Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Tagalog Gospel Songs | Ang Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin

tagapagligtas,manlilikha,


Tagalog Gospel SongsAng Diyos ay nasa Langit at Nasa Lupa Rin



I
Ang Diyos ay praktikal sa puso ng mga tao,
kapag Siya'y nasa lupa.
Sa langit,
ang Diyos ang Tagapamahala ng lahat ng mga nilalang.
Minsang naglakbay ang Diyos sa mga bundok at sa mga tubig,
marahan Siyang lumakad kasama ng sangkatauhan.
Sinong mangangahas labanan sa publiko
ang praktikal na Diyos Mismo?
Sinong mangangahas na lumabas
sa pamamahala ng Makapangyarihan?
Sinong mangangahas na magsabi
nang walang pagdududa na ang Diyos ay nasa langit?

Salita ng Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Ikalawang Bahagi)



Salita ng Diyos | "Ang Diyos at ang Tao ay Magkasamang Papasok sa Kapahingahan" (Ikalawang Bahagi)


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Nilikha ng Diyos ang sangkatauhan at inilagay sila sa lupa, na Kanyang pinangunahan hanggang sa araw na ito. Pagkatapos ay iniligtas Niya ang sangkatauhan at nagsilbi bilang isang handog para sa kasalanan ng sangkatauhan. Sa katapusan ay kailangan pa rin Niyang lupigin ang sangkatauhan, iligtas nang buo ang sangkatauhan at ibalik sila sa kanilang orihinal na wangis. Ito ang gawain na Kanyang pinag-aabalahan mula sa simula hanggang sa katapusan—ang pagpapanumbalik sa tao sa kanyang orihinal na larawan at sa kanyang orihinal na wangis.

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos | Ang Lahat ay Nakakamit sa Pamamagitan ng Salita ng Diyos

Binibigkas ng Diyos ang Kanyang mga salita at ginagawa ang Kanyang gawain ayon sa iba’t-ibang mga kapanahunan, at sa iba’t-ibang kapanahunan, bumibigkas Siya ng iba’t-ibang mga salita. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alituntunin, o nag-uulit ng parehong gawain, o nangungulila para sa mga bagay ng nakaraan; Siya ay isang Diyos na palaging bago at kailanma’y hindi naluluma, at bawa’t araw ay bumibigkas Siya ng bagong mga salita. Ikaw ay dapat sumunod doon sa dapat sundin ngayon; ito ay ang pananagutan at tungkulin ng tao. Napakahalaga na ang pagsasagawa ay maisentro sa liwanag at mga salita ng Diyos sa kasalukuyan. Ang Diyos ay hindi sumusunod sa mga alintuntunin, at nakakapagsalita mula sa maraming iba’t-ibang mga perspektibo upang gawing kitang-kita ang Kanyang karunungan at walang-hanggang kapangyarihan. Hindi mahalaga kung Siya man ay nangungusap mula sa perspektibo ng Espiritu, o ng tao, o ng ikatlong persona—ang Diyos ay palaging Diyos, at hindi mo nasasabi na Siya ay hindi Diyos dahil sa perspektibo ng tao mula kung saan Siya ay nangungusap.

Tagalog Christian Songs | "Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot"



Tagalog Christian Songs | "Ang Pag-ibig at Kakanyahan ng Diyos ay Palaging Walang Pag-iimbot"


I
Hindi ibinubunyag o ipinapakita ang Kanyang pagdurusa.
Ang Diyos ay nagtitiis at naghihintay ng tahimik.
Hindi kalamigan o manhid, ni isang tanda ng kahinaan.
Ang kakanyahan at pagmamahal ng Diyos
ay palaging walang pag-iimbot.
Ibinibigay ng Diyos ang Kanyang pinakamahusay,
Kanyang pinakamahusay na panig.
Pinakamabubuting mga bagay ay Kanyang ibinibigay.
Naghihirap Siya para sa sangkatauhan;
tahimik na nadadala ang Kanyang pagdurusa.

Salita ng Buhay | "Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos" (Sipi 1)


Salita ng Buhay | "Ang Tao ay Maliligtas Lamang sa Gitna ng Pamamahala ng Diyos" (Sipi 1)



Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga't nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.

Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad


Mga Pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Paano Malaman ang Realidad


Sabi ng Makapangyarihang Diyos: "Kung nais ng mga tao na makilala ang Diyos, dapat muna nilang malaman na ang Diyos ay ang tunay na Diyos, at dapat nilang malaman ang mga salita ng Diyos, ang tunay na hitsura ng Diyos sa laman, ang tunay na gawa ng Diyos. Tanging pagkatapos lamang na makilala na ang lahat ng gawa ng Diyos ay tunay maaaring aktuwal kang makikipagtulungan sa Diyos, at tanging sa pamamagitan lamang ng daang ito maaari mong matamo ang paglago sa iyong buhay. Lahat ng yaong mga walang kaalaman sa realidad ay walang kaparaanan upang maranasan ang mga salita ng Diyos, sila ay nabitag ng kanilang maling pag-iisip, nabubuhay sila sa kanilang guniguni, at sa gayon wala silang kaalaman sa mga salita ng Diyos.

Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon | Paano Tumutugon ang mga Kristiyano sa "Pain na Pamilya" ng CCP



Mga Pelikula tungkol sa Pang-uusig sa Relihiyon | Paano Tumutugon ang mga Kristiyano sa "Pain na Pamilya" ng CCP


Kapag hindi nagtagumpay ang CCP sa tangka nitong pilitin ang mga Kristiyano na talikuran ang Diyos sa pamamagitan ng malupit nilang pagpapahirap at pag- brainwash at pangungumbinsi, ginagamit nila ang mga miyembro ng pamilya bilang pain para subukan sila. Sa harap ng ganitong hamak na mga panloloko, paano naninindigan at nananatiling matwid ang mga Kristiyano, sa pagbubulaan sa mga ito? At ano ang ipinapayo nila?

Alam ng maraming tao na ang Kristiyanismo ay isa sa tatlong pangunahing relihiyon sa mundo, ngunit hindi nila alam ang kahulugan ng Kristiyanismo. Kung nais mong malaman ang higit pa tungkol sa katotohanan tungkol sa Kristiyanismo, mangyaring panoorin: Ano ang Kristiyanismo?