Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos | Pagpapanumbalik sa Normal na Buhay ng Tao at Pagdadala sa Kanya sa Isang Kamangha-manghang Hantungan
Kakaunti lamang ang nauunawaan ng tao sa gawain sa kasalukuyan at sa gawain sa hinaharap, ngunit hindi niya nauunawaan ang hantungan kung saan ang sangkatauhan ay papasok. Bilang isang nilalang, kailangang gampanan ng tao ang kanyang tungkulin bilang isang nilikha: Kailangang sundin ng tao ang Diyos sa anumang Kanyang ginagawa, at kailangang magpatuloy kayo sa kahit anumang paraan na sasabihin Ko sa inyo. Ikaw ay walang paraan upang gumawa ng mga kaayusan para sa iyong sarili, at ikaw ay walang kakayahan na kontrolin ang iyong sarili; ang lahat ay dapat ipaubaya sa habag ng Diyos, at ang lahat ay nasa pamamahala ng Kanyang mga kamay. Kung ang gawain ng Diyos ay naglaan sa tao ng isang katapusan, isang kamangha-manghang hantungan, nang mas maaga, at kung ginagamit ito ng Diyos upang hikayatin ang tao at magawang pasunurin ang tao sa Kanya—kung gumawa Siya ng kasunduan sa tao—kung gayon hindi ito magiging paglupig, ni hindi ito para trabahuin ang buhay ng tao. Kung gagamitin ng Diyos ang katapusan upang kontrolin ang tao at matamo ang kanyang puso, kung gayon sa ganito ay hindi Niya magagawang sakdal ang tao, at ni hindi Niya magagawang matamo ang tao, ngunit sa halip gagamitin ang hantungan upang kontrolin siya. Walang inaalala ang tao nang higit pa sa hinaharap na katapusan, ang huling hantungan, at kung mayroon man o walang inaasahang mabuti. Kung ang tao ay nabigyan ng magandang pag-asa sa panahon ng gawain ng panlulupig, at kung, bago pa ang paglupig sa tao, siya ay nabigyan ng isang angkop na hantungan upang hangarin, kung gayon hindi lamang sa hindi matatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa tao, ngunit ang epekto ng gawain ng panlulupig ay maiimpluwensyahan din. Iyon ay upang sabihin, natatamo ang epekto ng gawain ng panlulupig sa pamamagitan ng pag-aalis sa kapalaran at mga inaasam ng tao at paghatol at pagpaparusa sa mapaghimagsik na disposisyon ng tao. Hindi ito matatamo sa paggawa ng isang kasunduan sa tao, iyon ay, sa pamamagitan ng pagbibigay sa tao ng mga biyaya at mga pagpapala, ngunit sa pamamagitan ng pagbunyag sa katapatan ng tao sa pamamagitan ng pagtanggal sa kanyang kalayaan at pagpuksa sa kanyang mga inaasam. Ito ang diwa ng gawain ng panlulupig. Kung ang tao ay nabigyan na ng magandang pag-asa sa simula pa lamang, at ang gawaing pagkastigo at paghatol ay ginawa pagkatapos, kung gayon ay tatanggapin ng tao ang ganitong pagkastigo at paghatol sa batayang nagkaroon siya ng mga inaasam, at sa katapusan, ang walang pasubaling pagsunod at pagsamba sa Lumikha ng Kanyang mga nilikha ay hindi makakamit; magkakaroon lang ng bulag, walang malay na pagsunod, kung hindi ay magkakaroon ng bulag na mga kahilingan ang tao sa Diyos, kung kaya magiging imposible na ganap na lupigin ang puso ng tao. Dahil dito, hindi makakaya ng gayong gawaing panlulupig na matamo ang tao, ni hindi, higit pa rito, maglalahad ng patotoo sa Diyos. Ang gayong mga nilalang ay hindi na makatutupad ng kanilang tungkulin, at makikipagtawaran na lamang sa Diyos; hindi ito magiging paglupig, ngunit habag at biyaya. Ang pinakamalaking suliranin ng tao ay ang wala siyang iniisip kundi ang kanyang kapalaran at mga inaasam, na sinasamba niya ang mga ito. Hinahanap ng tao ang Diyos para sa kanyang kapalaran at mga inaasam; hindi niya sinasamba ang Diyos dahil sa kanyang pag-ibig sa Kanya. Kung kaya, sa paglupig sa tao, ang pagiging makasarili ng tao, kasakiman at ang mga bagay na pinakahadlang sa kanyang pagsamba sa Diyos ay dapat maalis. Sa paggawa nito, ang mga epekto ng paglupig sa tao ay matatamo. Bilang resulta, sa mga pinakaunang paglupig sa tao, mahalaga na linisin muna ang mga ligaw na ambisyon at ang pinakamalalang mga kahinaan ng tao, at, sa pamamagitan nito, upang ibunyag ang pag-ibig ng tao sa Diyos, at mapalitan ang kanyang kaalaman sa buhay ng tao, kanyang pagtingin sa Diyos, at ang kahulugan ng kanyang pag-iral. Sa ganitong paraan, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay malilinis, na ang ibig sabihin, ang puso ng tao ay nalupig. Ngunit sa Kanyang saloobin sa lahat ng mga nilalang, hindi lumulupig ang Diyos para lamang sa kapakanan ng panlulupig; sa halip, Siya ay lumulupig upang matamo ang tao, para sa kapakanan ng Kanyang sariling kaluwalhatian, at upang mabawi ang pinakauna at orihinal na wangis ng tao. Kung Siya ay lulupig para lamang sa kapakanan ng paglupig, kung gayon ang kabuluhan ng gawain ng panlulupig ay mawawala. Ito ay upang masabi na kung, pagkatapos ang panlulupig sa tao, kung pababayaan na lang ng Diyos ang tao, at hindi na makikialam sa kanyang buhay at kamatayan, hindi na ito magiging pamamahala sa sangkatauhan, ni ang paglupig sa tao ay magiging para sa kapakanan ng kanyang kaligtasan. Ang pagtatamo lamang sa tao pagkatapos ng kanyang paglupig at ang kanyang posibleng pagdating sa isang kamangha-manghang hantungan ay nasa puso ng lahat ng gawain ng pagliligtas, at ito lamang ang makapagtatamo ng layunin sa kaligtasan ng tao. Sa madaling sabi, ang pagdating lamang ng tao sa magandang hantungan at ang kanyang pagpasok sa pamamahinga ay ang mga inaasam na dapat taglay ng lahat ng mga nilalang, at ang gawain na dapat isagawa ng Lumikha. Kung gagawin ng tao ang ganitong gawain, kung gayon ito ay magiging masyadong limitado: Maaaring dalhin nito ang tao sa isang tukoy na punto, ngunit hindi nito maaaring madala ang tao sa walang hanggang hantungan. Hindi kayang pagpasyahan ng tao ang kanyang tadhana, ni, higit pa rito, hindi niya kayang matiyak ang mga inaasam ng tao at hinaharap na hantungan. Ang gawain na ginawa ng Diyos, gayunman, ay naiiba. Yayamang nilikha Niya ang tao, pinangungunahan Niya ito; yayamang inililigtas Niya ang tao, ililigtas Niya siya nang lubos, at ganap na tatamuhin siya; yayamang pinangungunahan Niya ang tao, dadalhin Niya siya sa angkop na hantungan; at yayamang nilikha Niya at pinamamahalaan ang tao, kailangang akuin Niya ang kapalaran at mga inaasam ng tao. Ito nga ay ang gawaing isinagawa ng Lumikha. Bagamat ang gawaing panlulupig ay natatamo sa paglilinis sa mga inaasam ng tao, ang tao sa huli ay dapat madala sa angkop na hantungan na inilalaan para sa kanya ng Diyos. Ito ay tiyak na sapagkat tinatrabaho ng Diyos ang tao, na ang tao ay may hantungan at ang kanyang kapalaran ay tiyak na. Dito, ang akmang hantungan na nabanggit ay hindi ang mga pag-asa at mga inaasam ng tao sa mga lumipas na panahon; ang dalawa ay magkaiba. Yaong mga inaasam ng tao at sinisikap na matamo ay ang mga paghahangad sa kanyang paghahanap ng labis na mga pagnanasa ng laman, sa halip na ang hantungan na marapat sa tao. Ang inilaan ng Diyos sa tao, samantala, ay ang mga pagpapala at mga pangako na marapat sa tao sa oras na siya ay nagawang dalisayin, na inihanda ng Diyos sa tao matapos likhain ang mundo, na hindi nabahiran ng pagpili, mga pananaw, imahinasyon o laman ng tao. Ang hantungan na ito ay hindi inihanda para sa isang partikular na tao, kundi ang dako ng kapahingaan ng buong sangkatauhan. At kaya, ang hantungang ito ay ang pinakaangkop na hantungan para sa sangkatauhan.
Nilalayon ng Lumikha na isaayos ang lahat ng mga nilikha. Hindi mo dapat iwaksi o suwayin ang alinman sa Kanyang ginagawa, ni hindi ka dapat maging mapaghimagsik tungo sa Kanya. Sa huli ay matatamo ng gawain na Kanyang isinasagawa ang Kanyang mga layunin, at sa ganito matatamo Niya ang kaluwalhatian. Ngayon, bakit hindi nasasabi na ikaw ay mga inapo ni Moab, o ang anak ng ang malaking pulang dragon? Bakit walang usapan tungkol sa mga hinirang, at usapan lang tungkol sa mga nilikha? Ang nilikha—ito ang orihinal na tawag sa tao, at ito ay kanyang likas na pagkakakilanlan. Ang mga pangalan ay nagkakaiba lang sapagkat ang mga panahon at mga yugto ng gawain ay magkaiba; sa katunayan, ang tao ay isang ordinaryong nilikha. Ang lahat ng mga nilikha, maging sila man ang pinakatiwali o pinakabanal, ay dapat gumanap sa tungkulin ng isang nilikha. Kapag isinasagawa na Niya ang gawain ng panlulupig, hindi ka kokontrolin ng Diyos gamit ang iyong mga inaasam, kapalaran o hantungan. Hindi naman talaga kailangang gumawa sa ganitong paraan. Ang layunin ng gawain ng panlulupig ay upang maisakatuparan ng tao ang tungkulin ng isang nilalang, upang pasambahin siya sa Maylalang, at pagkatapos lamang nito siya maaaring pumasok sa kamangha-manghang hantungan. Ang kapalaran ng tao ay nasa pamamahala ng mga kamay ng Diyos. Ikaw ay walang kakayahang kontrolin ang iyong sarili: Sa kabila ng parating pagmamadali at maraming ginagawa para sa sarili, nananatiling walang kakayahan ang tao na kontrolin ang kanyang sarili. Kung maaari mong malaman ang iyong sariling mga inaasam, kung makokontrol mo ang iyong sariling kapalaran, mananatili ka pa bang isang nilikha? Sa madaling sabi, sa papaano mang paraan gumagawa ang Diyos, ang lahat ng Kanyang gawain ay para sa kapakanan ng tao. Ipagpalagay, bilang halimbawa, ang kalangitan at ang kalupaan at ang lahat ng mga bagay na nilikha ng Diyos upang magsilbi sa tao: Ang buwan, ang araw, at ang mga bituin na ginawa Niya para sa tao, ang mga hayop at mga halaman, tagsibol, tag-araw, taglagas at taglamig, at iba pa—lahat ay para sa kapakanan ng pag-iral ng tao. At kaya, sa papaano mang paraan Niya pinarurusahan at hinahatulan ang tao, ang lahat ng ito ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Kahit na tinatanggal Niya sa tao ang kanyang makalamang mga inaasahan, ito ay para sa kapakanan ng pagdadalisay sa tao, at ang pagdalisay sa tao ay para sa kapakanan ng kanyang pag-iral. Ang hantungan ng tao ay nasa mga kamay ng Lumikha, kaya papaano makokontrol ng tao ang kanyang sarili?
Sa oras na ang gawain ng panlulupig sa tao ay makumpleto na, ang tao ay dadalhin sa isang magandang mundo. Ang buhay na ito ay magiging, walang duda, sa mundo pa rin, ngunit ito ay ganap na hindi magiging kagaya ng buhay ng tao sa ngayon. Ito ang buhay na kakamtin ng sangkatauhan matapos na ang sangkatauhan ay ganap nang malupig, ito ay magiging bagong simula ng tao sa mundo, at para sa sangkatauhan na magkaroon ng gayong buhay ay magiging katibayan na ang sangkatauhan ay nakapasok na sa isang bago at magandang kaharian. Ito ang magiging simula ng buhay ng tao at Diyos sa lupa. Ang saligan ng gayong kagandang buhay ay marahil, matapos ang tao ay malinis at malupig, siya ay susuko sa harap ng Lumikha. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling yugto ng gawain ng Diyos bago pumasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan. Ang gayong buhay ay ang hinaharap na buhay ng tao sa lupa, ito ang pinakamagandang buhay sa lupa, ang uri ng buhay na inaasam ng tao, ang uri na hindi pa kailanman nakamtan ng tao sa kasaysayan ng mundo. Ito ang huling kalalabasan ng 6,000 taon ng gawain sa pamamahala, ito ang pinaka-kinasasabikan ng sangkatauhan, ito rin ang pangako ng Diyos sa tao. Ngunit ang pangakong ito ay hindi kaagad maisasakatuparan: Ang tao ay papasok sa hinaharap na hantungan sa oras lamang na maging ganap ang gawain sa mga huling araw at siya ay ganap nang nalupig, iyon ay, sa oras na si Satanas ay ganap nang natalo. Ang tao ay hindi na magkakaroon ng makasalanang kalikasan pagkatapos na siya ay madalisay, dahil madadaig na ng Diyos si Satanas, na nangangahulugan na hindi na makapanghihimasok ang mga masamang puwersa, at walang masamang mga puwersa ang maaaring sumalakay sa laman ng tao. At kaya makalalaya ang tao, at magiging banal—siya ay makapapasok sa kawalang-hanggan. Kapag ang masasamang puwersa ng kadiliman ay naigapos na saka pa lamang magiging malaya ang tao saan man siya magpunta, at nang walang paghihimagsik o pagsalungat. Si Satanas ay kailangang maigapos para maging maayos ang tao; sa ngayon, hindi siya maayos sapagkat[a] si Satanas ay naghahasik pa rin ng kaguluhan kahit saan sa lupa, at sapagkat ang kabuuang gawain sa pamamahala ng Diyos ay hindi pa umaabot sa kanyang katapusan. Sa oras na matalo na si Satanas, ang tao ay magiging lubos nang malaya; kapag natamo ng tao ang Diyos at nakalabas sa ilalim ng sakop ni Satanas, kanyang pagmamasdan ang Araw ng pagkamatuwid. Ang buhay na karapat-dapat sa normal na tao ay mababawi; lahat ng dapat taglayin ng isang normal na tao—kagaya ng kakayahan na mawari ang mabuti sa masama, at pagkaunawa kung papaano pakainin at damitan ang sarili, at ang kakayahan na mabuhay nang normal—ang lahat ng ito ay mababawi. Kung si Eba man ay hindi natukso ng ahas, ang tao ay nagkaroon dapat ng normal na buhay pagkatapos na siya ay likhain noong pasimula. Siya dapat ay nakakain, dinamitan, at isinabuhay ang normal na buhay ng tao. Ngunit pagkatapos na ang tao ay maging ubod nang sama, ang buhay na ito ay naging pangarap na lamang, at kahit ngayon hindi nagtatangka ang tao na isipin ang gayong mga bagay. Sa katunayan, ang magandang buhay na kinasasabikan ng tao ay isang pangangailangan: Kung ang tao ay walang gayong hantungan, kung gayon ang kanyang buhay sa lupa na ubod nang sama ay hindi kailanman titigil, at kung walang gayong magandang buhay, hindi na magkakaroon ng konklusyon ang kapalaran ni Satanas o ang panahon na kung saan nasasakop pa ni Satanas ang dominyon ng buong lupa. Kailangang makarating ng tao sa isang kaharian na hindi maaabot ng mga puwersa ng kadiliman, at kapag nagawa niya, mapatutunayan nito na si Satanas ay natalo na. Sa ganitong paraan, sa oras na wala na ang panggugulo ni Satanas, Ang Diyos Mismo ang mamamahala sa sangkatauhan, at Kanyang aatasan at pamamahalaan ang buong buhay ng tao; ito lamang ang maituturing na pagkatalo ni Satanas. Ang buhay ng tao ngayon ay karamihang buhay ng karumihan, ay buhay pa rin ng pagdurusa at dalamhati. Hindi ito matatawag na pagkatalo ni Satanas; ang tao ay hindi pa nakatatakas sa dagat ng pagdurusa, hindi pa nakatatakas sa kahirapan ng buhay ng tao, o ng impluwensya ni Satanas, at siya ay may kakatiting pa ring pagkakilala sa Diyos. Ang lahat ng paghihirap ng tao ay gawa ni Satanas, si Satanas ang nagdala ng mga pagdurusa sa buhay ng tao, at pagkatapos lamang maigapos si Satanas makatatakas nang lubos ang tao mula sa dagat ng pagdurusa. Ngunit ang pagkagapos ni Satanas ay nakakamit sa pamamagitan ng paglupig at pagtamo sa puso ng tao, sa pamamagitan ng pagturing sa tao na samsam sa digmaan kay Satanas. Ngayon, sa paghahangad ng tao na maging mananagumpay at magawang perpekto ang mga bagay na hinahangad bago siya magkaroon ng buhay ng isang normal na tao sa lupa, at ang mga layunin na hinahangad ng tao bago pa ang pagkagapos ni Satanas. Sa diwa, ang paghahangad ng tao na maging mananagumpay at magawang perpekto, o magawang kapaki-pakinabang, ay upang makatakas sa impluwensya ni Satanas: Ang paghahangad ng tao ay upang maging mananagumpay, ngunit ang huling kalalabasan ay ang kanyang pagtakas sa impluwensya ni Satanas. Sa pagtakas mula sa impluwensya ni Satanas lamang maaaring maisabuhay ng tao ang buhay ng normal na tao sa lupa, ang buhay ng pagsamba sa Diyos. Ngayon, ang paghahangad ng tao na maging mananagumpay at maging perpekto ay ang mga bagay na hinahangad bago ang pagkakaroon ng buhay ng isang normal na tao sa lupa. Unang-unang hinahangad ang mga ito para sa kapakanan ng pagiging nalinis at isagawa ang katotohanan, at upang makamit ang pagsamba sa Lumikha. Kung tinataglay ng tao ang normal na buhay ng isang tao sa lupa, isang buhay na walang kahirapan at lungkot, kung gayon ang tao ay hindi maaakit sa paghahangad na maging mananagumpay. “Ang maging mananagumpay” at “magawang perpekto” ay ang mga layunin na ibinigay ng Diyos sa tao upang hangarin, at sa pamamagitan ng paghahangad sa mga layuning ito binigyang-daan Niya ang tao sa pagsasagawa sa katotohanan at isagawa ang makabuluhang buhay. Ang layunin ay upang maging ganap ang tao at matamo siya, at ang paghahangad na maging mananagumpay at magawang perpekto ay isa lamang kaparaanan. Kung, sa hinaharap, makapapasok ang tao sa kamangha-manghang hantungan, wala nang magiging patunay sa pagiging mananagumpay at sa pagiging perpekto; magkakaroon na lang ng pagganap sa tungkulin ang bawat nilalang. Ngayon, ginagabayan ang tao na hangarin ang mga bagay na ito upang ipakahulugan lamang ang isang saklaw sa tao, nang sa gayon ang paghahangad ng tao ay mas tukoy at praktikal. Kung wala ito, ang paghahangad ng tao sa pagpasok sa buhay na walang hanggan ay magiging malabo at mahirap maunawaan, at kung magkakagayon, hindi ba magiging mas kaawa-awa ang tao? Ang maghangad sa ganitong paraan, kung walang mga layunin at mga prinsipyo—hindi ba ito pandaraya sa sarili? Sa huli, ang paghahangad na ito ay likas na magiging walang saysay; sa bandang huli, ang tao ay mabubuhay pa rin sa ilalim ng sakop ni Satanas at hindi niya makakayang palayain ang sarili mula rito. Bakit siya isasailalim sa gayong walang layon na paghahangad? Kapag ang tao ay pumasok na sa walang hanggang hantungan, sasambahin ng tao ang Lumikha, at sapagkat natamo na ng tao ang kaligtasan at nakapasok na sa kawalang-hanggan, ang tao ay hindi na maghahangad ng anumang mga layunin, ni, higit pa rito, hindi na kailangan pa na mag-alala na siya ay kinubkob ni Satanas. Sa oras na ito, malalaman ng tao ang kanyang lugar, at gagampanan ang kanyang tungkulin, at kahit na hindi sila parusahan o hatulan, gagampanan ng bawat tao ang kanilang tungkulin. Sa oras na iyon, magiging nilikha ang tao sa parehong pagkakakilanlan at kalagayan. Wala nang magiging pagtatangi tungkol sa mataas at mababa; bawat tao ay gaganap na lamang ng ibang tungkulin. Ngunit ang tao ay mabubuhay pa rin sa isang maayos, angkop na hantungan ng sangkatauhan, tutuparin ng tao ang kanyang tungkulin para sa kapakanan ng pagsamba sa Lumikha, at ang isang sangkatauhan na kagaya nito ay magiging ang sangkatauhan ng kawalang-hanggan. Sa oras na iyon, matatamo na ng tao ang isang buhay na nililiwanagan ng Diyos, isang buhay na nasa ilalim ng pangangalaga at pag-iingat ng Diyos, at isang buhay na kasama ang Diyos. Magkakaroon ang sangkatauhan ng normal na buhay sa lupa, at ang kabuuan ng sangkatauhan ay papasok sa tamang landas. Lubos nang matatalo ng 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos si Satanas, ibig sabihin nito’y mababawi na ng Diyos ang orihinal na anyo ng tao sunod sa Kanyang paglikha, at dahil dito, ang orihinal na layunin ng Diyos ay matutupad na. Sa simula, bago pa pinasama ni Satanas ang tao, namuhay ng normal na buhay ang tao sa lupa. Kinalaunan, nang siya ay pinasama ni Satanas, naiwala ng tao ang normal na buhay na ito, at kaya doon nag-umpisa ang pamamahala ng Diyos, at ang digmaan kay Satanas upang mabawi ang normal na buhay ng tao. Sa katapusan ng 6,000-taon na gawain ng pamamahala ng Diyos pa lamang opisyal na magsisimula ang buhay ng lahat ng sangkatauhan sa lupa, doon pa lamang magkakaroon ang tao ng kamangha-manghang buhay, at mababawi ng Diyos ang layunin sa paglikha sa tao noong pasimula, pati na ang orihinal na wangis ng tao. At kaya, sa oras na magkaroon na siya ng normal na buhay ng sangkatauhan sa lupa, hindi na maghahangad ang tao na maging mananagumpay o maging perpekto, sapagkat ang tao ay magiging banal. Ang tagumpay at kasakdalan na binabanggit ng tao ay ang mga layunin na ibinigay sa tao upang hangarin sa panahon ng labanan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, at sila ay umiiral lamang sapagkat ang tao ay pinasama. Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyo ng layunin, at akayin ka upang hangarin ang layunin na ito, na si Satanas ay matatalo. Ang hilingin kang maging mananagumpay o gawing perpekto o magamit ay pag-aatas sa iyo na magpatotoo upang ipahiya si Satanas. Sa katapusan, maipamumuhay ng tao ang buhay ng normal na tao sa lupa, at ang tao ay magiging banal, at kapag nangyari ito, hahangarin pa rin ba nilang maging mga mananagumpay? Hindi ba silang lahat ay mga nilalang? Ang pagiging mananagumpay at pagiging sakdal ay parehong nakadirekta kay Satanas, at ang karumihan ng tao. Ito bang “mananagumpay” ay hindi tumutukoy sa tagumpay laban kay Satanas at sa masasamang mga puwersa? Kapag sinabi mo na ikaw ay naging sakdal, ano ang naging perpekto sa iyo? Hindi ba’t hinubad mo na ang tiwaling disposisyon ni Satanas, nang upang matamo mo ang pinakadakilang pag-ibig ng Diyos? Ang mga gayong bagay ay sinasabi kaugnay sa maruming mga bagay sa loob ng tao, nang may kaugnayan kay Satanas; hindi sila sinasalita nang may kaugnayan sa Diyos.
Sa kasalukuyan, kung hindi mo hahangarin ang pagiging mananagumpay at pagiging perpekto, kung gayon sa hinaharap, kapag ang sangkatauhan ay nabubuhay na nang normal sa lupa, wala nang magiging pagkakataon sa gayong pagpapatuloy. Sa oras na iyon, ang katapusan ng bawat uri ng tao ay mahahayag. Sa oras na iyon, magiging malinaw kung anong uri ng bagay ka, at kung nagnanais kang maging mananagumpay o nagnanais kang gawing perpekto ito ay magiging imposible. Ito ay dahil lamang sa kanyang pagiging mapaghimagsik na ang tao ay parurusahan matapos niyang mahayag. Sa oras na iyon, ang hangad ng tao ay hindi maging may mas mataas na kalagayan kaysa sa iba, sa ilan ay upang maging mananagumpay at ang mga iba pa ay upang maging perpekto, o sa ilan ay para maging mga panganay na anak ng Diyos at ang mga iba pa ay upang maging mga anak ng Diyos; hindi nila hahangarin ang mga bagay na ito. Ang lahat ay magiging mga nilalang ng Diyos, lahat ay maninirahan sa lupa, at lahat ay maninirahang kasama ng Diyos sa lupa. Ngayon ang oras ng digmaan sa pagitan ng Diyos at ni Satanas, ito ang oras kung saan ang digmaang ito ay hindi pa matatapos, ang oras kung saan ang tao ay hindi pa maaaring lubos na matamo, at ito ang panahon ng pagbabago. At kaya, ang tao ay kinakailangang magnais na maging mananagumpay o maging isa sa mga anak ng Diyos. Sa ngayon ay may mga pagkakaiba sa kalagayan, ngunit darating ang araw na wala nang magiging gayong pagkakaiba: Ang kalagayan ng lahat ng naging matagumpay ay magiging pare-pareho, silang lahat ay magiging angkop na sangkatauhan, at maninirahang magkakapantay sa lupa, ibig sabihin silang lahat ay magiging angkop na mga nilalang, at ang lahat ng ibibigay sa kanila ay magkakapare-pareho. Sapagkat ang mga panahon ng gawain ng Diyos ay magkakaiba, at ang mga layunin ng Kanyang gawain ay magkakaiba rin, kung ang gawaing ito ay isasagawa sa inyo, kayo ay karapat-dapat gawing perpekto at maging mga mananagumpay; kung ito ay isinagawa sa ibang bansa, kung gayon sila ay magiging karapat-dapat na maging unang grupo ng mga tao na lulupigin, at ang unang grupo ng mga tao na gagawing perpekto. Sa kasalukuyan, ang gawaing ito ay hindi ginagawa sa ibang bansa, kaya hindi sila maaaring hirangin na gawing perpekto at maging mga mananagumpay, at ito ay imposible para sa kanila na maging unang grupo. Sapagkat ang layunin ng gawain ng Diyos ay iba, ang panahon ng gawain ng Diyos ay iba, at ang saklaw nito ay iba, kaya mayroong unang grupo, iyon ay, mayroong mga mananagumpay, at magkakaroon din ng ikalawang grupo na gagawing perpekto. Sa oras na magkaroon ng unang grupo na naging perpekto, magkakaroon ng uliran at isang tularan, at kaya sa hinaharap ay magkakaroon ng ikalawa at ikatlong grupo nilang ginagawang perpekto, ngunit sa walang hanggan silang lahat ay magkakapare-pareho at hindi magkakaroon ng pag-uuri sa kalagayan. Sila lamang ay magiging perpekto sa iba’t-ibang panahon, at walang magiging mga kaibahan sa kalagayan. Kapag sumapit ang oras na ang bawat isa ay naging sakdal, at ang gawain sa kabuuan ng mundo ay natapos na, walang magiging mga pagkakaiba sa kalagayan, at lahat ay magkakarooon ng magkakapantay na kalagayan. Sa kasalukuyan, ang gawaing ito ay isinasagawa sa gitna ninyo upang kayo ay maging mga mananagumpay. Kung ito ay gagawin sa Inglatera, kung gayon ang Inglatera ang makakakuha ng unang grupo, sa kaparehong paraan ninyo. Ako ay lalo lamang nagiging mapagbigay sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Aking gawain sa inyo ngayon, at kung hindi ko isasagawa ang gawaing ito sa inyo ngayon, kung gayon sa patas na pagtingin kayo ay ang magiging ikalawang grupo, o ikatlo, o ikaapat, o ikalima. Ito ay dahil lamang sa pagkakaiba sa pagkakaayos ng gawain; ang unang grupo at ang ikalawang grupo ay hindi nangangahulugan na ang isa ay mas mataas o mas mababa kaysa sa isa, ito ay nangangahulugan lamang ng pagkakasunud-sunod kung papaanong ang mga taong ito ay nagawang perpekto. Sa kasalukuyan ang mga salitang ito ay inihatid sa inyo, ngunit bakit hindi kayo nasabihan nang mas maaga? Sapagkat, kung walang proseso, nakakagawian ng mga tao ang magmalabis. Gaya halimbawa, sinabi ni Jesus nang oras na iyon: “Ako ay umalis, kaya Ako ay darating.” Ngayon, marami ang nahumaling sa mga salitang ito, at ang gusto lang nila ay ang magsuot ng mga puting balabal at maghintay sa kanilang masidhing pagdala sa langit. Kaya, maraming mga salita ang hindi maaaring sabihin nang masyadong maaga; kung ang mga ito ay sinabi nang masyadong maaga ang tao ay magmamalabis. Ang tayog ng tao ay masyadong mababa, at wala siyang kakayahang maunawaan ang katotohanan sa mga salitang ito.
Kapag nakamit na ng tao ang tunay na buhay ng tao sa lupa, ang buong mga puwersa ni Satanas ay magagapos, at ang tao ay mabubuhay nang walang hirap sa ibabaw ng lupa. Ang mga bagay ay hindi magiging mahirap unawain gaya ng sa kasalukuyan: Mga relasyong pantao, mga relasyong sosyal, magulong relasyong pangsambahayan…, ang mga ito ay totoong nakaaabala, masyadong masakit! Ang buhay ng tao rito ay masyadong miserable! Sa oras na malupig ang tao, ang kanyang puso at kaisipan ay magbabago: Magkakaroon siya ng pusong gumagalang sa Diyos at ng pusong umiibig sa Diyos. Sa oras na lahat silang nasa loob ng mundo na naghahangad na ibigin ang Diyos ay nalupig na, na ang ibig sabihin, sa oras na matalo si Satanas, at sa oras na si Satanas—lahat ng mga puwersa ng kadiliman—ay nagapos na, sa gayon ang buhay ng tao sa lupa ay magiging hindi maligalig, makapamumuhay siya nang malaya sa ibabaw ng lupa. Kung ang buhay ng tao ay walang makalamang mga pakikipagrelasyon, at walang mga suliranin ng laman, sa gayon ito ay magiging madali. Ang mga ugnayan sa laman ng tao ay masyadong magulo, at para sa tao ang magkaroon ng mga ganitong bagay ay patunay na hindi pa niya napalalaya ang kanyang sarili sa impluwensya ni Satanas. Kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa mga kapatid na lalaki at mga kapatid na babae, kung ikaw ay nagkaroon ng kaparehong relasyon sa iyong karaniwang sambahayan, kung gayon ay wala kang mga alalahanin, at hindi na kailangan pang mag-alala tungkol sa sinuman. Wala nang bubuti pa, at sa ganitong paraan gagaan nang kalahati ang kanyang pagdurusa. Ang pamumuhay ng isang normal na buhay ng tao sa lupa, ang tao ay magiging katulad ng isang anghel; bagaman nasa laman pa rin, siya ay lalong magiging parang anghel. Ito ang panghuling pangako, ito ang huling pangako na ipagkakaloob sa tao. Sa kasalukuyan ang tao ay sumasailalim sa pagkastigo at paghatol; iniisip mo ba na ang karanasan ng tao sa gayong mga bagay ay walang kabuluhan? Maaari ba na ang gawain ng pagkastigo at paghatol ay isasagawa nang walang dahilan? Nasabi na noong nakaraan na upang kastiguhin at hatulan ang tao ilalagay siya sa napakalalim na balon, ibig sabihin ang pag-aalis ng kanyang kapalaran at mga inaasam. Ito ay para sa kapakanan ng isang bagay: ang paglilinis sa tao. Ang tao ay hindi inilalagay sa napakalalim na balon nang sadya, at pagkatapos ay tatalikuran siya ng Diyos. Sa halip, ito ay upang makitungo sa paghihimagsik na nasa loob ng tao, upang sa katapusan ang mga bagay na nasa loob ng tao ay malinis, upang magkaroon siya ng tunay na pagkakilala sa Diyos, at maging gaya ng isang banal na tao. Kapag ito ay nagawa, sa gayon ang lahat ay makakamit. Sa katunayan, kapag ang mga bagay na nasa loob ng tao na kailangang tuusin ay natuos, at ang tao ay nakapagdala ng matunog na patotoo, si Satanas ay matatalo rin, at kahit na magkaroon man ng kaunti sa mga bagay na iyon na dati nang nasa loob ng tao na hindi lubos na nalinis, sa oras na matalo si Satanas, hindi na ito magiging sanhi ng gulo, at sa oras na iyon ang tao ay nalinis na nang lubos. Ang tao ay hindi pa kailanman nakaranas ng gayong buhay, ngunit kapag natalo si Satanas, ang lahat ay maisasaayos at yaong mga walang kwentang bagay sa loob ng tao ay malulutas; lahat ng iba pang mga gulo ay matatapos sa oras na ang pangunahing suliranin ay malutas. Sa panahon ng pagkakatawang-tao ng Diyos sa lupa, nang Kanyang personal na isagawa ang Kanyang gawain sa tao, ang lahat ng gawain na Kanyang isinasagawa ay nang upang matalo si Satanas, at matatalo Niya si Satanas sa pamamagitan ng paglupig sa tao at pagpapasakdal sa inyo. Kapag kayo ay naglahad ng matunog na patotoo, ito, gayundin, magiging palatandaan ng pagkatalo ni Satanas. Sa una ang tao ay nalupig at sa huli lubos na ginawang perpekto nang upang matalo si Satanas. Sa diwa, gayunman, kasama ng pagkatalo ni Satanas ito ang sabay-sabay na pagkaligtas sa lahat ng sangkatauhan mula rito sa malalim na dagat ng kalungkutan. Hindi alintana kung ang gawain mang ito ay isasakatuparan sa buong mundo o sa Tsina, ito lahat ay upang matalo si Satanas at madala ang kaligtasan sa kabuuan ng sangkatauhan nang sa gayon ay pumasok ang tao sa dako ng kapahingahan. Alam mo, ang normal na katawan ng Diyos na nagkatawang-tao ay tiyak na para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang gawain ng katawang-taong Diyos ay ginagamit upang magdala ng kaligtasan sa kanilang lahat sa ilalim ng langit na umiibig sa Diyos, ito ay para sa kapakanan ng panlulupig sa lahat ng sangkatauhan, at, higit pa rito, para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang kaibuturan ng lahat ng gawaing pamamahala ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa pagkatalo ni Satanas upang madala ang kaligtasan sa lahat ng sangkatauhan. Bakit, sa dinami-dami nitong gawain, lagi na lamang sinasabi na maglahad kayo ng patotoo? At kanino patungkol ang patotoo na ito? Hindi ba ito nakadirekta kay Satanas? Ang patotoo na ito ay ginagawa sa Diyos, at ito ay ginagawa upang magpatotoo na nakamit na ang resulta ng gawain ng Diyos. Ang pagpapatotoo ay may kinalaman sa gawain sa pagtalo kay Satanas; kung wala lamang ang digmaan kay Satanas, kung gayon ay hindi na kailangang magpatotoo ng tao. Ito ay dahil kailangang matalo si Satanas, kaalinsabay ng pagliligtas sa tao, iniuutos ng Diyos na magpatotoo sa Kanya ang tao sa harapan ni Satanas, na siyang ginagamit Niya upang iligtas ang tao at makipaglaban kay Satanas. Bilang resulta, ang tao ay parehong sa layunin ng kaligtasan at kasangkapan sa pagkatalo ni Satanas, at kaya ang tao ay nasa sentro ng gawain sa kabuuang pamamahala ng Diyos, at si Satanas ay ang layunin lamang ng pagkawasak, ang kalaban. Maaaring maramdaman mo na wala kang nagawa, ngunit dahil sa mga pagbabago sa iyong disposisyon, ang pagpapatotoo ay nailahad na, at ang patotoong ito ay patungkol kay Satanas at hindi ginawa para sa tao. Ang tao ay hindi angkop upang masiyahan sa gayong patotoo. Papaano niya mauunawaan ang gawain na ginawa ng Diyos? Ang layon ng laban ng Diyos ay si Satanas; ang tao, samantala, ay ang tanging layunin ng kaligtasan. Nasa tao ang tiwaling disposisyon ni Satanas, at walang kakayahan na maunawaan ang gawaing ito. Ito ay dahil sa katiwalian ni Satanas. Ito ay hindi likas na nasa loob ng tao, ngunit idinirekta ni Satanas. Ngayon, ang pangunahing gawain ng Diyos ay upang matalo si Satanas, iyon ay, upang ganap na lupigin ang tao, nang sa gayon ay makapaglahad ng huling patotoo ang tao sa Diyos sa harapan ni Satanas. Sa ganitong paraan, ang lahat ng bagay ay matatapos. Sa maraming mga kaso, sa iyong mata lamang ay mukhang walang nangyaring anuman, ngunit sa katotohanan, ang gawain ay naganap na. Kinakailangan ng tao na ang lahat ng gawain sa pagiging ganap ay malinaw, ngunit hindi gagawing malinaw sa iyo, natapos Ko na ang Aking gawain, dahil si Satanas ay sumuko, ibig sabihin ito ay lubos na natalo, na nadaig si Satanas ng lahat ng karunungan, kapangyarihan at awtoridad ng Diyos. Ito ang eksaktong patotoo na dapat mailahad, at bagaman wala itong malinaw na pagpapahayag sa tao, bagaman hindi ito makikita na gamit ang mata lamang, si Satanas ay natalo na. Ang kabuuan ng gawaing ito ay dinirekta laban kay Satanas, at isasakatuparan dahil sa digmaan kay Satanas. At kaya, maraming mga bagay ang hindi nakikita ng tao bilang matagumpay, ngunit ito’y, sa mga mata ng Diyos, matagal nang matagumpay. Isa ito sa mga panloob na katotohanan sa lahat ng gawain ng Diyos.
Sa oras na matalo si Satanas, ibig sabihin, sa oras na lubos na malupig ang tao, mauunawaan ng tao na ang lahat ng gawaing ito ay para sa kapakanan ng kaligtasan, at ang dahilan ng pagliligtas na ito ay upang mabawi sa mga kamay ni Satanas. Ang 6,000 taong gawain ng pamamahala ng Diyos ay nahahati sa tatlong yugto: ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang Kapanahunan ng Kaharian. Ang tatlong yugtong ito ng gawain ay para lahat sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, na ang ibig sabihin, ang mga ito ay para sa kaligtasan ng isang sangkatauhan na labis na pinasama ni Satanas. Ngunit, kasabay nito, ang mga ito ay para rin makapagsagawa ang Diyos ng pakikidigma kay Satanas. Kaya, yayamang ang gawain ng pagliligtas ay nahahati sa tatlong yugto, kaya ang pakikidigma kay Satanas ay nahahati rin sa tatlong yugto, at ang dalawang aspeto ng gawain ng Diyos ay sabay na pangangasiwaan. Ang pakikidigma kay Satanas ay talagang para sa kapakanan ng kaligtasan ng sangkatauhan, at dahil sa ang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay hindi isang bagay na maaaring matagumpay na makumpleto sa iisang yugto, ang pakikidigma kay Satanas ay hinati rin sa mga bahagi at yugto, at isasagawa ang digmaan kay Satanas alinsunod sa mga pangangailangan ng tao at sa lawak ng katiwalian ni Satanas sa kanya. Marahil, sa imahinasyon ng tao, siya ay naniniwala na sa digmaang ito ay maghahandang makipagsagupaan ang Diyos laban kay Satanas, sa parehong paraan na ang dalawang hukbo ay maglalaban sa isat-isa. Ito lamang ay bagay na kayang guni-gunihin ng talino ng tao, at ito ay lubos na malabo at di makatotohanang mga ideya, ngunit ito ang pinaniniwalaan ng tao. At sapagkat sinasabi Ko rito na ang paraan ng ikaliligtas ng tao ay sa pamamagitan ng pakikidigma kay Satanas, iniisip ng tao na sa ganitong paraan isasagawa ang pakikidigma. Sa gawain sa kaligtasan ng tao, tatlong yugto na ang natupad, ito ay upang sabihin na ang pakikidigma kay Satanas ay hinati sa tatlong yugto bago pa ang lubos na pagkatalo kay Satanas. Ngunit ang panloob na katotohanan ng kabuuang gawain sa pakikidigma kay Satanas ay ang mga epekto nito ay matatamo sa pamamagitan ng pagkakaloob ng biyaya sa tao, at pagiging alay sa kasalanan ng tao, pagpapatawad sa mga kasalanan ng tao, paglupig sa tao, paggawang perpekto sa tao. Sa katunayan, ang pakikidigma kay Satanas ay hindi ang paghandang makipagsagupaan laban kay Satanas, ngunit ang kaligtasan ng tao, ang paggawa sa buhay ng tao, at ang pagbabago sa disposisyon ng tao upang siya ay maglahad ng patotoo sa Diyos. Sa ganito natalo si Satanas. Si Satanas ay matatalo sa pamamagitan ng pagbabago sa tiwaling disposisyon ng tao. Kapag natalo na si Satanas, ito ay, kapag ang tao ay lubos nang ligtas, sa gayon ang napahiyang si Satanas ay tuluyan nang magagapos, at sa ganitong paraan, ang tao ay lubos nang maliligtas. At kaya, ang diwa ng kaligtasan ng tao ay ang pakikidigma kay Satanas, at ang digmaan kay Satanas ay unang-unang masasalamin sa kaligtasan ng tao. Ang yugto sa mga huling araw, kung saan ang tao ay lulupigin, ay ang huling yugto sa digmaan kay Satanas, at ito rin ang gawain sa lubos na kaligtasan ng tao sa sakop ni Satanas. Ang panloob na kahulugan ng paglupig sa tao ay ang pagbabalik ng sagisag ni Satanas, ang tao na pinasama ni Satanas, sa Lumikha kasunod ng kanyang paglupig, sa pamamagitan nito ay pababayaan niya si Satanas at tuluyang magbabalik sa Diyos. Sa ganitong paraan, ang tao ay tuluyan nang maliligtas. At kaya, ang gawain ng panlulupig ay ang huling gawain sa pakikidigma laban kay Satanas, at ang huling yugto sa pamamahala ng Diyos para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Kung wala ang gawain na ito, ang lubos na kaligtasan ng tao sa huli ay magiging imposible, ang ganap na pagkatalo ni Satanas ay magiging imposible rin, at ang sangkatauhan ay hindi kailanman makapapasok sa kamangha-manghang hantungan, o makalalaya sa impluwensya ni Satanas. Dahil dito, ang gawain sa pagliligtas ng tao ay hindi maaaring matapos hanggang ang pakikidigma kay Satanas ay matapos, sapagkat ang buod ng gawain sa pamamahala ng Diyos ay para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao. Ang pinakaunang sangkatauhan ay nasa mga kamay ng Diyos, ngunit dahil sa tukso at katiwalian ni Satanas, ang tao ay nagapos ni Satanas at nahulog sa mga kamay ng masama. Kaya, si Satanas ay naging bagay na tatalunin sa gawain ng pamamahala ng Diyos. Sapagkat ang tao ay inari ni Satanas, at dahil ang tao ang produkto sa lahat ng pamamahala ng Diyos, kung ililigtas ang tao, kung gayon ay kailangang siyang agawin sa mga kamay ni Satanas, ito ay upang sabihin na ang tao ay kailangang mabawi pagkatapos nitong mabihag ni Satanas. Si Satanas ay natalo sa pamamagitan ng mga pagbabago sa lumang disposisyon ng tao na nagpanumbalik sa kanyang orihinal na pakiramdam, at sa ganitong paraan, ang tao, na nabihag, ay maaaring maagaw muli sa mga kamay ni Satanas. Kung mapalalaya ang tao sa impluwensya at pagkaalipin ni Satanas, mapapahiya si Satanas, ang tao sa huli ay mababawi, at si Satanas ay magagapi. At dahil ang tao ay napalaya mula sa madilim na impluwensya ni Satanas, at ang tao ang magiging samsam sa lahat ng mga labanang ito, at si Satanas ay magiging bagay na parurusahan sa oras na matapos ang labanang ito, pagkatapos na ang kabuuang gawain sa kaligtasan ng sangkatauhan ay makumpleto na.
Ang Diyos ay walang masamang hangarin tungo sa mga nilikha at nagnanais lamang na matalo si Satanas. Lahat ng Kanyang gawain—maging ito man ay pagkastigo o paghatol—ay nakadirekta kay Satanas; ito ay ipatutupad para sa kapakanan ng kaligtasan ng tao, ang lahat ay upang matalo si Satanas, at ito ay mayroong isang layunin: ang makidigma kay Satanas hanggang sa katapusan! At ang Diyos ay hindi magpapahinga hangga’t hindi Siya nagwawagi kay Satanas! Siya ay magpapahinga lamang sa oras na matalo na Niya si Satanas. Sapagkat ang lahat ng gawain na isinagawa ng Diyos ay nakadirekta kay Satanas, at dahil sa ang lahat ng pinasama ni Satanas ay nasa ilalim ng kontrol ng sakop ni Satanas at nabubuhay lahat sa sakop ni Satanas, kung hindi nakipagdigma ang Diyos laban kay Satanas o patnubayan silang humiwalay rito, hindi maglulubay si Satanas sa paghawak niya sa mga taong ito, at hindi sila maaaring matamo. Kung hindi sila natamo, patutunayan nito na si Satanas ay hindi pa natalo, na ito ay hindi pa nadaig. At kaya, sa 6,000-taong plano sa pamamahala ng Diyos, sa unang yugto ginawa Niya ang gawain ng Kautusan, sa ikalawang yugto ginawa Niya ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, iyon ay, ang gawain ng pagpapako sa krus, at sa ikatlong yugto ginawa Niya ang gawain ng panlulupig sa sangkatauhan. Ang lahat ng gawaing ito ay nakadirekta sa lawak na kung saan pinasama ni Satanas ang sangkatauhan, ang lahat ng ito ay upang matalo si Satanas, at walang isa man sa mga yugto ang hindi para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Ang diwa ng 6,000-taong gawain sa pamamahala ng Diyos ay ang digmaan laban sa malaking pulang dragon, at ang gawain ng pamamahala sa sangkatauhan ay ang gawain din ng pagtalo kay Satanas, at ang gawain pakikidigma kay Satanas. Nakidigma ang Diyos ng 6,000 taon, at kaya gumawa ng 6,000 taon, upang sa huli ay madala ang tao sa bagong kaharian. Kapag si Satanas ay natalo, ang tao ay ganap nang magiging malaya. Hindi ba ito ang pinatutunguhan ng gawain ng Diyos ngayon? Ito ang eksaktong pinatutunguhan ng gawain sa ngayon: ang lubos na pagpapalaya at pagpapakawala sa tao, at nang hindi na siya sakop ng anumang patakaran, o nililimitahan ng anumang mga saklaw o mga pagbabawal. Lahat ng gawaing ito ay ginagawa alinsunod sa inyong tayog at alinsunod sa inyong mga pangangailangan, ibig lang sabihin na kayo ay pinaglalaanan sa kung anuman ang maaari ninyong tapusin. Hindi ito kaso ng “pagtataboy sa isang pato sa dapuan,” ng pamimilit sa inyo na gawin ang mga bagay na lampas sa inyong kakayahan; sa halip, ang lahat ng gawaing ito ay ipinatutupad alinsunod sa inyong aktuwal na pangangailangan. Ang bawat yugto ng gawain ay alinsunod sa totoong pangangailangan at kinakailangan ng tao, at para sa kapakanan ng pagtalo kay Satanas. Sa katunayan, sa pasimula ay walang mga hadlang sa pagitan ng Lumikha at ng Kanyang mga nilikha. Lahat ay dulot ni Satanas. Hindi na magawang makita o mahipo ng tao ang anuman dahil sa panggugulo at katiwalian ni Satanas. Ang biktima ay ang tao, siya ang nalinlang. Sa oras na matalo si Satanas, mamamasdan ng mga nilikha ang Lumikha, at titingnan ng Lumikha ang mga nilikha at magagawang personal na pangunahan sila. Ito lamang ang buhay na dapat taglayin ng tao sa lupa. At kaya, ang gawain ng Diyos una sa lahat ay upang matalo si Satanas, at sa oras na matalo si Satanas, ang lahat ay malulutas. Ngayon, nakita mo na totoong mahalagang bagay para sa Diyos na dumating sa gitna ng tao. Hindi siya dumating upang gugulin ang bawat araw sa paghahanap ng mali sa inyo, upang sabihin ang ganito at ganoon, o para lamang hayaan kayong makita kung ano ang Kanyang itsura, at kung paano Siya magsalita o mamuhay. Ang Diyos ay hindi naging tao para lamang hayaan kayo na tingnan Siya, o upang buksan ang inyong mga mata, o upang hayaan kayo na marinig ang mga misteryo na Kanyang sinalita at ang pitong tatak na Kanyang binuksan. Sa halip, Siya ay naging tao upang matalo si Satanas. Personal Siyang nagpunta sa tao nang nasa katawang-tao upang iligtas ang tao, upang makipagdigma kay Satanas, at ito ang kahalagahan ng Kanyang pagkakatawang-tao. Kung ito ay hindi lamang upang matalo si Satanas, kung gayon Hindi Niya personal na isasagawa ang gawaing ito. Ang Diyos ay dumating sa lupa upang isagawa ang Kanyang gawain sa mga tao, upang personal na ibunyag sa tao ang Sarili Niya, at tulutan ang tao na mapagmasdan Siya; Ito ba ay maliit na bagay? Ito ay tunay na mahalagang bagay! Hindi ito gaya ng iniisip ng tao na ang Diyos ay dumating nang sa gayon ay makita Siya ng tao, nang upang maunawaan ng tao na ang Diyos ay tunay at hindi malabo o hungkag, na ang Diyos ay mataas ngunit mapagkumbaba din. Ganoon lang ba ito kasimple? Ito ay tiyak na dahil pinasama ni Satanas ang laman ng tao, at ang tao ang siyang binabalak iligtas ng Diyos, na kailangang maging tao ang Diyos upang makidigma kay Satanas at personal na maging pastol ng tao. Ito lamang ang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain. Ang dalawang katawang-tao ng Diyos ay lumitaw nang upang matalo si Satanas, at lumitaw din nang upang higit na mailigtas. Iyon ay dahil ang tanging maaaring makidigma kay Satanas ay ang Diyos, maging ito man ay sa Espiritu ng Diyos o sa katawang-tao ng Diyos. Sa madaling sabi, hindi maaaring ang mga anghel ang siyang makidigma kay Satanas, lalong hindi maaaring ito ay ang tao, na ginawang tiwali ni Satanas. Walang kapangyarihan ang mga anghel na gawin ito, at ang tao ay lalo namang mas inutil. Sa gayon, kung nanaisin ng Diyos na trabahuin ang buhay ng tao, kung nanaisin Niyang personal na pumunta sa lupa upang trabahuin ang tao, kung gayon ay kailangan Niyang personal na maging tao, iyon ay, kailangan Niyang personal na suutin ang katawang-tao, at sa Kanyang likas na pagkakakilanlan at sa gawain na kailangan Niyang gawin, pumunta sa tao at personal na iligtas ang tao. Kung hindi, kung ang Espiritu ng Diyos o ng tao ang gumawa sa gawaing ito, kung gayon ang digmaan na ito ay mabibigo magpakailanman na makamit ang epekto nito, at hindi matatapos kailanman. Kapag ang Diyos ay naging tao upang personal na makidigma laban kay Satanas doon pa lamang magkakaroon ng pagkakataon ang tao sa kaligtasan. Bilang karagdagan, sa gayon lang mapapahiya si Satanas, at maiiwang walang kahit anumang pagkakataon na magsamantala o anumang mga plano na isasakatuparan. Ang gawain na isinasagawa ng Diyos na nagkatawang-tao ay di maaaring makamtan ng Espiritu ng Diyos, at lalo pang hindi makakayang gawin sa pangalan ng Diyos ng sinumang tao na makalaman, sapagkat ang gawain na kanyang ginagawa ay para sa kapakanan ng buhay ng tao, at upang baguhin ang tiwaling disposisyon ng tao. Kung ang tao ay makikisali sa digmaang ito, tatakas lamang siya sa kahabag-habag na kaguluhan, at basta na lang hindi kakayaning mapagbago ang tiwaling disposisyon ng tao. Siya ay mawawalan ng kakayahan sa pagliligtas sa tao mula sa krus, o ang panlulupig sa lahat ng mapaghimagsik na katangian ng sangkatauhan, ngunit makakaya lamang na gumawa ng kaunting lumang gawain batay sa tuntunin, o ng anupamang gawain na walang kaugnayan sa pagkatalo ni Satanas. Kaya bakit mag-aalala? Ano ang kabuluhan ng gawain na hindi makakayang matamo ang tao, lalong hindi matalo si Satanas? At kaya, ang digmaan kay Satanas ay maipatutupad lamang ng Diyos Mismo, at hindi basta makakayang gawin ng tao. Ang tungkulin ng tao ay tumalima at sumunod, sapagkat hindi makakayang gawin ng tao ang gawain sa pagbubukas ng bagong panahon, ni, higit pa rito, hindi niya kayang ipatupad ang gawain ng pakikidigma kay Satanas. Maaari lamang mapasaya ng tao ang Lumikha sa ilalim ng pangunguna ng Diyos Mismo, sa pamamagitan nito ay natalo si Satanas; ito lang ang isang bagay na kayang gawin ng tao. At kaya, sa bawat sandaling magsisimula ang isang bagong digmaan, na ang ibig sabihin, sa bawat sandaling magsisimula ang gawain sa bagong panahon, ang gawaing ito ay personal na isasagawa ng Diyos Mismo, sa pamamagitan nito pangungunahan Niya ang buong panahon, at magbubukas ng isang bagong landas para sa kabuuan ng sangkatauhan. Ang pasimula ng bawat bagong panahon ay isang bagong simula sa pakikidigma kay Satanas, sa pamamagitan nito makapapasok ang tao sa mas bago, mas magandang kaharian at isang bagong panahon na personal na pinangungunahan ng Diyos Mismo. Ang tao ang dalubhasa sa lahat ng mga bagay, ngunit silang mga natamo ay magiging mga bunga ng lahat ng digmaan kay Satanas. Si Satanas ang nagpapasama sa lahat ng mga bagay, ito ang talunan sa katapusan ng lahat ng digmaan, at siya ring maparurusahan pagkatapos ng mga digmaan na ito. Sa pagitan ng Diyos, ng tao at ni Satanas, tanging si Satanas ang siyang kasusuklaman at itatakwil. Ang mga natamo ni Satanas ngunit mga hindi nabawing muli ng Diyos, samantala, yaon ang siyang mga makatatanggap ng kaparusahan sa pangalan ni Satanas. Sa tatlong ito, tanging ang Diyos ang dapat sambahin ng lahat ng mga bagay. Yaong mga pinasama ni Satanas subalit mga nabawing muli ng Diyos at mga sinusundan ang landas ng Diyos, samantala, sila ang makatatanggap ng pangako ng Diyos at hahatol sa mga masasamang tao para sa Diyos. Ang Diyos ang tiyak na magiging matagumpay at tiyak na matatalo si Satanas, ngunit sa mga tao ay mayroong mga mananalo at mayroong mga matatalo. Yaong mga mananalo ay mapapabilang sa Matagumpay, at yaong mga matatalo ay mapapabilang sa sawi; ito ang pag-uuri sa bawat isa alinsunod sa uri, ito ang huling kalalabasan ng lahat ng gawain ng Diyos, ito rin ang layunin ng lahat ng gawain ng Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Ang sentro ng pangunahing gawain sa plano sa pamamahala ng Diyos ay nakatuon sa kaligtasan ng tao, at ang Diyos ay naging tao sa kapakanan unang-una ng lahat ng kaibuturang ito, para sa kapakanan ng gawaing ito, at nang upang matalo si Satanas. Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay dahil din upang matalo si Satanas: Personal Siyang naging tao, at personal Siyang ipinako sa krus, upang makumpleto ang gawain ng unang digmaan, na siyang gawain para sa kaligtasan ng sangkatauhan. Gayundin, ang yugto na ito ng gawain ay personal ding ginawa ng Diyos, na naging tao upang isagawa ang Kanyang gawain sa gitna ng tao, upang personal na sabihin ang Kanyang salita at tulutan ang tao na makita Siya. Mangyari pa, hindi maiiwasan na gagawa rin Siya ng ilang ibang gawain habang Siya ay naglalakbay, ngunit ang pangunahing dahilan kung kaya personal Niyang isinasakatuparan ang Kanyang gawain ay upang matalo si Satanas, upang lupigin ang kabuuan ng sangkatauhan, at upang matamo ang mga taong ito. At kaya, ang gawain ng pagkakatawang-tao ng Diyos ay tunay na mahalaga. Kung ang Kanyang layunin ay upang ipakita lang sa tao na ang Diyos ay mapagpakumbaba at nakatago, at ang Diyos ay tunay, kung ito ay para lamang sa kapakanan ng pagsasagawa sa gawaing ito, kung gayon ay hindi na kakailanganin pa na maging tao. Kahit na hindi naging tao ang Diyos, maibubunyag Niya ang Kanyang pagpapakumbaba at pagkatago, ang Kanyang kadakilaan at kabanalan, sa tao nang tuwiran, ngunit ang gayong mga bagay ay walang kinalaman sa gawain ng pamamahala sa tao. Ang mga ito ay walang kakayahan na mailigtas ang tao o gawin siyang ganap, lalong hindi nila kayang talunin si Satanas. Kung ang pagtalo kay Satanas ay kinabibilangan lamang ng pakikipaglaban ng Espiritu laban sa isang espiritu, kung gayon ang ganoong gawain ay magkakaroon nang higit pang mas mababang halaga; wala itong kakayahang matamo ang tao at wawasakin lang ang kapalaran at mga inaasam ng tao. Dahil dito, ang gawain ng Diyos sa kasalukuyan ay may malalim na kabuluhan. Ito ay hindi lang upang makita Siya ng tao, o nang sa gayon ay mabuksan ang mga mata ng tao, o upang bigyan siya ng kaunting pagpapakilos at pampalakas ng loob; ang gayong gawain ay walang kabuluhan. Kung kaya mo lang magsalita ukol sa ganitong uri ng karunungan, kung gayon ay pinatutunayan nito na hindi mo alam ang tunay na kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos.
Ang gawain sa kabuuang plano sa pamamahala ng Diyos ay personal na isasagawa ng Diyos Mismo. Ang unang yugto—ang paglikha sa mundo—personal na isinagawa ng Diyos Mismo, at kung hindi naging ganoon, hindi makakaya ninuman na likhain ang sangkatauhan; ang ikalawang yugto ay ang pagtubos sa kabuuan ng sangkatauhan, at ito ay personal na isinagawa ng Diyos Mismo; ang ikatlong yugto ay malinaw na malinaw: Mayroon pang higit na pangangailangan para sa katapusan ng lahat ng gawain ng Diyos na gagawin ng Diyos Mismo. Ang gawain ng pagtubos, panlulupig, pagtamo, at pagsakdal sa buong sangkatauhan ay personal na isasakatuparan ng Diyos Mismo. Kung hindi Niya personal na gagawin ang gawaing ito, kung gayon ang Kanyang pagkakakilanlan ay hindi maaaring katawanin ng tao, o gagawin ng tao ang Kanyang gawain. Upang matalo si Satanas, upang matamo ang sangkatauhan, at upang mabigyan ang tao ng isang normal na buhay sa lupa, personal Niyang pangungunahan ang tao at personal na gagawa sa tao; para sa kapakanan ng Kanyang kabuuang plano sa pamamahala, at para sa lahat ng Kanyang gawain, kailangang personal Niyang gawin ang gawain na ito. Kung naniniwala lang ang tao na ang Diyos ay dumating upang mamasdan niya at pasayahin siya, kung gayon ang ganoong paniniwala ay walang halaga, walang kabuluhan ang mga ito. Ang kaalaman ng tao ay masyadong mababaw! Sa pamamagitan lamang ng pagpapatupad nito sa Sarili Niya maaaring gawin ng Diyos ang gawaing ito nang ganap at kumpleto. Walang kakayahan ang tao na gawin ito sa pangalan ng Diyos. Yayamang wala siyang pagkakakilanlan ng Diyos o ng Kanyang diwa, wala siyang kakayahang gawin ang Kanyang gawain, at kahit magkaroon man ang tao, hindi ito magkakaroon ng anumang epekto. Ang unang pagkakataon na naging tao ang Diyos ay para sa kapakanan ng pagtubos, upang tubusin ang kabuuan ng sangkatauhan mula sa kasalanan, upang gawing may kakayahan ang tao na maging malinis at mapatawad sa kanyang mga kasalanan. Ang gawain ng panlulupig ay personal ding isinagawa ng Diyos sa tao. Kung, sa yugtong, magsasalita lamang ang Diyos ukol sa propesiya, kung gayon ang isang propeta o sinumang mayroong kaloob ay maaaring matagpuan upang palitan ang Kanyang puwesto; kung ang mga propesiya ay sinasalita lamang, makapaninindigan ang tao sa Diyos. Ngunit kung personal na gagawin ng tao ang gawain ng Diyos Mismo at siyang gagawa sa buhay ng tao, magiging imposible para sa kanya na gawin ang gawaing ito. Ito ay kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo: Kailangang personal na maging tao ang Diyos upang magawa ang gawaing ito. Sa Panahon ng Salita, kung ang propesiya ay ipinahahayag lamang, kung gayon si Elias na propeta ay maaaring masumpungan upang gawin ang gawaing ito, at hindi na kakailanganin na personal itong gawin ng Diyos Mismo. Sapagkat ang gawain na isinasagawa sa yugtong ito ay hindi basta pagpapahayag ng propesiya, at dahil higit na kailangan na ang gawain sa mga salita ay gagamitin upang lupigin ang tao at matalo si Satanas, ang gawaing ito ay hindi maaaring gawin ng tao, at kailangang personal na gawin ng Diyos Mismo. Sa Kapanahunan ng Kautusan si Jehovah ay gumawa ng bahagi sa gawain ng Diyos, pagkatapos nito ay nagpahayag Siya ng ilang mga salita at gumawa ng ilang gawain sa pamamagitan ng mga propeta. Iyon ay dahil maaaring humalili ang tao para sa gawain ni Jehovah, at mahuhulaan ng mga manghuhula ang mga bagay at makapagbibigay-kahulugan sa ilang mga panaginip sa Kanyang pangalan. Ang gawain na isinagawa noong pasimula ay hindi ang gawain sa tuwirang pagbabago sa disposisyon ng tao, at walang kinalaman sa kasalanan ng tao, ang tao ay kinailangan lamang na mamalagi sa kautusan. Kaya si Jehovah ay hindi naging tao at hindi ibinunyag ang Sarili Niya sa tao; sa halip Siya ay nagpahayag nang tuwiran kay Moises at sa iba pa, pinagsalita sila at pinagawa sa Kanyang pangalan, at nagbigay daan sa kanila upang tuwirang gumawa sa gitna ng sangkatauhan. Ang unang yugto ng gawain ng Diyos ay ang pangunguna sa tao. Ito ang simula ng digmaan kay Satanas, ngunit ang digmaang ito ay hindi pa opisyal na nagsisimula. Ang opisyal na pakikidigma kay Satanas ay nagsimula sa unang pagkakatawang-tao ng Diyos, at ito ay nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Ang unang pagkakataon ng digmaang ito ay nang ang Diyos na nagkatawang-tao ay ipinako sa krus. Ang pagpapako sa krus ng Diyos na nagkatawang-tao ang tumalo kay Satanas, at ito ang unang matagumpay na yugto ng digmaan. Kapag nagsimula ang Diyos na nagkatawang-tao na trabahuin ang buhay ng tao, ito ang opisyal na pagsisimula ng gawain sa pagbawi sa tao, at dahil ito ang gawain sa pagbabago ng dating disposisyon ng tao, ito ang gawain sa pakikidigma kay Satanas. Ang yugto ng gawaing isinagawa ni Jehovah noong pasimula ay ang pangunguna lang sa buhay ng tao sa lupa. Ito ang simula ng gawain ng Diyos, at bagaman hindi pa kabilang dito ang anumang digmaan, o anumang pangunahing gawain, inilatag nito ang saligan para sa digmaang darating. Kinalaunan, ang ikalawang yugto ng digmaan sa panahon ng Kapanahunan ng Biyaya ay kinabibilangan ng pagpapabago sa dating disposisyon ng tao, ibig sabihin ang Diyos Mismo ang pumanday sa buhay ng tao. Ito ay kinailangang personal na gawin ng Diyos: Kinailangan nito na personal na maging tao ang Diyos, at kung hindi Siya naging tao, walang sinuman ang makapapalit sa Kanya sa yugtong ito ng gawain, dahil kumakatawan ito sa gawain ng tuwirang pakikidigma laban kay Satanas. Kung ito ay isinagawa ng tao sa pangalan ng Diyos, kapag tumayo ang tao sa harapan ni Satanas, hindi susuko si Satanas at magiging imposible na talunin ito. Kinailangan na ang Diyos na nagkatawang-tao ang dumating upang talunin ito, sapagkat ang diwa ng Diyos na nagkatawang-tao ay Diyos pa rin, Siya pa rin ang buhay ng tao, at Siya pa rin ang Lumikha; anumang mangyari, ang Kanyang pagkakakilanlan at diwa ay hindi magbabago. At kaya, Siya ay nagsuklob ng katawang-tao at isinagawa ang gawain at binigyang-daan ang ganap na pagsuko ni Satanas. Sa panahon ng pagsisimula ng gawain sa mga huling araw, kung ang tao ang gagawa ng gawaing ito, pinapagpahayag nang tuwiran sa mga salitang ito, kung gayon ay hindi niya magagawang makipag-usap sa kanila, at kung ang propesiya ay ipinahayag, kung gayon ay wala itong kakayahang sa panlulupig ng tao. Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao, dumating ang Diyos upang talunin si Satanas at bigyang-daan ang ganap na pagsuko nito. Lubos Niyang natalo si Satanas, ganap na nalupig ang tao, at lubos na natamo ang tao, at sa gayon ang yugtong ito ng gawain ay makukumpleto, at makakamit ang tagumpay. Sa pamamahala ng Diyos, hindi maaaring humalili ang tao sa Diyos. Lalo na, ang gawain para sa pangunguna sa panahon at paglulunsad sa bagong gawain ay higit na nangangailangan ng pagiging personal na pagsasagawa ng Diyos Mismo. Ang pagbibigay sa tao ng pagbubunyag at paglalaan sa kanya ng propesiya ay maaaring gawin ng tao, ngunit kung ito ay gawain na kailangang personal na gawin ng Diyos, gawain ukol sa digmaan sa pagitan ng Diyos Mismo at ni Satanas, kung gayon ang ganitong gawain ay hindi maaaring isagawa ng tao. Sa panahon ng unang yugto ng gawain, nang wala pang digmaan laban kay Satanas, personal na pinangunahan ni Jehovah ang mga tao ng Israel gamit ang propesiyang ipinahayag ng mga propeta. Pagkatapos nito, ang ikalawang yugto ng gawain ay ang digmaan kay Satanas, at personal na naging tao ang Diyos Mismo, dumating na nasa katawang-tao upang isagawa ang gawaing ito. Ang anumang may kinalaman sa digmaan kay Satanas ay kinapapalooban din ng pagkakatawang-tao ng Diyos, nangangahulugan na ang digmaang ito ay hindi maaaring isagawa ng tao. Kung ang tao ang makikidigma, hindi niya makakayang talunin si Satanas. Paano siyang magkakaroon ng lakas na makipaglaban dito habang nasa ilalim pa rin ng sakop nito? Ang tao ay nasa gitna: Kung ikaw ay hihilig patungo kay Satanas nabibilang ka kay Satanas, ngunit kung iyong napalugod ang Diyos nabibilang ka sa Diyos. Kung ang tao ay hahalili sa Diyos sa gawain ng digmaang ito, makakaya ba niya? Kung nagawa niya, hindi ba maaaring matagal na siyang namatay? Maaaring matagal na siyang nakapasok sa mundo sa ibaba? At kaya, hindi kayang palitan ng tao ang Diyos sa Kanyang gawain, na ibig sabihin na hindi taglay ng tao ang diwa ng Diyos, at kung ikaw ay nakipagdigma kay Satanas kakayanin mong matalo ito. Maaari lamang gumawa ng ilang gawain ang tao; maaari lamang makahalina ng ilang tao, ngunit hindi siya maaaring humalili sa Diyos sa gawain ng Diyos Mismo. Paano makikidigma ang tao laban kay Satanas? Ikaw ay kukuning bihag ni Satanas bago ka pa man magsimula. Ang Diyos Mismo lamang ang maaaring makidigma kay Satanas, at sa batayang ito ang tao ay maaaring sumunod sa Diyos at sundin Siya. Sa paraan lang na ito maaaring matamo ng Diyos ang tao at makatatakas sa pagkakagapos kay Satanas. Masyadong limitado ang maaaring makamtan ng tao gamit ang kanyang karunungan, awtoridad at mga kakayahan; hindi niya kakayaning gawing buo ang tao, ang pangunahan siya, at, higit pa rito, ang talunin si Satanas. Hindi kakayanin ng talino at karunungan ng tao na hadlangan ang mga pamamaraan ni Satanas, kaya papano siya makikidigma rito?
Lahat ng niyaong mga nagnanais na gawing perpekto ay magkakaroon ng pagkakataon na gawing perpekto, kaya ang lahat ay kailangang huminahon: Sa hinaharap papasukin mo ang lahat ng hantungan. Ngunit kung ayaw mong gawing perpekto, at ayaw mong pumasok sa kamangha-manghang kaharian, kung gayon sarili mo nang suliranin iyon. Lahat niyaong mga nagnanais na gawing perpekto at tapat sa Diyos, lahat niyaong mga sumusunod, at lahat niyaong mga tumutupad nang tapat sa kanilang tungkulin—lahat ng gayong mga tao ay maaaring gawing perpekto. Ngayon, lahat niyaong mga hindi tumutupad nang tapat sa kanilang tungkulin, lahat niyaong mga hindi tapat sa Diyos, lahat niyaong mga hindi sumusuko sa Diyos, lalo na ang mga nakatanggap ng pagliliwanag at pagpapalinaw ng Banal na Espiritu ngunit hindi naman isinasagawa ito—ang lahat ng gayong mga tao ay hindi maaaring gawing perpekto. Lahat niyaong mga nagnanais na maging tapat at susunod sa Diyos ay maaaring gawing perpekto, kahit sila ay ignorante nang bahagya; lahat niyaong mga nagnanais na magpatuloy ay maaaring maging sakdal. Hindi na kailangang mag-alala ukol dito. Hangga’t nagnanais kang magpatuloy sa direksiyon na ito, maaari kang gawing perpekto. Ayaw Kong pabayaan o alisin ang sinuman sa inyo, ngunit kung hindi magsusumikap ang tao nang mabuti, kung gayon ay sinisira mo lamang ang iyong sarili; hindi Ako ang siyang mag-aalis sa iyo, kundi ikaw mismo. Kung ikaw mismo ay hindi magsusumikap nang mabuti—kung ikaw ay tamad, o hindi ginagampananang iyong tungkulin, o hindi ka tapat, o hindi mo hinahanap ang katotohanan, at palaging ginagawa ang anumang iyong maibigan, gugugol ng salapi at magkakaroon ng mga ugnayang seksuwal, kung gayon ay hinahatulan mo ang iyong sarili, at hindi ka nararapat kahabagan ninuman. Ang Aking layunin ay para lahat kayo ay gawing perpekto, at kahit matamo man lamang, nang upang ang yugtong ito ng gawain ay matagumpay na makumpleto. Ang kahilingan ng Diyos na ang bawat tao ay gagawing perpekto, sa huli ay matamo Niya, upang lubos Niyang malinis, at upang maging yaong Kanyang iniibig. Hindi na mahalaga kung sabihin Ko mang kayo ay paurong o mababa ang uri—ito ay totoong lahat. Ang pagsasabi Ko nito ay hindi nagpapatunay na layunin Kong pabayaan kayo, na nawalan na Ako ng pag-asa sa inyo, lalong hindi na ayaw Kong iligtas kayo. Naparito Ako ngayon upang trabahuin ang gawain para sa inyong kaligtasan, na ibig lang sabihin na ang gawain na aking isasagawa ay isang pagpapatuloy lang ng gawain ng pagliligtas. Ang bawat tao ay may pag-asa upang gawing perpekto: Ito ay kung ikaw ay nakahanda, ito ay kung ikaw ay maghahangad, sa katapusan magagawa mong makamit ang mga epekto, at walang sinuman sa inyo ang mapababayaan. Kung mababa man ang iyong uri, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa kababaan ng iyong uri; kung mataas ang iyong uri, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa kataasan ng iyong uri; kung ikaw ay ignorante at mangmang, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong kamangmangan; kung ikaw ay may pinag-aralan, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa antas ng iyong pinag-aralan; kung ikaw ay nakatatanda, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay alinsunod sa iyong katandaan; kung ikaw ay may kakayahang magbigay ng kagandahang-loob, ang Aking mga kakailanganin sa iyo ay ibabatay dito; kung sasabihin mong hindi ka makapagbibigay ng kagandahang-loob, at magagampanan mo lamang ang isang partikular na tungkulin, maging ito man ay pagpapalaganap ng ebanghelyo, o pag-aalaga sa iglesia, o pagdalo sa iba’t-ibang mga pangkalahatan na ugnayan, Ang Aking pagka-perpekto sa iyo ay alinsunod sa tungkulin na iyong ginagampanan. Ang pagiging tapat, ang pagsunod hanggang sa katapusan, at ang paghangad ng pinakadakilang pag-ibig sa Diyos—ito ang kailangang mong maisakatuparan, at wala nang iba pang mas magandang mga pagsasagawa kaysa sa tatlong bagay na ito. Sa huli, kinakailangang makamit ng tao ang tatlong bagay na ito, at kung kaya niyang makamit ang mga ito siya ay gagawing perpekto. Ngunit, sa ibabaw ng lahat, dapat kang talagang maghangad, dapat kang aktibong magpatuloy nang pasulong at pataas, at huwag maging walang kibo tungo rito. Aking nasabi na ang bawat tao ay may pag-asang gawing perpekto, at may kakayahang gawing perpekto, at ito’y kabilang, ngunit kung hindi mo susubukang maging mas mahusay sa iyong paghahangad, kapag hindi mo nakamit ang tatlong mga batayan na ito, kung gayon sa bandang huli, dapat kang maalis. Nais Ko na ang lahat ay makahabol, nais na ang lahat ay makamtan ang gawain at ang pagliliwanag ng Banal na Espiritu, at magawang sumunod hanggang katapusan, sapagkat ito ang tungkulin na dapat gampanan ng bawat isa sa inyo. Kapag nagampanan na ninyong lahat ang inyong tungkulin, lahat kayo ay magagawang perpekto, magkakaroon din kayo ng matunog na patotoo. Ang lahat ng mayroong patotoo ay yaong mga naging matagumpay laban kay Satanas at natamo ang pangako ng Diyos, at sila ay ang mga mananatili upang manirahan sa kamangha-manghang hantungan.
Mga Talababa:
a. Ang nilalahad ng orihinal na teksto “ngayon, ito ay dahil.”

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Mga Talababa:
a. Ang nilalahad ng orihinal na teksto “ngayon, ito ay dahil.”
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
1. Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
1. Pagkaunawa sa Kidlat ng Silanganan
2. Ang Pinagmulan at Pagsulong ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos