Bawa’t isa ay nakadarama na ang pamamahala ng Diyos ay kakaiba, dahil sa palagay ng tao ang pamamahala ng Diyos ay ganap na walang kaugnayan sa tao. Palagay nila ang pamamahalang ito ay gawain lamang ng Diyos nang mag-isa, ay sariling tungkulin ng Diyos, at sa gayon ang sangkatauhan ay walang malasakit sa pamamahala ng Diyos. Sa ganitong paraan, ang kaligtasan ng sangkatauhan ay naging malabo at hindi malinaw, at ngayon ay walang iba kundi walang-lamang retorika. Kahit na sumusunod ang tao sa Diyos upang maligtas at makapasok sa magandang patutunguhan, ang tao ay walang pag-aalala para sa kung paano isinasakatuparan ng Diyos ang Kanyang gawain. Ang tao ay walang pagpapahalaga sa kung ano ang mga plano ng Diyos na gawin at sa bahaging dapat niyang gampanan upang maligtas. Gaano kalunus-lunos iyan! Ang pagliligtas ng tao ay hindi maihihiwalay sa pamamahala ng Diyos, mas lalong hindi ito maaaring ihiwalay mula sa plano ng Diyos. Gayunman hindi iniisip ng tao ang pamamahala ng Diyos, at sa gayon ay mas lalong lumalayo sa Diyos. Dahil dito, ang dumadaming bilang ng mga tao ay nagiging mga tagasunod ng Diyos na hindi alam ang mga bagay na mayroong malapit na kaugnayan sa pagliligtas ng tao tulad ng kung ano ang paglikha, kung ano ang paniniwala sa Diyos, kung paano sumamba sa Diyos, at iba pa. Sa puntong ito, kung gayon, kailangan nating magkaroon ng pagtalakay tungkol sa pamamahala ng Diyos, upang malinaw na malaman ng bawat tagasunod. ang kahalagahan ng pagsunod sa Diyos at paniniwala sa Kanya. Makakaya rin nilang pumili ng landas na dapat nilang lakaran nang mas tumpak, sa halip ng pagsunod lamang sa Diyos upang makakuha ng mga biyaya, o maiwasan ang sakuna, o maging matagumpay.