Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos| Paano Makatatanggap ng mga Pahayag ng Diyos ang Taong Ipinakahulugan ang Diyos sa Kanyang Pagkaintindi?
Patuloy na sumusulong ang gawain ng Diyos, at kahit na ang layunin ng Kanyang gawain ay nananatiling di-nagbabago, ang paraan kung paano Siya gumagawa ay palaging nagbabago, at sa gayon pati na rin ang mga tagasunod ng Diyos. Mas marami ang gawain ng Diyos, mas lubusang nakikilala ng tao ang Diyos, at ang disposisyon ng tao ay nagbabago ayon sa Kanyang gawa. Gayon pa man, dahil sa ang gawain ng Diyos ay palaging nagbabago ang mga hindi nakakakilala sa gawa ng Banal na Espiritu at ang yaong mga balintunang tao na hindi nakakaalam sa katotohanan ay nagiging kalaban ng Diyos. Hindi kailanman nakiayon ang gawain ng Diyos sa mga pagkaintindi ng tao, dahil ang Kanyang gawain ay laging bago at hindi kailanman luma. Hindi Niya kailanman inuulit ang gawaing luma sa halip ay sumusulong sa gawaing kailanman ay hindi pa nagawa. Dahil ang Diyos ay hindi nag-uulit ng Kanyang gawain at ang tao ay karaniwang nanghuhusga sa gawain ng Diyos ngayon batay sa Kanyang gawain sa nakaraan, lubhang mahirap para sa Diyos na ipagpatuloy ang bawat yugto ng gawain sa bagong kapanahunan. Nagpapakita ang tao ng napakaraming balakid! Ang pag-iisip ng tao ay masyadong makitid! Walang tao ang may alam sa gawain ng Diyos, gayon pa man lahat sila ay nagpapakahulugan sa ganoong gawain. Malayo sa Diyos, nawawalan ang tao ng buhay, katotohanan, at mga biyaya ng Diyos, gayon man ni hindi rin tanggap ng tao ang buhay o katotohanan, mas lalo na ang mas malaking biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa sangkatauhan. Ninanais ng lahat ng tao na makamit ang Diyos ngunit hindi kayang payagan ang anumang pagbabago sa gawain ng Diyos. Yaong mga hindi tumanggap sa bagong gawain ng Diyos ay naniniwala na ang gawain ng Diyos ay hindi nagbabago, at na ang gawain ng Diyos ay magpakailanmang nananatiling nakapirmi. Sa kanilang paniniwala, ang tangi lamang kailangan upang makamit ang walang-hanggang kaligtasan mula sa Diyos ay sa pagsunod sa kautusan, at habang sila ay nagsisisi at nangungumpisal ng kanilang kasalanan, ang puso ng Diyos ay masisiyahan magpakailanman. Sila ay nasa opinyon na ang Diyos ay maaari lamang na Diyos sa ilalim ng kautusan at ang Diyos na ipinako sa krus para sa tao; kanila ring opinyon na ang Diyos ay hindi dapat at hindi maaaring humigit sa Biblia. Tiyak na ang mga opinyong ito ang mahigpit na nagtatanikala sa kanila sa kautusan ng nakaraan at pinanatili silang nakakadena sa mahigpit na mga tuntunin. Mas marami ang naniniwala na anuman ang bagong gawain ng Diyos, ito ay kailangang mapatunayan ng mga hula, at sa bawat yugto ng gayong gawain, ang lahat ng sumusunod sa Kanya nang may katapatan ng puso ay dapat mapakitaan ng mga pahayag, kung hindi ang gawaing iyon ay hindi sa Diyos. Hindi na madaling gawain para sa tao na makilala ang Diyos. Bilang karagdagan sa kakatwang puso ng tao at ng kanyang mapanghimagsik na kalikasan ng malaking pagpapahalaga sa sarili at kayabangan, sa gayon mas higit na mahirap para sa tao na tanggapin ang bagong gawain ng Diyos. Hindi pinag-aaralan ng tao ang bagong gawain ng Diyos nang maingat ni tinatanggap ito nang may pagpapakumbaba; sa halip, ang tao ay pumapanig sa asal na pag-aalipusta, naghihintay sa mga pagbubunyag at paggabay ng Diyos. Hindi ba ito ang asal ng tao na naghihimagsik at tumututol sa Diyos? Paano makakamit ng ganoong mga tao ang pagsang-ayon ng Diyos?
Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos| Dapat Mong Hanapin ang Paraan ng Pagiging Kaayon kay Kristo
Marami na Akong natapos na gawain kasama ng mga tao, at ang mga salitang Aking ipinahayag sa mga oras na ito ay marami na rin. Ang mga salitang ito ay para sa kaligtasan ng tao, at ipinahayag nang sa gayon ang tao at Ako ay maaaring maging kaayon sa Akin. Ngunit kaunti lamang ang nakamit Kong tao sa lupa na kaayon sa Akin, at kaya Aking sinasabi na hindi pinahahalagahan ng tao ang Aking mga salita, dahil ang tao ay hindi kaayon sa Akin. Sa paraang ito, ang gawaing Aking ginagawa ay hindi lamang upang Ako ay sambahin ng tao; mas mahalaga, ito ay upang maging kaayon sa Akin ang tao. Ang mga taong nagawang tiwali, ay nananahan lahat sa bitag ni Satanas, nabubuhay sila sa laman, nabubuhay sa pansariling hangarin, at wala ni isa man sa kanila ang kaayon sa Akin. Mayroong ilan na nagsasabing sila ay kaayon sa Akin, ngunit sila lahat ay sumasamba sa mga malabong diyus-diyosan. Bagaman kinikilala nila ang Aking pangalan bilang banal, sila ay tumatahak sa landas na taliwas sa Akin, ang kanilang mga salita ay puno ng kayabangan at pagmamalaki, dahil, sa pinag-ugatan, silang lahat ay laban sa Akin, at lahat ay hindi kaayon sa Akin. Naghahanap sila araw-araw ng Aking mga bakas sa Biblia, at walang layong naghahanap ng kahit na anong mga “angkop” na sipi na binabasa nila nang walang katapusan, at kanilang binibigkas bilang “mga kasulatan.” Hindi nila alam kung paano maging kaayon sa Akin, hindi nila alam ang ibig sabihin ng pakikipag-alit sa Akin, at basta lamang nagbabasa ng mga “kasulatan” nang walang taros. Pinipilit nila sa Biblia ang malabong Diyos na hindi nila kailanman nakita, at walang kakayahang makita, at saka lamang nila tinitingnan kapag sila ay may libreng oras. Sila ay naniniwala sa Aking pag-iral ngunit sa loob lamang ng nasasaklaw ng Biblia. Para sa kanila, Ako ay katulad ng Biblia; kung wala ang Biblia wala rin Ako, at kung Ako’y wala, wala ring Biblia. Hindi nila binibigyang pansin ang aking pag-iral o mga pagkilos, sa halip ay naglalaan ng sobra at natatanging pansin sa bawat isang salita ng Kasulatan, at marami pa nga sa kanila ay naniniwala na hindi Ko dapat gawin ang anumang bagay na nais Kong gawin maliban na lamang kung ito ay ipinagpaunang sinabi ng Kasulatan. Naglalakip sila ng labis na pagpapahalaga sa Kasulatan. Maaaring sabihin na nakikita nila ang mga salita at pahayag bilang lubhang mahalaga, hanggang sa ginagamit nila ang mga talata mula sa Biblia upang sukatin ang bawat salitang Aking sinasabi, at upang sumpain Ako. Ang kanilang hinahanap ay hindi ang paraan ng pagiging kaayon sa Akin, o ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan, ngunit ang paraan ng pagiging kaayon sa mga salita ng Biblia, at naniniwala sila na ang anumang hindi sumusunod sa Biblia ay, nang walang itinatangi, hindi Ko gawa. Hindi ba ang mga gayong mga tao ay ang masunuring inapo ng mga Pariseo? Ginamit ng mga Hudyong Pariseo ang mga batas ni Moises upang batikusin si Jesus. Hindi nila hinanap na maging kaayon kay Jesus noong panahong iyon, subalit masikap nilang sinunod ang mga batas nang buong sikap, hanggang sa ipinako nila sa krus ang inosenteng si Jesus, pinagbintangan Siyang hindi sumusunod sa batas ng Lumang Tipan at hindi ang pagiging Mesias. Ano ang kanilang kakanyahan? Hindi ba’t dahil hindi nila hinanap ang paraan ng pagiging kaayon sa katotohanan? Nahumaling sila sa bawat salita ng Kasulatan, habang hindi inuunawa ang Aking kalooban at ang mga hakbang at paraan ng Aking gawain. Hindi sila ang mga taong naghangad ng katotohanan, ngunit mga taong maigting na sumusunod sa mga salita ng Kasulatan; hindi sila ang mga taong naniniwala sa Diyos, ngunit mga taong naniniwala sa Biblia. Sa kalikasan, sila ang tagapagbantay ng Biblia. Upang mapangalagaan ang kapakanan ng Biblia, at pagtibayin ang dignidad ng Biblia, at panatilihin ang reputasyon ng Biblia, ipinako nila ang mahabaging si Jesus sa krus. Ito ay ginawa lamang nila para sa kapakanan ng pagtatanggol sa Biblia, at para sa kapakanan ng pagpapanatili sa katayuan ng bawat salita ng Biblia sa puso ng mga tao. Kaya mas pinili nilang talikuran ang kanilang kinabukasan at ang alay para sa kasalanan upang isumpa si Jesus, na hindi tumalima sa doktrina ng Kasulatan, hanggang sa kamatayan. Hindi ba sila tila mga tagasunod sa bawat isang salita ng Kasulatan?
Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan
Kidlat ng Silanganan| Ang Nagkatawang-taong Diyos ay Napakahalaga sa Sangkatauhan
I
Diyos na nagkatawang-tao, kaya Niya di kaya ng tao,
dahil diwa Niya’y walang kahalintulad sa tao.
Tao ay maililigtas Niya, dahil pagkakakilanlan Niya’y naiiba.
Ang katawang taong ito ay napakahalaga sa
sangkatauhan sapagkat Siya ay tao at higit pa Diyos,
dahil nagagawa N’ya ang hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao,
at dahil kaya N’ya iligtas tiwaling tao,
na namumuhay kasama N’ya sa lupa.
Bagamat Siya ay magkahawig sa tao, D’yos ay napakahalaga
sa sangkatauhan higit sa sinumang taong may halaga,
dahil nagagawa N’ya ang hindi nagagawa ng Espiritu ng D’yos,
mas may kaya Siyang patotohanan ang Diyos Mismo,
at matamo ang sangkatauhan kaysa sa Espiritu.
Bilang bunga, bagamat itong katawang-tao ay normal at karaniwan,
ang ambag at kabuluhan N’ya
sa buong sangkatauhan ay napakahalaga,
at ang tunay na kabuluhan ng katawang-taong
ito ay ‘di masusukat ninuman.
Bagamat ang katawang-taong ito ay ‘di kayang
direktang sirain si Satanas,
Magagamit N’ya Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan
at talunin si Satanas,
at gawing ganap na mapasailalim si Satanas sa Kanyang dominyon.
Diyos na nagkatawang-tao, kaya Niya di kaya ng tao,
dahil diwa Niya’y walang kahalintulad sa tao.
Tao ay maililigtas Niya, dahil pagkakakilanlan Niya’y naiiba.
Ang katawang taong ito ay napakahalaga sa
sangkatauhan sapagkat Siya ay tao at higit pa Diyos,
dahil nagagawa N’ya ang hindi nagagawa ng isang ordinaryong tao,
at dahil kaya N’ya iligtas tiwaling tao,
na namumuhay kasama N’ya sa lupa.
Bagamat Siya ay magkahawig sa tao, D’yos ay napakahalaga
sa sangkatauhan higit sa sinumang taong may halaga,
dahil nagagawa N’ya ang hindi nagagawa ng Espiritu ng D’yos,
mas may kaya Siyang patotohanan ang Diyos Mismo,
at matamo ang sangkatauhan kaysa sa Espiritu.
Bilang bunga, bagamat itong katawang-tao ay normal at karaniwan,
ang ambag at kabuluhan N’ya
sa buong sangkatauhan ay napakahalaga,
at ang tunay na kabuluhan ng katawang-taong
ito ay ‘di masusukat ninuman.
Bagamat ang katawang-taong ito ay ‘di kayang
direktang sirain si Satanas,
Magagamit N’ya Kanyang gawain upang lupigin ang sangkatauhan
at talunin si Satanas,
at gawing ganap na mapasailalim si Satanas sa Kanyang dominyon.
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos|Ang mga Hindi Kaayon kay Kristo ay Tiyak na Kalaban ng Diyos
Ang lahat ng tao ay nais na makita ang tunay na mukha ni Jesus at nagnanais na makasama Siya. Naniniwala ako na wala sa mga kapatid na lalaki o kapatid na babae ang magsasabi na hindi niya gustong makita o makasama si Jesus. Bago ninyo nakita si Jesus, iyon ay, bago niyo pa nakita ang nagkatawang-taong Diyos, magkakaroon kayo ng maraming mga saloobin, halimbawa, tungkol sa hitsura ni Jesus, ang Kanyang paraan ng pagsasalita, ang Kanyang paraan ng pamumuhay, at iba pa. Gayunman, kapag nakita niyo na Siya, ang inyong mga saloobin ay mabilis na magbabago. Bakit ganoon? Nais ninyo bang malaman? Bagaman hindi maaaring balewalain ang pag-iisip ng tao, mas hindi maaaring kunsitihin ng tao na baguhin ang sangkap ni Kristo. Isinaalang-alang ninyo si Kristo bilang isang imortal, isang pantas, ngunit walang kumikilala kay Kristo bilang isang mortal na may maka-Diyos na sangkap. Samakatuwid, marami sa mga taong nananabik nang araw at gabi upang makita ang Diyos ay talagang kaaway ng Diyos at hindi kaayon sa Diyos. Hindi ba ito isang kamalian sa parte ng tao? Kahit ngayon, iniisip niyo pa rin na ang inyong paniniwala at katapatan ay magsisilbing karapat-dapat na makita ang mukha ni Kristo, ngunit pinapayuhan ko kayong sangkapan ang inyong sarili sa mas konkretong mga bagay! Dahil sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap, marami sa mga nakakilala kay Kristo ay nabigo; lahat sila’y ginagampanan ang papel ng mga Fariseo. Ano ang dahilan ng inyong kabiguan? Ito mismo’y dahil ipinapalagay ninyo na may isang mapagmataas, kahanga-hangang Diyos. Ngunit ang katotohanan ay ang bagay na hindi gusto ng tao. Hindi lamang di-mapagmataas si Cristo, bagkus Siya ay partikular na maliit; hindi lamang Siya isang tao ngunit isang ordinaryong tao; hindi lamang wala Siyang kakayahang umakyat sa langit, hindi rin Niya kayang kumilos nang malaya sa lupa. Kung kaya ang mga tao ay pinakitunguhan Siya bilang isang ordinaryong tao; ginagawa nila ang kagustuhan nila kapag sila ay kasama Niya, at nagsasalita ng walang ingat na salita sa Kanya, ang lahat ng mga ito habang hinihintay pa rin ang pagdating ng “tunay na Cristo.” Isinaalang-alang ninyo ang Cristong dumating na bilang isang ordinaryong tao at ang Kanyang salita ay tulad ng sa isang ordinaryong tao. Samakatuwid, hindi niyo pa natatanggap ang anumang bagay mula kay Cristo at sa halip ay inilantad nang buo ang inyong kapangitan sa liwanag.
Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao
Gaano karami sa gawain ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at gaano karami ang karanasan ng tao? Kahit ngayon, masasabi na hindi pa rin nauunawaan ng mga tao ang ganitong mga tanong, ito lahat ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga gumagawang simulain ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, ang gawain ng tao na sinasabi Ko ay tumutukoy sa mga tao na taglay ang gawain ng Banal na Espiritu o ang mga taong ginagamit ng Banal na Espiritu. Hindi Ko tinutukoy ang gawain na nagmula sa kalooban ng tao kundi sa gawain ng mga apostol, manggagawa o mga karaniwang lalaki at babae na sakop ng gawain ng Banal na Espiritu. Dito, ang gawain ng tao ay hindi tumutukoy sa gawain ng Diyos na nagkatawang-tao kundi sa sakop at mga simulain ng gawain ng Banal na Espiritu sa mga tao. Gayong ang mga simulaing ito ay ang mga simulain at sakop ng gawain ng Banal na Espiritu, hindi ito katulad sa mga simulain at sakop ng gawain ng Diyos na nagkatawang-tao. Ang gawain ng tao ay may sangkap at simulain ng tao, at ang gawain ng Diyos ay may sangkap at simulain ng Diyos.
Kidlat ng Silanganan| Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos
Kidlat ng Silanganan| Paano Hahanapin mga Bakás ng Diyos
Yamang hinahanap natin bakás ng Diyos,
dapat hanapin kalooban N’ya,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos,
hanapin mga salita at pagbigkas ng Diyos.
Dahil kung nasa’n bagong salita N’ya,
naroon din ang tinig, ang tinig ng Diyos;
kung nasaan bakás ng Diyos,
naro’n gawa N’ya, naro’n gawa N’ya.
Kung nasaan pahayag ng Diyos,
naro’n pagpapakita, pagpapakita ng Diyos,
at kung nasaan pagpapakita ng Diyos,
naroon ang katotohanan, daan, buhay.
Habang hanap bakás ng Diyos,
iniwasan salitang, “Diyos ang katotohanan, daan, buhay.”
Kaya katotohana’y tanggap ng tao,
di sila naniniwalang bakas ng Diyos ay nahanap
lalong ‘di kinikilala pagpapakita ng Diyos.
Anong kamalian! Anong kamalian!
Pagpapakita ng Diyos ‘di ayon sa paniwala ng tao
lalo na pagpapakita ng Diyos sa hiling ng tao.
Pag Diyos gumagawa,
S’yang pumipili, S’yang pumipili, may sarili S’yang plano.
Higit pa, may Sarili S’yang layon, at sariling paraan, sariling paraan.
Pag S’ya’y gumagawa, di Niya kailangang talakayin ito sa tao,
di-hanap payo ng tao, ni ‘pabatid sa lahat.
Ito’ng disposisyon ng Diyos,
dapat itong matanto ng lahat.
Kung nais n’yong saksihan, pagpapakita ng Diyos,
nais sundan, mga bakás ng Diyos,
lampasan muna sariling paniwala.
Di n’yo dapat hilingin na gawin N’ya ito o ‘yan,
ni ilagay S’ya sa iyong limitasyon
at limitahan S’ya ng ‘yong pagkaunawa.
Sa halip magtanong paano hahanapin bakas ng Diyos,
tanggapin ang pagpapakita ng Diyos,
at pa’no papasakop sa bagong gawain Niya;
‘yan dapat gawin ng tao, dapat gawin ng tao.
Yamang walang sinuman ang katotohanan,
at walang may-angkin ng katotohanan,
tao’y dapat maghanap, tumanggap at sumunod.
Yamang walang sinuman ang katotohanan,
at walang may-angkin ng katotohanan,
tao’y dapat maghanap, tumanggap at sumunod.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Mga himno ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)