Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Gawain. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Gawain. Ipakita ang lahat ng mga post

Clip ng Pelikulang Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (4)




Clip ng Pelikulang Ang Aking Pinapangarap na Kaharian sa Langit (4) | "Ano ang Kaibhan sa Pagitan ng Gawain ng Paghatol ng Diyos sa mga Huling Araw at ng Gawain ng Panginoong Jesus?"


Naniniwala ang ilang tao na matapos mabuhay na mag-uli ang Panginoong Jesus at umakyat sa langit, bumaba ang Banal na Espiritu para gumawa sa tao sa araw ng Pentecostes. Sinaway Niya ang mundo ng kasalanan, at ng pagkamatuwid, at ng paghatol. Kapag tinanggap natin ang gawain ng Banal na Espiritu at nagsisi tayo sa Panginoon para sa ating mga kasalanan, dumaranas tayo ng paghatol ng Panginoon. Ang gawaing ginawa ng Banal na Espiritu sa araw ng Pentecostes ay dapat maging gawain ng paghatol ng Diyos sa mga huling araw. Tama ba tayo sa paraan ng pagtanggap natin dito? Ano ang kaibhan sa pagitan ng gawain ng Panginoong Jesus at ng gawain ng paghatol ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw?
Rekomendasyon:
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal

Kanta ng Papuri | Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita




 Kidlat ng Silanganan | Kanta ng Papuri | Sa mga Huling Araw Pangunahing Tinutupad ng Diyos ang Lahat sa Pamamagitan ng Salita 


I
Sa mga huling araw, Diyos ay nagiging-tao.
Sa salita Niya tinutupad lahat,
Sa salita Niya inihahayag lahat.
Tanging sa salita makikita ang ganap na Siya, na mismong Siya ay Diyos.
Pumaparito sa lupa ang naging-taong Diyos
tanging upang ihayag ang Kanyang salita.
Kaya, wala nang tanda, sapat na ang salita ng Diyos.

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan”




Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | “Pagkilala sa Gawa ng Diyos sa Kasalukuyan”


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Sa isang banda, tinatanggal ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa noong mga huling araw ang lugar na pinanghahawakan ng malabong Diyos sa pagkaintindi ng tao, kaya naman wala na ang imahe ng walang katiyakang Diyos sa puso ng tao. Gamit ang Kanyang aktwal na salita at aktwal na gawa, kumilos Siya sa buong lupain, at ang gawaing Kanyang isinakatuparan kasama ng tao ay natatanging totoo at normal, nang sa gayon ang tao ay ganap na maunawaan ang katotohanan ng Diyos, at mawala nang tuluyan ang malabong Diyos sa puso ng tao. Sa kabilang banda, ginagamit ng Diyos ang mga salita na winika ng Kanyang katawang-tao upang gawing kumpleto ang tao, at upang maisakatuparan ang mga bagay-bagay. Ito ang gawain ng Diyos na Kanyang isasakatuparan sa mga huling araw.”
Rekomendasyon:
Ang Kidlat ng Silanganan—Ang Liwanag ng Kaligtasan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos   ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Kristianong Awitin | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos



Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos  | Kidlat ng Silanganan


I
Maraming tao’ng naniniwala,
ngunit kaunti lang ang nakakaunawa sa pananampalataya sa Diyos,
paano ba sasabayan ang pintig ng Kanyang puso.
Maraming may alam sa mga salitang “Diyos” at “gawain ng Diyos,”
ngunit di Siya kilala at ang mga gawain Niya.
Kaya pananalig nila’y bulag.
Sila’y di seryoso dito dahil ito’y kakaiba.
Kaya kapos sila sa mga hinihingi ng Diyos.
Kung di mo kilala ang Diyos at gawain N’ya,
angkop ka bang gamitin N’ya?
Matutupad mo ba ang hangad ng Diyos?

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos app

App, Cristo, Diyos, Gawain, Panginoong

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos app


Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos-ang nagbalik na Panginoong Jesus-ang Cristo ng mga huling araw, at gayundin sa ilalim ng Kanyang matuwid na paghatol at pagkastigo. Ang iglesia ay binubuo ng lahat ng taong tunay na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nalupig at nailigtas ng salita ng Diyos. Lubos itong itinatag ng Makapangyarihang Diyos nang personal, at personal Niyang pinamunuan at ginabayan, at hindi ito itinatag ng sinumang tao. Ito ay isang katotohanang tanggap ng lahat ng piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!
Ang Kidlat ng Silanganan-Ang Liwanag ng Kaligtasan

Awit ng Papuri|Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa


Kidlat ng Silanganan| Awit ng Papuri| Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa




I
Diyos na nagkatawang-tao, kaya Niya di kaya ng tao,
dahil diwa Niya’y walang kahalintulad sa tao.
Tao ay maililigtas Niya, dahil pagkakakilanlan Niya’y naiiba.
Ang katawang taong ito ay napakahalaga sa
sangkatauhan sapagkat Siya ay tao at higit pa Diyos,
dahil nagagawa N’ya ang hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao,
at dahil kaya N’ya iligtas tiwaling tao,
na namumuhay kasama N’ya sa lupa.
Bagamat Siya ay magkahawig sa tao, D’yos ay napakahalaga
sa sangkatauhan higit sa sinumang taong may halaga,
dahil nagagawa N’ya ang hindi nagagawa ng Espiritu ng D’yos,
mas may kaya Siyang patotohanan ang Diyos Mismo,
at matamo ang sangkatauhan kaysa sa Espiritu.
Bilang bunga, bagamat itong katawang-tao ay normal at karaniwan,
ang ambag at kabuluhan N’ya
sa buong sangkatauhan ay napakahalaga,
at ang tunay na kabuluhan ng katawang-taong
ito ay ‘di masusukat ninuman.
Bagamat ang katawang-taong ito ay ‘di kayang
direktang sirain si Satanas,
Magagamit N’ya Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan
at talunin si Satanas,
at gawing ganap na mapasailalim si Satanas sa Kanyang dominyon.

Pag-bigkas ng Diyos| Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain

Disposisyon, Gawain, Diyos, Malalaman, Papuri

Kidlat ng Silanganan| Pag-bigkas ng Diyos| Paano Malalaman ang Disposisyon ng Diyos at ang Resulta ng Kanyang Gawain


  Una, umawit tayo ng isang himno: Ang Awit ng Kaharian (I) Ang Kaharian ay Bumaba sa Mundo.

I.Ang kaharian ng Diyos ay nakarating na sa lupa; ang persona ng Diyos ay ganap at sagana. Sino’ng makakahinto sa pagbubunyi? Sino’ng makakahinto sa pagsayaw? O Sion, itaas ang ‘yong bandila ng tagumpay upang magdiwang para sa Diyos. Awitin ang ‘yong awit ng tagumpay upang ikalat ang banal N’yang ngalan sa buong mundo. Di-mabilang na mga tao’y nagagalak na nagpupuri sa D’yos, di-mabilang na tinig ‘tinataas ngalan N’ya. Masdan kamangha-mangha N’yang mga gawa; ngayo’y kaharian N’ya’y nakarating na sa lupa.

Kidlat ng Silanganan| Pelikulang Kristiano| App



Kidlat ng Silanganan| Pelikulang Kristiano| App



To fulfill the strong desire of people from various backgrounds to study God’s work in the last days, The Church of Almighty God has released its first mobile app. This app contains e-books, music, and videos. This includes millions of words expressed by Christ of the last days—Almighty God, original songs recorded by The Church of Almighty God and many other movies and videos about the gospel. We welcome all those who investigate the true way to use this app.
Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?

Does God’s Word Exist Apart From the Bible?



Does God’s Word Exist Apart From the Bible?


Some religious people believe that all of God’s words and work are in the Bible, and that there are no words and work of God besides those in the Bible. Does this kind of view accord with the truth? The Bible says, “And there are also many other things which Jesus did, the which, if they should be written every one, I suppose that even the world itself could not contain the books that should be written” (John 21: 25). Almighty God says, “What God is and has is forever inexhaustible and limitless. … Do not delimit God in books, words, or His past utterances again. There is only one word for the characteristic of God’s work—new. He does not like to take old paths or repeat His work, and moreover He does not want people to worship Him by delimiting Him within a certain scope. This is God’s disposition” (The Word Appears in the Flesh).

Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

Kabutihan, Paghandaan, Hantungan, Kaalaman, buhay

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos| Dapat Gumawa Ka ng Sapat na Kabutihan upang Paghandaan ang Iyong Hantungan

          Napakarami Kong nagawa kasama ninyo, at syempre, nakakapag-usap pati. Ngunit pakiramdam Ko na ang Aking mga salita at gawa ay hindi lubos na naabot ang layunin ng Aking gawain sa mga huling araw. Sapagkat sa mga huling araw, ang Aking mga ginawa ay hindi para sa kapakanan ng iisang tao o ilang mga tao lamang, nguni’t, upang mapatunayan ang Aking likas na disposisyon. Gayunman, sa napakaraming dahilan—marahil ang kakulangan ng oras o abalang iskedyul sa trabaho—hindi nakayanan ng mga tao na maging pamilyar sa Akin at sa Aking disposisyon kahit bahagya lamang. Kaya’t sumulong Ako sa Aking bagong plano, ang Aking huling gawain, upang ilatag ang bagong pahina nang sa gayon lahat ng nakakakita sa Akin ay mapapahampas sa kanilang dibdib at iiyak nang walang humpay sa Aking presensya. Sapagkat dadalhin Ko ang katapusan sa sansinukob at sa buong mundo, at pagkatapos noon, ihahatid Ko ang lahat ng Aking disposisyon sa sansinukob para lahat ng nakakakilala at maging ang hindi sa Akin ay “magpipista ang mga mata” at makikita ang Aking pagdating sa mga tao, maging sa lupa kung saan ang lahat ng bagay ay dumarami. Ito ang Aking plano, ang nag-iisa Kong “pangungumpisal” simula nang nilikha Ko ang sansinukob. Nais Kong bukas-loob ninyong pagmasdan ang Aking bawat galaw, sapagkat ang Aking tungkod ay muling lalapit sa sansinukob, lalapit sa lahat nang tumututol sa Akin.

Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao

Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao

  Gaano karami sa gawain ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at gaano karami ang karanasan ng tao? Kahit ngayon, masasabi na hindi pa rin nauunawaan ng mga tao ang ganitong mga tanong, ito lahat ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga gumagawang simulain ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, ang gawain ng tao na sinasabi Ko ay tumutukoy sa mga tao na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu o ang mga taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi Ko tinutukoy ang gawain na nagmula sa kalooban ng tao kundi sa gawain ng mga apostol, manggagawa o mga karaniwang lalaki at babae na sakop ng gawain ng Banal na Espiritu. Dito, ang gawain ng tao ay hindi tumutukoy sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi sa sakop at mga simulain ng gawain ng Banal na Espiritu sa mga tao. Gayong ang mga simulaing ito ay ang mga simulain at sakop ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi ito katulad sa mga simulain at sakop ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang gawain ng tao ay may sangkap at simulain ng tao, at ang gawain ng Diyos ay may sangkap at simulain ng Diyos.

Ang Sangkap ni Cristo ay Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan

Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|  Ang Sangkap ni Cristo ay  Pagtalima sa Kalooban ng Ama sa Kalangitan


     Ang nagkatawang-taong Diyos ay tinatawag na Cristo, at si Cristo ay ang katawang-tao na isinuot ng Espiritu ng Diyos. Ang laman na ito ay hindi katulad ng kahit sinong taong galing sa laman. Ang pagkakaibang ito ay dahil si Cristo ay hindi nagmula sa laman at dugo kundi Siya ang pagkakatawang-tao ng Espiritu. Siya ay may kapwa normal na pagkatao at ganap na pagka-Diyos. Ang Kanyang pagka-Diyos ay hindi taglay ng kahit sinong tao. Ang Kanyang normal na pagkatao ang Siyang umaalalay sa lahat ng Kanyang karaniwang mga gawain sa katawang-tao, habang ang Kanyang pagka-Diyos ang nagsasakatuparan ng gawain ng Diyos Mismo. Maging ang Kanyang pagkatao o pagka-Diyos, kapwa itong nagpapasakop sa kalooban ng Amang nasa langit. Ang sangkap ni Cristo ay ang Espiritu, iyon ay, ang pagka-Diyos. Samakatuwid, ang Kanyang sangkap ay yaong sa Diyos Mismo; ang sangkap na ito ay hindi gagambala sa Kanyang sariling gawain, at hindi Siya posibleng makagawa ng anumang bagay na nakasisira sa Kanyang sariling gawain, ni hindi rin Siya bibigkas ng anumang bagay na sumasalungat sa Kanyang kalooban. Samakatuwid, ang nagkatawang-taong Diyos ay siguradong hindi kailanman gagawa ng kahit anong gawain na nakagagambala sa Kanyang sariling pamamahala. Ito ang dapat maintindihan ng lahat ng tao. Ang kakanyahan ng gawain ng Banal na Espiritu ay upang iligtas ang tao at ito ay para sa kapakanan ng sariling pamamahala ng Diyos. Gayundin, ang gawain ni Cristo ay upang iligtas ang tao at ito ay alang-alang sa kalooban ng Diyos. Sapagkat ang Diyos ay nagkatawang-tao, Kanyang napapaging-tunay ang Kanyang sangkap sa loob ng Kanyang laman, sa gayon ang Kanyang katawang-tao ay sapat upang isagawa ang Kanyang gawain. Samakatuwid, lahat ng gawain ng Espiritu ng Diyos ay pinapalitan ng gawain ni Cristo sa loob ng panahon ng Kanyang pagkakatawang-tao, at ang kaibuturan ng buong gawain sa buong panahon ng pagkakatawang-tao ay ang gawain ni Cristo. Ito ay hindi maaaring maihalo sa gawain mula sa kahit anong ibang kapanahunan. At mula nang nagkatawang-tao ang Diyos, Siya ay gumagawa sa pagkakakilanlan ng Kanyang katawang-tao; yamang Siya ay nagkatawang-tao, tinatapos din Niya sa katawang-tao ang gawain na dapat Niyang gawin. Maging ito man ay ang Espiritu ng Diyos o ito man ay si Cristo, Sila ay kapwa Diyos Mismo, at ginagawa Niya ang gawain na dapat Niyang gawin at ginagampanan ang ministeryong dapat Niyang gampanan.

Buong Papuri | Latinong Sayaw ”Purihin ang Katuparan ng Gawain ng D’yos”




KIDLAT NG SILANGANAN | LATINONG SAYAW - PURIHINANG KATUPARAN NG GAWAIN NG D’YOS



Gawain ng D’yos, kaybilis mabago; ‘di maarok, dalá ang tao.
Paligid mo’y tingnan, ‘di na ‘yong dati, pawang kayganda’t bago.
Isa’t isa’y nabuhay, nabago, nadalisay.
D’yos pinupuri, kaysaya, mga awit ng papuri pailanglang sa Kanya.
S’ya’y purihin! Ngala’y l’walhatiin! Lahat ng tao D’yos ay taos-pusong purihin.
S’ya’y purihin! Ngala’y l’walhatiin! Lahat ng tao D’yos ay taos-pusong purihin.

Kahanga-hanga N’yang gawa’y purihin, Kanyang dunong walang pagkabigo,
matuwid Niyang disposisyo’y purihin, purihin Siya pagka’t Siya ay D’yos na tapat.
Gawa N’yang tunay, binago aking pagkamasuwayin.
Karangalan ko maitakdang saksi sa dakila N’yang mga gawa.
S’ya’y purihin! L’walhatiin Kanyang pangalan!
Umaawit ng papuri sa Kanya mula sa ating mga pusong may galak.
S’ya’y purihin! L’walhatiin Kanyang pangalan!
Umaawit ng papuri sa Kanya mula sa ating mga pusong may galak.
Silang umi’big sa D’yos, lagi S’yang sundin, at Salita Niya ay isabuhay.
Sala’t dumi’y iwinaksi, silang lahat naging banal.
Saksi sa banal N’yang pangalan, dahil puso N’ya’y nasiyahan.
Pagkamat’wid at kabanalan pumuno sa mundong ito,
saanman ay kayganda’t bago.
S’ya’y purihin! L’walhatiin Kanyang pangalan!
Umaawit ng papuri sa Kanya mula sa ating mga pusong may galak.
S’ya’y purihin! L’walhatiin Kanyang pangalan!
Umaawit ng papuri sa Kanya mula sa ating mga pusong may galak.
Purihin katuparan ng gawain ng D’yos, S’ya’y naluwalhating lubos,
Lahat at bawa’t isa ay sumusunod, bawa’t isa ay may huling hantungan.
Bayan ng D’yos, lalong banal, purihin ang tunay na Diyos.
Kasama N’ya, sila’y puspos ng ligaya.
Sila’y puspos ng ligaya.
Purihin Siya! Sama-sama nating purihin S’ya!
Ating mga awit ng papuri ay ‘di magwawakas.
Purihin Siya! Sama-sama nating purihin S’ya!
Ating mga awit ng papuri ay walang wakas, walang wakas.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Rekomendasyon:
1.   Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

2. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Kidlat ng Silanganan| Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos



Kidlat ng Silanganan| Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos


Isang Himno ng mga Salita ng Diyos Ang Pangwakas na Bunga na Layong Makamit ng Gawain ng Diyos
I
Sa mga gawain ng Diyos, sinumang tunay ang pagdanas may galang at takot sa Kanya, mas mataas kaysa paghanga.Kastigo’t paghatol N’ya tao’y kita disposisyon N’ya, sa puso nila’y igalang S’ya. Diyos ay dapat sambahin at sundin, dahil anyo’t disposisyon Niya kaiba sa mga nilalang, higit sa mga nilalang. Diyos lang marapat sambahin at pasakop.

Kidlat ng Silanganan| Ano ang Alam Mo Tungkol sa Pananampalataya?


Kidlat ng SilangananAno ang Alam Mo Tungkol sa Pananampalataya?


    Umiiral lamang sa tao ang hindi tiyak na salita ng pananampalataya, subalit hindi alam ng tao kung ano ang bumubuo sa pananampalataya, at lalo na kung bakit siya may pananampalataya. Masyadong maliit ang pang-unawa ng tao at ang tao mismo ay masyadong kulang; Siya ay may pananampalataya lamang sa Akin nang wala sa isip at walang pagkaalam. Bagaman hindi niya nalalaman kung ano ang pananampalataya o kung bakit siya may pananampalataya sa Akin, patuloy at mapilit niyang ginagawa. Ang hinihiling ko sa tao ay hindi lamang para tawagan niya Ako nang masidhi sa ganitong paraan o maniwala sa Akin sa isang paraang magulo. Sapagkat ang Aking  gawain ay para sa tao upang makita niya Ako at makilala Ako, hindi para mamangha at tingnan Ako ng tao sa isang bagong liwanag dahil sa Aking gawain. Dati akong nagpamalas ng maraming tanda at himala at nagsagawa ng maraming milagro. Ang mga Israelita noong panahong iyon ay nagpakita sa Akin ng lubos na paghanga at lubhang sinamba ang Aking pambihirang kakayahang magpagaling ng maysakit at magpalayas ng mga demonyo. Noong panahong iyon, inakala ng mga Hudyo na ang Aking kapangyarihan sa pagpapagaling ay dalubhasa at hindi pangkaraniwan. Dahil sa Aking maraming naturang gawain, tinanaw nila Ako nang may respeto; nakaramdam sila ng malaking paghanga sa lahat ng Aking kapangyarihan. Kaya sinumang nakakita sa Aking gumawa ng mga milagro ay sinundan ako nang mabuti, kung saan napalibutan ako ng libu-libo upang panoorin akong magpagaling ng maysakit. Nagpamalas ako ng maraming tanda at himala, ngunit tinanaw lamang Ako ng tao bilang isang dalubhasang manggagamot; nagsalita rin Ako ng maraming salita ng pagtuturo sa mga tao noong panahong iyon, ngunit tinanaw lamang nila Ako bilang isang mataas na guro sa kanyang mga disipulo! Maging sa araw na ito, matapos matunghayan ng mga tao ang pangkasaysayang tala ng Aking gawain, nagpapatuloy ang kanilang interpretasyon sa Akin bilang isang magaling na doktor na nagpapagaling ng maysakit at isang guro sa mga mangmang. At tinukoy nila Ako bilang ang mahabaging Panginoong Jesucristo. Ang mga nagbibigay kahulugan sa banal na kasulatan ay maaaring nalampasan ang Aking kakayahan sa pagpapagaling, o maaaring mga disipulo na dinaig pa ang kanilang mga guro, ngunit ang mga ganoong tao na may dakilang katanyagan, na ang mga pangalan ay kilala sa buong mundo, ay tinatanaw Ako nang mababa bilang isang hamak na manggagamot! Mas higit pa sa bilang ng mga butil ng buhangin sa tabing-dagat ang Aking mga gawa, at mas lalong dakila pa kaysa sa lahat ng mga anak ni Solomon ang Aking karunungan, ngunit ang mga tao ay basta na lamang Akong pinapalagay bilang isang manggagamot na maliit ang kabuluhan at isang hindi kilalang guro ng tao! Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang pagalingin lamang sila? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para gamitin lamang ang Aking kapangyarihan sa pagtaboy ng mga masasamang espiritu mula sa kanilang katawan? At gaano karami ang naniniwala sa Akin upang makatanggap lamang ng kapayapaan at kaligayahan mula sa Akin? Gaano karami ang naniniwala sa Akin upang hingian lamang Ako ng higit pang materyal na kayamanan, at gaano karami ang naniniwala sa Akin upang gugulin ang buhay na ito sa kaligtasan at upang maging ligtas at maayos sa mundong darating? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para maiwasan lamang ang paghihirap ng impiyerno at tumanggap ng mga pagpapala ng langit? Gaano karami ang naniniwala sa Akin para lamang sa pansamantalang ginhawa ngunit hindi naghahangad na may makamit man lang sa mundong darating? Nang Ako ay naghatid ng Aking matinding galit sa tao at kinuha ang lahat ng kaligayahan at kapayapaan na dati niyang taglay, nagsimulang magduda ang tao. Nang ibinigay Ko sa tao ang paghihirap ng impiyerno at tinubos ang mga pagpapala ng langit, naging galit ang kahihiyan ng tao. Nang tinanong Ako ng tao upang pagalingin siya, ngunit hindi ko siya kinilala at nakadama ng poot para sa kanya, ang tao ay lumayo mula sa Akin at hinahangad ang paraan ng mga doktor sa pangungulam at mangbabarang. Nang inalis Ko ang lahat ng hiningi ng tao sa Akin, nangagsiwalaan ang lahat nang walang bakas. Samakatuwid, sinasabi Ko na ang tao ay may pananampalataya sa Akin sapagkat Ako’y nagbibigay ng masyadong maraming biyaya, at masyadong maraming pakinabang. Ang mga Hudyo ay naniwala sa Akin dahil sa Aking biyaya, at sumunod sa Akin saan man ako nagtungo. Ang mga ignoranteng tao na ito na may limitadong kaalaman at karanasan ay hinanap lamang ang mga tanda at himala na ipinamalas ko. Tinanaw nila Ako bilang pinuno ng tahanan ng mga Hudyo na kayang gumawa ng mga pinakamagagandang milagro. Samakatuwid, kapag pinalayas Ko ang mga demonyo mula sa mga tao, nag-uusap usap sila na may malaking kalituhan, sinasabing ako si Elijah, ako si Moses, na ako ang pinaka sinauna sa lahat ng mga propeta, na ako ang pinakamagaling sa lahat ng mga manggagamot. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing Ako ang buhay, ang daan at ang katotohanan, walang sinuman ang makaaalam ng Aking pagkatao o ng Aking pagkakakilanlan. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing ang langit ang lugar kung saan naninirahan ang Aking Ama, walang nakaalam na Ako ang Anak ng Diyos, at Diyos Mismo. Bukod sa Aking sarili na nagsasabing dadalhin ko sa kaligtasan ang lahat ng sangkatauhan at tutubusin ang sangkatauhan, walang nakaalam na Ako ang Tagapagligtas ng sangkatauhan; kilala lang Ako ng tao bilang isang mabait at maawaing tao. At bukod sa Aking sarili na nagagawang ipaliwanag ang lahat ng tungkol sa Akin, walang nakakilala sa Akin, at walang naniwala na Ako ang Anak ng buhay na Diyos. Ang tao lang ang may ganitong paraan ng pananampalataya sa Akin, at nililinlang Ako sa ganitong paraan. Paanong magagawa ng tao na maging saksi sa Akin kapag taglay niya ang ganitong pananaw tungkol sa Akin?

Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Kidlat ng Silanganan | Ang Lahat ay Natatamo sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos


   Ang Diyos ay nagbibigkas ng Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang mga gawain ayon sa iba-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, nagwiwika Siya ng iba-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o inuulit ang parehong gawain, o nakakaramdam ng galimgim para sa mga bagay sa nakaraan; Siya ay Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawat araw bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod sa mga dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakamahalaga na ang pagsasagawa ay dapat masentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba-ibang perspektibo upang gawing payak ang Kanyang karunungan at walang hanggang kapangyarihan. Walang halaga kung Siya ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at ikaw ay hindi maaaring magsabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao na kung saan nagmumula na Siya ay mangusap. Kabilang ang ilang mga tao may mga lumitaw na mga pag-iisip bilang isang bunga ng iba-ibang mga perspektibo na kung saan nagmumula ang Diyos ay mangusap. Ang mga ganoong tao ay walang kaalaman sa Diyos, at walang kaalaman sa Kanyang gawain. Kung ang Diyos ay palaging nangusap mula sa isang perspektibo, hindi ba maglalatag ang tao ng mga patakaran tungkol sa Diyos? Maaari kayang payagan ng Diyos ang tao na kumilos sa ganoong paraan? Hindi alintana kung anong perspektibo ang pinagmumulan ng Diyos na mangusap, ang Diyos ay may mga layunin para sa bawat isa. Kung ang Diyos ay palaging nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, ikaw kaya ay maaaring makipag-ugnayan sa Kanya? Samakatwid, nangungusap Siya sa ikatlong persona upang paglaanan ka ng Kanyang mga salita at gabayan ka tungo sa realidad. Lahat-lahat ng ginagawa ng Diyos ay karapat-dapat. Sa maikling salita, ito ay ginagawang lahat ng Diyos, at ikaw ay hindi dapat magduda tungkol dito. Ipinagpalagay na Siya ay Diyos, samakatwid kahit anuman ang perspektibo na pinagmumulan ng mga pagbibigkas Niya, Siya pa rin ay Diyos. Ito ay ang hindi nababagong katotohanan. Paano man Siya gumagawa, Siya ay Diyos pa rin, at ang Kanyang sustansya ay hindi magbabago! Sobrang minamahal ni Pedro ang Diyos at siya ay isang tao na malapit sa sariling puso ng Diyos, subalit ang Diyos ay hindi sumaksi sa kanya bilang Panginoon o Kristo, pagkat ang sustansya ng tao ay kung ano nga iyon, at hindi kailanman maaaring magbago. Sa Kanyang gawain, ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, ngunit gumagamit ng ibat-ibang mga paraan upang maging mabisa ang Kanyang gawain at madagdagan ang kaalaman ng tao sa Kanya. Ang Kanyang bawat paraan ng paggawa ay nakakatulong sa tao na makilala Siya, at nasa ayos upang gawing perpekto ang tao. Kahit na anong paraan ng paggawa ang gamitin Niya, ang bawat isa ay nasa ayos upang buuin ang tao at gawing perpekto ang tao. Bagaman isa sa Kanyang paraan nang paggawa ay maaaring tumagal sa isang mahabang panahon, nasa sa ayos ito upang timplahin ang pananampalataya ng tao sa Kanya. Samakatwid hindi kayo dapat mag-alinlangan. Ang lahat ng mga ito ay mga hakbang sa gawain ng Diyos, at dapat ninyong sundin.

Kidlat ng Silanganan | Ang Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong




 Kidlat ng SilangananAng Gawain ng Diyos ay Patuloy sa Pagsulong

Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
bagamat di nagbabago ang layunin,
paraan ng paggawa Niya'y patuloy sa pagbago,

at gayun din ang mga sumusunod sa Kanya.

Habang mas maraming gawain ang Diyos

mas maraming tao sa Kanya'y ganap na nakakakilala,
mas nababago ang disposisyon ng tao
kasama na ang Kanyang gawain.
Ang gawain ng Diyos ay patuloy sa pagsulong;
Kailanma'y gawain Niya'y di-luma, laging bago.
Hindi Niya inuulit ang gawaing luma,
tanging gawaing di pa ginawa noon Kanyang gagawin.