Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kinatawan ni Jesus ang Espiritu ng Diyos, at ang Espiritu ng Diyos na direktang gumagawa. Ginawa Niya ang gawain sa bagong panahon, ang gawain na walang pang nakagagawa.
Nagbukas Siya ng bagong daan, kinatawan Niya si Jehova, at kinatawan Niya ang Diyos Mismo. Samantalang sina Pedro, Pablo at David, anuman ang tawag sa kanila, kinatawan lang nila ang pagkakakilanlan ng nilalang ng Diyos, o ipinadala ni Jesus o Jehova. Kaya gaano man karami ang gawaing kanilang isinagawa, gaano man kadakila ang mga himalang kanilang ginawa, sila pa rin ay mga nilalang lamang ng Diyos, at walang kakayahang kumatawan sa Espiritu ng Diyos. Sila ay gumawa sa ngalan ng Diyos o matapos ipadala ng Diyos; higit pa rito, sila ay gumawa sa panahong sinimulan ni Jesus o Jehova, at ang gawaing kanilang isinagawa ay hindi magkahiwalay. Sila ay, sa katunayan, mga nilalang lamang ng Diyos."