Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Magbigay-pansin sa Kapalaran ng Sangkatauhan




I
Hinihimok ng Diyos ang mga tao ng lahat ng mga etniko,
lahat ng mga bansa at maging mga industriya:
Makinig sa tinig ng Diyos at tingnan ang Kanyang gawain;
bigyang pansin ang kapalaran ng sangkatauhan;
gawing pinakabanal at marangal ang Diyos,
ang pinakamataas at tanging bagay para sa pagsamba;
pahintulutan ang buong sangkatauhan na
mabuhay sa ilalim ng pagpapala ng Diyos,
tulad ng mga inapo ni Abraham
ay namuhay sa ilalim ng pangako ni Jehova,
tulad ng nilikha ng Diyos na
sina Adan at Eva ay nanirahan sa Hardin ng Eden.

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (5)


     Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Nitong nakaraang mga taon nakita rin ang malawakang pagpapasimula ng pamahalaang CCP ng mga patakarang nakatutok sa "Pagpapailalim sa Impluwensya ng Lipunang Han" ng Kristiyanismo. Libu-libong krus ng iglesia ang winasak, maraming gusali ng iglesia ang giniba, at maraming Kristiyano sa mga bahay-sambahan ang inaresto at inusig. Dumanas ng malupit at madugong pang-uusig ang mga iglesiang Kristiyano sa China … 

Isang Himno ng mga Salita ng Diyos | Tunay Ngang Dumating ang Diyos sa Gitna ng Mga Tao



Dinadala ng Diyos ang wakas ng sangkatauhan sa mundo ng tao.
Pagkatapos, nilalantad N'ya Kanyang buong disposisyon,
upang lahat ng taong nakakakilala at hindi sa Diyos
masisiyahang tititigan at nakikita na pumaparito ang Diyos
sa kalagitnaan ng mga tao,
sa lupa kung sa'n lahat ng bagay lumalago.
Ito ang plano ng Diyos.
Ito ang tangi Niyang "pahayag" mula nang nilalang niya ang tao.
Nais ng Diyos na
buong-puso niyong pagmasdan ang bawat kilos Niya,
dahil tungkod Niya'y nalalapit na naman sa sangkatauhan.
Lumalapit ito sa sangkatauhang tumututol sa Kanya.

Salita ng Diyos | Ang Ikatatlumpu’t walong Pagbigkas



     Sa buong karanasan ng sangkatauhan hindi nagkaroon ng Aking anyô, ni nagkaroon ng pangunguna ng Aking mga salita, kaya’t lagi Kong iniwasan ang tao sa malayo at pagkatapos ay lumisan Ako mula sa kanila. Aking kinamumuhian ang pagkamasuwayin ng sangkatauhan. Hindi Ko alam kung bakit. Tila kinamuhian Ko na ang tao mula sa pasimula, at gayunman ay lubha Kong nadarama ang kanilang nadarama. Kaya’t ang tao ay tumitingin sa Akin nang may dalawang puso, sapagka’t mahal Ko ang tao, at kinamumuhian Ko rin ang tao. Sino sa kanila ang nagpapakita ng tunay na pagkaunawa sa Aking pagmamahal? At sinong makauunawa sa Aking pagkamuhi? Sa Aking mga mata, ang tao ay isang patay na bagay, walang buhay, na parang sila ay luwad na mga estatwa na nakatayo sa gitna ng lahat ng mga bagay. May mga pagkakataon na, ang pagkamasuwayin ng tao ay nagbubunsod ng Aking galit sa kanila. Noong namuhay Ako sa gitna ng mga tao, bahagya silang ngingiti kapag bigla Akong dumating, dahil palagi silang sadyang naghahanap sa Akin, na para bang nakikipaglaro Ako sa kanila sa lupa. Kailanman ay hindi nila Ako sineryoso, kaya’t dahil sa kanilang pakikitungo sa Akin wala Akong pagpipilian kundi “magretiro” mula sa “ahensya” ng sangkatauhan. Gayunman, nais Kong ipaalam na bagaman Ako ay “nagretiro na,” ang Aking “pensyon” ay hindi maaaring magkulang kahit isang sentimo. Dahil sa Aking “pagiging nakatatanda” sa “ahensya” ng sangkatauhan, nagpapatuloy Ako na humingi ng kabayaran mula sa kanila, kabayaran sa utang sa Akin. Bagaman iniwan Ako ng tao, paano nila matatakasan ang Aking paghawak? Niluwagan Ko ang Aking paghawak sa kanila sa isang tiyak na antas, tinutulutan sila na magpasásà sa kanilang makalamang mga pagnanásà, kaya’t nangahas sila na maging malaya, walang nakapipigil, at makikita na hindi nila Ako tunay na minahal, dahil namuhay sila sa laman. Maaari kaya na ang tunay na pag-ibig ay makakamit mula sa laman? Maaari kaya na ang hinihingi Ko lamang sa tao ay ang “pag-ibig” ng laman? Kung tunay na ito ang kalagayan, kung gayon ay anong magiging kabuluhan ng tao? Silang lahat ay mga walang-kwentang basura! Kung hindi sa Aking nananatiling “higit-sa-natural na kapangyarihan,” matagal Ko na sanang iniwan ang tao—bakit mag-aabala pang manatiling kasama nila at tinatanggap ang “panliligalig” ng tao? Subali’t Ako ay nagtiis. Nais Kong malaman ang kailaliman ng kaábáláhán ng tao. Sa sandaling matapos Ko ang Aking gawain sa lupa Ako ay aakyat nang mataas tungo sa langit upang hatulan ang “panginoon” ng lahat ng mga bagay-bagay; ito ang Aking pangunahing gawain, dahil masyado Ko nang kinamumuhian ang tao. Sinong hindi mamumuhi sa kanyang kaaway? Sinong hindi papatay sa kanyang kaaway? Sa langit, si Satanas ang Aking kaaway, sa lupa, ang tao ang Aking kalaban. Dahil sa pagkakaisa sa pagitan ng langit at lupa, siyam na henerasyon nila ay dapat na ibilang na may-sala dahil sa pag-anib, at walang patatawarin. Sinong nagsabi sa kanila na labanan Ako? Sinong nagsabi sa kanila na suwayin Ako? Bakit ang tao ay hindi makalas mula sa kanilang lumang kalikasan? Bakit ang kanilang laman ay laging dumarami sa loob nila? Ang lahat ng ito ay patunay ng Aking paghatol sa tao. Sinong nangangahas na hindi bumigay sa mga katunayan? Sinong nangangahas na magsabing ang Aking paghatol ay may-kulay ng emosyon? Ako ay iba sa tao, kaya nakalisan Ako mula sa kanila, sapagka’t Ako ay hindi tao lamang.

D'yos Nagkatawang-tao upang Iligtas ang Sangkatauhan


I
Ngayon ang araw, kita mo ba?
'Di simpleng bagay Diyos dumating sa gitna ng tao
upang tao'y iligtas, talunin si Satanas,
kaya Diyos nagkatawang-tao.
Kung di rito, di S'ya gagawa sa Sarili N'ya.
D'yos nagkatawang-tao upang si Satanas ay labanan
at akayin ang tao,
na lama'y naging tiwali't nais iligtas ng D'yos.
D'yos muling nagkatawang-tao
upang talunin si Satanas, at tao'y iligtas.
D'yos lang makalalaban kay Satanas sa Espiritu
o sa katawang-tao.

The Church of Almighty God Documentary | Mga Salaysay ng Pag-Uusig sa Relihiyon sa China (3)


Simula nang magkaroon ng kapangyarihan sa Mainland China noong 1949, hindi na tumigil ang Chinese Communist Party (CCP) sa pang-uusig sa relihiyosong pananampalataya. Galit na galit nitong pinag-aaresto at pinagpapatay ang mga Kristiyano, pinaalis at inabuso ang mga misyonerong nangangaral sa China, kinumpiska at sinunog ang napakaraming kopya ng Biblia, ikinandado at giniba ang mga gusali ng iglesia, at walang saysay na tinangkang wasakin ang lahat ng bahay-sambahan. Ipinapakita sa dokumentaryong ito ang biglaan at di-inaasahang pagkamatay ng Kristiyanong Chinese na si Song Xiaolan-isang pagkamatay na binigyan ng CCP police ng paiba-iba at magkakasalungat na paliwanag. Matapos imbestigahan, natuklasan ng pamilya Song na noon pa pala nagsisinungaling ang mga pulis. Nalaman ng isang kamag-anak ng pamilya mula sa isang kakilala sa Public Security Bureau na lihim na sinubaybayan ng CCP police si Xiaolan dahil sa kanyang pananalig sa Diyos at pagtupad sa kanyang mga tungkulin. Nang arestuhin siya ng mga pulis, binugbog siya ng mga ito hanggang sa mamatay. Para hindi masisi, pinagtakpan ng pulisya ang katotohanan sa pag-iimbento ng tagpo ng pagkamatay ni Song Xiaolan….

Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Ang Mga Utos ng Bagong Kapanahunan

Espiritu, iglesia, Langit, Katapatan, Buhay



     Nasabihan na kayo na sangkapan ang inyong sarili sa pamamagitan ng salita ng Diyos, na hindi alintana kung ano ang inaayos para sa inyo, ang lahat ay binabalangkas ng sariling kamay ng Diyos, at hindi na kailangan ang inyong masigasig na pananalangin at pagmamakaawa—walang silbi ang mga ito. Subali’t sa mga panahon ng kasalukuyang kalagayan, ang mga praktikal na suliraning inyong kinakaharap ay di-maubos maiisip para sa inyo. Kapag hinihintay ninyo lamang ang pagbabalangkas ng Diyos, ang inyong pagsulong ay magiging labis na mabagal, at sa mga hindi alam kung paano makaranas magkakaroon ng pagsasakawalang-kibo. Kaya, kung hindi mo kayang lubos na maaninag ang mga bagay na ito, ikaw ay nalalabuan at hangal sa iyong dinaranas. Kung ikaw ay walang katunayan at puro mga salita lamang, hindi ba’t ito ay tanda ng kalisyaan? Maraming kalisyaan ang nakikita sa inyo, sa kalipunang ito. Ngayon, wala kayong kakayanang makamit ang gayong mga pagsubok na katulad ng “mga taga-serbisyo”, o kung hindi man ay walang kakayahang maisip o makamit ang ibang pagpipino na may kaugnayan sa mga salita ng Diyos. Kailangan niyong umayon sa maraming bagay na hinihingi sa inyong isagawa. Ibig sabihin, ang mga tao ay dapat umayon sa mga tungkulin na kailangan nilang gampanan. Ito ang dapat sang-ayunan ng mga tao, at kung ano ang dapat nilang tuparin. Hayaang gawin ng Banal na Espiritu ang kailangang gawin ng Banal na Espiritu: walang bahagi ang tao rito. Ang tao ay dapat umayon sa kung ano ang kailangang gawin ng tao, na walang kaugnayan sa Banal na Espiritu. Wala ito kundi isang kailangang gawin ng tao, at dapat sang-ayunan dahil ito ay iniutos, katulad ng pagsang-ayon sa kautusan ng Lumang Tipan. Bagaman hindi na ngayon ang Kapanahunan ng Kautusan, mayroon pa ring mga salita sa Kapanahunan ng Kautusan na kailangang sang-ayunan, at ang mga ito ay hindi lamang naisasakatuparan sa pamamagitan ng pag-asa sa paghipo ng Banal na Espiritu, ngunit kailangang sang-ayunan ng tao. Halimbawa: Huwag mong hatulan ang gawain ng praktikal na Diyos. Huwag mong labanan ang taong pinatotohanan ng Diyos. Sa harapan ng Diyos, panatilihin mo ang iyong kinalalagyan at huwag maging talipandas. Maging mahinahon sa iyong pananalita, at ang iyong mga salita at kilos ay dapat sinusunod ang pagsasaayos ng taong pinatotohanan ng Diyos. Igalang mo ang patotoo ng Diyos. Huwag mong bale-walain ang gawain ng Diyos at ang mga salita na nagmumula sa Kanyang labi. Huwag mong gayahin ang tono at mga hangad ng pagbigkas ng Diyos. Sa panlabas, huwag kang gumawa ng kahit na anumang hayagang pagsalungat sa taong pinatotohanan ng Diyos. Ito, at ang marami pang iba, ay mga dapat sang-ayunan ng bawat tao. Sa bawat panahon, maraming tuntunin ang tinutukoy ng Diyos na katulad ng mga kautusan na kailangang sang-ayunan ng tao. Sa pamamagitan nito, pinaghihigpitan Niya ang disposisyon ng tao, at inaalam ang kanyang katapatan. Ang mga salitang “Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina” sa Lumang Tipan, halimbawa. Ang mga salitang ito ay hindi na akma ngayon; sa panahong iyon, pinaghigpitan lamang nila ang ilan sa mga panlabas na disposisyon ng tao, ginamit ang mga ito upang ipakita ang katapatan ng paniniwala ng tao sa Diyos, at tanda ng mga naniniwala sa Diyos. Bagaman ngayon sa Kapanahunan ng Kaharian, mayroon pa ring mga tuntunin na dapat sang-ayunan ang tao. Ang mga tuntunin ng nakaraan ay hindi na akma; ngayon, marami, ang mas angkop na pagsasagawa para tuparin ng tao, at mga kinakailangan. Hindi nito isinasangkot ang gawain ng Banal na Espiritu at kailangang gawin ng tao.