Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Dakilang. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Dakilang. Ipakita ang lahat ng mga post

Kidlat ng Silanganan| May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan

Ang Banal na Espiritu, Dakilang, Diyos, Kaligayahan, katapatan

Kidlat ng Silanganan| May Dakilang Kaligayahan sa Katapatan



Gan'en    Lungsod ng Hefei, Lalawigan ng Anhui

  Sa buhay ko, palagi akong namuhay sa pariralang, “Hindi dapat magkaroon ang isang tao ng pusong mapaminsala sa iba, ngunit dapat maging mapagbantay upang hindi mapinsala" sa pakikipag-ugnayan sa lipunan. Hindi ako kailanman nagbibigay ng tiwala sa iba nang basta-basta. Palagi kong nadama na sa mga sitwasyon kung saan hindi mo alam ang tunay na mga intensyon ng isang tao, hindi mo dapat ipakita ang iyong intensyon ng masyadong maaga. Kaya, sapat nang panatilihin ang mapayapang pag-uugali—sa ganitong paraan ay napoprotektahan mo ang iyong sarili at iisipin ka ng iyong mga katulad bilang isang "mabuting tao."

Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao


Mga Salita ng na Makapangyarihang Diyos| Alam Mo Ba? Nakagawa ang Diyos ng Isang Dakilang Bagay sa Gitna ng Mga Tao


    Ang lumang kapanahunan ay wala na, at ang bagong kapanahunan ay dumating na. Taun-taon at araw-araw, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos. Siya ay pumarito sa mundo at pagkatapos ay lumisan din. Paulit-ulit na nagpatuloy ito sa maraming salinlahi. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy ng Diyos gaya ng dati ang gawain na nararapat Niyang gawin, ang gawain na hindi pa Niya natatapos, dahil hanggang sa araw na ito ay hindi pa Siya nakápápasok sa kapahingahan. Mula sa panahon ng paglikha hanggang sa kasalukuyan, Nakagawa ng maraming gawain ang Diyos, nguni’t alam mo bang ang gawain na ginagawa ng Diyos sa araw na ito ay lalong higit kaysa mga gawain Niya noon at nasa lalong nakatataas na antas? Ito ang dahilan kung bakit Ko sinasabi na ang Diyos ay Nakagawa ng isang dakilang bagay sa gitna ng mga tao. Ang lahat ng gawain ng Diyos ay napakahalaga, maging sa tao man o sa Diyos, sapagka’t ang bawa’t bagay sa Kanyang gawain ay may kaugnayan sa tao.