Ang Ika-siyamnapu’t-anim na Pagbigkas
Kakastiguhin Ko ang bawa’t isang isinilang Ko na hindi pa Ako nakikilala para ipakita ang lahat ng Aking poot, ipakita ang Aking dakilang kapangyarihan, at ipakita ang Aking lubos na karunungan. Sa Akin ang lahat ay matuwid at lubusang walang di-pagkamatuwid, walang pandaraya, at walang kalikuan; sinuman ang likô at mandaraya ay dapat na maging anak ng impiyerno—dapat maipanganak sa Hades. Sa Akin lahat ay lantad; anuman ang Aking sabihing tutuparin ay natutupad at anumang Aking sabihing itatatag ay naitatatag, at walang sinumang makapagbabago o makagagaya sa mga bagay na ito dahil Ako ang nag-iisa at tanging Diyos Mismo. Sa nalalapit nang dumating, bawa’t isa na nasa pangkat ng Aking paunang-naitálágá at piniling mga panganay na anak-na-lalaki ay mabubunyag nang isa-isa, at bawa’t isa na wala sa pangkat ng mga panganay na anak-na-lalaki ay Aking aalisin sa pamamagitan nito. Ganito kung paano Ko ginagawa at tinutupad ang Aking gawain. Sa sandaling ito ibinubunyag Ko lamang ang ilang mga tao upang makita ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki ang Aking kamangha-manghang mga gawa, nguni’t sa dakong huli ay hindi na Ako gagawa sa ganitong paraan. Bagkus, magpapatuloy Ako mula sa pangkalahatang situwasyon sa halip na hayaan silang ipakita ang kanilang talagang mga kalikasan nang isa-isa (dahil ang mga demonyo ay pangunahing pare-parehong lahat, sapat nang pumili ng ilan lamang bilang pagpapakita). Lahat ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki ay malinis sa kanilang mga puso, at hindi Ko kailangang ilahad (dahil sa takdang panahon sila ay tiyak na mabubunyag nang isa-isa).
Aking kalikasan na tuparin ang Aking mga pangako at sa Akin ay walang natatago at natatakpan. Anuman ang dapat ninyong maunawaan sasabihin Ko sa inyo ang lahat ng ito, nguni’t anupaman ang hindi ninyo dapat malaman, iyan ay walang-pasubaling hindi Ko sasabihin sa inyo, kung hindi ay baka hindi ninyo makayang tumáyô nang matibay. Huwag kayong mag-iipon nang kaunti para lamang mawalan nang marami—iyan ay talagang hindi nararapat na katumbas. Maniwala kayong Ako ang makapangyarihang Diyos at lahat ay matutupad at ang lahat ay magiging madali at kasiya-siya. Ganito kung paano Ko ginagawa ang mga bagay-bagay. Sinupamang naniniwala, hinahayaan Kong makita niya, at sinupaman ang hindi naniniwala, hindi Ko hinahayaang malaman niya at hindi Ko kailanman hinahayaang maunawaan niya. Sa Akin walang damdamin o habag, at sinupamang lumalabag sa Aking pagkastigo ay tiyak na papatayin Ko siya nang walang pinalilibri, tinatrato silang lahat nang pare-pareho. Ako ay pareho tungo sa bawa’t isa—wala Akong personal na mga damdamin at hindi sa anumang paraan kumikilos nang emosyonal. Paanong hindi ko hahayaan ang mga tao na makita ang Aking pagkamatuwid at pagka-hari? Ito ay Aking karunungan at Aking disposisyon, na walang sinumang makapagbabago at walang sinumang makakaalam nang lubusan. Ang Aking mga kamay ay laging nakakaalam ng lahat, lahat ng oras, at palagi Kong iniaayos ang lahat upang maglingkod sa Akin kung kailan Ko ibig. Maraming tao ang naglilingkod sa Aking pangalan upang tuparin ang Aking planong pamamahala, nguni’t sa katapusan nakikita nila ang mga pagpapala nguni’t hindi natatamasa ang mga iyon—gaanong kaawa-awa! Nguni’t walang sinumang makapagbabago ng Aking puso. Ito ay Aking utos sa pangangasiwa (pagdating sa utos sa pangangasiwa, iyan ang walang sinumang makakapagbago, kaya pag nagsalita Ako sa hinaharap, kung nailagay Ko na ang isipan Ko sa isang bagay, iyan ay nakatitiyak na Aking utos sa pangangasiwa. Tandaan! Hindi ito maaaring labagin! Kung hindi ay magdurusa ka ng kawalan), at ito ay bahagi rin ng Aking planong pamamahala. Ito ay sarili Kong gawain, hindi isang bagay na maaaring gawin ng kahit sinong tao. Dapat Kong gawin ito—dapat Kong iayos ito, na sapat upang ipakita ang Aking pagka-makapangyarihan-sa-lahat at ipamalas ang Aking poot.
Maraming mga tao ang hindi pa rin nakakaalam at hindi malinaw tungkol sa Aking pagkatao. Nasábi Ko na ito nang maraming beses, nguni’t nalalabuan pa rin kayo at hindi masyadong nauunawaan. Nguni’t ito ay Aking gawain, at ngayon, sa sandaling ito, sinupamang nakakaalam, ay nakakaalam, at sinupamang hindi nakakaalam, hindi Ko pinipilit. Maaari lamang itong maging ganito. nakapagsalita na Ako nang malinaw at hindi na ito sasabihin sa dakong huli (dahil napakarami Ko nang nasábi, st sinabi ito nang napakalinaw. Siyang nakakakilala sa Akin ay tiyak na mayroong gawa ng Banal na Espiritu at walang-dudang isa sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Siyang hindi nakakakilala sa Akin ay tiyak na hindi, nagpapatunay na nabawi Ko na ang Aking Espiritu mula sa kanya). Nguni’t sa katapusan, gagawin Kong makilala Ako ng bawa’t isa—ganap na makilala Ako kapwa sa Aking pagkatao at sa Aking pagkaDiyos. Ang mga ito ang mga hakbang ng Aking gawain, at dapat Akong gumawa sa ganitong paraan. Ito rin ay Aking utos sa pangangasiwa. Dapat Akong tawagin ng bawa’t isa na ang nag-iisang tunay na Diyos, at purihin at ipagbunyi Ako nang walang-humpay.
Ang Aking planong pamamahala ay lubusan nang natapos, at lahat ay matagal nang natupad. Sa mata ng tao mukhang marami pa sa Aking gawain ang nagpapatuloy pa rin, nguni’t naiayos Ko na ito nang maayos at ang hinihintay na lamang ay ang kaganapan nito ayon sa Aking mga hakbang nang isa-isa (dahil bago ang paglikha ng mundo Aking paunang-itinálágá kung sino ang kayang makatagal sa pagsubok, sino ang hindi Ko maaaring mapili at paunang maítálágá, at sino ang hindi maaaring makibahagi sa Aking pagdurusa. Yaong mga maaaring makibahagi sa Aking pagdurusa, iyan ay, yaong Aking paunang-itínálágá at pinili, ay tiyak na Aking pananatilihin at bibigyang-kakayahan na pangibabawan ang lahat). Malinaw Ako sa Aking puso tungkol sa kung sino ang nasa bawa’t papel. Alam na alam Ko kung sinong naglilingkod sa Akin, sino ang panganay na anak-na-lalaki, at sino ang kabilang sa Aking mga anak-na-lalaki at Aking mga tao. Alam Ko ito na gaya ng likod ng Aking kamay. Sinumang nasabi Ko sa nakalipas na isang panganay na anak-na-lalaki ay isa pa ring panganay na anak-na-lalaki ngayon, at sinumang nasabi Ko sa nakalipas na hindi isang panganay na anak-na-lalaki ay hindi pa rin isang panganay na anak-na-lalaki ngayon. Anupamang Aking ginagawa, hindi Ko pinanghihinayangan, at hindi ito madaling binabago. Ginagawa Ko ang Aking sinasabi (sa Akin ay walang hindi-seryoso), at hindi ito nagbabago! Yaong mga naglilingkod sa Akin ay palaging naglilingkod sa Akin: Sila ang Aking mga baka; sila ang Aking mga kabayo (nguni’t ang mga taong ito ay hindi kailanman naliwanagan sa kanilang espiritu; kapag ginagamit Ko sila ay may pakinabang sila, nguni’t kapag hindi Ko sila ginagamit pinapatay Ko sila. Pag nagsasalita Ako tungkol sa mga baka at mga kabayo, ibig Kong sabihin ay yaong mga hindi naliwanagan sa kanilang espiritu, na hindi nakakakilala sa Akin, at sumusuway sa Akin, at kahit na sila ay masunurin at nagpapasakop at simple at tapat, sila pa rin ay tunay na mga baka at mga kabayo). Ngayon, karamihan sa mga tao ay pabáyâ at hindi-napipigilan sa harap Ko, basta na lamang nagsasalita at tumatawa, nag-aasal na walang-galang—nakikita lamang nila ang Aking pagkatao, at hindi ang Aking pagkaDiyos. Sa Aking pagkatao ang mga asal na ito ay maaaring palampasin at nakakaya Kong patawarin ang mga iyon, nguni’t sa Aking pagkaDiyos hindi ito napakadali. Sa hinaharap magpapasya Ako na ikaw ay nagkasala ng pagsalangsang sa Akin. Sa ibang mga salita, ang Aking pagkatao ay maaaring labagin, nguni’t ang Aking pagkaDiyos ay hindi, at sinupamang lumalaban kahit bahagya sa Akin, Aking hahatulan kaagad, nang walang pagkaantala. Huwag mong isipin na dahil nakasama kita sa loob ng maraming taon at naging pamilyar sa Akin, maaari kang magsalita at kumilos nang basta na. Wala talaga Akong masyadong pakialam! Kung sino man ito, ituturing Ko siya nang may pagkamatuwid. Ito ang Aking pagkamatuwid.
Ang Aking mga hiwaga ay ibinubunyag sa mga tao araw-araw, at ang mga iyon ay nagiging mas malinaw araw-araw, kasunod ng mga yugto ng pagbubunyag, na sapat upang ipakita ang takbo ng Aking gawain. Ito ang Aking karunungan (hindi Ko ito sinasabi nang tuwiran. Nililiwanagan Ko ang Aking mga panganay na anak-na-lalaki at binubulag ang anak ng malaking pulang dragon). Higit pa, ngayon Aking ibubunyag ang Aking hiwaga sa inyo sa pamamagitan ng Aking Anak. Ang mga bagay-bagay na hindi kayang maguni-guni ng mga tao ay Aking ibubunyag sa inyo ngayon upang hayaan kayong malaman nang lubos at magkaroon ng malinaw na pagkaunawa. Higit pa, ang hiwagang ito ay umiiral sa bawa’t isa bukod sa Aking mga panganay na anak-na-lalaki, nguni’t walang sinumang nakakaunawa rito. Bagaman ito ay naroon sa loob ng bawa’t tao, walang sinumang nakakakilala rito. Ano ang sinasabi Ko? Sa Aking gawain sa loob nitong panahong ito at sa Aking mga pagbigkas sa loob ng panahong ito, malimit Kong binabanggit ang malaking pulang dragon, si Satanas, ang diyablo, at ang arkanghel. Ano ba sila? Ano ang kanilang mga kaugnayan? Ano ang ipinamamalas sa mga bagay na ito? Ang mga pagpapamalas ng malaking pulang dragon ay paglaban sa Akin, kawalan ng pagkaunawa at pag-abot sa mga kahulugan ng Aking mga salita, madalas na pang-uusig sa Akin, at paghahanap na gumamit ng mga pakánâ para gambalain ang Aking pamamahala. Si Satanas ay ipinamamalas sa sumusunod: pakikipagtunggali sa Akin para sa kapangyarihan, pagnanais na angkinin ang Aking mga tao, at paglalabas ng mga negatibong salita para linlangin ang Aking mga tao. Ang mga pagpapamalas ng diyablo (yaong mga hindi tumatanggap sa Aking pangalan, na hindi naniniwala, ay diyablong lahat) ay ang sumusunod: pag-iimbot sa mga kasiyahan ng laman, pagpapasasa sa masasamang pagnanasà, pamumuhay sa ilalim ng pagkagapos kay Satanas, ang ilan ay lumalaban at ang ilan ay sumusuporta sa Akin (nguni’t hindi nagpapatunay na sila ay Aking mga minamahal na anak-na-lalaki). Ang mga pagpapamalas ng arkanghel ay ang sumusunod: pagsasalita nang walang-galang, pagiging di-makaDiyos, malimit na ginagamit ang Aking tono para turuan ang mga tao, pagtutuon lamang sa panlabas na paggaya sa Akin, pagkain ng Aking kinakain at paggamit ng Aking ginagamit; sa madaling salita, pagnanais na makapantay Ko, pagiging ambisyoso nguni’t wala ng Aking katangian at hindi nagtataglay ng Aking buhay, pagiging isang patápón. Si Satanas, ang diyablo, at ang arkanghel ay tipikal na paglalarawang lahat ng malaking pulang dragon, kaya yaong mga hindi Ko paunang-itínálágá at pinili ay mga anak lahat ng malaking pulang dragon: Iyan ay lubusang ganoon! Ang mga ito ay mga kaaway Kong lahat. (Gayunpaman ang mga panggagambala ni Satanas ay hindi kasama. Kung ang iyong kalikasan ay Aking katangian, walang sinumang makapagbabago nito. Dahil ngayon ay namumuhay ka pa rin sa laman, paminsan-minsan ay mapapaharap ka sa mga panunukso ni Satanas—ito ay di-maiiwasan—nguni’t dapat kang laging mag-ingat.) Samakatuwid, tatalikuran Ko ang lahat ng anak ng malaking pulang dragon sa labas ng Aking mga panganay na anak-na-lalaki. Ang kanilang kalikasan ay hindi kailanman magbabago, at ito ay ang katangian ni Satanas. Ang diyablo ang kanilang ipinamamalas, at ang arkanghel ang kanilang isinasabuhay. Ito ay lubusang totoo. Ang malaking (“great”) pulang dragon na Aking sinasabi ay hindi ang malaking (“big”) pulang dragon; bagkus ito ay ang masamang espiritu na kalaban Ko, kung saan ang “malaking pulang dragon” ay isang kasing-kahulugang salita. Kaya lahat ng mga espiritu bukod sa Banal na Espiritu ay mga masasamang espiritu, at masasabi ring ang anak ng malaking pulang dragon. Ito lahat ay dapat na maging kasing-linaw ng kristal sa lahat.