Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Kidlat ng Silanganan| Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos



Kidlat ng Silanganan| Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos


Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos,
dapat hanapin kalooban N’ya,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos.
Dahil kung nasa’n bagong salita N’ya,
naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos,
naro’n gawa N’ya, naro’n gawa N’ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos,
naro’n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos,
naroon ang katotohanan, daan, buhay.

Habang hanap bakás ng Diyos,
iniwasan salitang, “Diyos ang katotohanan, daan, buhay.”
Kaya katotohana’y tanggap ng tao,
di sila naniniwalang bakas ng Diyos ay nahanap
lalong ‘di kinikilala pagpapakita ng Diyos.
Anong kamalian! Anong kamalian!
Pagpapakita ng Diyos ‘di ayon sa paniwala ng tao
lalo na pagpapakita ng Diyos sa hiling ng tao.
Pag Diyos gumagawa,
S’yang pumipili, S’yang pumipili, may sarili S’yang plano.
Higit pa, may Sarili S’yang layon, at sariling paraan, sariling paraan.
Pag S’ya’y gumagawa, di Niya kailangang talakayin ito sa tao,
di-hanap payo ng tao, ni ‘pabatid sa lahat.
Ito’ng disposisyon ng Diyos,
dapat itong matanto ng lahat.

Kung nais n’yong saksihan, pagpapakita ng Diyos,
nais sundan, mga bakás ng Diyos,
lampasan muna sariling paniwala.
Di n’yo dapat hilingin na gawin N’ya ito o ‘yan,
ni ilagay S’ya sa iyong limitasyon
at limitahan S’ya ng ‘yong pagkaunawa.
Sa halip magtanong paano hahanapin bakas ng Diyos,
tanggapin ang pagpapakita ng Diyos,
at pa’no papasakop sa bagong gawain Niya;
‘yan dapat gawin ng tao, dapat gawin ng tao.
Yamang walang sinuman ang katotohanan,
at walang may-angkin ng katotohanan,
tao’y dapat maghanap, tumanggap at sumunod.
Yamang walang sinuman ang katotohanan,
at walang may-angkin ng katotohanan,
tao’y dapat maghanap, tumanggap at sumunod.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Rekomendasyon:
 
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang mga Karanasan ni Pedro: Ang Kanyang Kaalaman sa Pagkastigo at Paghatol



      Noong siya ay kinakastigo ng Diyos, nanalangin si Pedro, “O Diyos! Ang aking laman ay masuwayin, at kinakastigo Mo ako at hinahatulan ako. Ako ay nagagalak sa Iyong pagkastigo at paghatol, at kahit hindi Mo ako nais, sa Iyong paghatol ay nakikita ko ang Iyong banal at matuwid na disposisyon. Kapag hinahatulan Mo ako, upang makita ng iba ang Iyong matuwid na disposisyon sa Iyong paghatol, ako ay nasisiyahan. Kung ito ay makapagtatanghal ng Iyong disposisyon, at magtutulot na ang Iyong matuwid na disposisyon ay makita ng lahat ng mga nilalang, at kung madadalisay nito nang higit ang aking pag-ibig sa Iyo, upang aking matamo ang larawan ng isa na matuwid, kung gayon ang Iyong paghatol ay mabuti, sapagka’t gayon ang Iyong mapagpalang kalooban. Batid ko na malaki pa rin sa akin ang mapanghimagsik, at na ako ay hindi pa rin naaangkop na lumapit sa harap Mo. Nais ko para sa Iyo na hatulan pa ako nang higit, kung sa pamamagitan man ito ng palabang kapaligiran o malaking mga kapighatian; sa paanong paraan Mo man ako hatulan, para sa akin ito ay napakahalaga. Ang Iyong pag-ibig ay napakalalim, at ako ay payag na ihain ang aking sarili sa Iyong kahabagan nang walang munti mang pagdaing.” Ito ang kaalaman ni Pedro pagkatapos niyang maranasan ang gawa ng Diyos, at ito rin ay isang patotoo sa kanyang pag-ibig sa Diyos. Ngayon, kayo ay nalupig na—nguni’t sa paanong paraan ang pagkalupig na ito ay naihahayag sa inyo? May mga taong nagsasabi, “Ang paglupig sa akin ay ang pinakamataas na biyaya at pagtataas ng Diyos. Ngayon ko lamang napagtanto na ang buhay ng tao ay hungkag at walang halaga. Ang mabuhay ay lubhang walang kabuluhan, mas gugustuhin ko pang mamatay. Bagaman ginugugol ng tao ang kanyang buhay sa pagmamadali, pamumunga at pagpapalaki ng henerasyon pagkatapos ng isa pang henerasyon ng mga bata, sa kasukdulan ay walang matitira sa tao. Ngayon, pagkatapos lamang na malupig ng Diyos ay nakita ko na walang kabuluhan ang pamumuhay sa ganitong paraan; ito ay tunay na walang-kahulugang buhay. Mabuti pang mamatay ako at matapos na ito!” Ang gayon bang mga tao na nalupig ay matatamo ng Diyos? Sila ba ay maaaring maging halimbawa at huwaran? Ang gayong mga tao ay mga aral sa pagiging walang-pakialam, wala silang mga hangarin, at hindi nagsisikap upang mapabuti ang kanilang mga sarili! Bagaman sila ay nabibilang sa nalupig, ang gayong mga tao na walang-pakialam ay hindi kayang gawing perpekto. Noong malapit na siyang mamatay, pagkatapos siyang magawang perpekto, sinabi ni Pedro, “O Diyos! Kung ako ay mabubuhay ng ilan pang mga taon, nais kong magkaroon nang higit pang dalisay at higit pang malalim na pag-ibig sa Iyo.” Noong siya ay ipapako na sa krus, nanalangin siya sa kanyang puso, “O Diyos! Ang Iyong panahon ay ngayon dumating, ang panahong Iyong inihanda para sa akin ay dumating na. Ako ay dapat maipako sa krus para sa Iyo, dapat kong dalhin itong patotoo sa Iyo, at ako ay umaasa na ang aking pag-ibig ay makatutugon sa Iyong mga kinakailangan, at na ito ay magiging higit pang dalisay. Ngayon, ang makayang mamatay para sa Iyo, at maipako sa krus para sa Iyo, ay umaaliw at nagbibigay-katiyakan sa akin, sapagka’t wala nang higit pang kasiya-siya sa akin kaysa makayang mapako sa krus para sa Iyo at mabigyang-kasiyahan ang Iyong mga kanaisan, at makayang ibigay ang sarili ko sa Iyo, maialay ang aking buhay sa Iyo. O Diyos! Ikaw ay lubhang kaibig-ibig! Kung tutulutan Mo akong mabuhay, lalo pa akong magiging handang ibigin Ka. Habang ako ay buhay, iibigin Kita. Nais kong ibigin Ka pa nang higit na malalim. Hatulan Mo ako, at kastiguhin ako, at subukin ako dahil ako ay hindi matuwid, dahil ako ay nagkasala. At ang Iyong matuwid na disposisyon ay nagiging higit na maliwanag sa akin. Ito ay isang pagpapala sa akin, sapagka’t naiibig Kita nang higit na malalim, at handa akong ibigin Ka sa ganitong paraan kahit na hindi Mo ako iniibig. Handa akong makita ang Iyong matuwid na disposisyon, sapagka’t mas lalo ako nitong binibigyang-kakayahan upang isabuhay ang isang makahulugang buhay. Nararamdaman ko na ang buhay ko ngayon ay higit na may kabuluhan, sapagka’t ipinapako ako sa krus para sa Iyong kapakanan, at napakahalagang mamatay alang-alang sa Iyo. Gayun pa man hindi pa rin ako nakakaramdam na nasisiyahan, sapagka’t lubhang kakaunti lamang ang nalalaman ko hinggil sa Iyo, batid ko na hindi ko ganap na matutupad ang Iyong mga iniaatas, at kakaunti lamang ang mga naibayad ko sa Iyo. Sa aking buhay, hindi ko nakayang ibigay ang buong sarili ko sa Iyo; malayo pa ako roon. Habang lumilingon ako sa sandaling ito, nararamdaman ko ang lubhang pagkakautang ko sa Iyo, mayroon na lamang ako ng sandaling ito upang bumawi mula sa lahat ng mga pagkakamali ko at lahat ng pag-ibig na hindi ko naibalik sa Iyo.”

Tanging Ang Lumikha ang May Awa sa Sangkatauhang Ito



Kidlat ng Silanganan| Tanging Ang Lumikhaang May Awa sa Sangkatauhang Ito

Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa’t pag-ibig.
Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha, sa Kanyang mga nilikha.
Bawa’t isipin Niya’y para sa kabutihan ng tao.
Bawa’t damdamin Niya’y kapulupot ng kanilang pag-iral.
Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao.
Lahat ay para sa tao.

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Sa Wakas Namumuhay na Ako nang Kaunti na Parang Tao

Kidlat ng SilangananSa Wakas Namumuhayna Ako nang Kaunti na Parang Tao

Xiangwang    Sichuan Province
      Lubos kong nadarama na kinakastigo ako tuwing nakikita ko na sinasabi ng mga salita ng Diyos na: “Malupit, marahas na sangkatauhan! Ang pakikipagsabwatan at intriga, ang pagsasakitan sa isa’t-isa, ang pag-aagawan ng reputasyon at kayamanan, ang palitang pagpatay—kailan ito matatapos? Ang Diyos ay nagsalita ng daang-libong mga salita, ngunit walang isa mang tao ang natauhan. Sila ay kumikilos para sa kapakanan ng kanilang mga pamilya, at mga anak na lalaki at babae, para sa kanilang mga propesyon, pag-asa, katayuan, karangyaan, at kayamanan, para sa kanilang mga damit, para sa pagkain at sa laman—kaninong mga pagkilos ang talagang para sa kapakanan ng Diyos? Kahit sa gitna ng mga kumikilos para sa Diyos, kaunti lang ang nakakakilala sa Diyos. Ilan ang hindi kumikilos upang mapanatili ang kanilang sariling kapakanan? Ilan ang hindi nang-aapi ng iba para sa pagpapanatili ng kanilang sariling katayuan? Kaya, ang Diyos ay sapilitang hinatulan ng kamatayan nang di mabilang na beses, di-mabilang na salbaheng hukom ang humatol sa Kanya at minsan pang ipinako Siya sa krus” (“Ang Masama ay Nararapat Parusahan” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Iniisip ko kung bakit hindi ko hinanap ang katotohanan, kung paano sa pagganap ko sa aking tungkulin ay paulit-ulit akong nakipagkumpitensya sa aking mga katrabaho, kung paano ko pinipigil o inaayawan ang iba alang-alang sa aking reputasyon at pakinabang—kung paano ako nagdulot ng pagkawala kapwa sa buhay ko, at sa gawain ng pamilya ng Diyos. Bagama’t isinaayos ng Diyos ang maraming sitwasyon para iligtas ako, naging manhid ako at lubos kong hindi naunawaan ang layunin ng Diyos. Pero patuloy akong kinahabagan ng Diyos, iniligtas, at pagkatapos lamang ng paulit-ulit na pagkastigo at paghatol ako nagising at naunawaan ko na nais ng Diyos na iligtas tayo, na isinasantabi ang pagnanasa kong gumanda ang aking reputasyon at katayuan at magsimulang kumilos nang kaunti na parang tao.

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Minamasdan ang Pagpapakita ng Diyos sa Kanyang Paghatol at Pagkastigo


 Katulad ng daan-daang milyong ibang mga tagasunod ng Panginoong Jesucristo, tayo ay sumusunod sa mga batas at utos ng Biblia, tinatamasa ang masaganang biyaya ng Panginoong Jesucristo, nagsasama-sama, nananalangin, nagpupuri, at naglilingkod sa ngalan ng Panginoong Jesucristo—at lahat ng ito ay ating ginagawa sa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Panginoon. Tayo ay madalas na mahina, at madalas ay malakas. Tayo ay naniniwala na ang lahat ng ating kilos ay alinsunod sa aral ng Panginoon. Maliwanag, kung gayon, na tayo rin sa ating sarili ay naniniwalang lumalakad sa landas ng pagsunod sa kagustuhan ng Ama sa langit. Nananabik tayo sa pagbabalik ng Panginoong Jesus, sa maluwalhating pagdating ng Panginoong Jesus, sa pagtatapos ng ating buhay dito sa lupa, sa pagpapakita ng kaharian, at sa lahat gaya ng nasasaad sa Aklat ng Pahayag: Ang Panginoon ay dumating, at may dalang sakuna, gagantimpalaan ang mabubuti at paparusahan ang masasama, isasama ang lahat ng sumusunod sa Kanya at malugod na tanggapin ang Kanyang pagbalik mula sa alapaap upang Siya ay salubungin. Tuwing ito’y ating maiisip, hindi natin mapigilang manaig ang ating damdamin. Tayo ay nagpapasalamat na tayo ay isinilang sa mga huling araw, at tayo ay mapalad na masaksihan ang pagdating ng Panginoon. Bagaman tayo ay nakaranas ng pag-uusig, ito naman ay para sa “lalo’t lalong bigat ng kaluwalhatiang walang hanggan”; kay laking pagpapala nito! Ang lahat ng pananabik na ito at ang biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon ay dinadala tayo sa mahinahong panalangin, at tayo ay pinagsasama-sama nang madalas. Maaari ay sa susunod na taon, maaaring bukas, o maaring sa lalong madali kung kailan hindi inaasahan ng tao, ang Panginoon ay biglaang darating, at tiyak na magpapakita sa gitna ng kalipunan ng mga taong masigasig na naghihintay sa Kanya. Lahat tayo ay nakikipagpaligsahan sa isa’t isa, walang nagnanais na maiwan, nang sa ganoon ay maging unang kalipunan na mamasdan ang pagpapakita ng Panginoon, na maging isa sa mga unang aagawin sa alapaap. Ibinigay natin ang lahat, hindi alintana ang kalalabasan, para sa pagdating ng araw na ito. Ang ilan ay isinuko ang kanilang mga trabaho, ang ilan ay iniwan ang kanilang mga pamilya, ang ilan ay tinalikuran ang kanilang mga buhay may asawa, at ang ilan ay ipinamigay na ang kanilang mga inipon. Anong walang pag-iimbot na debosyon! Ang gayong sinseridad at katapatan ay nalampasan kahit ang mga banal sa nakalipas na panahon! Habang ang Panginoon ay nagkakaloob ng biyaya sa kung sinumang Kanyang naisin, at habag sa sinumang Kanyang naisin, ang ating debosyon at pagpapagal, tayo ay naniniwala, ay nakita na rin ng Kanyang mga mata. Gayundin, ang ating taos-pusong mga panalangin ay naabot na rin ang Kanyang mga tainga, at tayo ay nagtitiwala na tayo ay gagantimpalaan ng Panginoon dahil sa ating debosyon. Bukod doon, ang Diyos ay nagmagandang-loob sa atin bago pa man Niya nilikha ang mundo, at walang sinuman ang makapag-aalis ng mga pagpapala at pangako ng Diyos sa atin. Tayong lahat ay nagpaplano para sa hinaharap, at ating nakikini-kinita na ang ating debosyon at pagpapagal ay ating inilalaan para sa ating pagsalubong sa ating Panginoon sa hangin. Higit sa lahat, wala ni katiting na pag-aatubili, inilalagay natin ang ating sarili sa trono sa hinaharap, pinamumunuan ang lahat ng mga bansa at mga tao, o mga namamahala bilang mga hari. Ang lahat ng ito ay inaakala nating ibinigay na, o isang bagay na maaasahan.

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan

Kidlat ng Silanganan| Kumikilos ang Banal na Espiritu sa Maprinsipyong Paraan


Qin Shuting, Lungsod ng Linyi, Lalawigan ng Shandong
      Sa ilang panahon, bagama’t hindi ako tumigil sa pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos, hindi ko kailanman naramdaman ang liwanag. Ako ay nanalangin sa Diyos para dito ngunit, pagkatapos, hindi pa rin ako naliwanagan. Kaya naisip ko, “kumain ako at uminom ng nararapat sa akin at ang Diyos ay hindi ako nililiwanagan. Wala akong magagawa, at wala akong kakayahan upang makatanggap ng mga salita ng Diyos. May oras para liwanagan ng Diyos ang bawat tao, kaya hindi kailangang pagsikapang madaliin ito.” Pagkaraan, iningatan ko ang mga alituntunin at kumain at uminom ng mga salita ng Diyos nang walang pagkabalisa, “matiyagang” naghihintay sa pagliliwanag ng Diyos.
      Hanggang isang araw, nabasa ko ang mga salitang ito ng Diyos: “Sapagkat lumalapit kang may pasanin sa harap ng Diyos at palagi mong nadadama na masyado kang maraming kakulangan, na maraming mga katotohanan ang kailangan mong malaman, maraming realidad ang kailangan mong maranasan, at na dapat mong ibigay ang bawat pagmamalasakit sa kalooban ng Diyos—ang mga bagay na ito ay palaging nasa iyong isip, at para bang dinadaganan ka ng mga ito nang husto na hindi ka makahinga, at kung kaya nakadadama ka ng sobrang kalungkutan (ngunit hindi sa isang negatibong kalagayan). Ang mga tao lamang kagaya nito ang karapat-dapat na tumanggap sa pagliliwanag ng mga salita ng Diyos at kikilusan ng Espiritu ng Diyos. Ito ay dahil sa kanilang pasanin, dahil sila ay napakalungkot, at, maaaring sabihin, dahil sa halaga na kanilang ibinayad at ang pagdurusa na kanilang tiniis sa harap ng Diyos kaya nila natatanggap ang pagpapaliwanag at pagpapalinaw, sapagkat hindi binibigyan ng Diyos ang sinuman ng natatanging pagtrato. Palagi Siyang patas sa Kanyang pagtrato sa mga tao, ngunit hindi rin siya kapritsoso sa Kanyang paglalaan sa mga tao, at hindi nagbibigay sa kanila nang lubusan. Ito ay isang aspeto ng Kanyang matuwid na disposisyon” (“Ang Pagtatatag ng Isang Wastong Kaugnayan sa Diyos ay Napakahalaga” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Sa pagninilay sa mga salitang ito ng Diyos, naunawaan ko: Ang Diyos ay isang matuwid na Diyos. Siya ay hindi kailanman di-makatwiran sa Kanyang pagkakaloob sa tao, at hindi nagbibigay sa tao nang walang kundisyon. Para ang mga tao ay makatanggap ng pagliliwanag at pagpapalinaw ng Diyos, dapat nilang payapain ang kanilang mga puso sa harap ng Diyos at magkaroon ng puso na nagnanais at humahanap sa mga salita ng Diyos. Dapat nilang dalhin ang pasanin para sa kanilang sariling mga buhay at hanapin ang kanilang sariling mga pagkukulang sa mga salita ng Diyos. Nagdadala ng kanilang pasanin, dapat sadyang kumain at uminom sila ng mga salita ng Diyos upang ibigay ang bawat pag-iingat sa Kanyang kalooban at tumungo nang lalong malalim sa katotohanan. Sa pamamagitan lamang ng totoong pagbabayad ng gayong halaga upang makasamang gumawa ang Diyos maaaring makuha ng isa ang pagliliwanag ng Diyos. Sa paggunita, wala akong dinadalang pasanin ni nag-iingat sa anumang paraan sa anumang pagnanasang kumain at uminom ng mga salita ng Diyos. Bawat pagkakataon na kinuha ko ang aklat ng salita ng Diyos, bubuksan ko at makikita na nabasa ko na ang siping ito at nabasa ko na ang siping iyon, iniisip na medyo mayroon akong ideya tungkol sa bawat sipi. Pagkatapos ay makakahanap ako ng anumang luma, bibigyan ito ng isang madaliang pagbasa, at pagkatapos ay tapos na ako. Kapag kumakain at umiinom ako ng mga salita ng Diyos, sapat lamang para sa akin na maunawaan ang literal na kahulugan ng mga salita, na tumutuon lamang sa pagsunod ng ilang mga alituntunin at kasanayan. Tiyak na hindi ko nakitang mabuti ang katotohanan na kailangan kong pasukan, ni hindi ko nabibigyang-kasiyahan ang puso ng Diyos. Wala talaga akong pinapasan sa sarili kong buhay, ni hindi ako nag-aalala tungkol sa hindi pagkakaroon sa aking sarili ng sapat na katotohanan; Ginagawa ko lang ang aking pagkain at pag-inom ng mga salita ng Diyos nang walang bahala. Sa ganitong walang bahalang saloobin sa mga salita ng Diyos, papaano ko makukuha ang Kanyang pagliliwanag at pagpapalinaw? Hindi talaga ako gumagawa kasama ang Diyos, at ginagamit ang “May panahon na liliwanagan ng Diyos ang bawat tao” bilang isang dahilan upang maghintay nang walang taros sa pagliliwanag ng Diyos. Talagang ako ay naging napakamangmang! Ngayon ko lamang ito napagtanto, bagama’t may oras na liliwanagan ng Diyos ang bawat tao, ito ay totoo, may prinsipyo sa likod ng gawain ng Banal na Espiritu sa tao. Ang tao mismo ay dapat na magkaroon ng nagnanasang, naghahanap na puso upang maging positibo at aktibong makasama sa gawain ang Diyos. Pagkatapos lamang magagawa ng Banal na Espiritu na kumilos sa tao at liwanagin at palinawin ang pag-unawa ng tao sa kalooban ng Diyos, upang maunawaan nila ang katotohanan sa Kanyang mga salita.

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia”

Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia”

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Isang Seleksyon Mula sa Apat na Sipi ng Salita ng Diyos “Tungkol sa Biblia

      1. Sa maraming taon, ang mga kinaugalian na paraan ng paniniwala ng mga tao (ng Kristiyanidad, ang isa sa tatlong pangunahing relihiyon ng mundo) ay ang basahin ang Biblia; ang paglihis mula sa Biblia ay hindi paniniwala sa Panginoon, ang paglihis mula sa Biblia ay isang masamang uri ng kulto, at maling hidwang paniniwala, at kahit na basahin pa ng mga tao ang ibang mga libro, ang pundasyon ng mga librong ito ay dapat ang pagpapaliwanag sa Bibilia. Na ang ibig sabihin, kung sasabihin mo na naniniwala kasa Diyos, dapat mong basahin ang Biblia, dapat mong kainin at inumin ang Biblia, at sa labas ng Biblia hindi ka dapat sumamba ng ibang libro na hindi kasangkotang Biblia. Kung gagawain mo iyon, samakatwid pinagtataksilan mo ang Diyos. Mula ng panahon nang mayroong Biblia, ang paniniwala ng mga tao sa Panginoon ay ang paniniwala sa Biblia. Sa halip na sabihing ang mga tao ay naniniwala sa Panginoon, mas mabuti na sabihing sila ay naniniwala sa Biblia; sa halip na sabihin nila na sinimulan na nila ang pagbabasa ng Biblia, mas mabuti na sabihin na sinimulan na nila ang paniniwala sa Biblia; at sa halip na sabihin nilang nanumbalik sila sa Panginoon, mas mabuting sabihin na sila’y nanumbalik sa Biblia. Sa ganitong paraan, sinasamba ng mga tao ang Biblia na parang ito ay Diyos, na parang ito ay kanilang dugong-buhay at ang kawalannito’y tulad ng kawalan ng kanilang mga buhay. Tinitingnan ng mga tao ang Biblia bilang kasingtaas gaya ng Diyos, at may mga tao na nakikita ito na mas mataas pa kaysa sa Diyos. Kung ang mga tao ay hindi taglay ang gawa ng Banal na Espiritu, kung hindi nila nadarama ang Diyos, maaari silang magpatuloy mamuhay—ngunit sa oras na mawala sa kanila ang Biblia, o mawala ang mga bantog na kabanata at kasabihan mula sa Biblia, sa gayon parang nawala na ang kanilang buhay. At kaya, sa oras na naniwala ang tao sa Panginoon nag-uumpisa na nilang basahin ang Biblia, at kabisahin ang Biblia, at mas marami sa Biblia na kanilang makakabisa, mas napapatunayan nila ang kanilang pagmamahal sa Panginoon at ang kanilang pananampalataya. Ang mga taong nakapagbasa ng Biblia at naibibigkas ito sa iba ay mabuting mga kapatid na lalaki at babae. Sa lahat ng mga taong nakalipas, ang pananampalataya ng mga tao at katapatan sa Panginoon ay sinusukat ayon sa lawak ng kanilang pag-unawa sa Biblia. Payak na hindi nauunawaan ng karamihan ng mga tao kung bakit sila kailangang maniwala sa Diyos, o kung paano maniwala sa Diyos, at walang ibang gagawin kundi bulag na humanap ng palatandaan upang maunawaan ang mga kabanata sa Biblia. Hindi nila kailanman hinanap ang landas ng gawa ng Banal na Espiritu; sa hinabahaba, wala silang ibang ginawa kundi desperadong mag-aral at mag-imbestiga ng Biblia, at walang sinumang humanap ng bagong gawa ng Banal na Espiritu sa labas ng Biblia, walang ibang lumihis mula sa Biblia, o nagtangkang umalis mula sa Biblia. Sa lahat ng mga nakaraang taon pinag-aralan ng mga tao ang Biblia, nakahanap sila ng mga paliwanaga at nagsikap na maglaan ng gayong daming trabaho; marami rin silang pagkakaibang opinyon tungkol sa Biblia, na kung saan walang katapusan nilang pinagtatalunan, gaya ng halos dalawang libong magkakaibang denominasyon na nabuo ngayon. Silang lahat ay nagnanais makahanap ng ilang tanging mga paliwanag, o mas malalim na mga misteryo sa Biblia, nais nilang galugarin ito, at makita ito sa likuran ng gawain ni Jehovah sa Israel, o likuran ng gawain ni Jesus sa Judea, o karagdagang mga misteryo na walang sinumang nakakaalam. Ang paglapit ng mga tao sa Biblia ay isang pagkahumaling at pananampalataya, at walang sinuman ang ganap na klaro sa loob ng istorya at sustansya ng Biblia. Kaya, ang resulta sa ngayon ay, ang mga tao ay mayroon pa ring di-maisalarawang pakiramdam ng kahiwagaan pagdating sa Biblia; higit pa doon, sila’y nahuhumaling dito, at may pananampalataya rito. Ngayon, lahat ay nagnanais na mahanap ang mga propesiya ng mga gawa sa huling mga araw sa Biblia, nais nilang matuklasan kung anong trabaho ang ginagawa ng Diyos sa huling mga araw, at kung anong mga pangitain ang naroon sa huling mga araw. Sa paraang ito, ang kanilang pagsamba sa Biblia ay nagiging mas taimtim, at habang mas papalapit sa huling mga araw, mas higit na tiwala ang inilalaan nila sa mga propesiya ng Biblia, partikular sa tungkol doon sa mga huling araw. Sa ganoong bulag na paniniwala sa Biblia, na may tulad na pagtitiwala sa Biblia, wala silang pagnanais na hanapin ang gawain ng Banal na Espiritu. Sa mga pagkakaintindi ng mga tao, sa isip nila ang Biblia lamang ang magdadala ng gawa ng Banal na Espiritu; sa Biblia lamang nila makikita ang mga yapak ng Diyos; sa Biblia lamang nakatago ang mga misteryo ng mga gawain ng Diyos; sa Biblia lamang—wala sa ibang libro o mga tao—ang makakapaglinaw ng lahat tungkol sa Diyos at ang kabuuan ng Kanyang gawain; ang Biblia ang maaaring maghatid ng gawa ng langit sa lupa; at parehong ang Biblia ang maaaring magsimula at magwakas ng mga kapanahunan. Sa mga pagkakakaintinding ito, walang inklinasyon ang mga tao na hanapin ang gawa ng Banal na Espiritu. Kaya, gaano man kalaki ang tulong na nagawa ng Biblia sa tao noong nakalipas, ito’y naging isang balakid sa pinakabagong gawa ng Diyos. Kung wala ang Biblia, maaaring hanapin ng mga tao ang mga yapak ng Diyos sa ibang dako, ngunit ngayon, ang Kanyang mga yapak ay “nakapaloob” sa Biblia, at ang pagpapalawak ng Kanyang pinakabagong gawa ay naging mas mahirap, at isang pataas na pakikipaglaban. Ito lahat ay dahil sa kilalang mga kabanata at mga kasabihan mula sa Biblia, pati iba’t ibang mga propesiya ng Biblia. Ang Biblia ay naging isang idolo sa isip ng mga tao, ito ay naging isang malaking palaisipan sa kanilang mga utak, at simpleng hindi na nila kayang maniwala na maaaring eksklusibong makakagawa ang Diyos sa Biblia, hindi nila kayang maniwala na ang mga tao ay maaaring makita ang Diyos sa labas ng Biblia, mas lalong hindi nila kayang maniwala na ang Diyos ay maaaring lumisan sa Biblia sa panahon ng huling gawa at magsimula ng panibago. Ito ay hindi maarok ng mga tao; sila ay hindi dito makapaniwala, at hindi rin nila maisip ito. Ang Biblia ay naging isang malaking balakid sa pagtanggap ng mga tao sa bagong gawain ng Diyos, at pinahirap nito na palawakin ang bagong gawa.
mula sa “Tungkol sa Biblia (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao