Kidlat ng Silanganan | Ang Ikalimang Pagbigkas
Dapat magbalik-tanaw sa nakaraan ang lahat ng Aking mga tao na naglilingkod sa Aking harapan: Nadungisan ba ng karumihan ang inyong pag-ibig para sa Akin? Dalisay ba at taos-puso ang inyong katapatan sa Akin? Tunay ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Gaano ba kalaki ang lugar na Aking hawak sa loob ng inyong mga puso? Napunan Ko ba ang kanilang kabuuan? Gaano ba ang natupad ng Aking mga salita sa loob ninyo? Huwag mo Akong ituring na isang mangmang! Ganap na malinaw sa Akin ang mga bagay na ito! Ngayon, yamang binigkas ang tinig ng Aking pagliligtas, mayroon bang nadagdag sa inyong pag-ibig para sa Akin? Mayroon bang bahagi ng inyong katapatan para sa Akin ang naging dalisay? Lumalim ba ang inyong kaalaman tungkol sa Akin? Naglatag ba ang nakaraang papuri ng isang matatag na pundasyon para sa inyong kaalaman ngayon? Gaano kalaki ang okupado ng Aking Espiritu sa loob ninyo? Gaano kalaki ang lugar na hawak ng Aking imahe sa loob ninyo? Tumama ba ang Aking mga pagbigkas sa inyong Achilles’ heel? Tunay bang nararamdaman ninyo na kayo ay walang mapagtataguan ng inyong kahihiyan? Tunay bang naniniwala kayo na hindi kayo karapat-dapat na maging Aking mga tao? Kung ikaw ay ganap na walang kamalayan sa mga katanungan sa itaas, sa gayon nagpapakita ito na ikaw ay nangingisda sa madilim na tubig, na nandoon ka lamang upang mapadami ang bilang, at sa panahong iyon ay Aking naunang itinalaga, sa pangalawang pagkakataon, ikaw ay tiyak na maaalis at itatapon sa napakalalim na hukay. Ito ang Aking mga salitang pangbabala, at ang sinumang magwalang-bahala sa mga ito ay tatamaan ng Aking paghatol, at, sa takdang panahon, ay sasalakayin ng kalamidad. Hindi nga ba ganito? Kailangan Ko pa bang magbigay ng mga halimbawa upang ilarawan ito? Kailangan Ko bang magsalita nang mas malinaw upang magbigay ng halimbawa sa inyo? Mula sa panahon ng paglikha hanggang ngayon, maraming mga tao ang sumuway sa Aking mga salita at sa gayon ay ihinagis at inalis mula sa Aking daloy ng pagpapanumbalik; sa huli, namatay ang kanilang mga katawan at itinapon ang kanilang mga espiritu sa Hades, at kahit ngayon sakop pa rin sila ng mabigat na kaparusahan. Maraming mga tao ang sumunod sa Aking mga salita, ngunit nawala sila sa Aking pagliliwanag at pagpapalinaw at sa gayon ay tinaboy Ko sa isang tabi, nahulog sa ilalim ng sakop ni Satanas at nagiging yaong mga tutol sa Akin. (Ngayon lahat yaong mga direktang tumututol sa Akin ay sumusunod lamang sa kababawan ng Aking mga salita, at sumusuway sa diwa ng Aking mga salita.) Mayroong marami, rin, ang nakinig lamang sa mga salitang Aking sinabi kahapon, na tangan ang basura ng nakaraan at hindi pinahalagahan ang bunga ng kasalukuyan. Hindi lamang naging bihag ni Satanas ang mga taong ito, ngunit naging walang hanggang mga makasalanan at naging Aking mga kaaway, at direkta silang tumututol sa Akin. Ang ganitong mga tao ay ang mga layon ng Aking paghatol sa Aking pinakamatinding poot, at ngayon bulag pa rin sila, nasa loob pa rin ng mga madilim na piitan (na ang ibig sabihin, ang mga taong tulad nito ay bulok, manhid na mga bangkay na kontrolado ni Satanas: sapagka’t ang kanilang mga mata ay Aking tinakpan ng tabing, Aking masasabi na sila ay mga bulag). Makabubuting magbigay ng isang halimbawa para sa inyong pagtukoy, upang may matutunan kayo mula rito: