Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos| Ang Landas… (1)
Sa buong buhay nila, walang tao ang nakaaalam kung anong uri ng mga kabiguan ang kanilang makakatagpo, ni nalalaman nila kung sa anong uri ng pagpipino sila mapapasailalim. Para sa ilan ito ay sa kanilang gawain, para sa ilan ito ay sa kanilang mga pagkakataon sa hinaharap, para sa ilan ito ay sa kanilang pamilyang pinagmulan, at para sa ilan ito ay sa kanilang pag-aasawa. Nguni’t ang kaibahan mula sa kanila ay na ngayon tayo, ang grupong ito ng mga tao, ay nagdurusa para sa salita ng Diyos. Iyan ay, bilang isang naglilingkod sa Diyos, sila ay nagdusa ng mga kabiguan sa landas ng paniniwala sa Kanya, at ito ang landas na dinaraanan ng lahat ng mga mananampalataya at ito ang daan na tinatapakan ng lahat ng ating mga paa. Mula sa puntong ito ay opisyal nating sinisimulan ang ating landasin ng paniniwala sa Diyos, itinataas ang kurtina sa ating mga buhay bilang mga tao, at pumapasok tungo sa tamang landas ng buhay. Iyan ay, ito ang kung kailan pumapasok tayo tungo sa tamang landas na ang Diyos ay namumuhay kaagapay ng tao, na dinaraanan ng normal na mga tao. Bilang isa na tumatayo sa harap ng Diyos at naglilingkod sa Kanya, bilang isa na nagsusuot ng mga balabal ng isang saserdote sa templo, na may dibinong dignidad at awtoridad at kamahalan ng Diyos, Aking ginagawa ang sumusunod na pahayag sa lahat ng mga tao. Upang ipahayag ito nang mas malinaw: Ang maluwalhating mukha ng Diyos ang Aking kaluwalhatian, ang Kanyang plano ng pamamahala ang Aking sentro. Ako ay hindi naghahanap na magtamo ng makaisandaang ulit na mas marami sa mundong darating, nguni’t upang isakatuparan lamang ang kalooban ng Diyos sa mundong ito upang maaari Niyang matamasa ang isang maliit na bahagdan ng Kanyang kaluwalhatian sa lupa sanhi ng maliliit na mga pagsisikap na Aking ginagawa sa katawang-tao. Ito lamang ang Aking nasà. Sa Aking palagay, ito lamang ang Aking espirituwal na pagtutustos; Ako ay naniniwala na ang mga ito ang dapat na maging huling mga pananalita ng isa na namumuhay sa katawang-tao at siyang punô ng emosyon. Ito ang landas na tinatapakan ng Aking mga paa ngayon. Ako ay naniniwala na ang pananaw Kong ito ay ang Aking huling mga pananalita sa katawang-tao, at Ako ay umaasa na ang mga tao ay walang ibang mga paniwala o kaisipan tungkol sa Akin. Bagaman naibigay Ko na rito ang Aking lahat-lahat, hindi Ko pa rin nabigyang-kasiyahan ang kalooban ng Diyos sa langit. Ako ay labis-labis na nalulungkot—bakit ito ang nilalaman ng katawang-tao? Kaya, dahil sa mga bagay-bagay na Aking nagawa sa nakaraan gayundin ang gawain ng paglupig na naisakatuparan ng Diyos sa Akin, ngayon lamang Ako nakatamo ng mas malalim na pagkaunawa hinggil sa nilalaman ng sangkatauhan. Simula lamang doon Ako nakapagtakda ng pinakapangunahing pamantayan para sa Aking Sarili: ang hanapin lamang na maisakatuparan ang kalooban ng Diyos, ang ibigay rito ang Aking lahat-lahat, at mawalan ng anumang pabigat sa Aking konsensya. Hindi mahalaga sa Akin kung ano ang mga kinakailangan na itinalaga sa kanilang mga sarili ng iba na naglilingkod sa Diyos. Sa madaling salita, itinalaga Ko ang Aking puso sa pagsasakatuparan ng Kanyang kalooban. Ito ang Aking pagkukumpisal bilang isa sa Kanyang nilikha na naglilingkod sa harap Niya—isa na nailigtas at minamahal ng Diyos, at nakapagdusa ng Kanyang mga pagpalò. Ito ang pagkukumpisal ng isa na nababantayan, naiingatan, minamahal, at mabisang ginagamit ng Diyos. Mula ngayon, magpapatuloy Ako sa landas na ito hanggang maganap Ko ang mahalagang gawain na ipinagkatiwala sa Akin ng Diyos. Nguni’t sa Aking palagay, ang katapusan ng daan ay nakikita na dahil ang Kanyang gawain ay naganap na, at hanggang sa ngayon nagawa ng mga tao ang lahat ng kaya nilang gawin.