Malinaw na nakasaad sa Chinese Constitution ang kalayaang pangrelihiyon, pero sa likod ng lahat ng ito, gumagamit ang gobyerno ng maraming tao at pera sa hibang na pagsugpo sa mga paniniwala sa relihiyon at malupit na pagpapahirap sa mga Kristiyano. Ni hindi pa sila tumitigil sa pagbili ng pinakabagong surveillance equipment para subaybayan, sundan, at arestuhin ang mga Kristiyano. Inalisan ng gobyernong Chinese ang mga mamamayan nito ng kanilang karapatan na malayang manalig at walang habas na pinagkaitan ang mga nananalig ng kanilang karapatang mabuhay. Kaya ano ba talaga ang dahilan at layunin ng CCP sa paggawa ng lahat ng ito?
Ang crosstalk na Bilangguang Walang Pader ay nagsasalaysay ng kuwento ni Han Mei, nangibang-bansa at nagbalik-tanaw sa mapait niyang karanasan bilang isang Kristianong namumuhay noon sa ateistang Tsina. Si Han Mei ay inaresto ng mga pulis ng CCP dahil sa pangangaral niya ng ebanghelyo, pero kahit matapos siyang palayain, hindi pa rin niya nagawang takasan ang masamang kamay ng pamahalaan ng CCP.
Madalas ipaliwanag ng mga pastor at elder ng mga relihiyon ang Biblia sa mga tao at hinihikayat silang manghawakan sa Biblia. Sa paggawa nito, talaga bang pinupuri at pinatototohanan nila ang Panginoon? Hindi ito maunawaan ng karamihan sa mga tao.
Nagkatawang-tao ang Diyos sa kalakhang-lupain ng Tsina, na ang tawag ng mga kababayan sa Hong Kong at Taiwan ay panloob-na-lupain. Nang dumating ang Diyos mula sa itaas tungo sa lupa, walang sinuman sa langit at lupa ang nakaalam tungkol dito, sapagka’t ito ang tunay na kahulugan ng pagbabalik ng Diyos sa isang lingid na paraan. Mahabang panahon na Siyang gumagawa at namumuhay sa katawang-tao, datapwa’t walang sinuman ang nakaalam nito. Hanggang sa araw na ito, walang sinuman ang nakakakilala rito. Marahil ito ay mananatiling isang walang-hanggang palaisipan. Sa panahong ito ang pagdating ng Diyos sa laman ay hindi isang bagay na kahit sino ay may kakayahang mabatid.