1. Sinimulan ni Juan ang pagpapalaganap ng ebanghelyo ng kaharian ng langit pitong taon bago ang bautismo ni Jesus. Para sa mga tao, ang isinagawa niyang gawain ay tila higit sa mga sumunod na gawain ni Jesus, ngunit siya ay, gayunpaman, isa pa rin lamang propeta. Hindi siya nangusap at gumawa sa loob ng templo, kundi sa mga bayan at nayon sa labas nito. Ito ay ginawa niya, syempre, sa bayan ng mga Hudyo, lalo na sa mahihirap. Bihirang nakisalamuha si Juan sa mga taong mula sa mataas na antas ng lipunan, ipinalalaganap lang ang ebanghelyo sa mga karaniwang tao sa Judea upang maihanda ang mga karapat-dapat na mga tao para sa Panginoong Jesus, at maihanda ang mga naaangkop na lugar kung saan Siya gagawa. Dahil mayroong propetang katulad ni Juan upang maghanda ng daan, nakapagsimula agad ang Panginoong Jesus sa Kanyang daan ng krus sa sandaling pagdating Niya. Nang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa ang Kanyang gawain, hindi Niya kinailangang isagawa ang pamimili ng mga tao, at hindi Niya kinailangang personal na maghanap ng mga tao o ng lugar kung saan Siya gagawa. Hindi Siya nagsagawa ng ganoong gawain nang Siya ay dumating; inihanda na ng isang karapat-dapat na tao ang lahat bago pa Siya dumating. ... Gumawa si Juan sa loob ng pitong taon, na ibig sabihin ay ipinalaganap niya ang ebanghelyo sa loob ng pitong taon. Sa panahon ng kanyang gawain, hindi nagsagawa si Juan ng maraming himala, dahil ang kanyang gawain ay ang ihanda ang daan, ito ang gawain ng paghahanda. Ang lahat ng ibang mga gawain, ang gawaing isasagawa ni Jesus, ay walang kaugnayan sa kanya; hiniling lang niya sa tao na ipagtapat ang kanyang mga kasalanan at magsisi, at bautismuhan ang mga tao, upang sila ay maligtas. Kahit na nagsagawa siya ng bagong gawain, at nagbukas ng daan na hindi pa kailanman nilakaran ng tao, inihanda rin lamang niya ang daan para kay Jesus. Siya ay propeta na nagsagawa lang ng gawain ng paghahanda, at walang kakayahan upang isagawa ang gawain ni Jesus. Hindi man si Jesus ang unang nangaral ng ebanghelyo ng kaharian ng langit, at kahit ipinagpatuloy Niya ang landas na sinimulan ni Juan, wala pa ring makagagawa ng Kanyang gawain, at ito’y higit sa gawain ni Juan. Hindi kayang ihanda ni Jesus ang sarili Niyang daan; ang Kanyang gawain ay direktang naisagawa sa ngalan ng Diyos. Kaya, gaano man kadaming taong gumawa si Juan, siya ay isa pa ring propeta at isa ring naghanda sa daan ni Jesus. Ang tatlong taong gawain ni Jesus ay hinigitan ang pitong taon na gawain ni Juan, dahil ang sangkap ng kanilang mga gawain ay hindi pareho.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
2. Sa panahong iyon, ang bahagi ng gawain ni Jesus ay alinsunod sa Lumang Tipan, gayundin sa mga kautusan ni Moises at sa mga salita ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan. Ginamit ni Jesus ang lahat ng mga ito upang isagawa ang bahagi ng Kanyang gawain. Nangaral Siya sa mga tao at tinuruan sila sa mga sinagoga, at ginamit Niya ang mga hula ng mga propeta sa Lumang Tipan upang sawayin ang mga Fariseong mayroong pagkapoot sa Kanya, at ginamit ang mga salita sa Banal na Kasulatan upang ibunyag ang kanilang pagsuway at sa gayon ay isumpa sila. Dahil kinamuhian nila ang ginawa ni Jesus; sa partikular, karamihan sa gawain ni Jesus ay hindi ayon sa mga kautusan sa Banal na Kasulatan, at, higit pa rito, ang Kanyang mga itinuro ay mas mataas kaysa sa kanilang mga sariling salita, at higit na mas mataas pa kaysa sa mga hula ng mga propeta sa Banal na Kasulatan. Ang gawain ni Jesus ay para lamang sa kapakanan ng pagtubos sa tao at ang pagpako sa krus. Kaya, hindi Niya kailangang higit pang mangusap upang malupig ang sinumang tao. Ang karamihan sa Kanyang mga itinuro sa tao ay mula sa mga salita sa Banal na Kasulatan, at kahit na ang Kanyang gawain ay hindi higit sa Banal na Kasulatan, naisagawa pa rin Niya ang gawaing pagpapapako sa krus. Ang Kanyang gawain ay hindi gawain ng salita, ni para sa kapakanan ng paglupig sa sangkatauhan, sa halip ito ay upang matubos ang sangkatauhan. Gumanap lang Siya bilang alay para sa kasalanan ng sangkatauhan, at hindi gumanap bilang mapagkukunan ng mga salita para sa sangkatauhan. Hindi Niya isinagawa ang gawain ng mga Gentil, na gawain ng panlulupig sa tao, ngunit isinagawa ang gawain ng pagpapapako sa krus, gawain na isinagawa sa mga naniniwala na mayroong Diyos. Kahit na ang Kanyang gawain ay naisakatuparan sa saligan ng Banal na Kasulatan, at ginamit Niya ang mga hula ng mga matatandang propeta upang isumpa ang mga Fariseo, ito ay sapat na upang matapos ang gawain ng pagpapapako sa krus. Kung ang gawain sa ngayon ay isinasagawa pa rin sa saligan ng mga hula ng mga matatandang propeta sa Banal na Kasulatan, kung gayon magiging mahirap na kayo ay malupig, dahil ang Lumang Tipan ay hindi naglalaman ng mga ulat ng hindi ninyo pagsunod at ng mga kasalanan ninyong mga Tsino, walang kasaysayan ng inyong mga kasalanan. At kaya, kung ang gawaing ito ay nananatili pa rin sa Biblia, hindi kayo kailanman susuko. Ang Biblia ay nagtatala lang ng limitadong kasaysayan tungkol sa mga Israelita, isang hindi kayang itakda kung kayo ay mabuti o masama, o hatulan kayo. Ipagpalagay na kayo ay hahatulan Ko ayon sa kasaysayan ng mga Israelita—Ako pa ba ay inyong susundin katulad ng inyong pagsunod ngayon? Alam niyo ba kung gaano kayo kasutil? Kung walang binitiwang mga salita sa yugtong ito, magiging imposible ang pagtapos sa gawain ng panlulupig. Dahil hindi Ako pumarito upang maipako sa krus, nararapat Akong magbitiw ng mga salita na hiwalay mula sa Biblia, upang kayo ay malupig.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
3. Ang lahat ng naisasagawa ngayon ay batay sa kasalukuyan, ngunit ito pa rin ay umaasa sa saligan ng gawain ni Jehova sa Kapanahunan ng Kautusan, at hindi lumalabag sa saklaw na ito. Ang bantayan ang inyong mga dila, at ang hindi pangangalunya, halimbawa—hindi ba’t ang mga ito ang mga kautusan ng Lumang Tipan? Ngayon, ang mga hinihingi sa inyo ay hindi lang limitado sa Sampung Utos, ngunit ito’y mga utos at kautusan na higit na mataas kaysa sa yaong mga dati, ngunit hindi ito nangangahulugan na nabuwag na yaong mga nauna, dahil ang bawat yugto ng gawain ng Diyos ay isinasagawa sa saligan ng yugto na dumating bago ito. ... Kung, ngayon, ay kailangan lamang ninyo na sumunod sa mga utos at manahan sa mga kautusan ng Lumang Tipan, sa parehong paraan tulad ng mga Israelita, at kung, kahit, kailangan ninyong maisaulo ang mga kautusan na ibinigay ni Jehova, walang posibilidad na maaari kayong magbago. Kung kayo ay susunod lang sa yaong mga kakaunting utos o magsasaulo ng hindi mabilang na mga kautusan, ang inyong lumang kalikasan ay mananatiling nakatanim nang malalim, at walang magiging paraan upang ito ay bunutin. Kung gayon kayo ay higit pang magiging masama, at walang sinuman sa inyo ang magiging masunurin. Ibig sabihin na walang kakayahan ang ilang payak na mga utos o hindi mabilang na mga kautusan upang kayo ay tulungang malaman ang mga gawain ni Jehova. Hindi kayo katulad ng mga Israelita: Sa pamamagitan ng pagsunod sa mga kautusan at pagsasaulo ng mga utos, nasaksihan nila ang mga gawain ni Jehova, at inalay lamang ang kanilang debosyon sa Kanya, ngunit hindi ninyo ito makakamit, at ang ilang utos sa kapanahunan ng Lumang Tipan ay walang kakayahan upang kayo ay mahikayat na ibigay ang inyong mga puso, o na protektahan kayo, ngunit sa halip ay gagawin kayong pabaya, at kayo ay ibababa sa Hades. Sapagka’t ang Aking gawain ay ang gawain ng panlulupig, at nakatutok sa inyong hindi pagsunod at lumang kalikasan. Ang mga mabubuting salita ni Jehova at ni Jesus ay malayo sa mga matinding salita ng paghatol ngayon. Kung wala ang mga matitinding salitang iyon, magiging imposible na malupig kayong mga “dalubhasa,” na hindi sumusunod sa loob ng libu-libong taon. Matagal nang nawala ang kapangyarihan sa inyo ng mga kautusan ng Lumang Tipan, at sobrang bigat ng paghatol ng kasalukuyan kaysa sa mga lumang kautusan. Ang pinaka-angkop sa inyo ay ang paghatol, at hindi ang mababaw na mga paghihigpit ng mga kautusan, dahil hindi kayo ang sangkatauhan ng pinaka-unang panahon, sa halip ay ang sangkatauhan na naging masama sa loob ng libu-libong taon. Ang nararapat na makamit ng tao ngayon ay ayon sa tunay na katayuan ng tao sa kasalukuyan, ayon sa kakayahan at talagang tayog ng tao sa kasalukuyan, at hindi kinakailangan na iyong sundin ang doktrina. Ito ay upang makamit ang mga pagbabago sa iyong lumang kalikasan, at upang maisantabi mo ang iyong mga pagkaintindi.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (1)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
4. Sa panahong iyon ang gawain ni Jesus ay ang pagtubos sa buong sangkatauhan. Ang mga kasalanan ng yaong mga naniwala sa Kanya ay napatawad; hangga’t ikaw ay naniwala sa Kanya, ikaw ay Kanyang tutubusin; kung ikaw ay naniwala sa Kanya, hindi ka na isang makasalanan, ikaw ay hinalinhan sa iyong mga kasalanan. Ito ang kahulugan ng pagiging ligtas, at mapangatwiranan sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngunit sa yaong mga naniwala, mayroon pa ring nanatiling mga mapanghimagsik at sumalungat sa Diyos, at mga kailangang dahan-dahang alisin. Ang kaligtasan ay hindi nangangahulugan na ang tao ay lubusang nakamit na ni Jesus, sa halip ang tao ay wala na sa kasalanan, na siya ay pinatawad na sa kanyang mga kasalanan: Kapag ikaw ay naniwala, hindi ka na kailanman nasa kasalanan pa. ... Hindi pumarito si Jesus upang gawing perpekto at makamit ang tao, kundi upang magsagawa ng isang yugto ng gawain: dinadala ang ebanghelyo ng kaharian ng langit at tinatapos ang gawain ng pagpapapako sa krus—at kapag naipako na sa krus si Jesus, ang Kanyang gawain ay lubos nang naisakatuparan. Ngunit sa kasalukuyang yugto—ang gawain ng panlulupig—mas maraming salita ang dapat ipahayag, mas maraming gawain ang dapat isagawa, at nararapat magkaroon ng maraming paraan. Kaya nararapat ding mabunyag ang mga hiwaga ng gawain ni Jesus at Jehova, nang sa gayon ay magkaroon ang lahat ng mga tao ng pang-unawa at kalinawan sa kanilang paniniwala, dahil ito ang gawain sa mga huling araw, at ang mga huling araw ay ang katapusan ng gawain ng Diyos, ang panahon ng konklusyon ng gawaing ito. Liliwanagin para sa iyo ng yugto ng gawain na ito ang kautusan ni Jehova at ang pagtubos ni Jesus, at ito’y pangunahin upang maunawaan mo ang buong gawain ng anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos, at mapahalagahan ang lahat ng kabuluhan at sangkap nitong anim na libong taong plano ng pamamahala, at maunawaan ang layunin ng lahat ng gawaing isinagawa ni Jesus at ang mga salitang Kanyang sinabi, at gayundin ang iyong bulag na paniniwala at pagsamba sa Biblia. Lahat ng ito’y hahayaan kang makaunawa. Magagawa mong maunawaan pareho ang gawain na ginawa ni Jesus, at ang gawain ng Diyos ngayon; mauunawaan mo at iyong mapagmamasdan ang lahat ng katotohanan, ang buhay, at ang daan. Sa yugto ng gawaing isinagawa ni Jesus, bakit umalis si Jesus nang hindi tinatapos ang gawain ng Diyos? Dahil ang yugto ng gawain ni Jesus ay hindi ang gawaing konklusyon. Nang Siya ay ipinako sa krus, ang mga salitang Kanyang binitawan ay natapos din; matapos ang pagpapapako Niya sa krus, ang Kanyang gawain ay nagwakas nang ganap. Ang kasalukuyang yugto ay iba: Tanging pagkatapos lang mabitawan ang mga salita hanggang sa katapusan at magwakas ang buong gawain ng Diyos ay doon lang matatapos ang Kanyang gawain. Sa yugto ng gawain ni Jesus, maraming mga salita ang nanatiling hindi nahayag, o hindi nahayag nang buong linaw. Ngunit walang pakialam si Jesus sa Kanyang mga hindi sinabi o ginawa, dahil ang Kanyang ministeryo ay hindi ang ministeryo ng mga salita, kaya matapos Siyang ipako sa krus, Siya ay lumisan. Ang yugtong iyon ng gawain ay una sa lahat para sa kapakanan ng pagpapapako sa krus, at hindi katulad ng yugto ngayon. Ang yugto ng gawain na ito ay pangunahin para sa kapakanan ng pagtapos, pagliliwanag at ng paghahatid ng lahat ng gawain sa isang konklusyon. Kung hindi binibitawan ang mga salita hanggang sa kahuli-hulihan, walang magiging paraan upang matapos ang gawaing ito, dahil sa yugto ng gawain na ito ang lahat ng gawain ay naihahatid sa isang katapusan at natapos sa pamamagitan ng mga salita. Sa panahong iyon, nagsagawa si Jesus ng mga maraming gawain na hindi nauunawaan ng tao. Siya ay tahimik na lumisan, at ngayon marami pa rin ang hindi nakauunawa sa Kanyang mga salita, mali ang kanilang mga pang-unawa ngunit sila pa rin ay naniniwala na ang mga ito ay tama, mga hindi alam na mali sila. Sa huli, ang yugto ng gawaing ito ang magdadala ng gawain ng Diyos sa isang ganap na wakas, at magbibigay ng konklusyon nito. Magagawang maunawaan at malaman ng lahat ang plano sa pamamahala ng Diyos. Ang mga pagkaintindi sa loob ng tao, ang kanyang mga layunin, ang kanyang maling pang-unawa, ang kanyang mga pagkaintindi sa gawain nina Jehova at Jesus, ang kanyang mga pananaw ukol sa mga Hentil, at lahat ng kanyang mga paglihis at mga kamalian ay maitatama. At mauunawaan ng tao ang lahat ng tamang landas ng buhay, at ang lahat ng gawaing ginawa ng Diyos, at ang buong katotohanan. Kapag nangyari iyon, ang yugto ng gawain na ito ay matatapos na.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
5. Ang gawain ni Jehova ay ang paglikha sa mundo, ito ang simula; ang yugto na ito ng gawain ay ang katapusan ng gawain, at ito ang konklusyon. Sa simula, isinagawa ang gawain ng Diyos sa mga napiling tao sa Israel, at ito ang simula ng isang bagong panahon sa pinakabanal sa lahat ng mga lugar. Ang huling yugto ng gawain ay isinasagawa sa mga pinakamarumi sa lahat ng mga bansa, upang hatulan ang mundo at ihatid ang kapanahunan sa isang katapusan. Sa unang yugto, ang gawain ng Diyos ay isinagawa sa pinakamaliwanag na lugar sa lahat, at ang huling yugto ay isinasagawa sa pinakamadilim na lugar sa lahat, at ang kadilimang ito ay mapapaalis, ibibigay ang liwanag, at ang lahat ng tao ay malulupig. Kapag ang mga tao nitong pinakamarumi at pinakamadilim sa lahat ng mga lugar ay nalupig na, at ang buong populasyon ay kinilalang mayroong isang Diyos, na Siyang tunay na Diyos, at ang bawat isa ay lubusang nakumbinsi, gayon ang katotohanang ito ay magagamit upang maisagawa ang gawain ng panlulupig sa buong sansinukob. Ang yugtong ito ng gawain ay makahulugan: Kapag natapos na ang gawain sa kapanahunang ito, ang gawain sa 6,000 taon ng pamamahala ay makakarating sa isang ganap na katapusan. Sa oras na yaong mga nasa pinakamadilim sa lahat ng lugar ay nalupig na, tiyak na ganoon din ang mangyayari sa iba’t ibang lugar. Sa gayon, tanging ang gawain ng panlulupig sa Tsina ang nagtataglay ng makabuluhang sagisag. Kinakatawan ng Tsina ang lahat ng mga puwersa ng kadiliman, at ang mga tao sa Tsina ay kumakatawan sa lahat ng nasa laman, kay Satanas, at ang mga mula sa laman at dugo. Ang mga Tsino ang siyang mga pinaka-lubos na ginawang masama ng malaking pulang dragon, na siyang may pinakamasidhing pagsalungat sa Diyos, na ang kanilang mga pagkatao ay pinakamasama at marumi, at kaya sila ang mga orihinal na modelo ng lahat ng masamang sangkatauhan. ... Bakit Ko palaging sinasabi na kayo ay mga karagdagan sa Aking plano ng pamamahala? Sa mga tao sa Tsina naipakikita nang pinakabuong-buo at nabubunyag sa iba’t ibang mga anyo nito ang kasamaan, karumihan, di-pagkamatuwid, pagtutol, at ang paghihimagsik. Sa isang banda, sila ay mahina, at sa kabila, ang kanilang mga buhay at pag-iisip ay paurong, at ang kanilang mga gawi, kapaligirang panlipunan, pamilya ng kapanganakan—ang lahat ay kaawa-awa at paurong. Ang kanilang mga estado, ay mababa rin. Ang gawain sa lugar na ito ay makahulugan, at matapos maisagawa ang gawaing pagsusulit sa kabuuan nito, ang Kanyang mga susunod na gawain ay magiging higit na mabuti. Kapag naisakatuparan ang yugto ng gawain na ito, gayon ang mga susunod na gawain ay matitiyak. Sa oras na matapos ang yugto ng gawain na ito, makakamit nang lubusan ang dakilang tagumpay, at ang gawain ng panlulupig sa lahat ng dako ng buong sansinukob ay dadating sa isang ganap na katapusan. Sa katotohanan, kapag nagtagumpay ang gawain sa inyo, ito ay magiging katumbas ng tagumpay sa lahat ng dako ng buong sansinukob. Ito ang kahalagahan ng kung bakit pinakilos Ko kayo bilang huwaran at uliran. Ang pagiging suwail, pagsalungat, karumihan, at kawalan ng katarungan—ang lahat ay matatagpuan sa mga taong ito, at sa kanila ay kumakatawan ang lahat ng pagiging suwail ng sangkatauhan. Sila ay tunay ngang mahalaga. Kaya’t sila ay itinuturing na halimbawa ng panlulupig, at sa oras na sila ay nalupig na sila ay natural na magiging mga huwaran at uliran para sa iba.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
6. Wala nang mas higit pang makabuluhan kaysa sa unang yugto na isinasagawa sa Israel: Ang mga Israelita ang pinakabanal at pinaka-hindi masama sa lahat ng mga tao, kaya’t ang bukang-liwayway ng bagong panahon sa lugar na ito ay nagtaglay ng higit na kahalagahan. Maaaring sabihin na ang mga ninuno ng sangkatauhan ay nagmula sa Israel, at ang Israel ang lugar ng kapanganakan ng gawain ng Diyos. Sa simula, ang mga taong ito ang pinakabanal, at lahat sila ay sumamba kay Jehova, at nagbunga ng pinakamagandang resulta ang gawain ng Diyos sa kanila. … Sila ang pinaka-hindi masama sa lahat ng sangkatauhan, at sa simula, sila ay nasa pag-iisip na mataas ang pagtingin sa Diyos at gumagalang sa Kanya. Sinunod nila ang mga salita ni Jehova, at patuloy na nagsilbi sa templo, at nagdamit ng mga kasuotang pang-pari o mga korona. Sila ang mga pinaka-unang tao na sumamba sa Diyos, at ang mga pinaka-unang pakay ng Kanyang gawain. Ang mga taong ito ay mga uliran at huwaran para sa buong sangkatauhan. Sila ay mga uliran at huwaran ng kabanalan at katuwiran. Ang mga taong katulad nina Job, Abraham, Lot, o Pedro at Timoteo—silang lahat ay mga Israelita, at ang mga pinakabanal sa mga huwaran at uliran. Ang Israel ang pinaka-unang bansa sa sangkatauhan na sumamba sa Diyos, at mas maraming mga tuwid na tao ang nagmula rito kaysa sa ibang lugar. Kumilos ang Diyos sa kanila upang mas mapamahalaan Niya nang maayos ang sangkatauhan sa lahat ng dako sa lupa sa hinaharap. Ang kanilang mga nagawa at ang katuwiran ng kanilang pagsamba kay Jehova ay nakatala, upang sila ay makapagsilbi bilang mga uliran at huwaran sa mga tao sa labas ng Israel sa Kapanahunan ng Biyaya; at ang kanilang mga kilos ay pinagtibay ang sa loob ng ilang libong taon ng gawain, magpahanggang sa kasalukuyan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (2)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
7. Ang pangalan ni Jesus ang nagtanda ng pagsisimula ng Kapanahunan ng Biyaya. Nang nagsimula si Jesus na gampanan ang Kanyang ministeryo, ang Banal na Espiritu ay nagsimulang magpatotoo sa pangalan ni Jesus, at ang pangalan ni Jehova ay hindi na pinag-uusapan, at sa halip ay paunang sinimulan ng Banal na Espiritu ang bagong gawain sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Ang patotoo ng mga naniniwala sa Kanya ay inilahad para kay Hesu-Cristo, at ang gawain na kanilang isinagawa ay para rin kay Hesu-Cristo. Ang konklusyon ng Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan ay nangangahulugan na ang gawain na paunang isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova ay matatapos na rin. Pagkatapos nito, ang pangalan ng Diyos ay hindi na Jehova; sa halip Siya ay tinawag na Jesus, at mula rito ay sinimulan ng Banal na Espiritu ang gawain una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
8. Kapag muling dumating si Jesus, ay nagbago na rin ang kapanahunan, gayon maaari pa rin ba Siyang tawagin na Jesus? Kilala lamang ba ang Diyos sa pangalan ni Jesus? Hindi ba Siya maaaring tawagin ng bagong pangalan sa isang bagong kapanahunan? Maaaring bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan ang anyo ng isang tao at ang isang tanging pangalan? Sa bawat kapanahunan, gumagawa ang Diyos ng mga bagong gawain at Siya ay tinatawag sa bagong pangalan; paano Niya naisasagawa ang parehong gawain sa magkaibang kapanahunan? Paano Siya nananatili sa luma? Ang pangalan ni Jesus ay ginamit para sa gawain ng pagtubos, kaya matatawag pa rin ba Siya sa parehong pangalan kapag Siya ay bumalik sa mga huling araw? Isasagawa pa rin ba Niya ang gawain ng pagtubos? Bakit iisa lang si Jehova at si Jesus, ngunit Sila ay tinatawag sa magkaibang pangalan sa magkaibang kapanahunan? Hindi ba dahil magkaiba ang mga kapanahunan ng Kanilang gawain? Maaari bang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuoan ang iisang pangalan lamang? Sa paraang ito, nararapat na tawagin ang Diyos sa ibang pangalan sa ibang kapanahunan, nararapat gamitin ang pangalan upang baguhin ang kapanahunan at kumatawan sa kapanahunan, dahil walang anumang pangalan ang ganap na kakatawan sa Diyos Mismo. At ang bawat pangalan ay maaari lang kumatawan sa disposisyon ng Diyos sa isang tiyak na kapanahunan at kailangan lang upang kumatawan sa Kanyang gawain. Samakatuwid, maaaring mamili ang Diyos ng anumang pangalan na angkop sa Kanyang disposisyon upang kumatawan sa buong kapanahunan. Hindi alintana kung ito man ay kapanahunan ni Jehova, o ang kapanahunan ni Jesus, ang bawat kapanahunan ay kinakatawan ng isang pangalan. Pagkatapos ng Kapanahunan ng Biyaya, ang huling kapanahunan ay dumating na at pumarito na si Jesus. Paanong Siya pa rin ay tinatawag na Jesus? Paano Niya nakakaya pang magkatawan sa anyo ni Jesus sa gitna ng tao? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay isa lang imahe ng Nazareno? Nakalimutan mo na ba si Jesus ay ang Tagapagtubos lamang ng sangkatauhan? Paano Niya maisasagawa ang gawain ng panlulupig at gawing perpekto ang tao sa mga huling araw?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
9. Sa tuwing darating ang Diyos sa lupa, babaguhin Niya ang Kanyang pangalan, ang Kanyang kasarian, ang kanyang anyo, at ang Kanyang gawain; hindi Niya inuulit ang Kanyang gawain, at lagi Siyang bago at hindi kailanman luma. Sa Kanyang pagdating noon, tinawag Siyang Jesus; maaari pa rin ba Siyang tawaging Jesus kapag bumalik Siya sa pagkakataong ito? Nang dumating Siya noon, Siya ay isang lalaki; maaari pa rin ba Siyang maging lalaki sa pagkakataong ito? Ang Kanyang gawain nang Siya ay pumarito noong Kapanahunan ng Biyaya ay maipako sa krus; kung Siya’y muling dumating, muli ba Niyang tutubusin ang sangkatauhan sa kasalanan? Ipapako pa rin ba Siya sa krus? Hindi ba’t iyon ay pag-uulit lamang ng Kanyang gawain? Hindi mo ba alam na ang Diyos ay bago at hindi kailanman luma?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
10. Mayroong mga nagsasabi na ang Diyos ay di-mababago. Tama iyon, ngunit ito ay tumutukoy sa di-nababagong sangkap at disposisyon ng Diyos. Ang mga pagbabago sa Kanyang pangalan at gawain ay hindi nagpapatunay na ang Kanyang sangkap ay nagbago; sa madaling sabi, ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi ito kailanman magbabago. Kung sinasabi mo na hindi nagbabago ang gawain ng Diyos, matatapos ba Niya ang Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala? Ang alam mo lamang ay hindi magpakailanman nagbabago ang Diyos, ngunit alam mo ba na ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma? Kung hindi kailanman nagbago ang gawain ng Diyos, gayon madadala ba Niya ang sangkatauhan sa kasalukuyan? Kung hindi nagbabago ang Diyos, bakit Niya naisagawa ang gawain sa dalawang kapanahunan? Ang Kanyang gawain ay palaging umuunlad pasulong, ang Kanyang disposisyon ay unti-unting naibubunyag sa tao, at ang naibubunyag ay ang Kanyang likas na disposisyon. Sa simula, ang disposisyon ng Diyos ay nakatago mula sa mga tao, hindi Niya kailanman tuwirang ibinunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, at walang kaalaman ang tao tungkol sa Kanya, kaya ginamit Niya ang Kanyang gawain upang unti-unting ibunyag ang Kanyang disposisyon sa tao, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang Kanyang disposisyon ay nagbabago sa bawat kapanahunan. Hindi ito tungkol sa ang disposisyon ng Diyos ay patuloy sa pagbabago dahil ang Kanyang kalooban ay palaging nagbabago. Sa halip, dahil ang mga kapanahunan ng Kanyang gawain ay magkaiba, ang Kanyang likas na disposisyon sa kabuuan nito ay unti-unting naibunyag sa tao, nang sa gayon ay makilala Siya ng mga tao. Ngunit hindi ito patunay na sa simula ay walang tiyak na disposisyon ang Diyos at ang disposisyon Niya ay unti-unting nagbago sa paglipas ng mga kapanahunan—ang ganoong pagkaunawa ay mali. Ibinubunyag ng Diyos sa tao ang Kanyang likas, particular na disposisyon, kung ano Siya, ayon sa paglipas ng mga kapanahunan. Ang gawain sa nag-iisang kapanahunan ay hindi makapagpapaliwanag sa buong disposisyon ng Diyos. At kaya, ang mga salitang “Ang Diyos ay palaging bago at kailanman ay hindi luma” ay tumutukoy sa Kanyang gawain, at ang mga salitang “Ang Diyos ay hindi magbabago” ay tungkol sa likas na kung ano ang mayroon at kung ano ang Diyos. Gayunpaman, hindi mo maaaring maipaliwanag ang anim na libong taong gawain sa isang punto, o mailarawan ito sa pamamagitan ng mga di-nagbabagong mga salita lamang. Gayon ay ang kahangalan ng tao. Ang Diyos ay hindi payak katulad ng ipinapalagay ng mga tao, at ang Kanyang gawain ay hindi magtatapos sa isang kapanahunan lamang. Si Jehova, halimbawa, ay hindi laging kakatawan sa pangalan ng Diyos; isinasagawa rin ng Diyos ang Kanyang gawain sa ilalim ng pangalan na Jesus, na isang simbolo ng kung paanong patuloy ang pag-unlad nang pasulong ng gawain ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
11. Ang Diyos ay mananatiling Diyos, at hindi kailanman magiging si Satanas; si Satanas ay mananatiling si Satanas, at hindi kailanman magiging Diyos. Ang karunungan ng Diyos, ang Kanyang pagiging kamangha-mangha, ang Kanyang katuwiran at Kanyang kadakilaan ay hindi kailanman magbabago. Ang Kanyang sangkap at kung ano ang mayroon at kung ano Siya ay hindi kailanman magbabago. Subalit, ang Kanyang gawain, ay palaging umuunlad pasulong, laging lumalalim, dahil ang Diyos ay palaging bago at hindi kailanman luma. Sa bawat kapanahunan nagkakaroon ng bagong pangalan ang Diyos, sa bawat kapanahunan Siya’y nagsasagawa ng mga bagong gawain, at sa bawat kapanahunan ay hinahayaan Niyang makita ng bawat nilalang ang bago Niyang kalooban at bago Niyang disposisyon. Kung hindi makikita ng mga tao ang paghahayag ng bagong disposisyon ng Diyos sa bagong kapanahunan, hindi ba nila ipapako Siya magpakailanman sa krus? At sa paggawa nito, hindi ba’t binibigyang kahulugan nila ang Diyos?
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
12. Hindi inuulit ng Diyos ang Kanyang gawain sa bawat bagong kapanahunan. Simula nang dumating na ang mga huling araw, isasagawa Niya ang mga gawain ng mga huling araw, at ibubunyag ang Kanyang buong disposisyon sa mga huling araw. Ang mga huling araw ay nakahiwalay na kapanahunan, iyon ay kung saan sinabi ni Jesus na nararapat kayong magdusa sa mga sakuna, at sumailalim sa mga lindol, taggutom, at mga salot, na magpapakita na ito ay bagong kapanahunan at hindi na ang lumang Kapanahunan ng Biyaya. Kung, katulad ng sinasabi ng mga tao na ang Diyos ay hindi kailanman nagbabago, ang Kanyang disposisyon ay mahabagin at mapagmahal, at mahal Niya ang mga tao gaya ng Kanyang sarili, at naghahandog Siya ng kaligtasan sa bawat tao at hindi sila kailanman kinasusuklaman, gayon magagawa ba Niyang maisakatuparan ang Kanyang gawain? Nang dumating si Jesus, ipinako Siya sa krus, at inialay Niya ang Kanyang sarili para sa lahat ng makasalanan sa pamamagitan ng pag-alay ng Kanyang sarili sa harap ng altar. Naisakatuparan na Niya ang gawain ng pagtubos at naihatid na ang Kapanahunan ng Biyaya sa katapusan nito, kaya ano ang magiging layunin ng pag-uulit sa mga gawain ng kapanahunang iyon sa mga huling araw? Hindi ba’t ang paggawa ng parehong bagay ay isang uri ng pagtanggi sa gawain ni Jesus? Kung hindi isinagawa ni Jesus ang gawain ng pagpapapako sa krus kapag Siya ay nakarating sa yugtong ito, ngunit Siya ay nanatiling mahabagin at mapagmahal, makakaya ba Niyang dalhin ang kapanahunang ito sa katapusan? Makakaya bang wakasan ng mahabagin at mapagmahal na Diyos ang kapanahunan? Sa pangwakas Niyang gawain sa pagwawakas ng kapanahunan, ang disposisyon ng Diyos ay ang pagkastigo at paghatol, na ibinubunyag ang lahat ng di-matuwid, at hayagang hinahatulan ang lahat ng tao, at ginagawang perpekto ang mga tunay na nagmamahal sa Kanya. Ang ganitong disposisyon lang ang makapaghahatid sa kapanahunang ito sa isang katapusan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
13. Dumating na ang mga huling araw. Ang lahat ng bagay ay isasaayos ayon sa uri, at hahatiin sa iba’t ibang klase ayon sa kanilang kalikasan. Ito ang oras kung kailan ibubunyag ng Diyos ang katapusan at ang hantungan ng tao. Kapag hindi sumailalim sa pagkastigo at paghatol ang tao, gayon walang paraan upang ibunyag ang pagsuway at di-pagkamatuwid ng tao. Tanging sa pamamagitan lang ng pagkastigo at paghatol maibubunyag ang katapusan ng lahat. Ipinapakita lang ng tao ang kanilang tunay na kulay kapag sila ay nakakastigo at hinahatulan. Ang kasamaan ay ibabalik sa kasamaan, ang kabutihan ay ibabalik sa kabutihan, at ang tao ay isasaayos ayon sa uri. Sa pamamagitan ng pagkastigo at paghatol, ang katapusan ng lahat ng bagay ay maibubunyag, nang sa gayon ay maparusahan ang mga masasama at magantimpalaan ang mga mabubuti, at ang lahat ng tao ay nasa ilalim ng dominyon ng Diyos. Ang lahat ng gawain ay nangangailangan ng matuwid na pagkastigo at paghatol upang ito ay makamit. Dahil ang katiwalian ng tao ay naabot na ang rurok at ang kanyang pagsuway ay naging masyadong malala, tanging ang matuwid na disposisyon lang ng Diyos, na pangunahin ay isang pagkastigo at paghatol, at ibinunyag sa mga huling araw, ay maaaring baguhin at gawing ganap ang tao. Tanging ang disposisyong ito ang makapaglalantad ng kasamaan at gayon ay malubhang maparusahan ang lahat ng mga hindi matuwid. Samakatuwid, ang disposisyong ito ay nagtataglay ng kahalagahan ng kapanahunan, at ang pagbubunyag at pagpapakita ng Kanyang disposisyon ay para sa kapakanan ng gawain sa bawat bagong kapanahunan. Hindi ibinubunyag ng Diyos ang Kanyang disposisyon nang gayon-gayon lang at nang walang kabuluhan. Kung ang katapusan ng tao ay naibunyag sa mga huling araw, naghahandog pa rin ang Diyos sa tao ng walang hanggang awa at pagmamahal, at kapag Siya ay mapagmahal pa rin sa mga tao, at hindi Niya hinahayaang sumailalim ang tao sa makatuwirang paghatol, kundi Siya’y nagpapamalas ng pagpaparaya, pagtitiis at pagpapatawad, kapag patuloy pa rin Siyang nagpapatawad sa tao anuman ang matinding kasalanang nagagawa niya, na walang makatuwirang paghatol, magwawakas ba ang lahat ng pamamahala ng Diyos? Kailan magagawang mapangunahan ng ganitong disposisyon ang sangkatauhan patungo sa tamang hantungan? Ipagpalagay, halimbawa, ang isang hukom na mapagmahal, mabuti at magiliw. Mahal niya ang mga tao sa kabila ng kanilang mga nagawang kasalanan, at siya ay mapagmahal at mapagparaya sa sinumang tao. Kailan niya makakayang abutin ang makatuwirang pasiya? Sa mga huling araw, tanging ang makatuwirang paghatol lang ang makapag-uuri sa tao at makapagdadala sa kanila sa bagong mundo. Sa paraang ito, ang buong kapanahunan ay maihahatid sa isang katapusan sa pamamagitan ng makatuwirang disposisyon ng paghatol at pagkastigo ng Diyos.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao