Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Kidlat ng Silanganan| Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok”

Kidlat ng Silanganan| Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok”

Kidlat ng Silanganan| Isang Seleksyon Mula sa Sampung Sipi ng Salita ng Diyos sa “Gawa at Pagpasok”

  1. Mula pa nang ang mga tao ay nagsimulang tumahak sa tamang landas ng buhay, sila ay nananatili nang hindi-malinaw tungkol sa maraming bagay. Sila ay ganap pa ring nalalabuan tungkol sa gawain ng Diyos, at tungkol sa maraming gawain na dapat nilang gawin. Ito ay dahil, sa isang banda, sa pagkalihis ng kanilang karanasan at sa mga limitasyon sa kanilang kakayahang tumanggap; sa kabila, ito ay dahil hindi pa nadálá ng gawain ng Diyos ang mga tao sa yugtong ito. Kaya, ang lahat ay hindi maliwanag tungkol sa karamihan ng espirituwal na mga bagay. Hindi lamang na hindi-malinaw sa inyo kung ano ang inyong dapat pasukan; mas lalo kayong mangmang tungkol sa gawain ng Diyos. Ito ay mas higit pa kaysa sa simpleng bagay ng mga pagkukulang sa inyo: Ito ay isang malaking kapintasan ng lahat niyaong nasa mundo ng relihiyon. Naririto ang susi kung bakit hindi kilala ng mga tao ang Diyos, kaya’t ang kapintasang ito ay ang pare-parehong depekto ng lahat niyaong mga naghahanap sa Kanya. Walang isa mang tao ang kailanman ay nakakilala sa Diyos, o kailanman ay nakakita sa Kanyang tunay na mukha. Dahil dito kaya ang gawain ng Diyos ay naging kasing-hirap ng paglilipat ng isang bundok o pag-iígá ng dagat. Gaano karaming mga tao ang nagsakripisyo ng kanilang mga buhay para sa gawain ng Diyos; gaano karami ang napaalis nang dahil sa Kanyang gawain; gaano karami, para sa kapakanan ng Kanyang gawain, ang pinahirapan hanggang kamatayan; gaano karami, yaong ang kanilang mga mata ay napuno ng luha ng pag-ibig para sa Diyos, ang namatay nang di-makatarungan; gaano karami ang nakatagpo ng malupit at di-makataong pag-uusig...? Na ang mga trahedyang ito ay sumapit—hindi ba ang lahat ay dahil sa kakulangan ng kaalaman ng mga tao tungkol sa Diyos? Paanong ang isang tao na hindi kilala ang Diyos ay magkakaroon ng mukha na ihaharap sa Kanya? Paanong ang isang tao na naniniwala sa Diyos datapwa’t umuusig sa Kanya ay magkakaroon ng mukhang ihaharap sa Kanya? Hindi lamang ang mga ito mga kakulangan niyaong mga nasa loob ng mundo ng relihiyon, bagkus ay parehong nasa inyo at nasa kanila. Naniniwala ang mga tao sa Diyos nang hindi Siya nakikilala; ito lamang ang dahilan kung bakit hindi nila iginagalang ang Diyos sa kanilang mga puso, at hindi Siya kinatatakutan sa kanilang mga puso. May mga tao pa nga na, kasama ang magarbong pagpapasikat, ay gumagawa ng gawain na kanilang nakikita sa kanilang mga sarili sa loob ng daloy na ito, at sumusulong sa paggawa ng gawain ng Diyos ayon sa kanilang sariling mga hinihingi at alibughang mga ninánasà. Maraming mga tao ang kumikilos nang magaspang, walang pagpapahalaga sa Diyos bagkus ay sinusunod ang kanilang sariling kalooban. Hindi ba ang mga ito ay perpektong pagsasakatawan ng makasariling mga puso ng mga tao? Hindi ba nito inihahayag ang sobrang masaganang elemento ng panlilinlang na taglay ng mga tao?

mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

2. Tunay ngang ang mga tao ay maaring napakatalino, nguni’t paanong maaaring halinhinan ng kanilang mga talento ang gawain ng Diyos? Maaari ngang tunay na nagmamalasakit ang mga tao sa pasanin ng Diyos, nguni’t hindi sila maaaring kumilos nang masyadong makasarili. Talaga bang ang gawa ng mga tao ay tunay na banal? Maaari bang ang sinuman ay maging siguradong positibo? Upang sumaksi sa Diyos, upang magmana ng Kanyang kaluwalhatian—ito ay ang pagpapahintulot ng Diyos at pag-aangat sa mga tao; paano sila magiging karapat-dapat? Kasisimula pa lamang ng gawain ng Diyos, ang Kanyang mga salita ay nagsisimula pa lamang na mabigkas. Sa puntong ito, maganda ang pakiramdam ng mga tao sa kanilang mga sarili; hindi ba ito ay isang bagay na maaaring magsanhi ng kahihiyan? Hindi nila masyadong naiintindihan. Kahit na ang pinakalikas-na-matalinong teoretista, ang pinaka-matátás na mananalumpati, ay hindi makakapaglarawan ng lahat ng kasaganaan ng Diyos—mas lalo pa kaya kayo? Pinakamabuti na huwag ninyong pahalagahan ang inyong sarili nang mas mataas pa kaysa langit, bagkus ay tingnan ang inyong mga sarili na mas mababa pa kaysa sa pinakamababa sa matitinong mga tao na naghahanap na mahalin ang Diyos. Ito ang landas kung saan kayo ay papasok: ang makita ang inyong mga sarili na mas maikli ng isang dangkal kaysa sa iba. Bakit ipinapalagay ang inyong mga sarili na napakataas? Bakit ninyo totoong pinahahalagahan nang ganoong kataas ang inyong mga sarili? Sa mahabang lakbayin ng buhay, kasisimula pa lamang ninyong humakbang nang kaunti. Braso lamang ng Diyos ang nakikita ninyo, hindi ang kabuuan ng Diyos. Marapat lamang na makita ninyo ang mas marami pang gawain ng Diyos, upang matuklasan ninyo nang higit pa ang kung ano ang dapat ninyong pasukin, dahil kakaunti ang inyong ipinagbago.

mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

3. Sa katotohanan, sa lahat ng napakaraming bagay sa sangnilikha ng Diyos, pinakamababa ang tao. Kahit na siya ang panginoon ng lahat ng mga bagay, nag-iisa ang tao sa gitna ng mga iyon na napapasailalim sa panlalansi ni Satanas, ang nag-iisang biktima sa walang-katapusang mga paraan tungo sa katiwalian nito. Ang tao kailanman ay hindi nagkaroon ng kapangyarihan sa sarili niya. Karamihan sa mga tao ay nakatira sa mabahong lugar ni Satanas, at nagdurusa sa pang-uuyam nito; sila’y tinutukso nito sa ganitong paraan at ganoon hanggang sila ay maging agaw-buhay, nagtitiis sa bawa’t pabagu-bagong takbo ng buhay, sa bawa’t paghihirap sa mundo ng tao. Matapos silang paglaruan, tinatapos na ni Satanas ang kanilang tadhana. Kaya’t ginugugol ng mga tao ang kanilang buong buhay sa kalituhan, hindi nila kailanman natatamasa ang mga magagandang bagay na naihanda ng Diyos para sa kanila, bagkus ay nasisira ni Satanas at naiiwang gula-gulanit. Ngayon sila ay naging napakahina at walang-sigla kaya’t wala nang ganang pansinin man lamang ang gawain ng Diyos. Kung ang mga tao ay walang ganang pansinin ang gawain ng Diyos, ang kanilang pagdaranas ay magpakailanmang mananatiling pira-piraso at hindi-buo, at ang kanilang pagpasok ay magpakailanmang magiging walang laman.

mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

4. Sa loob ng ilang libong taon simula nang pumarito sa daigdig ang Diyos, ang anumang bilang ng mga tao na may matayog na mga simulain ay ginamit ng Diyos upang gawin ang Kanyang gawain sa anumang bilang ng mga taon; nguni’t yaong may alam sa Kanyang gawain ay napakakaunti na halos ay wala. Dahil dito, hindi mabilang na mga tao ang lumalaban sa Diyos kasabay ng pagbalikat sa gawain Niya, sapagka’t, sa halip na gawin ang Kanyang gawain, sila’y aktwal na gumagawa ng pantaong gawain sa posisyong ipinagkaloob ng Diyos. Maaari ba itong tawaging gawain? Paano sila makakapasok sa loob? Kinuha ng sangkatauhan ang biyaya ng Diyos at ito ay inilibing. Dahil dito, sa loob ng mga nakaraang henerasyon yaong mga gumagawa ng Kanyang gawain ay nakapasok lamang nang bahagya. Sila ay hindi man lamang nagsasalita tungkol sa pagkaalam sa gawain ng Diyos, dahil masyadong kakaunti ang kanilang nauunawaan sa karunungan ng Diyos. Maaaring masabi na, bagaman maraming naglilingkod sa Diyos, nabigo silang makita kung gaano Siya kadakila, kaya’t ito ang kung bakit ang lahat ay nagtaas ng kanilang mga sarili bilang Diyos upang sambahin ng iba.

mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

5. Sa loob ng napakaraming taon nanatiling nakatago ang Diyos sa loob ng sangnilikha; mula sa likod ng tumatalukbong na hamog ay nagmamasid sa pagdaan ng maraming tagsibol at taglagas; sa pagdaan ng maraming mga araw at gabi ay tumitingin sa ibaba mula sa ikatlong langit; lumalakad kasama ng mga tao sa pagdaan ng maraming buwan at mga taon. Nakaupo Siya sa ibabaw ng lahat ng tao, matahimik na naghihintay sa pagdaan ng napakaraming magiginaw na mga taglamig. Hindi Niya kailanman ipinakita nang lantaran ang Sarili Niya kaninuman, ni hindi rin nagsanhi ng anumang ingay, umaalis nang walang palatandaan at kasing-tahimik na nagbabalik. Sino ang maaaring makakilala sa Kanyang tunay na mukha? Hindi kailanman Siya nagsalita sa tao, ni minsan ay hindi kailanman nagpakita sa tao. Gaano kadálî para sa mga tao na gawin ang gawain ng Diyos? Bahagya lamang nilang natatanto na ang kilalanin Siya ay ang pinakamahirap na bagay sa lahat. Ngayon ang Diyos ay nagsalita sa tao, nguni’t hindi Siya kailanman nakikilala ng tao, sapagka’t ang kanyang pagpasok sa buhay ay masyadong limitado at mababaw. Mula sa Kanyang perspektibo, ang mga tao ay ganap na hindi nararapat magpakita sa harap ng Diyos. Masyadong maliit ang kanilang pagkaunawa sa Diyos at masyadong hiwalay mula sa Kanya. Bukod dito, ang kanilang mga puso na naniniwala sa Diyos ay masyadong kumplikado, at hindi man lamang nila taglay ang imahe ng Diyos sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Bilang resulta, ang napakaingat na pagsisikap ng Diyos, at ang Kanyang gawain, tulad ng mga pira-pirasong gintong nakabaon sa ilalim ng buhanginan, ay hindi makapagsilay ng munti mang sinag ng liwanag. Para sa Diyos, ang kakayahan, mga motibo, at mga pananaw ng mga taong ito ay karima-rimarim sa kasukdulan. Hirap na hirap sa kanilang kapasidad na tumanggap, hindi nakakaramdam hanggang sa punto ng pagiging manhid, hamak at masama, sobra-sobrang sunud-sunuran, mahina at walang determinasyon, kailangan silang akayin gaya ng pag-akay sa mga baka at kabayo. Kaugnay sa kanilang pagpasok sa espiritu, o pagpasok sa gawain ng Diyos, hindi sila nag-uukol kahit katiting na pansin, hindi nagtataglay ng kahit isang tuldok ng paninindigang magdusa alang-alang sa katotohanan. Ang gawing ganap ang ganitong uri ng tao ay hindi magiging madali para sa Diyos. Kaya mahalaga na inyong italaga ang inyong pagpasok mula sa anggulong ito—na sa pamamagitan ng inyong gawa at ng inyong pagpasok ay inyong alamin ang gawain ng Diyos.

mula sa “Gawa at Pagpasok (1)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

6. Kapag binabanggit ang gawa, naniniwala ang tao na ang gawain ay ang tumakbo paroo’t parito para sa Diyos, mangaral sa lahat ng lugar, at gumugol para sa Diyos. Bagaman ang paniniwalang ito ay tama, ito ay masyadong nakakiling sa isang panig lamang; ang hinihingi ng Diyos sa tao ay hindi lamang maglakbay paroo’t parito para sa Diyos; ito ay higit na ang ministeryo at pagtutustos sa loob ng espiritu. Maraming kapatirang lalaki at babae ang hindi kailanman nakapag-isip tungkol sa paggawa para sa Diyos kahit matapos ang napakaraming taon ng karanasan, pagka’t ang gawain ayon sa pagkaintindi ng tao ay hindi kaugma niyaong hinihingi ng Diyos. Samakatuwid, ang tao ay walang anumang interes patungkol sa gawain, at ito ang talagang dahilan kung bakit ang pagpasok ng tao ay masyadong nakakiling din sa isang panig. Lahat kayo ay dapat magsimulang pumasok sa pamamagitan ng paggawa para sa Diyos, nang sa gayon maaari ninyong mas mainam na maranasan ang lahat ng aspeto nito. Ito ang dapat ninyong pasukan. Ang gawain ay tumutukoy hindi sa pagtakbo paroo’t parito para sa Diyos; tumutukoy ito sa kung ang buhay ng tao at kung ano ang isinasabuhay ng tao ay para matamasa ng Diyos. Tumutukoy ang gawain sa paggamit ng tao ng katapatang mayroon sila sa Diyos at sa kaalamang mayroon sila tungkol sa Diyos upang magpatotoo sa Diyos at magministeryo sa tao. Ito ang responsibilidad ng tao at kung ano ang dapat mapagtanto ng lahat ng tao. Sa ibang salita, ang inyong pagpasok ay ang inyong gawain; humahanap kayong makapasok sa panahon ng inyong paggawa para sa Diyos. Hindi lamang sa pagkakaroon ng kakayahang kumain at uminom ng Kanyang salita nararanasan ang Diyos; ang mas mahalaga, makaya ninyo dapat na magpatotoo sa Diyos, maglingkod sa Diyos, at magministeryo at magtustos sa tao. Ito ang gawain, at ang inyo ring pagpasok; ito ang dapat tuparin ng bawa’t tao.

mula sa “Gawa at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

7. Marami ang mga nakatuon lamang sa paglalakbay paroo’t parito para sa Diyos, at nangangaral sa lahat ng dako, nguni’t hindi binibigyang-pansin ang kanilang personal na karanasan at pinababayaan ang kanilang pagpasok sa espirituwal na buhay. Ito ang sanhi kung bakit yaong mga naglilingkod sa Diyos ay nagiging yaong mga lumalaban sa Diyos. Sa loob ng napakaraming taon, itinuring lamang niyaong mga naglilingkod sa Diyos at nagmiministeryo sa tao ang paggawa at pangangaral bilang pagpasok, at walang nagturing sa kanilang sariling espirituwal na karanasan bilang isang mahalagang pagpasok. Sa halip, pinupuhunan nila ang pagliliwanag ng gawain ng Banal na Espiritu upang magturo sa iba. Kapag nangangaral, lubha silang nabibigatan at tinatanggap ang gawa ng Banal na Espiritu, at sa pamamagitan nito nailalabas nila ang tinig ng Banal na Espiritu. Sa sandaling iyon, kayabangan at pagkalugod sa sarili ang nararamdaman ng mga gumagawa, na para bang ang gawain ng Banal na Espiritu ay kanilang sariling espirituwal na karanasan; pakiramdam nila na ang lahat ng mga salitang kanilang sinasambit sa sandaling iyon ay kanilang sariling pagkatao.... Matapos mong minsang makapangaral sa ganoong paraan, pakiramdam mo ang iyong aktwal na tayog ay hindi kasing-liit ng iyong inakala. Pagkatapos ng maraming beses na gumawa sa iyo sa katulad na paraan ang Banal na Espiritu, saka mo nalaman na ikaw ay mayroon nang tayog at nagkamali sa paniniwala na ang gawa ng Banal na Espiritu ay ang iyong sariling pagpasok at pagkatao. Kapag patuloy kang nagkakaroon ng ganitong karanasan, nagiging pabáyâ ka tungkol sa iyong sariling pagpasok. Sa gayon ay hindi mo napapansin na ikaw ay nagiging tamad, at hindi nagpapahalaga kahit kaunti sa iyong sariling pagpasok. Samakatuwid, kapag ikaw ay naglilingkod sa iba, dapat malinaw sa iyo ang pagkakaiba sa pagitan ng iyong tayog at ng gawa ng Banal na Espiritu. Mas mapapadali nito ang iyong pagpasok at mas kapaki-pakinabang para sa iyong karanasan. Ang pagtuturing ng tao sa gawa ng Banal na Espiritu bilang kanilang sariling karanasan ay ang simula ng pagbábà ng tao. Kaya, anumang tungkulin ang inyong ginagampanan, dapat ninyong ituring ang inyong pagpasok bilang isang susing aral.

mula sa “Gawa at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

8. Gumagawa ang isa upang tuparin ang kalooban ng Diyos, upang dalhin ang lahat niyaong may wangis ng puso ng Diyos sa harap Niya, upang dalhin ang tao sa Diyos, at upang ipakilala ang gawa ng Banal na Espiritu at paggabay ng Diyos sa tao, at dahil doon ginagawang perpekto ang mga bunga ng gawain ng Diyos. Sa kadahilanang ito, mahalagang matarok ninyo ang substansya ng paggawa. Bilang isa na ginagamit ng Diyos, lahat ng tao ay karapat-dapat sa paggawa para sa Diyos, iyon ay, mayroong pagkakataon ang lahat upang magamit ng Banal na Espiritu. Subali’t, may isang punto na dapat ninyong mapagtanto: Kapag ginagawa ng tao ang gawain ng Diyos, may pagkakataon ang tao na magamit ng Diyos, nguni’t ang sinasabi at nalalaman ng tao ay hindi ang buong tayog ng tao. Mas makikilala lamang ninyo ang inyong mga pagkukulang sa inyong gawain, at tatanggap ng higit na kaliwanagan mula sa Banal na Espiritu, sa gayon ay pinahihintulutan kayong mas mahusay na makapasok sa inyong gawain. Kung itinuturing ng tao ang patnubay mula sa Diyos bilang sariling pagpasok ng tao at kung ano ang likas sa loob ng tao, walang potensyal na lumago ang tayog ng tao. Nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao kapag sila ay nasa karaniwang katayuan; sa gayong mga pagkakataon, madalas napapagkamalian ng tao ang kaliwanagan na kanilang natatanggap bilang kanilang sariling tayog sa katunayan, sapagka’t nagbibigay-liwanag ang Banal na Espiritu sa pinaka-karaniwang paraan: sa pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang likas sa loob ng tao. Kapag ang tao ay gumagawa at nagsasalita, o sa panahon ng pananalangin ng tao sa kanyang espirituwal na mga debosyon, isang katotohanan ang biglang magiging malinaw sa kanila. Sa katunayan, gayunpaman, ang nakikita ng tao ay kaliwanagan lamang sa pamamagitan ng Banal na Espiritu (natural, ito ay kaugnay ng pakikipagtulungan mula sa tao) at hindi totoong tayog ng tao. Pagkatapos ng isang panahon ng karanasan na kung saan ang tao ay nakatagpo ng iba’t ibang tunay na mga kahirapan, ang tunay na tayog ng tao ay lumilitaw sa ilalim ng ganoong mga pangyayari. Sa oras lamang na iyon natutuklasan ng tao na ang tayog ng tao ay hindi ganoon kalákí, at ang pagka-makasarili, personal na mga pagsasaalang-alang, at kasakiman ng tao ay lumalabas lahat. Pagkatapos lamang ng ilang ulit ng naturang karanasan matatanto niyaong mga nagkaroon ng kamalayan sa loob ng kanilang mga espiritu na hindi ito kanilang sariling katunayan sa nakaraan, kundi isang panandaliang pagbibigay-liwanag ng Banal na Espiritu, at nakatanggap lamang ang tao ng liwanag. Kapag nililiwanagan ng Banal na Espiritu ang tao upang maunawaan ang katotohanan, ito ay madalas na sa isang malinaw at natatanging paraan, na walang konteksto. Iyon ay, hindi Niya isinasama ang mga paghihirap ng tao sa pagbubunyag na ito, at sa halip direktang ibinubunyag ang katotohanan. Kapag ang tao ay nakatagpo ng mga paghihirap sa pagpasok, saka isinasama ng tao ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at ito ang nagiging aktwal na karanasan ng tao. ... Samakatuwid, kapag tinatanggap ninyo ang gawa ng Banal na Espiritu, kasabay nito ay dapat ninyong higit na tutukan ang inyong pagpasok, tinitingnan kung ano talaga ang gawa ng Banal na Espiritu at kung ano ang inyong pagpasok, gayundin ay isinasama ang gawa ng Banal na Espiritu sa inyong pagpasok, upang higit kayong magawang perpekto sa pamamagitan Niya at hayaan ang substansya ng gawa ng Banal na Espiritu na mailakip sa inyo. Sa panahon ng inyong karanasan sa gawa ng Banal na Espiritu, nakikilala ninyo ang Banal na Espiritu, pati na rin ang inyong mga sarili, at sa gitna ng maraming matitinding mga sandali ng paghihirap, nagkakaroon kayo ng isang karaniwang relasyon sa Diyos, at ang ugnayan sa pagitan ninyo at ng Diyos ay nagiging mas malápít araw-araw. Matapos ang hindi mabilang na mga pagkakataon ng pagpupungos at pagpipino, nabubuo sa inyo ang isang tunay na pag-ibig para sa Diyos. Kaya dapat ninyong mapagtanto na ang pagdurusa, pananakit, at mga kapighatian ay hindi nakakatakot; ang nakakatakot ay ang pagkakaroon lamang ng gawa ng Banal na Espiritu nguni’t hindi ng inyong pagpasok. Kapag dumating ang araw na ang gawain ng Diyos ay tapos na, kayo ay nagpagal nang walang kabuluhan; bagaman inyong naranasan ang gawa ng Diyos, hindi ninyo nakilala ang Banal na Espiritu o nagkaroon ng inyong sariling pagpasok. Ang pagliliwanag sa tao sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay hindi upang panatilihin ang rubdob ng tao; ito ay upang magbukas ng daan para sa pagpasok ng tao, gayundin ay upang tulutan ang tao na makilala ang Banal na Espiritu, at mula riyan ay mabuuan ng isang puso na may paggalang at pagsamba sa Diyos.

mula sa “Gawa at Pagpasok (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

9. Malaki ang naipagkatiwala ng Diyos sa tao at napatungkulan din ang kanilang pagpasok sa di-mabilang na mga paraan. Nguni’t dahil ang kakayahan ng mga tao ay lubhang mahina, marami sa mga salita ng Diyos ang nabigong mag-ugat. Sari-sari ang dahilan ng mahinang kalibreng ito, tulad ng katiwalian sa kaisipan ng tao at moralidad, kakulangan ng tamang pagpapalaki; pyudal na mga pamahiin na lubhang nakahawak sa puso ng tao; ubod-nang-samâ at bulok na mga uri ng pamumuhay na nagbunga ng maraming kasamaan sa pinakamalalim na sulok ng puso ng tao; mababaw na pagtarok sa pangkulturang kaalaman, kung saan halos siyamnapu’t-walong porsiyento ng mga tao ang kulang ng edukasyon sa pangkulturang kaalaman at, higit pa rito, iilan lamang ang nakatatanggap ng mas mataas na antas ng edukasyong pangkultura, kaya ang mga tao sa pangunahin ay walang ideya kung ano ang kahulugan ng Diyos o ng Espiritu, kundi mayroon lamang isang malabo at hindi maliwanag na larawan ng Diyos na nakuha mula sa pyudal na mga pamahiin; sa mga mapanirang impluwensya sa kalaliman ng puso ng tao na naiwan ng libu-libong taon ng matayog na diwa ng pagiging makabayan at pyudal na pag-iisip kung saan ang mga tao ay nakatali at nakakadena, nang wala ni ga-tuldok na kalayaan, walang paninindigang maghangad o magtiyaga, walang pagnanais na umunlad, sa halip ay nananatiling walang-pagkilos at paúróng, nakabaon sa kaisipan ng isang alipin. At marami pa. Ang obhetibong mga salik na ito ay nagbahagi ng isang di-mabuburang marumi at pangit na anyo sa pang-kaisipang pananaw, mga simulain, moralidad at disposisyon ng sangkatauhan. Tila nakatira ang mga tao sa isang teroristang mundo ng kadiliman, na walang sinuman sa kanila ang naglalayong pangibabawan, at walang sinuman sa kanila ang nag-iisip na sumulong sa isang mundong uliran; sa halip, kuntento na sila sa kanilang kalagayan sa buhay,[1] ang gugulin ang kanilang mga araw sa panganganak at pagpapalaki ng mga anak, nagsusumikap, nagpapapawis, nagtatrabaho, nangangarap ng isang maginhawa at masayang pamilya, ng pagmamahal ng asawa, ng paggalang ng mga anak sa kanilang mga magulang, ng kagalakan sa kanilang katandaan habang matiwasay na namumuhay. ... Sa loob ng mga dekada, ng libu-libo, sampu-sampung libu-libong taon hanggang sa ngayon, inaaksaya na ng mga tao ang kanilang mga oras sa ganitong paraan, na walang sinuman ang lumilikha ng isang buhay na perpekto, lahat ay naghahangad lamang na makipagpatayan sa madilim na mundong ito, nakikipagkarera para sa katanyagan at kapalaran, at sa pang-iintriga laban sa isa’t isa. Sino ang kahit kailan ay naghanap sa kalooban ng Diyos? Mayroon bang sinuman na kahit kailan ay pumansin sa gawain ng Diyos? Ang lahat ng mga bahagi ng pagkatao na sinakop ng impluwensiya ng kadiliman ay matagal nang naging pantaong kalikasan mula noon, kaya lubos na mahirap isakatuparan ang gawain ng Diyos, at mas lalo pang walang pagnanais ang mga tao na bigyang-pansin ang ipinagkatiwala ng Diyos sa kanila ngayon. Kung anuman, sa tingin Ko hindi na bibigyang-halaga ng mga tao ang pagbigkas Ko ng mga salitang ito dahil ang sinasabi Ko ay tungkol sa kasaysayan ng libu-libong mga taon. Ang pag-usapan ang kasaysayan ay nangangahulugan ng mga katunayan at, higit pa rito, mga iskandalo na halata ng lahat, kaya ano ang punto sa pagsasalita ng salungat sa katunayan?

mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

10. Ang kinasusuklaman ng Diyos nang higit sa lahat ay ang mapamahiing gawain ng mga tao, nguni’t maraming mga tao pa rin ang hindi kayang bitawan ang mga iyon, at iniisip na ang mga mapamahiing gawaing ito ay iniutos ng Diyos, at kahit ngayon hindi pa lubusang nabibitawan ang mga iyon. Mga bagay na kagaya ng ginagawa ng mga kabataan para sa kapistahan ng kasalan at dote para sa mga babaeng ikakasal; mga regalong pera, mga handaan, at katulad na mga pamamaraan ng pagdiriwang ng masasayang mga okasyon; mga sinaunang pormula na namana; ang lahat ng mga walang-kabuluhang mapamahiing gawain na isinasagawa sa ngalan ng mga patay at seremonya ng paglilibing sa kanila, higit pang kinamumuhian ng Diyos ang lahat ng mga ito. Kahit ang Linggo (araw ng Sabat, na sinusunod ng mga Judio) ay kinamumuhian ng Diyos; at lalo pang higit na kinamumuhian at tinatanggihan ng Diyos ang ugnayang panlipunan at makamundong pag-uugnayan sa pag-itan ng mga tao. Hindi iniutos ng Diyos kahit na ang Pista ng Tagsibol at Araw ng Pasko na kilala ng lahat ng tao, lalo na ang mga laruan at dekorasyon (mga pares-pares, keyk sa Bagong Taon, mga paputok, mga parol, mga regalo pag Pasko, mga salu-salo pag Pasko at Banal na Komunyon) dahil ang mga maliligayang araw ng pagdiriwang na ito—ay hindi ba mga idolo sa isipan ng mga tao? Ang pagpipira-piraso ng tinapay sa araw ng Sabat, alak at pinong lino ay lalong higit pang talagang mga idolo. Ang lahat ng mga iba’t-ibang mga tradisyonal na araw ng kapistahan na kilala sa Tsina, tulad ng “Dragon Heads-raising Day”, ang “Dragon Boat Festival”, “Mid-Autumn Festival”, ang “Laba Festival” at Araw ng Bagong Taon, at ang mga pista sa mundo ng relihiyon tulad ng Kuwaresma, Araw ng Pagbibinyag, at Araw ng Pasko, ang lahat ng mga di-makatwirang pistang ito ay isinaayos at ipinamana mula sa unang panahon hanggang sa kasalukuyan ng maraming mga tao, at lubos na hindi tugma sa lahi ng tao na nilikha ng Diyos. Ito ay ang mayamang imahinasyon ng tao at malikhaing pagbuo na nagsanhi sa mga ito na maipasa hanggang sa ngayon. Ang mga iyon ay walang kapintasan sa tingin, nguni’t sa katunayan ay mga panlilinlang ni Satanas sa sangkatauhan. Mas higit na pinagtitipunan ng mga Satanas ang isang lokasyon, at mas lipas at paúróng ang lugar na iyon, ay mas malálâ ang mga pyudal na kaugalian. Ang mga bagay na ito ay nagbibigkis sa mga tao nang mahigpit, na hindi na sila makakilos. Tila nagpapakita ng lubhang pagiging-orihinal ang marami sa mga pista sa mundo ng relihiyon at tila lumilikha ng isang tulay sa gawain ng Diyos, nguni’t ang mga iyon sa katunayan ay hindi-nakikitang mga tali ni Satanas na gumagapos sa mga tao upang hindi makilala ang Diyos—ang mga iyon ay mga tusong panlalansi ni Satanas. Sa katunayan, kapag ang isang yugto ng gawain ng Diyos ay tapos na, nawasak na Niya ang mga kasangkapan at estilo ng panahong iyon, na walang naiwang anumang bakas. Gayunman, ang “matapat na mga mananampalataya” ay sinasamba pa rin ang mga nahihipong materyal na mga bagay; samantala isinasantabi nila sa kanilang mga isipan ang kung anong mayroon ang Diyos, hindi na ito pinag-aaralan pa, tila baga puno ng pag-ibig ng Diyos nguni’t ang totoo Siya ay matagal nang itinulak palabas ng bahay at inilagay si Satanas sa hapag upang sambahin. Ang mga larawan ni Jesus, ang Krus, si Maria, Bautismo ni Jesus at ang Huling Hapunan—ang lahat ng mga ito ay iginagalang ng mga tao bilang Panginoon ng Langit, at lahat ay habang paulit-ulit na sumisigaw ng “Diyos na Ama.” Hindi ba ang lahat ng ito ay isang biro? Hanggang ngayon, kinapopootan ng Diyos ang maraming katulad na mga pananalita at pagsasagawa na minana ng sangkatauhan, seryosong hinahadlangan ng mga iyon ang daan tungo sa Diyos at, higit pa rito, naging sanhi ng matitinding kabiguan sa pagpasok ng tao. Isinasantabi ang lawak ng pagkakasira ni Satanas sa sangkatauhan, ang mga kalooban ng mga tao ay lubusang napuno ng mga bagay na gaya ng batas ni Witness Lee, ng mga karanasan ni Lawrence, ng mga sarbey ni Watchman Nee at ng gawain ni Pablo. Walang basta-bastang paraan upang gumawa ang Diyos sa mga tao dahil sa loob nila ay may sobrang pagkamakasarili, mga batas, mga patakaran, mga alituntunin at mga sistema, at mga tulad nito; ang mga bagay na ito, karagdagan sa hilig ng mga tao sa pyudal na mga pamahiin, ay bumihag at lumamon sa sangkatauhan. Ang iniisip ng mga tao ay mistulang isang kapana-panabik na pelikula na nagsasalaysay ng isang kathang-isip na kasaysayang may-kulay, na may hindi-kapani-paniwalang mga nilalang na nakasakay sa mga ulap, napaka-malikhain kaya namamangha ang mga tao, iniiwan silang tulala at hindi makapagsalita.

mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

11. Ang pinakamahusay na paraan upang baguhin ang disposisyon ng tao ay baligtarin yaong mga bahagi sa kaibuturan ng mga puso ng mga tao na pinakamatinding nalason, na nagpapahintulot sa mga tao na magsimulang baguhin ang kanilang pag-iisip at moralidad. Una sa lahat, kailangang malinaw na makita ng mga tao na ang lahat ng mga seremonyang ito ng relihiyon, mga relihiyosong gawain, mga taon at mga buwan, at mga pista ay kinasusuklaman ng Diyos. Dapat silang lumaya mula sa mga gapos na ito ng pyudal na pag-iisip at wasakin ang bawa’t bakas ng kanilang malalim na pagkahilig sa pamahiin. Ang lahat ng ito ay kasama sa pagpasok ng tao. Dapat ninyong maunawaan kung bakit pinangungunahan ng Diyos ang sangkatauhan palabas sa sekular na mundo, at muli kung bakit Niya inaakay ang sangkatauhan paláyô sa mga patakaran at mga alituntunin. Ito ang pintuan kung saan kayo papasok, at kahit na ito ay walang kinalaman sa inyong espirituwal na karanasan, ang mga ito ang pinakamatinding mga bagay na humaharang sa inyong pagpasok, humaharang sa inyong pagkilala sa Diyos. Bumubuo ang mga iyon ng isang “lambat” na humuhuli sa tao. Maraming tao ang sobrang magbasa ng Biblia at kaya pang bigkasin ang maraming mga sipi sa Biblia mula sa memorya. Sa kanilang pagpasok ngayon, walang malay ang mga tao na ginagamit nila ang Biblia upang sukatin ang gawain ng Diyos na parang ang batayan ng yugtong ito sa gawain ng Diyos ay ang Biblia at ang pinagmulan nito ay ang Biblia. Kapag ang gawain ng Diyos ay nakalinya sa Biblia, matinding sinusuportahan ng tao ang gawain ng Diyos at tumitingin sa Kanya na may panibagong paggalang; kapag ang gawain ng Diyos ay hindi tumugma sa Biblia, masyadong nababahala ang mga tao na sila ay pinagpapawisan, naghahanap dito ng batayan ng gawain ng Diyos; kung ang gawain ng Diyos ay hindi nabanggit sa Biblia, hindi papansinin ng mga tao ang Diyos. Maaaring masabi na, kaugnay sa gawain ng Diyos sa ngayon, ang karamihan sa mga tao ay maingat na maingat na tumatanggap dito, namímilì lamang ng sinusunod, at nadaramang walang-pakialam kung ito man ay naalaman; at para sa mga bagay ng nakaraan, pinanghahawakan nila ang kalahati at tinatalikdan ang kalahati. Maaari ba itong matawag na pagpasok? Hinahawakan ang mga libro ng iba bilang mga kayamanan, at itinuturing ang mga iyon bilang ginintuang susi sa pasúkán ng kaharian, ipinakikita lamang ng mga tao na wala silang interes sa kung ano ang kinakailangan ng Diyos ngayon sa kanila. Higit pa rito, maraming “matalinong mga eksperto” ang humahawak sa mga salita ng Diyos sa kanilang kaliwang kamay at sa kanang kamay hawak nila ang “obra maestra” ng iba, na parang nais nilang mahanap ang batayan ng mga salita ng Diyos sa mga obra maestrang ito upang lubos na patunayan na ang mga salita ng Diyos ay tama, at ipinaliliwanag pa nila sa iba sa pamamagitan ng pagsasama ng mga iyon sa mga obra maestra, na mistula silang nagtatrabaho. Sa katotohanan, maraming mga “pang-agham na mga mananaliksik” sa gitna ng sangkatauhan ang hindi kailanman tinitingnan nang mataas ang mga pinakabagong tagumpay pang-agham sa kasalukuyan, mga pang-agham na tagumpay na walang nauna (i.e. ang gawain ng Diyos, ang mga salita ng Diyos at ang landas sa pagpasok sa buhay), kaya ang lahat ng tao ay “umaasa sa sarili,” “nangangaral” sa maraming lugar na umaasa sa kanilang galíng sa pagsasalita, ipinagmamarangya “ang magandang pangalan ng Diyos.” Samantala, nasa panganib ang kanilang pagpasok at ang distansya nila mula sa mga kinakailangan ng Diyos ay tila kasing-layo ng paglikha mula sa sandaling ito. Gaano kadaling gawin ang gawain ng Diyos?

mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

12. Tila nakapagpasya na ang mga tao na iwanan ang kalahati ng kanilang mga sarili sa kahapon at dalhin ang kalahati sa kasalukuyan, ihatid ang kalahati kay Satanas at ihandog ang kalahati sa Diyos, na parang ito ang paraan upang gumaan ang kanilang budhi at makaramdam ng kaginhawahan. Lihim na mapánírà ang puso ng mga tao, takot silang mawala hindi lamang ang bukas kundi pati na rin ang kahapon, takot na takot na parehong masaktan si Satanas at ang Diyos ng ngayon na tila Siya at datapwa’t hindi rin Siya. Dahil nabigo ang mga tao na linangin ang kanilang pag-iisip at moralidad, sila ay kulang na kulang sa pagtalos, at hindi nila basta-basta masábi kung ang gawain ng kasalukuyan ay sa Diyos ba o hindi. Ito marahil ay dahil ang pyudal at mapamahiing pag-iisip ng tao ay masyadong malalim kaya matagal na nilang inilagay ang pamahiin at katotohanan, ang Diyos at mga diyus-diyosan, sa parehong kategorya; wala silang malasakit na alamin ang pagkakaiba sa pag-itan ng mga bagay na ito, at tila hindi pa rin nila malaman nang malinaw ang kaibahan kahit na pagkatapos nilang halukayin ang kanilang mga utak. Kaya napatigil na ang mga tao sa kanilang mga landas at hindi na sumusulong. Ang lahat ng mga problemang ito ay galing sa kakulangan ng mga tao sa tamang uri ng pag-aaral na pang-kaisipan, na nagdudulot ng matitinding mga paghihirap para sa kanilang pagpasok. Bilang resulta, hindi kailanman nakadama ng anumang interes ang mga tao sa gawain ng tunay na Diyos, nguni’t patuloy na kumakapit sa[2] gawa ng tao (tulad niyaong mga tinitingnan nila bilang mga dakilang tao) na parang ito ay inimprentahan ng isang tatak. Hindi ba ang mga ito ang pinakabagong mga paksa na dapat pasukin ng sangkatauhan?

mula sa “Gawa at Pagpasok (3)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

13. Kung tunay na ang tao ay maaaring makapasok alinsunod sa gawain ng Banal na Espiritu, ang kanyang buhay ay mabilis na uusbong tulad ng isang labong pagkatapos ng isang ulan sa tagsibol. Kung titingnan mula sa kasalukuyang mga tayog ng karamihan sa mga tao, walang sinuman ang nagbibigay ng anumang kahalagahan sa buhay. Sa halip, ang pinahahalagahan ng mga tao ay ang ilang di-mahalagang panlabas na mga bagay. O nagmamadali sila parito at paroon at nagtatrabaho nang walang layon at nakikipagsapalaran na walang pagtutuon ng pansin, hindi alam kung saang direksyon tutungo at lalong hindi kung para kanino. Sila lamang ay “mapagkumbabang nagtatago ng kanilang mga sarili.” Ang katotohanan ay, iilan lamang sa inyo ang nakaaalam ng mga intensyon ng Diyos para sa huling mga araw. Bihira lamang sa inyo ang nakaaalam ng bakas ng paa ng Diyos, at higit pang kakaunti ang nakaaalam kung ano ang magiging pinakahuling pagsasakatuparan ng Diyos. Nguni’t ang lahat, sa pamamagitan ng tibay ng kalooban, ay tumatanggap ng disiplina at pakikitungo mula sa iba, na parang naghahanda[3] at naghihintay sa araw kung kailan sa wakas ay nagawa nila ito at maaari nang magpahinga. Hindi ako magsasabi ng anuman sa mga “kababalaghang” ito sa gitna ng mga tao, nguni’t may isang punto na dapat maunawaan ninyong lahat. Karamihan sa mga tao sa sandaling ito ay pasulong na tumutungo sa abnormalidad,[4] ang kanilang mga hakbang papasok ay patungo na sa isang dulong walang labasan.[5] Marahil nag-iisip ang maraming tao na ito ang “Shangri-La” na inaasam ng tao, na pinaniniwalaan ito bilang ang lugar ng kalayaan. Sa katunayan, hindi ito. O ang isa ay maaaring magsabi na ang mga tao ay nawala na sa landas.

mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

14. Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa laman ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid. Gaano man kalaki at kamakapangyarihan ang gawain ng Espiritu, nananatiling kalmado ang Diyos, hindi kailanman ipinagkakanulo ang Sarili Niya. Maaaring sabihin ng isa na ang yugtong ito ng Kanyang gawain ay parang nagaganap sa makalangit na kinasasaklawan. Kahit na ito ay ganap na halata sa lahat ng tao, walang sinuman ang nakakakilala rito. Kapag tinapos ng Diyos ang yugtong ito ng Kanyang gawain, magigising ang lahat mula sa kanilang mahabang panaginip at babaligtarin ang kanilang nakaraang pag-uugali[6]. Natatandaan ko nang minsang sabihin ng Diyos na, “Ang pagdating sa laman sa oras na ito ay parang tulad ng pagbagsak sa lungga ng isang tigre.” Ang ibig sabihin nito ay dahil sa ikot na ito ng gawain ng Diyos ay ang pagdating ng Diyos sa laman at pagkapanganak sa tinatahanang lugar ng malaking pulang dragon, ang Kanyang pagparito sa lupa sa panahong ito ay may kasama pang mas matitinding mga panganib. Ang kinakaharap Niya ay mga kutsilyo at mga baril at mga garote; ang kinakaharap Niya ay tukso; ang kinakaharap Niya ay maraming tao na may nakamamatay na mga tingin. Nakikipagsapalaran Siyang mapatay anumang sandali. Dumating nga ang Diyos na may poot. Gayunpaman, dumating Siya upang gawin ang gawain ng pagpeperpekto, na nangangahulugan na gawin ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain na nagpapatuloy pagkatapos ng gawain ng pagtubos. Para sa kapakanan ng yugtong ito ng Kanyang gawain, inilaan ng Diyos ang sukdulang pagpapahalaga at pag-iingat at gumagamit ng bawa’t maiisip na mga paraan upang maiwasan ang mga pag-atake ng tukso, mapagkumbabang itinatago ang Kanyang sarili at hindi kailanman ipinapasikat ang Kanyang pagkakakilanlan. Sa pagsagip ng tao mula sa krus, kinukumpleto lamang ni Jesus ang gawain ng pagtubos; hindi Siya gumagawa ng gawaing pagpeperpekto. Kaya kalahati lamang ng gawain ng Diyos ang ginagawa, ang pagtatapos ng gawain ng pagtubos ay kalahati lamang ng Kanyang buong plano. Sa pag-uumpisa ng bagong kapanahunan at pagtatapos ng luma, ang Diyos Ama ay nagsimulang pag-isipan ang ikalawang bahagi ng Kanyang gawain at nagsimulang paghandaan ito. Noong nakaraan, maaaring hindi nahulaan ang pagkakatawang-taong ito sa huling mga araw, at sa gayon naglatag ito ng isang pundasyon para higit pang mailihim ang pagdating ngayon ng Diyos sa laman. Sa pagsapit ng bukang-liwayway, hindi nalalaman ng sinuman, naparito ang Diyos sa lupa at sinimulan ang Kanyang buhay sa laman. Hindi alam ng mga tao ang sandaling ito. Siguro lahat sila ay mahimbing na natutulog, marahil maraming nagbabantay na gising ang naghihintay, at marahil marami ang nagdarasal nang tahimik sa Diyos sa langit. Gayunman sa gitna ng lahat nitong maraming mga tao, wala ni isang nakakaalam na ang Diyos ay dumating na sa lupa. Gumawa ang Diyos nang papaganito nang sa gayon mas maayos na maisakatuparan ang Kanyang gawain at makamit ang mas mahusay na mga resulta, at upang maiwasan din ang maraming mga tukso. Sa pagkagising ng tao sa mahimbing na pagkakaidlip, ang gawain ng Diyos ay matagal nang natapos at Siya’y aalis na, dadalhin sa pagtatapos ang Kanyang buhay nang paglilibot at pansamantalang pagtigil sa lupa. Dahil ang gawain ng Diyos ay nangangailangan na ang Diyos ay kumilos at magsalita nang personal, at dahil walang paraan ang tao upang makatulong, tiniis ng Diyos ang matinding sakit upang pumarito sa lupa at gawin Niya Mismo ang gawain. Hindi kayang humalili ng tao para sa gawain ng Diyos. Samakatuwid nakipagsapalaran sa mga panganib ang Diyos ng ilang libong beses na mas matindi kaysa roon sa Kapanahunan ng Biyaya upang bumaba sa kung saan ang malaking pulang dragon ay nananahan upang gawin ang Kanyang sariling gawain, upang ibuhos ang lahat ng Kanyang pag-iisip at pangangalaga sa pagtubos sa grupo ng naghihirap na mga taong ito, pagtubos sa grupong ito ng mga taong nasadlak sa tambak ng basura. Kahit na walang nakakaalam sa pag-iral ng Diyos, hindi nababalisa ang Diyos dahil ito ay malaking kapakinabangan sa gawain ng Diyos. Napakabangis na masama ang bawa’t isa, kaya paanong matitiis ng kahit na sino ang pag-iral ng Diyos? Iyon ang dahilan kung bakit laging tahimik ang Diyos sa lupa. Kahit gaano kalabis ang kalupitan ng tao, hindi dinidibdib ng Diyos ang alinman dito, kundi patuloy lamang Siya sa paggawa ng kailangang gawain upang matupad ang mas higit na atas na ibinigay sa Kanya ng Ama sa langit. Sino sa inyo ang nakakakilala ng kagandahan ng Diyos? Sino ang nagpapakita nang higit na pagsasaalang-alang sa pasanin ng Diyos Ama kaysa sa ginagawa ng Kanyang Anak? Sino ang may kakayahang maunawaan ang kalooban ng Diyos Ama? Madalas na nababalisa sa langit ang Espiritu ng Diyos Ama, at ang Kanyang Anak sa lupa ay madalas nananalangin para sa kalooban ng Diyos Ama, lubhang nababahala ang Kanyang puso. Mayroon bang kahit sino na nakakaalam ng pag-ibig ng Diyos Ama para sa Kanyang Anak? Mayroon bang kahit sino na nakakaalam kung paano nangungulila ang sinisintang Anak sa Diyos Ama? Napupunit sa pag-itan ng langit at lupa, ang dalawa ay patuloy na tinititigan ang bawa’t isa mula sa malayo, magkaagapay sa Espiritu. O sangkatauhan! Kailan kayo magiging mapagbigay sa puso ng Diyos? Kailan ninyo mauunawaan ang intensyon ng Diyos? Palaging umaasa ang Ama at Anak sa isa’t isa. Bakit kung gayon dapat Silang maghiwalay, isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Minamahal ng Ama ang Kanyang Anak gaya ng pagmamahal ng Anak sa Kanyang Ama. Bakit kung gayon dapat Siyang maghintay nang may gayong pag-asam at manabik nang may gayong pagkabalisa? Kahit hindi Sila nagkahiwalay nang matagal, mayroon bang kahit sino na nakakaalam na ang Ama ay lubhang nababalisa na nagnanasa sa loob ng maraming mga araw at gabi at nananabik sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak? Nagmamasid Siya, nakaupo Siya sa katahimikan, naghihintay Siya. Ang lahat ng ito ay para sa mabilis na pagbalik ng Kanyang minamahal na Anak. Kailan kaya Niya muling makakasama ang Anak na naglilibot sa lupa? Kahit na minsang nagsama, magsasama Sila sa walang-hanggan, paano Niya matitiis ang libu-libong mga araw at gabi ng paghihiwalay, ang isa sa langit sa itaas at isa sa lupa sa ibaba? Ang sampu-sampung taon sa lupa ay gaya ng libu-libong taon sa langit. Paanong hindi mag-aalala ang Diyos Ama? Kapag pumaparito ang Diyos sa lupa, nararanasan Niya ang maraming mga pagbabago ng mundo ng tao kagaya nang nararanasan ng tao. Ang Diyos Mismo ay walang sala, kaya bakit hahayaang magdusa ang Diyos ng parehong sakit gaya ng tao? Hindi nakapagtataka na ang Diyos Ama ay nangungulila nang marubdob sa Kanyang Anak; sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos? Binibigyan ng Diyos ang tao nang sobra; paano magagawa ng tao na bayaran nang sapat ang puso ng Diyos? Datapwa’t ang ibinibigay ng tao sa Diyos ay masyadong maliit; paanong hindi mag-aalala samakatuwid ang Diyos?

mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

15. Bihira sa mga tao ang nakakaunawa sa nagpupumilit na puso ng Diyos dahil masyadong mababa ang kakayahan ng mga tao at ang kanilang pandamang espirituwal ay talagang mapurol, at dahil lahat sila ay hindi nakakapansin ni umiintindi kung ano ang ginagawa ng Diyos. Kaya patuloy na nag-aalala ang Diyos sa tao, na parang ang malupit na kalikasan ng tao ay maaaring kumawala anumang sandali. Ito ay higit pang nagpapakita na ang pagdating ng Diyos sa lupa ay may kasamang malalaking mga tukso. Nguni’t para sa kapakanan ng pagkumpleto sa isang grupo ng mga tao, ang Diyos, puno ng kaluwalhatian, ay nagsabi sa tao ng Kanyang bawa’t layunin, walang itinatago. Matatag Siyang nagpasya na kumpletuhin ang grupong ito ng mga tao. Samakatuwid, dumating man ang paghihirap o tukso, tumitingin Siya nang paláyô at hindi pinapansin ang lahat ng ito. Tahimik lamang Niyang ginagawa ang Kanyang sariling gawain, matatag na naniniwala na isang araw kapag nakamit na ng Diyos ang kaluwalhatian, makikilala ng tao ang Diyos, at naniniwalang kapag nakumpleto na ng Diyos ang tao, lubos niyang mauunawaan ang puso ng Diyos. Sa ngayon maaaring may mga tao na tinutukso ang Diyos o hindi nauunawaan ang Diyos o sinisisi ang Diyos; walang isinasapuso ang Diyos sa mga iyon. Kapag bumaba ang Diyos sa kaluwalhatian, mauunawaan ng lahat ng mga tao na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay para sa kagalingan ng sangkatauhan, at mauunawaan ng lahat ng mga tao na ang lahat ng bagay na ginagawa ng Diyos ay upang mas mahusay na mabuhay ang sangkatauhan. Ang pagdating ng Diyos ay may kasamang mga tukso, at dumarating din ang Diyos na may kamahalan at poot. Sa panahong iniwan na ng Diyos ang tao, nagkamit na Siya ng kaluwalhatian, at aalis Siya na punung-puno ng kaluwalhatian at may kagalakan ng pagbabalik. Ang Diyos na gumagawa sa lupa ay hindi isinasapuso ang mga bagay-bagay gaano man Siya tanggihan ng mga tao. Ginagawa lamang Niya ang Kanyang gawain.

mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

16. Ang paglikha ng Diyos sa mundo ay nagmula libu-libong taon na ang nakararaan, naparito Siya sa lupa upang gawin ang hindi masukat na dami ng mga gawain, at ganap Niyang naranasan ang pagtanggi at paninirang-puri ng pantaong mundo. Walang sinuman ang sumasalubong sa pagdating ng Diyos; tinitingnan lamang Siya ng lahat nang may malamig na mata. Sa paglipas ng katumbas nitong ilang libong taóng mga paghihirap, matagal nang panahon na winasak ng pag-uugali ng tao ang puso ng Diyos. Hindi na Niya pinapansin ang paghihimagsik ng mga tao, bagkus ay gumagawa ng isang hiwalay na plano upang mapanibagong-anyo at linisin ang tao. Ang pang-uuyam, ang paninirang-puri, ang pag-uusig, ang kapighatian, ang paghihirap ng pagpapapako sa krus, ang pagbubukod ng tao, at iba pa na naranasan ng Diyos sa laman—nakalasap nang husto ang Diyos ng mga ito. Lubusang nagdusa sa mga paghihirap ng mundo ng tao ang Diyos sa laman. Matagal na panahon na ang nakalipas na ang gayong tanawin ay hindi matiis ng Espiritu ng Diyos Ama at sumandig na lamang at ipinikit ang Kanyang mga mata, naghihintay sa pagbabalik ng Kanyang minamahal na Anak. Ang tanging ninanais Niya ay makinig at sumunod ang lahat ng tao, na makaramdam ng malaking kahihiyan sa harap ng Kanyang katawang-tao, at hindi maghimagsik laban sa Kanya. Ang tanging ninanais Niya ay na ang mga tao ay maniwala na ang Diyos ay umiiral. Matagal na Siyang tumigil sa paghingi ng mas malaking mga kinakailangan sa tao sapagka’t masyadong mataas na halaga ang naibayad ng Diyos, datapwa’t hindi iyon gaanong pinahahalagahan ng tao, hindi man lamang isinasapuso ang gawain ng Diyos.

mula sa “Gawa at Pagpasok (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

17. Ngayon alam na ninyong lahat na dinadala ng Diyos ang mga tao patungo sa tamang landas ng buhay, na pinangungunahan Niya ang tao upang humakbang tungo sa isa pang kapanahunan, na pinangungunahan Niya ang tao upang pangibabawan ang madilim at lumang kapanahunang ito, palábás sa lamán, paláyô mula sa pang-aapi ng mga puwersa ng kadiliman at sa impluwensiya ni Satanas, nang sa gayon ang bawa’t isang tao ay mabuhay sa isang mundo ng kalayaan. Para sa kapakanan ng isang magandang bukas, at upang mas lumakas ang loob ng mga tao sa kanilang mga hakbang bukas, binabalak ng Espiritu ng Diyos ang lahat ng bagay para sa tao, at upang magkaroon ang tao ng higit na kasiyahan, iniuukol ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga pagsisikap sa katawang-tao sa paghahanda nang patiuna sa landas ng tao, pinabibilis ang pagdating ng araw na pinananabikan ng tao. O, na mahalin ninyong lahat ang magandang sandaling ito; hindi madaling gawin ang magtipun-tipon kasama ang Diyos. Bagaman hindi ninyo kailanman Siya nakilala, matagal na kayong kasama Niya. Kung maaari lamang matandaan ng lahat ang magaganda kahit maikling mga araw na ito magpakailanman, at gawin ang mga ito bilang kanilang itinatanging mga pag-aari sa lupa.

mula sa “Gawa at Pagpasok (5)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

18. Sa loob ng libu-libong taon, namuhay ang mga Tsino bilang mga alipin, at lubhang nasikil nito ang kanilang mga kaisipan, mga konsepto, buhay, wika, pag-uugali, at mga pagkilos na di nag-iwan kahit kaunting kalayaan sa kanila. Nanlupaypay sa loob ng ilang libong taon ng kasaysayan ang mahahalagang tao na nagtataglay ng espiritu at sila’y naging parang mga bangkay na walang espiritu. Marami yaong mga namumuhay sa ilalim ng kutsilyong pangkatay ni Satanas, marami yaong mga nakatira sa mga tahanan na parang mga lungga ng mga hayop, marami yaong mga kumakain ng kagaya ng pagkain ng mga baka o kabayo, at marami yaong mga hindi nagsasabi ng totoo, manhid at magulo sa “daigdig ng mga patay”. Sa hitsura, hindi naiiba ang mga tao sa sinaunang tao, ang kanilang lugar na pahingahan ay tulad ng isang impiyerno, at bilang mga kasama ay nakapaligid sa kanila ang lahat ng uri ng maruruming mga demonyo at masasamang mga espiritu. Sa panlabas, ang mga tao ay mukhang nakatataas na mga “hayop”; sa katunayan, namumuhay at naninirahan sila kasama ng maruruming mga demonyo. Walang sinumang nag-aalaga sa kanila, namumuhay ang mga tao sa loob ng panánámbáng ni Satanas, nahuli sa mga pagpapagal dito na walang daan ng pagtakas. Sa halip na sabihing nagsasama-sama sila ng kanilang mga minamahal sa maginhawang mga tahanan, namumuhay nang masaya at matagumpay na mga buhay, dapat na sabihin ng isa na ang mga tao ay nakatira sa Hades, nakikitungo sa mga demonyo at nakikisama sa mga diyablo. Sa katunayan, nakagapos pa rin ang mga tao kay Satanas, nakatira sila kung saan nagtitipon ang maruruming mga demonyo, minamanipula sila ng mga maruruming mga demonyong ito, na para bang ang kanilang mga kama ay isang lugar para tulugan ng kanilang mga bangkay, na parang ang mga iyon ay isang lugar ng kaginhawahan.

mula sa “Gawa at Pagpasok (5)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

19. Nakatira ang tao na kaagapay ang mga hayop, at maayos silang magkasama, na walang mga alitan o mga pagtatalu-talo. Maselan ang tao sa kanyang pag-aalaga at pagmamalasakit sa mga hayop, at umiiral ang mga hayop para sa pananatiling buháy ng tao, tanging para sa kanyang kapakinabangan, na walang anumang bentahe sa kanilang mga sarili at sa ganap at buong pagkamasunurin sa tao. Kung titingnan sa kabuuan, ang relasyon sa pag-itan ng tao at hayop ay malápít[8] at magkasundo[9]—at ang maruruming mga demonyo, sa wari, ay ang perpektong kumbinasyon ng tao at hayop. Kaya, ang tao at ang maruruming mga demonyo sa lupa ay mas lalong malápít at hindi maaaring paghiwalayin: Kahit na hiwalay sa mga masasamang mga demonyo, ang tao ay nananatiling nakaugnay sa mga iyon; samantala, ang maruruming mga demonyo ay walang itinatago sa tao, at “inilalaan” sa kanila ang lahat nang mayroon ito. Bawa’t araw, naglulundagan ang mga tao sa “palasyo ng hari ng impiyerno,” naglalaro kasama ang “hari ng impiyerno” (ang kanilang ninuno), at minamanipula nito, kaya’t ngayon, nanígás na sa dumi ang mga tao, at, pagkalipas ng matagal na panahon sa Hades, ay matagal nang tumigil sa pagnanais na bumalik sa “mundo ng mga buháy.” Kaya, sa sandaling nakita nila ang liwanag, at nakita ang mga hinihingi ng Diyos, at pag-uugali ng Diyos, at Kanyang gawain, ninenerbiyos sila at nababahala; nananabik pa rin silang bumalik sa daigdig ng mga patay at manirahan kasama ng mga multo. Matagal na nilang nakalimutan ang Diyos, at sa gayon ay naggagala na sila sa libingan.

mula sa “Gawa at Pagpasok (5)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

20. Likas na praktikal ang gawa at pagpasok at tumutukoy sa gawain ng Diyos at pagpasok ng tao. Ang ganap na kakulangan ng pagkaunawa ng tao sa tunay na mukha ng Diyos at sa gawain ng Diyos ay nagdala ng matitinding paghihirap sa kanyang pagpasok. Hanggang sa araw na ito, hindi pa rin alam ng maraming tao ang gawain na tinutupad ng Diyos sa huling mga araw o kung bakit nagtitiis ang Diyos ng matinding kahihiyan sa pagparito sa katawang-tao at samahan ang tao sa kaligayahan at kapighatian. Walang alam ang tao sa layunin ng gawain ng Diyos, ni sa layunin ng plano ng Diyos para sa huling mga araw. Sa iba’t ibang kadahilanan, palaging maligamgam at walang katiyakan[10] ang mga tao sa pagpasok na hinihingi ng Diyos, na nagdala ng matitinding paghihirap sa gawain ng Diyos sa katawang-tao. Lahat ng tao ay tila naging mga balakid at, hanggang sa araw na ito, wala pa rin silang malinaw na pagkaunawa. Kaya mangungusap ako tungkol sa gawain na ginagawa ng Diyos sa tao, at ang madaliang hangarin ng Diyos, upang lahat kayo ay maging tapat na mga lingkod ng Diyos, gaya ni Job, na mas nanaisin pang mamatay kaysa tanggihan ang Diyos at tiisin ang bawa’t kahihiyan, at na, tulad ni Pedro, ay mag-aalay ng inyong buong katauhan sa Diyos at maging mga kanííg na nakamit ng Diyos sa huling mga araw. Nawa’y gawin ng lahat ng mga kapatirang lalaki at babae ang lahat sa kanilang kapangyarihan upang ialay ang kanilang buong katauhan sa makalangit na kalooban ng Diyos, maging mga banal na lingkod sa bahay ng Diyos, at matamasa ang walang-katapusang mga pangakong ipinagkaloob ng Diyos, upang sa lalong madaling panahon ang puso ng Diyos Ama ay matamasa ang mapayapang kapahingahan. “Tuparin ang kalooban ng Diyos Ama” ang dapat maging kasabihan ng lahat ng umiibig sa Diyos. Dapat ang mga salitang ito ay magsilbing gabay ng tao sa pagpasok at ang kompas na nagtuturo ng kanyang mga pagkilos. Ito ang paninindigan na dapat taglayin ng tao. Upang lubusang tapusin ang gawain ng Diyos sa lupa at makipagtulungan sa gawain ng Diyos sa katawang-tao—ito ang tungkulin ng tao. Isang araw, kapag tapos na ang gawain ng Diyos, ang tao ay magpapaalam sa Kanya sa maagang pagbalik sa Ama sa langit. Hindi ba ito ang responsibilidad na dapat tuparin ng tao?

mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

21. Sa tao, winakasan ng pagpapapako sa krus ng Diyos ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos, tinubos ang buong sangkatauhan, at tinulutan Siyang agawin ang susi sa Hades. Iniisip ng lahat na ang gawain ng Diyos ay ganap nang natupad. Sa katunayan, sa Diyos, maliit lamang na bahagi ng Kanyang gawain ang natupad. Natubos Niya lamang ang sangkatauhan; hindi Niya nalupig ang sangkatauhan, lalo pa ang mabago ang kapangitan ni Satanas sa tao. Iyon ang dahilan kung bakit sinabi ng Diyos, “Bagaman dumanas ng sakit ng kamatayan ang Aking nagkatawang-taong laman, hindi iyon ang buong layunin ng pagkakatawang-tao Ko. Si Jesus ang sinisinta Kong Anak at ipinako sa krus para sa Akin, ngunit hindi Niya ganap na tinapos ang Aking gawain. Ginawa Niya lamang ang isang bahagi nito.” Kaya nagsimula na ang Diyos sa ikalawang ikot ng mga plano upang ipagpatuloy ang gawain ng pagkakatawang-tao. Ang gawing perpekto at matamo ang lahat ng taong sinagip mula sa mga kamay ni Satanas ang pinakahuling hangarin ng Diyos, kung kaya naghandang muli ang Diyos sa pakikipagsapalaran sa mga panganib upang dumating sa katawang-tao.

mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

22. Sa maraming lugar, nahulaan ng Diyos ang pagkakamit sa isang grupo ng mga mananagumpay sa lupain ng Sinim. Nasa Silangan ng mundo kung saan nakakamit ang mga mananagumpay, kaya walang duda na ang lupain ng Sinim ay ang lugar na lunsaran ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, eksakto kung saan namamalaging nakapulupot ang malaking pulang dragon. Doon tatamuhin ng Diyos ang mga inápó ng malaking pulang dragon upang ito ay lubusang matalo at mapahiya. Nais gisingin ng Diyos ang mga matinding naghihirap na mga taong ito, upang ganap silang gisingin, at upang lumakad sila palábás ng hamog at tanggihan ang malaking pulang dragon. Nais silang gisingin ng Diyos mula sa kanilang panaginip, ipakilala sa kanila ang kakanyahan ng malaking pulang dragon, ibigay ang kanilang buong puso sa Diyos, umahon mula sa pang-aapi ng mga pwersang madilim, tumayo sa Silangan ng mundo, at maging patunay ng tagumpay ng Diyos. Pagkatapos lamang noon matatamo ng Diyos ang kaluwalhatian. Sa dahilang ito, dinala ng Diyos ang gawaing natapos sa Israel sa lupain kung saan namamalaging nakapulupot ang malaking pulang dragon at, halos dalawang libong taon pagkatapos umalis, ay dumating muli sa laman upang ipagpatuloy ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya. Sa paningin ng tao, naglulunsad ang Diyos ng bagong gawain sa katawang-tao. Nguni’t sa Diyos, ipinagpapatuloy Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, na may pagkakahiwalay lamang sa panahon ng ilang libong taon, at may pagbabago lamang sa lokasyon ng gawain at proyekto ng gawain. Kahit na ang imaheng katawang-tao na ibinihis ng Diyos sa gawain ngayon ay ganap na ibang persona kaysa kay Jesus, magkabahagi Sila sa parehong diwa at ugat, at mula Sila sa parehong pinagmulan. Siguro marami Silang panlabas na mga pagkakaiba, nguni’t ang panloob na mga katotohanan ng Kanilang mga gawain ay ganap na magkapareho. Ang mga kapanahunan, pagkatapos ng lahat, ay magkaiba gaya ng gabi at araw. Paanong maaaring manatiling di-nagbabago ang gawain ng Diyos? O paano magagambala ng gawain ang isa’t isa?

mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

23. Ibinihis ni Jesus ang hitsura ng isang Judio, umayon sa pananamit ng mga Judio, at lumaki na kumakain ng pagkain ng Judio. Ito ang Kanyang karaniwang pantaong aspeto. Nguni’t ang nagkatawang-taong laman ngayon ay nagbibihis ng anyo ng mga tao ng Asya at lumalaki sa pagkain ng bansa ng malaking pulang dragon. Ang mga ito ay hindi salungat sa layunin ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa halip, binubuo nila ang isa’t isa, mas ganap na kinukumpleto ang tunay na kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Dahil tinutukoy ang nagkatawang-taong laman bilang “Anak ng tao” o “Cristo,” ang panlabas ng Cristo ngayon ay hindi maaaring ipareho kay JesuCristo. Matapos ang lahat, tinatawag ang laman na “Anak ng tao” at nasa larawan ng laman. Naglalaman ang bawa’t yugto ng gawain ng Diyos ng lubhang malalim na kahulugan. Ang dahilan kung bakit ipinaglihi si Jesus sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay dahil tutubusin Niya ang mga makasalanan. Kailangang Siya ay walang kasalanan. Kundi sa katapusan lamang noong napilitan Siya na maging ang anyo ng makasalanang laman at inákò ang mga kasalanan ng mga makasalanan doon sinagip Niya sila paalis sa sinumpang krus na ginamit ng Diyos upang kastiguhin ang mga tao. (Ang krus ay ang kasangkapan ng Diyos para sa pagsumpa at pagkastigo sa mga tao; ang mga pagbanggit ng mga pagsumpa, at pagkastigo ay partikular na tungkol sa pagsumpa at pagkastigo sa mga makasalanan.) Ang layunin ay mapapagsisi ang lahat ng mga makasalanan at gamitin ang pagpapapako upang mapaamin sila sa kanilang mga kasalanan. Iyon ay, para sa kapakanan ng pagtubos sa buong sangkatauhan, nagkatawang-tao ang Diyos Mismo sa isang laman na ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at inákò ang mga kasalanan ng buong sangkatauhan. Ang palasak na paraan ng paglalarawan nito ay pag-aalok ng isang banal na laman kapalit ng lahat ng mga makasalanan, ang katumbas ni Jesus bilang isang handog para sa kasalanan na inilagay sa harap ni Satanas upang “magsumamo” kay Satanas na ibalik sa Diyos ang buong walang-salang sangkatauhan na niyurakan nito. Kaya kinailangan ang paglilihi ng Banal na Espiritu upang tuparin ang yugtong ito ng gawain ng pagtubos. Kinakailangan itong kundisyon, isang “kasunduan” sa panahon ng labanan sa pag-itan ng Diyos Ama at ni Satanas. Iyon ang dahilan kung bakit ibinigay si Jesus kay Satanas, at doon lamang natapos ang yugtong ito ng gawain. Gayunpaman, ang gawain ng pagtubos ng Diyos ngayon ay may lubhang kaningningan sa kauna-unahang pagkakataon, at walang dahilan si Satanas na gumawa ng mga panghihingi, kaya hindi nangangailangan ng paglilihi ng Banal na Espiritu ang pagkakatawang-tao ng Diyos, sapagka’t likas na banal at walang-sala ang Diyos. Kaya ang nagkatawang-taong Diyos sa panahong ito ay hindi na ang Jesus ng Kapanahunan ng Biyaya. Nguni’t Siya ay para pa rin sa kapakanan ng kalooban ng Diyos Ama at para sa kapakanan ng pagtupad ng mga kagustuhan ng Diyos Ama. Paano ito maituturing na isang hindi-makatwirang pagsasalita? May dapat bang sunding mga patakaran ang pagkakatawang-tao ng Diyos?

mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

24. Maraming mga tao ang tumitingin ng katibayan sa Biblia, nagnanais makakita ng hula sa pagkakatawang-tao ng Diyos. Paano malalaman ng sirang pag-iisip ng tao na matagal nang tumigil sa “paggawa” ang Diyos sa Biblia at “nakátálón na” sa labas nito upang malayang gawin ang gawain na matagal na Niyang binalak nguni’t hindi kailanman nasábi sa tao ang tungkol dito? Ang mga tao ay masyadong kulang sa katinuan. Pagkatapos matikman nang kaunti lamang ang disposisyon ng Diyos, sila ay basta na umakyat sa mataas na entablado at umupo sa isang mataas-na-uri ng “upuang de gulong” na sinisiyasat ang gawain ng Diyos, hanggang sa punto na simulang turuan ang Diyos nang may mayabang at magulong pananalita. Maraming “matatandang lalaki,” may suot na salaming pambasa at hinahaplos ang kanyang balbas, binubuksan ang kanyang dilaw na “lumang almanake” (Biblia) na binabasa na niya sa kanyang buong buhay. Bumubulong ng mga salita at tila kumikislap ang mga mata, binubuklat niya ngayon sa Aklat ng Pahayag at ngayon sa Aklat ng Daniel, at ngayon sa Aklat ng Isaias na kilala sa lahat ng dako. Nakatitig sa isang pahina na siksik ng maliliit na mga salita, nagbabasa siya sa katahimikan, umiikot nang walang tigil ang kanyang isipan. Biglang tumitigil ang kamay na humahaplos sa balbas at nagsisimulang hilahin ito. Paminsan-minsan nakakarinig ang isa ng tunog nang nababaling balbas. Ang ganoong di-pangkaraniwang gawì ay nakaliligalig. “Bakit gagamit ng ganoong puwersa? Ano ang lubha niyang ikinagagalit?” Balik sa matandang lalaki, ang kilay niya ngayon ay naninirik. Ang pinilakang kilay ay bumábâ na tulad ng mga pakpak ng gansa sa eksaktong dalawang sentimetro mula sa mga talukap ng mata ng matandang lalaking ito, na parang nagkataon at gayunman ay ganap na ganap, habang nananatiling nakatitig ang matandang lalaki sa mukhang-inaamag na mga pahina. Inulit niya nang maraming beses ang sunud-sunod na mga aksyon sa itaas, at pagkatapos ay hindi niya naiwasang paluksong tumayo at nagsimulang magdadaldal na parang sandaling nakikipag-usap[11] sa isang tao, kahit na ang kanyang paningin ay hindi naaalis sa almanake. Bigla niyang tinakpan ang kasalukuyang pahina at lumipat sa “isa pang mundo.” Ang kanyang mga galaw ay lubhang nagmamadali at nakakatakot, na halos ikinagugulat ng mga tao. Sa kasalukuyan, ang daga na lumabas sa butas nito at nagsimula lamang na “makaramdam na malaya” sa panahon ng kanyang katahimikan ay lubhang naalarma ng kanyang hindi normal na paggalaw kaya tumakbo ito na diretsong pabalik sa butas, naglaho nang walang bakas. Ngayon ang hindi-gumagalaw na kaliwang kamay ng matandang lalaki ay nagpatuloy sa muling pataas-pababang paghaplos sa balbas. Lumáyô siya sa upuan, iniwan ang aklat sa lamesa. Pumasok ang hangin sa bahagyang nakakawang na pinto at bukas na bintana, basta hinipang pasárá ang aklat, pagkatapos ay pabúkás, at pagkatapos ay pasárá at pabúkás muli. Mayroong hindi-maipahayag na kalungkutan sa tagpo, at maliban sa tunog ng mga pahina ng aklat na kumakaluskos sanhi ng hangin, ang lahat ay mistulang natahimik. Siya, na may mga kamay na magkadaop sa kanyang likod, palakad-lakad sa kuwarto, ngayo’y tumitigil, ngayo’y nagsisimula, iiling-iling paminsan-minsan, tila inuulit-ulit ang “O! Diyos! Talaga bang gagawin Mo iyon?” Tumatango rin siya paminsan-minsan, “O Diyos! Sino ang makakaarok sa lalim ng Iyong gawa? Hindi ba mahirap hanapin ang Iyong mga bakás? Naniniwala akong hindi Ka gumagawa ng hindi-makatwirang mga bagay.” Ngayon naman ang mga kilay ng matandang lalaki ay nagsalubong, mariing ipinikit ang kanyang mga mata, na nagpapakita ng napahiyang hitsura, at mukha ring lubhang nasasaktan, na parang gusto niyang dahan-dahang bagalan. Talagang hinahamon nito itong “magiting na matandang lalaki.” Sa malaong yugtong ito ng kanyang buhay, “sa kasamaang-palad” dumating siya sa bagay na ito. Ano ang maaaring gawin tungkol dito? Hindi ko rin alam ang gagawin at walang-kapangyarihang gawin ang anumang bagay. Sino ang nagsanhi sa kanyang lumang almanake na manilaw? Sinong nagsanhi sa kanyang balbas at mga kilay na basta lumagong tulad ng puting niyebe sa iba’t ibang bahagi ng kanyang mukha? Tila ba ang kanyang balbas ay kumakatawan sa kanyang pinagmulan. Nguni’t sino ang nakakaalam na maaring maging hangal ang tao hanggang sa antas na ito, naghahanap ng presensya ng Diyos sa lumang almanake? Gaano karaming mga pilas ng papel ang kayang taglayin ng lumang almanake? Tunay bang kayang itala rito ang lahat ng mga gawa ng Diyos? Sino ang mangangahas gumarantiya niyan? Tunay na hinahanap ng tao ang hitsura ng Diyos at sinusubukang tuparin ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng labis na pagsusuri ng mga salita.[12] Ang paraan bang ito ng pagsubok pumasok sa buhay ay ganoong kadali? Hindi ba ito isang kahangalan, maling pangangatuwiran? Hindi mo ba ito nakikitang katawa-tawa?

mula sa “Gawa at Pagpasok (6)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

25. Pumaparito ang Diyos sa araw na ito sa gitna ng mga tao para sa layunin ng pagbabagong-anyo ng kanilang mga kaisipan at mga espiritu pati na rin ng imahe ng Diyos sa kanilang mga puso na taglay na nila sa loob ng libu-libong taon. Sa pamamagitan ng pagkakataong ito, gagawin Niyang perpekto ang tao. Iyon ay, sa pamamagitan ng kaalaman ng tao babaguhin Niya ang paraan ng pagkilala nila sa Kanya at ang kanilang saloobin sa Kanya, upang ang kanilang pagkakilala sa Diyos ay maaaring mag-umpisa mula sa isang malinis na pasimula, at sa gayon ay mapanibago at mapabagong-anyo ang kanilang mga puso. Ang mga paraan ay pakikitungo at disiplina, habang ang mga layunin ay paglupig at pagpapanibago. Ang iwaksi ang mapamahiing mga kaisipan na namalagi sa tao tungkol sa malabong Diyos ay ang magpakailanmang naging intensyon ng Diyos, at kailan lamang ay naging bagay na nangangailangan ng dagliang pagkilos sa Kanya. Umaasa ako na higit pa itong pag-iisipan ng lahat ng mga tao. Baguhin kung paano nakakaranas ang bawa’t tao nang sa gayon sa lalong madaling panahon ay matapos ang madaliang hangarin ng Diyos at ang huling yugto ng gawain ng Diyos sa lupa ay maaaring madala sa isang mabungang pagtatapos. Ipakita ang inyong katapatan gaya ng nararapat ninyong gawin, at paginhawahin ang puso ng Diyos sa huling pagkakataon. Umaasa ako na wala sa mga kapatirang lalaki at babae ang iiwas sa responsibilidad na ito o gawin lamang ito nang walang interes.

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

26. Dumating ang Diyos sa katawang-tao sa panahong ito dahil sa imbitasyon, at sa liwanag ng kalagayan ng tao. Iyon ay, dumating Siya upang tustusan ang tao ng kung ano ang kinakailangan. Bibigyang-kakayahan Niya ang bawa’t tao, kahit anong kakayahan o ugali, upang makita ang salita ng Diyos at, mula sa Kanyang salita, makita ang pag-iral at kahayagan ng Diyos at tanggapin ang pagpe-perpekto ng Diyos sa kanila. Babaguhin ng Kanyang salita ang mga kaisipan at mga pagkaintindi ng tao upang ang tunay na mukha ng Diyos ay matatag na mag-ugat sa kailaliman ng puso ng tao. Ito ang tanging inaasam ng Diyos sa lupa. Kahit gaano kadakila ang kalikasan ng tao, gaano kahina ang kakanyahan ng tao, o kung paano kumilos ang tao sa nakaraan, hindi binibigyang-pansin ng Diyos ang mga ito. Ang tanging inaasahan Niya para sa tao ay ganap na mapanibago ang larawan ng Diyos na taglay nila sa kanilang mga puso at makilala ang kakanyahan ng sangkatauhan, at sa gayon ay binabago ang pangkaisipang pananaw ng tao. Inaasahan Niya na makaya ng tao na masidhing manabik sa Diyos at magkaroon ng walang-hanggang pagkapit sa Kanya. Ito lamang ang buong hinihingi ng Diyos sa tao.

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

27. Ang kaalaman ng ilang libong taon sa sinaunang kultura at kasaysayan ay nagsarado nang mahigpit sa pag-iisip at mga konsepto at pangkaisipang pananaw ng tao upang hindi mapasok at hindi malusaw. Nakatira ang tao sa ikalabing-walong antas ng impiyerno, na parang itinaboy sila ng Diyos sa mga piitan, hindi kailanman makikita ang liwanag. Inábâ ng pyudal na pag-iisip ang tao na parang ang tao ay bahagya nang humihinga at naghahabol ng hininga. Wala silang kahit katiting na lakas upang lumaban at tahimik lamang na nagtitiis at nagtitiis .... Kailanman walang sinuman ang naglakas-loob na lumaban o tumayo para sa katwiran at katarungan; sila’y namumuhay lamang ng buhay, hindi higit sa isang hayop, sa ilalim ng pang-aabuso at pananalakay ng mga panginoong pyudal, taun-taon, araw-araw. Hindi kailanman naisip ng tao na hanapin ang Diyos upang matamasa ang kaligayahan sa lupa. Para bang ang tao ay itinumba, tulad ng mga nahulog na dahon sa taglagas, lanta at kulay-kape. Matagal nang nawala ang kanilang memorya at kaawa-awang nakatira sa impiyerno sa ngalan ng mundo ng tao, naghihintay sa pagdating ng huling araw upang magkasama silang mamamatay ng impiyerno, na parang ang huling araw na hinahangad nila ay ang araw na kanilang tatamasahin ang kapahingahang mapayapa. Dinala ng etikang pyudal ang buhay ng tao sa “Hades,” sa gayon mas mahina ang kakayahan ng tao na lumaban. Iba’t ibang uri ng pang-aapi ang unti-unting sapilitang naghulog sa tao nang mas malalim sa Hades at mas malayo sa Diyos. Ngayon, naging isang ganap na estranghero ang Diyos sa tao, at nagmamadali pa rin ang tao na iwasan Siya kapag sila ay nagtatagpo. Hindi Siya kinikilala ng tao at ibinubukod Siya na para bang hindi Siya kailanman nakilala o nakita. ... Tahimik na ninakaw ang tao ng kaalaman ng sinaunang kultura mula sa presensya ng Diyos at ibinigay ang tao sa hari ng mga diyablo at mga anak nito. Dinala ng Apat na Aklat at Limang mga Klasiko ang pag-iisip at mga konsepto ng tao sa ibang kapanahunan ng paghihimagsik, na naging sanhi upang higit pang sambahin ng tao yaong mga sumulat ng mga Aklat at mga Klasiko, lalo pang pinalalawak ang kanilang mga paniwala sa Diyos. Walang awang inalis ng hari ng mga diyablo ang Diyos sa puso ng tao nang hindi nila namamalayan, habang tuwang-tuwa itong pumalit sa puso ng tao. Mula noon, naangkin ng tao ang isang pangit at masamang kaluluwa na may mukha ng hari ng mga diyablo. Pinúnô ng pagkamúhî sa Diyos ang kanilang mga dibdib, at araw-araw na kumalat sa loob ng tao ang kahalayan ng hari ng mga diyablo hanggang ang tao ay lubos na natupok. Wala nang kalayaan ang tao at hindi maaaring makalaya mula sa pagkakásabíd sa hari ng mga diyablo. Samakatwid, maaari lamang manatili ang tao sa lugar at maagaw, sumusuko rito at nalulupig dito. Matagal na nitong itinanim ang binhi ng tumor ng ateismo sa loob ng batang puso ng tao, nagtuturo ng kamalian sa tao gaya ng “mag-aral ng agham at teknolohiya, tantuin ang Apat na Modernisasyon, walang Diyos sa mundo.” Hindi lamang iyan, paulit-ulit nitong ipinahayag, “Bumuo tayo ng isang magandang lupang-tinubuan sa pamamagitan ng ating masipag na paggawa,” hinihingi sa lahat na maging handa mula sa pagkabata upang magsilbi sa kanilang bansa. Walang malay ang tao na dinala sa harap nito, at walang pag-aatubili na kinuha ang karangalan (na tumutukoy sa Diyos na may hawak ng buong sangkatauhan sa Kanyang mga kamay). Hindi ito kailanman nakaramdam ng kahihiyan o nagkaroon ng pakiramdam ng kahihiyan. Bukod dito, walang kahiya-hiya nitong binihag ang bayan ng Diyos sa bahay nito, habang tumalon ito tulad ng isang daga tungo sa mesa at pinasamba ang tao dito bilang Diyos. Napakadesperado nito! Sumisigaw ito nang mga nakagigimbal na iskandalo, “Walang Diyos sa mundo. Ang hangin ay dahil sa mga batas ng kalikasan; ang ulan ay kahalumigmigan na natitipon at bumabagsak na mga patak sa lupa; ang lindol ay pagyanig ng ibabaw ng lupa dahil sa pandaigdig na mga pagbabago; ang tagtuyot ay dahilan sa pagkatuyo sa hangin na dulot ng nukleonik na pagkagambala sa ibabaw ng araw. Ang mga ito ay likas na kababalaghan. Aling bahagi ang gawa ng Diyos?” Isinisigaw pa[a] nito ang gayong walang-kahihiyang mga pahayag: “Nagmula ang tao mula sa sinaunang mga unggoy, at ang mundo ngayon ay umunlad mula sa sinaunang lipunan na humigit-kumulang isang bilyong taon na ang nakakaraan. Ang pagsagana o pagbagsak ng isang bansa ay nakasalalay sa mga kamay ng kanyang mga mamamayan.” Sa likuran, ipinasabit nito sa tao ang sarili nito nang pabaligtad sa mga dingding at ipinalagay ito sa mesa upang maidambana at masamba. Habang sumisigaw ito ng, “Walang Diyos,” itinuturing nito ang sarili nito bilang Diyos, walang habas na itinutulak ang Diyos palabas ng mga hangganan ng lupa. Nakatayo ito sa lugar ng Diyos at kumikilos bilang ang hari ng mga diyablo. Lubos na katawa-tawa! Nagiging sanhi ito na matupok ang isa ng nakalalasong galit. Tila ang Diyos ay ang kanyang sinumpaang kaaway at ang Diyos ay hindi maipagkakasundo rito. Nagpapakánâ itong itaboy paláyô ang Diyos habang ito ay nananatiling hindi napaparusahan at nakákawálâ.[13] Hari nga ito ng mga diyablo! Paano natin matitiis ang pag-iral nito? Hindi ito magpapahinga hanggang sa magambala nito ang gawain ng Diyos at iwanan itong gula-gulanit at isang ganap na kaguluhan,[14] na parang nais nitong salungatin ang Diyos hanggang sa katapusan, hanggang alinman sa mamatay ang isda o mawasak ang lambat. Sinasadya nitong salungatin ang Diyos at palápít pa nang palápít. Matagal nang nalantad ang kasuklam-suklam nitong mukha at ngayon ay lamog at bugbog[15] na, sa isang kakila-kilabot na kalagayan, gayunpaman hindi humuhupa ang pagkamuhî nito sa Diyos, na parang gusto nito na makayang lamunin nang buo ang Diyos sa isang subo upang mapawi ang pagkamuhî sa puso nito. Paano natin ito titiisin, itong kinasusuklamang kaaway ng Diyos! Tanging ang pagkapuksa lamang nito at lubusang pagkawasak ang magdadala ng inaasam natin sa buhay sa katapusan. Paano ito nahahayaang magpatuloy na galit na galit? Ginawang tiwali nito ang tao sa gayong antas na hindi alam ng tao ang ningning ng langit, at naging manhid at mahina ang isip. Naiwala ng tao ang normal na pantaong pangangatwiran. Bakit hindi ialay ang buo nating pagkatao upang sirain at sunugin ito upang alisin ang nananatiling takot sa panganib at tulutan ang gawain ng Diyos na maabot ang hindi-pa-nangyayaring kaningningan sa lalong madaling panahon? Dumating ang grupo nitong mga tampalasan sa gitna ng mga tao at nagsanhi ng lubos na pagkabagabag at kaguluhan. Dinala nila ang lahat ng tao sa gilid ng isang bangin, lihim na nagpaplanong itulak sila pababa upang pagluray-lurayin at lamunin ang kanilang mga bangkay. Walang saysay silang umaasa na gambalain ang plano ng Diyos at makipagkumpitensya sa Diyos sa isang malabong-manalong sugal.[16] Iyon ay tiyak na hindi madali! Nakahanda na ang krus, pagkatapos ng lahat, para sa hari ng mga diyablo na may kagagawan ng mga pinaka-kasuklam-suklam na krimen. Hindi nabibilang ang Diyos sa krus at iniwan na ito sa diyablo. Matagal nang nanalo ang Diyos at hindi na nakakaramdam ng kalungkutan sa mga kasalanan ng sangkatauhan. Dadalhin Niya ang kaligtasan sa buong sangkatauhan.

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

28. Mula sa itaas hanggang sa ibaba at sa simula hanggang katapusan, ginagambala nito ang gawain ng Diyos at nakikipaglaban sa Kanya. Dinala ang tao sa impiyerno ng lahat ng sabi-sabi tungkol sa sinaunang pamanang kultura, mahalagang kaalaman tungkol sa sinaunang kultura, mga turo ng “Taoism at Confucianism,” at “Confucian classics” at pyudal na mga seremonya. Ang sumulong na makabagong-panahong agham at teknolohiya, pati na rin ang mayabong na industriya, agrikultura, at negosyo ay hindi nakikita, kahit saan. Sa halip, binibigyang-diin lamang nito ang mga pyudal na seremonya na pinalaganap ng sinaunang “mga unggoy” upang sadyang gambalain, tutulan, at sirain ang gawain ng Diyos. Hindi lamang nito sinaktan ang tao hanggang sa araw na ito, kundi nais nitong ganap na ubusin[17] ang tao. Ang pagtuturo ng mga alituntuning pyudal na pang-kabutihang-asal at pagpapasa pababa ng sinaunang kultura ay matagal nang nakahawa sa tao at ginawa ang tao bilang mga diyablong malaki at maliit. Iilan lamang ang handang tanggapin ang Diyos at galak na galak salubungin ang pagdating ng Diyos. Puno ng pagpatay ang mukha ng tao, at sa lahat ng lugar, ang kamatayan ay nangangamoy. Nais nilang palayasin ang Diyos mula sa lupaing ito; taglay ang mga sundang at mga espada sa kamay, iniaayos nila ang kanilang mga sarili sa pakikipagbaka upang lipulin ang Diyos. Nakakalat ang mga diyus-diyosan sa buong lupain ng diyablo kung saan patuloy na tinuturuan ang tao na walang Diyos. Sa itaas ng lupaing ito kumakalat ang nakakasukang amoy ng nasusunog na papel at insenso, masyadong makapal kaya ito ay nakakapagpahabol ng hininga. Para itong amoy ng putik na sumisingaw pataas kapag bumabaluktot at pumupulupot ang ahas, at sapat na para ang tao ay magsuka. Bukod dito, mayroong bahagya lamang na maririnig na mga masasamang demonyo na bumibigkas ng kasulatan. Tila galing mula sa malayo sa impiyerno ang tunog na ito, at walang magawa ang tao kung hindi makaramdam ng ginaw pababa sa kanyang gulugod. Nakakalat ang mga diyus-diyosan sa kabuuan ng lupaing ito, na taglay ang lahat ng mga kulay ng bahaghari, kung saan ang lupain ay naging isang nakasisilaw na mundo, at nananatili ang ngisi sa mukha ng hari ng mga diyablo, na para bang ang masamang balak nito ay nagtatagumpay. Samantala, ganap na walang namamalayan ang tao rito, at hindi rin alam ng tao na sinira na siya ng diyablo hanggang sa gayong antas na siya ay naging walang-saysay at natalo. Nais nitong lipulin ang lahat ng sa Diyos sa isang iglap, upang muling insultuhin at patayin Siya nang pataksil, at nagtatangkang sirain at istorbohin ang Kanyang gawain. Paano nito tutulutan ang Diyos na maging kapantay? Paano nito natitiis ang Diyos “na sumasagabal” sa gawain nito sa mga tao sa lupa? Paano nito tutulutan ang Diyos na ilantad ang kasuklam-suklam nitong mukha? Paano nito maaaring tulutan ang Diyos na gambalain ang gawain nito? Paanong ang diyablong ito, umuusok sa galit, ay tutulutan ang Diyos na pamahalaan ang hukuman ng kapangyarihan nito sa lupa? Paano nito maluwag na tatanggapin ang pagkatalo? Nabunyag na ang nakapopoot nitong pagmumukha kung ano talaga ito, kaya hindi alam ng isa sa sarili niya kung siya ay tatawa o iiyak, at ito ay tunay na mahirap sabihin. Hindi ba ito ang kakanyahan nito? May pangit na kaluluwa, naniniwala pa rin ito na ito ay di-kapani-paniwala ang kagandahan. Itong grupo ng magkakasabuwat! Bumababa sila sa gitna ng mga mortal upang magpakasawa sa sarap at magsanhi ng kaguluhan. Ang kanilang panggugulo ay nagsasanhi ng pagkasalawahan sa mundo[18] at nagdudulot ng pagkataranta sa puso ng tao, at pinapangit nila ang tao kaya’t naging kahawig ang tao ng mga hayop na may hindi-matingnang kapangitan, hindi na nagtataglay ng katiting mang bakas ng orihinal na taong banal. Ninanais pa nilang magkaroon ng kapangyarihan bilang mga maniniil sa lupa. Hinahadlangan nila ang gawain ng Diyos upang bahagya na itong makasulong at sinasarhan doon ang tao na parang nasa likod ng mga pader ng tanso at bakal. Sa pagkakaroon ng napakaraming kasalanan at pagiging sanhi ng napakaraming problema, mayroon pa ba silang aasahan maliban sa maghintay ng kaparusahan? Naghuhuramentado na ang mga demonyo at mga masasamang espiritu sa lupa at nasarhan na ang kalooban at matiyagang pagsisikap ng Diyos, ginagawa ang mga yaong hindi-mapapasok. Anong mortal na kasalanan! Paanong hindi mababalisa ang Diyos? Paanong ang Diyos ay hindi makadarama ng matinding galit? Sila ang sanhi ng mabigat na paghadlang at pagsalungat sa gawain ng Diyos. Masyadong mapaghimagsik! Kahit yaong mga demonyong malaki at maliit ay naging mapagmataas sa lakas ng mas makapangyarihang diyablo at nagsimulang magsikilos. Sinasadya nilang labanan ang katotohanan sa kabila ng malinaw na kamalayan dito. Mga anak ng paghihimagsik! Para bang, ngayong umakyat na ang kanilang hari ng impiyerno sa luklukang makahari, naging mayabang sila at trinato ang lahat ng iba nang may panlalait. Gaano karami ang naghahanap ng katotohanan at sumusunod sa pagkamatuwid? Silang lahat ay mga hayop tulad ng mga baboy at mga aso, pinangungunahan ang isang grupo ng mga mabahong langaw sa isang tumpok ng dumi upang ikawag ang kanilang mga ulo at magbunsod ng kaguluhan.[19] Naniniwala sila na ang kanilang hari ng impiyerno ay ang pinakamataas sa mga hari, nang hindi napapagtantong sila ay walang-iba kundi mga langaw sa bulok. Hindi lamang iyon, gumagawa sila ng mga mapanirang puna laban sa pag-iral ng Diyos sa pamamagitan ng pag-asa sa kanilang mga baboy at asong magulang. Ang tingin ng mga maliit na langaw sa kanilang mga magulang ay kasing laki ng balyenang may-ngipin.[20] Hindi ba nila napapagtanto na sila ay maliit, gayunma’y ang kanilang mga magulang ay di-malinis na mga baboy at mga aso na isang bilyong beses na mas malaki kaysa kanilang mga sarili? Walang kamalayan sa kanilang sariling kababaan, sumusulong silang naghuhuramentado batay sa bulok na amoy niyaong mga baboy at mga aso at mayroong guni-guning ideya na magpakarami para sa hinaharap na mga henerasyon. Iyan ay ganap na kakapalan ng mukha! Taglay ang berdeng mga pakpak sa kanilang mga likuran (ito ay tumutukoy sa kanilang pag-aangkin na naniniwala sa Diyos), nagsisimula silang maging mayabang at ipinagmamalaki sa lahat ng dako ang kanilang sariling kagandahan at pagiging kaakit-akit, lihim na itinataboy paláyô ang kanilang mga karumihan tungo sa tao. Sila rin ay mayabang, na para bang ang isang pares ng mga pakpak na kulay-bahaghari ay maaaring magtakip sa kanilang sariling mga karumihan, at sa gayon inuusig nila ang pag-iral ng tunay na Diyos (ito ay tumutukoy sa tunay na kuwento ng mundo ng relihiyon). Hindi masyadong alam ng tao na, kahit na ang mga pakpak ng langaw ay maganda at nakakabighani, ito’y wala pa ring iba kundi isang maliit na langaw na puno ng dumi at nababalot ng mga mikrobyo. Sa kalakasan ng kanilang mga baboy at mga asong magulang, sumusulong silang huramentado sa buong lupa (ito ay tumutukoy sa mga relihiyosong opisyal na umuusig sa Diyos batay sa malakas na suporta mula sa bansa na nagkakanulo sa tunay na Diyos at sa katotohanan) na may nakagigimbal na kabangisan. Para bang ang mga multo ng mga Judiong Pariseo ay nakábalík kasama ang Diyos sa bansa ng malaking pulang dragon, pabalik sa kanilang lumang pugad. Nakapagsimula silang muli sa kanilang gawain ng pag-uusig, ipinagpapatuloy ang kanilang gawain na sumasaklaw sa ilang libong taon. Ang grupong ito ng masasamang tao ay tiyak na malilipol sa lupa sa katapusan! Lumalabas na, pagkatapos ng ilang libong taon, ang mga karumaldumal na espiritu ay naging mas tuso pa at mandaraya. Patuloy silang nag-iisip ng mga paraan upang lihim na pahinain ang gawain ng Diyos. Sila ay matalino at tuso at nais ulitin sa kanilang lupang-tinubuan ang trahedya ng ilang libong taong nakaraan. Halos mapasigaw dito ang Diyos, at bahagya na Niyang mapigil ang Sarili Niya sa pagbabalik sa ikatlong langit upang lipulin sila. Upang maibig ng tao ang Diyos, dapat niyang maunawaan ang Kanyang kalooban at Kanyang kagalakan at kalungkutan, pati na rin kung ano ang kinasusuklaman Niya. Mas mahusay nitong maisusulong ang pagpasok ng tao. Mas mabilis ang pagpasok ng tao, mas higit na nasisiyahan ang puso ng Diyos; mas malinaw ang pagtalos ng tao sa hari ng mga diyablo, mas lalong mapapalapit ang tao sa Diyos, upang ang Kanyang ninánasà ay matupad.

mula sa “Gawa at Pagpasok (7)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

29. Nasábi ko na nang maraming beses na ang gawain ng Diyos sa huling mga araw ay upang baguhin ang espiritu ng bawa’t tao, upang baguhin ang kaluluwa ng bawa’t tao, nang sa gayon ang kanilang puso, na nagdusa ng matinding pagkadálâ, ay mabago, sa gayon ay nasasagip ang kanilang kaluluwa, na matinding napinsala ng kasamaan: ito ay upang gisingin ang espiritu ng mga tao, upang tunawin ang kanilang malamig na mga puso, at tulutan silang maging bata muli. Ito ang pinakadakilang kalooban ng Diyos. Isantabi ang sabí-sabí tungkol sa kung gaano katayog o kalalim ang buhay at mga karanasan ng tao; kapag nagising ang puso ng mga tao, kapag nagising na sila mula sa kanilang mga panaginip at nalaman nang husto ang pinsalang idinulot ng malaking pulang dragon, matatapos na ang gawain ng ministeryo ng Diyos. Ang araw na tapos na ang gawain ng Diyos ay kung kailan din kapag opisyal nang nagsisimula ang tao sa landas ng tamang paniniwala sa Diyos. Sa panahong ito, dumating na sa katapusan ang ministeryo ng Diyos: Ganap nang natapos ang gawain ng Diyos na naging katawang-tao, at opisyal nang magsisimula ang tao na gampanan ang tungkulin na nararapat niyang gampanan—gagampanan niya ang kanyang ministeryo. Ang mga ito ang mga hakbang ng gawain ng Diyos. Kaya, dapat ninyong kapáín ang inyong landas sa pagpasok salig sa pag-alam ng mga bagay na ito. Ang lahat ng ito ay ang dapat ninyong maunawaan.

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

30. Mapapabuti lamang ang pagpasok ng tao kapag ang mga pagbabago ay nangyari na sa kailaliman ng kanyang puso, sapagka’t ang gawain ng Diyos ay ang kumpletong kaligtasan ng tao—ang tao na natubos, na namumuhay pa rin sa ilalim ng mga puwersa ng kadiliman, at hindi kailanman ginising ang sarili niya—mula rito sa lugar na pinagtitipunan ng mga demonyo; ito ay upang ang tao ay maaaring mapalaya mula sa libong taon ng kasalanan, at maging mga iniibig ng Diyos, ganap na pinababagsak ang malaking pulang dragon, itinatatag ang kaharian ng Diyos, at pinapapahinga ang puso ng Diyos nang mas maaga, ito ay upang ilabas, nang walang pasubali, ang galit na nagpapalaki ng inyong dibdib, upang puksain yaong inaamag na mga mikrobyo, upang tulutan kayo na iwan ang buhay na ito na hindi naiiba mula sa isang baka, o kabayo, upang hindi na maging isang alipin, upang hindi na maging malayang natatapak-tapakan o nauutus-utusan ng malaking pulang dragon; hindi na kayo magiging bahagi nitong nabigong bansa, hindi na magiging pagmamay-ari ng kasuklam-suklam na malaking pulang dragon, hindi na kayo maaalipin nito. Ang pugad ng demonyo ay tiyak na luluray-lurayin ng Diyos, at kayo ay tatayo sa tabi ng Diyos—kayo ay pagmamay-ari ng Diyos, at hindi nabibilang dito sa imperyo ng mga alipin. Matagal nang kinasuklaman ng Diyos itong madilim na lipunan hanggang sa Kanya mismong mga buto. Pinagngangalit Niya ang Kanyang mga ngipin, desperado Siyang mariing tapakan itong masama at kasuklam-suklam na matandang ahas, sa gayon hindi ito maaaring mabuhay muli, at hindi na kailanman muling aabusuhin ang tao; hindi Niya patatawarin ang mga kilos nito sa nakaraan, hindi Niya titiisin ang panlilinlang nito sa tao, pananatilihin Niya ang puntos ng bawa’t isa sa mga kasalanan nito sa kabuuan ng mga kapanahunan; hindi maaawa ni katiting ang Diyos dito sa pasimuno ng lahat ng kasamaan,[21] lubos Niya itong wawasakin.

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

31. Sa loob ng libu-libong taon ito ang naging lupain ng kalaswaan, ang karumihan nito ay hindi-mabátá, ang paghihirap ay nananagana, ang mga multo’y gumagala sa bawa’t sulok nito, nanlalansi at nanlilinlang, nagpaparatang nang walang batayan,[22] nagiging walang-awa at mabisyo, niyuyurakan itong bayan ng mga multo at iniiwan itong nagkalat ang mga patay na katawan; puno ang lupain ng nakasusulasok na amoy ng pagkabulok at kumakalat sa hangin, at ito ay mahigpit na binabantayan.[23] Sino ang nakakakita sa mundo sa kabila ng himpapawid? Mahigpit na ginagapos ng demonyo ang buong katawan ng tao, tinatanggal nito ang pareho niyang mga mata, at siniselyuhan nang mahigpit ang kanyang mga labi. Nagwawalâ ang hari ng mga diyablo sa loob ng ilang libong taon, magpahanggang sa ngayon, kung kailan patuloy pa rin nitong mahigpit na binabantayan ang bayan ng mga multo, na para bang ito ay hindi-mapapasok na palasyo ng mga demonyo; ang pangkat na ito ng mga asong-tagapagbantay, samantala, ay nakatitig nang nanlilisik ang mga mata, lubhang takot na takot na mahuhuli sila ng Diyos nang hindi nila namamalayan at lilipulin silang lahat, iniiwan sila na walang lugar ng kapayapaan at kaligayahan. Paano kayang nakita ng mga tao ng ganitong bayan ng mga multo ang Diyos kahit kailan? Natamasa na ba nila kahit kailan ang pagiging kagiliw-giliw at ang kagandahan ng Diyos? Anong pagpapahalaga ang mayroon sila para sa mga bagay sa mundo ng tao? Sino sa kanila ang maaaring makaunawa sa sabik na kalooban ng Diyos? Hindi na gaanong nakapagtataka, kung gayon, na nananatiling ganap na nakatago ang Diyos na nagkatawang-tao: Sa isang madilim na lipunang tulad nito, kung saan ang mga demonyo ay walang puso at hindi-makatao, paanong titiisin ng hari ng mga diyablo, na pumapatay ng mga tao sa isang kisap-mata, ang pag-iral ng isang Diyos na kaibig-ibig, mabait, at banal din? Paano nito maaaring papurihan at ipagsaya ang pagdating ng Diyos? Ang mga sunud-sunurang ito! Binabayaran nila ng poot ang kabaitan, matagal na nilang hinahamak ang Diyos noon pa, inaabuso nila ang Diyos, sukdulan ang kanilang kalupitan, wala sila ni bahagyang pagsasaalang-alang para sa Diyos, nandarambong sila at nanloloob, nawalan na silang lubusan ng budhi, at wala kahit bakas ng kabaitan, at tinutukso nila ang walang-malay sa kahangalan. Mga ninuno ng sinauna? Minamahal na mga lider? Tinutulan nilang lahat ang Diyos! Iniwan ng kanilang panghihimasok ang lahat sa silong ng langit sa isang estado ng kadiliman at ganap na kaguluhan! Kalayaang pang-relihiyon? Lehitimong mga karapatan at mga interes ng mga mamamayan? Ang mga iyon ay mga pandarayang lahat para pagtakpan ang kasalanan! Sino ang nakayakap sa gawain ng Diyos? Sino ang nagbuwis ng kanilang buhay o nagbuhos ng dugo para sa gawain ng Diyos? Sa sali’t salinlahi, mula sa mga magulang hanggang sa mga anak, basta na lamang inalipin ng inaliping tao ang Diyos—paano itong hindi magbubunsod ng matinding galit? Ang libu-libong taon ng poot ay naipon sa puso, nakaukit sa puso ang isang libong taon ng pagkamakasalanan—paanong hindi ito pupukaw ng pagkasuklam? Ipaghiganti ang Diyos, ganap na lipulin ang Kanyang kaaway, huwag nang hayaan pa itong patuloy na magwalâ, at huwag na itong hayaang magsimula pa ng mas maraming problema hangga’t gusto nito! Ngayon na ang oras: Matagal nang tinipon ng tao ang lahat ng kanyang lakas, nailaan na niya ang lahat ng kanyang mga pagsisikap, binayaran ang bawa’t halaga, para dito, upang basagin ang kahindik-hindik na mukha ng demonyong ito at hayaan ang mga tao, na nabulag, at nagtiis ng bawa’t uri ng pagdurusa at paghihirap, na tumayo mula sa kanilang sakit at talikuran itong masamang matandang diyablo. Bakit maglalagay ng isang di-mapapasok na balakid sa gawain ng Diyos? Bakit gagamit ng iba’t ibang mga pandaraya upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Nasaan ang tunay na kalayaan at lehitimong mga karapatan at mga interes? Nasaan ang katarungan? Nasaan ang kaaliwan? Nasaan ang init? Bakit gagamit ng madayang mga pakánâ upang linlangin ang mga tao ng Diyos? Bakit gagamit ng puwersa para pigilin ang pagdating ng Diyos? Bakit hindi hayaan ang Diyos na malayang gumala sa ibabaw ng lupa na nilikha Niya? Bakit tutugisin ang Diyos hanggang wala na Siyang mapagpahingahan man lamang ng Kanyang ulo? Nasaan ang init sa gitna ng mga tao? Nasaan ang pagsalubong sa gitna ng mga tao? Bakit magdudulot ng gayong katinding pananabik sa Diyos? Bakit pinatatawag ang Diyos nang paulit-ulit? Bakit pinipilit ang Diyos na mag-alala para sa Kanyang minamahal na Anak? Bakit hindi hayaan nitong madilim na lipunan at ng nakakaawang asong-bantay nito na malayang dumating at umalis ang Diyos sa gitna ng mundong nilikha Niya? Bakit hindi maintindihan ng tao, ng taong nabubuhay sa gitna ng pasakit at pagdurusa? Dahil sa inyo, nagtiis ang Diyos ng matinding paghihirap ng kalooban, taglay ang matinding pasakit, ibinigay Niya ang Kanyang minamahal na Anak, ang Kanyang laman at dugo, sa inyo—kaya bakit nagbubulag-bulagan pa rin ang inyong mga mata? Kitang-kita ng lahat, tinanggihan ninyo ang pagdating ng Diyos, at tinanggihan ang pakikipagkaibigan ng Diyos. Bakit napaka-walang-konsensya ninyo? Nahahanda ba kayong magtiis ng kawalang-katarungan sa madilim na lipunang tulad nito? Bakit, sa halip na pinupuno ninyo ang inyong tiyan ng isang libong taon ng poot, pinapalamnan ninyo ang inyong mga sarili ng “dumi” ng hari ng mga diyablo?

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

32. Ang mga hakbang ng gawain ng Diyos sa lupa ay kinapapalooban ng matinding kahirapan: Ang kahinaan ng tao, mga kakulangan, pagiging-parang-bata, kamangmangan, at lahat ng bagay ng tao—ang bawa’t isa ay maselang pinagpaplanuhan at masusing isinasaalang-alang ng Diyos. Ang tao ay parang isang tigreng papel na walang naglalakas-loob na painan o galitin; sa pinakabahagyang paghipo siya ay kaagad nangangagat, o kaya ay nahuhulog at naliligaw sa kanyang daan, at ito ay mistulang, sa bahagyang pagkawala ng konsentrasyon, nabibinat siya, o kung hindi ay winawalang-bahala ang Diyos, o tumatakbo sa kanyang amang baboy at inang aso upang magpakasawa sa maruming mga bagay ng kanilang mga katawan. Anong tinding hadlang! Sa halos bawa’t hakbang ng Kanyang gawain, nalalagay sa pagsubok ang Diyos, at halos bawa’t hakbang ay nagdudulot ng matinding panganib. Ang Kanyang mga salita ay taos-puso at tapat, at walang malisya, nguni’t sino ang handang tanggapin ang mga ito? Sino ang nais na lubusang magpasakop? Dinudurog nito ang puso ng Diyos. Gumagawa Siya araw at gabi para sa tao, napupunô Siya ng pagkabalisa para sa buhay ng tao, at nahahabag Siya sa kahinaan ng tao. Nagtiis Siya ng maraming mga pasikut-sikot sa bawa’t hakbang ng Kanyang gawain, sa bawa’t salita na sinasabi Niya; lagi Siyang nasa pag-itan ng nag-uumpugang bato, at iniisip ang kahinaan ng tao, pagsuway, pagiging-parang-bata, at kahinaan ... sa lahat ng oras ... nang paulit-ulit. Sino ang kailanma’y nakabatid nito? Sino ang maaari Niyang pagtapatan? Sino ang makakayang makaunawa? Kailanman ay kinamumuhian Niya ang mga kasalanan ng tao, at ang kawalan ng gulugod, ang kawalan ng lakas-ng-loob, ng tao, at kailanman Siya ay nag-aalala sa kahinaan ng tao, at pinag-iisipang mabuti ang landas na naghihintay sa tao; laging, habang pinagmamasdan Niya ang mga salita at mga gawa ng tao, pinupuspos Siya nito ng awa, at galit, at ang pagtingin sa mga bagay na ito ay laging nagdudulot ng sakit sa Kanyang puso. Ang walang-muwang, pagkatapos ng lahat, ay lumaki na matigas ang puso; bakit dapat laging pahirapin ng Diyos ang mga bagay-bagay para sa kanila? Lubos na walang tiyaga ang taong mahina; bakit dapat laging may ganoong di-humuhupang galit ang Diyos tungo sa kanya? Wala ni munti mang sigla ang mahina at walang-kapangyarihang tao; bakit dapat lagi siyang pagsabihan ng Diyos dahil sa kanyang pagsuway? Sino ang makatatagal sa mga banta ng Diyos sa langit? Ang tao, pagkatapos ng lahat, ay marupok, at nasa desperadong katayuan, ibinaon ng Diyos ang Kanyang galit nang malalim sa Kanyang puso, upang maaaring dahan-dahang makapagnilay ang tao sa kanyang sarili. Nguni’t ang tao, na nasa malubhang kaguluhan, ay wala ni bahagyang pagpapahalaga sa kalooban ng Diyos; nayurakan na siya sa ilalim ng paa ng matandang hari ng mga diyablo, nguni’t ganap na hindi namamalayan, palagi siyang sumasalungat sa Diyos, o hindi mainit ni malamig tungo sa Diyos. Nakabigkas ng maraming mga salita ang Diyos, nguni’t sino ang kailanman ay sineryoso ang mga ito? Hindi nauunawaan ng tao ang mga salita ng Diyos, gayunpaman nananatili siyang panatag, at walang matinding pananabik, hindi kailanman tunay na nakilala ang substansya ng matandang diyablo. Nakatira ang mga tao sa Hades, sa impiyerno, nguni’t naniniwala na nakatira sila sa palasyo sa pusod ng dagat; sila ay inuusig ng malaking pulang dragon, gayunpaman ang iniisip nila sa kanilang mga sarili ay napaboran[24] ng bansa ng dragon; kinukutya sila ng diyablo nguni’t iniisip na kanilang tinatamasa ang pinakamainam na sining ng laman. Anong pangkat ng mga marumi at abang mga hamak sila! Sinapit ng tao ang kasawian, nguni’t hindi niya ito nalalaman, at sa ganitong madilim na lipunan nagdurusa siya ng sunud-sunod na sakúnâ,[25]datapwa’t hindi pa siya kailanman nagigising dito. Kailan niya aalisin sa kanyang sarili ang kanyang sariling-kabaitan at malaaliping disposisyon? Bakit sobra siyang walang malasakit sa puso ng Diyos? Tahimik ba niyang kinukunsinti ang pang-aaping ito at paghihirap? Hindi ba niya inaasam ang araw na maaari niyang palitan ng liwanag ang kadiliman? Hindi ba niya inaasam na minsan pang malunasan ang mga kawalang-hustisya tungo sa pagkamatuwid at katotohanan? Naaatim ba niyang manood at walang ginagawa habang tinatalikdan ng tao ang katotohanan at binabaluktot ang mga katunayan? Masaya ba siyang patuloy na tiisin ang pagmamaltratong ito? Payag ba siyang maging alipin? Handa ba siyang mamatay sa mga kamay ng Diyos kasama ang mga ari-arian ng nabigong estadong ito? Nasaan ang iyong kapasiyahan? Nasaan ang iyong ambisyon? Nasaan ang iyong dignidad? Nasaan ang iyong integridad? Nasaan ang iyong kalayaan? Handa ka bang ibigay ang iyong buong buhay para sa malaking pulang dragon, ang hari ng mga diyablo? Masaya ka bang hayaan itong pahirapan ka hanggang kamatayan? Ang mukha ng kalaliman ay magulo at madilim, ang mga karaniwang katutubo, nagdurusa nang gayong kalungkutan, umiiyak sa Langit at nagrereklamo sa lupa. Kailan maitataas ng tao ang kanyang ulo nang mataas? Payat at alid ang tao, paano niya lalabanan itong malupit at abusadong diyablo? Bakit hindi niya ibigay ang kanyang buhay sa Diyos sa lalong madaling panahon? Bakit nag-aalinlangan pa rin siya, kailan niya matatapos ang gawain ng Diyos? Kaya walang-katuturang binubulyawán at inaapi, ang kanyang buong buhay sa kahuli-hulihan ay nagugol sa walang-kabuluhan; bakit siya nagmamadaling dumating, at ganoong kabilis na umalis? Bakit hindi siya nagpapanatili ng isang bagay na mahalaga upang ibigay sa Diyos? Nakalimutan na ba niya ang libong taon ng poot?

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

33. Naging katawang-tao sa panahong ito ang Diyos upang gawin ang gayong gawain, upang tapusin ang gawaing hindi pa Niya natatapos, upang dalhin ang kapanahunang ito sa katapusan, upang hatulan ang kapanahunang ito, upang sagipin ang lubhang makasalanan mula sa mundo ng dagat ng kadalamhatian, at lubos silang baguhin. Ipinako ng mga Judio ang Diyos sa krus, sa gayon ay tinatapos ang mga paglalakbay ng Diyos sa Judea. Hindi nagtagal, ang Diyos ay personal na naparito muli sa gitna ng tao, tahimik na dumarating sa bansa ng malaking pulang dragon. Sa katunayan, ang relihiyosong komunidad ng bansang Judio ay matagal nang nagsabit ng imahe ni Jesus sa kanilang mga dingding, at mula sa kanilang mga bibig ay humibik ang mga tao ng “Panginoong JesuCristo.” Hindi nila alam na matagal nang tinanggap ni Jesus ang utos ng Kanyang Ama na bumalik sa gitna ng tao upang tapusin ang ikalawang hakbang ng Kanyang hindi natapos na gawain. Bilang resulta, nagulat ang mga tao nang tumingin sila sa Kanya: Ipinanganak Siya sa gitna ng isang mundo kung saan maraming kapanahunan na ang lumipas, at nagpakita Siya sa mga tao na may hitsura ng isa na sukdulang karaniwan. Sa katunayan, habang ang mga kapanahunan ay lumilipas, ang Kanyang damit at buong hitsura ay nagbago, na tila Siya ay isinilang muli. Paano kaya malalaman ng tao na Siya ay ang mismong parehong Panginoong JesuCristo na bumaba mula sa krus at muling-nabuhay? Wala Siya ni bahagyang bakas ng pinsala, gaya nang si Jesus ay walang pagkakahawig kay Jehova. Ang Jesus ngayon ay matagal nang walang kinalaman sa nakalipas na mga panahon. Paano kaya Siya makikilala ng mga tao? Ang salawahang si “Tomas” ay palaging nagdududa na Siya ay si Jesus na muling-nabuhay, nais niya na palaging makita ang mga peklat mula sa mga pako sa mga kamay ni Jesus bago siya maniwala; hangga’t hindi niya nakikita ang mga iyon, palagi pa rin siyang magdududa, at walang kakayahang manindigan at sumunod kay Jesus. Kawawang “Tomas”—paano kaya niya malalaman na dumating si Jesus upang gawin ang gawaing iniatas ng Diyos Ama? Bakit kailangang taglayin ni Hesus ang mga peklat ng pagkakapako sa krus? Ang mga peklat ba ng pagkakapako sa krus ang marka ni Jesus? Dumating Siya upang gumawa para sa kalooban ng Kanyang Ama; bakit Siya darating nang nakadamit at nakagayak bilang isang Judio mula sa ilang libong taon na ang nakakaraan? Ang anyo kaya na ibinibihis ng Diyos sa katawang-tao ay makahahadlang sa gawain ng Diyos? Kaninong teorya ito? Bakit, kapag ang Diyos ay gumagawa, dapat ba itong maging alinsunod sa kathang-isip ng tao? Ang tanging bagay na pinagsusumikapan ng Diyos sa Kanyang gawain ay para magkaroon ito ng epekto. Hindi Siya sumusunod sa batas, at walang mga patakaran sa Kanyang gawain—paano ito maaarok ng tao? Paanong ang mga pagkaintindi ng tao ay makakaaninag sa gawain ng Diyos? Kaya pinakamahusay na pumirmi kayo nang maayos: Huwag mabahala sa maliliit na bagay, at huwag palakihin ang mga bagay na bago lamang sa inyo—pahihintuin ka nito sa pagiging isang katatawanan at ang mga taong tumatawa sa iyo. Naniwala ka sa Diyos sa kabuuan ng mga taóng ito at hanggang ngayon hindi pa rin nakikilala ang Diyos; sa kahuli-hulihan, ilulubog ka sa pagkastigo, ikaw, na inilagay sa “pinakamataas sa klase,”[26] ay isinasama sa hanay ng mga kinastigo. Mainam na huwag kang gumamit ng mga tusong pamamaraan upang ipagyabang ang iyong mga simpleng pandaraya; maaari kayang tunay na nadarama ng iyong makitid-na-pananaw ang Diyos, na nakakakita mula sa walang-hanggan tungo sa walang-hanggan? Mailalantad ba nang buo ng iyong mababaw na mga karanasan ang kalooban ng Diyos? Huwag maging mayabang. Ang Diyos, pagkatapos ng lahat, ay hindi mula sa mundo—kaya paanong ang Kanyang gawain ay magiging gaya ng iyong inaasahan?

mula sa “Gawa at Pagpasok (8)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

34. Ang nakábáóng mga katutubong kaugalian at pangkaisipang pananaw ay matagal nang nakalambong sa ibabaw ng dalisay at walang-muwang na espiritu ng tao, nasalakay ng mga iyon ang kaluluwa ng tao na wala kahit bahagyang pagkatao, na parang walang damdamin o anumang pakiramdam sa sarili. Sukdulang malupit ang mga paraan ng mga demonyong ito, at para bang ang “edukasyon” at “pag-aaruga” ay naging mga tradisyonal na pamamaraan kung paano pinapaslang ng hari ng mga diyablo ang tao; gamit ang “malalim na katuruan” nito lubusan nitong tinatakpan ang pangit nitong kaluluwa, nagbibihis-tupa upang kunin ang tiwala ng tao at pagkatapos ay sasamantalahin kapag ang tao ay natutulog na ganap siyang lamunin. Kaawa-awang sangkatauhan—paano kaya nila malalaman na ang lupain kung saan sila ay pinalaki ay ang lupain ng diyablo, at ang nagpalaki sa kanila sa katunayan ay isang kaaway na nananakit sa kanila. Datapwa’t hindi pa rin nagigising man lamang ang tao; sawà na sa kanyang gutom at uhaw, naghahanda siya upang gantihan ang “kabaitan” ng kanyang mga “magulang” sa pagpapalaki sa kanya. Ganyan ang tao. Ngayon, hindi pa rin niya alam na ang hari na nagpalaki sa kanya ay kanyang kaaway. Ang lupa ay nakakalatan ng mga buto ng patay, baliw na nagsásayáng walang-tigil ang diyablo, at nagpapatuloy sa paglamon sa laman ng tao sa “mundo ng mga patay,” kasama sa libingan ng mga kalansay ng tao at walang-sawà sa pagtatangkang ubusin ang huling mga labî ng sira-sirang katawan ng tao. Gayunpaman ang tao ay wala pa ring kamuwang-muwang, at hindi kailanman itinuring ang diyablo bilang kanyang kaaway, bagkus ay pinagsisilbihan niya ito nang kanyang buong-puso. Ang ganoong kasámáng mga tao ay walang-kakayahang kilalanin ang Diyos. Madali ba para sa Diyos ang maging laman at dumating sa kalagitnaan nila, isinasakatuparan ang lahat ng Kanyang gawain ng pagliligtas? Paano kaya magagawa ng tao, na sumisid na sa Hades, na katagpuin ang mga kinakailangan ng Diyos?

mula sa “Gawa at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

35. Maraming mga gabi na walang tulog ang tiniis ng Diyos para sa kapakanan ng gawain ng sangkatauhan. Mula sa kaitaasan hanggang sa pinakamababang kalaliman, nakábábâ Siya sa buháy na impiyerno kung saan ang tao ay nabubuhay upang gugulin ang Kanyang mga araw kasama ang tao, hindi kailanman nagreklamo sa panlilimahid ng tao, hindi kailanman sinisi ang tao dahil sa kanyang pagsuway, nguni’t tinitiis ang pinakamatinding kahihiyan habang personal Niyang isinasakatuparan ang Kanyang gawain. Paano kayang ang Diyos ay mabibilang sa impiyerno? Paano Niya magugugol ang Kanyang buhay sa impiyerno? Nguni’t para sa kapakanan ng buong sangkatauhan, nang sa gayon ang buong sangkatauhan ay makasumpong ng kapahingahan sa lalong mas madaling panahon, natiis Niya ang kahihiyan at nagdusa ng kawalang-katarungan upang makaparito sa lupa, at personal na pumasok sa “impiyerno” at “Hades,” sa yungib ng tigre, upang iligtas ang tao. Paanong kwalipikado ang tao na kontrahin ang Diyos? Anong dahilan ang mayroon siya upang minsan pang magreklamo tungkol sa Diyos? Paano siya nagkakaroon ng lakas-ng-loob na muling tumingin sa Diyos? Nakarating dito sa pinakamaruming lupain ng kasamaan ang Diyos ng langit, at hindi kailanman ibinulalas ang kanyang mga hinaing, o nagreklamo tungkol sa tao, bagkus ay tahimik na tinatanggap ang mga pamiminsala[27] at pang-aapi ng tao. Hindi Siya kailanman gumanti sa hindi-makatwirang mga hinihingi ng tao, hindi Siya kailanman humingi nang labis sa mga tao, at hindi Siya kailanman gumawa ng hindi-makatwirang mga paghingi sa tao; ginagawa lamang Niya ang lahat ng mga gawain na kinakailangan ng tao nang walang reklamo: pagtuturo, pagliliwanag, pagsaway, pagpipino ng mga salita, pagpapaalala, panghihikayat, pang-aaliw, paghatol at pagbubunyag. Alin sa Kanyang mga hakbang ang hindi naging para sa buhay ng tao? Kahit naalis Niya ang mga inaasam-asam at kapalaran ng tao, alin sa mga hakbang na isinakatuparan ng Diyos ang hindi para sa kapalaran ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng pananatiling buháy ng tao? Alin sa mga iyon ang hindi para palayain ang tao mula sa paghihirap at pang-aapi ng maitim na pwersa ng kadiliman na kasing-itim ng gabi? Alin sa mga iyon ang hindi para sa kapakanan ng tao? Sino ang maaaring makaunawa sa puso ng Diyos, na tulad ng isang mapagmahal na ina? Sino ang maaaring makaabot sa sabik na puso ng Diyos? Ang masintahing puso ng Diyos at marubdob na mga pag-asam ay ginantihan ng malalamig na pakikitungo, ng mga matang walang pakiramdam at walang-pakialam, ng paulit-ulit na mga pagsaway at mga pang-iinsulto ng tao, ng masasakit na mga salita, at pambabárá, at pangmamaliit, ginantihan ang mga iyon ng panlilibak ng tao, ng kanyang pangyuyurak at pagtanggi, ng kanyang hindi tamang pagkaunawa, at pagdaing, at paghiwalay, at pag-iwas, ng walang anuman kundi pandaraya, pag-atake, at kapaitan. Ang mga magigiliw na salita ay sinalubong ng mababangis na mga mukha at ng malamig na pagsuway ng isang libong sumásawáy na mga daliri. Walang magawa ang Diyos kundi magtiis, nakayuko ang ulo, pinagsisilbihan ang mga tao na parang maamong toro.[28] Gaano karaming mga araw at buwan, ilang beses Niyang hinarap ang mga bituin, gaano karaming beses Siya umalis sa madaling araw at bumalik sa dapit-hapon, at pabaling-baling, tinitiis ang matinding paghihirap na mas matindi ng isang libong beses kaysa sa sakit ng Kanyang pag-alis mula sa Kanyang Ama, tinitiis ang mga pag-atake at pananakit ng tao, at ang pakikitungo at pagpupungos ng tao. Sinuklian ang kababaang-loob at pagkatago ng Diyos ng pagkiling[29] ng tao, ng mga di-makatarungang mga pananaw at pakikitungo ng tao, at ang Kanyang pagiging-di-kilala, pagtitiis, at pagpaparaya ay sinuklian ng sakim na titig ng tao; sinusubukan ng tao na magdabog sa Diyos hanggang kamatayan, walang pagsisisi, at sinusubukang yapakan ang Diyos sa lupa. Ang saloobin ng tao sa kanyang pakikitungo sa Diyos ay isa ng “bihirang katalinuhan,” at ang Diyos, na tinatakot at hinahamak ng tao, ay mariing tinapakan sa ilalim ng mga paa ng sampu-sampung libong mga tao habang ang tao sa sarili niya ay nakalindig nang mataas, na para bang siya ay magiging hari ng kastilyo, na para bang nais niyang kunin ang lubos na kapangyarihan,[30] na hawakan ang hukuman mula sa likod ng isang tabing, upang gawin ang Diyos na matapat at masunurin-sa-panuntunang direktor sa likod ng mga eksena, na hindi pinahihintulutang lumaban o magsanhi ng problema; dapat gampanan ng Diyos ang bahagi ng Huling Emperador, dapat Siyang maging isang sunud-sunuran,[31] walang wala ng lahat ng kalayaan. Hindi maikukuwento ang mga gawa ng tao, kaya karapat-dapat ba siya na humingi ng ganito o ganoon sa Diyos? Paano siya naging kwalipikadong magbigay ng mga suhestiyon sa Diyos? Paano siya naging kwalipikado na humingi sa Diyos na dumamay sa kanyang mga kahinaan? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng awa ng Diyos? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng kadakilaan ng Diyos nang paulit-ulit? Gaano siya kaangkop na tumanggap ng kapatawaran ng Diyos nang paulit-ulit? Nasaan ang kanyang budhi? Matagal na niyang dinurog ang puso ng Diyos, matagal na niyang iniwan ang puso ng Diyos na durug-durog. Dumating ang Diyos sa gitna ng tao na puno ng pag-asa at masaya, umaasa na ang tao ay magiging mabait sa Kanya, kahit na kaunti lamang na pagkagiliw. Nguni’t ang puso ng Diyos ay hindi gaanong maaliw ng tao, ang lahat ng Kanyang natanggap ay parang bolang-niyebeng[32] mga pag-atake at paghihirap ng kalooban; masyadong sakim ang puso ng tao, masyadong malaki ang kanyang pagnanásà, hindi siya kailanman magsasawa, lagi siyang pasáwáy at walang-patumangga, hindi niya kailanman binibigyan ng anumang kalayaan ang Diyos o karapatang magsalita at iniiwan ang Diyos na walang pagpipilian liban sa tiisin ang kahihiyan, at hayaan ang tao na manipulahin Siya kung paano man niya gusto.

mula sa “Gawa at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

36. Mula sa paglikha hanggang sa ngayon, nakapagtiis nang sobrang sakit ang Diyos, at nagdusa ng napakaraming mga pag-atake. Nguni’t kahit na ngayon, hindi pa rin nilulubayan ng tao ang Diyos sa kahihingi, pinag-aaralan pa rin niya ang Diyos, wala pa rin siyang pagpaparaya sa Diyos, at walang ginawa kundi bigyan Siya ng payo, at punahin Siya, at disiplinahin Siya, na tila malalim na natatakot na dadaan ang Diyos sa maling landas, na ang Diyos sa lupa ay malupit at hindi makatwiran, o nanggugulo, o na wala Siyang kahahantungang anuman. Laging may ganitong uri ng saloobin ang tao tungo sa Diyos. Paanong hindi ito makakapagpalungkot sa Diyos? Sa pagiging katawang-tao, dumanas ng matinding sakit at kahihiyan ang Diyos; gaano pa kalálâ, kung gayon, na ipatanggap sa Diyos ang mga aral ng tao? Ang Kanyang pagdating sa mga tao ay nag-alis sa Kanya ng lahat ng kalayaan, na parang nabilanggo Siya sa Hades, at tinanggap Niya ang pagsusuri ng tao na wala ni bahagya mang pagtutol. Hindi ba ito kahiya-hiya? Sa pagdating sa pamilya ng isang normal na tao, nagdusa si Jesus ng pinakamatinding kawalang-katarungan. Ang mas nakakahiya pa ay yaong dumating Siya rito sa maalikabok na mundong ito at Siya mismo ay nagpakumbaba sa pinakamababang kalaliman, at nagbihis ng katawang-tao na sukdulan ang pagiging karaniwan. Sa pagiging isang maliit na tao, hindi ba nagdurusa ng paghihirap ang Diyos na Kataas-taasan? At hindi ba ang lahat ng ito ay para sa sangkatauhan? Mayroon bang anumang mga sandali na nag-isip Siya para sa Sarili Niya? Pagkatapos Siyang tanggihan at patayin ng mga Judio, at pagtawanan at tuyain ng mga tao, hindi Siya kailanman nagreklamo sa langit o lumaban sa lupa. Ngayon, itong isang-libong-taóng gulang na trahedya ay muling lumitaw sa gitna nitong mga taong gaya ng Judio. Hindi ba sila gumagawa ng parehong mga kasalanan? Anong nagsasanhi sa tao na maging kwalipikado upang makatanggap ng mga pangako ng Diyos? Hindi ba niya tinututulan ang Diyos at pagkatapos ay tatanggapin ang Kanyang mga pagpapala? Bakit hindi kailanman hinaharap ng tao ang katarungan, o naghahanap para sa katotohanan? Bakit hindi kailanman siya interesado sa kung ano ang ginagawa ng Diyos? Nasaan ang kanyang pagkamatuwid? Nasaan ang kanyang pagiging patas? Mayroon ba siyang lakas-ng-loob na kumatawan sa Diyos? Nasaan ang kanyang pandama ng katarungan? Gaano karami roon sa minamahal ng tao ang minamahal ng Diyos? Hindi kayang kilalanin ng tao ang kaibahan ng yeso sa keso,[33] palagi siyang nalilito sa itim at puti, sinisiil niya ang katarungan at katotohanan, at itinataas nang napakataas ang kawalang-katarungan at di-pagkamatuwid. Itinataboy niya paláyô ang liwanag, at naglululundag sa gitna ng kadiliman. Yaong mga naghahanap ng katotohanan at katarungan sa halip ay itinataboy paláyô ang liwanag, yaong mga naghahanap sa Diyos ay tinatapakan Siya sa ilalim ng kanilang mga paa, at itinataas ang kanilang mga sarili tungo sa kalangitan. Hindi naiiba ang tao sa isang tulisan.[34] Nasaan ang kanyang katuwiran? Sino ang maaaring magsabi ng tama mula sa mali? Sino ang kayang manindigan para sa katarungan? Sino ang handang magdusa para sa katotohanan? Mapanira at ubod ng sama ang mga tao! Pumapalakpak sila at nagsasaya sa pagkapako ng Diyos sa krus, walang tigil ang kanilang mga malalakas na sigawan. Tulad sila ng mga manok at mga aso, magkasabwat sila at nagbubulag-bulagan, nagtatag sila ng kanilang sariling kaharian, ang kanilang panghihimasok ay walang sinasantong lugar, ipinikit nila ang kanilang mga mata at mistulang hibang na umaalulong nang paulit-ulit, ang lahat ay sama-sama sa kulungan, at lumalaganap ang nakakahawang kapaligiran, ito ay matao at buháy na buháy, at yaong bulag na ikinakabit ang kanilang mga sarili sa iba ay patuloy na dumarami, lahat ay humahawak sa “bantog” na mga pangalan ng kanilang mga ninuno. Matagal nang kinalimutan ng mga aso at mga manok na ito ang Diyos, at hindi kailanman nagbigay ng anumang pansin sa katayuan ng puso ng Diyos. Bahagyang nakapagtataka na sinasabi ng Diyos na ang tao ay tulad ng isang aso o isang manok, isang tumatahol na aso na nagsasanhi sa isandaang iba pa na magsiungol; sa ganitong paraan, nadala ng sobrang publisidad ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan, hindi alintana kung ano ang katulad ng gawain ng Diyos, kung may katarungan man, kung ang Diyos man ay may lugar na matutungtungan, kung ano ang kahalintulad ng bukas, ng kanyang sariling kababaan, at ng kanyang sariling karumihan. Hindi kailanman napag-isipan ng tao nang ganoong katindi ang tungkol sa mga bagay-bagay, hindi siya kailanman nag-aalala sa kanyang sarili para sa kinabukasan, at tinipon ang lahat ng kapaki-pakinabang at mahalaga sa kanyang sariling pag-aari, walang iniwan sa Diyos maliban sa mga patapong piraso at mga tira-tira.[35] Kaylupit ng sangkatauhan! Hindi niya alintanang saktan ang damdamin ng Diyos, at pagkatapos lamuning palihim ang lahat na mayroon ang Diyos, inihahagis niya ang Diyos paláyô sa likuran niya, hindi na pinapansin ang Kanyang pag-iral. Nasisiyahan siya sa Diyos, datapuwa’t sinasalungat ang Diyos, at niyuyurakan Siya sa ilalim ng kanyang paa, habang sa kanyang bibig nagpapasalamat siya at nagpupuri sa Diyos; nagdarasal siya sa Diyos, at umaasa sa Diyos, habang dinadaya rin ang Diyos; “pinupuri” niya ang pangalan ng Diyos, at tumitingala sa mukha ng Diyos, datapuwa’t siya rin ay bastos at walang-kahihiyan na nakaupo sa luklukan ng Diyos at hinahatulan ang “hindi-pagkamatuwid” ng Diyos; mula sa kanyang bibig lumalabas ang mga salita na siya ay “may utang na loob sa Diyos,” at kanyang tinitingnan ang mga salita ng Diyos, gayunpaman sa kanyang puso ay tinutuligsa niya ang Diyos; “mapagparaya” siya sa Diyos nguni’t sinisiil ang Diyos, at sinasabi ng kanyang bibig na ito ay para sa kapakanan ng Diyos; sa kanyang mga kamay hawak niya ang mga bagay ng Diyos, at sa kanyang bibig nginunguya niya ang pagkain na ibinigay ng Diyos sa kanya, nguni’t nananatiling malamig at walang emosyon ang kanyang matang nakatitig sa Diyos, na para bang nais niyang lunukin Siya nang buo; tinitingnan niya ang katotohanan nguni’t pilit na sinasabing ito ay panlilinlang ni Satanas; tinitingnan niya ang katarungan nguni’t pilit itong ginagawang pagtatatwa-sa-sarili; tinitingnan niya ang mga gawa ng tao, nguni’t ipinipilit na ang mga iyon ay kung ano ang Diyos; tinitingnan niya ang natural na mga kaloob ng tao nguni’t ipinipilit na ang mga iyon ay ang katotohanan; tinitingnan niya ang mga gawa ng Diyos nguni’t ipinipilit na ang mga iyon ay pagmamataas at kahambugan, ngasngas at sariling-pagkamatuwid; kapag tumitingin ang tao sa Diyos, ipinipilit niya ang pagbabansag sa Kanya bilang tao, at sinusubukang maigi na tratuhin Siya bilang isang nilalang na nakipagsabwatan kay Satanas; alam na alam niya na ang mga iyon ay ang mga pagbigkas ng Diyos, gayunma’y tatawagin ang mga iyong walang iba kundi mga sinulat ng isang tao; alam na alam niyang ang Espiritu ay natanto sa katawang-tao, nagkatawang-tao ang Diyos, nguni’t sinasabi lamang na ang katawang-taong ito ay inápó[36] ni Satanas, alam na alam niyang ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago, ngunit sinasabi lamang na si Satanas ay napahiya, at ang Diyos ay nanalo. Mga walang silbi! Ang tao ay hindi man lamang karapat-dapat na maglingkod bilang mga asong-bantay! Hindi niya nakikilala ang kaibahan sa pag-itan ng itim at puti, at sadya pang pinipilipit ang itim na puti. Kaya ba ng mga puwersa ng tao at pagsalakay ng tao na mangyari ang araw ng pagpapalaya sa Diyos? Pagkatapos na sadyang salungatin ang Diyos, ang tao ay walang pakialam, o nagawa pa nitong ipapatay Siya, hindi tinutulutan ang Diyos na ipakita ang Sarili Niya. Nasaan ang pagkamatuwid? Nasaan ang pag-ibig? Umuupo siya sa tabi ng Diyos, at pinaluluhod ang Diyos upang humingi ng kapatawaran, upang sundin ang lahat ng kanyang mga pagsasaayos, upang pumayag sa lahat ng kanyang mga pagmamaniobra, at pinasusunod ang Diyos sa kanyang hudyat sa lahat nang ginagawa Niya, o kung hindi ay magagalit[37] siya at magwawalâ. Paano kayang hindi malilipos ng kapighatian ang Diyos sa ilalim ng gayong impluwensiya ng kadiliman, na pinipilipit ang itim para maging puti? Paano kayang hindi Siya mag-aalala? Bakit sinabi na noong sinimulan ng Diyos ang Kanyang pinakabagong gawain, ito ay tulad ng pagbubukang-liwayway ng isang bagong kapanahunan? Napaka- “yaman” ng mga gawa ng tao, ang “patuloy na umaagos na bukal ng buháy na tubig” ay walang-hinto sa “pagpupunong muli” sa lináng ng puso ng tao, habang ang “bukal ng tubig na buháy” ng tao ay nakikipagpaligsahan sa Diyos nang walang pangíngímî;[38] ang dalawa ay hindi mapagkakasundo, at nagtutustos ito sa mga tao sa halip na ang Diyos nang walang anumang pasubali, samantalang ang tao ay nakikipagtulungan dito nang walang anumang pagsasaalang-alang sa mga panganib na kasangkot. At para sa anong epekto? Walang-pangíngímî niyang isinantabi ang Diyos, at inilalayo Siya, kung saan hindi Siya papansinin ng tao, lubhang natatakot na kukunin Niya ang kanilang pansin, at takot na takot na ang bukal ng buháy na tubig ng Diyos ay makakaakit sa tao, at makakamit ang tao. Kaya, pagkatapos makaranas ng maraming mga taon ng makamundong alalahanin, nakikipagsabwatan siya at iniintriga ang Diyos, at pinatatamaan pa ang Diyos sa kanyang pagmumura. Para bang ang Diyos ay naging tulad ng isang troso sa kanyang mata, at desperado siyang sunggaban ang Diyos at ilagay Siya sa apoy upang mapino at mapalinis. Nakikita ang hindi-maginhawang kalagayan ng Diyos, dinadagukan ng tao ang kanyang dibdib at tatawa, sumasayaw siya sa galak, at sasabihin na ang Diyos ay inilublob din sa pagdadalisay, at sinasabing susunugin niya nang malinis ang maruming kahalayan ng Diyos, na parang ito lamang ang makatwiran at makabuluhan, na parang ang mga ito lamang ang makatarungan at makatwirang mga pamamaraan ng Langit. Ang marahas na pag-uugaling ito ng tao ay tila parehong sinadya at hindi-namamalayan. Parehong ibinubunyag ng tao ang kanyang pangit na mukha at ang kanyang kakila-kilabot at maruming kaluluwa, pati na rin ang kaawa-awang hitsura ng isang pulubi; matapos magwalâ nang husto, nagmumukha siyang kaawa-awa at nagsusumamo para sa kapatawaran ng Langit, katulad ng isang sukdulang kahabag-habag na aso. Palaging kumikilos ang tao sa hindi inaasahang mga paraan, palagi siyang “sumasakay sa likod ng isang tigre upang takutin ang iba,” nakikipagsayá siya kapag kaya niya, hindi niya isinasaalang-alang ni bahagya man ang puso ng Diyos, hindi rin siya gumagawa ng anumang mga paghahambing sa kanyang sariling katayuan. Tahimik niya lamang na sinasalungat ang Diyos, na para bang ang Diyos ay nagkamali sa kanya, at hindi nararapat na tratuhin siya nang ganoon, at para bang walang mga mata ang Langit at sinasadyang gawing mahirap ang mga bagay-bagay para sa kanya. Kaya laging palihim na nagsasakatuparan ang tao ng mapanirang mga pakánâ, at hindi niya binabawasan kahit bahagya man ang kanyang mga hinihingi sa Diyos, nakatingin nang may mga matang ganid, galit na galit na nakadarag sa bawa’t galaw ng Diyos, hindi kailanman iniisip na siya ay ang kaaway ng Diyos, at umaasa na ang araw ay darating kung kailan hinawi na ng Diyos ang hamog, at ginawang malinaw ang mga bagay-bagay, at iniligtas siya mula sa “bibig ng tigre” at naghiganti sa kanyang ngalan. Kahit ngayon, hindi pa rin naiisip ng mga tao na ginagampanan nila ang papel ng sumasalungat sa Diyos na ginampanan ng napakarami sa buong mga kapanahunan; paano kaya nila malalaman na, sa lahat nang ginagawa nila, matagal na silang naligaw, na ang lahat ng kanilang naunawaan ay matagal nang nilamon ng mga dagat.

Sino ang kailannan ay nakákatánggáp ng katotohanan? Sino ang kailanman ay nakákatánggáp sa Diyos nang bukal sa kalooban? Sino ang kailanman ay masayang nag-aasam sa pagpapakita ng Diyos? Matagal nang sumámâ ang pag-uugali ng tao, at dahil sa kanyang karumihan ay matagal nang hindi makilala ang templo ng Diyos. Ang tao, samantala, ay patuloy pa ring nagsasakatuparan ng kanyang sariling gawain, laging minamaliit ang Diyos. Na para bang ang kanyang pagsalungat sa Diyos ay nakatatak na sa bato, at hindi mababago, at bilang resulta, mas nanaisin niyang masumpa kaysa magdusa sa ano pa mang masamang pagtrato sa kanyang mga salita at mga pagkilos. Paano kayang makikilala ng mga taong tulad nito ang Diyos? Paano nila masusumpungan ang kapahingahan sa piling ng Diyos? At paano sila magiging angkop na lumapit sa harap ng Diyos?

mula sa “Gawa at Pagpasok (9)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

37. Ginugol Ko ang maraming araw at gabi kasama ang tao, tumira Ako sa mundo kasama ang tao, at hindi Ako kailanman nagtalaga ng anumang mas marami pang kinakailangan sa tao; lagi Ko lamang ginagabayan ang tao pasulong, wala akong ginagawa kundi gabayan ang tao, at, para sa kapakanan ng tadhana ng sangkatauhan, walang tigil Kong isinasakatuparan ang gawain ng pagsasaayos. Sino ang kailanman ay nakakaunawa sa kalooban ng Ama sa langit? Sino na ang nakatawid sa pagitan ng langit at lupa? Hindi ko nais na makasama pa ng tao sa kanyang “katandaan”, dahil masyadong makaluma ang tao, wala siyang nauunawaan, ang tanging nalalaman niya ay busugin ang kanyang sarili sa kapistahang aking inihanda, wala nang iba pa—hindi kailanman iniisip ang anumang iba pang mga bagay. Masyadong mahirap ang sangkatauhan, ang ingay, lungkot, at ang panganib sa gitna ng tao ay masyadong matindi, at kaya hindi ko nais na ibahagi ang mahalagang mga bunga na pinagtagumpayang makamit sa huling mga araw. Hayaan ang tao na tamasahin ang masaganang mga pagpapala na siya mismo ang may likha, dahil hindi Ako tinatanggap ng tao—bakit ko pipilitin ang sangkatauhan na ngumiti nang pakunwari? Nawalan ng init ang bawa’t sulok ng mundo, walang bakas ng tagsibol sa buong kalupaan ng mundo, sapagka’t, tulad ng isang naninirahan-sa-tubig na nilalang, wala siya ni bahagyang init, para siyang isang bangkay, at kahit na ang dugong dumadaloy sa kanyang mga ugat ay mistulang matigas na yelo na nagpapanginig sa puso. Nasaan ang init? Ipinako ng tao ang Diyos sa krus nang walang dahilan, at pagkatapos nito’y hindi siya nakadama ni bahagyang pagsisisi. Kailanman walang sinuman ang nakadama ng panghihinayang, at ang mga malulupit na maniniil na ito ay nagbabalak pa rin na minsan pang “hulihing buháy”[39] ang Anak ng tao at dalhin Siya sa harap ng isang grupo ng berdugo, upang tapusin ang poot sa kaibuturan ng kanilang mga puso. Anong pakinabang ang mayroon para sa Akin sa pananatili sa mapanganib na lupaing ito? Kung mananatili Ako, ang tanging bagay na idudulot Ko sa tao ay paglalaban at karahasan, at walang katapusan ang problema, dahil hindi Ako kailanman nagdala ng kapayapaan sa tao, digmaan lamang. Dapat mapuno ng digmaan ang huling mga araw ng sangkatauhan, at ang hantungan ng tao dapat ay ang mabaligtad sa gitna ng karahasan at paglalaban. Ayaw Ko na “makibahagi” sa “kaluguran” ng digmaan, hindi Ko sasamahan ang pagdanak ng dugo at sakripisyo ng tao, dahil ang pagtanggi ng tao ay nagtulak sa Akin sa “kawalang pag-asa,” at wala Akong pagnanais na makita ang mga digmaan ng tao—hayaang lumaban ang tao hangga’t gusto niya, gusto Kong magpahinga, gusto Kong matulog, hayaan ang mga demonyo na makasama ng sangkatauhan sa panahon ng kanyang mga huling araw! Sino ang nakakaalam ng Aking kalooban? Dahil hindi Ako tinanggap ng tao, at hindi niya Ako kailanman hinintay, ang kaya Ko lamang ay magpaalam sa kanya, at ipinagkakaloob Ko ang hantungan ng sangkatauhan sa kanya, iniiwan ang lahat ng Aking mga kayamanan sa tao, inihahasik ang Aking buhay sa kalagitnaan ng tao, itinatanim ang binhi ng Aking buhay sa lináng ng puso ng tao, iniiwanan siya ng walang-hanggang mga alaala, iniiwan ang Aking buong pag-ibig sa sangkatauhan, at ibinibigay sa tao ang lahat nang minamahal ng tao sa Akin, bilang regalo ng pag-ibig na matagal na nating pinananabikan sa isa’t isa. Gusto Ko na mahalin natin ang isa’t isa magpakailanman, na ang ating kahapon ay ang mainam na bagay na ibinibigay natin sa isa’t isa, dahil ibinigay Ko na ang Aking kabuuan sa sangkatauhan—anong mga hinaing ang pwedeng magkaroon ang tao? Iniwan Ko na ang kabuuan ng Aking buhay sa tao, at wala ni isang salita, nagpagal nang husto upang bungkalin ang magandang lupain ng pag-ibig para sa sangkatauhan; hindi Ako kailanman nagtalaga ng anumang katumbas na kinakailangan sa tao, at walang ginawa kundi simpleng magpasakop sa mga pagsasaayos ng tao at lumikha ng isang mas magandang bukas para sa sangkatauhan.

mula sa “Gawa at Pagpasok (10)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

38. Nagulantang ng pagkakatawang-tao ng Diyos ang lahat ng mga sekta at mga denominasyon, “ginulo” nito ang kanilang orihinal na kaayusan, at niliglig nito ang mga puso ng lahat niyaong mga nananabik sa pagpapakita ng Diyos. Sino ang hindi sumasamba? Sino ang hindi nananabik na makita ang Diyos? Sa loob ng maraming mga taon personal na nakasama ng Diyos ang tao, nguni’t hindi kailanman ito napagtanto ng tao. Ngayon, nagpakita ang Diyos Mismo, at ipinakita ang Kanyang pagkakakilanlan sa masa—paanong hindi ito magdadala ng kaluguran sa puso ng tao? Minsa’y nakibahagi ang Diyos sa mga kagalakan at kalungkutan ng tao, at ngayon muli Niyang nakasama ang sangkatauhan, at nagbabahagi sa kanya ng mga kuwento ng mga panahong lumipas. Pagkatapos Niyang umalis sa Judea, wala nang mabakas ang mga tao tungkol sa Kanya. Naghahangad sila na minsan pang makita ang Diyos, hindi nila nalalaman na muli nila Siyang nakatagpo ngayon, at muli Siyang nakasama. Paanong hindi nito mapupukaw ang mga saloobin ng kahapon? Dalawang libong taon na ang nakaraan ngayon, nakita ni Simon Bar-Jonah, ang inápó ng mga Judio, si Jesus ang Tagapagligtas, nakisalo siya sa parehong mesa sa Kanya, at pagkatapos ng pagsunod sa Kanya sa loob ng maraming taon nakadama ng isang mas malalim na pagmamahal para sa Kanya: Minahal niya Siya hanggang sa kaibuturan ng kanyang puso, matindi niyang inibig ang Panginoong Jesus. Walang alam ang mga taong Judio kung paanong itong may-ginintuang-buhok na sanggol, ipinanganak sa isang maginaw na sabsaban, ay ang unang imahe ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Naisip nilang lahat na Siya ay katulad lamang nila, walang sinumang nag-isip na Siya ay iba—paano makikilala ng mga tao itong normal at ordinaryong si Jesus? Naisip ng mga taong Judio na Siya ay isang Judiong anak ng mga kapanahunan. Walang sinuman ang tumingin sa Kanya bilang isang kaibig-ibig na Diyos, at walang ginawa ang mga tao kundi humingi nang humingi sa Kanya, humihiling na bigyan Niya sila ng mayaman at saganang mga biyaya, at kapayapaan, at kagalakan. Ang alam lamang nila ay, tulad ng isang milyonaryo, mayroon Siya ng lahat ng bagay na kailanman ay maaaring naisin ng isa. Nguni’t hindi Siya kailanman itinuring ng mga tao bilang isa na minamahal; hindi Siya minahal ng mga tao nang panahong iyon, at tumutol lamang sa Kanya, at gumawa ng mga hindi-makatwirang paghingi sa Kanya, at hindi Niya kailanman nilabanan, patuloy na nagbibigay ng mga biyaya sa tao, kahit na hindi Siya kilala ng tao. Wala Siyang ginawa kundi tahimik na magpadama sa tao ng init, pag-ibig, at awa, at higit pa, binigyan Niya ang tao ng bagong paraan ng pagsasagawa, inaakay ang tao palִábás sa mga gapos ng batas. Hindi Siya mahal ng tao, naiinggit lamang siya sa Kanya at kinikilala ang Kanyang pambihirang mga talento. Paano malalaman ng bulag na sangkatauhan kung gaano katinding kahihiyan ang pinagdusahan ng kaibig-ibig na si Jesus ang Tagapagligtas nang dumating Siya sa gitna ng sangkatauhan? Walang sinuman ang nagsaalang-alang ng Kanyang pagkabalisa, walang nakaalam ng pagmamahal Niya sa Diyos Ama, at walang sinuman ang maaaring makaalam ng Kanyang kalungkutan; kahit na si Maria ang Kanyang nagluwal na ina, paano niyang malalaman ang mga saloobin sa puso ng mahabaging Panginoong Jesus? Sino ang nakaalam ng tungkol sa hindi-mabigkas na paghihirap na tiniis ng Anak ng tao? Pagkatapos na humingi nang humingi sa Kanya, kinalimutan na Siya ng mga tao nang panahong iyon, at pinalayas Siya. Kaya nagpagala-gala Siya sa mga kalye, araw-araw, taun-taon, nagpapadala sa agos sa loob ng maraming taon hanggang Siya ay nabuhay sa loob ng tatlumpu’t tatlong taon ng paghihirap, mga taon na naging kapwa mahaba at maikli. Kapag kailangan Siya ng mga tao, Siya ay iniimbitahan nila sa kanilang mga tahanan nang nakangiti, sinusubukang manghingi sa Kanya—at pagkatapos Niyang makapagbigay sa kanila, kaagad nila Siyang itinutulak palabas ng pinto. Kinain ng tao kung ano ang ipinagkaloob mula sa Kanyang bibig, ininom nila ang Kanyang dugo, nagpakasaya sila sa mga biyaya na ipinagkaloob Niya sa kanila, gayunma’y sinalungat pa rin nila Siya, dahil hindi nila kailanman nalaman kung sino ang nagbigay sa kanila ng kanilang mga buhay. Sa huli, ipinako nila Siya sa krus, gayunma’y wala pa rin Siyang imik. Kahit ngayon, nananatili Siyang tahimik. Kinakain ng mga tao ang Kanyang laman, kinakain nila ang pagkain na inihahanda Niya para sa kanila, nilalakaran nila ang daang nabuksan Niya para sa kanila, at iniinom nila ang Kanyang dugo, nguni’t nais pa rin nilang tanggihan Siya, sa katunayan itinuturing nila ang Diyos na nagbigay sa kanila ng kanilang mga buhay bilang ang kaaway, at sa halip itinuturing yaong mga aliping tulad lamang nila bilang ang Ama sa langit. Sa ganito, hindi ba nila sinasadyang salungatin Siya? Paano dumating si Jesus para mamatay sa krus? Alam ba ninyo? Hindi ba Siya ipinagkanulo ni Judas, na siyang pinakamalapit sa Kanya at kumain sa Kanya, uminom sa Kanya, at kinawilihan Siya? Ang dahilan ba ng pagtataksil ni Judas ay hindi dahil sa si Jesus ay walang iba kundi isang normal na maliit na guro? Kung talagang nakita ng mga tao na si Jesus ay hindi-pangkaraniwan, at Isa na mula sa langit, paano nila Siya naipako nang buhay sa krus sa loob ng dalawampu’t apat na oras, hanggang wala na Siyang hiningang naiwan sa Kanyang katawan? Sino ang makakakilala sa Diyos? Walang anumang ginagawa ang mga tao kundi magpakasaya sa Diyos taglay ang walang-kabusugang kasakiman, nguni’t hindi nila kailanman Siya nakilala. Binigyan sila ng isang pulgada at nakakuha ng isang milya, at ginagawa nilang ganap na masunurin si Jesus sa kanilang mga atas, sa kanilang mga utos. Sino ang kailanman ay nakapagpakita ng anuman ng landas ng awa tungo rito sa Anak ng tao, na wala man lamang mahigaan ng Kanyang ulo? Sino ang kailanman ay nakaisip na makipagsanib-pwersa sa Kanya upang tapusin ang iniatas ng Diyos Ama? Sino ang kailanman ay nag-isip para sa Kanya? Sino ang kailanman ay naging maalalahanin sa Kanyang mga paghihirap? Kung wala kahit bahagyang pag-ibig, hinihila Siya ng tao paroo’t parito; hindi alam ng tao kung saan nanggaling ang kanyang liwanag at buhay, at walang anumang ginagawa kundi planuhin nang palihim kung paano minsan pang ipapako si Jesus ng dalawang libong taong nakalipas, na nakaranas ng sakit sa gitna ng tao. Talaga bang pinupukaw ni Jesus ang gayong poot? Lahat ba ng ginawa Niya ay matagal nang nakalimutan? Ang poot na nagsanib sa loob ng libu-libong taon ay sasabog na sa wakas. Kayong lahi ng mga Hudyo! Kailan ba nagalit sa inyo si Jesus, na dapat ninyo Siyang kapootan nang sobra? Napakarami ng Kanyang nagáwâ, at napakarami Siyang nasalita—wala ba sa mga ito ang may benepisyo sa inyo? Naibigay Niya ang Kanyang buhay sa inyo nang hindi humihingi ng anumang kapalit, naibigay Niya ang Kanyang kabuuan sa inyo—talaga bang nais pa rin ninyong kainin Siya nang buháy? Naibigay Niya ang Kanyang lahat sa inyo nang walang itinirang anuman, nang hindi kailanman tinatamasa ang makamundong kaluwalhatian, ang pagkagiliw sa gitna ng tao, at ang pag-ibig sa gitna ng tao, o ang lahat ng mga pagpapala sa gitna ng tao. Masyadong malupit ang mga tao sa Kanya, hindi Siya kailanman nagtamasa ng lahat ng mga kayamanan sa lupa, iniuukol Niya ang kabuuan ng Kanyang taos at magiliw na puso sa tao, naiukol Niya ang Kanyang kabuuan sa sangkatauhan—at sino ang kailanman ay nagpadama sa Kanya ng pagkagiliw? Sino ang kailanman ay nakapagdulot sa Kanya ng kaaliwan? Idínágán ng tao ang lahat ng pabigat sa Kanya, ipinasa niya ang lahat ng kasawian sa Kanya, ipinilit niya ang pinaka-sawíng mga karanasan ng tao sa Kanya, isinisisi niya sa Kanya ang lahat ng kawalang-katarungan, at walang-imik Niyang tinatanggap ito. Sumalungat ba Siya kailanman sa sinuman? Naningil ba Siya kahit kailan ng kahit maliit na kabayaran mula sa sinuman? Sino ang kahit kailan ay nagpadama sa Kanya ng anumang pagdamay? Bilang normal na mga tao, sino sa inyo ang hindi nagkaroon ng isang romantikong pagkabata? Sino ang hindi nagkaroon ng isang makulay na kabataan? Sino ang hindi kinagigiliwan ng mga mahal sa buhay? Sino ang hindi minamahal ng mga kamag-anak at mga kaibigan? Sino ang hindi iginagalang ng iba? Sino ang hindi kinagigiliwan ng pamilya? Sino ang hindi palagay-ang-loob sa kanilang mga pinagkakatiwalaan? At kahit kailan ba ay natamasa Niya ang alinman sa mga ito? Sino ang kahit kailan ay nagiliw sa Kanya? Sino ang kahit kailan ay nagpadama sa Kanya ng kahit kaunting kaaliwan? Sino ang kahit kailan ay nagpakita ng kaunting kabutihang-asal sa Kanya? Sino ang kahit kailan ay nagparaya sa Kanya? Sino ang kahit kailan ay nakasama Niya sa panahon ng kahirapan? Sino ang kahit kailan ay nagpalipas ng hirap ng buhay na kasama Siya? Hindi kailanman nabawasan ng tao ang kanyang mga kinakailangan sa Kanya; humihingi lamang siya sa Kanya nang wala man lamang pangíngímî, tulad nang kung, dahil sa siya’y pumarito sa mundo ng tao, kailangan Siyang maging kanyang baka o kabayo, kanyang bilanggo, at kailangang ibigay ang Kanyang lahat-lahat sa tao; kung hindi, hindi Siya kailanman patatawarin ng tao, hindi Siya kailanman tatantanan, hindi kailanman Siya tatawaging Diyos, at hindi Siya kailanman pag-uukulan ng mataas na pagpapahalaga. Masyadong mahigpit ang pagtrato ng tao sa Diyos, na para bang nakatalaga siyang pahirapan ang Diyos hanggang kamatayan, saka lamang niya luluwagan ang kanyang mga kinakailangan sa Diyos; kung hindi, hindi kailanman ibababa ng tao ang pamantayan ng kanyang mga kinakailangan sa Diyos. Paanong hindi kamumuhian ng Diyos ang taong gaya nito? Ang tulad nito ay hindi trahedya ng kasalukuyan? Nawawala ang budhi ng tao. Palagi niyang sinasabi na susuklian niya ang pag-ibig ng Diyos, nguni’t sinusuri niya ang Diyos at pinahihirapan Siya hanggang mamatay. Hindi ba ito ang “lihim na timpla” sa kanyang pananampalataya sa Diyos, na minana mula sa kanyang mga ninuno? Walang lugar na hindi mo makikita ang mga “Judio”, at ngayon ginagawa pa rin nila ang parehong gawain, ginagawa pa rin nila ang parehong gawain ng pagsalungat sa Diyos, at gayunpaman ay naniniwala na itinataas nila ang Diyos. Paano kayang makikilala ng sariling mga mata ng tao ang Diyos? Paano kayang ituturing ng tao, na namumuhay sa laman, bilang Diyos ang nagkatawang-taong Diyos na nagmula sa Espiritu? Sino sa gitna ng tao ang maaaring makakilala sa Kanya? Nasaan ang katotohanan sa gitna ng tao? Nasaan ang tunay na pagkamatuwid? Sino ang may kakayahan na malaman ang disposisyon ng Diyos? Sino ang kayang makipagkumpetensiya sa Diyos sa langit? Hindi kataka-taka na, noong dumating Siya sa gitna ng tao, walang nakakakilala sa Diyos, at Siya ay tinanggihan. Papaanong natitiis ng tao ang pag-iral ng Diyos? Paano niya nahahayaan na itaboy ng liwanag ang kadiliman ng mundo? Hindi ba ang lahat ng ito ay mula sa marangal na pag-uukol ng tao? Hindi ba ito ang walang-bahid-dungis na pagpasok ng tao? At hindi ba ang gawain ng Diyos ay nakasentro sa pagpasok ng tao? Gusto ko na isanib ninyo ang gawain ng Diyos sa pagpasok ng tao, at itatag ang isang magandang ugnayan sa pagitan ng tao at Diyos, at gampanan ang tungkulin na dapat magampanan ng tao sa abot ng kanyang mga kakayahan. Sa ganitong paraan, darating na sa katapusan ang gawain ng Diyos, nagtatapos sa Kanyang pagkaluwalhati!

mula sa “Gawa at Pagpasok (10)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

1. “kuntento na sila sa kanilang kalagayan sa buhay” ay nangangahulugan na ang mga tao ay sumusunod sa mga patakaran at walang ginagawa na lumalabag sa mga batas.

2. “Patuloy na nananatili sa” ay ginamit nang pakutya. Nangangahulugan ang pariralang ito na matigas ang ulo at sutil ang mga tao, pinanghahawakan ang mga bagay na nalipasan na ng panahon at umaayaw na bitawan ang mga ito.

3. “Naghahanda” ay ginagamit nang pakutya.

4. “Abnormalidad” ay nagpapahiwatig na lihis ang pagpasok ng mga tao at nasa isang-panig lamang ang kanilang mga karanasan.

5. Ang “walang labasan” ay nagpapahiwatig na tumatahak ang mga tao sa isang landas na salungat sa kalooban ng Diyos.

6. “Babaligtarin ang kanilang nakaraang mga pag-uugali” ay tumutukoy sa kung paano nagbabago ang mga pagkaintindi at pananaw ng mga tao tungkol Diyos sa sandaling makilala nila ang Diyos.

7. “Magaang namamahinga” ay nagpapahiwatig na walang pakialam ang mga tao tungkol sa gawain ng Diyos at hindi nila nakikitang ito ay mahalaga.

8. “Malápít” ay ginamit nang pakutya.

9. “Magkasundo” ay ginamit nang pakutya.

10. “Walang katiyakan” ay nagpapahiwatig na walang malinaw na pagkaunawa ang mga tao tungkol sa gawain ng Diyos.

11. “Mababaw na usapan” ay isang metapora para sa pangit na mukha ng mga tao kapag nagsasaliksik sila sa gawain ng Diyos.

12. “Labis na pagsusuri ng mga salita” ay ginagamit upang kutyain ang mga eksperto sa mga maling katuruan, na nakikipagtalo sa maliliit na bagay tungkol sa mga salita nguni’t hindi hinahanap ang katotohanan o hindi alam ang gawain ng Banal na Espiritu.

a. Ang orihinal na teksto ay kababasahan ng “Ang ilan pa nga ay sumigaw.”

13. “Nananatiling hindi napaparusahan at nakakawálâ” ay nagpapahiwatig na nagwáwalâ at naghuhuramentado ang diyablo.

14. “Isang ganap na kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paanong hindi kayang tiisin ng mga tao ang marahas na asal ng diyablo.

15. “Lamog at bugbog” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng hari ng mga diyablo.

16. “Isang malabong-manalong sugal” ay isang metapora para sa mga mapanlinlang at napakasamang pakánâ ng diyablo. Ito ay ginagamit nang pakutya.

17. “Ubusin” ay tumutukoy sa marahas na asal ng hari ng mga diyablo, na nandarambong sa mga tao sa kanilang kabuuan.

18. “Pagkasalawahan sa mundo” ay nagpapahiwatig na kung ang isang tao ay mayaman at makapangyarihan, nanunuyo ang mga tao sa kanila, at kung wala ni isang pera at walang kapangyarihan ang isang tao, hindi sila pinapansin ng mga tao. Ang pariralang ito ay tumutukoy sa kawalan ng katarungan sa mundo.

19. “Mag-udyok ng kaguluhan” ay tumutukoy sa kung paano naghahasik ng kaguluhan ang mga taong mala-diyablo, hinahadlangan at tinututulan ang gawain ng Diyos.

20. “Balyenang may-ngipin” ay ginamit nang pakutya. Ito ay isang metapora patungkol sa kung gaano kaliit ang mga langaw kaya ang mga baboy at aso ay nagmumukhang sinlaki ng mga balyena para sa kanila.

21. “Pasimuno ng lahat ng kasamaan” ay tumutukoy sa matandang diyablo. Ang pariralang ito ay nagpapahayag ng pinakamatinding pag-ayáw.

22. “Nagpaparatang nang walang batayan” ay tumutukoy sa mga pamamaraan kung paano pinipinsala ng diyablo ang mga tao.

23. “Mahigpit na binabantayan” ay nagpapahiwatig na ang mga pamamaraan kung paano pinahihirapan ng diyablo ang mga tao ay talagang malupit, at lubhang kontrolado ang mga tao kaya wala nang puwang upang gumalaw.

24. “Napaboran” ay ginamit upang kutyain ang mga taong mukhang kulang sa mabuting asal at walang kamalayan sa sarili.

25. “Nagdurusa siya ng sunud-sunod na sakúnâ” ay nagpapahiwatig na ang mga tao ay ipinanganak sa lupain ng malaking pulang dragon, at hindi nila kayang itaas ang kanilang mga ulo.

26. “Pinakamataas sa klase” ay ginagamit upang kutyain ang mga taong masigasig na naghahabol sa Diyos.

27. “Mga pamímínsalà” ay ginagamit upang ilantad ang pagsuway ng sangkatauhan.

28. “Sinalubong ng mababangis na mga mukha at ng malamig na pagsuway ng isang libong sumásawáy na mga daliri, nakayuko ang ulo, pinagsisilbihan ang mga tao na parang maamong toro,” ay orihinal na iisang pangungusap, nguni’t dito ay hinati sa dalawa upang mas malinawagan ang mga bagay-bagay. Ang unang pangungusap ay tumutukoy sa mga kilos ng tao, habang ang pangalawa ay nagpapahiwatig sa paghihirap na pinagdaanan ng Diyos, at na ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago.

29. “Pagkiling” ay tumutukoy sa suwail na pag-uugali ng mga tao.

30. “Kunin ang lubos na kapangyarihan” ay tumutukoy sa masuwaying pag-uugali ng mga tao. Mapagmataas sila, iginagapos ang iba, pinasusunod ang mga ito sa kanila at pinagdurusa para sa kanila. Sila ang mga pwersa na laban sa Diyos.

31. “Sunud-sunuran” ay ginagamit upang kutyain ang mga taong hindi nakakakilala sa Diyos.

32. “Parang bolang-niyebeng” ay ginamit upang itampok ang mababang pag-uugali ng mga tao.

33. “Hindi kayang kilalanin ng tao ang kaibahan ng yeso sa keso” ay nagpapahiwatig kapag binabaluktot ng mga tao ang kalooban ng Diyos tungo sa isang bagay na maka-demonyo, malawakang tumutukoy sa pag-uugali kung saan ay tinatanggihan ng mga tao ang Diyos.

34. “Tulisan” ay ginamit upang ipahiwatig na walang katinuan at walang kabatiran ang mga tao.

35. “Mga patapong piraso at mga tira-tira” ay ginamit upang ipahiwatig ang pag-uugali na kung saan ay inaapi ng mga tao ang Diyos.

36. “Inápó” ay ginamit nang pakutya.

37. “Magagalit” ay tumutukoy sa pangit na mukha ng tao na nagagalit at nayayamot.

38. “Walang pangíngímî” ay tumutukoy sa kawalan ng pag-iingat ng tao, at kawalan ng kahit katiting na paggalang sa Diyos.

39. “Hulihing buháy” ay tumutukoy sa marahas at kasuklam-suklam na pag-uugali ng tao. Ang tao ay marahas at walang kahit katiting na pagpapatawad sa Diyos, at gumagawa ng mga katawa-tawang kahilingan sa Kanya.

Ibinubunyag ng Makapangyarihang Diyos ang mga Hiwaga ng Kanyang 6,000-Taon na Plano sa Pamamahala



    Ibinunyag ng Panginoong Jesus ang mga hiwaga ng kaharian ng langit, at dumating ang Makapangyarihang Diyos upang ihayag ang lahat ng mga hiwaga ng 6,000-taon na pamamahala ng Diyos sa sangkatauhan! Mapagtatanto mo ba na ang Makapangyarihang Diyos ay ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hiwaga na ipinakita ng Makapangyarihang Diyos? Panoorin ang clip ng pelikula na ito!

Clip ng Pelikulang Paghihintay - Paano Natin Makilala ang Tinig ng Diyos? (1)


   Ang may pakinig, ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesia” (Apocalipsis 2:29). Narinig mo na ba ang Banal na Espiritu na magsalita sa mga iglesia? Ang mga salita bang sinabi ng Makapangyarihang Diyos at ng Panginoong Jesus ay nabigkas mula sa iisang Espiritu, mula sa iisang pinanggalingan? Ibubunyag ito sa iyo ng movie clip na ito!

Rekomendasyon :
1. Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos


2. Mga Aklat ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Sino ang Aking Panginoon - Si Cristo ang Pinagmumulan ng Buhay Pati na rin ang Panginoon ng Biblia


Sino ang Aking Panginoon - Si Cristo ang Pinagmumulan ng Buhay Pati na rin ang Panginoon ng Biblia




Ang Biblia ay puno ng salita ng Diyos pati na rin ng karanasan at patotoo mula sa tao na makakapagtustos sa atin ng buhay at labis na kapaki-pakinabang para sa atin. Sinabi ng Panginoong Jesus, “Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya; At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man.” (Juan 11:25-26). Ngunit bakit, pagkalipas ng 2,000 taon, wala sa yaong may pananalig sa Panginoon na nakabasa ng Biblia ang kailanman nakatamo ng buhay na walang hanggan? Maaari bang wala sa Biblia ang daan patungo sa buhay na walang hanggan? Maaari bang hindi ipinagkaloob ng Panginoong Jesus sa sangkatauhan ang daan patungo sa buhay na walang hanggan noong ginampanan Niya ang Kanyang gawaing pagtubos? Ano ang dapat nating gawin upang matamo ang daan ng buhay na walang hanggan?

Rekomendasyon:Tagalog Christian Movie

Kidlat ng Silanganan| Ang Tiwaling Sangkatauhan ay Higit na Nangangailangan ng Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao

Kidlat ng Silanganan | Ang Tiwaling Sangkatauhan  ay Higit na Nangangailangan ng  Kaligtasan ng Diyos na Naging Katawang-tao


   
   Nagkatawang-tao ang Diyos dahil ang pakay ng Kanyang gawain ay hindi ang espiritu ni Satanas, o anumang walang materyal na katawan, kundi ang tao, na may katawan at ginawang tiwali ni Satanas. Ito ay tiyak na dahil ang laman ng tao ay naging tiwali kaya ginawa ng Diyos ang taong maka-laman na pakay ng Kanyang gawain; bukod dito, sapagka’t ang tao ay ang pakay ng katiwalian, ginawa Niya ang tao na tanging layon ng Kanyang gawain sa lahat ng mga yugto ng Kanyang gawain ng pagliligtas. Ang tao ay isang nilalang na may kamatayan, na may katawan at dugo, at ang Diyos lamang ang tanging Isa na maaaring magligtas sa tao. Sa ganitong paraan, ang Diyos ay dapat maging isang katawang-tao na nagtataglay ng parehong mga katangian bilang tao upang gawin ang Kanyang gawain, upang makamit ng Kanyang gawain ang mas mahusay na mga epekto. Kailangang maging katawang-tao ang Diyos upang gawin ang Kanyang gawain dahil ang tao ay sa laman, at hindi kayang pagtagumpayan ang kasalanan o alisin ang sarili sa laman. Kahit na ang diwa at pagkakakilanlan ng Diyos na nagkatawang-tao ay malaki ang pagkakaiba mula sa diwa at pagkakakilanlan ng tao, gayon pa man ang Kanyang hitsura ay kapareho ng tao, nasa Kanya ang hitsura ng isang pangkaraniwang tao, at namumuhay ng isang karaniwang tao, at yaong mga makakakita sa Kanya ay walang makikitang pagkakaiba sa isang karaniwang tao. Ang karaniwang hitsurang ito at normal na pagkatao ay sapat para sa Kanya na gawin ang Kanyang maka-Diyos na gawain sa normal na pagkatao. Ang Kanyang katawang-tao ay nagbibigay-daan sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa normal na pagkatao, at tumutulong sa Kanya na gawin ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, at ang Kanyang normal na pagkatao, bukod doon, ay tumutulong sa Kanya na isagawa ang gawain ng pagliligtas sa gitna ng tao. Kahit na ang Kanyang normal na pagkatao ay naging sanhi ng malaking kaguluhan sa gitna ng tao, ang ganoong kaguluhan ay hindi nakaapekto sa karaniwang mga bunga ng Kanyang gawain. Sa madaling salita, ang gawain ng Kanyang normal na katawang-tao ay may sukdulang pakinabang sa tao. Kahit na karamihan sa mga tao ay hindi tinatanggap ang Kanyang normal na pagkatao, ang Kanyang gawain ay maaari pa ring maging mabisa, at ang mga epekto na ito ay nakakamit salamat sa Kanyang normal na pagkatao. Ito ay walang pag-aalinlangan. Mula sa Kanyang gawain sa katawang-tao, ang tao ay makakatamo ng sampung beses o dose-dosenang beses na higit na mga bagay kaysa sa mga pagkaintindi na umiiral sa gitna ng tao tungkol sa Kanyang normal na pagkatao, at ang ganoong mga pagkaintindi sa huli ay dapat na lahat ay malulon ng Kanyang gawain. At ang epekto na nakamit ng Kanyang gawain, na ang ibig sabihin, ang kaalaman ng tao tungo sa Kanya, ay mas maraming beses kaysa ang mga pagkaintindi ng tao tungkol sa Kanya. Walang paraan upang isipin o sukatin ang gawain na ginagawa Niya sa katawang-tao, dahil ang Kanyang katawang-tao ay hindi katulad ng sinumang taong maka-laman; kahit na ang panlabas na balat ay magkapareho, ang sangkap ay hindi pareho. Ang Kanyang katawang-tao ay gumagawa ng maraming mga pagkaintindi sa gitna ng tao tungkol sa Diyos, gayon pa man ang Kanyang katawang-tao ay maaari ring payagan ang tao upang makakuha ng maraming kaalaman, at maaari ring lupigin ang sinumang tao na nagmamay-ari ng isang katulad na panlabas na balat. Dahil Siya ay hindi lamang isang tao, kundi ang Diyos na may panlabas na balat ng isang tao, at walang maaaring ganap na tarukin o makaintindi sa Kanya. Ang isang hindi nakikita at hindi mahipo na Diyos ay minamahal at tinatanggap ng lahat. Kung ang Diyos ay isa lamang Espiritu na hindi nakikita ng tao, napakadali para sa tao na maniwala sa Diyos. Ang tao ay maaaring magbigay ng walang patumangga sa kanyang imahinasyon, maaaring pumili ng kahit anong imahe na gusto niya bilang imahe ng Diyos upang malugod ang kanyang sarili at gawing masaya ang kanyang sarili. Sa ganitong paraan, maaaring gawin ng tao ang anuman na pinaka-kasiya-siya sa kanyang sariling Diyos, at na kung saan ang Diyos na ito ay pinakahanda na gawin, nang walang anumang pag-aalinlangan. Higit pa rito, ang tao ay naniniwala na walang sinuman ang mas tapat at masipag kaysa kanya sa kabanalan sa Diyos, at na ang lahat ng iba ay mga asong Gentil, at mga di-matapat sa Diyos. Maaaring sabihin na ito ang hinahangad ng mga malabo at batay sa doktrina ang paniniwala sa Diyos; ang kanilang hinahanap ay lahat ng higit na magkakapareho, na may kaunting pagkakaiba. Ito lamang dahil sa ang mga imahe ng Diyos sa kanilang mga imahinasyon ay naiiba, ngunit ang kanilang diwa ay tunay na pareho.

Kidlat ng Silanganan| Tanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


Kidlat ng SilangananTanging Yaong mga Kilala ang Diyos at Kanyang Gawa ang Makapagbibigay-kasiyahan sa Diyos


      Ang gawain ng Diyos na nagkatawang-tao ay may dalawang bahagi. Nang una Siyang naging katawang-tao, di Siya pinaniwalaan ni kinilala ng mga tao, anupat ipinako si Jesus sa krus. Sa pangalawang pagkakataon din, di pa rin naniwala sa Kanya o kinilala man lang Siya, at minsan pang ipinako si Cristo sa krus. Hindi ba’t ang tao ay kaaway ng Diyos? Kung hindi Siya kilala ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan sa Diyos? At paano siya nagkaroon ng kakayanang magpatotoo sa Diyos? Ang pagmamahal sa Diyos, ang paglilingkod sa Diyos, ang pagluluwalhati sa Diyos—hindi ba ito mga mapanlinlang na kasinungalingan? Kung itutuon mo ang iyong buhay sa mga walang katunayan at di-praktikal na mga bagay na ito, hindi ba gumagawa ka nang walang kabuluhan? Paano ka magiging matalik na kaibigan ng Diyos kung hindi mo naman kilala kung sino ang Diyos? Hindi ba ang ganitong pagsisikap ay malabo at mahirap maunawaan? Hindi ba ito mapanlinlang? Paano ba maging matalik na kaibigan ng Diyos? Ano ba ang makabuluhang kahalagahan ng pagiging malapit sa Diyos? Maaari ka bang maging matalik na kaibigan ng Espiritu ng Diyos? Kaya mo bang makita kung gaano kadakila at kabunyi ang Espiritu? Ang maging matalik na kaibigan ng di-nakikita at di-nahahawakang Diyos—hindi ba iyon malabo at mahirap maunawaan? Ano ang praktikal na kahalagahan ng ganiyang pagsisikap? Hindi ba ang lahat ng ito ay mga mapanlinlang na kasinungalingan? Ang pinagsisikapan mo ay maging matalik na kaibigan ng Diyos, gayong sa totoo lang ikaw ay masunuring aso ni Satanas, dahil hindi mo kilala ang Diyos, at pinagsisikapan mo ang di-umiiral na “Diyos ng lahat ng mga bagay” na di-nakikita at di-nahahawakan at mula sa iyong mga sariling pagkaintindi. Sa malabong pananalita, ang gayong “Diyos” ay si Satanas, at sa praktikal na pananalita, ito ay ikaw sarili mo. Matalik na kaibigan mo ang iyong sarili ngunit sinasabi mo na nagsisikap ka para maging matalik na kaibigan ng Diyos—hindi ba iyon isang paglalapastangan? Ano ang halaga ng gayong pagsisikap? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi maging tao, ang sangkap ng Diyos Mismo ay magiging di-nakikita, di-nahahawakang Espiritu, walang anyo at walang hugis, di-malapitan at di-maunawaan ng mga tao. Paano magiging matalik na kaibigan ng tao ang isang walang katawan, kamangha-mangha, at di-maarok na Espiritu na gaya nito? Hindi ba ito isang biro? Ang ganitong kakatuwang pangangatuwiran ay hindi tama at hindi praktikal. Ang nilikhang mga tao ay ibang-iba sa Espiritu ng Diyos, kaya paano sila magiging matalik na magkaibigan? Kung ang Espiritu ng Diyos ay hindi naging tao, kung ang Diyos ay hindi nagkatawang-tao at nagpakumbaba sa Sarili Niya upang maging nilalang, ang taong nilalang ay walang kakayanan at hindi magiging Kanyang matalik na kaibigan, at maliban sa mga mananampalatayang maka-Diyos na may pagkakataong maging mga matalik na kaibigan ng Diyos matapos makapasok ang kanilang kaluluwa sa langit, karamihan sa mga tao ay hindi maaaring maging mga matalik na kabigan ng Diyos. At kung nais ng tao na maging matalik na kaibigan ng Diyos sa langit sa ilalim ng gabay ng Diyos na nagkatawang-tao, hindi ba siya isang kagila-gilalas na hangal na di-tao? Ang mga tao ay nagsusumikap magpamalas ng “katapatan” sa isang di-nakikitang Diyos, at hindi nagtutuon ni katiting na pansin sa nakikitang Diyos sapagkat madaling magsikap sa isang di-nakikitang Diyos—maaari itong gawin ng tao ayon sa gusto niya. Ngunit ang pagsisikap sa nakikitang Diyos ay hindi madali. Ang mga tao na naghahanap sa isang malabong Diyos ay isa na hindi matatamo ang Diyos sapagkat lahat ng malabo at di-maintindihang mga bagay ay iniisip lamang ng mga tao, at hindi nila maaaring matamo. Kung ang Diyos na pumarito sa inyo ay mataas at matayog na Diyos na hindi ninyo maabot, paano ninyo mahahanap ang Kanyang kalooban? At paano ninyo Siya makikilala at mauunawaan? Kung ginawa lamang Niya ang Kanyang gawain, at nagkaroon ng karaniwang ugnayan sa tao, at walang taglay na normal na pagkatao at hindi malapitan ng mga mortal lamang, kahit na marami Siyang ginawa para sa inyo ngunit wala kayong pakikipag-ugnayan sa Kanya, hindi Siya makita, paano ninyo Siya makikilala? Kung hindi dahil sa katawang-tao na ito na taglay ang normal na pagkatao, hindi makikilala ng tao ang Diyos; ito lamang ay dahil sa pagkakatawang-tao ng Diyos kaya ang mga tao ay may kakayanang maging malapit sa Diyos na nagkatawang-tao. Ang mga tao ay nagiging matalik na kaibigan ng Diyos dahil nakikipag-ugnayan ang tao sa Kanya, sapagkat ang tao ay naninirahan kasama Siya at nananatiling Siya ay kasama, at unti-unti na kinikilala Siya. Kung hindi ito ganoon, hindi ba ang pagsisikap ng mga tao ay walang kabuluhan? Sa madaling salita, hindi lamang dahil sa mga gawain ng Diyos kung kaya ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya, kundi sa pagkatotoo at pagka-karaniwan ng Diyos na nagkatawang-tao. Ito ay dahil lamang sa ang Diyos ay nagiging tao kaya ang mga tao ay nagkakaroon ng pagkakataon upang gawin ang kanyang tungkulin, at pagkakataon upang sambahin ang Diyos. Hindi ba ito ang pinakatunay at praktikal na katotohanan? Ngayon, nais mo pa bang maging matalik na kaibigan ng Diyos na nasa langit? Tanging kapag nagpakababa ang Diyos Mismo hanggang sa isang punto, na ibig sabihin, tanging kapag ang Diyos ay nagiging tao, na ang mga tao ay maaaring maging matalik na kaibigan Niya. Ang Diyos ay Espiritu: Paano magkakaroon ng kakayanan ang tao na maging matalik na kaibigan Niya, na napakataas at di-maarok? Tanging kapag bumaba ang Espiritu ng Diyos sa katawang-tao, at maging isang nilalang na may parehong panlabas na anyo ng tao, kayang unawain ng tao ang Kanyang kalooban at talagang matamo Niya. Siya ay nagsasalita at kumikilos sa katawang-tao, nakikihati sa kaligayahan, kalungkutan at kapighatian ng tao, naninirahang kasama ng tao, iniingatan ang tao, ginagabayan siya, at sa pamamagitan nito nililinis Niya ang tao, at hinahayaang matamo ng tao ang Kanyang kaligtasan at Kanyang mga pagpapala. Matapos matamo ang mga bagay na ito, mauunawaan ng tao ang kalooban ng Diyos, at saka lamang maaari siyang maging matalik Niyang kaibigan. Natatanging ito ang praktikal. Kung ang Diyos ay di-nakikita at di-nauunawaan ng mga tao, paano sila magiging matalik na kaibigan Niya? Hindi ba ito isang doktrinang walang katuturan?
        Sa kanilang paniniwala sa Diyos ngayon, marami pa rin ang nagsisikap sa malabo at mahirap maunawaan. Wala silang kaalaman sa totoong gawain ng Diyos sa ngayon, at patuloy na naniniwala sa mga kasulatan at katuruan. Bukod dito, karamihan ay hindi pa pumasok sa katotohanan ng mga bagong pariralang tulad ng ang “bagong henerasyon ng mga nagmamahal sa Diyos”, ang “matalik na kaibigan ng Diyos”, ang “huwaran at modelo para sa pag-ibig ng Diyos”, ang “pamamaraan ni Pedro”; sa halip, ang pagsisikap ay nananatiling malabo at mahirap maunawaan, anupat sila ay umaapuhap sa doktrina, at wala silang pagkaunawa sa katotohanan ng mga salitang ito. Kapag ang Espiritu ng Diyos ay nagiging tao, maaari mong makita at mahawakan ang Kanyang mga gawain sa katawang-tao. Ngunit kung hindi mo kayang maging Kanyang matalik na kaibigan, kung di mo abot ang maging Kanyang pinagkakatiwaan, paano ka magiging pinagkakatiwalaan ng Espiritu ng Diyos? Kung hindi mo kilala ang Diyos ng ngayon, paano ka magiging isa sa bagong henerasyong nagmamahal sa Diyos? Hindi ba ito mga walang katuturang kasulatan at doktrina? Kaya mo bang makita ang Espiritu at maramdaman ang Kanyang kalooban? Hindi ba ito mga salitang walang katuturan? Hindi sapat na basta mo lamang sabihin ang ganitong mga parirala at mga pagpapaliwanag, ni hindi mo rin maaaring makami  ang bigyang Kasiyahan ang Diyos sa iyong sariling kapasyahan lamang. Binigyang kasiyahan mo ang iyong sarili sa pagsasalita ng mga salitang ito, at ginawa mo ito para bigyang kasiyahan ang iyong mga pagnanasa, bigyang kasiyahan ang iyong di-makatotohanang iniisip, at bigyang kasiyahan ang iyong mga pagkaintindi at pag-iisip. Kung hindi mo kilala ang Diyos ng ngayon, kahit ano ang gawin mo, hindi mo makakayang bigyang kasiyahan ang pinakananasa ng puso ng Diyos. Ano ba ang kahulugan ng pagiging pinagkakatiwalaan ng Diyos? Hindi mo pa rin ba ito maintindihan? Dahil ang matalik na kaibigan ng Diyos ay tao, ang Diyos ay tao din, sa madaling salita, ang Diyos ay naging tao, nagkatawang-tao. Tanging ang mga may katulad na uri ang maaring magtawagang pinagkakatiwalaan ng isa’t-isa, sa gayon lang sila maituturing na matalik na magkaibigan. Kung ang Diyos ay Espiritu, paano magiging matalik Niyang kaibigan ang mga tao?

       Ang iyong paniniwala sa Diyos, ang iyong pagsisikap sa katotohanan, at maging ang pag-uugali mo ay dapat na nakabatay sa katotohanan: Lahat ng iyong mga ginagawa ay dapat na praktikal, at hindi ka dapat magsikap sa mga bagay na mga gayong ilusyon, kathang-isip lamang. Walang halaga ang pag-uugali nang ganito, at higit pa rito, wala itong kabuluhan sa buhay. Dahil ang iyong gawain at buhay ay ginugugol mo sa kasinungalingan at panlilinlang, at hindi ka nagsisikap sa mga bagay na may halaga at kabuluhan, ang tanging makakamit mo ay nakakatawang pangangatuwiran at mga katuruang walang katotohanan. Ang ganitong mga bagay ay walang kaugnayan sa halaga at kabuluhan ng iyong pag-iral, at maaari lamang magdala sa iyo sa nasasakupang walang laman. Sa ganitong paraan, ang iyong buong buhay ay walang halaga at kabuluhan—at kung hindi ka magsisikap sa buhay na may kabuluhan, maaari kang mabuhay nang isang daang taon at lahat ng ito ay kawalan. Paano iyon matatawag na buhay ng isang tao? Hindi ba iyon buhay ng isang hayop? Sa katulad na paraan, kung sinusubukan ninyong sundin ang paniniwala sa Diyos, ngunit hindi nagsisikap na matamo ang di-nakikitang Diyos, sa halip ay sumasamba sa isang di-nakikita at di-maunawaang Diyos, hindi ba ang pagsisikap na ito ay lalong walang saysay? Sa katapusan, ang lahat ng iyong pagsisikap ay magiging bunton ng mga guho. Anong pakinabang ng gayong pagsisikap para sa iyo? Ang pinakamalaking suliranin ng tao ay minamahal lamang niya ang mga di-nakikita at di-nahahawakan, mga bagay na kataastaasang hiwaga at kamangha-mangha na hindi lubos mawari at maabot ng mga mortal lamang. Mas hindi makatotohan ang bagay na ito, mas pinag-aaralan pa ito ng mga tao, anupa’t nagsisikap kaysa sa anupaman, at dinadaya ang sarili niya na makakamit niya ito. Mas hindi makatotohanan ang mga ito, mas malapitang sinisiyat at pinag-aaralan ng tao, gumagawa pa nga ng mga sarili niyang mga malawakang ideya tungkol dito. Sa kabilang banda, habang mas makatotohanan ang mga bagay, mas ipinagwawalang-bahala ang mga ito ng tao, iniiungusan niya ito at higit pang mapanlait sa mga ito. Hindi ba ito mismo ang pag-uugali ninyo sa makatotohanang gawain Ko ngayon? Habang mas makatotohanan ang mga bagay, mas kumikiling kayo laban sa mga ito. Hindi ninyo man lamang binigyan ng panahon para pag-aralan ang mga iyon, sa halip hindi ninyo iyon pinapansin; inuungasan ninyo ang ganitong makatotohanan at tahasang mga tuntunin, anupat pinananatili mo ang napakaraming pagkaintindi tungkol sa Diyos na ito na totoong-totoo, at walang kakayanang tanggapin ang Kanyang katotohanan at pagka-karaniwan. Sa ganitong paraan, hindi ba kayo naniniwala sa gitna ng kalabuan? Mayroon kayong di-natitinag na paniniwala sa malabong Diyos noon, at walang hangad sa tunay na Diyos ngayon. Hindi ba ito dahil sa ang Diyos noon at ang Diyos ngayon ay mula sa magkaibang panahon? Hindi rin ba ito dahil sa ang Diyos noon ay ang mabunying Diyos ng kalangitan, ngunit ang Diyos ngayon ay isa lamang maliit na tao sa lupa? Karagdagan pa, hindi ba ito dahil sa ang Diyos na sinasamba ng tao ay katha ng kanyang mga pagkaintindi, samantalang ang Diyos ngayon ay totoong katawang-tao na iniluwal sa lupa? Nang matapos masabi ang lahat, hindi ba ito dahil sa ang Diyos ngayon ay totoong-totoo kaya’t hindi Siya itinataguyod ng mga tao? Sapagkat kung ano ang hinihiling ng Diyos sa mga tao ay iyon naman ang talagaang pinakaayaw nilang gawin at iyong nakakapagparamdam sa kanya ng kahihiyan. Hindi ba ginagawa lamang nitong mahirap ang mga bagay para sa tao? Hindi ba nito ipinapakita ang kanyang mga pilat? Sa ganitong paraan, marami sa mga hindi pinagsisikapan ang katotohanan ay naging mga kaaway ng Diyos na nagkatawang-tao, naging antikristo. Hindi ba ito isang maliwanag na katotohanan? Noong hindi pa nagiging tao ang Diyos, maaaring ikaw ay naging isang relihiyosong personalidad o isang debotong mananampalataya. Pagkatapos na ang Diyos ay maging tao, marami sa gayong mga debotong mananampalataya ay hindi kusang naging mga antikristo. Alam mo ba kung ano ang nangyayari dito? Sa iyong paniniwala sa Diyos, hindi ka nagtuon ng pansin sa katotohanan o humanap ng katotohanan, sa halip ay patuloy mong isinaisip ang mga kabulaanan—hindi ba ito ang pinakamalinaw na dahilan ng iyong alitan sa Diyos na nagkatawang-tao? Ang Diyos na nagkatawang-tao ay tinatawag na Kristo, kaya hindi ba ang lahat ng hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao ay mga antikristo? At talaga bang ang pinaniniwalaan at minamahal mo nang tunay ay ang Diyos na nagkatawang-tao? Ito ba ay ang talagang buhay, humihingang Diyos, na pinaka-totoo at bukod-tanging karaniwan? Ano ba talaga ang layunin ng iyong pagsisikap? Ito ba ay nasa langit o nasa lupa? Ito ba ay isang pagkaintindi o katotohanan? Ito ba ay ang Diyos o isang di-pangkaraniwang nilalang? Sa katunayan, ang katotohanan ay ang tunay na talinghaga ng buhay, at ang pinakamataas na talinghaga ng buhay ng sangkatauhan. Dahil ito ang tuntunin na atas ng Diyos sa tao, at ito ay ginawa mismo ng Diyos, ito ay tinatawag na “talinghaga ng buhay.” Hindi ito isang talinghaga na gawa-gawa lamang, o isang kilalang kasabihan mula sa isang dakilang nilalang; sa halip, ito ay ang pagbigkas sa sangkatauhan mula sa Panginoon ng kalangitan at ng lupa at ng lahat ng mga bagay, at hindi ito salita na gawain lamang ng mga tao, ngunit ang likas na buhay ng Diyos. Kaya ito ay tinawag na “ang pinakamataas sa lahat ng talinghaga ng buhay.” Ang pagsisikap ng tao na isagawa ang katotohanan ay ang pagtupad ng kanyang tungkulin, sa madaling salita, ang pagsisikap na bigyang-kasiyahan ang atas ng Diyos. Ang pinakatatangi ng atas na ito ay ang pinakatunay sa lahat ng katotohanan, sa halip na doktrinang walang katuturan na walang tao ang kayang makamit. Kung ang iyong pagsisikap ay wala iba kundi doktrina at walang nilalamang katotohanan, hindi ka ba naghihimagsik laban sa katotohanan? Hindi ka ba isa na kumakalaban sa katotohanan? Paanong ang ganoong tao ay makapagsisikap na ibigin ang Diyos? Ang mga taong walang katotohanan ay ang mga ipinagkakanulo ang katotohanan, at likas na mga mapanghimagsik!
        Sa kabila ng iyong pagsisikap, dapat mong maunawaan ang gawain na ginagawa ng Diyos ngayon, anupat alam mo ang kahalagahan ng gawaing ito. Dapat mong maunawaan at malaman kung ano ang gagawin ng Diyos kapag Siya ay dumating sa mga huling araw, mga disposisyon na taglay Niya, at kung ano ang Kanyang isasakatuparan sa pagiging ganap ng tao. Kung hindi mo alam at hindi mo maunawaan ang Kanyang mga ginawa bilang katawang-tao, paano mo mahahanap ang Kanyang kalooban, at paano mo Siya magiging matalik na kaibigan? Sa katunayan, ang pagiging malapit sa Diyos ay hindi naman masalimuot, at hindi rin naman payak lang. Kung kayang makaramdam ng tao, kaya niyang tuparin, kaya hindi ito pasikot-sikot; kung hindi kayang makaramdam ng tao, ito ay higit na magiging mas mahirap, at higit pa rito, ang mga tao ay mas madaling masubsob sa pagsisikap sa kalagitnaan ng kalabuan. Kung, sa pagsisikap sa Diyos, ang mga tao ay walang kanyang sariling paninindigang tinatayuan, at hindi alam ang katotohanan na dapat niyang panghawakan, nangangahulugan ito na wala siyang saligan, at hindi na madali para sa kanya ang manindigang matatag. Sa ngayon, marami ang hindi makaunawa sa katotohanan, hindi mapag-iba ang tama sa mali o masabi kung ano ang dapat ibigin at hindi. Ang ganitong mga tao ay hirap tumayong matatag. Ang susi sa paniniwala sa Diyos ay ang isagawa ang katotohanan sa buhay, pangangalaga sa kalooban ng Diyos, pag-alam ng gagawin ng Diyos sa tao kapag Siya ay naging katawang-tao at ang mga alituntunin na sinasalita Niya; huwag susunod sa karamihan, anupat magkaroon ka ng mga sariling alituntunin na dapat pasukin, at panghawakan ang mga ito. Ang panghahawakang mahigpit sa mga bagay na ito na niliwanagan ng Diyos ay makatutulong sa iyo. Kung hindi, ngayon ay babaling ka sa isang paraan, bukas babaling ka sa iba, at wala kang makakamit na anumang tunay. Ang pagiging ganito ay walang pakinabang sa iyong sariling buhay. Yaong mga hindi nakakaunawa sa katotohanan ay palaging sumusunod sa iba: Kung sinasabi ng mga tao na ito ay ang gawain ng Banal na Espiritu, sasabihin mo na rin na ito ay ang gawain ng Banal na Espiritu; kung sinasabi ng mga tao na ito ay ang gawain ng masamang espiritu, mag-aalinlangan ka na rin o sasabihin mo rin na ito ay ang gawain ng masamang espiritu. Lagi mong ginagaya ang mga sinasabi ng iba, at hindi mo kayang kumilala ng kahit ano sa iyong sarili, ni hindi mo kayang mag-isip para sa iyong sarili. Ito ay isang tao na walang pinaninindigan, na hindi kayang alamin ang pagkakaiba—ang gayong tao ay walang-halagang kawawa! Ang gayong uri ng mga tao ay laging nag-uulit ng mga sinasabi ng iba: Ngayon ay sinabi na ito ay ang gawain ng Banal na Espiritu, nguni’t maaaring balang-araw may magsasabi na hindi ito gawain ng Banal na Espiritu, at walang-iba kundi mga gawa ng tao—nguni’t hindi mo ito nakikita, at kapag nasaksihan mong sinabi ito ng iba, sasabihin mo kung ano ang sinabi nila. Ito ay talagang gawain ng Banal na Espiritu, nguni’t sinasabi mo na gawain ito ng tao; hindi ka ba naging isa sa mga lumalapastangan sa gawain ng Banal na Espiritu? Sa ganitong paraan, hindi ka ba sumalungat sa Diyos dahil hindi mo kayang alamin ang pagkakaiba? Hindi natin alam, baka isang araw may isang hangal ang lilitaw na nagsasabing “ito ay gawain ng masamang espiritu”, at kapag narinig mo ang mga salitang ito maguguluhan ka, at muli ay matatali sa mga sinasabi ng iba. Sa tuwing may nanggagambala hindi mo kayang tayuan ang iyong pinaninindigan, at lahat ng ito ay dahil hindi mo taglay ang katotohanan. Ang paniniwala sa Diyos at pagsisikap na makilala ang Diyos ay hindi isang madaling bagay. Hindi ito makakamit sa basta pagsasama-sama at pakikinig sa pangangaral, at hindi ka maaaring magawang perpekto ng damdamin lamang. Dapat mong maranasan, at alamin, at dapat may alituntunin sa iyong mga pagkilos, at makamit mo ang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag nakaranas ka na ng iba’t-ibang karanasan, makikilala mo na ang iba’t-ibang bagay—malalaman mo kung ano ang tama at mali, ang pagkamatuwid at katampalasanan, kung ano ang laman at dugo at kung ano ang nasa katotohanan. Dapat makilala mo ang lahat ng mga ito, at sa paggawa nito, kahit anuman ang mangyari, hindi ka malilito. Ito lamang ang tunay na matayog mong kalagayan. Ang pag-alam sa gawain ng Diyos ay hindi isang simpleng bagay: Dapat mayroon kang pamantayan at layunin sa iyong pagsisikap, dapat alam mo kung paano hanapin ang tunay na daan, at kung paano sukatin kung ito ba ay tunay na daan o hindi, at kung ito ba ay gawain ng Diyos o hindi. Ano ang pinaka-pangunahing alituntunin sa paghahanap sa tunay na daan? Kailangan mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, kung ang mga salitang ito ay pagpapahayag ng katotohanan, sino ang pinatototohanan, at kung ano ang maidudulot nito sa iyo. Ang pag-alam sa pag-itan ng tunay na daan at maling daan ay nangangailangan ng maraming aspeto ng pangunahing kaalaman, kung saan ang pinakasaligan ay ang pagsasabi kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala. Sapagka’t ang sangkap ng paniniwala ng tao sa Diyos ay ang paniniwala sa Espiritu ng Diyos, at kahit ang paniniwala niya sa Diyos na nagkatawang-tao ay dahil sa ang katawang-tao na ito ay ang pagsasakatawan ng Espiritu ng Diyos, na nangangahulugan na ang gayong paniniwala ay paniniwala pa rin sa Espiritu. May mga pagkakaiba sa pag-itan ng Espiritu at ng katawang-tao, nguni’t dahil ang katawang-tao na ito ay nagmumula sa Espiritu, at ang Salita na naging katawang-tao, sa gayon anuman ang pinaniniwalaan ng tao ay ang likas na sangkap ng Diyos. Kaya’t, sa pagkilala kung ito ay tunay na daan o hindi, higit sa lahat dapat mong tingnan kung naroon ang gawain ng Banal na Espiritu o wala, kung saan pagkatapos nito ay dapat mong tingnan kung naroon ang katotohanan sa daang ito o wala. Ang katotohanang ito ay ang disposisyon sa buhay ng normal na pagkatao, na ang ibig sabihin, yaong kinailangan sa tao nang lalangin siya ng Diyos sa pasimula, ang sumusunod, ang buong normal na pagkatao (kasama ang katinuan ng tao, panloob-na-pananaw, karunungan, at ang pangunahing kaalaman ng pagiging tao). Ibig sabihin, kailangan mong tingnan kung dinadala ba ng daan na ito ang tao sa buhay ng normal na pagkatao o hindi, kung ang katotohanan na sinasalita ay kailangan ayon sa pagka-totoo ng normal na pagkatao o hindi, kung ang katotohanang ito ay praktikal at tunay o hindi, at kung ito ay talagang pinaka-napapanahon o hindi. Kung mayroong katotohanan, makakaya nitong dalhin ang tao sa normal at tunay na mga karanasan; higit pa rito, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, ang katinuan ng tao ay lubos na nagiging ganap, ang buhay ng tao sa laman at ang espirituwal na buhay ay nagiging lalong higit na maayos, at ang emosyon ng mga tao ay nagiging lalong higit na normal. Ito ang ikalawang alituntunin. Mayroong isa pang alituntunin, na kung nadaragdagan ang pagkakilala ng tao sa Diyos o hindi, kung ang pagdanas ng ganoong gawain at katotohanan ay may kakayahang pumukaw ng pag-ibig sa loob niya para sa Diyos, at madala siya upang maging malapit sa Diyos o hindi. Sa ganito masusukat kung ito ang tunay na daan o hindi. Ang pinakasaligan ay kung ang daang ito ay makatotohanan sa halip na higit-sa-karaniwan, at kung ito ay nakapagkakaloob ng buhay ng tao o hindi. Kung ito ay kaayon sa mga alituntuning ito, maaaring mabuo ang konklusyon na ang daang ito ang tunay na daan. Sinasabi ko ito hindi upang tanggapin ninyo ang ibang daan sa hinaharap, o ang paghula na mayroong gawain sa ibang panahon sa hinaharap. Sinasabi Ko ito upang malaman ninyo na ang daan ngayon ay tunay na daan, upang hindi kayo mag-aalinlangan sa inyong paniniwala tungkol sa gawain ngayon at hindi ninyo makayang makamit ang kaunawaan hinggil dito. Maraming iba na sa kabila ng pagiging-tiyak, ay sumusunod pa rin ng may kaakibat na walang kasiguraduhan; ang gayong katiyakan ay walang kaakibat na alituntunin, at dapat iyong maalis sa lalong madaling panahon. Kahit na ang mga talagang masisigasig sa kanilang pagsunod ay tatlong bahaging sigurado at limang bahaging di-sigurado, na nagpapakitang wala silang saligan. Dahil ang inyong kakayahan ay mahina at ang inyong saligan ay mababaw, wala kayong pag-unawa sa pagkakaiba. Hindi inuulit ng Diyos ang ginagawa Niya, hindi Siya gumagawa ng hindi makatotohanan, hindi Siya nag-aatas ng labis-labis sa mga tao, at hindi Siya gumagawa ng higit sa katinuan ng mga tao. Ang lahat ng Kanyang ginagawa ay napapaloob lamang sa hanggangan ng normal na katinuan ng tao, at hindi lumalampas sa katinuan ng normal na pagkatao, at ang Kanyang gawain ay naaayon mga karaniwang iniatas sa mga tao. Kung ito ay ang gawain ng Banal na Espiritu, ang tao ay nagiging lalong higit na normal, at ang kanyang pagkato ay nagiging lalong higit na normal. Ang tao ay may nadaragdagang pagkakaalam ng kanyang disposisyon, na ginawang tiwali ni Satanas, at ng kakanyahan ng tao, at mayroon siyang higit na pananabik sa katotohanan. Na ang ibig sabihin, ang buhay ng tao ay lumalago nang lumalago, at ang tiwaling disposisyon ng tao ay nakakayanan ang parami nang paraming mga pagbabago—ang lahat ng ito ay ang kahulugan ng ang Diyos ay nagiging buhay ng tao. Kung ang isang daan ay walang kakayahang ibunyag ang gayong mga bagay na siyang kakanyahan ng tao, walang kakayahang baguhin ang disposisyon ng tao, at higit pa rito, hindi kayang dalhin siya sa harap ng Diyos o bigyan siya ng tunay na pagkaunawa sa Diyos, at nagsasanhi pa sa kanyang pagkatao na maging lalo pang mas mababa at ang kanyang katinuan ay mas nagiging hindi normal, kung gayon ang daang ito ay hindi ang tunay na daan, at maaaring ito ay gawain ng masamang espiritu, o ang lumang daan. Sa madaling sabi, hindi ito maaaring ang gawain ng Banal na Espiritu sa kasalukuyan. Naniwala kayo sa Diyos sa kabuuan ng mga taong ito, nguni’t wala kayong malay sa mga alituntunin ng pagkilala sa pagkakaiba ng tunay na daan at maling daan o sa paghahanap sa tunay na daan. Ang karamihan sa mga tao ay hindi man lamang interesado sa ganitong mga bagay; sila ay sumusunod kung saan pumupunta ang karamihan, at inuulit ang sinasabi ng nakararami. Paanong ang isang ito ay humahanap sa tunay na daan? At paanong ang gayong mga tao ay masusumpungan ang tunay na daan? Kung panghahawakan mo ang mga pangunahing alituntuning ito, kung gayon anuman ang mangyari ay hindi ka madadaya. Sa ngayon, mahalaga na malaman ng tao ang pagkakakilanlan; ito ang dapat na taglayin ng normal na pagkatao, at kung ano ang dapat taglayin ng tao sa kanyang karanasan. Kung maging ngayon, wala pa ring mapagkaiba ang tao sa kanyang pagsunod, at ang kanyang pantaong katinuan ay hindi pa rin lumago, sa gayon ang taong iyon ay mangmang, at ang kanyang pagsisikap ay mali at nakalihis. Walang kahit kaunting pagkakaiba sa iyong pagsisikap ngayon, at habang ito ay totoo, gaya ng iyong sinabi, nakita mo ang tunay na daan, nakamit mo ba iyon? May nakilala ka ba? Ano ang sangkap sa tunay na daan? Sa tunay na daan, hindi mo makakamit ang tunay na daan, wala kang makakamit sa katotohanan, o wala kang nakamit sa mga bagay na hinihiling sa iyo ng Diyos, kaya wala pa ring pagbabago sa iyong katiwalian. Kung ipagpapatuloy mo ang pagsisikap sa ganitong paraan, ikaw ay tiyak na maaalis. Dahil sumunod ka na magpahanggang ngayon, dapat tiyak ka na ang tinahak mong daan ay ang tunay, at wala ng higit pang mga pag-aalinlangan. Maraming tao ang nag-aalinlangan at huminto na sa paghahanap sa katotohanan dahil lamang sa maliit na mga bagay. Ang gayong mga tao ay walang kaalaman sa gawain ng Diyos, sila ay mga sumusunod sa Diyos ng walang kasiguraduhan. Ang mga tao na hindi alam ang gawain ng Diyos ay walang kakayanang maging malapit sa Kanya, o hindi maaaring magbigay-patotoo sa Kanya. Nagpapayo Ako sa mga naghahanap lamang ng pagpapala at nagsisikap lamang sa kung ano ang malabo at mahirap maunawaan upang pagsikapan ang katotohanan sa lalong madaling panahon, upang ang kanilang buhay ay magkaroon ng kahalagahan. Huwag mo nang lokohin ang iyong sarili!
 Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Rekomendasyon:Paano umunlad ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos?

Kidlat ng Silanganan| Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”

Kidlat ng Silanganan| Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap”

Kidlat ng Silanganan| Ang Tagapagligtas ay Bumalik na Nakatuntong sa “Puting Ulap


    Sa loob ng libong mga taon, inasam ng tao na masaksihan ang pagdating ng Tagapagligtas. Inasam ng tao na makita si Jesus na Tagapagligtas na nasa puting ulap habang Siya ay bumababa, sa Kanyang pagkatao, sa mga taong nanabik at naghangad sa Kanya sa loob ng libong mga taon. Hinangad ng tao na bumalik ang Tagapagligtas at muling makiisa sa mga tao, yan ay, na si Jesus na Tagapagligtas ay bumalik sa mga tao na napahiwalay sa Kanya sa loob ng libong mga taon. At umaasa ang tao na muli Niyang isasagawa ang gawain ng pagtubos na ginawa Niya sa mga Hudyo, magiging mahabagin at mapagmahal sa tao, magpapatawad sa mga kasalanan ng tao, dadalhin ang mga kasalanan ng tao, at papasanin na pati lahat ng mga paglabag ng tao, at ililigtas ang tao mula sa kasalanan. Hangad nila na si Jesus na Tagapagligtas na maging katulad dati—isang Tagapagligtas na kaibig-ibig, magiliw at kagalang-galang, na hindi kailanman mabagsik sa tao, at na hindi kailanman sinisisi ang tao. Ang Tagapagligtas na ito ay nagpapatawad at pinapasan ang lahat ng mga kasalanan ng tao, at namatay rin muli sa krus para sa tao. Mula nang lumisan si Jesus, ang mga disipulo na sumunod sa Kanya, at lahat ng mga santo na naligtas na nagpapasalamat sa Kanyang pangalan, ay naging desperado sa pag-asam sa Kanya at hinihintay Siya. Lahat ng mga taong naligtas ng biyaya ni Jesucristo sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay nananabik sa nakakagalak na araw sa panahon ng mga huling araw, kapag si Jesus ang Tagapagligtas ay dumating sakay sa isang puting ulap at magpakita sa tao. Mangyari pa, ito rin ang sama-samang pagnanais ng lahat ng mga taong tumatanggap sa pangalan ni Jesus na Tagapagligtas ngayon. Sa buong sansinukob, lahat ng mga tao na nakakaalam sa pagliligtas ni Jesus na Tagapagligtas ay naging desperado nang may matinding pagnanais sa biglaang pagdating ni Jesucristo, upang tuparin ang mga salita ni Jesus nang nasa lupa: “Babalik ako tulad ng Aking paglisan.” Ang tao ay naniniwala na, sumunod sa pagpako sa krus at muling pagkabuhay na mag-uli, si Jesus ay bumalik sa langit sa ibabaw ng isang puting ulap, at naupo sa Kanyang luklukan sa kanan ng Kataas-taasan. Kahalintulad din, nag-iisip ang tao na si Jesus ay bababa muli sakay sa isang puting ulap (ang ulap na ito ay tumutukoy sa ulap na sinakyan ni Jesus nang bumalik Siya sa langit), sa mga taong naging desperado sa pananabik sa Kanya sa loob ng libong mga taon, at na dadalhin Niya ang imahe at mga pananamit ng mga Hudyo. Matapos ang pagpapakita sa mga tao, magbibigay Siya ng pagkain sa kanila, magiging dahilan ng pagbukal ng buhay na tubig para sa kanila, at mamumuhay kasama ng mga tao, puspos ng biyaya at pagmamahal, buhay at tunay. At iba pa. Datapwat si Jesus na Tagapagligtas ay hindi ganito ang ginawa; ginawa Niya ang kabaliktaran nang iniisip ng tao. Hindi Siya dumating doon sa mga taong naghahangad sa Kanyang pagbabalik at hindi nagpakita sa lahat ng mga tao habang nakasakay sa puting ulap. Siya ay dumating na, subalit hindi Siya kilala ng tao, at nananatiling mangmang sa Kanyang pagdating. Ang tao ay walang layon na naghihintay lamang sa Kanya, walang malay na nakababa na Siya sakay sa isang puting ulap (ang ulap na siyang Kanyang Espiritu, Kanyang mga salita, at Kanyang buong disposisyon at lahat ng Siya), at ngayon ay kasama ng isang grupo ng mga mapagtagumpay na Kanyang gagawin sa panahon ng mga huling araw. Hindi ito alam ng tao: Bagaman ang banal na Tagapagligtas na si Jesus ay puno ng pagkagiliw at pagmamahal sa tao, paano Siya makakagawa sa mga “templo” na pinamamahayan ng karumihan at di-malinis na mga espiritu? Bagaman hinihintay ng tao ang Kanyang pagdating, paano Siya maaaring magpakita sa mga taong kumakain ng laman ng mga di-matuwid, umiinom ng dugo ng di-matuwid, nagsusuot ng mga damit ng di-matuwid, na naniniwala sa Kanya ngunit hindi Siya kilala, at patuloy na kinikikilan Siya? Ang tanging alam lang ng tao ay na si Jesus na Tagapagligtas ay puno ng pagmamahal at habag, at ang paghahandog para sa kasalanan ay puspos ng pagtubos. Ngunit ang tao ay walang idea na Siya rin ay ang Diyos Mismo, na nag-uumapaw sa pagkamatuwid, kamahalan, matinding galit, at paghatol, at nag-aangkin ng awtoridad at puno ng dangal. At sa gayon bagaman masugid na nagnanais at nananabik sa pagbabalik ng Manunubos, at kahit ang Langit ay naaantig sa mga dalangin ng tao, si Jesus na Tagapagligtas ay hindi nagpapakita sa mga taong naniniwala sa Kanya subalit hindi Siya nakikilala.