Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ikaw ang Aking Tunay na Buhay



Ikaw ang Aking Tunay na Buhay

I
Maputlang mukha, magulong buhok,
noon ako'y malungkot at matamlay.
Kaharap Ka ma'y malayo pa rin,
di magkakilala, 'di magkakilala.
Kumikinang ang dangal sa 'Yong mukha.
Ang 'Yong puso'y mabuti't maamo.
Di kayang bigkasin ng mga salita
ang 'Yong kawalang hanggan.
Di masasabi ng lahat ang buong kwento
ng 'Yong mga gawa.
Sa lamig ng gabi, init Mo'y dama.
Muling nabuhay, sinalubong ko ang 'sang bagong buhay;
buhay ko'y puno ng sigla, buhay ko'y puno ng sigla.
II
Hiningahan Mo ‘ko ng buhay.
Ang 'Yong mga salita'y pinagyaman ako.
Taos ang aking pasasalamat. Binago Mo ako.
Lahat ng Iyo'y mahalaga. Hindi mapapalitan,
kahit malayo at mahirap ang daan, hindi kita pakakawalan.
Ito'y lihim sa ‘king puso.
Sa lamig ng gabi, init Mo'y dama.
Muling nabuhay, sinalubong ko ang 'sang bagong buhay;
buhay ko'y puno ng sigla, buhay ko'y puno ng sigla.
III
Sa mga taon ng ugnayan,
natagpuan ko ang 'Yong kahalagahan.
Sa lahat ng makamundong bagay, walang makakapantay.
Ikaw ang nag-iisa ng sangkatauhan.
Sa lamig ng gabi, init Mo'y dama.
Muling nabuhay, sinalubong ko ang 'sang bagong buhay;
buhay ko'y puno ng sigla, buhay ko'y puno ng sigla.
Rekomendasyon: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan