Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Tagalog Worship Songs | Tanging mga Kapalagayang-loob ng Diyos ang Karapat-dapat sa Paglilingkod sa Kanya


Tagalog Worship SongsTanging mga Kapalagayang-loob ng Diyos
ang Karapat-dapat sa Paglilingkod sa Kanya

 I
Ang mga naglilingkod sa Diyos
ay dapat kapalagayang-loob N'ya,
mahal ng Diyos at tapat sa Kanya.
Sa harap man o sa likod ng iba ka kumikilos,
nakatatamo ka ng kagalakan ng Diyos
at ika'y maninindigang matatag sa harapan ng Diyos.
Anuman ang maging pagtrato sa'yo ng iba,
lalakaran mo ang iyong landas,
ibigay ang 'yong mga alalahanin sa pasanin ng Diyos.
Ito ang pagiging isang kapalagayang-loob ng Diyos.
Ang mga kapalagayang-loob ng Diyos
ay ang Kanyang mga pinagkakatiwalaan.
Nakikibahagi sila sa mga alalahanin at mga naisin N'ya.
Bagaman nasasaktan at mahina, matitiis nila ang sakit,
natatalikdan ang ibig nila para masiyahan ang Diyos,
para masiyahan ang Diyos.
II
Ang mga kapalagayang-loob ng Diyos
ay makapaglilingkod sa Kanya
dahil binigyan sila ng atas at pasanin ng Diyos.
Natatanggap nila ang puso ng Diyos na parang sarili nila,
hindi isinasaalang-alang kung may mawawala o makukuha sila.
Kahit walang mga inaasahan,
maniniwala sila nang may pusong nagmamahal sa Diyos.
Ito ang pagiging 'sang kapalagayang-loob ng Diyos.
Ang mga kapalagayang-loob ng Diyos
ay ang Kanyang mga pinagkakatiwalaan.
Nakikibahagi sila sa mga alalahanin at mga naisin N'ya.
Bagaman nasasaktan at mahina, matitiis nila ang sakit,
natatalikdan ang ibig nila para masiyahan ang Diyos,
para masiyahan ang Diyos.
Nagbibigay ang Diyos ng mas maraming pasanin
sa mga taong tulad nito.
Sa pamamagitan nila, ang gagawin ng Diyos ay ipinahahayag.
Kaya naman ang mga taong tulad nito ay minamahal ng Diyos.
Sila'y mga lingkod na ayon sa sariling puso Niya.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Manood ng higit pa:Tunay na Kahulugan ng Pananampalataya sa Diyos