Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Mga Movie Clip | "Pag-unawa sa Kahalagahan ng Dalawang Beses na Pagkakatawang-tao ng Diyos"


Ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos ay ipinako sa krus, sa gayo'y winakasan ang gawain ng pagtubos sa sangkatauhan. Sa mga huling araw, ang ikalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ay nagpapahayag ng katotohanan at ginagawa ang Kanyang gawain ng paghatol, lubusang inililigtas ang tao mula sa nasasakupan ni Satanas. Ang Diyos na dalawang beses na nagkatawang-tao ay may napakalaking kahalagahan, tulad ng sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, "Si Jesus ay gumawa ng isang yugto ng gawain na tinupad lamang ang diwa ng 'ang Salita ay kasama ng Diyos': Ang katotohanan ukol sa Diyos ay kasama ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos ay kasama ng laman at hindi maihihiwalay sa Kanya, iyon ay, ang laman ng Diyos na nagkatawang-tao ay kasama ng Espiritu ng Diyos, na siyang lalong malaking katunayan na ang Jesus na nagkatawang-tao ay ang unang pagkakatawang-tao ng Diyos. Tinupad ng yugtong ito ng gawain ang panloob na kahulugan ng 'ang Salita ay nagkatawang-tao,' nagbigay ng mas malalim na kahulugan sa 'ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos,' ..." (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-Tao).