Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ipinapakita ang mga post na may etiketa na sandaigdig. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na sandaigdig. Ipakita ang lahat ng mga post

Kidlat ng Silanganan| Ang Ikaanim na Pagbigkas

sandaigdig, sangkatauhan, Espiritu,  Kaalaman, pag-ibig

Kidlat ng Silanganan | Ang Ikaanim na Pagbigkas


     Sa mga bagay na napapaloob sa espiritu, kailangan kang maging mas sensitibo; sa Aking mga salita, dapat kang maging mas mapagmatyag. Dapat mong hangarin ang kalagayang makita ang Aking Espiritu at ang Aking sarili sa katawang-tao, ang Aking mga salita at ang Aking sarili sa katawang-tao, bilang isang di-mapaghihiwalay na kabuuan, upang mabigyan Ako ng kasiyahan ng buong sangkatauhan sa Aking presensiya. Niyapakan ng Aking mga paa ang sansinukob, inaabot-tanaw ng Aking sulyap ang buong kalawakan nito, at nakalakad na Ako sa gitna ng buong sangkatauhan, natikman na ang lasa ng tamis, asim, pait, at anghang ng karanasan ng tao, ngunit hindi Ako kailanman totoong nakilala ng tao, ni napansin niya Ako sa paglalakad Ko nang malawakan. Dahil tahimik Ako at walang ginagawang di-pangkaraniwan, dahil dito'y walang tunay na nakakita sa Akin. Hindi na katulad ng dati ang mga bagay ngayon: Gagawa Ako ng mga bagay na, hindi pa kailanman nakita ng mundo mula sa pasimula ng paglikha, magsasalita Ako ng mga salitang hindi pa naririnig ng mga tao sa nagdaang mga kapanahunan, dahil hinihingi Ko na makilala Ako ng buong sangkatauhan sa katawang-tao. Ito ang mga hakbang ng Aking pamamahala, na ang sangkatauhan ay wala kahit katiting na pakiwari. Kahit na magsalita Ako tungkol sa kanila nang lantaran, magulo pa rin ang kanyang isipan at imposibleng maipaliwanag ang mga ito sa kanya nang detalyado. Narito ang miserableng kababaan ng tao, hindi ba? Ito mismo ang nais kong bigyan ng lunas sa kanya, hindi ba? Sa mga nakaraang taon, wala Akong ginawang anuman sa tao; kahit na silang tuwirang nakasama Ko sa Aking nagkatawang-taong katawan ay wala kailanmang narinig na tinig na nagmumula sa Aking pagka-Diyos. Kaya hindi maiiwasan na magkulang ang mga tao sa kanilang kaalaman tungkol sa Akin, ngunit ang isang bagay na ito ay hindi nakaapekto sa pagmamahal ng sangkatauhan sa Akin sa paglipas ng mga kapanahunan. Gayunman, ngayon, marami na Akong nagawa sa inyo na mahimala at di-maarok, at gayon din nangusap sa inyo ng maraming salita. Gayunpaman, kahit ganito, marami pa ring mga tao ang kumakalaban sa Akin nang harapan. Hayaan ninyong bigyan Ko kayo ng ilang halimbawa: