Kidlat ng Silanganan|Salita ng Diyos| Ang Ikalabinlimang Pagbigkas
Ang tao ay nilalang na walang sariling kaalaman. Gayon man, kahit na hindi niya kayang makilala ang sarili niya, kilalang-kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang palad, para bang lahat ng ibang tao ay nakapasa at nakatanggap ng kanyang pagsang-ayon bago sila gumawa o magsalita ng kahit ano pa man, at dahil dito, tila nakuha niya ang buong sukat ng lahat ng iba hanggang sa kanilang katayuang pang-kaisipan. Lahat ng mga tao ay ganito. Ang tao ay nakapasok na ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, ngunit ang kanyang kalikasan ay nananatiling walang pagbabago. Siya ay gumagawa pa rin tulad ng ginagawa Ko sa harap Ko, ngunit sa Aking likuran, nag-uumpisa na siyang gawin ang kanyang pansariling natatanging “kalakalan.” Kapag ito ay natapos na at siya ay muling lumalapit sa Akin, gayunman, siya ay mistulang ibang tao na tila may mapangahas na kahinahunan, may anyong mapagtimpi, panatag ang pulso. Hindi ba’t ito ang ganap na patunay kung bakit ang tao ay kasuklam-suklam? Ilan ang mga taong nagsusuot ng dalawang mukha na ganap na magkaiba, isa sa Aking harapan at isa naman sa Aking likuran? Ilan sa kanila ang tila mga tupang bagong panganak sa Aking harapan ngunit sa Aking likuran ay nagiging mandaragit na tigre, kilalang-kilala niya ang lahat ng tao gaya ng kanyang palad, nang masaya sa mga burol? Ilan ang mga nagpapakita ng layon at pagtatalaga sa Aking harapan? Ilan ang mga lumalapit sa Akin na hinahanap ang Aking mga salita nang may pagkauhaw at pananabik, ngunit sa Aking likuran ay kinasusuyaan at itinatanggi ang mga ito, na tila ang Aking mga salita ay pabigat? Sa napakaraming beses, na nakita Ko ang sangkatauhang ginawang masama ng Aking kaaway, nawalan na Ako ng pag-asa sa sangkatauhan. Napakaraming beses, nakikitang lumalapit ang tao sa Akin na luhaan upang humingi ng tawad, ngunit dahil sa kanyang kawalan ng paggalang sa sarili, ang kanyang hindi na magbabago pang katigasan ng ulo, isinara Ko ang Aking mga mata sa kanyang mga gawi sa galit, kahit pa ang kanyang puso ay wagas at ang kanyang mga intensiyon ay tapat. Napakaraming beses na, nakikita Ko ang tao ay may kakayahang magtiwala sa pakikipagtulungan sa Akin, at kung paano, sa Aking harapan, siya ay tila nakahimlay sa Aking yakap, nilalasap ang init ng Aking yakap. Napakaraming beses na, nakikita ang kawalan ng malay, kasiglahan, at kagandahan ng Aking piniling bayan, sa Aking puso, lagi Akong nasisiyahan dahil sa mga bagay na ito. Ang mga tao ay hindi alam kung paano matuwa sa kanilang itinakdang mga pagpapala sa Aking mga kamay, dahil hindi nila alam ang pangunahing kahulugan ng pagpapala o pagdurusa. Sa ganitong kadahilanan, ang sangkatauhan ay malayo sa pagiging taimtim sa kanilang paghahanap sa Akin. Kung walang tinatawag na kinabukasan, sino sa inyo, tumatayo sa Aking harapan, mistulang kasing-puti ng pinaspas na niyebe, tulad ng walang-dungis na lantay na jade? Tiyak na ang pag-ibig ninyo sa Akin ay hindi maipagpapalit sa masarap na pagkain, o magarang mga kasuotan, o isang mataas na katungkulan na may kaakit-akit na kabayaran? O kaya ba itong ipalit sa pagmamahal na inukol sa iyo ng iba? Tunay nga, na ang pinagdadaang pagsubok ay hindi magtutulak sa tao na talikdan ang kanyang pag-ibig sa Akin? Tunay nga, ang pagdurusa at kapighatian ay hindi magsasanhi sa kanya na magreklamo laban sa Aking isinaayos? Walang sinumang tao ang kailanma’y talagang napahalagahan ang espadang taglay ng Aking bibig: Nalalaman lamang niya ang mababaw na kahulugan nito nang hindi talagang inuunawa nang mas malalim. Kung ang mga tao ay tunay na nakita ang talim ng Aking espada, sila ay magsisitakbo na parang mga daga sa kanilang mga lungga. Dahil sa kanilang pagkamanhid, ang mga tao ay walang naiintindihan sa totoong kahulugan ng Aking mga salita, at sila ay walang kaalaam-alam kung gaano kahirap-talunin ang Aking mga salita, o kung gaano ang kanilang kalikasan ay nabubunyag, at kung gaano ang kanilang kasamaan ay nakatanggap ng paghatol, na napapaloob sa mga salitang iyon. Sa kadahilanang ito, ayon sa kanilang hilaw na kaisipan tungkol sa Aking mga salita, karamihan ng tao ay may maligamgam at di-naglalaang saloobin.
Sa loob ng kaharian, hindi lamang ang mga pagbigkas ang lumalabas sa Aking bibig, ngunit ang Aking mga paa rin ay tumatapak nang may pagpipitaganan saan mang dako ng lupa. Sa ganitong paraan, Ako ay nagtatagumpay laban sa lahat ng marumi at karumaldumal na mga lugar, nang sa gayon, hindi lamang ang langit ang nagbabago, kundi pati ang mundo ay nasa proseso ng pagbabago, na mapanibago sa nalalapit na hinaharap. Sa loob ng kosmos, lahat ay nagiging bago ayon sa ningning ng Aking kaluwalhatian, naglalahad ng kagiliw-giliw na anyo na nang-aakit sa damdamin at nag-aangat sa espiritu, na tila ang tao ay umiiral ngayon sa isang langit sa kabilang dako pa ng kalangitan, na ayon sa pagkaintindi ng tao, hindi nagagambala ni Satanas, at malaya sa pagsalakay ng mga kaaway mula sa labas. Sa taas ng kosmos, ang di-mabilang na mga bituin ay kukunin ang nakatalagang lugar para sa mga ito ayon sa Aking utos, ikinikislap ang kanilang liwanag sa rehiyon ng mga bituin sa mga oras ng kadiliman. Wala ni isang nilalang ang maglalakas-loob na mag-isip ng kasutilan, kaya naman, ayon sa diwa ng Aking mga batas sa pangangasiwa, ang buong sansinukob ay maayos na pinapatnubayan at nasa perpektong kalagayan: Walang kaguluhan kailanman ang lumitaw, ni hindi nasira ang pagkakaisa ng kosmos kailanman. Lumilipad Akong patalon sa ibabaw ng mga bituin, at kapag pinakikislap ng araw ang mga sinag nito, pinapawi Ko ang kanilang init, nagpapadala ng mga higanteng mala-bulak na niyebe na sinlaki ng balahibo ng gansa na lumulutang pababa mula sa Aking mga kamay. Ngunit kapag nagbago Ako ng Aking isip, lahat ng niyebe ay natutunaw patungo sa ilog. Sa isang iglap, ang tagsibol ay sumibol sa lahat ng dako sa ilalim ng kalangitan, at binabago ng luntiang esmeralda ang anyo ng buong tanawin sa ibabaw ng daigdig. Nagpapagala-gala Ako sa taas ng kalawakan, at kaagad, ang mundo ay nababalutan ng maitim na maitim na kadiliman nang dahil sa Aking hugis: Walang anu-ano, ang “gabi” ay dumating na, at napakadilim sa buong mundo na hindi makita ang kamay sa harap ng mukha. Sa paglaho ng liwanag, ang sangkatauhan ay sinasamantala ang pagkakataon na simulan ang isang pagdaluhong ng pagwasak sa isa’t isa, nang-aagaw, at nandarambong mula isa sa isa pa. Ang mga bansa sa daigdig, bumabagsak sa magulong pagkawatak-watak, pumasok sa katayuang maputik na kaguluhan, hanggang sa umabot sila sa puntong walang katubusan. Ang mga tao ay nakikipagpunyagi sa tindi ng pagdurusa, umuungol at dumadaing sa kalagitnaan ng pagdurusa, nagbubunton ng kaawa-awang panaghoy sa kanilang pagdurusa, hinahangad na maibalik muli ang liwanag sa kanilang kalagitnaan at upang matapos na ang mga araw ng kadiliman at ibalik ang sigla na dating umiiral. Ngunit matagal Ko nang naiwanan ang sangkatauhan sa isang pitik ng Aking mga manggas, hindi na kailanman muling maaawa sa kanya para sa mga kamalian ng mundo: Matagal Ko nang kinayayamutan at itinatakwil ang mga tao ng buong mundo, ipinikit ang Aking mga mata sa mga kalagayan ng mundo, itinalikod ang Aking mukha sa bawat galaw ng tao, ang kanyang bawat kilos, at tinigilang matuwa sa kanyang pagsilang at kamusmusan. Ako ay nagsisimula na sa ibang plano na panibaguhin ang mundo, upang itong bagong mundo ay makatuklas ng panibagong pagsilang nang nasa oras at hindi na muli pang mailulubog. Sa gitna ng sangkatauhan, ilang kakatwang katayuan ang naghihintay na itama Ko sila, ilang kamalian pa ba ang kailangan upang Ako ay dumating nang personal upang pigilang mangyari ang mga ito, gaano karaming alikabok ang Aking wawalisin, ilang kahiwagaan ang Aking ilalantad: Buong sangkatauhan ay naghihintay sa Akin, at nananabik sa Aking pagdating.
Sa lupa, Ako ang praktikal na Diyos Mismo na nasa puso ng mga tao; sa langit, Ako ang Panginoon ng buong sangnilikha. Naakyat Ko ang mga bundok at tinawid ang mga ilog, Ako rin ay naglabas-pasok na sa kalagitnaan ng sangkatauhan. Sino ang hayagang mangangahas na sumalungat sa praktikal na Diyos Mismo? Sino ang mangangahas na makaalpas sa paghahari ng Makapangyarihan-sa-lahat? Sino ang mangangahas na igiit na Ako ay, nang walang alinlangan, nasa langit? Muli, sino ang mangangahas na igiit na Ako ay, nang walang katiting na posibilidad na magkamali, nasa lupa? Walang ni isa sa buong sangkatauhan ang may kakayanang ipaliwanag nang malinaw sa bawat detalye ang mga lugar na Aking tinitirhan. Maaari kaya, na kapag Ako ay nasa langit, Ako kung gayon ang di-pangkaraniwang Diyos Mismo? Maaari kaya, na kapag Ako ay nasa lupa, Ako kung gayon ang praktikal na Diyos Mismo? Na Ako ang Tagapamahala ng buong sangnilikha, o na Ako ay nakararanas ng mga pagdurusa sa mundo ng mga tao—siguradong ang mga ito ay hindi magpapasiyahan kung Ako o hindi ang praktikal na Diyos Mismo? Kung ganyan ang iniisip ng tao,[a] hindi ba siya mangmang sa lahat ng pag-asa? Ako ay nasa langit; Ako rin ay nasa lupa; Ako ay kasama sa di-mabilang na mga bagay ng sangnilikha at gayundin ay nasa kalagitnaan ng di-mabilang na mga tao. Mahihipo Ako ng tao araw-araw; bukod pa rito; maaari niya Akong makita araw-araw. Kung pagkatao ang pag-uusapan, Ako minsan ay tila nagtatago at minsan ay nakikita; tila may tunay na pag-iral Ako, ngunit Ako rin ay tila walang katauhan. Nasa Akin ang mga hiwagang hindi maarok ng sangkatauhan. Ang lahat ng tao ay tila sinisilip Ako sa pamamagitan ng isang mikroskopyo upang maghanap ng lalong higit pang kahiwagaan sa Akin, umaasang sa gayon maiwaksi ang duda sa kanilang mga puso. Ngunit kahit na sila ay gumamit ng pluroskopo, papaano maisisiwalat ng sangkatauhan ang mga lihim na nakatago sa Akin?
Kapag ang Aking bayan, sa pamamagitan ng Aking paggawa, ay luluwalhatiing kasama Ko, sa sandaling iyon ang pugad ng malaking pulang dragon ay mahuhukay, lahat ng putik at dumi ay nalinis, at ang nadumhang tubig, na naipon sa di-mabilang na mga taon, na natuyo sa Aking mga nag-aalab na apoy, ay hindi na muling iiral. Dahil diyan, ang malaking pulang dragon ay mamamatay sa dagat-dagatang apoy at asupre. Kayo ba ay nahahandang manatili sa ilalim ng Aking maingat na pagkalinga upang hindi maagaw ng dragon? Tunay bang kinamumuhian ninyo ang mapanlinlang na pakana nito? Sino ang may kakayanang magtaglay ng matapat na pagpapatotoo para sa Akin? Alang-alang sa Aking Pangalan, alang-alang sa Aking Espiritu, alang-alang sa Aking plano sa pamamahala—sino ang may kakayahang mag-alay ng lahat ng kanyang lakas ng pangangatawan? Ngayon, kapag ang kaharian ay nasa mundo ng mga tao, ang panahon na Ako ay personal na darating sa mundo ng mga tao. Kung hindi, mayroon bang sinuman, nang malakas ang loob, na lumalaban sa digmaan alang-alang sa Akin? Upang ang kaharian ay mabuo, upang ang Aking puso ay makuntento, at muli, upang ang Aking araw ay dumating, upang ang panahon ay dumating na ang di-mabilang na mga bagay sa sangnilikha ay isilang muli at lumagong masagana, upang ang sangkatauhan ay mailigtas sa dagat ng pagdurusa, upang makarating ang kinabukasan, upang ito ay maging kamangha-mangha, at mamulaklak at yumabong, at muli, ang kaligayahan ng hinaharap ay mangyari, ang buong sangkatauhan ay nagpupunyagi nang buong kalakasan nila, walang itinitira sa pag-aalay ng kanilang sarili para sa Akin. Hindi ba ito ang hudyat na ang tagumpay ay Akin na, at isang tanda ng kaganapan ng Aking plano?
Mas maraming tao ang nabubuhay sa mga huling araw, mas mararamdaman nila ang pagka-hungkag ng mundo at ang di-gaanong lakas ng loob mayroon sila sa pamumuhay. Sa dahilang ito, hindi na mabilang ang mga taong namatay sa kabiguan, hindi na mabilang ang ibang nabigo sa kanilang paghahanap, at hindi na mabilang ang ibang mga dumanas mismo ng pagmamanipula ni Satanas. Napakarami Kong taong iniligtas, napakarami Kong sinaklolohan, at, madalas pa, kapag nawala ng mga tao ang liwanag, naibabalik Ko sila sa lugar ng liwanag, upang makilala nila Ako sa gitna ng liwanag, at Ako ay kagiliwan sa gitna ng kaligayahan. Dahil sa pagdating ng Aking liwanag, sumisibol ang pagsamba mula sa puso ng mga tao na naninirahan sa Aking kaharian, sapagkat Ako ay isang Diyos na iibigin ng sangkatauhan, isang Diyos kung kanino ang sangkatauhan ay kumakakapit sa kawili-wiling kaugnayan, at ang sangkatauhan ay puno ng nananatiling pagkakilala sa Aking kaanyuhan. Ngunit, kapag ang lahat ay nasabi at nagawa na, wala nang nakakaintindi kung ito ba ay ang pagkilos ng Espiritu, o ginagawa ng laman. Ang isang bagay na ito lamang ay sapat na para sa tao upang maranasan sa pinakamaliit na detalye nito sa buong habambuhay. Hindi kailanman Ako hinamak ng tao sa kaibuturan ng kanyang puso; bagkus, kumapit siya sa Akin sa kaibuturan ng kanyang espiritu. Ang Aking karunungan ay pinalalaki ang kanyang paghanga, ang mga kababalaghan na Aking ginagawa ay kasiyahan sa kanyang mga mata, ang Aking mga salita ay lumilito sa kanyang isip, ngunit itinatangi pa rin niya ang mga ito nang buong paggiliw. Ang Aking katunayan ay pinapaging nag-aapuhap ang tao, gulat na gulat at naguguluhan, ngunit, handa pa rin niyang tanggapin ang lahat ng ito. Hindi ba ito ang tiyak na sukatan ng kanyang tunay na pagkatao?
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay nababasa bilang “Sa halimbawang ito.”

Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Marso 13, 1992
Mga Talababa:
a. Ang orihinal na teksto ay nababasa bilang “Sa halimbawang ito.”
Ang pinagmulan:Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Rekomendasyon:
Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
kapag bumalik si Jesus, kukunin parin ba niya ang pangalang "Jesus " ?