Tagalog Christian Songs | "Lahat ng Bagay ay Nabubuhay sa mga Patakaran at Batas na Itinakda ng Diyos"
I
Libu-libong taon ang lumipas,
natatamasa pa rin ng tao ang liwanag
at ang hanging kaloob ng Diyos.
Hinihinga pa rin ng mga tao
ang hiningang inihinga ng Diyos Mismo.
Tinatamasa pa rin ng tao ang mga bagay na likha ng Diyos,
ang mga isda, ibon, bulaklak at insekto.
Tinatamasa ng mga tao ang lahat ng bagay,
lahat ng bagay na inilaan ng Diyos.
Araw at gabi'y patuloy sa pagpapalitan ang bawat isa.
Tulad ng dati, ang apat na panahon, ay halinhinan.
Lumilipad sa langit, umaalis ang gansa sa taglamig
at nagbabalik sa tagsibol.
Lumalangoy sa tubig, ang isda kailanma'y
'di umaalis sa mga ilog at lawa, na tahanan nila.
II
Sa mga araw ng tag-init,
mga kuliglig sa lupa'y masayang umaawit.
Sa mga araw ng taglagas,
mga kuliglig sa damo'y umaawit sabay sa hangin.
Sama-sama ang mga gansa, habang mga agila ay mag-isa.
Mga leon nabubuhay sa pangangaso,
usa'y 'di lumalayo sa bulaklak at damo. …
Bawat buhay na nilalang sa lahat ng bagay
ay paulit-ulit na dumarating at umaalis,
milyong mga pagbabago sa isang iglap.
Ang kanilang likas na ugali't mga batas
para manatiling buhay ay 'di nagbabago.
Nabubuhay sila sa pagpapalusog at pagtustos ng Diyos.
'Di mababago ninuman ang likas nilang ugali.
Walang makalalabag sa mga patakaran nila para mabuhay.
Walang makalalabag sa mga patakaran nila para mabuhay.
mula sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Manood ng higit pa: Ang pag-ibig ng diyos sa tao
Manood ng higit pa: Ang pag-ibig ng diyos sa tao