Kidlat ng Silanganan | Salita ng Diyos | Ang Ikalabing siyam na Pagbigkas
Ito ay marapat na pinagkakaabalahan ng sangkatauhan na kunin ang mga salita Ko bilang ang batayan ng kanyang pananatiling buhay. Dapat itatag ng tao ang indibidwal niyang kabahagi sa bawat isang bahagi ng mga salita Ko; ang hindi paggawa nito ay paghingi ng suliranin, paghahanap ng sarili niyang pagkawasak. Hindi Ako kilala ng sangkatauhan, at dahil dito, sa halip na dalhin niya ang kanyang buhay sa Akin upang ihandog bilang kapalit, ang tanging ginagawa niya ay pumarada sa harapan Ko na mayroong basura sa kanyang mga kamay, sinusubukang sa pamamagitan niyaon ay bigyan Ako ng kasiyahan. Ngunit, malayo sa pagkakaroon ng kasiyahan sa mga bagay na tulad ng mga ito, patuloy Ako sa paghingi sa sangkatauhan. Gusto Ko ang handog ng tao, nguni’t kinapopootan Ko ang kaniyang mga panghuhuthot. Ang puso ng lahat ng mga tao ay puno ng kasakiman; parang inalipin ng diyablo ang puso ng tao, at hindi makalaya ang tao at maihandog ang kanyang puso sa Akin. Kapag nagsasalita Ako, nakikinig ang tao sa Aking tinig nang may pamimitagan; nguni’t kapag tumigil Ako sa pagsasalita, nagsisimula siyang muli sa sarili niyang “pakikipagsapalaran” at ganap na humihinto sa pag-intindi sa mga salita Ko, na parang pandagdag lamang ang mga salita Ko sa kanyang pakikipagsapalaran. Kailanman hindi ako naging maluwag sa sangkatauhan, at gayunman naging lubhang-matiisin din ako at may magandang kalooban sa sangkatauhan. At sa gayon, dahil sa Aking pagiging mapagpahinuhod, naging napakahambog ang mga tao, walang kakayahang kilalanin ang sarili at magmuni-muni, at sinasamantala nila ang Aking pagkamatiisin upang linlangin Ako. Walang kahit isa sa kanila ang taos-pusong nagmamalasakit sa Akin, at wala ni isa man ang tunay na nagpapahalaga sa Akin bilang isang bagay na sinisinta ng kanyang puso; ibinibigay lamang nila sa Akin ang pilit nilang pagpansin tuwing wala silang ginagawa. Ang pagsisikap na ginugol Ko sa tao ay wala nang kapantay. Ginawa Ko na sa tao ang kauna-unahang uri ng gawain, at bukod dito, ibinigay Ko sa kanya ang isang karagdagang pasanin, upang sa ganoon, mula sa kung ano ang mayroon Ako at kung ano Ako, maaaring matuto ang tao at magbago. Hindi Ko hinihingi na maging isang tagagamit lamang ang tao, nguni’t hinihingi sa kanya na maging tagagawa na may kakayahang talunin si Satanas. Kahit na maaaring wala akong hinihinging kahit ano sa tao, gayunman may mga pamantayan Ako para sa mga kahilingan Ko, sapagka’t may layunin Ako sa ginagawa Ko, at may mga prinsipyong alinsunod sa hakbang Ko: Hindi Ako, gaya ng naguguni-guni ng mga tao, padaskul-daskol na naglalaro, at hindi Ko rin, sa sinasadyang pagbabagu-bago, nilikha ang mga kalangitan at lupa at ang napakaraming mga bagay na nilikha. Sa Aking paggawa, dapat may bagay na makikita ang tao, bagay na matatamo. Hindi niya dapat aksayahin ang tagsibol na kapanahunan ng kanyang kabataan, o tratuhin ang sarili niyang buhay na parang kasuotang basta hinayaang mapuno ng alikabok; sa halip, dapat bantayan niya nang mahigpit ang kanyang sarili, kumukuha mula sa Aking pagpapala upang matustusan ang sarili niyang kasiyahan, hanggang, para sa Aking kapakanan, hindi na siya makababalik tungo kay Satanas, at para sa Aking kapakanan maglulunsad siya ng isang pag-atake laban kay Satanas. Hindi ba napakadaling gaya nito ang hinihiling Ko sa tao?
Kapag nag-umpisang lumitaw ang banaag ng liwanag sa Silangan, sa panahong iyan itutuon ng lahat ng mga tao sa sansinukob ang kanilang pansin sa nabanggit na pangyayari tungo sa liwanag sa Silangan. Sa pagkakahimasmas mula sa pagkaidlip, pagmamasdan ng sangkatauhan ang pinagmumulan ng liwanag sa silangan, nguni’t dahil sa mga limitasyon ng kapangyarihan ng tao, walang sinuman ang makakakita sa lugar na pinagmumulan ng liwanag. Kapag ganap na nailawan ang lahat ng mga nasa sansinukob, babangon ang tao mula sa pagtulog at pananaginip, at doon lamang niya mapapagtanto na unti-unti nang dumarating sa sanglibutan ang Aking araw. Magdiriwang ang buong sangkatauhan dahil sa pagdating ng liwanag, at dahil dito hindi na siya mananatiling tulog, at hindi na magiging walang-saysay. Sa ilalim ng kaningningan ng Aking liwanag, magiging malinaw ang isip at pananaw ng buong sangkatauhan, at kaagad na mapupukaw sa kagalakan ng pamumuhay. Sa likod ng makapal na ulap, sinusubaybayan Ko ang sangkatauhan. Namamahinga ang lahat ng mga hayop; dahil sa pagdating ng banaag ng liwanag, namalayan ng lahat ng nilikha na papalapit ang isang bagong buhay. Dahil dito, gumapang din palabas ang mga hayop mula sa kanilang mga yungib, naghahanap ng pagkain. Siyempre, hindi rin naiiba ang mga halaman, at sa kaningningan ng liwanag kuminang na maningning ang berde nilang mga dahon, naghihintay upang ialay sa Akin ang indibidwal nilang bahagi sa panahong nasa lupa Ako. Hinahangad ng lahat ng mga tao ang pagdating ng liwanag, ngunit takot silang lahat sa pagdating nito, nababahalang hindi na maitatago ang kanilang sariling kapangitan, dahil ganap na hubad ang tao, at walang panakip. Gaano karaming mga tao ang nabalot ng matinding takot dahil sa pagdating ng liwanag at nagulantang dahil sa paglitaw ng liwanag? Sa pagkakita sa liwanag, ilang tao ang napuno ng walang-hanggang panggigipuspos, kinasusuklaman ang sarili nilang karumihan, nguni’t, walang kapangyarihan upang baguhin ang katotohanan, kundi maghintay lamang sa Akin upang ipahayag ang kaparusahan. Ilang mga tao, na pinino ng pagdurusa sa kadiliman, sa pagkakita sa liwanag ay dagling nagulantang sa malalim na kahulugan nito, at sa gayon ay niyakap nila ang liwanag nang mahigpit, sa takot na mawala itong muli? Gaano karaming mga tao, ang sa halip na magulat sa biglaang paglitaw ng liwanag, ay nagpatuloy lamang sa pang-araw-araw na gawain, sapagka’t sila’y nabulag sa loob ng mahabang panahon, kaya hindi nila napapansin na dumating na ang liwanag, at hindi rin sila nasiyahan dito. Sa puso ng mga tao, wala Ako sa itaas, o sa ibaba. Para sa mga tao, hindi mahalaga kung totoo man Ako o hindi, na parang walang ikalulungkot ang buhay ng tao kung wala Ako, at kung totoo man Ako, wala silang matatamong kasiyahan. Dahil hindi Ako pinahahalagahan ng mga tao, iilan lamang ang mga kasiyahang naipagkakaloob Ko sa kanila. Nguni’t sa sandaling bigyan Ako ng sangkatauhan ng kahit katiting na pagsamba, kung gayon babaguhin Ko rin ang Aking pakikitungo sa kanila. Sa kadahilanang ito, magiging ganap lamang na mapalad ang mga tao na ialay ang kanilang mga sarili sa Akin at hingin ang mga bagay na nasa Aking kamay kapag natatarok na nila ang batas na ito. Tiyak na hindi lamang ang sariling mga kapakanan ng tao ang layunin ng pag-ibig niya sa Akin? Tiyak na hindi lamang sa mga bagay na Aking ibinibigay nakabatay ang kanyang pananampalataya sa Akin? Maaari kayang, maliban kung makikita niya ang Aking liwanag, hindi Ako kayang mahalin ng tao nang taos sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya? Tiyak na ang kalakasan at sigla ng tao ay hindi tunay na para lamang sa mga kundisyon ng kasalukuyan? Maaari kayang kailangan ng tao ang tapang upang mahalin Ako?
Sa pananalig sa Aking pag-iral, masunuring nagpapasakop ang napakaraming mga bagay na nilikha sa mga lugar na kinaroroonan nila, at sa kawalan ng Aking pagdisiplina, hindi sila nagpapasasa sa kalayaang mapabayaan. Samakatuwid, nagiging mga hangganan ang mga bundok sa pagitan ng mga bansa sa lupain, nagiging mga haramg ang mga tubig upang panatilihing hiwalay ang mga tao sa pagitan ng mga lupain, at ang hangin ay nagiging siyang bagay na dumadaloy sa pagitan ng mga tao sa kalawakan sa lupa. Tanging ang sangkatauhan ang walang kakayahang sumunod sa mga hinihiling ng Aking kalooban; ito ang dahilan kung bakit sinasabi Ko na, sa lahat ng mga nilalang tanging ang tao lamang ang nabibilang sa kategorya ng mga suwail. Hindi kailanman ganap na nagpasakop ang tao sa Akin, at sa kadahilanang ito pinanatili Ko siya sa ilalim ng mahigpit na pagdisiplina. Kung sa kalagitnaan ng sangkatauhan, mangyayari na lalawig ang Aking kaluwalhatian sa buong sansinukob, kung gayon nakatitiyak na Aking kukunin ang lahat ng Aking kaluwalhatian at ihahayag ito sa harap ng sangkatauhan. Sapagka’t sa karumihan ng tao hindi siya karapat-dapat na tumingin sa Aking kaluwalhatian, sa loob ng libu-libong taon hindi Ako nagpakita kailanman, nguni’t nanatili Akong nakatago; sa kadahilanang ito hindi kailanman naihayag sa sangkatauhan ang Aking kaluwalhatian, at laging nakalublob ang tao sa malalim na bangin ng kasalanan. Pinatawad Ko na ang hindi-pagkamatuwid ng sangkatauhan, nguni’t hindi alam ng mga tao kung paano pangalagaan ang kanilang mga sarili, at sa halip ay lagi nilang ibinubukas ang kanilang mga sarili sa kasalanan, pinahihintulutan nilang sirain sila ng kasalanan. Hindi ba kakulangan ito ng tao sa paggalang at pagmamahal sa sarili? Sa kalagitnaan ng sangkatauhan, mayroon bang isa na tunay na makaiibig? Ilang “katiting” ba ang maaring timbang ng katapatan ng tao? Hindi ba’t may mga hindi-purong mga bagay na nakahalo sa mga tinatawag niyang tunay? Hindi ba’t ang kanyang katapatan ay ganap na napalobo ng labu-labong kalituhan? Ang kinakailangan Ko ay ang hindi-nahahating pagmamahal ng tao. Hindi Ako kilala ng tao, at bagaman sinusubukan niya Akong makilala, hindi niya ibibigay sa Akin ang tunay at masigasig niyang puso. Mula sa tao hindi Ko sinisingil kung ano ang ayaw niyang ibigay. Kung ibinibigay niya sa Akin ang kanyang katapatan, tatanggapin Ko ito nang walang malumanay na pagtutol; nguni’t kung hindi niya Ako pinagkakatiwalaan, at umaayaw siyang ihandog ang kahit katiting ng sarili niya sa Akin, sa halip na lalo pang mayayamot dahil diyan, pasimpleng itataboy Ko na lamang siya sa ibang paraan at ipadadala siya sa lugar na kinababagayan niya. Ang tao ay pababagsakin ng dumadagundong na kulog sa kalangitan; tatabunan siya sa pagbagsak ng mga matataas na bundok; kakainin siya ng mga gutom na mababangis na hayop; at lulunurin siya ng dumadaluyong na mga karagatan. Sa pakikibahagi ng sangkatauhan sa gusot ng pagpapatayan ng mga magkakapatid, hahanapin ng lahat ng mga tao ang kanilang sariling pagkawasak sa mga kalamidad na lilitaw sa kalagitnaan ng sangkatauhan.
Lumalawak ang kaharian sa kalagitnaan ng sangkatauhan, nabubuo ito sa kalagitnaan ng sangkatauhan, ito ay tumatayo sa kalagitnaan ng sangkatauhan; walang puwersa ang maaaring magwasak sa Aking kaharian. Sa Aking mga tao na nasa kaharian ng kasalukuyan, sino sa inyo ang hindi tao na nakahalubilo sa mga tao? Sino sa inyo ang namamalagi sa labas ng kalagayan ng tao? Kapag inihayag sa sangkaramihan ang tanda ng bago Kong panimula, ano kaya ang reaksyon ng sangkatauhan? Nakita ninyo mismo ng inyong sariling mga mata ang estado ng sangkatauhan; tiyak na hindi na kayo umaasa pa na magpakailanmang magtitiis sa mundong ito? Lumalakad Ako ngayon sa kalagitnaan ng Aking bayan, naninirahan Ako sa kalagitnaan ng aking bayan. Ngayon, yaong may tunay na pag-ibig sa Akin, ang taong gaya nito ay mapalad; mapalad yaong mga nagpapasakop sa Akin, sila ay tiyak na mananatili sa Aking kaharian; mapalad yaong mga nakakakilala sa Akin, sila ay tiyak na hahawak ng kapangyarihan sa Aking kaharian; mapalad ang mga yaong naghahangad sa Akin, tiyak na makaliligtas sila mula sa mga gapos ni Satanas at matatamasa nila ang pagpapala sa Akin; mapalad ang mga yaong kayang talikuran ang kanilang mga sarili, tiyak na papasok sila sa Aking pag-aari, at mamanahin ang gantimpala ng Aking kaharian. Aalalahanin Ko ang mga yaong gumagawa para sa Aking kapakanan, yayakapin Ko nang may kagalakan ang mga yaong gumugugol para sa Aking kapakanan, bibigyan Ko ng mga kasiyahan ang mga yaong naghahandog sa Akin. Pagpapalain Ko ang mga yaong nasisiyahan sa Aking mga salita; tiyak na sila ang magiging mga haligi na magtataas sa ituktok ng Aking kaharian, tiyak na magkakaroon sila ng walang-kapantay na gantimpala sa Aking bahay, at walang maihahalintulad sa kanila. Tinanggap na ba ninyo ang mga pagpapalang ibinigay sa inyo? Hinanap na ba ninyo ang mga ipinangako sa inyo? Sa ilalim ng paggabay ng Aking liwanag, tiyak na makakawala kayo mula sa pagkasakal ng mga puwersa ng kadiliman. Sa gitna ng kadiliman, tiyak na hindi ninyo maiwawala ang ilaw na gumagabay sa inyo. Tiyak na kayo ang magiging panginoon ng lahat ng nilalang. Tiyak na kayo ay magiging mananagumpay sa harap ni Satanas. Sa pagbagsak ng kaharian ng malaking pulang dragon, tiyak na tatayo kayo sa kalagitnaan ng napakaraming tao upang sumaksi sa Aking tagumpay. Tiyak na magiging matatag at matibay kayo sa lupain ng Sinim. Sa pamamagitan ng mga pagdurusang tinitiis ninyo, mamanahin ninyo ang pagpapalang nagmumula sa Akin, at tiyak na sisinagan ng Aking kaluwalhatian ang loob ng buong sansinukob.

Marso 19, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Ang Bumalik na Mga Salita ng Panginoong Jesus
Pagkaunawa sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos