Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ano ang mahalagang kaibhan sa pagitan ng maligtas at ng pagliligtas?


Mga Talata ng Biblia para Sanggunian:


“Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” (Mateo 7:21).

          “kayo nga’y magpakabanal, sapagka’t ako’y banal” (Levitico 11:45).

           Nauugnay na mga Salita ng Diyos:

Bagaman maraming ginawa si Jesus kapiling ang tao, tanging kinumpleto lamang Niya ang pagtutubos sa lahat ng sangkatauhan at naging pinakahandog para sa kasalanan ng tao, at hindi inalis sa tao ang lahat ng kanyang tiwaling disposisyon. Ang ganap na pagligtas sa tao mula sa impluwensya ni Satanas ay hindi lamang nangailangan kay Jesus na akuin ang mga kasalanang pag-aalay ng tao bilang handog para sa kasalanan, kundi nangailangan rin sa Diyos na gumawa ng mas malaking gawain upang ganap na tanggalin sa tao ang kanyang disposisyon, na sinira ni Satanas. At sa gayon, matapos mapatawad ang tao sa kanyang mga kasalanan, ang Diyos ay bumalik sa nagkatawang-tao upang pangunahan ang tao tungo sa bagong kapanahunan, at sinimulan ang gawain ng pagkastigo at paghatol, at ito ay nagdala sa tao sa mas mataas na kaharian. Ang lahat ng napapasailalim sa Kanyang dominyon ay magtatamasa ng mas mataas na katotohanan at makakatanggap ng mas malaking mga pagpapala. Sila’y tunay na mamumuhay sa liwanag, at makakamtan ang katotohanan, ang daan, at ang buhay.

mula sa “Punong Salita” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng laman ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, nguni't ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at magkamit ng pagbabago sa disposisyon, at sa gayon ay makakawala sa kapangyarihan ng kadiliman ni Satanas at makakabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring maging lubos na mapabanal ang tao.

mula sa “Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao


Ang mga namumuhay sa ilalim ng impluwensya ng kadiliman ay ang mga namumuhay kasama ang mga patay, sila ang mga sinapian ni Satanas. Hindi kayang tumakas ng mga tao sa impluwensya ng kamatayan, at hindi sila maaaring maging buhay nang hindi inililigtas, hinahatulan at pinarurusahan ng Diyos. Hindi maaaring magpatotoo ang mga patay na ito tungkol sa Diyos, hindi rin sila maaaring gamitin ng Diyos, mas lalong hindi ang pumasok sa kaharian. Nais ng Diyos ang patotoo ng buhay, hindi ng patay, at hinihiling Niya na magtrabaho para sa Kanya ang buhay, hindi ang patay. Ang patay ay ang mga sumasalungat at nanlalaban sa Diyos, sila ang mga manhid sa espiritu at hindi nauunawaan ang mga salita ng Diyos, sila ang mga hindi nagsasagawa at wala man lang kakaunting katapatan sa Diyos, at sila ang mga namumuhay sa ilalim ng sakop ni Satanas at kinakasangkapan ni Satanas. Ipinapakita ng mga patay ang kanilang sarili sa pamamagitan ng pagsalungat sa katotohanan, sa paglaban sa Diyos, at sa pagiging mababa, kasuklam-suklam, masamang-budhi, malupit, mapanlinlang, at mapanira. Kahit na kinakain at iniinom ng mga naturang tao ang mga salita ng Diyos, hindi nila kayang isabuhay ang mga salita ng Diyos; nabubuhay sila, ngunit sila ay mga patay na naglalakad, sila ay mga humihingang bangkay. Lubos na walang kakayahang pasayahin ng mga patay ang Diyos, mas lalong hindi ang ganap na sumunod sa Kanya. Kaya lamang nila Siyang linlangin, lapastanganin at ipagkanulo, at ang lahat ng kanilang isinasabuhay ay nagbubunyag sa kalikasan ni Satanas. Kung nais ng mga tao na maging buhay na nilalang, at magpatotoo sa Diyos, at sang-ayunan ng Diyos, dapat nilang tanggapin ang pagliligtas ng Diyos, dapat silang sumuko nang malugod sa Kanyang paghatol at pagkastigo, at dapat nilang tanggapin nang malugod ang pagpupungos at pakikitungo ng Diyos. Saka lamang nila magagawang isagawa ang lahat ng mga katotohanang hinihingi ng Diyos na isabuhay, at saka lamang nila makakamtan ang pagliligtas ng Diyos, at magiging tunay na mga buhay na nilalang. Iniligtas ng Diyos ang mga buhay, hinatulan at kinastigo na sila ng Diyos, handa nilang italaga ang kanilang mga sarili at masaya silang mag-alay ng kanilang mga buhay sa Diyos, at malugod nilang ihahandog ang kanilang buong buhay sa Diyos. Kapag nakapagpatotoo ang buhay tungkol sa Diyos saka lamang magagawang hiyain si Satanas, ang buhay lamang ang makakapagpalaganap sa ebanghelyong gawain ng Diyos, ang mga buhay lamang ang naghahabol sa puso ng Diyos, at ang mga buhay lamang ang mga tunay na tao. Sa simula, ang taong nilikha ng Diyos ay buhay, ngunit dahil sa katiwalian ni Satanas, namuhay ang tao sa gitna ng kamatayan, at namumuhay sa ilalim ng impluwensya ni Satanas, kaya naging mga patay na walang espiritu ang mga taong ito, naging mga kaaway sila na sumasalungat sa Diyos, naging mga kasangkapan sila ni Satanas, at naging mga bihag sila ni Satanas. Naging patay ang lahat ng mga buhay na taong nilikha ng Diyos, kaya nawala sa Diyos ang Kanyang patotoo, at nawala sa Kanya ang sangkatauhan na Kanyang nilikha at ang tanging bagay na mayroon ng Kanyang hininga. Kung babawiin ng Diyos ang Kanyang patotoo, at babawiin ang yaong mga nilikha ng Kanyang sariling kamay subalit nabihag ni Satanas, kailangan Niyang buhayin silang muli kung ganon upang sila ay maging mga buhay na nilalang, at kailangan Niya silang bawiin upang mamuhay sila sa Kanyang liwanag. Ang mga patay ay yaong mga walang espiritu, yaong mga manhid sa sukdulan, at yaong mga sumasalungat sa Diyos. Bukod dito, sila ang mga hindi nakakakilala sa Diyos. Wala man lang kakaunting tangka ng pagtalima sa Diyos ang mga taong ito, nanlalaban lamang sila sa Kanya at sinasalungat Siya, at wala man lang kakaunting katapatan. Ang mga buhay ay yaong mga espiritung ipinanganak muli, na alam tumalima sa Diyos, at yaong tapat sa Diyos. Pag-aari sila ng katotohanan, at ng patotoo, at ang mga tao lamang na ito ang nakalulugod sa Diyos sa Kanyang tahanan.

mula sa “Ikaw Ba’y Nabuhay?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Ang lahat ng ginagawa ng Diyos ay kinakailangan, at may pambihirang kabuluhan, dahil lahat ng ginagawa Niya sa sangkatauhan ay may kinalaman sa Kanyang pamamahala at sa kaligtasan ng sangkatauhan. … Sa madaling salita, kahit pa ano ang ginagawa ng Diyos o ang paraan na ginagamit Niya para gawin ito, kahit pa ano ang halaga, o ang Kanyang layunin, ang layunin ng Kanyang mga kilos ay hindi nagbabago. Ang Kanyang layunin ay ang ipasok sa tao ang mga salita ng Diyos, mga kahilingan ng Diyos, at ang kalooban ng Diyos para sa tao; sa madaling salita, ito ay upang ipasok sa tao ang lahat ng pinaniniwalaan ng Diyos na positibo at alinsunod sa Kanyang mga hakbang, na nagbibigay sa tao ng pang-unawa sa puso ng Diyos at pag-intindi sa diwa ng Diyos, at nagpapahintulot sa kanya upang sundin ang dakilang kapangyarihan at kaayusan ng Diyos, at sa gayon ay nagbibigay-daan sa tao upang matamo ang takot sa Diyos at pag-iwas sa kasamaan-ang lahat ng ito ay isang aspeto ng layunin ng Diyos sa lahat ng Kanyang ginagawa. Ang isa pang aspeto ay, dahil si Satanas ay ang kabaligtaran at nagsisilbing gamit sa gawain ng Diyos, ang tao ay madalas na ibinibigay kay Satanas; paraan ito na ginagamit ng Diyos upang ipakita sa mga tao ang mga kasamaan, kapangitan, at pagiging kasuklam-suklam ni Satanas sa gitna ng pagtutukso at paglusob ni Satanas, na nagiging dahilan upang kamuhian ng mga tao si Satanas upang magawang malaman at makilala ang mga bagay na negatibo. Ang prosesong ito ay nagbibigay-daan sa kanila upang unti-unting palayain ang kanilang mga sarili mula sa pamamahala ni Satanas, at mula sa mga paratang ni Satanas, pagkagambala, at paglusob-hanggang sa, salamat sa mga salita ng Diyos, ang kanilang kaalaman at pagsunod sa Diyos, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos at takot sa Kanya, mapagtagumpayan nila ang mga paratang ni Satanas; doon lamang sila ganap na maiaadya mula sa dominyon ni Satanas. Ang paglaya ng mga tao ay nangangahulugan na si Satanas ay natalo, ito ay nangangahulugan na hindi na sila pagkain sa bibig ni Satanas-na sa halip na lunukin sila, pinakawalan sila ni Satanas. Ito ay dahil ang mga taong ito ay matuwid, dahil mayroon silang pananampalataya, pagkamasunurin, at takot sa Diyos, at dahil tuluyan silang humihiwalay kay Satanas. Nagdadala sila ng kahihiyan kay Satanas, ginagawa nilang duwag si Satanas, at tuluyan nilang tinatalo si Satanas. Ang kanilang paniniwala sa pagsunod sa Diyos, at ang pagsunod at takot nila sa Diyos ang tumalo kay Satanas, at nagiging dahilan kung bakit ganap silang isinuko ni Satanas. Tanging ang mga taong tulad ng mga ito ang mga tunay na nakamtan ng Diyos, at ito ang tunay na layunin ng Diyos sa pagligtas sa mga tao. Kung nais nilang mailigtas, at nais nilang ganap na makamit ng Diyos, kung gayon lahat ng gustong sumunod sa Diyos ay dapat humarap sa mga tukso at paglusob na maliit at malaki galing kay Satanas. Ang mga taong mangingibabaw sa mga tukso at paglusob at nagawang ganap na talunin si Satanas ay ang mga nailigtas ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang mga tao na nailigtas sa Diyos ay iyong mga sumailalim sa mga pagsubok ng Diyos, at ang mga tinukso at nilusob ni Satanas nang di mabilang na pagkakataon. Nauunawaan ng mga taong nailigtas ng Diyos ang kalooban at kahilingan ng Diyos, at nagagawang sumunod sa dakilang kapangyarihan at kaayusan ng Diyos, at hindi nila itinakwil ang paraan ng pagkatakot sa Diyos at pag-iwas sa masama sa gitna ng mga tukso ni Satanas. Ang mga taong nailigtas sa Diyos ay nagtataglay ng katapatan, ang mga ito ay may mabuting puso, pinaghihiwalay nila ang pag-ibig at poot, may katinuan sila ng katarungan at sila ay matutuwid, at nagagawa nilang mahalin ang Diyos at nagagawa nilang pangalagaan ang lahat ng sa Diyos. Ang ganitong mga tao ay hindi nangatatalian, natitiktikan, naaakusahan, o naabuso ni Satanas, ang mga ito ay ganap na malaya, sila ay ganap na malaya at napakawalan na. Si Job ay isang tao ng kalayaan, at ito ang tiyak na kahulugan bakit ipinasa siya ng Diyos kay Satanas.

mula sa “Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo II” sa Pagpapatuloy ng Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Sa huli, anong pagpapatotoo ang hihilingin sa iyong ibigay? Ikaw ay nakatira sa maruming lupain ngunit nagawang maging banal, at hindi na muling madumihan at may bahid, ikaw ay nakatira sa ilalim ng nasasakupan ni Satanas ngunit inaalis ang iyong sarili sa impluwensiya ni Satanas, at hindi pagmamay-ari o ginigipit ni Satanas, at ikaw ay nakatira sa mga kamay ng Makapangyarihan sa lahat. Ito ang pagpapatotoo, at katibayan ng tagumpay sa labanan kay Satanas. Magagawa mong iwaksi si Satanas, kung ano ang iyong pagsasabuhay ay hindi nagbubunyag kay Satanas, ngunit iyon ba ang hinihiling ng Diyos na maabot ng tao noong nilikha Niya ang tao: karaniwang pagkatao, karaniwang pagkamakatuwiran, karaniwang pananaw, karaniwang pagpasya na mahalin ang Diyos, at katapatan sa Diyos. Iyan ang pagpapatotoo na likha ng isang nilalang ng Diyos.

mula sa “Ang Lihim na Katotohanan sa Mapanlupig na Gawa (2)” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Magrekomenda nang higit pa: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan