Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Sa Inyong Pananampalataya sa Diyos Dapat Kayong Sumunod sa Diyos




Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Ang susi sa pagtalima sa Diyos ay ang pagpapahalaga sa bagong liwanag, at makayang tanggapin ito at maisagawa. Ito lamang ang tunay na pagtalima. …

Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia?


Clip ng Pelikulang Sino ang Aking Panginoon - Ano ang Relasyon sa Pagitan ng Diyos at ng Biblia? 


Sa dalawang libong taon, tayo ay naniwala sa Panginoon ayon sa Biblia, at napakarami sa atin ang naniniwalang "Ang Biblia ang kumakatawan sa Panginoon, ang paniniwala sa Diyos ay paniniwala sa Biblia, ang paniniwala sa Biblia ay paniniwala sa Diyos." Tama ba ang mga ideyang ito? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng paniniwala sa Diyos? Ano ang ibig sabihin ng maniwala sa Biblia? Ano ang relasyon sa pagitan ng Biblia at Diyos? Nangangahulugan ba na ang bulag na pananampalataya at pagsamba sa Biblia ay ang paniniwala at pagsamba ninyo sa Diyos? Ibubunyag sa inyo ng video na ito ang mga sagot!

Manood ng higit pa: Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Tagalog Christian Songs | "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" (Tagalog Dubbed)


Tagalog Christian Songs| "Kaharian ng Diyos ay Lumitaw na sa Lupa" 
A ... a ... a ... a ... a ... a ... a ... a …
I
Ang makapangyarihang tunay na D'yos,
hari sa trono naghahari sa buong sansinukob, 
buong sansinukob, nakaharap sa lahat ng bansa't mga tao. 
Nagniningning l'walhati ng D'yos sa buong mundo.

Ang Gawain ng Diyos at ang Gawain ng Tao

Gaano karami sa gawain ng tao ang gawain ng Banal na Espiritu at gaano karami ang karanasan ng tao? Kahit ngayon, masasabi na hindi pa rin nauunawaan ng mga tao ang mga tanong na ito, na lahat ay dahil hindi nauunawaan ng mga tao ang mga panuntunan sa paggawa ng Banal na Espiritu. Mangyari pa, ang gawain ng tao na sinasabi Ko ay tumutukoy sa gawain niyaong mga nagtataglay ng gawain ng Banal na Espiritu o yaong mga ginagamit ng Banal na Espiritu.

Paano Mababawi ang Nawalang Kaligtasan

 

I
Nagtanong Ka kung gaano katagal akong susunod sa Iyo;
sinabi kong ibibigay ko ang kabataan ko
at Ikaw ay sasamahan ko.
Isang bulong ang nagmula sa aking puso,
mundo ay niyanig at inugoy mga bundok.
Ako ay sumumpa na pisngi ay puno ng luha,
ngunit hindi alam sarili kong pagpapaimbabaw.
Sa paglipas ng panahon,
malalaking pagbabago ang nagpahina sa damdaming iyon,
at mga sinumpaan ko sa Iyo ay naging mga kasinungalingan.
Sa wakas naunawaan ko ang kaunti kong naibigay.
Pagsisikap na gantihan Ka ay
mga salita lamang na walang laman.
Paggising mula sa aking panaginip,
nag-aalala ako para sa sarili ko.
Paano mababawi ang nawalang kaligtasan?
Paggising mula sa aking panaginip,
nag-aalala ako para sa sarili ko.
Paano mababawi ang nawalang kaligtasan?
II
Nang tayo ay nagkita, nagrebelde ako laban sa Iyo.
Ayaw ko nang alalahanin ang mga lumang eksenang iyon.
Ang dedikasyon kong walang katapatan
ay nagdulot ng mas matinding sakit sa Iyo.
Sa aking kabataan, Ikaw ay nagtrabahong mabuti para sa akin,
ngunit walang anumang pasasalamat na kapalit.
Ang mga taon na iyon ay dumaan sa akin
at kaunti ang aking napakinabangan.
Kanino sasabihin ang pagsisisi sa aking kalooban?
Sa wakas naunawaan ko ang kaunting naibigay ko.
Ang pagsisikap na gantihan Ka
ay mga salita lamang na walang laman.
Paggising mula sa aking panaginip,
nag-aalala ako para sa sarili ko.
Paano mababawi ang nawalang kaligtasan?
Paggising mula sa aking panaginip,
nag-aalala ako para sa sarili ko.
Paano mababawi ang nawalang kaligtasan?
III
Nagmamadali paroon at parito,
hindi magawang kumonekta sa Iyong puso.
Minsan ay nagkataon na nagkita tayo,
pero hindi Kita nakilala,
naiwan akong lalong nanghihinayang.

Pagbabasa ng mga salita ng Diyos | "Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos"


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "ang tao ay walang pagkaunawa sa kabuluhan ng pagliligtas ng Diyos sa sangkatauhan at kabuluhan ng gawain ng pamamahala ng Diyos, at hindi nauunawaan kung ano ang lubos na ninanais na Diyos na magyari sa tao. Ito ba ay isang sangkatauhang katulad kina Adan at Eba, na di magawang pasamain ni Satanas?

Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos


Clip ng Pelikulang | Dumadaloy ang Tubig ng Buhay Mula sa Trono (3) | "Upang Mapag-aralan ang Pagbabalik ng Panginoon Dapat Tayong Makinig sa Tinig ng Diyos" 


Nagkatotoo na ang halos lahat ng propesiyang binanggit sa Biblia tungkol sa pagbabalik ng Panginoon. Naramdaman ng karamihan ng tao na nagbalik na ang Panginoon, kaya paano natin sisiyasatin ito para makatiyak tungkol sa kung ang Makapangyarihang Diyos nga ba ang nagbalik na Panginoong Jesus? Dapat ba tayong gumawa ng paghatol batay sa mga propesiya sa Biblia o dapat ba nating direktang siyasatin ang salita at gawain ng Makapangyarihang  Diyos?