Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Ang Ikasampung Pagbigkas
Ang Kapanahunan ng Kaharian ay, matapos ng lahat, naiiba mula sa nakaraan. Hindi ito kaugnay sa kung ano ang ginagawa ng tao. Sa halip, personal kong isinasakatuparan ang Aking gawain matapos na bumababa sa lupa—gawaing kahit ang mga tao ay hindi maaaring maisip at makamit. Buhat nang nilikha ang sanglibutan hanggang sa kasalukuyan, ang lahat ng mga taon na ito ay palaging patungkol sa pagbuo ng iglesia, ngunit hindi kailanman nakarinig nang pagtatayo ng kaharian. Kahit na nagsasalita Ako nito sa Aking sariling bibig, mayroon bang kahit sino na may alam sa kakanyahan nito? Dati na akong bumaba sa mundo ng mga tao at nakaranas at siniyasat ang kanilang paghihirap, ngunit hindi natugunan ang layunin ng Aking pagkakatawang-tao. Kapag umusad na ang pagtatayo ng kaharian, ang Aking pagkatawang-tao ay pormal nang magsisimula upang isagawa ang paglilingkod; iyon ay, ang Hari ng kaharian ay pormal nang kukunin ang Kanyang pinakamakataas-taasang kapangyarihan. Mula dito ay maliwanag na ang pagdating ng kaharian sa mundo ng tao, malayo mula sa pagiging salita at mga pagpapakita, ito ay isa sa tunay na katotohanan; ito ay isang aspeto ng kahulugan ng “ang katotohanan ng paggawa.” Ang tao ay hindi kailanman nakakita ng kahit isa sa Aking mga gawain, at hindi kailanman nakarinig ng kahit isa sa Aking mga pananalita. Kahit nakita niya, ano ang kanyang natuklasan? At kung narinig niya Akong magsalita, ano ang dapat niyang naunawaan? Sa buong mundo, ang lahat ng sangkatauhan ay namamalagi sa loob ng Aking pag-ibig, at Aking habag, nang sa gayon ang lahat ng sangkatauhan ay nasa ilalim ng Aking paghatol, at gayon din naman sa ilalim ng Aking pagsubok. Ako ay naging maawain at mapagmahal sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay naging masama sa isang antas; iginawad Ko ang pagkastigo sa sangkatauhan, kahit na ang lahat ng tao ay yumukod sa pagpapasakop sa harap ng Aking trono. Subalit mayroon bang sinumang tao na wala sa gitna ng paghihirap at pagpipino na Aking naipadala? Gaano karaming tao ang nag-aapuhap sa kadiliman para sa liwanag, gaano karami ang mapait na nagtitiis sa kanilang pagsubok na dinaranas? Si Job ay may pananampalataya, at kahit pa, para sa lahat, hindi ba siya naghahanap ng paraan palabas para sa kanyang sarili? Bagama’t ang Aking bayan ay maaaring tumindig nang matatag sa pagsubok, mayroon bang sinuman, na hindi ito sinasabi nang malakas, ang pinaniniwalaan ito sa kanyang puso? Hindi ba sa halip na kanyang sinasabi ang kanyang paniniwala habang nag-aalinlangan sa kanyang puso? Walang mga tao na nanindigan sa pagsubok, ang magbibigay ng tunay na pagsunod sa pagsubok. Hindi Ko ba tinakpan ang Aking mukha upang maiwasan ang pagtingin sa mundong ito, ang buong sangkatauhan ay mabubuwal sa ilalim ng Aking nakasusunog na titig, sapagka’t hindi Ako humiling ng anumang bagay sa sangkatauhan.