“Kung ‘di ako iniligtas ng D’yos, palaboy pa hanggang ngayon, naghihirap, nagkakasala; bawa’t araw walang pag-asa. Kung ‘di ako ‘niligtas ng D’yos, niyuyurakan pa rin ng d’yablo, gapos ng sala’t ng layaw, mangmang sa daratnan ng buhay ko. Kung ‘di iniligtas ng D’yos, wala akong pagpapala ngayon, lalong ‘di batid, ba’t dapat mabuhay o kabuluhan ng ating buhay.
Kung ‘di iniligtas ng D’yos, litó pa rin sa kaligtasan, nakátánglâ sa kawalan, hindi alam sinong aasahan. Sa wakas aking naunawaan, kamay ng D’yos ako’y tangan. Di na ko aalis, ‘di maliligaw, lalagi sa ningning na daan” (“Kung ‘Di Ako Iniligtas ng D’yos” sa Sumunod sa Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin).
Sa tuwing naririnig ko ang himnong ito ng karanasan, lagi akong sobrang napupukaw. Kung hindi dahil sapagliligtas sa akin ng Diyos, gaya nginilarawan sa himno, posible pa ring magpalabuy-laboy ako sa mundo, pinapagod ang aking sarili sa paghabol sa pera, kahit sa puntong mahaba matagal nang nawala sa akin ang aking buhay at namatay sa ibang bansa sa isang banyagang lupain…
Akoay isang anak ng eighties, at ipinanganak sa isang ordinaryong sambahayang magsasaka. Ang aking nakatatandang kapatid na lalaki ay palaging may sakit simula nang bata pa siya. Napinsala sa isang aksidente ang aking ama noong ako ay 10 taon; siya ay naparalisa nang dalawang taon pagkatapos nito. Ang sitwasyong pananalapi ng aming pamilyaay mahirap, at nabaon kami sa utang sa pagpapagamot sa aking ama. Natatakot ang aming mga kaibigan at kamag-anak na hindi namin magagawang bayaran ang utang, at hindi handang pautangan kami ng pera. Walang kakayahan, napilitan akong huminto sa pag-aaral sa edad na 16 upang magtrabaho nang malayo sa tahanan. Sa malalim at tahimik na gabi, madalas akong iniisip: Noong bata pa sila, ang mga batang ka-edad ko ay malayang nakakapaglaro pagkatapos mag-aral, samantalang kailangan kong pumunta sa bukid upang magsaka; ngayon ay kasinlaki ko na sila, at pumupunta pa rin sila sa paaralan, kumikilos na parang mga laki sa layaw na bata ng kanilang mga magulang, ngunit kailangan kong magsimulang magtrabaho sa murang edad at magdusa sa lahat ng uri ng kahirapan upang suportahan ang aking pamilya. … Sa panahong iyon, nagreklamo ako sa aking mga magulang kung bakit pa nila ako ipinanganak, at tinanong kung bakit pa ako lumabas sa mundong ito upang maghirap at magtrabaho. Ngunit wala akong magagawa tungkol dito, at maaari ko lamang tanggapin ang katotohanang ito. Nang panahong iyon, ang pinakadakila kong hangarin ay magtrabaho nang husto, kumita ng pera, at pahintulutan ang aking mga magulang na mamuhay nang kumportable, at hindi na maliitin pa ng iba.
Sa una ay nagtrabaho ako sa isang pribadong pabrika ng aluminyo. Dahil ako ay isang batang manggagawa, lagi akong inalagaan ako ng aking amo sa pamamagitan ng pagkain at pabahay. Pagkaraan ng isang taon, nadama kong masyadong maliit ang aking sahod, at pinili kong puntahan ang trabaho ng pagbabarnis sa isang pabrika ng kasangkapan sa bahay na ayaw gawinibang tao. Sa panahong iyon, anuman ang uri ng trabahong aking ginagawa, basta hindi ako lumalabag sa batas, gagawin ko iyon kung kikita ako ng mas maraming pera. Ang tanging layunin ko ay maging isang taong may pera, nang sa gayon ayhindi na ako mamuhay muli ng tulad sa isang dukha. Pagkatapos noon, ipinakilala ako ng mga kamag-anak ko sa isang kumpanyang nag-alok sa akin ng pagkakataong umalis sa bansa para magtrabaho. Hindi ko kailanman naisip na pagkatapos ng ilang taon ay pupunta ako sa ibang bansa.
Noong Tagsibol ng 2012, natupad ang aking kahilingan nang dumating ako sa Japan at sinimulan ang aking bagong buhay. Kabilang ako sa industriya ng paggawa ng mga bapor, at sa pamamagitan ng apprenticeship, lumagda ako ng tatlong-taong kontrata sa kumpanya. Nang sinimulan ko ang trabaho, ako ay pagud na pagod at nagdurusa. Dahil hindi ko alamkung paano magluto, kumain ako ng mga instant noodle sa loob ng isang buwan, hanggang sa hindi ko na makain ang mga ito sa pakiramdam na gusto ko nang magsuka at napilitang matutong magluto. Wala akong alam kung ilang araw akong kumain ng kalahating lutong bigas. Sa Japan, kami ay mga dayuhan, kaya mahirap para sa mgamanggagawa ng kumpanya ang di magkaroon ng di patas na pagtrato sa amin. Ipinagawa nila sa amin ang maraming marurumi, nakakapagod, at mapanganib na mga gawain. Kapag ako ay nag-iispray ng lacquer, natatakot ako, dahil kung natamaan ng gasang apoy, ito ay sisiklab, at kung hindi ko bibigyang-pansin nang ilang sandali, malalagay sa panganib ang aking buhay. Ngunit di mahalaga kung ito ay pagdurusa sa aking buhay o panganib sa aking trabaho, hangga’t naisip kong gumawa ng mas maraming pera upang ipadala sa aking pamilya, at makabili ng kotse at bahay pagkatapos kong umuwi at iangat ang aking sarili sa iba at hindi na maging dukha, nadama kong ang aking pagdurusa sa panahong iyondi naman ganoon kasama. Tatlong taon ng aking buhay ang lumipas sa isang kisap mata ng pagtatrabaho doon, at ang tagal ng ilalagi ng aking visa ay malapit nang matapos. May patakaran ng pag-rerenew ng mga kontrata ang kumpanya, kaya upang kumita ng mas maraming pera, pinili kong i-renew ang aking kontrata at nagpatuloy sa pagtatrabaho sa Japan. Ang masayang nagpagulat sa akin ay matapos kong i-renew ang aking kontrata, di nagtagal ay nakatagpo ako ng ebanghelyo ng kaharian ng Makapangyarihang Diyos.
Noong Setyembre ng 2015, ang isang kaibigang nakilala ko sa Japan ang nagsabi sa akin tungkol sa gawainng Diyos sa mga huling araw. Nang sinabi niya sa akin ang tungkol sa paniniwala sa Diyos, naisip kong isa lamang itong uri ng paniniwala, at hindi ko inisip na interesante ito. Naramdamankong ang paniniwala sa Diyosay hindi magpapabago sa aking kapalaran. Matapos noon, sinabi ko sa aking kaibigan ang tungkol sa aking sariling paraan ng pag-iisip at mga paghihirap na tiniis ko, at tinanong siya, “Maaari bang baguhin ng paniniwala sa Diyos ang aking kapalaran? Nagdusa na ako nang labis, isa lamang akong taongmasama ang kapalaran. Kung may pera ako, hindi akomagdurusa, at ngayon ang pinaka-tunay na bagay para sa akin ay ang kumita ng pera. Para sa akin, ang paniniwala sa Diyos ay isang bagay na malayo.” Nang marinig ako ng kaibigan kong nagsalita nang ganito, binasa niya sa akin ang isang bahagi ng salita ng Diyos: “Saan ka pupunta araw-araw, ano ang gagawin mo, sino o ano ang iyong makakatagpo, ano ang sasabihin mo, ano ang mangyayari sa iyo-maaari bang mahulaan ang alinman sa mga ito? Hindi maaaring mahulaan ng mga tao ang lahat ng mga pangyayaring ito, higit lalo ang makontrol kung paano ito magaganap. Sa buhay, ang mga di-nakikitang mga pangyayaring ito ay nagaganap sa lahat ng oras, at ito’y mga pang araw-araw na pangyayari. Ang mga araw-araw na malaking mga pagbabago at ang mga paraan ng pagladlad ng mga ito o ang mga disenyo na ipinapakita nila, ay palagiang mga paalaala sa sangkatauhan na walang nangyayari nang walang pinipili, na ang mga pagsasanga-sanga ng mga ito at ng kanilang kawalang kayang maiiwasan, ay hindi mababago ng pantaong kagustuhan. Bawa’t pangyayari ay nagpapahatid ng isang tagubilin mula sa Manlilikha ng sangkatauhan, at nagpapadala din ito ng mensahe na ang mga taong nilalang ay hindi maaaring makontrol ang kanilang sariling kapalaran; kasabay nito ang bawa’t pangyayari ay isang ganting-matwid sa padalus-dalos, walang-saysay na ambisyon at mga pagnanasa ng sangkatauhan na ilagay sa sariling mga kamay ang kanilang kapalaran. Ang mga ito’y mga malalakas na sampal na sunud-sunod sa mga tainga ng sangkatauhan, pinupwersa ang mga tao na isaalang-alang, sa pagtatapos, na pamahalaan at kontrolin ang kanilang kapalaran. At habang ang kanilang mga ambisyon at mga pagnanais ay paulit-ulit na nahahadlangan at nadudurog, ang mga tao ay natural na dumarating sa isang walang-malay na pagtanggap sa kung ano ang nailaan ng kapalaran, ang pagtanggap sa realidad, ng kalooban ng Langit at ng dakilang kapangyarihan ng Manlilikha. Mula sa pang-araw-araw na malalaking mga pagbabago tungo sa mga kapalaran ng buong pantaong pamumuhay, walang hindi ibinubunyag ang plano ng Maylalang at Kanyang dakilang kapangyarihan; walang hindi na hindi naipapadala ang mensahe na ang ‘awtoridad ng Manlilikha ay di maaaring malampasan,’ na hindi nagpapahatid ng walang-hanggang katotohanan na ‘ang awtoridad ng Manlilikha ay kataas-taasan’” (“Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao ). Matapos marinig ito, naramdaman kong ang mga salitang ito ay nagkaroon ng maraming kabuluhan, at hindi komapigilang isipin na ang pag-renew ng aking kontrata ay tila tulad ng isang bagay na inayos ng Diyos. Ipinaisip din sa akin nito ang tungkol sa tahanan kung saan ako ipinanganak ko at ang aking buhay sa aking pamilya ay mga bagay na hindi ko pinili. Nagkaroon ako ng pakiramdam na may isang Soberanong kumokontrol.
Ipinabasa din sa akin ng kaibigan ko ang bahaging ito ng salita ng Diyos “‘Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III’ sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao” na nagsasabi tungkol sa anim na sugpungan na dapat dumaan sa buhay ang isang tao: Ang Kapanganakan: Ang Unang Sugpungan; Ang Paglaki: Ang Ikalawang Sugpungan; Ang Kalayaan: Ang Ikatlong Sugpungan; Ang Kasal: Ang Ika-apat na Sugpungan; Ang Pagsupling: Ang Ikalimang Sugpungan; Ang Kamatayan: Ang Ika-anim na Sugpungan. Nang mabasa ko ang salita ng Diyos, ako ay namangha. Hindi ko kailanman naisip na nagsalita nang malinaw ang Diyos tungkol sa kapalaranng tao, at ang mga katotohanan ay talagang gaya ng Kanyanginilarawan. Ayon sa mga karaniwang pangyayari, dadanasin ng isang tao ang anim na sugpungang ito sa kanyang buhay. Naisip ko kung gaano karaming mga tao ang naghihirap sa lupa, at kung paanong hindi lamangako. Kung ang kapalaran ay talagang nasa pagpili ng isang tao at siya ay nasa kontrol sa gayon, ay pipiliing manirahan ng lahat sa isang malaki, magarbong bahay, at mayroon bang maghihirap mula sa pagiging dukha at kahirapan? Sa katunayan, ang pamilya kung kanino ipinanganak ang isang tao ay ganap na hindi sa kanila nakasalalay ang pagpili, at hindi nilamapipili kung anong uri ng mga magulang ang mayroon sila. Matapos silang lumaki, ang uri ng asawang lalaki o babae na mayroon sila ay hindi rin nakasalalay sa kanila. … Habang mas pinag-iisipan ko ang mga ito, lalo kong nadama na ang mga salitang ito ay praktikal, at pagkatapos ay sinimulan ko sa aking puso na paniwalaan ang sinabi ng Makapangyarihang Diyos. Ang kapalaran ay hindi isang bagay na mababago ng sarili. Simula noon, nagsimula maging interesado nang higit pa sa paniniwala sa Diyos, at naniniwala akong umiiral ang Diyos, at naniniwala na ang kapalaran ng isang taoay wala sa ilalim ng kanyang sariling kontrol. Ngunit dahil hindi ko gaanong alam ang tungkol sa Diyos, nadama ko na masyadongmalayo sa akin ang Diyos. Gayunpaman, sa isang di kalayuang karanasan, tunay kong nadama na: Ang Diyos ay nasa tabi ko, pinapanood at pinoprotektahan ako.
Umuulan noong araw na iyon, at ako ay nagtrabaho gaya ng dati, ngunit wala akong ideya na may isang sakunang hahagupit sa akin. Nakalipas ang 10:00 ng umaga, nagtatrabaho ako sa jobsite, nang bigla kong narinig ang isang “pagsabog.” Hindi ko alam kung ano iyong nawasak sa lupa, at nagbigay sa akin ng isang nagngangalit na lamig ng takot. Nang lumingon ako upang tingnan, ako ay nasindak, at nakita ang isang 40 cm lapad at 4 na m habang bakal na tubo na may timbang na halos isang tonelada ang bumagsak mula sa isang crane. Bumagsak ito sa lupa nang mababa sa kalahating metro kung saan ako nakatayo. Masyado akong natakot sa sandaling iyon na talagang wala akong masabi, at matagal bago ko naibalik ang aking hinahon mula sa pagkabigla. Sa aking puso ay sumisigaw ako nang walang humpay: “Salamat Diyos ko! Salamat Diyos ko!” Kung hindi ako pinapanood at pinoprotektahan doon ng Diyos, bumagsak sa akin nang diretso kung gayon ang bakal na tubo, at ang walang kabuluhankong buhay ay natapos na.
Pagkatapos ko sa trabaho, nang makipag-usap ako sa mga kapatid tungkol sa kung ano ang nangyari sa araw na iyon, ibinahagi nila sa akin na iyon ay ang proteksyonng Diyos. Binasa din nila sa akin ang salita ng Makapangyarihang Diyos: “Sa kabuuan ng inyong mahabang mga buhay, talagang ang bawat indibidwal ay nakatagpo na ng maraming mapanganib na mga sitwasyon at sumailalim sa maraming mga tukso. Ito ay sapagkat si Satanas ay nandoon mismo sa tabi mo, ang mga mata nito ay palaging nakatuon sa iyo. Gusto nito kapag ang kapahamakan ay humahampas sa iyo, kapag dinadagsa ka ng mga kalamidad, kapag walang mabuting nangyayari sa iyo, at gusto nito kapag ikaw ay nahuhuli sa lambat ni Satanas. Samantalang para sa Diyos, palagi ka Niyang pinoprotektahan, iniiwas ka Niya bawat kasawian at mula sa bawat kapahamakan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ko na ang lahat ng mayroon ang tao-kapayapaan at kasiyahan, mga pagpapala at personal na kaligtasan-ay sa katunayan lahat nasa ilalim ng kontrol ng Diyos, at ginagabayan Niya at pinagpapasiyahan ang buhay at kapalaran ng bawat indibidwal” (“Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos basahin ang salita ng Diyos naunawaan ko na ang mga tao ay nabubuhay araw-araw sa lambat ni Satanasat malupit silang sinasaktan. Kung wala ang panonood at pagbabantay ng Diyos sa kanila, matagal nang nilamon ni Satanas ang mga tao. Sa tagal ng panahong ito, hindi ko alam kung gaano karaming beses akong nasiyahan at panonood at pagprotekta sa akin ng Diyos, ngunit hindi ko kilala ang Diyos ni sumamba sa Kanya; talagang wala akong budhi. Simula sa sandaling iyon, mas naunawaan ko ang biyaya ngpagliligtas ng Diyos. Na nagawa kong mabuhay hanggang sa kasalukuyan ay dahil lahat samapagmahal na kamay ng Diyos na nagbabantay sa akin, at nagpasalamat ako sa Diyos mula sa aking puso. Nagpasiya rin ako na sa hinaharap ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang sundin ang Diyos. Sa mga darating na araw, madalas akong dumalo sa mga pagtitipon ng mga kapatid, at nagsimulang pamunuan ang regular na buhay ng iglesia, at dahan-dahang nagkaroon ng pagbabago sa aking buhay. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkabalisa, paghihirap, at pagkahungkag na mayroon ako dati. Kaming magkakapatid ay magkakasamang binabasa ang salita ng Diyos, at nagbabahagi ng salita ng Diyos, kumakanta ng mga himno bilang papuri sa Diyos, malaya ang aming mga puso, tinutulungan ang bawat isa at umaagapay sa isa’t isa sa espirituwal na buhay. Walang isa sa kanila ang mababa ang tingin sa akin, wala ring sinuman ang nagtakwil sa mga dukha at nagsunud-sunuran sa mayayaman, at naramdaman kong nabuhay ako nang may karangalan. Ang pagtira sa malaki, mahalina, at mapalad na sambahayan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos, mas naging masaya ako at buo kaysa sa nakaraan.
Isang araw, isang bagay ang nangyari sa isang Hapon sa aming kumpanya. Matagal na siyang empleyado doon at mayroon nang higit sa sampung taon ng karanasan sa kumpanya. Malakas siya, maging ito man ay kamalayan sa kaligtasan o teknolohiya. Noong araw na iyon, nang nasa trabaho siya, nagmamaneho siya ng isang lifiting truck at gumagawa ng ilang trabaho habang itinataas ang 20 metro sa himpapawis. Habang ginagawa ito, dahil sa kakulangan ng pansin, siya ang naging dahilan ngpagpatak ng likidong gas ng truck sa kanya. Mayroon ding isa pang manggagawa sa itaas niyaang gumagawa ng ilang paghihinang, at biglang nahulog ang isang tilamsik at dumapo sa kanyang damit. Nang dumapo ang tilamsik sa tumagas na gas, mabilis itong nagsabog ng apoy, at nagkaroon ng isang sunog. Napatunganga lamang ang maraming tao sa matandang manggagawang ito na nilalamon mismo ng apoy, ngunit lubos silang walang kakayahan at walang magawa. Masyado nang huli ang lahat upang humanap ng isang taong sasagip sa kanya, sa loob ng ilang minuto, namatay siya sa pagkasunog. Nang makita namin ang trahedyang ito, maraming tao ang nalungkot sa kanya, at hindimapigilang isipin ang tungkol sa kanilang sariling buhay: Ano ba, kung gayon, ang ibinubuhay ng mga tao? Dahil ang isang bagay na tulad nito na nangyayari sa tabi ko, tunay kong napagtanto na kung pumanaw ang isang tao mula sa Diyos at hindi sila binabantayanat pinoprotektahan ng Diyos, kung gayon ay walang proteksyong ang kanilang buhay sa lahat ng oras. Ang mga tao ay hindi gaanong mahalaga sa harap ng mga kalamidad at madaling mabagsak, at kahit paano mataas ang isang tao’s kadalubhasaan ay o kung magkano ang mas maraming pera ang isang tao ay hindi nila mai-save ang mga itolves.
Pagkatapos, binasa ko ang isang sipi ng salita ng Diyos: “Dahil sa dakilang kapangyarihan at pagtatadhana ng Manlilikha, ang isang nalulungkot na kaluluwa na nagsimula nang walang anuman sa pangalan niya ay magtatamo ng mga magulang at isang pamilya, ang pagkakataon na maging kaanib ng sangkatauhan, ang pagkakataon na maranasan ang pantaong buhay at makita ang mundo; at matatamo rin ang pagkakataon na maranasan ang dakilang kapangyarihan ng Manlilikha, malaman ang kahanga-hangang paglikha ng Manlilikha, at higit sa lahat, ang malaman at mapasailalim sa awtoridad ng Manlilikha. Subalit karamihan sa mga tao ay hindi tunay na iniintindi ang pambihira at napaparam na pagkakataong ito. Ang isa’y umuubos ng isang panghabambuhay na halaga ng enerhiya sa paglaban sa kapalaran, ginugugol ang lahat ng kanyang panahon sa pagsubok na buhayin ang kanyang pamilya at nagpapabalik-balik sa pagitan ng kayaman at katayuan. Ang mga bagay na pinakaiingat-ingatan ng mga tao ay ang pamilya, salapi, at katanyagan; tinitingnan nila ang mga bagay na ito bilang pinakamahahalagang mga bagay sa buhay. Lahat ng mga tao ay nagrereklamo tungkol sa kanilang mga kapalaran, datapwat itinutulak pa rin nila sa likod ng kanilang mga isip ang mga katanungan na pinakamahalagang suriin at unawain: bakit ang tao ay buhay, paano dapat mamuhay ang tao, ano ang kahalagahan at kahulugan ng buhay. Lahat ng kanilang buhay, gaano man kadaming taon ang mga iyon, ay minamadali lang nila sa paghanap ng katanyagan at mabuting kapalaran, hanggang sa ang kabataan nila ay lumipad, hanggang sila ay maging matanda na at kulubot; hanggang sa makita nila na hindi mahihinto ng katanyagan at mabuting kapalaran ang pagdausdos tungo sa pagkahuklob, na ang salapi ay hindi maaaring punan ang kahungkagan ng puso; hanggang sa maunawaan nila na walang sinuman ang malilibre mula sa batas ng kapanganakan, pagtanda, pagkakasakit, at kamatayan, na walang sinuman ang maaaring makatakas kung ano ang inilaan sa kanila ng kapalaran. Tanging kapag napilitan silang harapin ang huling sugpungan ng buhay doon lamang nila tunay na mauunawaan na kahit na magmay-ari ang isa ng mga milyones na ari-arian, kahit na ang isa ay mapribilehiyo at may mataas na ranggo, walang sinuman ang maaaring makatakas sa kamatayan, bawat isa ay babalik sa kanyang orihinal na posisyon: isang nag-iisang kaluluwa, na walang anuman sa pangalan niya” (“Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi III” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Matapos kong basahin ang mga salita ng Diyos, napukaw ako nang sobra: Angmga espiritu ng tao ay nagmula sa Diyos, at itinakda ng Diyos na makihalubilo sa mundo ng mga tao. Ngunit ayaw pa ring maniwala at sumambang mga tao sa Diyos, at hindi nila pinahahalagahan ang pagkakataong maranasan ang awtoridad ng Maylalang, ngunit alam lamang mabuhay para sa pera, katanyagan, at pagkakamag-anak. Lahat ay abala sa pagmamadali tungkol sa nakakapagodna pagsubok ng pag-aayos ng kanilang kapalaran, ngunit ano ang mapapala ng mga tao sa paghahanap ng mga bagay na ito? Naisip ba ng sinuman kung alin sa mga bagay na uito-mga kamag-anak, katanyagan, o kayamanan-ang makakapaglityas sa kanilang buhay kapag malapit na ang kamatayan? Tingnan ang pagkamatay ng dati kongkatrabahohindi ba ito ang pinakamahusay na pagpapakita ng katotohanang ito? Iniisip ang mga bagay na dati kong hinanap sa nakaraan, hindi ba’t pareho lang? Nang pumunta ako sa ibang bansa upang magtrabaho, kukunin ko ang anumang marumi, nakakapagod, o mapanganib na trabaho, para lamang kumita ng mas maraming pera, tingalain akong mga tao, at kayahindi ko pagdurusahan ang kahihiyan ng kahirapan. Kahit na dumaan ako sa lahat ng uri ng pagdurusa, hindi ko kailanman naisip na baguhin ang ganitong paraan ng pamumuhay. Sinunod ko lamang ang parehong daan hanggang-hangga. Sa puso ko, hindi ko alam kung may Diyos, ni hindi ko alam nanakasalalay sa kamay ng Diyos ang kapalaran ng tao. Umasa ako sa aking sarili upang baguhin ang aking kapalaran, at sinikap kong makatakas mula sa pagsasaayos ng Diyos at kaayusang inilaan sa aking buhay. Hindi ba’t kalsada sa kapahamakan ang sinusunod ko? Kung hindi dahil sa kaligtasan ng Diyos, o pagbabantay at pagprotekta ng Diyos sa akinsa palagay ko ay matagal nang sinagpang ni Satanas ang pahat kong buhay. Dagdag pa rito, paano matutupad at magiging makahulugan ang aking buhay tulad ng ngayon? Sa sandaling iyon, nakita ko sa wakas na ang kahulugan ng buhay ay hindi ang paghahanap sa kayamanan o katanyagan, hindiang pangingibabaw sa iba upang tingalain ka nila, ngunit sa halip ay ang paglapit sa presensya ng Diyos, ang pagsamba sa Diyos at pagtanggap sa Kanyang kaligtasan, at mapalaya mula sa pinsala ni Satanas. Habang mas nag-iisip ako nang ganito, masnapupukaw ako. Nakikita kong kaya kong maniwala sa Diyos, at ito ang pagtrato sa akin ng Diyos nang may espesyal na biyaya. Hindi ko alamkung paano ipahayag ang damdamin ng pasasalamat sa Diyos sa aking puso, at kaya ko natutunan ang himnong “Kung ‘Di Ako Iniligtas ng D’yos” upang ipakita ang aking papuri sa Diyos at pasalamatan ang Makapangyarihang Diyos sa pagliligtas sa akin!
Rekomendasyon:Pag-ibig ng Diyos