Tagalog Christian Song | "Mas Nakikilala ng mga Tao ang Diyos sa Gawain ng mga Salita"
I
Pangunahing ginagamit ng Diyos ng mga huling araw
ang salita para gawing perpekto ang tao,
hindi tanda't kababalaghan
para pahirapan o hikayatin s'ya,
dahil hindi maipaliliwanag ng mga ito
ang kapangyarihan ng Diyos.
Kung tanda't kababalaghan lang pinapakita ng Diyos,
magiging imposibleng linawin ang realidad ng Diyos,
at sa gayon imposibleng gawing perpekto ang tao.
Hindi ginagawang perpekto ng Diyos ang tao
sa mga tanda't kababalaghan,
kundi dinidiligan at pinapastulan ang tao
gamit ang mga salita,
para matamo ang pagsunod ng tao, kaalaman sa Diyos.
Ito ang layunin ng Kanyang gawain
at Kanyang mga salita.
Hindi gumagamit ng tanda't kababalaghan ang Diyos
para gawing perpekto ang tao.
Sa halip, ginagamit Niya ang mga salita
at maraming uri ng gawain,
gaya ng kadalisayan, pakikitungo,
pagpupungos o pagtutustos ng salita.
Nagsasalita ang Diyos sa iba't-ibang pananaw
para gawing perpekto ang tao,
at bigyan ang tao ng mas malawak na kaalaman
sa gawain,
karunungan at kababalaghan ng Diyos.
II
Ang gawain ng Diyos na naisagawa na ngayon
ay totoong gawain,
na walang tanda't kababalaghan ngayon,
dahil guguluhin lang ng mga ito
ang Kanyang totoong gawain,
at di N'ya makakayang gawin anupamang gawain.
Maipapakita ba nito kung
ang paniniwala ng tao sa Diyos ay totoo
kung sinabi Niya na gagamitin Niya ang salita
para gawing perpekto ang tao
pero pinakita rin tanda't kababalaghan?
Kung gayon,
hindi ginagawa ng Diyos ang ganyang mga bagay.
Hindi gumagamit ng tanda't kababalaghan ang Diyos
para gawing perpekto ang tao.
Sa halip, ginagamit Niya ang mga salita
at maraming uri ng gawain,
gaya ng kadalisayan, pakikitungo,
pagpupungos o pagtutustos ng salita.
Nagsasalita ang Diyos sa iba't-ibang pananaw
para gawing perpekto ang tao,
at bigyan ang tao
ng mas malawak na kaalaman sa gawain,
karunungan at kababalaghan ng Diyos.
III
Kay dami ng relihiyon sa tao.
Dumating ang Diyos sa mga huling araw
para alisin relihiyosong pagkaunawa ng tao,
hindi-totoong mga bagay
At ipaintindi sa tao ang realidad ng Diyos.
Siya ay dumating para alisin ang imahe ng isang Diyos
na mahirap unawain, kathang-isip at hindi umiiral.
Kaya ngayon ang tanging mahalaga para sa 'yo
ay ang pagkakaroon ng kaalaman sa realidad.
Para hanapin ang katotohanan
sa paniniwala ng isang tao sa Diyos
at itaguyod ang buhay sa halip na tanda't kababalaghan,
ito dapat ang layunin ng lahat ng naniniwala sa Diyos.
Hindi gumagamit ng tanda't kababalaghan ang Diyos
para gawing perpekto ang tao.
Sa halip, ginagamit Niya ang mga salita
at maraming uri ng gawain,
gaya ng kadalisayan, pakikitungo,
pagpupungos o pagtutustos ng salita.
Nagsasalita ang Diyos sa iba't-ibang pananaw
para gawing perpekto ang tao,
at bigyan ang tao
ng mas malawak na kaalaman sa gawain,
karunungan at kababalaghan ng Diyos.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Higit pang nilalaman: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan