Ang Pagkilala sa Diyos ay ang Landas Tungo sa Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa Kasamaan
Dapat muling suriin ng bawat isa sa inyo ang inyong buhay sa paniniwala sa Diyos upang tingnan kung, sa paghahangad sa Diyos, tunay na nauunawaan ninyo, tunay na naintindihan, at tunay na humantong sa pagkilala sa Diyos, kung tunay na nalalaman kung anong pag-uugali ang dinadala ng Diyos sa iba’t ibang uri ng mga taong nilalang, at kung tunay na nauunawaan ninyo kung ano ang ginagawa ng Diyos sa inyo at kung paano ipakahulugan ng Diyos ang kanyang bawat kilos. Ang Diyos na ito, na nasa tabi mo, na gumagabay sa direksiyon ng iyong pagsulong, na nagtatakda ng iyong tadhana, at nagtutustos ng iyong mga pangangailangan—gaano mo, sa panghuling pagsusuri, nauunawaan at gaano mo talagang nakikilala Siya? Alam mo ba kung ano ang ginagawa Niya sa iyo sa bawat araw? Alam mo ba ang mga saligan at layunin kung saan ibinabatay Niya ang Kanyang bawat pagkilos? Alam mo ba kung paano kang ginagabayan Niya? Alam mo ba ang mga paraan kung paano ka Niya tinutustusan? Alam mo ba ang mga pamamaraan na ginagamit Niya upang akayin ka? Alam mo ba kung ano ang ninanais Niya na makamit mula sa iyo at kung ano ang ninanais Niya na matamo sa iyo? Alam mo ba ang pag-uugali na ipinakikita Niya sa sari-saring paraan na ikinikilos mo? Alam mo ba kung ikaw ay isang taong iniibig Niya? Alam mo ba ang pinagmumulan ng Kanyang kaligayahan, galit, kalungkutan, at kagalakan, ang mga kaisipan at mga ideya na nasa likod ng mga ito, at ang Kanyang pinakadiwa? Alam mo ba, sa panghuli, kung anong uri ng Diyos ang Diyos na ito na iyong pinaniniwalaan? Ang mga tanong bang ito at iba pang mga tanong na ganito ay mga bagay na hindi mo kailanman naunawaan o naisip? Sa paghahangad ng iyong paniniwala sa Diyos, hinawi mo na ba, sa pamamagitan ng tunay na pagpapahalaga at karanasan sa mga salita ng Diyos, ang mga hindi pagkakaunawaan hinggil sa Kanya? Ikaw ba, pagkatapos tanggapin ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, ay dumating sa tunay na pagpapasakop at pagkalinga? Ikaw ba, sa gitna ng pagkastigo at paghatol ng Diyos, ay humantong upang malaman ang mapanghimagsik at satanikong kalikasan ng tao at nagtamo ng kakaunting pagkaunawa sa kabanalan ng Diyos? Ikaw ba, sa ilalim ng patnubay at pagliliwanag ng mga salita ng Diyos, ay nagsimulang magtaglay ng bagong pananaw sa buhay? Ikaw ba, sa gitna ng pagsubok na ipinadala ng Diyos, ay nakadama ng Kanyang kawalan ng pagpaparaya para sa mga pagkakasala ng tao pati kung ano ang kinakailangan Niya sa iyo at paano ka Niya inililigtas? Kung hindi mo nalalaman kung ano ang magkamali ng pang-unawa sa Diyos, o kung paano hawiin ang hindi pagkakaunawaan na ito, samakatwid maaaring sabihin ng sinuman na hindi ka kailanman pumasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos at hindi kailanman naunawaan ang Diyos, o kahit papaano maaaring sabihin ng sinuman na hindi mo kailanman ninais na maunawaan Siya. Kung hindi mo nalalaman kung ano ang disiplina at pagtutuwid ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi mo nalalaman ang pagpapasakop at pagkalinga, o kahit paano hindi ka kailanman tunay na nagpasakop at kumalinga para sa Diyos. Kung hindi mo kailanman naranasan ang pagkastigo at paghatol ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi mo nalalaman kung ano ang Kanyang kabanalan, at lalong hindi magiging malinaw sa iyo kung ano ang paghihimagsik ng tao. Kung hindi mo kailanman tunay na taglay ang tamang pananaw sa buhay, o tamang layunin sa buhay, ngunit ikaw ay nasa kalagayan ng pagkalito at kawalan ng pagpapasiya sa iyong landas sa hinaharap sa buhay, kahit sa punto na nag-aatubili na tumuloy pasulong, samakatwid tiyak na hindi ka kailanman tunay na nakatanggap ng pagliliwanag at patnubay ng Diyos, at maaari ring sabihin ng sinuman na ikaw ay hindi kailanman tunay na natustusan o napunang muli ng mga salita ng Diyos. Kung hindi ka pa dumaan sa pagsubok ng Diyos, samakatwid hindi na kailangang banggitin na tiyak na hindi mo nalalaman kung ano ang kawalan ng pagpaparaya ng Diyos sa mga pagsama ng loob ng tao, ni mauunawaan mo kung ano ang panghuling kinakailangan sa iyo ng Diyos, at lalong hindi kung ano, sa panghuli, ang Kanyang gawain sa pamamahala at pagliligtas ng tao. Ilang taon man na naniniwala ang isang tao sa Diyos, kung hindi siya kailanman nakaranas o nahiwatigan ng anuman sa mga salita ng Diyos, samakatwid tiyak na hindi siya lumalakad sa landas tungo sa kaligtasan, ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay tiyak na walang tunay na nilalaman, ang kanyang kaalaman sa Diyos din ay tiyak na wala, at hindi kailangang banggitin na wala siyang ideya ng kahit na ano kung paano igalang ang Diyos.
Ang mga pag-aari at pag-iral ng Diyos, ang pinakadiwa ng Diyos, ang disposisyon ng Diyos—lahat ay ipinakilala sa Kanyang mga salita para sa sangkatauhan. Kapag nararanasan niya ang mga salita ng Diyos, hahantong ang tao sa proseso ng pagsasagawa nila na maunawaan ang layunin sa likod ng mga salita na ipinahahayag ng Diyos, at maunawaan ang bukal at pinanggalingan ng mga salita ng Diyos, at maunawaan at mapahalagahan ang nilayong epekto ng mga salita ng Diyos. Para sa sangkatauhan, ang mga ito ay ang lahat ng mga bagay na dapat maranasan, maunawaan, at maabot ng tao upang makamit ang katotohanan at buhay, maunawaan ang mga hangarin ng Diyos, magbago sa kanyang disposisyon, at makayang magpasakop sa soberanya at mga kaayusan ng Diyos. Sa parehong pagkakataon na nararanasan, nauunawaan at naaabot ng tao ang mga bagay na ito, unti-unti niyang matatamo ang pang-unawa sa Diyos, at sa panahong ito matatamo rin niya ang iba’t ibang antas ng kaalaman hinggil sa Kanya. Ang pang-unawa at kaalamang ito ay hindi lumalabas mula sa isang bagay na guni-guni o nilikha ng tao, ngunit sa halip mula sa kung ano ang pinahahalagahan, nararanasan, nararamdaman, at pinatutunayan niya sa kanyang ganang sarili. Tanging pagkatapos na mapahalagahan, maranasan, maramdaman, at mapatunayan ang mga bagay na ito na nakakamit ng kaalaman ng tao sa Diyos ang nilalaman, tanging ang kaalaman na natatamo niya sa panahong ito ay aktwal, tunay, at tumpak, at ang prosesong ito—ng pagkamit ng tunay na pang-unawa at kaalaman sa Diyos sa pamamagitan ng pagpapahalaga, pagpaparanas, pagdamdam, at pagpapatunay ng Kanyang mga salita—ay walang iba kundi ang tunay na pakikipag-isa ng tao at Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, ang tao ay tunay na hahantong upang mauunawaan at maiintindihan ng tao ang mga hangarin ng Diyos, tunay na hahantong upang mauunawaan at malaman ng tao ang mga pag-aari ng Diyos at pag-iral, tunay na hahantong upang mauunawaan at malaman ang pinakadiwa ng Diyos, unti-unting hahantong upang maunawaan at malaman ang disposisyon ng Diyos, darating nang may tunay na katiyakan hinggil sa, at tamang kahulugan, ng katotohanan ng dominyon ng Diyos sa lahat ng nilikha, at matamo ang makabuluhang tindig sa at kaalaman ng pagkakakilanlan at katayuan ng Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, binabago ng tao, nang bai-baitang, ang kanyang mga ideya hinggil sa Diyos, hindi na Siya gunigunihin mula sa kawalan, o pinaiiral ang kanyang mga hinala hinggil sa Kanya, o magkamali sa pang-unawa sa Kanya, o magbigay ng paghatol sa Kanya, o pagdudahan Siya. Bilang bunga, magkakaroon ang tao ng mas kakaunting pagtatalo sa Diyos, magkakaroon siya ng mas kakaunting mga sigalot sa Diyos, at magkakaroon ng kakaunting pagkakataon na maghihimagsik siya laban sa Diyos. Sa kabaligtaran, ang pagkalinga at pagpapasakop ng tao sa Diyos ay lalong lalago, at ang kanyang paggalang sa Diyos ay magiging mas makatotohanan pati mas malalim. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, hindi lamang matatamo ng tao ang pagtatadhana ng katotohanan at bautismo ng buhay, ngunit matatamo rin niya ang tunay na kaalaman ng Diyos. Sa gitna ng ganitong uri ng pakikipag-isa, hindi lamang magbabago ang tao sa kanyang disposisyon at tumanggap ng kaligtasan, ngunit sa parehong panahon matatamo niya ang tunay na paggalang at pagsamba ng isang nilikhang nilalang tungo sa Diyos. Sa pagtataglay ng ganitong uri ng pakikipag-isa, ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay hindi na magiging blangkong pilas ng papel, o isang pangako na inialok na pambobola lamang, o isang anyo ng bulag na paghahangad at pag-iidolo; tanging sa ganitong uri ng pakikipag-isa lalago ang buhay ng tao tungo sa kahinugan sa araw-araw, at tanging ngayon unti-unting magbabago ang kanyang disposisyon, at ang kanyang pananampalataya sa Diyos ay, bai-baitang, dadaan mula sa isang malabo at walang katiyakang paniniwala tungo sa tunay na pagpapasakop at pagkalinga, tungo sa tunay na paggalang; ang tao rin, sa kanyang paghahangad sa Diyos, ay unti-unting susulong mula sa isang pasibo tungo sa isang aktibong tindig, mula sa isang tao na pinakikilos tungo sa isang tao na gumagawa ng positibong pagkilos; tanging sa ganitong uri ng pakikipag-isa darating ang tao sa tunay na pang-unawa at pag-intindi sa Diyos, sa tunay na kaalaman sa Diyos. Dahil sa nakararami sa mga tao ang hindi kailanman pumasok sa tunay na pakikipag-isa sa Diyos, tumitigil ang kanilang kaalaman sa Diyos sa antas ng teorya, sa antas ng mga liham at doktrina. Ang ibig-sabihin, ang nakararami sa mga tao, ilang taon man na naniniwala sila sa Diyos, ay hanggang sa pagkakilala sa Diyos ang kinauukulan nasa parehong lugar pa rin kung saan sila nagsimula, napako sa saligan ng mga tradisyonal na anyo ng paggalang, kasama ang kanilang mga gayak na may maalamat na kulay at piyudal na pamahiin. Na dapat maantala ang kaalaman ng tao sa Diyos sa punto ng pagsisimula nito ay nangangahulugan na sadyang hindi ito umiiral. Bukod sa paninindigan ng tao sa katayuan at pagkakakilanlan ng Diyos, ang pananampalataya ng tao sa Diyos ay nasa kalagayan pa rin ng malabong kawalan ng katiyakan. Dahil dito, gaano kalaki na maaaring taglayin ng tao ang tunay na paggalang sa Diyos?
Gaano man katatag ang paniniwala mo sa Kanyang pag-iral, hindi nito maaaring palitan ang lugar ng iyong kaalaman sa Diyos, ni ng iyong paggalang sa Diyos. Gaano man ang pagtamasa mo ng Kanyang mga pagpapala at Kanyang biyaya, hindi nito mapapalitan ang lugar ng iyong kaaalaman sa Diyos. Gaano ka man kahanda at kasabik na ilaan ang lahat ng iyo at gugulin ang lahat ng iyo para sa Kanyang kapakanan, hindi nito mapapalitan ang lugar ng iyong kaalaman sa Diyos. Marahil kabisadong-kabisado mo na ang mga salita na sinalita Niya o alam mo pa sila sa puso at maaaring bigkasin nang pabaligtad, pero hindi nito mapapalitan ang lugar ng iyong kaalaman sa Diyos. Gaano pa mang maaaring may hinahangad ang tao sa pagsunod sa Diyos, kung wala siya kailanman ng tunay na pakikipag-isa sa Diyos, o tunay na karanasan sa mga salita ng Diyos, samakatwid ang kanyang kaalaman sa Diyos ay hindi hihigit sa lubos na walang laman o isang walang katapusang paggalang; dahil lahat ng iyan maaaring ikaw ay “nakipagkiskisan ng mga balikat” sa Diyos sa pagdaan, o nakasalubong Siya nang harapan, ang iyong kaalaman sa Diyos ay maaari pa ring bokya, at iyong paggalang sa Diyos ay hindi hihigit sa isang walang lamang bukambibig o isang uliran.
Itinatanghal ng maraming tao ang mga salita ng Diyos upang basahin araw-araw, kahit sa puntong isaulo ang lahat ng mga klasikong sipi doon bilang kanilang pinakaiingatang pag-aari, at dagdag pa rito ipinangangaral ang mga salita ng Diyos saan man, tinutustusan at tinutulungan ang iba sa pamamagitan ng Kanyang mga salita. Iniisip nila na sa paggawa nito ay ang sumaksi sa Diyos, ang sumaksi sa Kanyang mga salita, na ang paggawa nito ay ang pagsunod sa daan ng Diyos; iniisip nila na sa paggawa nito ay pagsasabuhay ng mga salita ng Diyos, na ang paggawa nito ay ang pagdadala sa Kanyang mga salita sa kanilang totoong mga buhay, na ang paggawa nito ang magpapangyari na matanggap ang pagpupuri ng Diyos, at upang mailigtas at gawing perpekto. Ngunit, kahit na ipinangangaral nila ang mga salita ng Diyos, hindi nila kailanman isinagawa ang mga salita ng Diyos sa, o sinusubukang iayon ang kanilang mga ganang sarili sa kung ano ang ibinunyag sa mga salita ng Diyos. Sa halip, ginagamit nila ang mga salita ng Diyos upang matamo ang paghanga at pagtitiwala ng iba sa pamamagitan ng panloloko, upang pumasok sa pamamahala sa ganang sarili nila, at upang lustayin at nakawin ang kaluwalhatian ng Diyos. Walang saysay silang umaasa na gagamitin ang pagkakataon na ibinigay ng pagpapalaganap ng mga salita ng Diyos upang mapagkalooban ng gawain ng Diyos at Kanyang pagpupuri. Ilang mga taon ang lumipas, ngunit hindi lamang walang kakayahan ang mga taong ito sa pagtamo ng pagpupuri ng Diyos sa proseso ng pangangaral ng mga salita ng Diyos, at hindi lamang sila walang kakayahan na tuklasin ang daang dapat nilang sundan sa proseso ng pagsaksi sa mga salita ng Diyos, at hindi lamang hindi sila nakatulong o nakatustos sa ganang sarili nila sa proseso ng pagtutustos at pagtulong sa iba sa pamamagitan ng mga salita ng Diyos, at hindi lamang sila walang kakayahan na kilalanin ang Diyos, o gisingin sa ganang sarili nila ang tunay na paggalang sa Diyos, sa proseso ng paggawa ng lahat ng mga bagay na ito; ngunit, sa kabaligtaran, lalong lumalim ang kanilang maling pang-unawa hinggil sa Diyos, mas lumala ang kanilang kawalan ng pagtitiwala sa Kanya, at mas wala sa katotohanan ang kanilang guni-guni hinggil sa Kanya. Tinustusan at ginabayan ng kanilang mga teorya hinggil sa mga salita ng Diyos, nagmimistulan silang ganap na handa, na parang ginagamit ang kanilang mga kasanayan nang walang kahirap-hirap, na parang nakita na nila ang layunin nila sa buhay, ang kanilang misyon, at parang nagwagi sila ng bagong buhay at nailigtas, na parang, ang mga salita ng Diyos na malutong na lumalabas sa dila sa pagbigkas, nakatamo sila ng pahintulot sa katotohanan, natarok ang mga hangarin ng Diyos, at natuklasan ang landas sa pagkilala sa Diyos, na parang, sa proseso ng pangangaral ng mga salita ng Diyos, madalas nilang hinaharap ang Diyos. Madalas din silang “natitinag” sa mga yugto ng pagpapalahaw, at madalas na ginagabayan ng “Diyos” sa mga salita ng Diyos, nagmimistulan silang walang tigil na tinatarok ang Kanyang taimtim na pagkandili at mabuting hangarin, at sa parehong panahon natarok ang pagliligtas ng Diyos sa tao at Kanyang pamamahala, humantong upang makilala ang Kanyang pinakadiwa, at naunawaan ang Kanyang matuwid na disposisyon. Batay sa saligang ito, tila mas matatag silang naniniwala sa pag-iral ng Diyos, na mas kilala ang Kanyang matayog na kalagayan, at mas malalim na nararamdaman ang Kanyang kadakilaan at transendensiya. Babad sa mababaw na kaalaman sa mga salita ng Diyos, lumilitaw na lumago ang kanilang pananampalataya, lumakas ang kanilang pagpapasiya na batahin ang pagdurusa, at lumalim ang kanilang kaalaman sa Diyos. Kakaunti ang nalalaman nila na, hanggang sa totoong maranasan nila ang mga salita ng Diyos, lumalabas ang lahat ng kanilang kaalaman sa Diyos at kanilang mga ideya hinggil sa Kanya mula sa kanilang sariling mapag-asam na guni-guni at sapantaha. Hindi makatatagal ang kanilang pananampalataya sa ilalim ng anumang uri ng pagsusuri mula sa Diyos, simpleng hindi makatatagal ang kanilang tinatawag na espirituwalidad at tayog sa ilalim ng pagsubok o pagsisiyasat ng Diyos, ang kanilang pagpapasiya ay wala kundi isang kastilyong itinayo sa buhangin, at ang kanilang tinatawag na kaalaman sa Diyos ay hindi hihigit sa kathang-isip ng kanilang guni-guni. Sa katunayan, ang mga taong ito, na, parang, nagbigay ng maraming punyagi sa mga salita ng Diyos, ay hindi kailanman natanto kung ano ang tunay na pananampalataya, kung ano ang tunay na pagpapasakop, kung ano ang tunay na pagkalinga, o kung ano ang tunay na kaalaman sa Diyos. Ginagamit nila ang teorya, guni-guni, kaalaman, kaloob, tradisyon, pamahiin, at kahit mga pagpapahalagang moral ng sangkatauhan, at ginagawa silang “kapital sa pamumuhunan” at “armas na pangmilitar” sa paniniwala sa Diyos at paghahangad sa Kanya, na ginagawa silang mga saligan ng kanilang paniniwala sa Diyos at kanilang paghahangad sa Kanya. Sa parehong panahon, ginagamit din nila ang kapital at armas na ito at ginagawa nilang anting-anting sa mahika sa pagkilala sa Diyos, sa pagharap at pakikipagtalo sa pagsisiyasat, pagsubok, pagkastigo, at paghatol ng Diyos. Sa katapusan, kung ano ang kanilang tinatamo ay wala at hindi hihigit sa mga palagay hinggil sa Diyos na babad sa relihiyosong konotasyon, sa piyudal na pamahiin, at sa lahat na romantiko, kakatwa, at matalinghaga, at ang kanilang pagkilala at pagpapakahulugan sa Diyos ay inihulma sa parehong hulmahan na katulad ng mga tao na naniniwala lamang sa Langit sa Kaitaasan, o ang Matandang Lalaki sa Kalangitan, habang ang katotohanan ng Diyos, ang Kanyang pinakadiwa, ang Kanyang disposisyon, ang Kanyang mga pag-aari at pag-iral, at iba pa–lahat na may kinalaman sa tunay na Diyos Mismo, ay mga bagay na nabigo ang kanilang kaalaman na tarukin, ay ganap na walang kabuluhan at malayong-malayo sa isa’t isa. Sa paraang ito, bagaman namumuhay sila sa ilalim ng pagtatadhana at pagpapalakas ng mga salita ng Diyos, magkagayunman hindi nila kinayang tunay na tahakin ang landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaaan. Ang tunay na dahilan nito ay hindi nila kailanman nakilala ang Diyos, hindi sila nagkaroon ng tunay na pakikipag-ugnayan o pakikipag-isa sa Kanya, at kaya hindi mangyayari na darating sila sa pang-unawa sa isa’t isa sa Diyos, o gisingin sa kanilang ganang sarili ang tunay na paniniwala sa, paghahangad sa, o pagsamba sa Diyos. Na dapat nilang ituring ng gayon ang mga salita ng Diyos, na dapat nilang ituring ng gayon ang Diyos—ang ganitong pananaw at pag-uugali ang humatol sa kanila na bumalik na walang mahihita mula sa kanilang mga pagsisikap, hinatulan sila na hindi kailanman sa kawalang-hanggan makakayang tumahak sa landas ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Ang layunin na kanilang nilalayon, at ang direksiyon na kanilang pupuntahan, ay nagbibigay pahiwatig na sila ay mga kaaway ng Diyos sa kawalang-hanggan, at na sa kawalang-hanggan hindi sila kailanman makatatanggap ng kaligtasan.
Kung, sa kaso ng isang tao na sumunod sa Diyos sa maraming taon at nagtamasa ng pagtatadhana ng Kanyang mga salita sa loob ng maraming taon, ang kanyang pakahulugan sa Diyos ay, sa pinakadiwa nito, pareho ng isang tao na nagpapatirapa bilang paggalang sa harap ng mga idolo, samakatwid ipinahihiwatig nito na hindi nakamit ng taong ito ang katotohanan ng mga salita ng Diyos. Ito ay dahil talagang hindi siya nakapasok sa katotohanan ng mga salita ng Diyos, at dahil sa dahilang ito ang realidad, ang katotohanan, ang mga hangarin, at ang mga pangangailangan sa sangkatauhan, ang lahat nito likas na tinataglay ng mga salita ng Diyos, ay walang kinalaman kahit anuman sa kanya. Ibig-sabihin, gaano man kahirap na maaaring gumawa ang gayong tao sa paimbabaw na kahulugan ng mga salita ng Diyos, lahat ay walang saysay: Dahil ang hinahangad niya ay mga salita lamang, ang makukuha niya dahil sa pangangailangan ay mga salita lamang. Kung ang mga salita na ipinahayag ng Diyos ay, sa panlabas na kaanyuan, malinaw o mahirap unawain, silang lahat ay mga katotohanan na mahalagang mahalaga sa tao habang pumapasok siya sa buhay; sila ang bukal ng mga buhay na tubig na nagpapangyari sa kanya na makaligtas kapwa sa espiritu at sa katawang-tao. Nagbibigay sila ng kung ano ang kinakailangan ng tao upang manatiling buhay; ang kapaniwalaan at kredo sa pagsasagawa ng kanyang pang-araw-araw na buhay; ang landas, layunin, at direksiyon kung saan siya dadaan upang tumanggap ng kaligtasan, bawat katotohanan na dapat niyang ariin bilang isang nilikhang nilalang sa harap ng Diyos; at bawat katotohanan hinggil sa kung paano tumatalima at sumasamba ang tao sa Diyos. Sila ang mga garantiya na tumitiyak ng pagkaligtas ng tao, sila ang pang-araw-araw na tinapay ng tao, at sila rin ang matibay na suporta na nagpapangyari na maging malakas at tumindig ang tao. Sila ay mayaman sa realidad ng katotohanan ng normal na pagkatao katulad ng isinasabuhay ng nilikhang sangkatauhan, mayaman sa katotohanan kung saan kumakawala ang sangkatauhan sa katiwalian at naiiwasan ang mga silo ni Satanas, mayaman sa walang kapagurang pagtuturo, pangangaral, panghihimok, at kaaliwan na ibinibigay sa nilikhang sangkatauhan. Sila ang tanglaw na gumagabay at nagbibigay liwanag sa mga tao upang maunawaan ang lahat na positibo, ang garantiya na tumitiyak na ang mga tao ay isasabuhay at ariin ang lahat na matuwid at mabuti, ang pamantayan kung saan ang mga tao, pangyayari, at bagay ay lahat sinusukat, at ang palatandaan ng paglalayag na gumagabay sa mga tao tungo sa pagliligtas at landas ng liwanag. Tanging sa tunay na karanasan ng mga salita ng Diyos matutustusan ang tao ng katotohanan at buhay; tanging dito siya hahantong upang maunawaan kung ano ang normal na pagkatao, kung ano ang makahulugang buhay, kung ano ang isang tunay na nilikhang nilalang, kung ano ang tunay na pagsunod sa Diyos; tanging dito humahantong siya upang maunawaan kung paano dapat niyang kalingain ang Diyos, paano tuparin ang tungkulin ng isang nilikhang nilalang, at kung paano ariin ang wangis ng isang tunay na tao; tanging dito siya hahantong upang maunawaan kung ano ang kahulugan ng tunay na pananampalataya at tunay na pagsamba; tanging dito niya mauunawaan kung sino ang Namumuno sa mga langit at lupa at lahat ng mga bagay; tanging dito humahantong siya upang maunawaan ang pamamaraan kung paano namamahala, gumagabay, at naglalaan sa nilikha ang Isa na siyang Panginoon ng lahat ng nilikha; at tanging dito humahantong siya upang maunawaan at matarok ang mga pamamaraan kung paano umiiral, nahahayag at gumagawa ang Isa na siyang Panginoon ng lahat ng nilikha. … Inihiwalay mula sa tunay na karanasan ng mga salita ng Diyos, ang tao ay hindi nagtataglay ng tunay na kaalaman o kabatiran sa mga salita ng Diyos at katotohanan. Ang gayong tao ay isang lubos na namumuhay na bangkay, isang ganap na hungkag, at lahat ng kaalaman na may kaugnayan sa Maylalang ay walang kinalaman na anuman sa kanya. Sa mga mata ng Diyos, ang gayong tao ay hindi kailanman naniwala sa Kanya, ni kailanman sumunod sa Kanya, at kaya kinikilala siya ng Diyos hindi bilang Kanyang sumasampalataya ni bilang Kanyang tagasunod, lalong hindi bilang isang tunay na nilikhang nilalang.
Ang tunay na nilikhang nilalang ay dapat makaalam kung sino ang Maylalang, para saan ang paglikha sa tao, paano isasagawa ang mga pananagutan ng isang nilikhang nilalang, at paano ang pagsamba sa Panginoon ng lahat ng nilikha, dapat maunawaan, matarok, malaman, at kumalinga sa mga hangarin, pagnanais, at pangangailangan ng Maylalang at dapat kumilos alinsunod sa paraan ng Maylalang—matakot sa Diyos at layuan ang kasamaan.
Ano ang matakot sa Diyos? At paano ang paglayo sa kasamaan?
Hindi nangangahulugan ang “Matakot sa Diyos” na walang katulad na pagkatakot at pagkasindak, ni upang umiwas, ni lumayo, ni pag-iidolo o pamahiin. Sa halip, ito ay paghanga, pagtatangi, pagtitiwala, pang-unawa, pagkalinga, pagtalima, paglalaan, pag-ibig pati walang pasubali at matiyagang pagsamba, pagganti, at pagsuko. Kung walang tunay na kaalaman sa Diyos, hindi magtataglay ang sangkatauhan ng tunay na paghanga, tunay na pagtitiwala, tunay na pang-unawa, tunay na pagkalinga o pagtalima, ngunit pangamba at kawalan ng kapalagayang-loob, pagdududa, maling pang-unawa, pag-iwas, at pangingilag lamang; kung walang tunay na kaalaman sa Diyos, hindi magtataglay ang sangkatauhan ng tunay na paglalaan at pagganti; kung walang tunay na kaalaman sa Diyos, hindi magtataglay ang sangkatauhan ng tunay na pagsamba at pagsuko, bulag na pag-iidolo at pamahiin lamang; kung walang tunay na kaalaman sa Diyos, hindi maaaring kumilos ang sangkatauhan alinsunod sa paraan ng Diyos, o matakot sa Diyos, o lumayo sa kasamaan. Sa kabaligtaran, bawat aktibidad at nakagawian kung saan nakikisangkot ang tao ay mapupuno ng paghihimagsik at pagsuway, kasama ang mga mapanirang pagbibintang at nakasisirang-puri na paghatol hinggil sa Kanya, at masamang asal na taliwas sa katotohanan at sa tunay na kahulugan ng mga salita ng Diyos.
Sa pagkakaroon ng tunay na pagtitiwala sa Diyos, tunay na malalaman ng sangkatauhan kung paano sumunod sa Diyos at sumandig sa Kanya; tanging sa tunay na pagtitiwala sa at pagsandig sa Diyos ay maaaring magtaglay ang sangkatauhan ng tunay na pang-unawa at pag-intindi; kaalinsabay ng tunay na pag-intindi sa Diyos ay humahantong ang tunay na pagkalinga sa Kanya; tanging ang tunay na pagkalinga sa Diyos ay maaaring magtaglay ang sangkatauhan ng tunay na pagsunod; tanging ang tunay na pagsunod sa Diyos ay maaaring magtaglay ang sangkatauhan ng tunay na paglalaan; tanging sa tunay na paglalaan sa Diyos ay maaaring magtaglay ang sangkatauhan ng pagganti na walang pasubali at matiyaga; tanging sa tunay na pagtitiwala at pagsandig, tunay na pang-unawa at pagkalinga, tunay na pagsunod, tunay na paglalaan at pagganti, ay maaaring tunay na makilala ng sangkatauhan ang disposisyon ng Diyos at pinakadiwa, at malaman ang pagkakakilanlan ng Maylalang; tanging kapag tunay na humantong sila upang makilala ang Maylalang ay maaaring magising ang sangkatauhan sa kanilang ganang mga sarili ang tunay na pagsamba at pagsuko; tanging kapag nagtataglay sila ng tunay na pagsamba at pagsuko sa Maylalang ay makakaya ng sangkatauhan na tunay na isantabi ang kanilang mga masasamang paraan, ibig-sabihin, upang lumayo sa kasamaan.
Ito ang bumubuo sa buong proseso ng “pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan,” at ito ang nilalaman din sa kabuuan nito ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan, pati ang landas na dapat tahakin upang humantong sa pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan.
Ang “pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan” at pagkilala sa Diyos ay hindi maipaghihiwalay na magkaugnay sa hindi mabilang na mga sinulid, at ang pagkakaugnay sa pagitan nila ay kitang-kita. Kung nagnanais ang sinuman na matamo ang paglayo sa kasamaan, dapat munang magtaglay siya ng tunay na takot sa Diyos; kung nagnanais ang sinuman na matamo ang tunay na pagkatakot sa Diyos, dapat munang magtaglay siya ng tunay na kaalaman ng Diyos; kung nagnanais ang sinuman na matamo ang kaalaman sa Diyos, dapat muna niyang maranasan ang mga salita ng Diyos, pumasok sa reyalidad ng mga salita ng Diyos, maranasan ang pagtutuwid at disiplina ng Diyos, ang Kanyang pagkastigo at paghatol; kung nagnanais ang sinuman na maranasan ang mga salita ng Diyos, siya ay dapat humantong nang harapan sa Diyos, at humiling sa Diyos na magbigay ng mga pagkakataon na maranasan ang mga salita ng Diyos sa anyo ng lahat ng uri ng mga kapaligiran na nagsasangkot sa mga tao, pangyayari, at bagay; kung nagnanais ang sinuman na humantong nang harapan sa Diyos at bitbit ang mga salita ng Diyos, siya ay dapat munang magtaglay ng simple at tapat na puso, kahandaan na tanggapin ang katotohanan, ang kalooban na batahin ang pagdurusa, ang pagpapasiya at ang tapang na layuan ang kasamaan, at ang pangarap na maging tunay na nilikhang nilalang…. Sa paraang ito, ang pagpuntang pasulong na bai-baitang, lalo kang mapapalapit sa Diyos, ang iyong puso ay lalagong mas dalisay, at ang iyong buhay at ang halaga ng pagiging buhay, kaalinsabay ng iyong kaalaman sa Diyos, ay magiging higit kailanman makahulugan at mas magiging maliwanag. Hanggang isang araw, mararamdaman mo na ang Maylalang ay hindi na isang palaisipan, na ang Maylalang ay hindi kailanman nagtago sa iyo, na ang Maylalang ay hindi kailanman ikinubli ang Kanyang mukha sa iyo, na ang Maylalang ay hindi kailanman malayo sa iyo, na ang Maylalang ay hindi na ang Isa na walang tigil mong inaasam sa iyong mga kaisipan ngunit hindi mo maaaring abutin ng iyong mga damdamin, na Siya ay talagang at tunay na nagbabantay sa iyong kaliwa at kanan, nagtutustos ng iyong buhay, at tumatangan ng iyong tadhana. Wala Siya sa malayong abot-tanaw, ni inilihim Niya ang Kanyang Sarili sa itaas sa mga ulap. Siya mismo ay nasa iyong tabi, namamahala sa lahat ng iyo, Siya ay lahat ng bagay na tinataglay mo, at Siya ang tanging bagay na taglay mo. Pinahihintulutan ka ng gayong Diyos na ibigin Siya mula sa puso, kumapit sa Kanya, hawakan Siya, hangaan Siya, matakot na mawala Siya, at hindi na handang talikdan Siya, suwayin Siya, o iwasan Siya o ilayo Siya. Ang gusto mo lamang ay kalingain Siya, sumunod sa Kanya, gantihan ang lahat ng mga ibinibigay Niya sa iyo, at sumuko sa Kanyang dominyon. Hindi ka na tumatangging gabayan, tustusan, bantayan, at ingatan Niya, hindi na tumatanggi kung ano ang inuutos at iniaatas Niya sa iyo. Ang gusto mo lamang ay sumunod sa Kanya, lumakad na kasabay Niya sa Kanyang kaliwa o kanan, ang gusto mo ay tanggapin Siya bilang iyong nag-iisa at natatanging buhay, upang tanggapin Siya bilang iyong nag-iisa at natatanging Panginoon, nag-iisa at tanging Diyos.
Agosto 18, 2014
Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang pinagmulan:Ang Pagkilala sa Diyos ay ang Landas Tungo sa Pagkatakot sa Diyos at Paglayo sa KasamaanRekomendasyon:
Tungkol sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Alamin pa ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan