Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Buhay musika | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao  | Kidlat ng Silanganan 



Buhay musika | Ang Kaharian ni Cristo ay Natatanto sa mga Tao  | Kidlat ng Silanganan 

I
Makapangyarihang Diyos na nagkatawang-tao
ang nagpapakita sa mga huling araw sa Silangan,
tulad ng matuwid na araw na sumisilay; 
nakita ng sangkatauhang lumitaw ang tunay na liwanag.
Ang matuwid at marilag, mapagmahal at maawaing Diyos
mapagkumbabang nagkakanlong sa mga tao,
naghahayag ng katotohanan, nagsasalita at gumagawa.
Kaharap natin ang Makapangyarihang Diyos.
Ang Diyos na ikinauhaw mo, ang Diyos na hinintay ko,
nagpapakita sa atin ngayon sa totoo.
Hinanap natin ang katotohanan, hinangad natin ang pagkamatuwid;
dumating ang katotohanan at pagkamatuwid sa mga tao.
Mahal mo ang Diyos, mahal ko ang Diyos;
ang sangkatauhan ay umaapaw sa panibagong pag-asa.
Sumusunod ang mga tao, sumasamba ang mga bansa
sa totoong Diyos na nagkatawang-tao.

Kidlat ng Silanganan | Ebangheliyong pelikula | Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit 

Kidlat ng Silanganan | Ebangheliyong pelikula | Ang Sandali ng Pagbabago (2) | Ang Tanging Landas para Maiangat sa Kaharian ng Langit 

Naniniwala ang ilang tao, dahil nakayang likhain ng Diyos ang kalangitan at ang lupa at lahat ng bagay sa isang salita, nakayang ibangon ang patay sa isang salita, makakaya ring baguhin kaagad ng Diyos ang ating imahe, gawin tayong banal, iangat tayo sa ere para salubungin ang Panginoon pagbalik Niya sa mga huling araw. Ganyan nga ba talaga para maiangat sa kaharian ng langit? Ang gawain ba ng pagbabalik ng Diyos sa mga huling araw ay kasing-simple ng ating inaakala? Sabi ng Diyos, “Nararapat ninyong maintindihan, hindi ninyo dapat gawing payak ang mga ito. Ang gawain ng Diyos ay hindi katulad ng ibang karaniwang gawain. Ang himala nito ay hindi maiisip ng utak ng tao, at ang karunungan nito ay hindi basta lamang makakamit. Hindi nililikha ng Diyos ang lahat ng bagay, at hindi rin Niya winawasak ang mga ito. Sa halip, binabago Niya ang lahat ng Kanyang mga nilikha at dinadalisay ang lahat ng mga bagay na nadungisan ni Satanas. Kaya, nararapat na simulan ng Diyos ang mga malalaking gawain, at ito ang buong kahalagahan ng gawain ng Diyos. Matapos mabasa ang mga salitang ito, naniniwala ka ba na ang gawain ng Diyos ay payak?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao) Walang sinumang makakaarok sa gawain ng Diyos at karunungan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang makapaglalantad ng hiwaga ng kung paano madadala sa langit ang mga nananalig sa mga huling araw, kung paano gagawin ng Diyos ang gawain ng paghatol para linisin ang mga tao …. Ang maikling video na ito ay ipapakita sa iyo ang kaalaman tungkol sa tanging landas para maiangat sa kaharian ng langit pagbalik ng Panginoon!

Rekomendasyon:

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal





Ebangheliyong pelikula | Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen?


Kidlat ng Silanganan |  Ebangheliyong pelikula | Ang Sandali ng Pagbabago (1) | Paano Nadadala ang mga Matatalinong Birhen? 

Sumusunod ang ilang tao sa salita ni Pablo tungkol sa paghihintay sa Panginoon para madala sa kaharian ng langit: "Sa isang sandali, sa isang kisap-mata: sa huling pagtunog ng pakakak: sapagka’t tutunog ang papakak, at ang mga patay ay mangabubuhay na maguli na walang kasiraan, at tayo’y babaguhin." (1Co 15:52). Naniniwala sila na kahit patuloy pa rin tayong nagkakasala nang hindi umaalpas sa pang-aalipin ng pagiging likas na makasalanan, agad babaguhin ng Panginoon ang ating imahe at dadalhin tayo sa kaharian ng langit pagdating Niya. May mga tao ring sumusunod sa salita ng Diyos na: "Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit " (Mat 7:21). "… Kayo’y mangagpakabanal; sapagka’t ako’y banal" (1Pe 1:16). Naniniwala sila na ang mga taong patuloy pa ring nagkakasala ay malayo sa pagtatamo ng kabanalan at lubos na hindi nararapat na madala sa kaharian ng langit. Sa gayo’y isang kamangha-manghang pagtatalo ang nagsimula …. Kaya, anong klase ng mga tao ang nararapat iangat sa kaharian ng langit? Iniimbitahan ka naming panoorin ang maikling video na ito.

Rekomendasyon:

Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos

purihin ang Diyos | Sa pamamagitan lamang ng Paggawa sa c tao Makukuha ng Diyos ang Sangkatauhan



 Kidlat ng Silanganan | purihin ang Diyos | Sa pamamagitan lamang ng Paggawa sa c tao Makukuha ng Diyos ang Sangkatauhan


I
Sa pamamagitan ng salita ng praktikal na Diyos,
ang mga kahinaan at rebelyon ng tao 
ay hinahatulan at ibinubunyag. 
Pagkatapos ay tinatanggap ng tao ang kailangan nila.
Nakikita nila na dumating 
na ang Diyos sa mundong ito ng tao. 
Ang gawain ng praktikal na Diyos 
ay nagnanais na iligtas ang lahat
mula sa impluwensiya ni Satanas, 
inililigtas sila mula sa karumihan, 
mula sa kanilang disposisyon na tiniwali ni Satanas. 
Ang pagiging nakamtan ng Diyos ay nangangahulugang
sundan ang Kanyang halimbawa 
bilang perpektong modelo ng tao.
Sundin ang praktikal na Diyos, 
mabuhay ng normal na pagkatao,
panatilihin ang Kanyang mga salita at hinihingi, 
ganap na panatilihin ang sinasabi Niya,
at makamit ang anumang hinihiling Niya, 
sa gayon ay makakamit ka ng Diyos.

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang mga Resulta ng Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw ay Nakamit sa Pamamagitan ng Salita

Kidlat ng Silanganan | Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Ang mga Resulta ng Gawain ng Diyos sa mga Huling Araw ay Nakamit sa Pamamagitan ng Salita

I
Ang mga resulta ng gawain ng Diyos sa mga huling araw
ay nakamit sa salita, sa salita.
Ang salita ay tumutulong sa tao na maunawaan ang mga misteryo
at gawain ng Diyos sa buong kasaysayan.
Ito ay nagdudulot sa tao ng kaliwanagan ng Banal na Espiritu,
kaalaman ng mga misteryong selyado sa loob ng maraming siglo.
Ipinaliliwanag nito ang gawa ng mga propeta at mga apostol
at ang mga alituntunin nang ipinatupad nila ito.
Ang salita ay nagpapakilala sa tao sa disposisyon ng Diyos,
pati na rin ang Kanyang sariling paghihimagsik at diwa.

Ebangheliyong pelikula | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao



 Ebangheliyong pelikula | Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao | Kidlat ng Silanganan

      
      Sabi ng Makapangyarihang Diyos: “Kung wala ang gawa ni Jesus, hindi makakababa ang sangkatauhan mula sa krus, nguni’t kung wala ang pagkakatawang-tao ngayon, yaong mga bumaba mula sa krus ay hindi ipagtatagubilin ng Diyos o makapapasok tungo sa bagong kapanahunan. Kung hindi dumating ang karaniwang taong ito, kung gayon hindi kayo kailanman magkakaroon ng pagkakataon o magiging karapat-dapat upang makita ang tunay na mukha ng Diyos, dahil lahat kayo ay matagal nang dapat na winasak. Dahil sa pagdating ng ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos, napatawad kayo ng Diyos at pinakitaan kayo ng habag. Sa kabila nito, ang mga salita na dapat Kong iwan sa inyo sa katapusan ay ang mga ito pa rin: Ang karaniwang taong ito, na Siyang Diyos na nagkatawang-tao, ay napakahalaga sa inyo. Ito ang dakilang bagay na nagáwâ na ng Diyos sa gitna ng mga tao.”

Pag-bigkas ng Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos

Buhay, Diyos, katotohanan, pag-ibig,Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos - Mga Aklat,


Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos 


      Paano dapat ibigin ng tao ang Diyos sa panahon ng kapinuhan? Sa pagdanas ng kapinuhan, sa panahon ng kapinuhan nagagawa ng tao na tunay na purihin ang Diyos at nagagawang makita kung gaano karami ang kulang sa kanila. Habang lalong tumitindi ang iyong kapinuhan, lalo mas nagagawa mong talikuran ang laman; habang lalong tumitindi ang kanilang kapinuhan, lalong mas nadaragdagan ang pag-ibig ng mga tao para sa Diyos. Ito ang dapat ninyong maunawaan. Bakit dapat pinuhin ang mga tao? Anong epekto ang nilalayon nitong matamo? Ano ang kabuluhan ng gawain ng kapinuhan ng Diyos sa tao? Kung tunay mong hinahangad ang Diyos, kung gayon ang pagdanas sa Kanyang kapinuhan hanggang sa isang partikular na punto madadama mo na ito ay napakainam, at na ito ang sukdulang kailangan. Paano dapat ibigin ng tao ang Diyos sa panahon ng kapinuhan? Sa paggamit ng paninindigan upang ibigin ang Diyos upang tanggapin ang Kanyang kapinuhan: Sa panahon ng kapinuhan ikaw ay nagdurusa sa loob, na para bang isang kutsilyo ang pinipihit sa iyong puso, ngunit nakahanda kang mapalugod ang Diyos gamit ang iyong puso, na umiibig sa Kanya, at hindi ka nakahandang mag-alala para sa laman. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig sa Diyos. Ikaw ay nasaktan sa loob, at ang iyong pagdurusa ay nakarating sa isang partikular na punto, ngunit nakahanda ka pa ring lumapit sa harap ng Diyos at manalangin, na sinasabi: “O Diyos! Ikaw ay hindi ko maaaring iwan. Bagamat mayroong kadiliman sa loob ko, nais kong mapalugod Ka; kilala Mo ang aking puso, at hinihiling ko na maglaan ka ng mas marami sa Iyong pag-ibig sa loob ko.” Ito ay pagsasagawa sa panahon ng kapinuhan. Kung gagamitin mo ang pag-ibig sa Diyos bilang saligan, madadala ka ng kapinuhan nang mas malapit sa Diyos at gagawin kang mas kapalagayang-loob ng Diyos. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung iaalok mo at iaalay ang iyong puso sa harap ng Diyos, kung gayon sa panahon ng kapinuhan magiging imposible para sa iyo na itatwa ang Diyos, o iwan ang Diyos. Sa ganitong paraan ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging mas malapit na, at mas normal na, at ang iyong pakikipag-isa sa Diyos ay magiging mas madalas na. Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, kung gayon gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos, at ng mas maraming panahon sa ilalim ng paggabay ng Kanyang mga salita, magkakaroon din ng higit pang mas maraming mga pagbabago sa iyong disposisyon, at ang iyong kaalaman ay madadagdagan araw-araw. Kapag dumating ang araw at ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo, hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos, ngunit magagawa mo ring magpatotoo sa Diyos. Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro. Sa pagpapatotoo sa Diyos iibigin mo Siya nang tunay, at isusuko nang may kagalakan ang iyong buhay para sa Kanya; ikaw ay magiging saksi ng Diyos, at yaong pinakaiibig ng Diyos. Ang pag-ibig na nagdanas ng kapinuhan ay matatag, at hindi mahina. Hindi alintana kung kailan o kung paano ka isasailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok, nagagawa mong huwag mag-alala kung mamamatay ka man o mabubuhay, isasantabi ang lahat nang may kagalakan para sa Diyos, at masayang titiisin ang anuman para sa Diyos—at kaya ang iyong pag-ibig ay magiging dalisay, at magiging totoo ang pananampalataya. Sa gayon ka lamang magiging yaong tunay na inibig Diyos, at yaong tunay na ginawang perpekto ng Diyos.