Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katawan ni kristo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Katawan ni kristo. Ipakita ang lahat ng mga post

Binubuo ng Dalawang Pagkakatawang-tao ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao

ikalawang pagdating ni Jesus, Tagapagligtas, Katawan ni kristo,
Ang bawa’t yugto ng gawaing ginagawa ng Diyos ay may sariling praktikal na kabuluhan. Noong una, nang pumarito si Jesus, Siya ay lalaki, nguni’t sa pagkakataong ito Siya ay babae. Mula rito, makikita mo na nilikha ng Diyos ang kapwa lalaki at babae para sa kapakanan ng Kanyang gawain, at sa Kanya ay walang pagkakaiba ang kasarian. Kapag dumarating ang Kanyang Espiritu, maaari Niyang kunin ang anumang uri ng katawang-tao na gusto Niya at maaari Siyang katawanin ng katawang yaon. Maging lalaki man o babae, maaari nitong katawanin ang Diyos hangga’t ito ay Kanyang nagkatawang-taong lamán. Kung si Jesus ay nagpakita bilang isang babae nang Siya ay dumating, sa madaling salita, kung isang sanggol na babae, at hindi isang lalaki, ang ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ang yugtong yaon ng gawain ay kapareho ding natapos. Kung gayon ang naging sitwasyon, ang kasalukuyang yugto ng gawain ay kailangan sanang kumpletuhin ng isang lalaki, nguni’t pareho pa ring makukumpleto ang gawain.