14. Ang gawain ng Diyos sa kabuuan ng Kanyang pamamahala ay lubos na malinaw: Ang Kapanahunan ng Biyaya ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at ang mga huling araw ay ang mga huling araw. Mayroong mga malinaw na pagkakaiba sa pagitan ng bawat kapanahunan, dahil sa bawat kapanahunan ay nagsasagawa ang Diyos ng gawain na kumakatawan sa kapanahunang iyon. Para magawa ang gawain sa mga huling araw, dapat ay may pagsunog, paghatol, pagkastigo, poot, at pagkawasak upang matapos na ang kapanahunan. Ang mga huling araw ay tumutukoy sa pangwakas na kapanahunan. Sa pangwakas na kapanahunan, hindi ba tatapusin ng Diyos ang kapanahunan? Upang mawakasan ang kapanahunan, dapat dalhin ng Diyos ang pagkastigo at paghatol. Tanging sa ganitong paraan na mawawakasan Niya ang kapanahunan. Ang layunin ni Jesus ay upang magpatuloy ang tao sa pag-iral, pamumuhay, at ang umiral sa mas maayos na paraan. Iniligtas Niya ang tao mula sa kasalanan nang sa gayon ay tumigil ang tao sa paglusong sa kasamaan at hindi na mamuhay pa sa Hades at impyerno, at sa pagligtas sa tao mula sa Hades at impyerno, hinayaan Niyang magpatuloy na mabuhay ang tao. Ngayon, ang mga huling araw ay dumating na. Lilipulin Niya ang tao at wawasakin nang lubusan ang sangkatauhan, na nangangahulugang babaguhin Niya ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Sa gayon, magiging imposible, sa mahabagin at mapagmahal na disposisyon sa nakaraan, na wakasan ng Diyos ang kapanahunan o maisakatuparan ang anim na libong taong plano ng pamamahala ng Diyos. Ang bawat kapanahunan ay nagtatampok ng natatanging pagkatawan sa disposisyon ng Diyos, at ang bawat kapanahunan ay naglalaman ng mga gawain na nararapat isagawa ng Diyos. Kaya, ang gawaing ginawa ng Diyos Mismo sa bawat kapanahunan ay naglalaman ng pagpapahayag ng Kanyang tunay na disposisyon, at ang Kanyang pangalan at ang isinasagawa Niyang gawain ay parehong nagbabago kasabay ng kapanahunan; ang lahat ng ito ay bago.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
15. Sa Kapanahunan ng Kautusan, ang gawain ng paggabay sa sangkatauhan ay isinagawa sa ilalim ng pangalan ni Jehova, at ang unang yugto ng gawain ay isinagawa sa lupa. Ang gawain sa yugtong ito ay upang magtatag ng mga templo at dambana, at upang gamitin ang kautusan upang gabayan ang mga tao sa Israel at gumawa sa kalagitnaan nila. Sa pamamagitan ng paggabay sa mga tao sa Israel, Siya ay nagtatag ng himpilan para sa Kanyang gawain sa lupa. Sa himpilang ito, pinalawak Niya ang Kanyang gawain lampas ng Israel, samakatuwid, mula sa Israel, pinalawak Niya ang Kanyang gawain palabas, nang sa gayon ang mga susunod na salinlahi ay unti-unting malaman na si Jehova ay ang Diyos, at na nilikha ni Jehova ang langit at ang lupa at ang lahat ng bagay, nilikha ang lahat ng nilalang. Ipinalaganap Niya ang Kanyang gawain sa mga tao sa Israel. Ang lupain ng Israel ang pinakaunang banal na lugar ng mga gawain ni Jehova sa lupa, at ang mga unang gawain ng Diyos sa lupa ay sa lahat ng dako ng lupain ng Israel. Iyon ang mga gawain sa Kapanahunan ng Kautusan. Sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya, si Jesus ang Diyos na nagligtas sa tao. Kung ano Siya at kung ano ang Kanyang taglay ay biyaya, pag-ibig, awa, pagtitiis, tiyaga, kababaang-loob, pag-aalaga, at pagpaparaya, at marami sa mga gawaing Kanyang isinagawa ay ang pagtubos sa tao. At para sa Kanyang disposisyon, ito ay isang may awa at pagmamahal, dahil Siya ay maawain at mapagmahal, kinailangan Niyang maipako sa krus para sa tao, nang sa gayon ay maipakita Niya na mahal ng Diyos ang tao gaya ng Kanyang sarili, sa lawak na inialay Niya ang Kanyang sarili sa Kanyang kabuuan. … Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus, na nangangahulugan na ang Diyos ay ang Diyos na nagligtas sa tao, at Siya ay isang maawain at mapagmahal na Diyos. Kasama ng tao ang Diyos. Ang Kanyang pagmamahal, ang Kanyang awa, at ang Kanyang kaligtasan ay naging kapiling ng bawat tao. Ang tao ay maaari lang magkamit ng kapayapaan at kagalakan, makatanggap ng Kanyang pagpapala, makatanggap ng Kanyang marami at malawak na biyaya, at matanggap ang Kanyang kaligtasan kung tinanggap ng tao ang Kanyang pangalan at tinanggap ang Kanyang presensiya. Sa pamamagitan ng pagkakapako ni Jesus sa krus, ang siyang mga sumunod sa Kanya ay nakatanggap ng kaligtasan at pinatawad sa kanilang mga kasalanan. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ng Diyos ay Jesus. Sa madaling salita, ang gawain ng Kapanahunan ng Biyaya ay isinagawa una sa lahat sa ilalim ng pangalan ni Jesus. Sa Kapanahunan ng Biyaya, ang Diyos ay tinawag na Jesus. Gumawa Siya ng gawain na higit pa sa Lumang Tipan, at ang Kanyang gawain ay natapos sa pagpapapako sa krus, at iyon ang kabuuan ng Kanyang gawain. Samakatuwid, sa Kapanahunan ng Kautusan, Jehova ang pangalan ng Diyos, at sa Kapanahunan ng Biyaya, ang pangalan ni Jesus ay kumatawan sa Diyos. Sa mga huling araw, ang Kanyang pangalan ay Makapangyarihang Diyos—ang Makapangyarihan sa lahat, na gumagamit sa Kanyang kapangyarihan upang gabayan ang tao, lupigin ang tao at makamit ang tao, at sa huli, wakasan ang kapanahunan. Sa bawat kapanahunan, sa bawat yugto ng Kanyang gawain, ang disposisyon ng Diyos ay kapansin-pansin.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
16. Kung sakaling palaging pareho ang gawain ng Diyos sa bawat kapanahunan, at Siya ay palaging tinatawag sa parehong pangalan, paano Siya makikilala ng tao? Ang Diyos ay nararapat na tawaging Jehova, at maliban sa Diyos na tinatawag na Jehova, ang isang tinatawag sa anumang ibang pangalan ay hindi Diyos. Kung hindi, ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at ang Diyos ay hindi maaaring tawagin sa ibang mga pangalan maliban sa Jesus; maliban kay Jesus, hindi Diyos si Jehova, at ang Makapangyarihang Diyos ay hindi rin Diyos. Naniniwala ang tao na ang Diyos ay tunay na makapangyarihan, ngunit ang Diyos ay isang Diyos na kapiling ang tao, nararapat Siyang tawaging Jesus, dahil ang Diyos ay kapiling ang tao. Ang gawin ito ay pagsunod sa doktrina at pagkulong sa Diyos sa isang saklaw. Kaya, ang gawain na isinasagawa ng Diyos sa bawat kapanahunan, ang pangalan kung saan Siya ay tinatawag, at ang anyong Kanyang kinukuha—ang gawain na Kanyang ginagawa sa bawat yugto hanggang ngayon—ang mga ito ay hindi sumusunod sa iisang alituntunin, at hindi sumasailalim sa anumang paghihigpit. Siya ay si Jehova, ngunit Siya rin ay si Jesus, gayundin ang Mesiyas, at ang Makapangyarihang Diyos. Ang Kanyang gawain ay maaaring sumailalim sa unti-unting pagbabago, nang may mga katumbas na pagbabago sa Kanyang pangalan. Walang iisang pangalan ang maaaring kumatawan nang ganap sa Kanya, ngunit ang lahat ng pangalan kung saan Siya ay tinatawag ay maaaring kumatawan sa Kanya, at ang gawain na Kanyang isinasagawa sa bawat kapanahunan ay kumakatawan sa Kanyang disposisyon.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
17. Sabihing, kapag dumating ang mga huling araw, ang Diyos na iyong pinagmamasdan ay si Jesus pa rin, Siya ay nakasakay pa sa isang puting ulap, at Siya pa rin ay nagtataglay ng anyo ni Jesus, at ang mga salitang Kanyang binibitawan ay ang mga salita pa rin ni Jesus: “Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili, ikaw ay mag-ayuno at manalangin, ibigin mo ang iyong mga kaaway katulad ng iyong pagmamahal sa iyong sariling buhay, magtiis ka sa iyong kapwa, at maging mapagpaumanhin at mapagpakumbaba. Kailangan ninyong gawin ang lahat nito. Kung magkagayo’y tunay nga kayong mga alagad Ko.” At kapag ginawa mo ang lahat ng ito, maaari kang pumasok sa Aking kaharian, hindi ba’t ito ay nabibilang sa gawain ng Kapanahunan ng Biyaya? Hindi ba’t ang Kanyang sinasabi ay ang daan ng Kapanahunan ng Biyaya? Ano ang iyong mararamdaman kapag maririnig mo ang mga salitang ito? Hindi mo ba mararamdaman na ito ay gawain pa rin ni Jesus? Ito ba’y hindi pag-uulit sa Kanyang gawain? Makakahanap ba ng kasiyahan ang tao dito? Maaari ninyong maramdaman na ang gawain ng Diyos ay maaaring manatili lamang na katulad nang sa ngayon at hindi na higit na uunlad pa. Mayroon lang Siyang napakadakilang kapangyarihan, at wala nang bagong gawain na isasagawa, at narating na Niya ang hangganan ng Kanyang kapangyarihan. Dalawang libong taon na ang nakalipas bago ngayon ay ang Kapanahunan ng Biyaya, at matapos ang dalawang libong taon, ipinapangaral pa rin Niya ang paraan ng Kapanahunan ng Biyaya, at pinagsisisi pa rin ang mga tao. Ang mga tao ay magsasabi, “Dakila lamang ang Iyong kapangyarihan, O Diyos. Naniwala ako na Ikaw ay matalino, at gayunman ang alam Mo lamang ay magtimpi at inaalala lamang ang pagpapakumbaba, ang alam Mo lang ay ang magmahal sa Iyong kaaway at wala nang iba.” Sa isip ng tao, mananatili ang Diyos magpakailanman na katulad nang sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang tao ay patuloy na maniniwalang ang Diyos ay mahabagin at mapagmahal. Sa tingin ba ninyo ang gawain ng Diyos ay mananatiling laging naglalakad sa parehas na lumang lupain? Kaya, sa yugtong ito ng Kanyang gawain, hindi Siya dapat ipako sa krus, at ang lahat ng inyong nakikita at nahahawakan ay hindi magiging katulad ng alinman sa inyong mga naisip o narinig.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
18. Ang pangalang Jesus ba, “Diyos kasama natin,” ay maaaring kumatawan sa buong disposisyon ng Diyos? Maaari ba nitong malinaw na maipaliwanag ang Diyos? Kung ang tao ay nagsasabi na ang Diyos ay maaari lang tawaging Jesus, at hindi maaaring magkaroon ng iba pang pangalan dahil hindi maaaring baguhin ng Diyos ang Kanyang disposisyon, ang mga salitang iyon ay kalapastanganan sa Diyos! Naniniwala ka bang ang pangalang Jesus, Diyos kasama natin, ay maaaring kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan? Maaaring tawagin sa iba’t ibang pangalan ang Diyos, ngunit sa mga pangalang ito, walang kahit isa ang makakayang lumagom sa lahat ng mayroon ang Diyos, walang kahit isa na maaaring lubos na kumatawan sa Diyos. At kaya maraming pangalan ang Diyos, ngunit ang mga pangalang ito ay hindi maaaring ganap na maihayag ang disposisyon ng Diyos, dahil ang disposisyon ng Diyos ay napakamasagana at lumalampas sa karunungan ng tao. … Ang isang tukoy na salita o pangalan ay walang kapangyarihan upang kumatawan sa Diyos sa Kanyang kabuuan. Kaya maaari bang gumamit ng iisang permanenteng pangalan? Ang Diyos ay napakadakila at banal, kaya bakit hindi mo Siya hinahayaang magpalit ng Kanyang pangalan sa bawat bagong panahon? Sa bawat panahon na personal na isinasagawa ng Diyos ang Kanyang gawain, gumagamit Siya ng pangalan na naaangkop sa panahon upang lagumin ang gawain na Kanyang isinasagawa. Ginagamit Niya ang tukoy na pangalang ito, ang isang nagtataglay ng kahalagahan sa panahon, upang kumatawan sa Kanyang disposisyon sa panahong iyon. Ginagamit ng Diyos ang wika ng tao upang maipahayag ang Kanyang sariling disposisyon. … Darating ang araw na ang Diyos ay hindi na tatawaging Jehova, Jesus, o ang Tagapagligtas—Siya ay tatawagin lamang na Manlilikha. Sa oras na iyon, ang lahat ng mga pangalan na Kanyang ginamit sa lupa ay magtatapos, dahil ang Kanyang gawain sa lupa ay matatapos na rin, pagtapos nito, hindi na Siya magkakaroon ng pangalan. Kapag ang lahat ng tao ay sumailalim sa dominyon ng Manlilikha, bakit Siya tatawagin sa labis na naaangkop ngunit hindi ganap na pangalan? Hinahanap mo pa rin ba ang pangalan ng Diyos ngayon? Tinatangka mo pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jehova? Tinatangka mo pa rin bang sabihin na ang Diyos ay tinatawag lang na Jesus? Makakaya mo bang matiis ang kasalanan ng kalapastanganan sa Diyos? Nararapat mong malaman na ang Diyos sa simula ay walang pangalan. Gumamit lang Siya ng isa o dalawa, o maraming pangalan dahil mayroon Siyang gawaing kailangang isagawa at pamahalaan ang sangkatauhan. Kahit anuman ang tawag sa Kanya, hindi ba’t ito ay Kanyang pinili nang malaya? Kailangan ka ba Niya, isang nilalang, upang pagpasyahan ito? Ang pangalan kung saan tinatawag ang Diyos ay ayon sa kung ano ang nauunawaan ng tao at ang wika ng tao, ngunit ang pangalang ito ay di kayang lagumin ng tao. Maaari mo lang sabihin na mayroong Diyos sa langit, at Siya ay tinatawag na Diyos, at Siya ang Diyos Mismo na makapangyarihan, labis na matalino, labis na mataas, labis na kamangha-mangha, labis na mahiwaga, labis na makapangyarihan, at wala ka nang masasabi pang iba; iyon lang ang inyong nalalaman. Sa paraang ito, maaari bang kumatawan ang pangalan ni Jesus sa Diyos Mismo? Kapag dumating na ang mga huling araw, kahit na ang Diyos pa rin ang nagsasagawa ng Kanyang gawain, kailangang magbago ang Kanyang pangalan, dahil ito ay panibagong panahon na.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
19. Nang dumating si Jesus upang isagawa ang Kanyang gawain, ito ay sa ilalim ng gabay ng Banal na Espiritu; ginawa Niya ang kagustuhan ng Banal na Espiritu, at ito ay hindi ayon sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan o ayon sa gawain ni Jehova. Bagama’t ang gawain na isinagawa ni Jesus ay hindi para sa pagsunod sa mga batas ni Jehova o sa mga kautusan Niya, ang Kanilang pinagmulan ay iisa at pareho lang. Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay kumatawan sa pangalan ni Jesus, at kumatawan ito sa Kapanahunan ng Biyaya; para sa gawain na isinagawa ni Jehova, ito ay kumatawan kay Jehova, at kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan. Ang Kanilang gawain ay gawain ng isang Espiritu sa dalawang magkaibang kapanahunan. Ang gawain na isinagawa ni Jesus ay maaari lang kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya, at ang gawain na isinagawa ni Jehova ay maaari lang kumatawan sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan. Ginabayan lang ni Jehova ang mga tao sa Israel at Ehipto, at lahat ng mga bansa sa labas ng Israel. Ang gawain ni Jesus sa Kapanahunan ng Biyaya sa Bagong Tipan ay gawain ng Diyos sa ilalim ng pangalan ni Jesus habang Kanyang ginagabayan ang panahon. Kung sinasabi mo na ang gawain ni Jesus ay batay sa gawain ni Jehova, na hindi Siya nagsagawa ng anumang bagong gawain, at ang lahat ng Kanyang ginawa ay ayon lang sa mga salita ni Jehova, ayon sa gawain ni Jehova at mga hula ni Isaias, kung gayon si Jesus ay hindi ang Diyos na naging tao. Kung isinagawa Niya ang Kanyang gawain sa paraang ito, isa Siya sanang apostol o isang manggagawa ng Kapanahunan ng Kautusan.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
20. Kung katulad ito ng iyong sinasabi, hindi sana nagbukas ng isang kapanahunan si Jesus, ni hindi Siya sana nakapagsagawa ng kahit anong ibang gawain. Sa parehong paraan, ang Banal na Espiritu ay kailangan paunang isagawa ang Kanyang gawain sa pamamagitan ni Jehova, at maliban sa pamamagitan ni Jehova ang Banal na Espiritu ay hindi sana nagsagawa ng anumang bagong gawain. Mali para sa tao na unawain ang gawain ni Jesus sa ganitong paraan. Kung naniniwala ang tao na ang gawaing isinagawa ni Jesus ay ayon sa mga salita ni Jehova at mga hula ni Isaias, kung gayon, si Jesus ba ang Diyos na nagkatawang-tao, o isa ba Siya sa mga propeta? Ayon sa pananaw na ito, wala ang Kapanahunan ng Biyaya, at hindi si Jesus ang pagkakatawang-tao ng Diyos, dahil ang gawain na Kanyang isinagawa ay hindi maaaring kumatawan sa Kapanahunan ng Biyaya at maaaring kumatawan lang sa Kapanahunan ng Kautusan sa Lumang Tipan. Nagkaroon lamang ng bagong kapanahunan noong pumarito si Jesus upang gumawa ng bagong gawain, upang maglunsad ng isang bagong kapanahunan, upang isulong ang gawain na isinagawa noon sa Israel, at upang isagawa ang Kanyang gawain hindi ayon sa gawaing isinagawa ni Jehova sa Israel, o sa luma Niyang mga tuntunin, o sa pagsunod sa anumang mga tuntunin, kundi upang isagawa ang bagong gawain na dapat Niyang gawin.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
21. Ang Diyos Mismo ay pumaparito upang buksan ang isang bagong kapanahunan, at pumaparito ang Diyos Mismo upang wakasan ang kapanahunan. Walang kakayahan ang tao na isagawa ang gawain ng pagsisimula ng isang kapanahunan at pagwawakas ng isang kapanahunan. Kung hindi tinapos ni Jesus ang gawain ni Jehova, ito ay magpapatunay na Siya ay tao lamang, at walang kakayanang kumatawan sa Diyos. Tiyak na dahil pumarito si Jesus at winakasan ang gawain ni Jehova, ipinagpatuloy ang gawain ni Jehova sa pamamagitan ng pagsisimula ng Kanyang sariling gawain, bagong gawain, ito ay nagpapatunay na isa itong bagong kapanahunan, at na si Jesus ay Diyos Mismo. Sila ay nagsagawa ng dalawang magkaibang yugto ng gawain. Ang isang yugto ay isinagawa sa templo, at ang isa ay isinagawa sa labas ng templo. Ang isang yugto ay upang pangunahan ang buhay ng tao ayon sa kautusan, at ang isa ay upang maghandog ng alay para sa mga kasalanan. Ang dalawang yugto ng gawain na ito ay hindi maipagkakaila na magkaiba; ito ang humahati sa bagong kapanahunan mula sa luma, at walang mali sa pagsasabi na ang mga ito ay dalawang magkaibang panahon! Ang lokasyon ng Kanilang mga gawain ay magkaiba, ang nilalaman ng Kanilang gawain ay magkaiba, at ang layunin ng Kanilang gawain ay magkaiba. Sa gayon, maaaring hatiin ang mga ito sa dalawang kapanahunan: ang Bago at Lumang Tipan, na ibig sabihin, ang bago at ang lumang mga kapanahunan. … Kahit na Sila ay tinatawag sa dalawang magkaibang pangalan, ang parehong yugto ng gawain ay isinagawa ng iisang Espiritu, at ang gawain na isinagawa ay tuluy-tuloy. Dahil magkaiba ang pangalan, at ang nilalaman ng gawain ay magkaiba, ang kapanahunan ay magkaiba rin. Nang dumating si Jehova, iyon ang kapanahunan ni Jehova, at nang dumating si Jesus, iyon ang kapanahunan ni Jesus. At kaya, sa bawat pagkakataon na dumarating ang Diyos, Siya ay tinatawag sa iisang pangalan, kinakatawan Niya ang isang kapanahunan, at Siya ay nagbubukas ng bagong daan; at sa bawat bagong daan, Siya ay gumagamit ng bagong pangalan, na nagpapakita na ang Diyos ay laging bago at di-kailanman luma, at ang Kanyang gawain ay patuloy na umuunlad pasulong. Ang kasaysayan ay patuloy na sumusulong, at ang gawain ng Diyos ay patuloy na sumusulong. Upang marating ang katapusan ng Kanyang anim na libong taong plano sa pamamahala, nararapat itong patuloy na umunlad pasulong. Kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat araw, kailangan Niyang magsagawa ng bagong gawain sa bawat taon; kailangan Niyang magbukas ng mga bagong daan, mga bagong kapanahunan, magsimula ng bago at higit na malaking mga gawain, at magdala ng mga bagong pangalan at gawain.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
22. Kung, katulad ng ipinapalagay ng tao, si Jesus ay muling darating at, tinatawag pa ring Jesus sa mga huling araw, at darating pa rin na nakasakay sa puting ulap, bumababa sa mga tao sa anyo ni Jesus: hindi ba ito isang pag-uulit ng Kanyang gawain? Mananatili ba ang Banal na Espiritu sa luma? Ang lahat ng pinaniniwalaan ng tao ay mga pagkaintindi, at ang lahat ng nauunawaan ng tao ay ayon sa literal nilang kahulugan, at ayon rin sa kanyang likhang-isip; ang mga ito ay wala sa mga prinsipyo ng gawain ng Banal na Espiritu, at hindi umaayon sa mga layunin ng Diyos. Hindi gagawa ang Diyos sa ganoong paraan; hindi hunghang at hangal ang Diyos, at ang Kanyang gawain ay hindi payak katulad ng iyong iniisip. Ayon sa lahat ng ginagawa at ipinagpapalagay ng tao, darating si Jesus sa isang ulap at bababa sa kalagitnaan ninyo. Nararapat ninyo Siyang pagmasdan, at, habang Siya ay nakasakay sa puting ulap, sasabihin Niya sa inyo na Siya si Jesus. Nararapat ninyo ring pagmasdan ang mga marka ng pako sa Kanyang mga kamay, at inyong malalaman na Siya si Jesus. At kayo ay muli Niyang ililigtas, at Siya ang inyong magiging makapangyarihang Diyos. Kayo ay Kanyang ililigtas, at bibigyan ng bagong pangalan, at ang bawat isa sa inyo ay bibigyan Niya ng isang puting bato, pagkatapos nito, kayo ay pahihintulutan na makapasok sa kaharian ng langit at matanggap sa paraiso. Hindi ba’t ang mga paniniwalang ito ay mga pagkaintindi ng tao? Gumagawa ba ang Diyos ayon sa mga pagkaintindi ng tao o Siya’y gumagawa nang salungat sa mga pagkaintindi ng tao? Hindi ba’t ang lahat ng mga pagkaintindi ng tao ay nagmumula kay Satanas? Hindi ba’t ginawang masama ni Satanas ang lahat ng tao? Kung gumawa ang Diyos ayon sa mga pagkaintindi ng tao, hindi ba’t Siya ay magiging si Satanas? Hindi ba’t magiging kapareho lang Niya ang mga nilalang Niya? Dahil ang mga nilalang Niya ngayon ay nagawang napakasama na ni Satanas, na ang tao ay naging mismong larawan ni Satanas, kung gumawa ang Diyos ayon sa mga bagay ni Satanas, hindi ba’t magiging kakampi Siya kay Satanas? Paano mauunawaan ng tao ang gawain ng Diyos? Kaya, hindi gagawa kailanman ang Diyos ayon sa mga pagkaintindi ng tao, at hindi Siya kailanman gagawa sa mga paraan na iyong ipinapalagay. Mayroong mga nagsasabi na sinabi ng Diyos Mismo na Siya ay darating na nasa ulap. Totoo na sinabi ng Diyos Mismo, ngunit hindi mo ba alam walang tao ang makaaarok sa mga hiwaga ng Diyos? Hindi mo ba alam na walang tao ang makakapagpaliwanag sa mga salita ng Diyos? Ikaw ba ay nakatitiyak nang walang bahid ng pagdududa na napaliwanagan at naliwanagan ka ng Banal na Espiritu? Pinakita ba sa iyo ng Banal na Espiritu sa gayong tuwirang paraan? Ang Banal na Espiritu ba ang nagturo, o ang mga pagkaintindi mo ang nagdulot sa iyo na isipin ang ganito? Sinabi mo, “Sinabi ito ng Diyos Mismo.” Ngunit hindi natin maaaring gamitin ang ating mga sariling pagkaintindi at pag-iisip upang sukatin ang mga salita ng Diyos. Para sa mga salita ni Isaias, kaya mo bang ipaliwanag nang may buong katiyakan ang kanyang mga salita? Pinangangahasan mo bang ipaliwanag ang kanyang mga salita? Dahil hindi ka nagkalakas-loob na ipaliwanag ang mga salita ni Isaias, bakit ka nangangahas na ipaliwanag ang mga salita ni Jesus? Sino ang mas itinataas, si Jesus o si Isaias? Dahil ang sagot ay si Jesus, bakit mo ipinaliliwanag ang mga salita ni Jesus? Sasabihin ba ng Diyos sa iyo ang Kanyang gawain nang pauna? Walang nilalang ang maaaring makaalam, kahit na ang mga sugo ng langit, ni ang Anak ng tao, kaya paano mo malalaman? Malaki ang kakulangan ng tao. Ang mahalaga sa inyo ngayon ay ang malaman ang tatlong yugto ng gawain.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
23. Mula sa gawain ni Jehova hanggang sa iyong gawain ni Jesus, at mula sa gawain ni Jesus hanggang sa iyong kasalukuyang yugto, ang tatlong yugtong ito ay sumasaklaw sa kabuuang lawak ng pamamahala ng Diyos, at ang lahat ay gawain ng isang Espiritu. Mula sa paglikha Niya sa mundo, pinamamahalaan na ng Diyos ang sangkatauhan. Siya ang Simula at ang Katapusan, Siya ang Una at ang Huli, at Siya ang Siyang magpapasimula ng gawain at Siyang maghahatid sa kapanahunan sa katapusan nito. Ang tatlong yugto ng gawain, sa magkakaibang kapanahunan at lugar, ay tiyak na isinagawa ng isang Espiritu. Ang lahat ng mga naghihiwalay sa tatlong yugtong ito ay sumasalungat sa Diyos. Ngayon, nararapat mong maunawaan na ang lahat ng gawain mula sa unang yugto hanggang sa ngayon ay ang gawain ng nag-iisang Diyos, gawain ng isang Espiritu, at ito ay hindi maipagkakaila.
mula sa “Ang Pananaw ng Gawain ng Diyos (3)”
sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao