Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang tinig ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Noah, bahaghari, Diyos, Biblia, kuwento

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I


  Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay napakahalaga, di-maiiwasan na suliranin kung saan ay hindi kaya ng sangkatauhan na ihiwalay ang kanyang sarili mula dito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya sa Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa disposisyon ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”
  Mula sa panahong nagsimula ang tao na manampalataya sa Diyos, hinarap na nila ang mga paksang tulad ng Gawain ng Diyos, Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo. Kapag pinag-usapan natin ang gawain ng Diyos, sasabihin ng iba na: “Ang gawain ng Diyos ay ginagawa sa atin; nararanasan natin ito sa araw-araw, kaya hindi tayo bago sa bagay na ito.” Sa usapin ng disposisyon ng Diyos, may ilang tao ang magsasabi na: “Ang disposisyon ng Diyos ay isang paksang ating pinag-aaralan, sinasaliksik, at binibigyang-pansin sa ating buong buhay, kaya dapat na kabisado natin ito.” Tungkol naman sa Diyos Mismo, sasabihin ng ilan na: “Ang Diyos Mismo ang aming sinusunod, ang aming pinapanampalatayanan, at ang aming sinisikap na matamo, kaya hindi rin tayo mangmang tungkol sa Kanya.” Hindi kailanman huminto ang Diyos sa Kanyang gawain mula pa sa paglikha, kung saan patuloy Niyang ipinahahayag ang Kanyang disposisyon at gumamit Siya ng iba’t ibang paraan upang ipahayag ang Kanyang salita. Kasabay nito, hindi Siya kailanman huminto sa pagpapahayag ng Sarili Niya at ng Kanyang diwa sa sangkatauhan, sa pagpapahayag ng Kanyang kalooban sa tao at kung ano ang hinihingi Niya mula sa tao. Kaya mula sa literal na pananaw, hindi na dapat bago para sa sinuman ang mga paksang ito. Ngunit para sa mga taong sumusunod sa Diyos sa mga araw na ito, ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo ay totoong lingid lahat sa kaalaman nila. Bakit ganoon ito? Habang nararanasan ng tao ang gawain ng Diyos, napakikitunguhan din nila ang Diyos, na ang pakiramdam nila ay para bang nauunawaan nila ang disposisyon ng Diyos o nalalaman nila ang bahagi ng kaanyuan nito. Kaya hindi iniisip ng tao na siya’y isang estranghero sa gawain ng Diyos o sa disposisyon ng Diyos. Sa halip, iniisip ng tao na kilalang-kilala niya ang Diyos at marami siyang nauunawaan tungkol sa Diyos. Ngunit batay sa kasalukuyang kalagayan, ang pagkakaunawa ng marami sa Diyos ay hanggang doon lamang sa mga nabasa nila sa mga aklat, limitado lamang sa saklaw ng sariling mga karanasan, nahahadlangan ng kanilang mga imahinasyon, at higit sa lahat, umaabot lamang sa mga katunayang nakikita ng sarili nilang mga mata. Ang lahat ng ito ay napakalayo mula sa tunay na Diyos Mismo. Sa gayon gaano kalayo itong “malayo”? Marahil hindi sigurado ang tao sa sarili niya, o marahil may kaunting pagkaunawa ang tao, may kaunting ideya—ngunit kapag tungkol ito sa Diyos Mismo, ang pagkaintindi ng tao sa Kanya ay napakalayo mula sa diwa ng Diyos Mismo. Kaya kailangan natin ang paksang tulad ng “Ang Gawain ng Diyos, Ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo” upang maayos at espesipikong pag-usapan ang impormasyong ito.
  Sa katunayan, ang disposisyon ng Diyos ay lantad sa lahat at hindi nakatago, dahil hindi kailanman sinadyang umiwas ang Diyos sa sinumang tao at hindi Niya kailanman sinadyang hangarin na itago ang Sarili Niya upang hindi Siya makilala o maunawaan ng mga tao. Ang disposisyon ng Diyos ay palaging bukas at palaging nakaharap sa bawat tao sa isang lantad na paraan. Sa pamamahala ng Diyos, ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain na lantad sa lahat; at ginawa Niya sa bawat tao ang Kanyang gawain. Sa paggawa Niya ng gawaing ito, patuloy Niyang ibinubunyag ang Kanyang disposisyon, patuloy Niyang ginagamit ang Kanyang diwa at anong mayroon at kung ano ang Diyos upang gabayan at tustusan ang bawat tao. Sa bawat panahon at sa bawat yugto, maganda man o pangit ang mga kalagayan, ang disposisyon ng Diyos ay laging lantad sa bawat indibidwal, at ang Kanyang mga kataglayan at katauhan ay laging lantad sa bawat indibidwal, sa parehong paraan ng palagi at walang-patid na paglalaan at pag-alalay ng Kanyang buhay sa sangkatauhan. Sa kabila ng lahat ng ito, ang disposisyon ng Diyos ay nananatiling nakatago para sa ilan. Bakit ganoon? Dahil bagamat nabubuhay ang mga taong ito sa loob ng gawain ng Diyos at sumusunod sila sa Diyos, hindi nila kailanman pinagsikapang unawain o ginustong makilala ang Diyos, at mas lalo na ang mapalapit sa Diyos. Para sa mga taong ito, ang pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos ay nangangahulugang malapit na ang kanilang katapusan; nangangahulugan ito na malapit na silang hatulan at mapatunayang may sala sa pamamagitan ng disposisyon ng Diyos. Dahil dito, hindi kailanman ginusto ng mga taong na unawain ang Diyos o ang Kanyang disposisyon, at hindi nila sinikap na matamo ang mas malalim na pagkaunawa o kaalaman sa kalooban ng Diyos. Hindi nila nilalayong maintindihan ang kalooban ng Diyos sa pamamagitan ng sinadyang pakikisama—habang-panahon lang sila na nagpapakasaya at hindi nagsasawa sa paggawa ng mga bagay na gusto nila; nananampalataya sa Diyos na nais nilang panampalatayanan; nananampalataya sa Diyos na umiiral lamang sa kanilang mga imahinasyon, ang Diyos na umiiral lamang sa kanilang mga pagkaintindi; at nananampalataya sa isang Diyos na hindi maihihiwalay sa kanila sa araw-araw nilang pamumuhay. Pagdating sa tunay na Diyos Mismo, ganap silang umiiwas, walang pagnanais na maunawaan Siya, makinig sa Kanya, at mas lalo nang kakaunti ang layunin na mapalapit sa Kanya. Ginagamit lang nila ang mga salitang ipinahahayag ng Diyos upang pagandahin ang sarili nilang anyo, upang maging mabenta sila. Para sa kanila, iyon na ang pagiging matagumpay na mananampalataya at iyon na ang mga taong may pananampalataya sa Diyos sa kanilang mga puso. Sa kanilang mga puso, ginagabayan sila ng kanilang mga imahinasyon, ng kanilang mga pagkaintindi, at kahit ang kanilang mga personal na pakahulugan sa Diyos. Sa kabilang banda, ang tunay na Diyos Mismo ay lubos na walang kaugnayan sa kanila. Dahil sa sandaling maunawaan nila ang tunay na Diyos Mismo, maunawaan nila ang tunay na disposisyon ng Diyos, at maunawaan nila kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, nangangahulugan ito na parurusahan ang kanilang mga gawa, ang kanilang mga pananampalataya, at ang kanilang mga pinagkakaabalahan. Iyan ang dahilan kung bakit ayaw nilang unawain ang diwa ng Diyos, at kung bakit nag-aatubili sila at ayaw nilang maging aktibo sa pagsasaliksik o pananalangin upang mas maunawaan ang Diyos, mas lalong malaman ang kalooban ng Diyos, at mas lalong maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Mas gugustuhin pa nila na ang Diyos ay kathang-isip lamang, hungkag at mailap. Mas nanaisin pa nila na ang Diyos ay maging ganap na gaya ng nasa imahinasyon nilang Siya, isang Diyos na sunud-sunuran sa kanila, di-nauubos ang panustos at laging nariyan. Kapag nais nilang tamasahin ang biyaya ng Diyos, hinihiling nila sa Diyos na maging Siya ang biyayang iyon. Kapag kailangan nila ang pagpapala ng Diyos, hinihiling nila sa Diyos na maging Siya ang pagpapalang iyon. Kapag humaharap sila sa kahirapan, hinihiling nila sa Diyos na palakasin ang kanilang loob, na maging tagasalo nila. Ang kaalaman ng mga taong ito tungkol sa Diyos ay nananatili sa nasasaklawan ng biyaya at pagpapala. Ang pagkaunawa nila sa gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos, at sa Diyos ay nalilimitahan lang rin sa kanilang mga imahinasyon at pawang mga l at doktrina lamang. Ngunit may ilang mga taong sabik na maunawaan ang disposisyon ng Diyos, nagnanais na tunay na makita ang Diyos Mismo, at tunay na maunawaan ang disposisyon ng Diyos at anong mayroon at kung ano ang Diyos. Ang mga taong ito ay nagpupursiging mahanap ang reyalidad ng katotohanan at kaligtasan ng Diyos, at nagnanais na matanggap ang paglupig, pagligtas, at pagperpekto ng Diyos. Ginagamit ng mga taong ito ang kanilang mga puso upang bigyang-pansin ang salita ng Diyos, ginagamit ang kanilang mga puso upang pahalagahan ang bawat kalagayan ng bawat tao, pangyayari, o bagay na isinaayos ng Diyos para sa kanila, at nananalangin at nagsasaliksik nang may katapatan. Ang nais nila higit sa lahat ay malaman ang kalooban ng Diyos at maunawaan ang tunay na disposisyon at diwa ng Diyos. Ito ay para hindi na sila magkasala sa Diyos, at sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, mas makita pa nila ang pagkamapagmahal ng Diyos at makita ang tunay Niyang panig. Ito rin ay upang iiral ang bukod-tanging tunay na Diyos sa kanilang mga puso, at upang magkaroon ang Diyos ng lugar sa kanilang mga puso, sa paraang ito hindi na sila mabubuhay sa kalagitnaan ng mga imahinasyon, pagkaintindi, o pagka-mailap. Para sa mga taong ito, ang dahilan kung bakit mayroon silang matinding kagustuhan na maunawaan ang disposisyon ng Diyos at Kanyang diwa ay dahil ang disposisyon ng Diyos at diwa ay mga bagay na maaaring kailanganin ng sangkatauhan sa anumang sandali sa kanilang mga karanasan, mga bagay na tumutustos sa buhay sa kanilang habang-buhay. Sa sandaling maunawaan nila ang disposisyon ng Diyos, magagawa nilang lalong igalang ang Diyos, lalo silang makakatuwang sa gawain ng Diyos, at lalo silang makapagbibigay-halaga sa kalooban ng Diyos at makatutupad ng kanilang tungkulin sa abot ng kanilang mga kakayahan. Ito ang dalawang uri ng tao pagdating sa kanilang saloobin sa disposisyon ng Diyos. Ang una ay ayaw maunawaan ang disposisyon ng Diyos. Kahit pa sabihin nilang nais nilang maunawaan ang disposisyon ng Diyos, makilala ang Diyos Mismo, makita kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, at talagang pahalagahan ang kalooban ng Diyos, sa kaibuturan ng kanilang mga kalooban mas gugustuhin nilang wala na lang ang Diyos. Ito ay dahil palaging sumusuway at lumalaban sa Diyos ang ganitong uri ng mga tao; linalabanan nila ang Diyos para sa puwesto sa sarili nilang mga puso at madalas ay nagdududa o itinatanggi pa ang pag-iral ng Diyos. Ayaw nilang hayaang manahan sa kanilang mga puso ang disposisyon ng Diyos o ang Diyos Mismo. Nais lang nilang pagbigyan ang sarili nilang mga kagustuhan, mga imahinasyon, at mga ambisyon. Kaya ang mga taong ito ay maaaring mananampalataya sa Diyos, sumusunod sa Diyos, at maaari ring isakripisyo ang kanilang mga pamilya at hanapbuhay para sa Kanya, ngunit hindi nila tinatapos ang kanilang mga masasamang kagawian. Ang iba pa nga ay nagnanakaw o nagwawaldas ng mga kaloob, o isinusumpa ang Diyos nang palihim, samantalang ang iba ay maaaring gamitin ang kanilang mga katungkulan upang paulit-ulit na magpatotoo tungkol sa kanilang mga sarili, palaguin ang kanilang mga sarili, at makipag-agawan sa Diyos para sa mga tao at katungkulan. Gumagamit sila ng sari-saring mga paraan at hakbang para sambahin sila ng mga tao, palaging sinusubukang makuha ang mga tao at panghawakan sila. Ang mga iba nga ay sinasadya pang ilihis ang mga tao para isiping sila ay Diyos at maaaring tratuhing parang Diyos. Hinding-hindi nila sasabihin sa mga tao na sila rin mismo ay makasalanan, na sila rin ay tiwali at mayabang, at huwag silang sambahin, at gaano man sila kahusay, ito ay dahil lamang sa pagpaparangal sa Diyos at dapat rin lang naman nilang ginagawa. Bakit hindi nila ito binabanggit? Dahil lubha silang natatakot na mawala ang kanilang lugar sa puso ng mga tao. Ito ang dahilan kung bakit ang mga taong tulad nito ay hindi kailanmang dumakila sa Diyos at hindi kailanmang sumaksi tungkol sa Diyos, katulad ng kailanmang hindi nila pagsubok na unawain ang Diyos. Maaari ba nilang makilala ang Diyos nang hindi Siya nauunawaan? Imposible! Kaya, bagamat maaaring simple ang mga salita sa paksang “Ang Gawain ng Diyos, Ang disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo”, ang kanilang kahulugan ay hindi pare-pareho para sa lahat. Para sa isang taong madalas sumuway sa Diyos, lumalaban sa Diyos, at masama ang pakikitungo sa Diyos, ito ay nangangahulugang pagpaparusa; samantalang para sa isang tao na naghahanap ng reyalidad ng katotohanan at madalas na lumalapit sa Diyos upang hanapin ang kalooban ng Diyos, walang dudang para siyang isda na pinakawalan sa tubig. Kaya sa inyo, kapag ang ilan ay nakarinig ng usaping tungkol sa disposisyon ng Diyos at gawain ng Diyos, magsisimulang sumakit ang kanilang mga ulo, mapupuno ng panlalaban ang kanilang mga puso, at magiging napakabalisa ang mga ito. Ngunit may mga iba sa inyong mag-iisip: Ang paksang ito ang ganap na kailangan ko, dahil lubhang kapakipakinabang sa akin ang paksang ito. Isa itong bahagi na hindi maaaring wala sa karanasan ko sa buhay; ito ang pinakamahalaga sa pinakamahalaga, ang pundasyon ng pananampalataya sa Diyos, at isang bagay na hindi kakayaning talikuran ng sangkatauhan. Para sa inyong lahat, ang paksang ito ay maaaring tila ba parehong malapit at malayo, hindi alam ngunit pamilyar. Ngunit ano pa man, ito ay paksa na dapat pakinggan ng lahat ng mga nakaupo rito, dapat malaman, at dapat maunawaan. Kahit paano ka man makitungo dito, kahit paano mo mang tanawin ito o paano mo mang tanggapin ito, ang kahalagahan ng paksang ito ay hindi maaaring ipagsawalang-bahala.
  Ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain simula pa noong nilikha Niya ang sangkatauhan. Noong simula, napakasimple ang gawain, ngunit kahit na gayon, taglay pa rin nito ang mga pahayag ng diwa at disposisyon ng Diyos. Samantalang ang gawain ng Diyos ngayon ay nasa mas mataas na antas, sa Kanyang pagbubuhos ng napakaraming tunay na gawain sa bawat taong sumusunod sa Kanya at nagpapahayag ng isang makahulugang halaga ng Kanyang salita, mula pa noong simula hanggang ngayon, ang persona ng Diyos ay inilihim sa sangkatauhan. Bagamat dalawang beses na Siyang nagkatawang-tao, mula sa panahon ng mga nasusulat sa Biblia hanggang sa modernong panahon, sino na ang nakakita kailanman sa tunay na persona ng Diyos? Batay sa inyong pang-unawa, kailanman mayroon bang sinuman ang nakakita sa tunay na persona ng Diyos? Wala. Walang sinuman ang nakakita sa tunay na persona ng Diyos, na nangangahulugang walang sinuman ang kailanman ay nakakita sa tunay na sarili ng Diyos. Isang bagay ito na sinasang-ayunan ng lahat. Ang ibig sabihin, ang tunay na persona ng Diyos, o ang Espiritu ng Diyos, ay nakatago mula sa lahat ng sangkatauhan, kasama na sina Adan at Eba, na Kanyang nilikha, at kasama na din ang matuwid na si Job, na Kanyang tinanggap. Kahit sila hindi nila nakita ang tunay na persona ng Diyos. Ngunit bakit sinasadya ng Diyos na itago ang Kanyang tunay na persona? Sabi ng ilang mga tao: “Natatakot ang Diyos na makapanakot ng mga tao.” Sabi ng iba: “Itinatago ng Diyos ang Kanyang tunay na persona dahil masyadong maliit ang tao at ang Diyos ay masyadong malaki; hindi pinapayagang makita Siya ng mga tao, o mamamatay sila.” Mayroon ding mga nagsasabing: “Abala ang Diyos sa pamamahala ng Kanyang gawain sa araw-araw, baka wala siyang panahon na magpakita upang hayaang makita Siya ng mga tao.” Ano man ang inyong paniniwala, may konklusyon ako rito. Ano ang konklusyon na yan? Iyon ay ni hindi gusto ng Diyos na makita ng tao ang tunay Niyang persona. Ang pagtatago mula sa sangkatauhan ay isang bagay na sinasadyang gawin ng Diyos. Sa madaling salita, layunin ng Diyos na hindi makita ng mga tao ang tunay Niyang persona. Malinaw na dapat ito sa lahat. Kung hindi kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang persona sa kanino man, sa palagay ba ninyo ba ay umiiral ang persona ng Diyos? (Umiiral Siya.) Siyempre umiiral Siya. Ang pag-iral ng persona ng Diyos ay hindi matututulan. Ngunit sa kung gaano kalaki ang persona ng Diyos o kung ano ang Kanyang anyo, ito ba ay mga katanungan na dapat saliksikin ng sangkatauhan? Hindi. Ang sagot ay negatibo. Kung ang persona ng Diyos ay isang paksang hindi natin dapat ginagalugad, samakatuwid ano ang tanong na dapat nating bigyang-pansin? (Ang disposisyon ng Diyos.) (Ang gawain ng Diyos.) Ngunit bago natin simulang ipagbigay-alam ang opisyal na paksa, gayon man, balikan natin ang ating tinatalakay kani-kanina lang: Bakit hindi kailanman ipinakita ng Diyos ang Kanyang persona sa sangkatauhan? Bakit sinasadyang itago ng Diyos ang Kanyang persona sa sangkatauhan? Mayroon lamang iisang dahilan, at iyon ay: Bagamat ang nilikhang tao ay dumaan na sa libu-libong taon ng paggawa ng Diyos, wala ni isang taong nakaaalam sa gawain ng Diyos, sa disposisyon ng Diyos, at sa diwa ng Diyos. Ang mga ganoong tao sa mata ng Diyos, ay sumasalungat sa Kanya, at hindi ipinapakita ng Diyos ang Sarili Niya sa mga taong kumakalaban sa Kanya. Ito ang tanging dahilan kung bakit hindi kailanman ipinahayag ng Diyos sa sangkatauhan ang Kanyang persona at kung bakit sinasadya Niyang sanggahan ang Kanyang persona mula sa kanila. Malinaw na ba sa inyo ang kahalagahan ng pag-alam sa disposisyon ng Diyos?
  Simula noong nagkaroon ng pamamahala ng Diyos, lagi na Siyang nakatalagang lubos sa pagsasagawa ng Kanyang gawain. Sa kabila ng pagtatakip ng Kanyang persona mula sa kanila, palagi lang Siyang nasa tabi ng tao, gumagawa sa kanila, nagpapahayag ng Kanyang disposisyon, ginagabayan ang lahat ng sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang diwa, at ginagawa ang Kanyang gawain sa bawat isang tao gamit ang Kanyang kalakasan, ang Kanyang karunungan, at ang Kanyang awtoridad, at sa ganoon ay nilikha Niya ang Kapanahunan ng Kautusan, ang Kapanahunan ng Biyaya, at sa ngayon ang Kapanahunan ng Kaharian. Bagamat itinatago ng Diyos ang Kanyang persona mula sa tao, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang katauhan at mga kataglayan, at ang Kanyang kalooban sa sangkatauhan, ay walang pangingiming ipinahahayag sa tao upang makita at maranasan ng tao. Sa madaling salita, kahit hindi makita o mahipo ng mga tao ang Diyos, ang disposisyon at diwa ng Diyos na napapakitunguhan ng sangkatauhan ay totoong mga pagpapahayag ng Mismong Diyos. Hindi ba iyan ang katotohanan? Sa anumang paraan o mula sa anumang anggulo na gawin ng Diyos ang Kanyang gawain, lagi Niyang tinatrato ang mga tao na ayon sa Kanyang totoong pagkakakilanlan, ginagawa ang dapat Niyang gawin at sinasabi ang dapat Niyang sabihin. Mula sa anumang katayuan mangusap ang Diyos—maaring nakatayo Siya sa ikatlong kalangitan, o nakatayo sa katawang-tao, o kahit bilang isang karaniwang tao—lagi Siyang nangungusap sa tao ng buong puso at sa Kanyang buong kaisipan, nang walang pandaraya o pagkukubli. Kapag ginagawa Niya ang Kanyang gawain, ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang salita at ang Kanyang disposisyon, at ipinahahayag kung anong mayroon at kung ano ang Diyos, nang walang anumang pangingimi. Ginagabayan Niya ang sangkatauhan sa pamamagitan ng Kanyang buhay, at sa Kanyang katauhan, at mga kataglayan. Ganito nabuhay ang tao sa Kapanahunan ng Kautusan—ang panahon ng pagkakanlong para sa katauhan—sa ilalim ng paggabay ng di-makita at di-mahipong Diyos.
  Unang nagkatawang-tao ang Diyos matapos ang Kapanahunan ng Kautusan, isang pagkakatawang-taon na tumagal ng tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Para sa isang tao, ang tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon ba ay mahabang panahon? (Hindi mahaba.) Dahil ang buhay ng isang tao ay karaniwang mas mahaba sa mahigit tatlumpung taon, hindi ito gaanong matagal para sa tao. Ngunit para sa Diyos na nagkatawang-tao, napakahaba itong tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon. Siya ay naging tao—isang karaniwang tao na pumasan sa gawain at utos ng Diyos. Ito ay nangangahulugang kinailangan Niyang gawin ang Gawain na hindi kaya ng karaniwang tao, habang tinitiis rin ang pagdurusang hindi kayang tiisin ng karaniwang mga tao. Ang tindi ng pagdurusang tiniis ng Panginoong Jesus noong Kapanahunan ng Biyaya, mula sa simula ng Kanyang gawain hanggang noong ipinako Siya sa krus, isang bagay na maaaring hindi nakita mismo ng mga tao sa panahong ito, ngunit maaari niyo bang pahalagahan man lamang ang kahit kaunti nito sa pamamagitan ng mga kuwento sa Biblia? Gaano man karami ang mga detalyeng kasama sa mga naitalang ito, sa lahat-lahat, ang gawain ng Diyos sa panahong ito ay punung-puno ng kahirapan at pagdurusa. Para sa isang tiwali na tao, hindi matagal ang panahon na tatlumpu’t-tatlo at kalahating taon; ang kaunting pagdurusa ay balewala lang. Ngunit para sa banal at walang-dungis na Diyos, na kinakailangang magpasan sa lahat ng mga kasalanan ng sangkatauhan, at kumain, matulog, at mabuhay kasama ang mga makasalanan, masyadong malubha ang sakit na ito. Siya ang Manlilikha, ang Panginoon ng lahat ng mga bagay at ang Pinuno ng lahat, ngunit noong pumarito Siya sa mundo, kinailangan Niyang tiisin ang pang-aapi at kalupitan ng mga tiwaling tao. Upang matapos Niya ang Kanyang gawain at mailigtas ang sangkatauhan mula sa kahirapan, kinailangan Siyang parusahan ng tao, at pasanin ang mga kasalanan ng buong sangkatauhan. Ang hangganan ng pagdurusang pinagdaanan Niya ay hindi posibleng maarok o sapat na mapahalagahan ng mga pangkaraniwang tao. Ano ang kinakatawan ng pagdurusang ito? Kinakatawan nito ang katapatan ng Diyos sa sangkatauhan. Kinakatawan nito ang kahihiyang pinagdusahan Niya at ang halagang binayaran Niya para sa kaligtasan ng tao, upang tubusin ang kanilang mga kasalanan, at upang tapusin ang bahaging ito ng Kanyang gawain. Nangangahulugan din ito na ang tao ay matutubos ng Diyos mula sa krus. Ito ay halagang binayaran gamit ang dugo, gamit ang buhay, isang halagang di-kayang bayaran ng mga nilikha. Dahil mayroon Siyang diwa ng Diyos at nasa Kanya ang kung anong mayroon at kung ano ang Diyos kaya nakayanan Niya ang ganitong uri ng pagdurusa at ang ganitong uri ng gawain. Isang bagay ito na walang makagagawa na nilikha maliban sa Kanya. Ito ang gawain ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya at isang pagbubunyag ng Kanyang disposisyon. Nagbunyag ba ito ng anuman tungkol sa kung anong mayroon at kung ano ang Diyos? Dapat lang ba na malaman ito ng sangkatauhan?
  Sa panahong ito, bagamat hindi nakita ng tao ang persona ng Diyos, tinanggap nila ang alay-pangkasalanan ng Diyos at natubos sila ng Diyos mula sa krus. Maaaring walang-alam ang sangkatauhan tungkol sa gawaing ginawa ng Diyos sa Kapanahunan ng Biyaya, ngunit mayroon bang nakaaalam sa disposisyon at kaloobang ipinahayag ng Diyos sa panahong ito? Alam lang ng tao ang tungkol sa mga detalye ng gawain ng Diyos sa iba’t-ibang panahon sa pamamagitan ng iba’t-ibang mga paraan, o may alam sila tungkol sa mga kuwentong may kaugnayan sa Diyos na naganap kasabay ng pagsasagawa ng Diyos sa Kanyang gawain. Ang mga detalye at mga kuwentong ito ay ilang mga impormasyon o mga alamat lamang na tungkol sa Diyos, at walang kaugnayan sa disposisyon ng Diyos at diwa. Kaya kahit na gaano karaming mga kuwento ang alam ng tao tungkol sa Diyos, hindi ito nangangahulugan na may malalim silang pagkaunawa at kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos o Kanyang diwa. Katulad noong Kapanahunan ng Kautusan, bagamat ang mga tao mula sa Kapanahunan ng Biyaya ay nakaranas ng isang malapitan at malalim na pakikitungo sa Diyos sa katawang-tao, sa katunayan wala silang kaalaman tungkol sa disposisyon ng Diyos at diwa ng Diyos.
  Sa Kapanahunan ng Kaharian, muling nagkatawang-tao ang Diyos, katulad ng ginawa Niya noong unang beses. Sa panahong ito ng paggawa, ipinahahayag pa rin ng Diyos nang walang pangingimi ang Kanyang salita, ginagawa ang gawaing dapat Niyang ginagawa, at ipinahahayag kung anong mayroon at kung ano Siya. Kasabay nito, patuloy Niyang tinitiis at pinagbibigyan ang pagkasuwail at kamangmangan ng tao. Hindi ba patuloy pa rin ang Diyos sa pagbunyag ng Kanyang disposisyon at ipinapahayag ang Kanyang kalooban sa panahong ito ng paggawa? Samakatuwid, mula sa pagkalikha ng tao hanggang ngayon, ang disposisyon ng Diyos, ang Kanyang katauhan at mga kataglayan, at ang Kanyang kalooban, ay palaging lantad sa bawat tao. Hindi kailanman sinadyang itago ng Diyos ang Kanyang diwa, ang Kanyang disposisyon, o ang Kanyang kalooban. Wala lang talagang pagpapahalaga ang sangkatauhan tungkol sa kung ano ang ginagawa ng Diyos, ano ang Kanyang kolooban—kaya ang pagkaunawa ng tao sa Diyos ay lubhang kahabag-habag. Sa madaling salita, habang itinatago ng Diyos ang Kanyang persona, Siya ay nakaabang rin sa tabi ng sangkatauhan sa bawat sandali, lantad na ipinaaabot ang Kanyang kalooban, disposisyon, at diwa sa lahat ng oras. Sa isang dako, ang persona ng Diyos ay lantad rin sa mga tao, ngunit dahil sa kabulagan at pagkasuwail ng tao, palaging hindi nila nakikita ang pagpapakita ng Diyos. Kaya kung ganyan ang kalagayan, hindi ba dapat na madali para sa lahat ang pag-unawa sa disposisyon ng Diyos at sa Diyos Mismo? Napakahirap sagutin ang tanong na yan, di ba? Maaari ninyong sabihing madali yan, ngunit habang nagsusumikap ang ilang mga tao na makilala ang Diyos, hindi talaga nila nakikilala ang Diyos o nagkaroon ng malinaw na pagkaunawa sa Kanya—palaging malabo at hindi maliwanag. Ngunit kung sasabihin ninyong ito’y hindi madali, hindi rin naman ito tama. Sa tagal nilang pagiging pakay ng gawain ng Diyos, lahat ay nararapat, sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan, na magkaroon ng totoong mga pakikitungo sa Diyos. Nadama man lamang dapat nila ang Diyos sa anumang antas sa kanilang mga puso o nakatagpo ang Diyos sa nakaraan sa isang antas na espiritwal, at kaya dapat na mayroon man lamang silang kaunting kamalayan sa damdamin tungkol sa disposisyon ng Diyos o nagkaroon ng kaunting pagkaunawa sa Kanya. Mula noong panahong nagsimula ang taong sumunod sa Diyos hanggang ngayon, masyado nang marami ang natanggap ng sangkatauhan, ngunit dahil sa lahat ng uri ng dahilan—ang mababang kalibre ng tao, kamangmangan, pagiging-rebelde, at sari-saring mga layunin—masyadong marami rin ang nawala ng sangkatauhan. Hindi pa ba sapat ang mga naibigay ng Diyos sa sangkatauhan? Bagamat itinatago ng Diyos ang Kanyang persona sa mga tao, tinutustusan Niya sila ng kung anong mayroon at kung ano Siya, at kahit ang buhay Niya; ang kaalaman ng sangkatauhan tungkol sa Diyos ay hindi lamang dapat kung ano ito ngayon. Kaya sa palagay Ko ay kailangang mas pagsamahan sa inyo ang tungkol sa paksang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Ang layunin ay upang hindi mauwi sa wala ang ilang libong taon na pag-aalaga at paglingap na ibinuhos ng Diyos sa tao, at upang tunay na maunawaan ng sangkatauhan at mapahalagahan ang kalooban ng Diyos para sa kanila. Ito ay upang makausad ang mga tao sa isang bagong hakbang sa kanilang pagkakilala sa Diyos. Maibabalik rin nito ang Diyos sa Kanyang nararapat na lugar sa puso ng mga tao, upang mabigyan Siya ng katarungan.
  Upang maunawaan ang disposisyon ng Diyos at ang Diyos Mismo kailangan tayong magsimula sa isang bagay na napakaliit. Ngunit mula sa kaunting bahagi ng alin tayo magsisimula? Una sa lahat, nakahukay ako ng ilang kabanata sa Biblia. Ang impormasyon sa ibaba ay naglalaman ng mga bersikulo sa Biblia, na may kaugnayan lahat sa paksang gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos at ang Diyos Mismo. Natuklasan ko mismo ang mga pagpapatibay na ito bilang sanggunian para matulungan kayong malaman ang gawain ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo. Ibabahagi ko ang mga ito sa inyo upang makita ninyo kung anong uri ng disposisyon at diwa ang ipinahayag ng Diyos sa Kanyang nakaraang gawain ngunit hindi nalalaman ng mga tao. Maaaring luma ang mga kabanatang ito, ngunit ang paksang ating ipinararating ay isang bagong bagay na wala sa mga tao at hindi pa nila kailanman narinig. Maaaring ituring ito ng ilan sa inyo bilang hindi kapani-paniwala—hindi ba’t ang pag-usapan sina Adan at Eba at ang pagbabalik kay Noe ay muling pagbabalik sa nadaanan na natin? Anuman ang inyong palagay, ang mga kabanatang ito ay lubhang kapaki-pakinabang sa pakikipag-usap sa paksang ito at maaaring maging mga panturong teksto o mga pangunahing sangkap para sa pagsasamahan sa araw na ito. Mauunawaan ninyo ang aking mga layunin sa pagpili ko sa mga bahaging ito sa pagtatapos ng pagsasamahan na ito. Maaaring nakita na ng mga nakabasa ng Biblia ang ilan sa mga bersikulong ito, ngunit hindi totoong naunawaan ang mga ito. Tingnan muna natin nang pahapyaw bago natin isa-isahin ang mga ito nang mas detalyado.
  Si Adan at si Eba ang mga ninuno ng sangkatauhan. Kung magbabanggit tayo ng mga tauhan mula sa Biblia, dapat tayong magsimula sa kanilang dalawa. Ang kasunod ay si Noe, ang ikalawang ninuno ng sangkatauhan. Nakikita ba ninyo iyon? Sino ang pangatlong karakter? (Abraham.) Alam ba ninyong lahat ang tungkol sa kuwento ni Abraham? Marahil ay alam ito ng ilan sa inyo, ngunit para sa iba, marahil ay hindi ito gaanong malinaw. Sino ang ikaapat na karakter? Sino ang binabanggit sa kuwento ng pagkasira ng Sodom? (Lot.) Ngunit si Lot ay hindi tinukoy dito. Sino ang tinutukoy dito? (Abraham.) Ang pangunahing bagay na binanggit sa kuwento ni Abraham ay kung ano ang sinabi ng Diyos na si Jehovah. Nakikita ba ninyo ito? Sino ang ikalimang karakter? (Job.) Hindi ba napakarami ang binanggit ng Diyos sa kuwento ni Job sa yugtong ito ng Kanyang gawain? Kung ganoon napakahalaga ba sa inyo ang tungkol sa kuwentong ito? Kung napakahalaga nga ito sa inyo, maingat ba ninyong binasa ang kuwento ni Job sa Biblia? Alam ba ninyo ang mga bagay na sinabi ni Job, ang mga bagay na ginawa niya? Yung mga nakabasa na ng pinakamadalas, ilang beses na ninyong nabasa ito? Madalas ba ninyong basahin ito? Mga kapatirang kababaihan mula sa Hong Kong, pakisabi sa amin. (Binasa ko ito ng ilang beses dati noong nasa Kapanahunan ng Biyaya tayo.) Hindi niyo ba ulit nabasa ito mula noon? Kung gayon, napakalaking kahihiyan iyon. Hayaan ninyong sabihin Ko sa inyo: Sa yugtong ito ng gawain ng Diyos, binanggit Niya si Job ng maraming beses, na sumasalamin sa Kanyang mga layunin. Na binanggit Niya si Job ng maraming beses ngunit hindi ito nakatawag-napansin sa inyo ay bagay na patotoo sa isang katotohanan: Wala Kayong nais sa pagiging mga taong matuwid at mga taong may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan. Dahil masaya na kayo na may pahapyaw na kaalaman tungkol sa kuwento ni Job na tinukoy ng Diyos. Kontento na kayong maunawaan lamang ang mismong kuwento, ngunit hindi ninyo inaalala at hindi ninyo sinusubukang unawain ang mga detalye kung sino si Job bilang isang tao at ang layunin kung bakit tinukoy ng Diyos si Job sa maraming pagkakataon. Kung hindi man lamang kayo interesado sa ganoong tao na pinuri ng Diyos, kung ganoon ano ba talaga ang pinag-uukulan ninyo ng pansin? Kung hindi kayo interesado at hindi ninyo sinusubukang maunawaan ang ganoong kahalagang tao na binanggit ng Diyos, samakatuwid ano ang ipinahihiwatig niyan tungkol sa saloobin ninyo sa salita ng Diyos? Hindi ba napakalungkot niyan? Hindi ba nito pinatutunayang karamihan sa inyo ay hindi nagsasagawa ng mga praktikal na bagay at hindi lahat ay naghahanap ng katotohanan? Kung talagang hinahanap mo ang katotohanan, bibigyan mo ng kaukulang-pansin ang mga taong kinaluluguran ng Diyos at ang mga kuwento ng mga tauhang binanggit ng Diyos. Sa kabila ng kung kaya mong pahalagahan ito o matuklasang maliwanag, pupuntahan mo agad at babasahin ito, susubukang intindihin ito, hahanap ng paraang sundin ang halimbawa nito, at gagawin mo ang lahat sa abot ng iyong kakayahan. Ito ang asal ng isang taong naghahangad ng katotohanan. Ngunit sa totoo lang, karamihan sa inyo na nakaupo rito ay hindi kailanman nabasa ang kuwento ni Job. Talagang may ipinahihiwatig ito.
  Balikan natin ang paksang katatalakay ko lamang. Ang bahaging ito ng kasulatang tumatalakay sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan, higit sa lahat, ay mga kuwento ng mga tauhang aking hinango. Ito ay mga kuwentong alam na ng karamihan ng mga taong nakabasa na ng Biblia. Ang mga tauhang ito ay maraming kinakatawan. Yaong mga nakabasa na ng kanilang mga kuwento ay madarama ang gawaing ginawa ng Diyos sa kanila at ang mga salitang sinabi ng Diyos sa kanila ay totoo at maaaring maranasan ng mga tao sa mga araw na ito. Kapag binasa mo ang mga kuwento at talang ito mula sa Biblia, mas mauunawaan mo kung paano ginawa ng Diyos ang Kanyang gawain at pinakitunguhan ang mga tao noong panahong iyon. Ngunit ang layunin Ko sa paghanap ng mga kabanatang ito ngayon ay hindi upang masubukan mong malaman ang mga kuwento at tauhan ng mga ito. Ngunit, ito ay para makita mo, sa pamamagitan ng mga kuwento ng mga tauhang ito, ang mga gawain ng Diyos at ang disposisyon Niya, at sa gayong paraan ay mas magiging madaling makilala at maunawaan ang Diyos, upang makita ang tunay na panig Niya, upang pigilan ang iyong imahinasyon, upang mahinto ang iyong mga pagkaintindi tungkol sa Kanya, at matapos ang iyong malabong pananampalataya. Ang subukang intindihin ang disposisyon ng Diyos at unawain at kilalanin ang Diyos Mismo nang walang pundasyon ay madalas na maaaring makapagpadama sa iyo ng kawalang-kakayahan, kahinaan, at pagiging alanganin sa kung saan magsisimula. Kaya ko naisip na gamitin ang ganoong pamamaraan at pagtrato sa paksa upang mas maunawaan mo ang Diyos, mas mapahalagahan mo nang totoo ang kalooban ng Diyos, at malalaman ang tungkol sa disposisyon ng Diyos at ang Diyos Mismo, at nang totoong madama mo ang pag-iral ng Diyos at mapahalagahan ang Kanyang kalooban para sa sangkatauhan. Hindi ba kapakipakinabang ito para sa inyo? Ano ngayon ang nararamdaman ninyo sa inyong mga puso kapag muli ninyong tiningnan ang mga kuwento at kasulatang ito? Sa palagay ba ninyo ay kalabisan ang mga banal na kasulatang pinili ko? Kailangan kong bigyang-diin muli ang kasasabi ko lang sa inyo: Ang layunin ng pagpapabasa sa inyo ng mga kuwento ng mga tauhang ito ay upang makatulong sa inyong maintindihan kung paano ginagawa ng Diyos ang Kanyang gawain sa mga tao at ang Kanyang saloobin sa sangkatauhan. Sa paanong paraan ninyo maiintindihan ito? Sa pamamagitan ng gawaing ginawa ng Diyos sa nakaraan, at kasama ang gawaing ginagawa ng Diyos sa kasalukuyan upang matulungan kayong maintindihan ang iba’t-ibang mga bagay na tungkol sa Kanya. Ang iba’t-ibang mga bagay na ito ay totoo, at dapat na malaman at mapahalagahan ng mga nagnanais na makilala ang Diyos.
  Magsisimula tayo ngayon sa kuwento ni Adan at Eba. Una, basahin natin ang banal na kasulatan.
  A. Adan at Eba
  1. Ang Utos ng Diyos kay Adan
  (Gen 2:15-17) At kinuha ng Panginoong Dios ang lalake at inilagay sa halamanan ng Eden, upang kaniyang alagaan at ingatan. At iniutos ng Panginoong Dios sa lalake, na sinabi, Sa lahat ng punong kahoy sa halamanan ay makakakain ka na may kalayaan: Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.
  May nakuha ba kayo na kahit anong bagay mula sa mga bersikulong ito? Ano ang naramdaman ninyo sa bahaging ito ng banal na kasulatan? Bakit hinango mula sa banal na kasulatan ang “Utos ng Diyos kay Adan”? Ang bawat isa na ba sa inyo ay may dagliang larawan ng Diyos at ni Adan sa inyong mga isipan? Maaari ninyong subukin na gunigunihin: Kung kayo yung naroon sa eksenang yun, ano kaya ang magiging anyo ng Diyos sa inyong puso? Ano ang nararamdaman ninyo tungkol sa imaheng ito? Ito ay nakapupukaw at makabagbag-damdaming larawan. Bagamat ang Diyos at ang tao lamang ang narito, ang pagiging malapit nila sa isa’t isa ay lubhang karapat-dapat na kainggitan: Ang masaganang pag-ibig ng Diyos ay walang-kabayarang ipinagkaloob sa tao, bumabalot sa tao; ang tao ay parang bata at inosente, walang kabigatan at walang alalahanin, napakaligayang nabubuhay sa ilalim ng pagtingin ng Diyos; nagpapakita ang Diyos ng malasakit para sa tao, habang ang tao ay nabubuhay sa ilalim ng pag-iingat at pagpapala ng Diyos; ang bawat isang bagay na ginagawa at sinasabi ng tao ay malapit na naka-ugnay at hindi maihihiwalay sa Diyos.
  Maaari ninyong sabihin na ito ang unang utos na ibinigay ng Diyos sa tao simula noong nilikha siya. Ano ang nilalaman ng utos na ito? Taglay nito ang kalooban ng Diyos, ngunit taglay rin nito ang Kanyang mga alalahanin para sa sangkatauhan. Ito ang unang utos ng Diyos, at ito rin ang unang pagkakataon na nag-alala ang Diyos tungkol sa tao. Ang ibig sabihin, mayroong pananagutan ang Diyos para sa tao mula pa noong sandaling nilikha Niya siya. Ano ang Kanyang pananagutan? Kailangan Niyang ingatan ang tao, alagaan ang tao. Umaasa Siyang magtitiwala at susunod ang tao sa Kanyang mga salita. Ito rin ang unang inaasahan ng Diyos mula sa tao. Dahil sa pag-asang ito kaya sinasabi ng Diyos ang mga sumusunod: “Datapuwa’t sa kahoy ng pagkakilala ng mabuti at masama ay huwag kang kakain; sapagka’t sa araw na ikaw ay kumain niyaon ay walang pagsalang mamamatay ka.” Ang mga simpleng salitang ito ay kumakatawan sa kalooban ng Diyos. Ibinubunyag din ng mga ito na ang puso ng Diyos ay nagsimula nang magpakita ng malasakit para sa tao. Sa gitna ng lahat ng mga bagay, si Adan lang ang nilikha sa wangis ng Diyos; si Adan lang ang nabubuhay na taglay ang hininga ng buhay ng Diyos; maaari siyang lumakad kasama ang Diyos, makipag-usap sa Diyos. Ito ang dahilan kaya siya binigyan ng Diyos ng ganoong utos. Ginawang napakalinaw ng Diyos sa utos na ito kung ano ang maaaring gawin ng tao, at kung ano rin ang hindi niya maaaring gawin.
  Sa iilang mga simpleng salita na ito, makikita natin ang puso ng Diyos. Ngunit anong uri ng puso ang makikita natin? May pag-ibig ba sa puso ng Diyos? May malasakit ba doon? Ang pag-ibig at malasakit ng Diyos sa mga bersikulong ito ay hindi lamang napahahalagahan ng mga tao, kundi mainam at totoong madarama rin. Hindi ba ganoon nga? Ngayong nasabi ko na ang mga bagay na ito, sa palagay ba ninyo ay iilang mga simpleng salita lamang ang mga ito? Hindi gaanong simple, di ba? Nakita ba ninyo ito dati? Kung personal na sabihin ng Diyos sa iyo ang iilang mga salita na ito, ano ang mararamdaman mo sa iyong kalooban? Kung ikaw ay isang taong hindi mahabagin, kung ang puso mo ay mala-yelo sa lamig, kung gayon wala kang anumang mararamdaman, hindi mo pahahalagahan ang pag-ibig ng Diyos, at hindi mo sinusubukang maunawaan ang puso ng Diyos. Ngunit kung ikaw ay isang taong may konsensya, may kabaitan, samakatwid iba ang mararamdaman mo. Makararamdam ka ng init, makararamdam mong ikaw ay nililingap at minamahal, at madadama mo ang kasayahan. Hindi ba tama yan? Kapag nadama mo ang mga bagay na ito, paano ka makikitungo sa Diyos? Madadama mo kayang kaugnay ka ng Diyos? Mamahalin at igagalang mo kaya ang Diyos mula sa kaibuturan ng iyong puso? Mapapalapit kaya ang puso mo sa Diyos? Makikita mo mula rito kung gaano kahalaga para sa tao ang pag-ibig ng Diyos. Ngunit ang lubhang mas mahalaga pa ay ang pagpapahalaga at pagkaunawa ng tao sa pag-ibig ng Diyos. Sa katunayan, hindi ba nagsasabi ang Diyos ng maraming kagaya ng mga bagay na ito sa yugtong ito ng Kanyang gawain? Ngunit pinahahalagahan ba ng mga tao sa panahong ito ang puso ng Diyos? Nauunawaan ba ninyo ang katatalakay ko lang na kalooban ng Diyos? Ni hindi ninyo maaninag ang kalooban ng Diyos kapag ito ay tunay, nahahawakan, at makatotohanan. Kaya ko nasasabing wala kayong totoong kaalaman at pagkaunawa sa Diyos. Hindi ba ito totoo? Iyan lamang ang ating pag-uusapan sa seksyong ito.
  2. Nilikha ng Diyos si Eba
  (Gen 2:18-20) At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siya’y ilalalang ko ng isang katulong niya. At nilalang ng Panginoong Dios sa lupa ang lahat ng hayop sa parang at ang lahat ng ibon sa himpapawid; at pinagdadala sa lalake upang maalaman kung anong itatawag niya sa mga iyon: at ang bawa’t itinawag ng lalake sa bawa’t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon. At pinanganlan ng lalake ang lahat ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawa’t ganid sa parang; datapuwa’t sa lalake ay walang nasumpungang maging katulong niya.
  (Gen 2:22-23) At ang tadyang na kinuha ng Panginoong Dios sa lalake ay ginawang isang babae, at ito’y dinala niya sa lalake. At sinabi ng lalake, Ito nga’y buto ng aking mga buto at laman ng aking laman: siya’y tatawaging Babae, sapagka’t sa Lalake siya kinuha.
  May ilang mahahalagang parirala sa bahaging ito ng banal na kasulatan. Pakimarkahan ito: “at ang bawa’t itinawag ng lalake sa bawa’t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon.” Sino kaya ang nagbigay sa lahat ng mga buhay na nilikha ng kanilang mga pangalan? Ito ay si Adan, hindi ang Diyos. May sinasabing katotohanan sa sangkatauhan ang pariralang ito: Binigyan ng Diyos ang tao ng katalinuan noong siya ay Kanyang nilikha. Ang ibig sabihin, ang katalinuhan ng tao ay nagmula sa Diyos. Ito ay isang katiyakan. Ngunit bakit? Matapos likhain ng Diyos si Adan, pumasok ba sa paaralan si Adan? Marunong ba siyang magbasa? Matapos likhain ng Diyos ang iba’t ibang buhay na nilikha, nakilala ba ni Adan ang lahat ng mga hayop na ito? Sinabi ba ng Diyos sa kanya kung ano ang mga pangalan nila? Siyempre, hindi rin itinuro ng Diyos sa kanya kung paano pangalanan ang mga nilikhang ito. Yan ang totoo! Kung ganoon, paano niya nalaman kung paano pangalanan ang mga buhay na nilikhang ito at kung anong uri ng mga pangalan ang ibibigay sa kanila? Ito ay kaugnay sa tanong na kung ano ang idinagdag ng Diyos kay Adan noong nilikha Niya siya. Ang mga katotohanan ay nagpapatunay na noong nilikha ng Diyos ang tao, idinagdag Niya ang Kanyang katalinuan sa kanya. Mahalagang punto ito. Nakinig ba kayong lahat nang mabuti? May isa pang mahalagang punto na dapat na malinaw sa inyo: Matapos pangalanan ni Adan ang mga buhay na nilikhang ito, ang mga pangalang ito ay naitakda sa talasalitaan ng Diyos. Bakit ko sinasabi iyon? May kaugnayan rin ito sa disposisyon ng Diyos at dapat kong ipaliwanag ito.
  Nilikha ng Diyos ang tao, hiningahan siya ng buhay, at binigyan rin siya ng kaunti sa Kanyang katalinuan, sa Kanyang mga kakayahan, at kung anong mayroon at kung ano Siya. Pagkatapos ibigay ng Diyos sa tao ang lahat ng mga ito, nakayang gumawa ng tao ng ilang mga bagay nang nagsasarili at mag-isip nang sarili. Kung ang mabuo at magawa ng tao ay mabuti sa mata ng Diyos, tinatanggap ito ng Diyos at hindi pinakikialaman. Kung ang gawin ng tao ay tama, hahayaan lang iyan ng Diyos. Kaya ano ang ipinahihiwatig ng pariralang “at ang bawa’t itinawag ng lalake sa bawa’t kinapal na may buhay ay yaon ang naging pangalan niyaon”? Ipinahihiwatig nitong hindi gumawa ng anumang pagbabago ang Diyos sa mga pangalan ng iba’t ibang mga buhay na nilikha. Anumang pangalan ang itawag ni Adan dito, sinasabi ng Diyos na “Oo” at itinatala ang pangalan na ganoon nga. Nagpahayag ba ang Diyos ng anumang mga kuro-kuro? Siguradong hindi. Kaya anong nakikita ninyo rito? Binigyan ng Diyos ang tao ng katalinuhan at ginamit ng tao ang katalinuhang bigay ng Diyos upang gumawa ng mga bagay. Kung ang gawain ng tao ay positibo sa mata ng Diyos, ito ay pinapayagan, kinikilala, at tinatanggap ng Diyos nang walang paghuhusga o pamimintas. Ito ay isang bagay na hindi magagawa ng isang tao, masamang espirito, o ni Satanas. Nakakita ba kayo dito ng pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos? Matatanggap ba ng isang tao, isang tiwaling tao, o ni Satanas na may ibang kakatawan sa kanila sa paggawa ng mga bagay sa harap nila mismo? Siyempre hindi! Makikipaglaban ba sila para sa puwesto sa ibang tao na iyon o sa ibang pwersa na naiiba sa kanila? Siyempre oo! Sa sandaling iyon, kung isang tiwaling tao o si Satanas ang kasama ni Adan, tiyak na hindi nila tatanggapin ang ginagawa ni Adan. Upang patunayang mayroon silang kakayahang mag-isip nang nagsasarili at mayroon silang natatanging mga karunungan, lubos sana nilang tinanggihan ang lahat ng mga ginawa ni Adan: Gusto mo itong tawagin na ganito? Magaling, hindi ko ito tatawagin na ganito, tatawagin ko itong ganyan; tinawag mo itong Tom ngunit tatawagin ko itong Harry. Kailangan kong ipagmalaki ang aking kagalingan. Anong uri ng kalikasan ito? Hindi ba ito mabangis na kayabangan? Ngunit may ganito bang disposisyon ang Diyos? May mga anuman bang kakaibang pagtutol ang Diyos sa ginawang ito ni Adan? Ang sagot ay maliwanag na wala! Sa ipinakikitang disposisyon ng Diyos, walang kahit katiting na pagtutol, kayabangan, o pagmamagaling. Iyan ay napakalinaw dito. Ito ay napakaliit na bagay lamang, ngunit kung hindi mo nakikilala ang diwa ng Diyos, kung ang iyong puso ay hindi susubukang malaman kung paano gumagalaw ang Diyos at kung ano ang saloobin ng Diyos, hindi mo makikilala ang disposisyon ng Diyos, o makikita ang c at pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos. Hindi nga ba ganoon? Sang-ayon ka ba sa kapapaliwanag ko lang sa iyo? Bilang tugon sa mga ginawa ni Adan, hindi ipinahayag nang malakas ng Diyos, “Magaling ang ginawa mo. Tama ang ginawa mo. Sang-ayon Ako.” Ngunit sa Kanyang puso, gayon pa man, sumang-ayon, pinahalagahan, pinalakpakan ng Diyos ang ginawa na Adan. Ito ang unang bagay simula noong paglikha na ginawa ng tao para sa Diyos ayon sa Kanyang tagubilin. Ito ay isang bagay na ginawa ng tao sa lugar ng Diyos at sa ngalan ng Diyos. Sa mata ng Diyos, ito ay bunga ng katalinuhang ipinagkaloob Niya sa tao. Sa tingin ng Diyos ito ay isang mabuting bagay, isang positibong bagay. Ang ginawa ni Adan noong panahong iyon ay ang unang pagpapakita ng katalinuhan ng Diyos na nasa tao. Isa itong mahusay na pagpapakita ayon sa pananaw ng Diyos. Ang nais kong sabihin sa iyo dito ay ang layunin ng Diyos sa pagdadagdag ng isang bahagi ng anong mayroon at kung ano ang Diyos at ng Kanyang katalinuhan sa tao ay upang maging buhay na nilikha ang sangkatauhan na maghahayag sa Kanya. Sapagkat ang paggawa ng mga ganoong bagay ng buhay na nilikha sa ngalan Niya ay ang mismong ninanais ng Diyos na makita.
  3. (Gen 3:20-21) At tinawag na Eva ng lalake ang kaniyang asawa, sapagka’t siya ang naging ina ng lahat ng mga nabubuhay. At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.
  Tingnan natin itong pangatlong pahayag, na nagsasabing may kahulugan sa likod ng pangalan na binigay ni Adan kay Eba, di ba? Ipinakikita dito na pagkatapos nilikha, may sariling mga kaisipan si Adan at nakakaintindi ng maraming mga bagay. Ngunit sa ngayon hindi natin pag-aaralan o sasaliksikin kung ano ang kanyang naintindihan o kung gaano karami ang kanyang naintindihan dahil hindi ito ang pangunahing punto na nais kong talakayin sa ikatlong pahayag. Kaya ano ang pangunahing punto ng ikatlong pahayag? Tingnan natin ang linyang, “At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.” Kung hindi natin pagsasamahan ang tungkol sa linyang ito ng banal na kasulatan sa araw na ito, marahil ay hindi ninyo kailanman mauunawaan ang kahulugan na nasa likod ng mga salitang ito. Una, hayaan ninyong magbigay Ako ng ilang mga palatandaan. Palawakin ninyo ang inyong pag-iisip at ilarawan ang Hardin ng Eden, kung saan nakatira sina Adan at Eba. Binisita sila ng Diyos ngunit nagtago sila dahil sila ay hubad. Hindi sila makita ng Diyos, at matapos Niya silang tawagin, sinabi nila, “Hindi kami mangangahas na makita Kayo dahil ang mga katawan namin ay hubad.” Hindi sila nangahas na makita ang Diyos dahil sila ay hubad. Kaya ano ang ginawa ng Diyos na si Jehovah para sa kanila? Ang sabi sa orihinal na teksto: “At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.” Ngayon, alam ba ninyo kung ano ang ginamit ng Diyos sa paggawa ng mga damit nila? Gumamit ang Diyos ng mga balat ng hayop para gumawa ng mga damit nila. Ang ibig sabihin, ang damit na ginawa ng Diyos para sa tao ay isang balabal na balahibo. Ito ang unang piraso ng damit na ginawa ng Diyos para sa tao. Ang balabal na balahibo ay isang mamahaling damit sa kasalukuyang mga pamantayan, isang bagay na hindi lahat ay kakayaning isuot. Kung may magtatanong sa iyo: Ano ang unang piraso ng damit na sinuot ng mga ninuno ng sangkatauhan? Maaari mong sabihin: Ito ay isang balabal na balahibo. Sino ang gumawa ng balabal na balahibong ito? Maaari mo pang itugon: Ang Diyos ang gumawa nito! Yan ang pangunahing punto: Ang damit na ito ay ginawa ng Diyos. Hindi ba ito karapat-dapat pansinin? Ngayong kalalarawan ko lang nito, may imahe bang nabuo sa inyong mga isipan? Dapat ay mayroong kahit na malabong bakas man lamang nito. Ang saysay ng pagsasabi nito sa inyo sa araw na ito ay hindi upang ipaalam sa inyo kung ano ang unang piraso ng damit ng tao. Kung ganun ano ang punto? Hindi yung balabal na balahibo ang punto, ngunit kung paano makilala ang disposisyon at katauhan at mga kataglayan na ipinahayag ng Diyos noong ginagawa Niya ang bagay na ito.
  Sa imaheng ito ng “At iginawa ng Panginoong Dios si Adam at ang kaniyang asawa ng mga kasuutang balat at sila’y dinamitan.” anong uri ng papel ang ginagampanan ng Diyos noong kasama Niya sina Adan at Eba? Sa anong uri ng pagganap nagpapakita ang Diyos sa isang mundo na may dadalawang tao lamang? Bilang Diyos? Mga kapatirang lalaki at babae mula sa Hongkong, mangyaring sumagot kayo. (Bilang isang magulang.) Mga kapatirang lalaki at babae mula sa Timog Korea, sa anong uri ng pagganap sa palagay ninyo ang pagpapakita ng Diyos? (Pinuno ng pamilya.) Mga kapatirang lalaki at babae mula sa Taiwan, ano sa palagay ninyo? (Bilang isang kapamilya ni Adan at Eba, bilang isang miyembro ng pamilya.) Sa palagay ng ilan sa inyo ang Diyos ay nagpapakita bilang isang kapamilya ni Adan at Eba, habang ang ilan ay nagsasabing nagpapakita ang Diyos bilang pinuno ng pamilya at ang sabi ng iba bilang isang magulang. Ang lahat ng ito ay napaka-angkop. Ngunit saan ako patungo? Nilikha ng Diyos ang dalawang taong ito at itinuring silang mga kasama Niya. Bilang nag-iisa nilang kapamilya, inalagaan ng Diyos ang kanilang mga buhay at tinugunan din ang mga pangunahin nilang pangangailangan. Dito, nagpapakita ang Diyos bilang magulang nila Adan at Eba. Habang ginagawa ito ng Diyos, hindi nakikita ng tao kung gaano katayog ang Diyos; hindi niya nakikita ang kataas-taasang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang pagiging mahiwaga, at lalo nang hindi ang Kanyang poot o kamahalan. Ang nakikita lamang niya ay ang pagpapakumbaba ng Diyos, ang Kanyang pagsuyo, ang Kanyang malasakit para sa tao at ang Kanyang pananagutan at paglingap para sa kanya. Ang saloobin at paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos sina Adan at Eba ay katulad ng pagpapakita ng malasakit ng mga magulang na tao para sa kanilang sariling mga anak. Ganito rin ang mga magulang na tao kung magmahal, mag-gabay, at mag-alaga para sa kanilang mga sariling anak na lalaki at babae—totoo, nakikita, at tunay. Sa halip na ilagay ang Sarili Niya sa isang mataas at makapangyarihan na katayuan, personal na ginamit ng Diyos ang mga balat upang gumawa ng damit para sa tao. Hindi mahalaga kung ang balabal na balahibong ito ay ginamit upang takpan ang kanilang kahinhinan o sanggahan sila mula sa lamig. Sa madaling salita, itong damit na ginamit upang takpan ang katawan ng tao ay personal na ginawa ng Diyos gamit ang sarili Niyang mga kamay. Sa halip na likhain ito sa pamamagitan ng mga pamamaraan na pang-isipan o mahimala, gaya ng nasa imahinasyon ng mga tao, marapat na ginawa ng Diyos ang isang bagay na sa palagay ng tao ay hindi magagawa at hindi dapat gawin ng Diyos. Maaaring simpleng bagay ito na marahil sa palagay ng ilan ay ni hindi na dapat pang banggitin, ngunit hinahayaan nito ang lahat ng sumusunod sa Diyos na dati ay puno ng malalabong kaisipan tungkol sa Kanya upang magkaroon ng maliwanag na pagkaunawa sa Kanyang pagkatotoo at pagkamapagmahal, at upang makita ang Kanyang tapat at mapagpakumbabang kalikasan. Nagagawa nitong payukuin ang mapagmataas na ulo ng mga lubhang napakayabang na tao na nag-iisip na sila’y mataas at malakas dahil sa hiya sa harap ng pagiging totoo at pagpapakumbaba ng Diyos. Dito, nakatutulong pa ang pagiging totoo at pagpapakumbaba ng Diyos upang maipakita sa mga tao kung gaano Siya kaibig-ibig. Sa paghahambing, ang “napakalaking” Diyos, “kaibig-ibig” na Diyos, at Diyos na “makapangyarihan sa lahat” sa puso ng mga tao ay napakaliit, nakakawalang-gana, at hindi kayang labanan ang kahit isang hampas. Kapag nakita mo ang bersikulong ito at narinig ang kuwentong ito, bumababa ba ang tingin mo sa Diyos dahil ginawa Niya ang ganoong bagay? May ilang mga tao ang maaring ganoon, ngunit para sa iba, ito ay ang lubos na kabaliktaran. Iisipin nilang na ang Diyos ay totoo at kaibig-ibig, at ang mismong pagkatotoo at kagandahan ng Diyos ang tumitinag sa kanila. Habang lalo nilang nakikita ang tunay na panig ng Diyos, lalo nilang pahahalagahan ang tunay na pag-iral ng pag-ibig ng Diyos, ang kahalagahan ng Diyos sa kanilang mga puso, at kung paano Siya nananatili sa tabi nila sa bawat sandali.
  Sa puntong ito, dapat nating iugnay ang ating talakayan sa kasalukuyan. Kung kaya ng Diyos na gawin ang iba’t ibang maliliit na bagay na ito para sa mga taong nilikha Niya sa simula’t simula pa, kahit ang ilang mga bagay na hindi kailanman mangangahas ang mga taong isipin o asahan, maaari kayang gawin ng Diyos ang mga ganoong bagay para sa mga tao sa kasalukuyan? Sabi ng ilang tao, “Oo!” Bakit ganoon? Dahil ang diwa ng Diyos ay hindi huwad, ang Kanyang kagandahan ay hindi huwad. Dahil tunay ang diwa ng Diyos at hindi bagay na idinagdag ng iba, at tiyak na hindi bagay na nagbabago kasabay ng mga pagbabago sa oras, lugar, at mga kapanahunan. Ang pagkatotoo at kagandahan ng Diyos ay maaring maipakita sa pamamagitan ng paggawa ng isang bagay na sa palagay ng tao ay di mapapansin at walang-kuwenta, isang bagay na napakaliit na hindi man lang iniisip ng tao na gagawin Niya kailanman. Ang Diyos ay hindi mapagpanggap. Walang pagmamalabis, pagbabalatkayo, pagmamataas, o pagmamayabang sa Kanyang disposisyon at diwa. Hindi Siya kailanman naghambog, ngunit sa halip ay nagmamahal, nagpapakita ng malasakit, nagsubaybay, at pinangungunahan ang mga taong Kanyang nilikha nang may katapatan at sinseridad. Kahit gaano man ito mapahalagahan, madama, o makita ng mga tao, lubos na ginagawa ng Diyos ang mga bagay na ito. Ang malaman ba na ang Diyos ay may ganitong diwa ay makaaapekto sa pag-ibig ng tao para sa Kanya? Maaari ba itong maka-impluwensya sa kanilang takot sa Diyos? Umaasa akong kapag naunawaan mo ang pagiging totoo ng Diyos ay lalo ka pang mapapalapit sa Kanya at lalo pang tunay na mapahahalagahan ang Kanyang pag-ibig at paglingap para sa sangkatauhan, habang kasabay nito ay maibibigay ang iyong puso sa Diyos at hindi na magkakaroon ng anumang paghihinala o pagdududa sa Kanya. Tahimik na ginagawa ng Diyos ang lahat ng kung ano Siya para sa tao, tahimik na ginagawa ang lahat ng mga ito sa pamamagitan ng Kanyang sinseridad, katapatan, at pag-ibig. Ngunit wala Siya kailanmang pangamba o pagsisisi para sa lahat ng Kanyang ginagawa, ni wala rin Siyang pangangailangang bayaran ng ninuman sa anumang paraan o layunin kailanman na may makuha mula sa sangkatauhan. Ang tanging layunin ng lahat ng ginawa Niya kailanman ay upang matanggap Niya ang tunay na pananampalataya at pag-ibig ng sangkatauhan. Tapusin natin ang unang paksa dito.
  Nakatulong ba sa inyo ang mga talakayang ito? Gaano ito nakatulong? (Mas maraming kaunawaan at kaalaman tungkol sa pag-ibig ng Diyos.) (Matutulungan tayo sa hinaharap ng ganitong uri ng pakikipag-usap upang mas mapahalagahan natin ang salita ng Diyos, upang maunawaan ang mga damdamin Niya at ang mga kahulugan sa likod ng mga bagay na sinabi Niya noong sinabi Niya ang mga ito, at upang madama ang Kanyang nararamdaman noong panahong iyon.) Mayroon ba sa inyo ang mas nakadadama sa mismong pag-iral ng Diyos matapos ninyong basahin ang mga salitang ito? Nararamdaman ba ninyo na ang pag-iral ng Diyos ay hindi na hungkag o malabo? Kapag naramdaman niyo ito, nararamdaman niyo ba na ang Diyos ay nariyan sa tabi ninyo? Maaari na ang pakiramdam ay hindi malinaw sa ngayon o maaaring hindi niyo pa nararamdaman ito. Ngunit balang araw, kapag tunay na may malalim na kayong pagpapahalaga at totoong kaalaman sa disposisyon ng Diyos at diwa sa iyong puso, madadama mong nariyan sa tabi mo ang Diyos—hindi mo lang kasi kailanman talagang tinanggap ang Diyos sa iyong puso. Totoo ito.
  Ano ang palagay ninyo sa ganitong uri ng pakikipag-isa? Nasasabayan ba ninyo? Sa palagay niyo ba ay napakabigat ang ganitong uri ng pagsasamahan tungkol sa paksang gawain ng Diyos at disposisyon ng Diyos? Ano ang pakiramdam ninyo? (Napakaganda, nakatutuwa.) Ano ang nagpaganda ng pakiramdam ninyo? Bakit kayo natutuwa? (Para itong pagbabalik sa Hardin ng Eden, pagbabalik sa pagiging nasa tabi ng Diyos.) Ang “disposisyon ng Diyos” ay tunay na isang lubhang hindi-kilalang paksa para sa lahat, dahil kung ano ang karaniwang iniisip mo, ano ang nababasa mo sa mga aklat o naririnig sa mga pagsasama, ay laging nakapagpaparamdam na para kang isang taong bulag na humihipo ng elepante—nararamdaman mo lang ito gamit ang iyong mga kamay, ngunit wala ka talagang nakikita na kahit anuman gamit ang iyong mga mata. Ang paghipo ng kamay ay hindi talaga makapagdudulot sa iyo ng pangunahing kaalaman tungkol sa Diyos, at lalo na ng isang malinaw na kaisipan. Ang naidudulot nito sa iyo ay mas maraming imahinasyon, kaya hindi mo tiyak na mapapakahulugan kung ano ang disposisyon ng Diyos at diwa. Sa halip, itong mga bagay na walang-katiyakan ay nagmumula sa iyong imahinasyon na tila laging pumupuno sa iyong puso ng mga pag-aalinlangan. Kapag hindi ka nakatitiyak tungkol sa isang bagay ngunit sinusubukan mo pa ring intindihan ito, laging magkakaroon ng mga salungatan at pagtatalo sa iyong puso, at kung minsan maaari pang magdulot ito ng kaguluhan, na magbibigay sa iyo ng pakiramdam ng pagiging talunan. Hindi ba napakatindi ang paghihirap kapag nais mong hanapin ang Diyos, kilalanin ang Diyos, at makita Siya nang malinaw, ngunit para bang hindi mo makita ang mga sagot? Siyempre, ang mga salitang ito ay tumutukoy lamang sa mga naghahangad ng paggalang sa Diyos at pasiyahin ang Diyos. Para sa mga taong hindi nagbibigay-pansin sa mga ganoong bagay, talagang hindi mahalaga ang bagay na ito dahil inaasahan nilang pinakamainam na ang pananatiling alamat o pantasya ng katunayan at pag-iral ng Diyos, para maaari nilang gawin ang anumang nais nila, para sila ang maging pinakamalaki at pinakamahalaga, para makagawa sila ng mga masasamang gawain nang walang pagsasaalang-alang sa mga kalalabasan, para hindi nila harapin ang kaparusahan o pasanin ang anumang pananagutan, para kahit ang mga bagay na sinabi ng Diyos tungkol sa mga gumagawa ng masama ay hindi mailalapat sa kanila. Ayaw intindihin ng mga taong ito ang disposisyon ng Diyos, sawang-sawa na sila sa kasusubok na makilala ang Diyos at ang lahat nang tungkol sa Kanya. Mas gusto pa nilang wala na lang Diyos. Ang mga taong ito ay lumalaban sa Diyos at sila ang mga aalisin.
  Susunod, tatalakayin natin ang kuwento ni Noe at kung paano ito nauugnay sa paksang gawain ng Diyos, disposisyon ng Diyos at ang Diyos Mismo.
  Ano ang nakikita ninyong ginagawa ng Diyos kay Noe sa bahaging ito ng banal na kasulatan? Marahil ang lahat ng mga nakaupo rito ay may alam tungkol dito mula sa pagbabasa ng banal na kasulatan: Nagpagawa ang Diyos kay Noe ng daong, pagkatapos ginamit ng Diyos ang baha upang sirain ang mundo. Hinayaan ng Diyos na gawin ni Noe ang daong upang mailigtas ang pamilya niyang walong katao, upang mabuhay sila, upang maging mga ninuno ng susunod na salinlahi ng sangkatauhan. Basahin natin ngayon ang banal na kasulatan.
  B. Noe
  1. Nilayon ng Diyos na Sirain ang Mundo Gamit ang isang Baha, Sinabihan si Noe na Gumawa ng isang daong
  (Gen 6:9-14) Ito ang mga lahi ni Noe. Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya: si Noe ay lumalakad na kasama ng Dios. At nagkaanak si Noe ng tatlong lalake: si Sem, si Cham, at si Japhet. At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan. At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa. At sinabi ng Dios kay Noe, Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa. Gumawa ka ng isang sasakyang kahoy na gofer; gagawa ka ng mga silid sa sasakyan, at iyong sisiksikan sa loob at sa labas ng sahing.
  (Gen 6:18-22) Datapuwa’t pagtitibayin ko ang aking tipan sa iyo; at ikaw ay lululan sa sasakyan, ikaw, at ang iyong mga anak na lalake, at ang iyong asawa, at ang mga asawa ng iyong mga anak na kasama mo. At sa bawa’t nangabubuhay, sa lahat ng laman ay maglululan ka sa loob ng sasakyan ng dalawa sa bawa’t uri upang maingatan silang buhay, na kasama mo; lalake at babae ang kinakailangan. Sa mga ibon ayon sa kanikanilang uri, at sa mga hayop ayon sa kanikanilang uri, sa bawa’t nagsisiusad, ayon sa kanikanilang uri, dalawa sa bawa’t uri, ay isasama mo sa iyo, upang maingatan silang buhay. At magbaon ka ng lahat na pagkain na kinakain, at imbakin mo sa iyo; at magiging pagkain mo at nila. Gayon ginawa ni Noe; ayon sa lahat na iniutos sa kaniya ng Dios, ay gayon ang ginawa niya.
  May pangkalahatang pagkaunawa na ba kayo kung sino si Noe matapos ninyong mabasa ang mga pahayag na ito? Anong uri ng tao si Noe? Ang orihinal na teksto ay: “Si Noe ay lalaking matuwid at sakdal noong kapanahunan niya,” Ayon sa pagkaunawa ng mga modernong tao, anong uri ng tao ang isang matuwid na tao noong panahong iyon? Ang isang matuwid na tao ay dapat na isang perpektong tao. Alam ba ninyo kung ang perpektong taong ito ay perpekto sa mata ng tao o perpekto sa mata ng Diyos? Walang duda, ang perpektong taong ito ay perpekto sa mata ng Diyos at hindi sa mata ng tao. Sigurado yan! Ito ay dahil bulag ang tao at hindi makakita, at tanging Diyos lamang ang tumitingin sa buong mundo at sa bawat isang tao, tanging Diyos lamang ang nakaaalam na si Noe ay perpektong tao. Kaya ang balak ng Diyos na sirain ang mundo gamit ang isang baha ay nagsimula sa sandaling tinawag Niya si Noe.
  Pagdating ng panahong iyon, nilayon ng Diyos na tawagin si Noe upang gawin ang isang napakahalagang bagay. Bakit pa Niya kailangang gawin iyon? Dahil may balak ang Diyos sa Kanyang puso sa sandaling iyon. Ang balak Niya ay sirain ang mundo gamit ang isang baha. Bakit sisirain ang mundo? Ang sabi rito: “At sumama ang lupa sa harap ng Dios, at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Ano ang nakikita ninyo mula sa pariralang “at ang lupa ay napuno ng karahasan?” Isang di-pangkaraniwang bagay sa lupa kapag ang mundo at ang mga tao nito ay tiwali hanggang kasukdulan, at iyon ay: “at ang lupa ay napuno ng karahasan.” Sa kasalukuyang wika, ang ibig sabihin ng “at ang lupa ay napuno ng karahasan” ay nasa kaguluhan ang lahat. Para sa tao, ang ibig sabihin nito ay walang kaayusan sa lahat ng kalakaran sa buhay, at ang mga bagay ay totoong magulo at mahirap pamahalaan. Sa mata ng Diyos, ang ibig sabihin ay masyadong tiwali ang mga tao sa mundo. Gaano katiwali? Tiwali hanggang sa antas na hindi na matiis ng Diyos na makita pa at hindi na mapagpasensyahan pa. Tiwali hanggang sa antas na nagpasya na ang Diyos na sirain ito. Noong naging buo na ang loob ng Diyos na sirain ang mundo, nagbalak Siyang maghanap ng taong gagawa ng isang daong. At pinili ng Diyos si Noe na gawin ang bagay na ito, na hayaang gawin ni Noe ang daong. Bakit si Noe? Sa mata ng Diyos, si Noe ay isang matuwid na tao, at kahit anong ipagawa ng Diyos sa kanya ay alinsunod niyang gagawin ito. Ang ibig sabihin ay gagawin niya ang anumang sabihin ng Diyos na gawin niya. Nais ng Diyos na makakita ng isang katulad nito upang makatrabaho Niya, upang tapusin ang Kanyang ipinagkatiwala, upang tapusin ang Kanyang gawain sa lupa. Noong panahong iyon, may iba pa bang tao bukod kay Noe na makatatapos ng ganoong gawain? Tiyak na wala! Si Noe lang ang tanging kandidato, ang nag-iisang taong maaaring tumapos sa ipinagkatiwala ng Diyos, kaya pinili siya ng Diyos. Ngunit ang saklaw at mga pamantayan ba ng Diyos para sa pagligtas ng mga tao noon ay katulad rin ngayon? Ang sagot ay walang pasubaling may pagkakaiba! Bakit ko tinatanong? Si Noe lamang ang tanging matuwid na tao sa mata ng Diyos noong panahong iyon, na ang ibig sabihin ay hindi matuwid ang kanyang mga anak at asawa, ngunit pinangalagaan pa rin ng Diyos ang mga taong ito dahil kay Noe. Hindi humiling ang Diyos sa kanila ng tulad ng paghiling Niya sa mga tao ngayon, at sa halip ay pinanatiling buhay lahat ang walong miyembro ng pamilya ni Noe. Natanggap nila ang pagpapala ng Diyos dahil sa pagkamatuwid ni Noe. Kung wala si Noe, wala sana sa kanila ang nakatapos sa ipinagkatiwala ng Diyos. Samakatuwid, si Noe lamang sana ang taong dapat nakaligtas mula sa pagkasira ng mundo noong panahong iyon, at ang iba ay mga nakinabang lamang. Ipinakikita nito na sa panahon bago opisyal na sinimulan ng Diyos ang Kanyang gawaing pamamahala, ang mga panuntunan at pamantayang ginamit Niya sa mga tao at hiningi mula sa kanila ay medyo maluwag. Para sa mga tao sa kasalukuyan, ang paraan kung paano pinakitunguhan ng Diyos ang pamilya ni Noe na walong katao ay para bang hindi makatarungan. Ngunit kung ihahambing sa dami ng gawaing ginagawa Niya ngayon sa mga tao at sa dami ng Kanyang salitang ipinahahayag Niya, ang pakikitungo na ibinigay ng Diyos sa pamilya ni Noe na walong katao ay pawang panuntunan lamang ng gawain dala ng mga kalagayang nakapaligid sa Kanyang gawain sa panahong iyon. Kung paghahambingin, mas marami bang natanggap ang pamilya ni Noe na walong katao mula sa Diyos o ang mga tao sa kasalukuyan?
  Ang pagtawag kay Noe ay isang simpleng bagay, ngunit ang pangunahing punto ng ating pinag-uusapan—ang disposisyon ng Diyos, ang Kanyang kolooban, at ang Kanyang diwa sa naitalang ito—ay hindi simple. Upang maunawaan ang ilang mga aspetong ito ng Diyos, dapat muna nating maunawaan ang uri ng taong nais tawagin ng Diyos, at sa pamamagitan nito, maunawaan ang Kanyang disposisyon, kalooban, at diwa. Napakahalaga nito. Kaya sa mata ng Diyos, ano kayang uri ng tao itong tao na tinatawag Niya? Ang taong ito ay dapat isang tao na nakikinig sa Kanyang mga salita, nakasusunod sa Kanyang mga tagubilin. Kasabay nito, dapat ang taong ito ay may pagpapahalaga rin sa pananagutan, isang tao na isasagawa ang salita ng Diyos sa pamamagitan ng pagturing dito bilang pananagutan at tungkulin na nakatalagang tuparin nila. Kung ganoon, ang taong ito ba ay kinakailangang nakakakilala sa Diyos? Hindi. Noong panahong iyon, wala pang gaanong naririnig si Noe tungkol sa mga katuruan ng Diyos o naranasan ang kahit ano sa gawain ng Diyos. Samakatuwid, ang kaalaman ni Noe tungkol sa Diyos ay napakaliit. Bagamat nakatala rito na si Noe ay nabuhay nang kasama ang Diyos, nakita ba niya kailanman ang persona ng Diyos? Ang sagot ay tiyak na hindi! Dahil sa mga panahong iyon, tanging ang mga mensahero lamang ng Diyos ang pumupunta sa mga tao. Habang maaari nilang katawanin ang Diyos sa pagsasabi at paggawa ng mga bagay, ipinaaabot lamang nila ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang mga layunin. Hindi ipinahayag sa tao nang harapan ang persona ng Diyos. Sa bahaging ito ng banal na kasulatan, ang tanging nakikita natin ay kung ano ang dapat gawin nitong tao na si Noe at kung ano ang mga tagubilin ng Diyos sa kanya. Kaya ano ang diwang ipinahayag ng Diyos dito? Ang lahat ng mga ginagawa ng Diyos ay naplano nang may katiyakan. Kapag nakakakita Siya ng isang bagay o sitwasyong nagaganap, may nakalaang pamantayan upang sukatin ito sa Kanyang mga mata, at ang pamantayang ito ang magsasabi kung magsasagawa Siya ng isang plano upang makitungo dito o kung paano harapin ang bagay at sitwasyong ito. Hindi malamig ang Kanyang loob o walang pakiramdam sa lahat ng bagay. Sa katunayan ito ay lubos na kabaliktaran. May bersikulo dito na sinabi ng Diyos kay Noe: “Ang wakas ng lahat ng tao ay dumating sa harap ko; sapagka’t ang lupa ay napuno ng karahasan dahil sa kanila; at, narito, sila’y aking lilipuling kalakip ng lupa.” Sa mga salita ng Diyos dito, sinabi ba Niyang lilipulin lamang Niya ang mga tao? Hindi! Ang sabi ng Diyos ay lilipulin Niya ang lahat ng mga nabubuhay na laman. Bakit gusto ng Diyos ang panlilipol? May isa pang pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos dito: Sa mga mata ng Diyos, may hangganan ang Kanyang pasensiya sa katiwalian ng tao, sa karumihan, karahasan, at kasuwailan ng lahat ng laman. Ano ang Kanyang hangganan? Tulad ng sinabi ng Diyos: “At tiningnan ng Dios ang lupa, at, narito sumama; sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Ano ang ibig sabihin ng pariralang “sapagka’t pinasama ng lahat ng tao ang kanilang paglakad sa ibabaw ng lupa.” Ito ay nangangahulugan na anumang nabubuhay, kasama na ang mga sumusunod sa Diyos, ang mga tumatawag sa pangalan ng Diyos, ang mga minsan ay naghandog ng mga sinunog na alay sa Diyos, ang mga nagsalita ng pagkilala sa Diyos at nagpuri pa sa Diyos—sa sandaling ang kanilang mga asal ay mapuno ng katiwalian at makaabot sa mga mata ng Diyos, kailangan Niyang lipulin sila. Iyan ang hangganan ng Diyos. Kaya hanggang saan nanatiling mapagpasensiya ang Diyos sa tao at sa katiwalian ng lahat ng laman? Hanggang sa lahat ng mga tao, maging mga sumusunod sa Diyos o hindi mananampalataya, ay hindi lumalakad sa tamang landas. Hanggang sa ang tao ay hindi lang tiwali ang moralidad at puno ng kasamaan, ngunit wala na ring naniniwalang may Diyos, lalo nang wala ang naniniwala na ang mundo ay pinaghaharian ng Diyos at makapagdadala ang Diyos ng liwanag at ng tamang landas. Hanggang sa ang tao ay nasuklam sa pag-iral ng Diyos at hindi pinayagang umiral ang Diyos. Sa sandaling umabot sa puntong ito ang katiwalian ng tao, mawawalan na ng pasensiya ang Diyos. Ano ang papalit rito? Ang pagdating ng poot ng Diyos at kaparusahan ng Diyos. Hindi ba isang bahagi iyon ng pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos? Sa panahong ito, mayroon pa bang matuwid na tao sa mata ng Diyos? Mayroon pa bang perpektong tao sa mata ng Diyos? Ito ba ay panahon kung saan ang asal ng lahat ng katawang-tao sa lupa ay tiwali sa mata ng Diyos? Sa araw at panahong ito, bukod doon sa mga gustong gawing ganap ng Diyos, iyong mga makakasunod sa Diyos at makakatanggap ng Kanyang kaligtasan, hindi ba hinahamon ng lahat ng taong laman ang hangganan ng pasensiya ng Diyos? Hindi ba puno ng karahasan ang lahat ng mga nangyayari sa tabi ninyo, ang mga nakikita ng mga mata ninyo, at naririnig ng mga tainga ninyo, at personal na nararanasan ninyo sa araw-araw sa mundong ito? Sa mata ng Diyos, hindi ba dapat na wakasan ang ganitong uri ng mundo, ang ganitong uri ng panahon? Bagamat ang kalagayan sa kasalukuyang panahon ay ibang-iba sa kalagayan noong panahon ni Noe, ang mga damdamin at poot ng Diyos para sa katiwalian ng tao ay nananatiling ganap na katulad noong panahong iyon. Nagagawang maging mapagpasensiya ang Diyos dahil sa Kanyang gawain, ngunit alinsunod sa lahat ng mga uri ng mga kalagayan at mga kundisyon, matagal na sanang dapat ginunaw ang mundong ito sa mata ng Diyos. Ang sitwasyon ay malayo at lampas na sa kung ano ang mundo noong ginunaw sa pamamagitan ng baha. Ngunit ano ang pagkakaiba? Ito rin ang bagay na pinakanagpapalungkot sa puso ng Diyos, at marahil isang bagay na wala sa inyo ang makapagpapahalaga.
  Noong ginugunaw Niya ang mundo sa pamamagitan ng baha, maaaring tawagin ng Diyos si Noe upang gumawa ng daong at gawin ang ilang mga gawaing paghahanda. Maaaring tawagin ng Diyos ang isang tao—si Noe—upang gawin ang mga serye ng mga bagay na ito para sa Kanya. Ngunit sa kasalukuyang panahon, walang sinuman ang maaaring tawagin ng Diyos. Bakit ganoon? Ang bawat isang tao na nakaupo rito marahil ay ganap na naiintindihan at nalalaman ang dahilan. Kailangan pa ba ninyong isa-isahin Ko ito? Kung sasabihin ko nang malakas, baka mapahiya kayo at maiinis ang lahat. Baka sabihin ng ilang tao: “Bagamat hindi tayo mga matutuwid na tao at hindi tayo mga perpektong tao sa mata ng Diyos, kapag may ipinagawa sa atin ang Diyos, makakaya pa rin nating gawin ito. Noon, nung sinabi Niyang may parating na malalang sakuna, nagsimula tayong maghanda ng pagkain at mga bagay-bagay na kakailanganin para sa sakuna. Hindi ba lahat ng ito ay ginawa alinsunod sa mga ipinagagawa ng Diyos? Hindi ba talaga tayo nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos? Hindi ba maaaring maihambing itong mga ginawa natin sa ginawa ni Noe? Hindi ba tunay na pagsunod yung paggawa sa ginawa natin? Hindi ba natin sinusunod yung mga tagubilin ng Diyos? Hindi ba natin ginawa ang sinabi ng Diyos dahil may pananampalataya tayo sa mga salita ng Diyos? Kung ganoon bakit malungkot pa rin ang Diyos? Bakit sinasabi ng Diyos na wala Siyang matawag?” May pagkakaiba ba ang mga ginawa ninyo at ang ginawa ni Noe? Ano ang pagkakaiba? (Ang paghahanda ng pagkain ngayon para sa sakuna ay sarili nating layunin.) (Ang mga gawa natin ay hindi umaabot sa “pagkamatuwid”, samantalang si Noe ay isang matuwid na tao sa mata ng Diyos.) Ang sinabi ninyo ay hindi gaanong malayo. Malaki ang pagkakaiba ng ginawa ni Noe sa ginagawa ng mga tao ngayon. Noong gumawa si Noe ayon sa tagubilin ng Diyos, hindi niya alam kung ano ang mga layunin ng Diyos. Hindi niya alam kung ano ang gustong maisakatuparan ng Diyos. Binigyan lang siya ng Diyos ng kautusan, binilin siyang gumawa ng isang bagay, ngunit wala itong gaanong paliwanag, at tumuloy siya at ginawa ito. Hindi niya sinubukang alamin ang mga layunin ng Diyos nang palihim, ni lumaban sa Diyos o nagkaroon ng hating puso. Humayo lamang siya at ginawa ito ng maayos nang may malinis at simpleng puso. Anuman ang ipinagawa ng Diyos ay ginawa niya, at ang pagsunod at pakikinig sa salita ng Diyos ang kanyang kombiksyon sa paggawa ng mga bagay. Ganito katapat at kasimple ang pagharap niya sa ipinagkatiwala ng Diyos. Ang kanyang diwa—ang diwa ng kanyang mga paggawa ay pagsunod, hindi pagdadalawang-isip, hindi paglaban, at higit pa rito, hindi pag-iisip ng mga pansarili niyang kapakanan at pakinabang at kawalan. At noon pang sinabi ng Diyos na gugunawin Niya ang mundo sa pamamagitan ng isang baha, hindi niya tinanong kung kailan o sinubukang arukin ito, at tiyak na hindi niya tinanong ang Diyos kung paano Niya gugunawin ang mundo. Gumawa lang siya ayon sa tagubilin ng Diyos. Sa paano mang paraan nais ng Diyos na gawin ito at kung ano ang ipagagawa nito, ginawa niya ito ayon mismo sa hiningi ng Diyos at nagsimula siyang gumawa agad pagkatapos. Ginawa niya ito nang may saloobing nagnanais na magbigay-kasiyahan sa Diyos. Ginagawa ba niya ito upang matulungan ang sarili niya na makaiwas sa sakuna? Hindi. Tinanong ba niya ang Diyos kung gaano pa katagal bago gunawin ang mundo? Hindi. Tinanong ba niya ang Diyos o alam ba niya kung gaano katagal gawin ang daong? Hindi rin Niya alam iyon. Sumunod lang siya, nakinig, at ginawa ito nang maayos. Ang mga tao ngayon ay hindi tulad nito: Sa sandaling may kapirasong impormasyon ang nabunyag sa pamamagitan ng salita ng Diyos, sa sandaling makadadama ang mga tao ng palatandaan ng kaguluhan o pagkabagabag, agad silang magmamadaling kumilos, ano pa man at anuman ang dapat bayaran, upang maihanda ang kanilang kakainin, iinumin, at gagamitin matapos ang sakuna, pinaplano kahit ang dadaanan sa pag-alpas pag dumating ang sakuna. Ang mas kapansin-pansin pa ay, sa mahalagang sandaling ito, ang mga utak ng tao ay lubhang “kapaki-pakinabang.” Sa mga kalagayang hindi nagbigay ang Diyos ng anumang mga tagubilin, kayang magplano ng tao para sa lahat sa napaka-angkop na paraan. Maaari ninyong gamitin ang salitang “perpekto” para ilarawan ito. Tungkol naman sa kung ano ang sinabi ng Diyos, ano ang mga layunin ng Diyos, o ano ang mga gusto ng Diyos, walang may pakialam, at walang sumubok na pahalagahan ito. Hindi ba iyan ang pinakamalaking pagkakaiba sa mga tao ngayon at kay Noe?
  Sa naitalang ito na kuwento ni Noe, may nakikita ba kayong bahagi ng disposisyon ng Diyos? May hangganan ang pagpapasensiya ng Diyos para sa katiwalian, karumihan at karahasan ng tao. Kapag umabot Siya sa hangganang iyon, hindi na Siya magiging mapagpasensiya at sa halip ay sisimulan na ang Kanyang bagong pamamahala at bagong plano, sisimulan nang gawin ang dapat Niyang gawin, ibunyag ang Kanyang mga gawa at ang kabilang bahagi ng Kanyang disposisyon. Ang pagkilos Niyang ito ay hindi upang ipakita na hindi Siya dapat saktan kailanman ng tao o ipakita na Siya ay puno ng awtoridad at poot, at hindi upang ipakita na kaya Niyang lipulin ang sangkatauhan. Ito ay dahil ang Kanyang disposisyon at ang Kanyang banal na diwa ay hindi na pinahihintulutan, ubos na ang pasensiya para sa ganitong uri ng sangkatauhan na mabuhay sa Kanyang harapan, mabuhay sa ilalim ng Kanyang dominyon. Ang ibig sabihin, kapag ang buong sangkatauhan ay laban sa Kanya, kapag wala Siyang maaaring iligtas sa buong mundo, wala na Siyang pasensiya para sa ganitong uri ng sangkatauhan, at isasagawa nang walang anumang pag-aalinlangan ang Kanyang plano—ang lipulin ang ganitong uri ng sangkatauhan. Ang ganitong kilos ng Diyos ay itinakda ng Kanyang disposisyon. Ito ay isang hindi maiiwasang kahihinatnan, at isang kahihinatnan na dapat tiisin ng bawat nilikha sa ilalim ng dominyon ng Diyos. Hindi ba nito ipinakikita na sa kasalukuyang panahon, hindi na mahintay ng Diyos na makumpleto ang Kanyang plano at iligtas ang mga taong nais Niyang iligtas? Sa ilalim ng mga kalagayang ito, ano ang pinakamahalaga sa Diyos? Hindi kung paanong ang mga hindi sumusunod sa Kanya o ang mga lumalaban sa Kanya ay pagbantaan Siya, labanan Siya, o kung paano manirang-puri ang mga tao laban sa Kanya. Ang mahalaga lamang sa Kanya ay kung ang mga sumusunod sa Kanya, ang mga kinauukulan ng Kanyang kaligtasan sa Kanyang plano sa pamamahala, ay nagawa na Niyang ganap, kung nakamit ba nila ang ikasisiya Niya. Para sa mga tao na bukod sa mga sumusunod sa Kanya, naglalaan lamang Siya paminsan-minsan ng kaunting kaparusahan upang ipahayag ang Kanyang poot. Halimbawa: mga sunami, mga lindol, mga pagputok ng bulkan, at iba pa. Kasabay nito, malakas din Niyang ipinagtatanggol at inaalagaan ang mga sumusunod sa Kanya at mga malapit na Niyang iligtas. Ang disposisyon ng Diyos ay ito: Sa isang dako, maaari Niyang bigyan ang mga taong balak Niyang gawing ganap ng kasukdulang pagpapasensiya at pagpaparaya, at hintayin sila hanggang sa posibleng makakaya Niya; sa kabilang dako, matindi ang galit at kinasusuklaman ng Diyos ang angkan ni Satanas na hindi sumusunod sa Kanya at lumalaban sa Kanya. Bagamat wala Siyang pakialam kung itong angkan ni Satanas ay sumunod sa Kanya o sambahin Siya, kinamumuhian Niya pa rin sila habang pinagpapasensiyahan sila ng Kanyang puso, at sa Kanyang pagtatakda ng katapusan nitong angkan ni Satanas, hinihintay rin Niya ang pagdating ng mga hakbang ng Kanyang plano sa pamamahala.
  Tingnan natin ang susunod na pahayag.
  2. Ang Pagpapala ng Diyos kay Noe Matapos ang Baha
  (Gen 9:1-6) At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila’y sinabi, Kayo’y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa. At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa’t hayop sa lupa, at sa bawa’t ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay. Bawa’t gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo. Nguni’t ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin. At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: sa kamay ng bawa’t ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng bawa’t kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao. Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: sapagka’t sa larawan ng Dios nilalang ang tao.
  Ano ang nakikita ninyo mula sa pahayag na ito? Bakit ko napili ang mga bersikulong ito? Bakit hindi ako kumuha ng hango sa buhay ni Noe at ng kanyang pamilya sa loob ng daong? Dahil ang impormasyong iyon ay walang gaanong kaugnayan sa paksang pag-uusapan natin sa araw na ito. Ang ating bibigyang-pansin ay ang disposisyon ng Diyos. Kung nais ninyong malaman ang tungkol sa mga detalyeng iyon, maaari ninyong kunin ang Biblia at basahin nang inyong sarili. Hindi natin ito pag-uusapan dito. Ang pangunahing bagay na pag-uusapan natin sa araw na ito ay tungkol sa kung paano malalaman ang mga pagkilos ng Diyos.
  Matapos tanggapin ni Noe ang mga tagubilin ng Diyos at gawin ang daong at mabuhay sa pagdaan ng mga araw na gumamit ang Diyos ng baha upang gunawin ang mundo, nakaligtas ang kanyang pamilyang walong katao. Bukod sa pamilya ni Noe na walong katao, ang lahat ng sangkatauhan ay nalipol, at ang lahat ng mga nabubuhay sa daigdig ay nalipol. Kay Noe, binigyan siya ng Diyos ng mga pagpapala, at may mga sinabi sa kanya at sa kanyang mga anak na lalaki. Ang mga bagay na ito ang ibinigay ng Diyos sa kanya at mga pagpapala rin ng Diyos sa kanya. Ito ang pagpapala at pangakong ibinigay ng Diyos sa isang taong makapakikinig sa Kanya at makatatanggap ng Kanyang mga tagubilin, at ang paraan rin kung paano nagpapabuya ang Diyos sa mga tao. Ang ibig sabihin, kung si Noe man ay isang perpektong tao o isang matuwid na tao sa mata ng Diyos, at gaano man karami ang kaalaman niya tungkol sa Diyos, sa madaling salita, si Noe at ang kanyang tatlong anak na lalaki ay nakinig lahat sa mga salita ng Diyos, nakipagtulungan sa gawain ng Diyos, at ginawa ang dapat nilang gawin alinsunod sa mga tagubilin ng Diyos. Ang bunga nito, natulungan nila ang Diyos sa pagpanatili ng mga tao at iba’t-ibang mga nabubuhay na bagay matapos ang pagkagunaw ng mundo sa pamamagitan ng baha, at sa gayun ay nakapag-ambag nang malaki sa susunod na hakbang ng plano sa pamamahala ng Diyos. Dahil sa lahat ng kanyang nagawa, pinagpala siya ng Diyos. Marahil para sa mga tao sa kasalukuyan, ang ginawa ni Noe ay ni hindi karapat-dapat banggitin. Baka iniisip pa ng ilan: Walang ginawa si Noe; nakapagpasiya na ang Diyos na ingatan siya, kaya tiyak na mapapangalagaan siya. Ang Kanyang pagkaligtas ay hindi sa kanyang kapurihan. Ito ang gusto ng Diyos na mangyari, dahil ang tao ay walang-kibo. Ngunit hindi ito ang iniisip ng Diyos. Para sa Diyos, kung ang tao man ay dakila o hamak, basta’t makikinig sila sa Kanya, makasusunod sa Kanyang mga tagubilin at sa Kanyang mga ipinagkakatiwala, at maaaring makipagtulungan sa Kanyang gawain, sa Kanyang kalooban, at sa Kanyang plano, upang matupad ng maayos ang Kanyang kalooban at ang Kanyang plano, ang asal na iyon ay karapat-dapat para sa Kanyang pagkilala at karapat-dapat na makatanggap ng Kanyang pagpapala. Pinahahalagahan ng Diyos ang ganitong mga tao, at tinatangi Niya ang kanilang mga gawa at ang kanilang pag-ibig at paggiliw para sa Kanya. Ito ang saloobin ng Diyos. Kaya bakit pinagpala ng Diyos si Noe? Dahil ganito pakitunguhan ng Diyos ang mga ganoong paggawa at pagsunod ng tao.
  Tungkol sa pagpapala ng Diyos kay Noe, sasabihin ng ilan: “Kung ang tao ay makikinig sa Diyos at bibigyang-saya ang Diyos, kung gayon nararap na pagpalain ng Diyos ang tao. Di ba’t hindi na kailangang banggitin yan?” Maaari ba nating sabihin iyan? Sabi ng ilang mga tao: “Hindi.” Bakit hindi natin maaaring sabihin iyan? Sabi ng ilang mga tao: “Ang tao ay hindi karapat-dapat magtamasa ng pagpapala ng Diyos.” Hindi ito lubusang tama. Dahil kapag ang isang tao ay tumanggap ng mga ipinagkakatiwala ng Diyos, may pamantayan ang Diyos sa paghusga kung ang mga pagkilos ng isang tao ay mabuti o masama at kung ang taong iyan ay sumunod, at kung ang taong iyan ay nakatupad sa kalooban ng Diyos at kung ang kanilang ginagawa ay pasado. Ang mahalaga sa Diyos ay ang puso ng tao, hindi ang panlabas nilang mga ginagawa. Hindi ito isang kaso na dapat pagpalain ng Diyos ang isang tao basta gumagawa sila, hindi alintana kung paano man sila gumawa. Ito ang maling pagka-unawa ng tao sa Diyos. Hindi lamang tumitingin ang Diyos sa huling resulta ng mga bagay, ngunit mas nagbibigay-diin sa kung ano ang kalagayan ng puso ng tao at kung ano ang saloobin ng tao sa pagpapatuloy ng mga bagay, at nakatingin kung may pagsunod, pagsasaalang-alang, at kagustuhang magbigay-saya sa Diyos sa kanilang puso. Gaano karami ang kaalaman ni Noe tungkol sa Diyos noong panahong iyon? Kasing-dami ba ng mga doktrinang alam na ninyo ngayon? Sa mga aspeto ng katotohanan tulad ng mga konsepto at kaalaman sa Diyos, nakatanggap ba siya ng kasing-daming pagdidilig at pagpapastol tulad ninyo? Hindi! Ngunit may isang katunayang hindi maikakaila: Sa mga kamalayan, mga isipan, at kahit sa kailaliman ng mga puso ng mga tao sa kasalukuyan, ang kanilang mga konsepto at saloobin sa Diyos ay malabo at di-tiyak. Maaari niyo pa ngang sabihin na may mga taong negatibo ang saloobin tungkol sa pag-iral ng Diyos. Ngunit sa puso ni Noe at sa kanyang kamalayan, ang pag-iral ng Diyos ay ganap at walang alinlangan, at kaya ang kanyang pagsunod sa Diyos ay walang halo at kayang tumayo sa pagsubok. Ang kanyang puso ay malinis at bukas sa Diyos. Hindi niya kailangan ng masyadong maraming kaalaman sa mga doktrina upang makumbinsi ang sarili niyang sumunod sa bawat salita ng Diyos, ni hindi rin niya kailangan ng maraming katunayan upang patunayan ang pag-iral ng Diyos, upang matanggap niya kung ano ang ipinagkatiwala ng Diyos at makayang gawin ang anumang ipinagagawa sa kanya ng Diyos. Ito ang mahalagang pagkakaiba ni Noe at ng mga tao sa kasalukuyan, at ito rin ang tiyak na tunay na kahulugan ng kung ano ang isang perpektong tao sa mata ng Diyos. Ang nais ng Diyos ay mga taong tulad ni Noe. Siya ang uri ng taong pinupuri ng Diyos, at tiyak rin na uri ng taong pinagpapala ng Diyos. May natanggap ba kayong anumang pagliliwanag mula rito? Ang mga tao ay tumitingin sa mga tao mula sa labas, samantalang ang tinitingnan ng Diyos ay ang mga puso ng mga tao at ang kanilang diwa. Hindi pinapayagan ng Diyos ang sinumang magkaroon ng anumang pagkakahati ng puso o alinlangan tungo sa Kanya, ni hindi rin Niya pinapayagan ang mga taong maghinala o subukin Siya sa anumang paraan. Kaya kahit na ang mga tao sa kasalukuyan ay harap-harapan sa salita ng Diyos, o maaari niyo pang sabihing harap-harapan sa Diyos, dahil sa anumang bagay na nasa kailaliman ng kanilang mga puso, ang pag-iral ng kanilang tiwaling diwa, at ang kanilang mapanlaban na saloobin sa Kanya, sila ay nahahadlangan sa kanilang tunay na paniniwala sa Diyos, at nahaharangan sa kanilang pagsunod sa Kanya. Dahil dito, napakahirap para sa kanilang maabot ang pagpapalang tulad ng ipinagkaloob ng Diyos kay Noe.
  3. Ginawa ng Diyos ang Bahaghari bilang isang Palatandaan ng Kanyang Tipan sa Tao
  (Gen 9:11-13) At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa. At sinabi ng Dios, Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa’t kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon: Ang aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.
  Sunod, tingnan natin ang bahaging ito ng banal na kasulatan tungkol sa kung paano ginawa ng Diyos ang bahaghari bilang palatandaan ng Kanyang tipan sa tao.
  Alam ng karamihan sa mga tao kung ano ang bahaghari at nakarinig na sila ng ilang mga kuwento na may kaugnayan sa mga bahaghari. Tungkol sa kuwento ng bahaghari sa Biblia, may ilang mga tao na naniniwala rito, may ilang itinuturing itong alamat, habang ang iba ay hindi kailanman naniniwala rito. Ano pa man, ang lahat ng nangyaring may kaugnayan sa bahaghari ay mga bagay na minsan ay ginawa ng Diyos, at mga bagay na naganap sa proseso ng pamamahala ng Diyos sa tao. Ang mga ito ay naitala nang tiyak sa Biblia. Hindi sinasabi sa atin ng mga naitalang ito kung ano ang lagay ng damdamin ng Diyos sa panahong iyon o ang mga layunin na nasa likod ng mga salitang ito na sinabi ng Diyos. Higit pa rito, walang makapagpahalaga sa nararamdaman ng Diyos noong sinabi Niya ang mga ito. Subalit ang kalagayan ng isip ng Diyos tungkol sa lahat nang ito ay naihahayag sa nakatagong kahulugan ng teksto. Para bang ang Kanyang mga kaisipan ay tumatalon mula sa pahina sa pamamagitan ng bawat salita at parirala ng salita ng Diyos.
  Ang mga kaisipan ng Diyos ang dapat na binibigyang-pansin ng mga tao at dapat nilang sinusubukang malaman ng higit sa lahat. Ito ay dahil ang mga kaisipan ng Diyos ay malapit na kaugnay sa pagkaunawa ng tao sa Diyos, at ang pagkaunawa ng tao sa Diyos ay isang dugtong na hindi maaaring mawala sa pagpasok ng tao sa buhay. Kaya ano ang iniisip ng Diyos noong panahong nangyari ang mga ito?
  Sa simula, sa mata ng Diyos lumikha Siya ng sangkatauhan na napakabuti at malapit sa Kanya, ngunit sila ay nilipol sa pamamagitan ng baha matapos maghimagsik laban sa Kanya. Nasaktan ba ang Diyos na ang ganoong sangkatauhan ay agad naglaho nang ganoon na lamang? Siyempre masakit iyon! Kaya ano ang pagpapahayag Niya ng sakit na ito? Paano itong naitala sa Biblia? Naitala ito sa Biblia nang ganito: “At aking pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.” Ang simpleng pangungusap na ito ay nagpapahayag ng mga kaisipan ng Diyos. Lubhang napakasakit sa Kanya itong pagkagunaw ng mundo. Sa mga salita ng tao, Siya ay napakalungkot. Maari nating gunitain: Ano ang anyo ng daigdig na minsa’y puno ng buhay pagtapos itong ginunaw ng baha? Ano na ngayon ang anyo ng daigdig na minsan ay puno ng mga tao? Walang tahanan na para sa tao, walang mga buhay na nilikha, may tubig kahit saan at isang lubos na kaguluhan sa ibabaw ng tubig. Ang ganito bang eksena ang talagang layunin ng Diyos noong nilikha Niya ang mundo? Siyempre hindi! Ang talagang layunin ng Diyos ay makakita ng buhay sa buong kalupaan, ang makita ang mga taong Kanyang nilikha na sumasamba sa Kanya, hindi para si Noe lang ang nag-iisang sumasamba sa Kanya o ang nag-iisang maaaring tumugon sa Kanyang panawagan na tapusin ang ipinagkatiwala sa kanya. Noong naglaho ang sangkatauhan, nakita ng Diyos ang lubos na kabaliktaran ng talagang nilayon Niya. Paanong hindi masasaktan ang Kanyang puso? Kaya noong ibinubunyag Niya ang Kanyang disposisyon at ipinahihiwatig ang Kanyang mga damdamin, nagpasya ang Diyos. Anong uri ng pasya ang Kanyang ginawa? Ang gumawa ng arko sa ulap (pansinin: ang bahagharing nakikita natin) bilang isang tipan sa tao, isang pangako na hindi na muling lilipulin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng baha. Kasabay nito, para sabihin din sa mga tao na minsan ay ginunaw ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha, upang magpakailanman ay maipaalala sa sangkatauhan kung bakit ginawa ng Diyos ang ganoon.
  Ang pagkagunaw ba ng mundo noong panahong iyon ay isang bagay na kagustuhan ng Diyos? Tiyak na hindi ito ang gusto ng Diyos. Maaari nating gunitain ang maliit na bahagi ng kaawa-awang anyo ng daigdig matapos ang pagkagunaw ng mundo, ngunit hindi natin magunita ng sapat kung ano ang anyo ng eksenang ito sa panahong iyon sa mata ng Diyos. Masasabi nating, kung ito man ay mga tao ngayon o noon, walang makagugunita o makapagpapahalaga kung ano ang nararamdaman ng Diyos noong nakita Niya ang eksenang iyon, ang anyong iyon ng mundo pagkatapos itong magunaw sa pamamagitan ng baha. Napilitan ang Diyos na gawin ito dahil sa kasuwailan ng tao, ngunit ang sakit na pinagdusahan ng puso ng Diyos mula sa pagkagunaw na ito ng mundo sa pamamagitan ng baha ay isang reyalidad na walang makakaarok o makakapagpahalaga. Kaya gumawa ang Diyos ng isang tipan sa tao, na magsasabi sa mga taong gunitain na minsan ay may ginawang ganito ang Diyos, at upang manumpa sa kanila na hindi na kailanman gugunawing muli ng Diyos ang mundo sa ganoong paraan. Sa tipang ito makikita natin ang puso ng Diyos—makikita natin na ang puso ng Diyos ay nakaramdam ng sakit noong nilipol Niya ang sangkatauhang ito. Sa wika ng tao, noong nilipol ng Diyos ang sangkatauhan at nakitang naglalaho ang sangkatauhan, ang Kanyang puso ay umiiyak at nagdurugo. Hindi ba hanggang diyan na lang natin kayang ilarawan ito? Ang mga salitang ito ang ginagamit ng mga tao upang ilarawan ang mga damdamin ng tao, ngunit dahil ang wika ng tao ay masyadong kapos, ang gamitin ang mga ito upang ilarawan ang mga nararamdaman at damdamin ng Diyos ay hindi na gaanong masama para sa Akin, at ni hindi rin naman sila gaanong lumalabis. Kahit paano binigyan kayo ng napakatingkad, napakaangkop na pagkaunawa sa kung ano ang lagay ng damdamin ng Diyos noong panahong iyon. Ano na ang iisipin ninyo ngayon kapag may nakita kayo ulit na bahaghari? Kahit paano, maaalala ninyo kung paano nagdalamhati ng minsan ang Diyos dahil sa pagkakagunaw ng mundo sa pamamagitan ng baha. Maaalala ninyo kung paano, bagamat kinapootan ng Diyos ang mundong ito at kinamuhian ang sangkatauhang ito, noong nilipol Niya ang mga taong nilikha Niya ng sarili Niyang mga kamay, na ang puso Niya ay nasasaktan, nagpupumilit bumitaw, nag-aatubili, at nahihirapang magtiis. Ang tangi Niyang kinaaliwan ay ang pamilya ni Noe na walong katao. Ang pakikipagtulungan ni Noe ang nagbigay-halaga sa Kanyang mga napakaingat na pagsisikap sa paglikha ng lahat nang bagay. Sa panahong nagdurusa ang Diyos, ito lamang ang pampawi sa Kanyang nararamdaman na sakit. Mula noon, inilagay ng Diyos ang lahat ng Kanyang inaasahan sa sangkatauhan sa pamilya ni Noe, umaasang mabubuhay sila sa ilalim ng Kanyang mga pagpapala at hindi sa Kanyang sumpa, umaasang hindi nila kailanman muling makikitang gunawin ng Diyos ang mundo sa pamamagitan ng baha, at umaasa ring hindi sila magugunaw.
  Anong bahagi ng disposisyon ng Diyos ang dapat nating maunawaan mula rito? Kinasuklaman ng Diyos ang tao dahil lumaban ang tao sa Kanya, ngunit sa Kanyang puso, ang Kanyang pag-aalaga, pagmamalasakit, at awa para sa sangkatauhan ay nanatiling hindi nagbabago. Kahit noong nilipol Niya ang sangkatauhan, ang puso Niya’y nanatiling hindi nagbago. Noong ang sangkatauhan ay napuno ng katiwalian at naging suwail sa Diyos hanggang sa ganap na hangganan, kinailangan ng Diyos, dahil sa Kanyang disposisyon at Kanyang diwa, at alinsunod sa Kanyang mga panuntunan, na lipulin ang sangkatauhang ito. Ngunit dahil sa diwa ng Diyos, kinaawaan pa rin Niya ang sangkatauhan, at nagnais pang gumamit ng iba’t–ibang mga paraan upang hanguin ang sangkatauhan upang makapagpatuloy silang mabuhay. Sa halip, nilabanan ng tao ang Diyos, nagpatuloy na sumuway sa Diyos, at tinanggihan na tanggapin ang kaligtasan ng Diyos, na ang ibig sabihin, tinanggihan na tanggapin ang Kanyang mga mabubuting layunin. Kahit paano man sila tinawag ng Diyos, pinaalalahanan, tinustusan, tinulungan, o pinagbigyan, hindi ito naunawaan o pinahalagahan ng tao, at ni hindi rin sila nagbigay-pansin. Sa kabila ng sakit Niyang nadama, hindi pa rin kinalimutan ng Diyos na ibigay sa tao ang pinakamataas na antas ng Kanyang pagpaparaya, sa paghihintay na manumbalik ang tao. Matapos Niyang maabot ang Kanyang hangganan, ginawa Niya ang dapat Niyang gawin nang walang anumang alinlangan. Sa madaling sabi, may nakatakdang panahon at proseso mula sa sandaling binalak ng Diyos na lipulin ang sangkatauhan hanggang sa opisyal na simula ng Kanyang gawain na paglipol sa sangkatauhan. Umiral ang ganitong proseso sa layuning mapanumbalik ang tao, at ito ang huling pagkakataon na ibinigay ng Diyos sa tao. Kaya ano ang ginawa ng Diyos sa panahong ito bago lipulin ang sangkatauhan? Napakaraming pagpapaalala at masidhing paghihikayat ang ginawa ng Diyos. Kahit gaano pa katindi ang sakit o pighating pinagdadaanan ng puso ng Diyos, patuloy Niyang ibinigay ang Kanyang pag-aalaga, malasakit, at masaganang awa sa sangkatauhan. Ano ang nakikita natin mula rito? Walang duda, nakikita natin na ang pag-ibig ng Diyos para sa sangkatauhan ay totoo at hindi Niya sabi-sabi lamang. Ito ay tunay, nadarama at may halaga, hindi huwad, may halo, mapandaya o mapagkunwari. Hindi kailanman gumagamit ang Diyos ng anumang pandaraya o lumilikha ng mga huwad na kaanyuan para ipakita sa mga taong Siya ay kaibig-ibig. Hindi Siya kailanman gumagamit ng di-tunay na patotoo para maipakita sa mga tao ang Kanyang kagandahan, o ipangalandakan ang Kanyang kagandahan at kabanalan. Hindi ba karapat-dapat para sa pag-ibig ng tao ang mga aspetong ito ng disposisyon ng Diyos? Hindi ba karapat-dapat sambahin ang mga ito? Hindi ba karapat-dapat itangi ang mga ito? Sa puntong ito, nais ko kayong tanungin: Matapos ninyong marinig ang mga salitang ito, sa palagay ba ninyo ang kadakilaan ng Diyos ay pawang mga salita lamang sa isang pilas ng papel? Ang kagandahan ba ng Diyos ay mga hungkag na salita lamang? Hindi! Tiyak na hindi! Ang pangingibabaw ng Diyos, ang Kanyang kadakilaan, kabanalan, pagpaparaya, pag-ibig, at iba pa—ang lahat nitong mga iba’t ibang aspeto ng disposisyon ng Diyos at diwa ay nagiging mabisa tuwing ginagawa Niya ang Kanyang gawain, nakapaloob sa Kanyang kalooban para sa tao, at natutupad at nasasalamin din sa bawa’t tao. Nadama mo man dati ito o hindi pa, inaalagaan ng Diyos ang bawa’t tao sa bawa’t posibleng paraan, gamit ang Kanyang tapat na puso, karunungan, at iba’t ibang kaparaanan upang mapainit ang puso ng bawa’t tao, at magising ang espiritu ng bawa’t tao. Ito ay isang di-matututulang katunayan. Gaano man karaming tao ang nakaupo rito, ang bawa’t tao ay nagkaroon na ng iba’t ibang mga karanasan at mga damdamin sa pagpaparaya, pagpapasensya, at kagandahan ng Diyos. Ang mga karanasang ito sa Diyos at ang mga nadarama o mga pagkilalang ito sa Kanya—sa madaling salita, ang lahat ng mga positibong bagay na ito ay mula sa Diyos. Kaya sa pagsasama-sama ng mga karanasan at kaalaman ng lahat sa Diyos at sa pagsama sa mga ito sa mga binasa natin sa araw na ito na mga pahayag mula sa Biblia, may mas totoo at tamang kaunawaan na ba kayo ngayon sa Diyos?
  Matapos mabasa ang kuwentong ito at maunawaan nang kaunti ang disposisyon ng Diyos na naipahayag sa pamamagitan ng kaganapang ito, anong uri ng bagong pagpapahalaga ang mayroon kayo para sa Diyos? Nakapagbigay ba ito sa inyo ng mas malalim na pagkaunawa sa Diyos at sa Kanyang puso? Iba na ba ngayon ang nadarama ninyo kapag muli ninyong tinitingnan ang kuwento ni Noe? Ayon sa inyong mga pananaw, hindi na ba dapat kinailangang ipahayag ang mga bersikulong ito mula sa Biblia? Ngayong napag-usapan na natin ang mga ito, sa palagay ba ninyo ay hindi ito kinakailangan? Kailangan ito, tama? Kahit na ang binasa natin ay isang kuwento, isa itong tunay na tala ng gawain na minsan ay ginawa ng Diyos. Ang layunin ko ay hindi upang maipaintindi sa inyo ang mga detalye ng mga kuwentong ito o ng karakter na ito, ni hindi rin upang mapag-aralan ninyo ang karakter na ito, at tiyak na hindi upang bumalik kayo at pag-aralang muli ang Biblia. Naiintindihan ba ninyo? Kaya nakatulong ba ang mga kuwentong ito sa inyong kaalaman sa Diyos? Ano ang naidagdag ng kuwentong ito sa inyong pagkaunawa sa Diyos? Sabihin ninyo sa amin, mga kapatirang lalaki at babae mula sa mga iglesia sa Hong Kong. (Nakita namin na ang pag-ibig ng Diyos ay isang bagay na walang sinuman sa ating mga tiwaling tao ang may taglay.) Sabihin ninyo sa amin, mga kapatirang lalaki at babae mula sa mga iglesia sa Korea. (Ang pag-ibig ng Diyos para sa tao ay totoo. Ang pag-ibig ng Diyos para sa tao ay nagtataglay ng Kanyang disposisyon at nagtataglay ng Kanyang kadakilaan, kabanalan, pangingibabaw, at ng Kanyang pagpaparaya. Sa pamamagitan ng ganitong kuwento lalo nating mapahahalagahan na ang lahat ng mga ito ay bahagi ng disposisyon ng Diyos, at karapat-dapat para sa ating pagsisikap na magkaroon ng mas malalim na pagkaunawa dito.) (Sa pamamagitan ng pakikipag-usap kanina lamang, makikita natin sa isang dako ang matuwid at banal na disposisyon ng Diyos, at makikita rin natin ang malasakit na mayroon ang Diyos para sa sangkatauhan, ang awa ng Diyos para sa sangkatauhan, at ang lahat ng ginagawa ng Diyos at bawa’t kaisipan at kuru-kuro na mayroon Siya, lahat ay nagbubunyag ng Kanyang pag-ibig at malasakit para sa sangkatauhan.) (Ang dating pagkaunawa namin ay ginamit lamang ng Diyos ang baha upang gunawin ang mundo dahil ang sangkatauhan ay naging masama hanggang sa isang tiyak na lawak, at para bang nilipol ng Diyos ang sangkatauhang ito dahil kinasuklaman Niya sila. Pagkatapos lamang na binanggit ng Diyos sa araw na ito ang tungkol sa kuwento ni Noe at sinabing nagdurugo ang puso ng Diyos saka lamang namin natanto na tunay palang alinlangan Siyang bitawan ang sangkatauhang ito. Dahil lamang masyadong suwail ang sangkatauhan kaya walang nagawa ang Diyos kundi lipulin sila. Sa katunayan, ang puso ng Diyos sa panahong ito ay napakalungkot. Mula rito makikita natin sa disposisyon ng Diyos ang Kanyang pag-aalaga at malasakit para sa sangkatauhan. Ito ay isang bagay na hindi namin alam dati. Ang kadalasan naming iniisip noon ay dahil sa masyadong masama ang sangkatauhan, kaya nilipol sila ng Diyos. Ganoon kababaw ang pagkaunawa namin.) Napakabuti! Maaari kayong sumunod. (Apektadong-apektado ako matapos makinig. Nabasa ko na ang Biblia noong nakaraan, nguni’t hindi pa ako kailanman nagkaroon ng karanasang tulad ng sa araw na ito kung saan hinihimay nang direkta ng Diyos ang mga bagay na ito upang makilala natin Siya. Ang pagsama sa atin ng Diyos na tulad nito upang makita natin ang Biblia ang nagpaalam sa akin na ang diwa ng Diyos sa harap ng katiwalian ng tao ay pag-ibig at pag-aaruga sa sangkatauhan. Mula sa panahong naging tiwali ang tao hanggang sa mga huling araw ng kasalukuyan, kahit na nagdadala ang Diyos ng matuwid na disposisyon, ang Kanyang pag-ibig at pagkalinga ay nananatiling walang pagbabago. Ipinakikita nito na ang diwa ng pag-ibig ng Diyos, mula sa paglikha hanggang ngayon, naging tiwali man ang tao, ay hindi kailanman nagbabago.) (Nakita ko sa araw na ito na ang diwa ng Diyos ay hindi magbabago dahil sa pagbabago ng panahon o lugar ng Kanyang gawain. Nakita ko rin na, nililikha man ng Diyos ang mundo o ginugunaw ito matapos maging tiwali ang tao, ang lahat ng ginagawa Niya ay may kabuluhan at taglay ang Kanyang disposisyon. Sa ganoon, nakita ko na ang pag-ibig ng Diyos ay walang-hanggan at hindi-masusukat, at nakita ko rin, tulad ng nabanggit ng ibang kapatirang lalaki at babae, ang pagkalinga at awa ng Diyos para sa sangkatauhan noong ginunaw Niya ang mundo.) (Ito ay mga bagay na talagang hindi ko alam noon. Matapos makinig sa araw na ito, pakiramdam ko na ang Diyos ay tunay na kapani-paniwala, tunay na mapagkakatiwalaan, karapat-dapat paniwalaan, at talagang umiiral Siya. Tunay kong napahahalagahan sa puso ko na ang disposisyon at pag-ibig ng Diyos ay talagang ganito katotoo. Ito ang nararamdaman ko matapos makinig sa araw na ito.) Napakagaling! Mukhang isinapuso ninyong lahat ang inyong narinig.
  May napansin ba kayong isang natatanging katunayan mula sa lahat ng mga bersikulo sa Biblia, kasama na ang lahat ng mga kuwento sa Biblia na pinag-usapan natin sa araw na ito? Ginamit ba kailanman ng Diyos ang Kanyang sariling wika upang ipahayag ang Kanyang sariling mga kaisipan o ipaliwanag ang Kanyang pag-ibig at pagkalinga para sa sangkatauhan? May naitala ba tungkol sa Kanya na gumagamit Siya ng karaniwang wika upang sabihin kung gaano Siya nagmamalasakit o umiibig sa sangkatauhan? Hindi! Hindi ba tama yan? Napakarami sa inyo ang nakabasa na ng Biblia o mga librong bukod pa sa Biblia. Mayroon bang sinuman sa inyo ang nakakita ng mga salitang ganoon? Ang sagot ay tiyak na wala! Ibig sabihin, sa mga tala ng Biblia, kasama na ang mga salita ng Diyos o ang pagsasa-dokumento ng Kanyang gawain, hindi kailanman sa anumang kapanahunan o anumang sakop na panahon ginamit ng Diyos ang Kanyang sariling mga pamamaraan upang ilarawan ang Kanyang mga damdamin o ipahayag ang Kanyang pag-ibig at pagkalinga para sa sangkatauhan, ni hindi rin kailanman gumamit ang Diyos ng pananalita o anumang mga kilos upang ipahiwatig ang Kanyang mga nararamdaman at mga emosyon—hindi ba iyan ay isang katunayan? Bakit ko sinasabi iyon? Bakit ko kailangang banggitin ito? Dahil ito rin ay nagtataglay ng kagandahan ng Diyos at Kanyang disposisyon.
  Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan; nagawa man silang maging tiwali o sumusunod man sila sa Kanya, itinuturing ng Diyos ang mga tao bilang mga minamahal Niya—o gaya ng sinasabi ng mga tao, ang mga taong pinakamahalaga sa Kanya—at hindi Kanyang mga laruan. Bagama’t sinasabi ng Diyos na Siya ang Manlilikha at ang tao ay Kanyang nilikha, na para bang may kaunting pagkakaiba sa antas, ang realidad ay lahat nang nagawa ng Diyos para sa sangkatauhan ay sobra-sobra para sa ganitong kalikasan ng relasyon. Mahal ng Diyos ang sangkatauhan, inaalagaan ang sangkatauhan, at nagpapakita ng malasakit para sa sangkatauhan, parati rin at walang-tigil na naglalaan para sa sangkatauhan. Hindi Niya kailanman nararamdaman sa Kanyang puso na ito ay karagdagang gawain o bagay na karapat-dapat bigyan ng malaking parangal. Ni hindi rin Niya nararamdaman na ang pagliligtas sa sangkatauhan, pagtutustos sa kanila, at pagbibigay sa kanila ng lahat ng bagay, ay pagbibigay ng napakalaking ambag sa sangkatauhan. Tahimik at walang-imik lamang Siyang naglalaan para sa sangkatauhan, sa sarili Niyang paraan at sa pamamagitan ng sarili Niyang diwa at kung anong mayroon at kung ano Siya. Gaano man karami ang paglalaan at gaano man karaming tulong ang natatanggap ng sangkatauhan mula sa Kanya, hindi kailanman iniisip ng Diyos ang tungkol dito ni sinisikap na umako ng parangal. Ito ay itinatakda ng diwa ng Diyos, at tiyak rin na isa itong tunay na pagpapahayag ng disposisyon ng Diyos. Ito ang dahilan kung bakit, nakatala man o hindi sa Biblia o sa anumang ibang mga aklat, hindi kailanman natin nakikitang ipinahahayag ng Diyos ang Kanyang mga kaisipan, at hindi kailanman natin nakikitang inilalarawan o ipinahahayag ng Diyos sa mga tao kung bakit Niya ginagawa ang mga ito, o bakit masyado Niyang kinakalinga ang sangkatauhan, upang magpasalamat ang sangkatauhan sa Kanya o purihin Siya. Kahit Siya ay nasasaktan, kapag ang Kanyang puso ay may pinagdadaanang matinding sakit, hindi Niya kailanman kinalilimutan ang Kanyang pananagutan sa sangkatauhan o ang Kanyang malasakit para sa sangkatauhan, tinitiis Niya lamang ang lahat ng sakit at kirot nang tahimik at nag-iisa. Sa kabaligtaran, patuloy ang Diyos na naglalaan para sa sangkatauhan tulad nang lagi Niyang ginagawa. Kahit na ang sangkatauhan ay madalas na nagpupuri sa Diyos o nagpapatotoo para sa Kanya, walang kahit na ano sa mga asal na ito ang hinihingi ng Diyos. Ito ay dahil hindi kailanman hinahangad ng Diyos na ang anuman sa mga mabubuting bagay na ginagawa Niya para sa sangkatauhan ay maipagpalit sa pagkilala ng utang-na-loob o para ito ay mabayaran. Sa kabilang dako, ang mga may takot sa Diyos at lumalayo sa kasamaan, ang mga tunay na sumusunod sa Diyos, nakikinig sa Kanya at tapat sa Kanya, at ang mga sumusunod sa Kanya —ito ang mga tao na madalas na makatatanggap ng mga pagpapala ng Diyos, at igagawad ng Diyos ang ganoong mga pagpapala nang walang pasubali. Higit pa rito, ang mga pagpapalang natatanggap ng mga tao mula sa Diyos ay madalas na higit pa sa kanilang mga naiisip, at higit rin sa anumang maibabalik ng mga tao kapalit ng kanilang nagawa o sa halagang kanilang pinagbayaran. Kapag tinatamasa ng sangkatauhan ang mga pagpapala ng Diyos, mayroon bang nakaaalala sa kung ano ang ginagawa ng Diyos? Mayroon bang nagpapakita ng malasakit para sa nararamdaman ng Diyos? Mayroon bang sinumang sumusubok na bigyang-halaga ang nadaramang sakit ng Diyos? Ang tiyak na sagot sa mga tanong na ito ay: Hindi! Kaya ba ng sinumang tao, kabilang na si Noe, na pahalagahan ang sakit na nadarama ng Diyos sa sandaling iyon? May nakauunawa ba kung bakit gagawa ng ganoong tipan ang Diyos? Hindi nila kaya! Hindi pinahahalagahan ng sangkatauhan ang nadaramang sakit ng Diyos hindi dahil hindi nila maunawaan ang sakit ng damdamin ng Diyos, at hindi dahil sa agwat na namamagitan sa Diyos at tao o sa pagkakaiba ng kanilang katayuan; sa halip, ito ay dahil walang pakialam ang sangkatauhan sa anumang mga nararamdaman ng Diyos. Ipinapalagay ng sangkatauhan na hindi umaasa sa iba ang Diyos—hindi kailangan ng Diyos ang mga tao upang lumingap sa Kanya, upang unawain Siya o pakitaan Siya ng pagsasaalang-alang. Ang Diyos ay Diyos, kaya wala Siyang nadaramang sakit, walang mga damdamin; hindi Siya malulungkot, Hindi Siya nakadarama ng hinagpis, ni hindi Siya umiiyak. Ang Diyos ay Diyos, kaya hindi Niya kailangan ang anumang pagpapahayag ng damdamin at hindi Niya kailangan ang anumang kaginhawahan ng damdamin. Kung kailanganin man Niya ang mga ito sa ilalim ng tiyak na mga pangyayari, Kanyang lulutasin ito ng Siya Mismo at hindi mangangailangan ng anumang tulong mula sa sangkatauhan. Sa kabaligtaran, ang mga mahihina, isip-batang mga tao ang nangangailangan ng pampalubag-loob ng Diyos, paglalaan, pagpapalakas, at kahit ang pag-aaliw Niya sa kanilang mga damdamin, kailan man, saan man. Ang ganoong kaisipan ay nakatago sa kailaliman ng mga puso ng sangkatauhan: Ang tao ang mahina; kailangan nila ang Diyos upang alagaan sila sa lahat ng paraan, karapat-dapat sila sa lahat ng pag-aalagang natatanggap nila mula sa Diyos, at dapat nilang hilingin mula sa Diyos ang anumang palagay nila na dapat ay sa kanila. Ang Diyos ang malakas; nasa Kanya ang lahat, at dapat na Siya ang maging tagapag-alaga ng sangkatauhan at tagapagkaloob ng mga pagpapala. Dahil Siya ay Diyos na, kaya Niyang gawin ang lahat at hindi kailanman Siya nangangailangan ng anuman mula sa sangkatauhan.
  Dahil hindi nagbibigay-pansin ang tao sa anumang mga pagbubunyag ng Diyos, hindi niya kailanman nadama ang pighati, sakit, o galak ng Diyos. Nguni’t sa kabaligtaran, alam ng Diyos ang lahat ng pagpapahayag ng tao tulad ng palad ng Kanyang kamay. Tinutustusan ng Diyos ang mga pangangailangan ng lahat sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar, pinagmamasdan ang nagbabagong mga kaisipan ng bawa’t tao at sa gayon ay inaaliw at masidhing hinihikayat sila, at ginagabayan at iniilawan sila. Sa ngalan ng lahat ng mga bagay na nagawa ng Diyos sa sangkatauhan at lahat ng mga halagang Kanyang binayaran dahil sa kanila, may makikita bang mga pahayag ang mga tao sa Biblia o mula sa anumang sinabi ng Diyos hanggang sa ngayon na malinaw na nagsasabing hihingi ang Diyos ng anuman mula sa tao? Hindi! Sa kabaliktaran, kahit na paano balewalain ng mga tao ang kaisipan ng Diyos, paulit-ulit pa rin Niyang pinangungunahan ang sangkatauhan, paulit-ulit na tinutustusan ang sangkatauhan at tinutulungan sila, upang makasunod sila sa paraan ng Diyos para matanggap nila ang magandang hantungan na inihanda Niya para sa kanila. Pagdating sa Diyos, kung anong mayroon at kung ano Siya, ang biyaya Niya, ang awa Niya, at lahat ng mga pabuya Niya, ay ipagkakaloob nang walang pasubali sa mga nagmamahal at sumusunod sa Kanya. Nguni’t hindi Niya kailanman ipinahahayag sa sinumang tao ang sakit na pinagdusahan Niya o ang lagay ng isipan Niya, at hindi Siya kailanman nagrereklamo tungkol sa sinumang hindi nagsasaalang-alang sa Kanya o hindi nakaaalam ng Kanyang kalooban. Dinadala lamang Niya ang lahat ng ito nang tahimik, naghihintay sa araw na mauunawaan ng sangkatauhan.
  Bakit ko sinasabi rito ang mga bagay na ito? Ano ang nakikita ninyo mula sa mga bagay na nasabi ko? Mayroong isang bagay sa diwa at disposisyon ng Diyos na pinakamadaling hindi mapansin, isang bagay na taglay lamang ng Diyos at hindi ninumang tao, kasama yaong sa tingin ng iba ay mga dakilang tao, mabubuting tao, o ang Diyos ng kanilang imahinasyon. Ano ang bagay na ito? Ito ang pagiging-hindi-makasarili ng Diyos. Kapag nagsalita tayo tungkol sa pagiging-hindi-makasarili, maaaring isipin mong ikaw rin ay lubhang hindi-makasarili, dahil pagdating sa iyong mga anak, hindi ka kailanmang nakikipagtawaran sa kanila at ikaw ay mapagbigay sa kanila, o iniisip mong ikaw rin ay lubhang hindi-makasarili pagdating sa iyong mga magulang. Ano man ang iyong palagay, kahit paano ay may konsepto ka sa salitang “hindi-makasarili” at iniisip ito bilang isang positibong salita, at ang pagiging isang tao na hindi-makasarili ay napakarangal. Kapag ikaw ay hindi-makasarili, sa palagay mo ay dakila ka. Nguni’t walang nakakakita sa pagiging-hindi-makasarili ng Diyos sa gitna ng lahat ng mga bagay, sa gitna ng mga tao, mga pangyayari at mga bagay na nakikita’t nahahawakan, at sa pamamagitan ng gawain ng Diyos. Bakit ganoon ito? Dahil ang tao ay masyadong makasarili! Bakit ko sinasabi iyon? Ang sangkatauhan ay nabubuhay sa isang materyal na mundo. Maaaring sumusunod ka sa Diyos, nguni’t hindi mo kailanman nakikita o napahahalagahan kung paano ka tinutustusan ng Diyos, minamahal, at nagpapakita ng malasakit para iyo. Kaya ano ang nakikita mo? Nakikita mo ang mga kamag-anak mo sa dugo na nagmamahal sa iyo o mapagpalayaw sa iyo. Nakikita mo ang mga bagay na kapaki-pakinabang sa iyong laman, kinakalinga mo ang mga tao at mga bagay na mahal mo. Ito ang tinatawag na pagiging-hindi-makasarili ng tao. Nguni’t ang mga ganitong “hindi-makasariling” mga tao ay hindi kailanman nagbibigay-pansin sa Diyos na nagbibigay sa kanila ng buhay. Kung ihahambing sa Diyos, ang pagiging-hindi-makasarili ng tao ay nagiging makasarili at kasuklam-suklam. Ang pagiging-hindi-makasarili na pinaniniwalaan ng tao ay walang-kahulugan at hindi-makatotohanan, may-halo, hindi-tugma sa Diyos, at hindi-kaugnay sa Diyos. Ang pagiging-hindi-makasarili ng tao ay para sa sarili niya, habang ang pagiging-hindi-makasarili ng Diyos ay isang tunay na pagbubunyag ng Kanyang diwa. Tiyak na dahil sa pagiging-hindi-makasarili ng Diyos kaya nakakatanggap ang tao ng patuloy na daloy ng tustos mula sa Kanya. Maaaring hindi kayo gaanong apektado ng paksang tinatalakay ko sa araw na ito at pawang tumatango lamang sa pagsang-ayon, nguni’t kapag sinusubukan mong pahalagahan ang puso ng Diyos sa iyong puso, matutuklasan mo nang hindi sinasadya: Sa lahat ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay na nadarama mo sa mundong ito, tanging ang pagiging-hindi-makasarili ng Diyos lamang ang totoo at tiyak, dahil ang pag-ibig lamang ng Diyos para sa iyo ang walang-pasubali at walang-dungis. Bukod sa Diyos, ang lahat ng anumang tinatawag na pagiging-hindi-makasarili ng sinuman ay pawang huwad, mababaw, hindi-matapat; mayroon itong layunin, mga tanging hangarin, may kapalit, at hindi kakayaning dumaan sa pagsubok. Maaari niyo pang sabihin na ito ay marumi, kasumpa-sumpa. Sang-ayon ba kayo?
  Alam kong lubhang hindi kayo bihasa sa mga paksang ito at nangangailangan ng kaunting panahon para matanggap ang mga ito nang malalim bago ninyo tunay na maunawaan. Habang mas hindi kayo bihasa sa mga usapin at mga paksang ito, mas napatutunayan na ang mga paksang ito ay wala sa inyong puso. Kung hindi ko kailanman babanggitin ang mga paksang ito, may sinuman ba sa inyong nakaaalam ng kaunti tungkol sa mga ito? Sa palagay ko hindi ninyo kailanman malalaman ang mga ito. Tiyak iyan. Gaano man karami ang kayang maabot ng inyong isipan o maunawaan, sa madaling salita, ang mga paksang ito na tinatalakay ko ang pinakakulang sa mga tao at dapat nilang malaman nang higit pa sa lahat. Ang mga paksang ito ay napakahalaga para sa lahat—ang mga ito ay itinatangi at ang mga ito ay buhay, at ito ang mga bagay na dapat ninyong mataglay para sa hinaharap na paglalakbay. Kapag wala ang mga salitang ito bilang gabay, kapag wala ang iyong pagkaunawa sa disposisyon ng Diyos at diwa, lagi ka lamang may dala-dalang katanungan pagdating sa Diyos. Paano kang makakapaniwala sa Diyos nang maayos kung hindi mo man lamang Siya nauunawaan? Wala kang alam tungkol sa damdamin ng Diyos, sa Kanyang kalooban, sa lagay ng Kanyang isip, sa kung ano ang Kanyang iniisip, kung ano ang nagpapalungkot sa Kanya, at kung ano ang nagpapasaya sa Kanya, kaya paano ka magiging mapagsaalang-alang sa puso ng Diyos?
  Kapag ang Diyos ay nababalisa, hinaharap Niya ang isang sangkatauhan na hindi man lamang Siya binibigyan ng anumang pansin, isang sangkatauhan na sumusunod sa Kanya at nagsasabing mahal Siya nguni’t lubusang hindi pinapansin ang Kanyang mga nararamdaman. Paanong hindi masasaktan ang Kanyang puso? Sa gawaing pamamahala ng Diyos, tapat Siyang nagsasakatuparan ng Kanyang gawain at nangungusap sa bawa’t tao, at hinaharap sila nang walang pasubali o pagtatakip, nguni’t sa kabaliktaran, ang bawa’t taong sumusunod sa Kanya ay sarado sa Kanya, at walang sinumang may gustong mas mapalapit sa Kanya, maunawaan ang Kanyang puso, o magbigay-pansin sa Kanyang mga nararamdaman. Kahit ang mga nagnanais na maging kapalagayang-loob ng Diyos ay ayaw mapalapit sa Kanya, maging mapagsaalang-alang sa Kanyang puso, o subukang maunawaan Siya. Kapag ang Diyos ay nagagalak at masaya, walang sinumang makababahagi sa Kanyang kasayahan. Kapag mali ang pagkakaunawa ng mga tao sa Diyos, walang sinumang makapagbibigay-aliw sa Kanyang sugatang puso. Kapag nasasaktan ang Kanyang puso, wala ni isang tao ang may gustong makinig sa Kanyang pagbubukas-loob sa kanila. Sa nagdaang ilang libong taon ng gawaing pamamahala ng Diyos, walang sinumang nakauunawa sa mga damdamin ng Diyos, ni awalang sinumang nakaiintindi o nakapagpapahalaga sa mga ito, at mas lalong walang sinumang maaaring tumayo sa tabi ng Diyos upang makibahagi sa Kanyang mga kagalakan at mga kapighatian. Ang Diyos ay namamanglaw. Siya ay namamanglaw! Namamanglaw ang Diyos hindi lamang dahil lumalaban sa Kanya ang tiwaling sangkatauhan, kundi lalong dahil sa yaong mga nagsisikap na maging espiritwal, yaong mga nagnanais na makilala ang Diyos at maunawaan Siya, at kahit yaong mga gustong mag-alay ng kanilang buong buhay sa Kanya, ay hindi rin alam ang Kanyang mga iniisip at hindi nauunawaan ang Kanyang disposisyon at Kanyang mga damdamin.
  Sa katapusan ng kuwento ni Noe, nakita nating gumagamit ang Diyos ng di-karaniwang paraan upang ipahayag ang Kanyang mga damdamin sa panahong iyon. Ang paraang ito ay lubhang natatangi, at iyan ay ang paggawa ng tipan sa tao. Ito ay paraang nagpapahayag ng katapusan sa paggamit ng Diyos sa mga baha upang gunawin ang mundo. Mula sa labas, ang paggawa ng isang tipan ay para bang napaka-pangkaraniwang bagay. Walang ginagawa dito kundi gumamit ng mga salita upang bigkisin ang magkabilang partido sa pag-iwas sa mga paglabag, nang makatulong na matupad ang layunin na pangalagaan ang kapakanan ng magkabilang panig. Sa anyo, ito ay isang napaka-pangkaraniwang bagay, nguni’t sa nasa likod na mga dahilan at kahulugan ng paggawa nito ng Diyos, ito ay isang tunay na pagbubunyag ng disposisyon ng Diyos at lagay ng isipan. Kung isasantabi mo lamang ang mga salitang ito at hindi papansinin, kung hindi ko kailanman sabihin sa inyo ang katotohanan ng mga bagay-bagay, hindi talaga kailanman malalaman ng sangkatauhan ang pag-iisip ng Diyos. Marahil sa iyong imahinasyon ay nakangiti ang Diyos habang ginagawa Niya ang tipang ito, o marahil ay seryoso ang mukha Niya, nguni’t ano man ang pinakakaraniwang uri ng kahayagan ng Diyos sa imahinasyon ng mga tao, walang nakakakita sa puso ng Diyos o sa Kanyang nadaramang sakit, at lalo pa sa Kanyang pamamanglaw. Walang makagagawang pagkatiwalaan sila ng Diyos o maging karapat-dapat sa tiwala ng Diyos, o maging isang taong mapagpapahayagan ng Kanyang mga iniisip o mapagbubuksan Niya ng nadarama Niyang sakit. Iyan ang dahilan kung bakit walang ibang maaaring gawin ang Diyos kundi ang gawin ang ganoong bagay. Sa pang-ibabaw, madaling bagay ang ginawa ng Diyos na pagpapaalam sa naunang sangkatauhan, pagsasaayos sa nakaraan at paghuhugot ng ganap na konklusyon sa paggunaw Niya sa mundo sa pamamagitan ng baha. Subali’t ibinaon ng Diyos ang sakit mula sa sandaling ito sa kailaliman ng Kanyang puso. Sa panahong walang sinumang mapagbubuksang-loob ang Diyos, gumawa Siya ng tipan sa sangkatauhan, sinabi sa kanilang hindi na ulit Niya gugunawin ang mundo sa pamamagitan ng baha. Kapag lumilitaw ang bahaghari, ito ay upang ipaalala sa mga tao na minsan ay naganap ang ganoong pangyayari, upang magbabala sa kanila na huwag gumawa ng masasamang mga bagay. Kahit na sa ganoong kasakit na kalagayan, hindi kinalimutan ng Diyos ang sangkatauhan at nagpakita pa rin ng napakalaking malasakit para sa kanila. Hindi ba ito ang pag-ibig at pagiging-hindi-makasarili ng Diyos? Nguni’t ano ang iniisip ng mga tao kapag sila ay nagdurusa? Hindi ba’t ito ang panahong pinaka-kailangan nila ang Diyos? Sa mga panahong tulad nito, laging kinakaladkad palapit ng mga tao ang Diyos upang mapaginhawa sila ng Diyos. Kailanman, hinding-hindi bibiguin ng Diyos ang mga tao, at lagi Niyang iaahon ang mga tao mula sa kanilang mga mabibigat na suliranin at mabuhay sa liwanag. Kahit ganoong tinutustusan ng Diyos ang sangkatauhan, sa puso ng tao, ang Diyos ay isa lamang pildoras na pampalakas-loob, isang gamot na nakapagpapaginhawa. Kapag ang Diyos ay nagdurusa, kapag sugatan ang Kanyang puso, ang pagkakaroon ng isang nilikha o sinumang taong sasamahan Siya o pagiginhawahin Siya ay walang-dudang isang marangyang pagnanais lamang para sa Diyos. Hindi kailanman pinapansin ng tao ang mga damdamin ng Diyos, kaya hindi kailanman humihingi ang Diyos ni hindi umaasa na mayroong sinumang makaaaliw sa Kanya. Ginagamit lamang Niya ang Kanyang sariling mga pamamaraan upang ipahayag ang lagay ng Kanyang damdamin. Hindi iniisip ng mga tao na isang malaking bagay para sa Diyos ang dumaan sa kaunting pagdurusa, nguni’t kapag talagang sinubukan mo lamang na maunawaan ang Diyos, kapag totoong napahahalagahan mo ang mga taimtim na mga hangarin ng Diyos sa lahat ng Kanyang ginagawa, madarama mo ang kadakilaan ng Diyos at ang Kanyang pagiging-hindi-makasarili. Bagama’t gumawa ang Diyos ng isang tipan sa sangkatauhan gamit ang bahaghari, hindi Niya kailanman sinabi sa kahit kanino kung bakit Niya ginawa ito, bakit Niya itinatag ang tipan na ito, nangangahulugang hindi Niya kailanman sinabi sa kahit kaninuman ang Kanyang totoong mga kaisipan. Ito ay dahil walang sinumang nakaiintindi sa lalim ng pag-ibig na mayroon ang Diyos para sa sangkatauhang nilikha Niya sa pamamagitan ng Kanyang sariling mga kamay, at wala ring sinumang makapagpapahalaga kung gaano talaga kasakit ang pinagdusahan ng Kanyang puso noong nilipol Niya ang sangkatauhan. Kaya kahit sabihin Niya sa mga tao kung ano ang nadarama Niya, hindi nila kayang isagawa ang pagkakatiwalang ito. Kahit nasasaktan Siya, nagpapatuloy pa din Siya sa susunod na gawain Niya. Laging ibinibigay ng Diyos ang pinakamahusay na panig Niya, at ang mga pinakamahusay na bagay sa sangkatauhan habang tahimik na dinadala Niya mismo ang lahat ng pagdurusa. Hindi kailanman lantarang ipinahahayag ng Diyos ang mga pagdurusang ito. Sa halip, tinitiis Niya ang mga ito at tahimik na naghihintay. Ang pagtitiis ng Diyos ay hindi malamig, manhid, o walang-magawa, ni hindi ito tanda ng kahinaan, ngunit ang pag-ibig at diwa ng Diyos ay palaging hindi makasarili. Ito ay isang likas na pagbubunyag ng Kanyang diwa at disposisyon, at isang totoong pagsasakatawan ng pagkakakilanlan ng Diyos bilang tunay na Manlilikha.
  Sa pagsasabi ko nito, maaaring may ilang mga tao ang magkamali sa pagpakahulugan sa ibig kong sabihin. Ang paglalarawan ba sa damdamin ng Diyos sa ganoon detalye, nang may malaking kagilalasan, ay sinasadya upang makadama ng pagdaramdam ang mga tao para sa Diyos? May ganoon bang layunin? (Wala!) Ang tanging layunin Ko sa pagsasabi ng mga bagay na ito ay upang mas makilala ninyo ang Diyos, upang maunawaan ang bawat bahagi Niya, maunawaan ang Kanyang mga damdamin, upang mapahalagahan ang diwa at disposisyon ng Diyos, nang tunay at unti-unti, na ipinahahayag sa pamamagitan ng Kanyang gawain, bilang kabaliktaran ng paglalarawan sa pamamagitan ng mga walang-saysay na mga salita ng tao, mga liham at mga doktrina nila, o mga imahinasyon nila. Ang ibig sabihin, ang Diyos at ang diwa ng Diyos ay talagang umiiral—hindi sila mga ipininta, hindi haka-haka, hindi binuo ng tao, at tiyak na hindi nila ito ginawa. Nakikita na ba ninyo ito ngayon? Kung talagang nakikita ninyo ito, nakamit nga ng mga salita ko sa araw na ito ang kanilang layunin.
  Tatlong paksa ang tinalakay natin sa araw na ito. Tiwala akong marami ang nakuha ng lahat mula sa pagsasamahan tungkol sa tatlong paksang ito. Maaari kong sabihin nang tiyak, sa pamamagitan ng tatlong paksang ito, binaliktad ng mga kaisipan ng Diyos na inilarawan ko o ang disposisyon at diwa ng Diyos na binanggit ko ang mga kuru-kuro at pagkaunawa ng mga tao tungkol sa Diyos, binaliktad pa nito ang paniniwala ng lahat sa Diyos, at higit sa rito, nabaliktad ang anyo ng Diyos na hinahangaan ng lahat sa kanilang mga puso. Ano pa man, inaasahan ko na ang natutunan ninyo tungkol sa disposisyon ng Diyos sa tatlong pahayag na ito ng Biblia ay kapaki-pakinabang sa inyo, at inaasahan kong pagbalik ninyo susubukin ninyong lalo pang pag-isipan ito. Ang pagtitipon sa araw na ito ay nagtatapos na dito. Paalam!
Mayo 18, 2014
Mula sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos  ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal