sino ang nakapagbigay ng kasiyahan sa Aking puso? Sino ang nagpakita ng tunay na malasakit sa Aking mga layunin? Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.

Kidlat ng Silanganan| Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita

Pag-ibig, Pamilya, Diyos, Mabuhay, Kapatid

Kidlat ng Silanganan| Mabuhay sa Pag-ibig ng Diyos | Sa Pamilya ng Diyos Tayo ay Nagkikita

I
Nagmamahal sa isa’t-isa, tayo ay pamilya.
Ahh … ahh … ahh …
Sa pamilya ng Diyos tayo ay nagkikita;
isang pagtitipon ng mga nagmamahal sa Diyos.
Na walang kinikilingan; malapit na samasama,
ang tamis at saya sa puso’y umaapaw.
Pagsisisi sala’y iniwan natin kahapon;
ngayon tayo’y nagkakaintindihan,
namumuhay sa pag-ibig ng Diyos.
Gaano kasaya kung tayo’y
nagkakaintindihan at walang katiwalian.
Mga kapatid na nagmamahal, tayo ay pamilya.
Na walang kinikilingan, malapit na samasama.
Ahh … ahh … ahh …
oohing……

Kidlat ng Silanganan| Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan



Kidlat ng Silanganan| Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Awa ng Diyos sa Sangkatauhan


Ang “awa” ay pwedeng unawain sa iba’t-ibang paraan.
Ang magmahal at pag-iingat at pag-aalaga.
Ang “awa” ito’y malalim at masidhing pagkapit.
Ito ay pag-aalagang ayaw manakit.
Ang lahat ng ito’y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito’y pahayag ng damdaming sila’y di isusuko.
Ang lahat ng ito’y sumasalamin sa pag-ibig at lambing,
ito’y pahayag ng damdaming sila’y di isusuko.
Ito’y awa ng Diyos at pagpaparaya sa tao.
Salitang karaniwan gamit ng Diyos sa tao,
ito’y nagdadala ng Kanyang puso’t saloobin sa tao.
Nang Diyos ay nagwika, binunyag lahat ng ganap.
Ang kalsada sa Nineveh, katulad din ng Sodoma,
ganap ang kaguluhan at kasamaan.
Ngunit dahil sila’y nagsisi, nabago ang puso ng Diyos,
kanilang pagwasak ay napalitan na ng awa.
Tungo sa habilin at salita ng Diyos,
ang kanilang gawa’t ugali ay iba sa taga Sodoma.
Pagsuko nila sa Diyos, ito ay ganap at lubos,
at tunay na nagsisi sa kasalanang nagawa.
Sila ay tunay at tapat sa lahat ng paraan.
Kaya’t muling iginawad ng Diyos taos-pusong awa sa kanila.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas

sansinukob, Kaalaman, Diyos, sangkatauhan, pagkakatawang-tao

Kidlat ng Silanganan | Ang Kalooban ng Diyos | Ang Ikalabindalawang Pagbigkas


     Kapag ang kidlat ay lumabas mula sa Silangan—na siyang tiyak ding sandali ng Aking pagbigkas—sa sandaling ang kidlat ay dumating, ang buong kalangitan ay magliliwanag, at ang lahat ng mga bituin ay nagsisimulang mag ibang anyo. Ito ay tila bang ang buong sangkatauhan ay sumailalim sa isang angkop na paglilinis at paghihiwalay. Sa ilalim ng liwanag nitong katawan ng ilaw mula sa Silangan, ang buong sangkatauhan ay nabunyag sa kanilang totoong anyo, ang mga mata ay nasilaw, natigil sa pagkalito; iilan pa rin sa mga ito ang makapagtatago ng kanilang pangit na mga katangian. Muli, sila ay tulad ng mga hayop na tumatakas mula sa Aking liwanag upang kumubli sa mga kuweba ng kabundukan; ngunit, wala kahit isa sa mga ito ang maaaring mapawi mula sa loob ng Aking liwanag. Ang lahat ng tao’y napapaloob sa mahigpit na pagkakahawak ng takot at pagka-alarma, ang lahat ay naghihintay, ang lahat ay nanonood; sa pagdating ng Aking liwanag, ang lahat ay nagalak sa araw ng kanilang pagsilang, at gayon din ang lahat ay isinusumpa ang araw ng kanilang kapanganakan. Ang mga magkahalong damdamin ay imposibleng masabi; ang mga luha ng pagpaparusa sa sarili ay bumubuo ng ilog, at dinadala palayo sa malawak na dagsa ng tubig, nawawala nang walang bakas sa isang kislap. Muli, ang Aking araw ay lumalapit na sa sangkatauhan, at muling pinupukaw ang sangkatauhan, na nagbibigay sa mga tao ng isang punto mula sa kung saan bubuo ng bagong simulain. Ang puso Ko ay tumitibok at, sumusunod sa mga indayog ng Aking tibok ng puso, ang mga bundok ay lumulundag sa kagalakan, ang mga tubig ay sumayaw sa kagalakan, at ang mga alon, sumusunod sa oras, humahampas sa batuhan. Mahirap ipahayag kung ano ang nasa Aking puso. Nais Kong sunugin ang lahat ng maruruming mga bagay hanggang maging abo sa ilalim ng Aking mga titig, Nais Ko na lahat ng mga anak ng pagsuway ay mawala mula sa Aking harapan, hindi na kailanman pa bumalik sa pag-iral. Hindi lamang Ako gumawa ng isang bagong panimula sa tirahan ng malaking pulang dragon, ako rin ay pumasok sa bagong gawain sa sansinukob. 'Di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magiging Aking kaharian; 'di magtatagal ang mga kaharian sa lupa ay magpakailanmang titigil sa pag-iral dahil sa Aking kaharian, dahil Aking nakamit ang tagumpay, sapagka’t Ako ay bumalik nang matagumpay. Inubos ng malaking pulang dragon ang bawat maiisip na paraan upang sirain ang Aking plano, umaasang mabura ang Aking gawa sa ibabaw ng lupa, ngunit maaari ba Akong mawalan ng pag-asa dahil sa kanyang mga pandaraya? Dapat ba Akong matakot sa pagkawala ng tiwala sa pamamagitan ng mga banta nito? Kailanman walang kahit isang nilalang saan man sa langit o sa lupa ang hindi Ko hawak sa Aking palad; gaano pa higit na totoo ito sa malaking pulang dragon, itong kagamitang ito na nagsisilbi bilang pagkakaiba sa Akin? Ito ba ay hindi rin isang bagay na pinapatakbo ng Aking mga kamay?

Kidlat ng Silanganan| Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos



Kidlat ng Silanganan| Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos

 

Sangkatauhang tinapakan ni Satanas,

sina Eba at Adan ay di na naging tulad sa simula ng paglikha.

Ngunit puno ng mga paniwala, kaalaman, imahinasyon

at mga bagay na salungat sa Maylikha.

Puno ng tiwaling disposisyon.

Gayunpaman, sa mata ng Diyos sila’y Kanya pa ring nilikha.


‘Pag narinig ng tao ang tawag ng Lumikha,

tinig Nya’y hahanapin agad kung saan ito nanggagaling.

‘Pag ang anyo ng Lumikha ay masilayan man lang,

lahat ay kanyang iiwan upang sarili’y ilaan,

buhay ma’y handang ialay para sa Diyos.


Sa tao’y Diyos pa rin ang sasaayos at namamahala,

tao’y tumatahak pa rin sa landas na Diyos ang may takda.

Kaya sa Kanyang mata, tao’y tiwali, tiniwali ni Satanas.

Nabalot lamang ng dumi, tinaglay ng kagutuman,

medyo mabagal and reaksyon, mahina ang memorya, may kaunting edad sa gulang.

Ngunit lahat ng tungkulin at likas na ugali nanatiling buo.

Ito ang sangkatauhang ibig iligtas ng Diyos.


‘Pag buong pusong naintindihan ng tao, ang nais ipabatid ng maalab Nya’ng tinig,

itatakwil at iiwanan niya si Satanas upang pumunta sa tabi, sa tabi ng Lumikha.

Kapag ang dungis ay lubusan nang nalinis,

muli pamo ng buhay ay tinatanggap mula sa Lumikha,

alaala ng sangkatauha’y manunumbalik.

Nang sa gayo’y tuluyan siya’ng babalik sa dominyon ng Lumikha.

At siya’y tunay at tuluyan nang babalik sa dominion ng Lumikha.


‘Pag narinig ng tao ang tawag ng Lumikha,

tinig Nya’y hahanapin agad kung saan ito nanggagaling.

‘Pag ang anyo ng Lumikha ay masilayan man lang,

lahat ay kanyang iiwan upang sarili’y ilaan,

buhay ma’y handang ialay para sa Diyos, para sa Diyos.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Rekomendasyon:


Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!


Ang maikling panimula ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw