Isang Himno ng mga Salita ng Diyos
Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin
I
Ang Diyos ay praktikal sa puso ng mga tao,
kapag Siya'y nasa lupa.
Sa langit,
ang Diyos ang Tagapamahala ng lahat ng mga nilalang.
Minsang naglakbay ang Diyos sa mga bundok at sa mga tubig,
marahan Siyang lumakad kasama ng sangkatauhan.
Sinong mangangahas labanan sa publiko
ang praktikal na Diyos Mismo?
Sinong mangangahas na lumabas
sa pamamahala ng Makapangyarihan?
Sinong mangangahas na magsabi
nang walang pagdududa na ang Diyos ay nasa langit?
At sinong mangangahas na magsabing ang Diyos
ay siguradong nasa lupa?
Walang siguradong makapagsasabi kung
nasaan talaga Yang Diyos.
Walang siguradong makapagsasabi kung nasaan ang Diyos.
II
Kapag nasa langit,
ang Diyos ba ay isa lamang Isang hindi pangkaraniwan?
Kapag nasa lupa, ang Diyos ba ay Isang praktikal lang?
Ang pamamahala ng Diyos sa lahat ng bagay,
o Kanyang paglasap sa paghihirap ng tao,
maaari ba nitong pagpasyahan
kung ang Diyos ay isang praktikal na Diyos?
Ang Diyos ay nasa langit, ngunit nasa lupa rin.
Kasama ng lahat ng bagay ang Diyos,
at kasama ng lahat ng tao.
Ang mga tao'y maaaring makaugnay ang Diyos araw-araw,
at ang mga tao'y maaaring makita ang Diyos araw-araw.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Manood ng higit pa: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan