Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Kidlat ng Silanganan |Dumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob


Kidlat ng SilangananDumadagundong ang Pitong Kulog—Nanghuhula Na ang Ebanghelyo  ng Kaharian ay Lalaganap sa Buong Sansinukob

Pinalalaganap Ko ang Aking gawain sa gitna ng mga bansang Gentil. Ang Aking kaluwalhatian ay kumikislap sa buong sansinukob; ang Aking kalooban ay nakapaloob sa pangangalat ng mga tao, lahat ay pinakikilos ng Aking kamay at inilalatag ang mga tungkulin na Aking naiatas. Magmula ngayon, nakápások Ako sa isang bagong kapanahunan, dinadala ang lahat ng tao sa ibang mundo. Nang bumalik Ako sa Aking “lupang tinubuan,” nagsimula Ako ng isa pang bahagi ng gawain sa orihinal Kong plano, upang Ako ay higit pang makilala ng mga tao nang mas malalim. Isinasaalang-alang Ko ang sansinukob sa kabuuan nito at nakikita na[a] ito ay isang magandang pagkakataon para sa Aking gawain, kaya’t Ako ay nagmamadaling nagpaparoon at parito, ginagawa ang Aking bagong gawain sa tao. Tutal naman, ito ay isang bagong kapanahunan, at nakapagdala Ako ng bagong gawain upang dalhin ang mas maraming mga bagong tao sa bagong kapanahunan at upang palayasin ang marami sa mga dapat Kong alisin. Sa bayan ng malaking pulang dragon, nakapagsagawa Ako ng isang yugto ng Aking gawain na hindi maaarok ng mga tao, nagsasanhi sa kanila na umindayog sa hangin, kung saan pagkatapos noon ay marami ang tahimik na naaanod kasama ng pag-ihip ng hangin. Katotohanan, ito ay ang “giikan” na malapit Ko nang linisin; ito ay ang Aking hinahangad at ito rin ay Aking plano. Sapagka’t maraming masasamang nilalang ang tahimik na nakagapang papasok habang Ako ay nasa gawain, nguni’t hindi Ako nagmamadali na sila ay palayasin. Bagkus, pangangalatin Ko sila sa tamang panahon. Pagkatapos lamang noon na Ako ay magiging bukal ng buhay, nagpapahintulot sa mga yaon na tunay na nagmamahal sa Akin na tumanggap mula sa Akin ng bunga ng puno ng igos at ng mabangong samyo ng lila. Sa lupain kung saan naninirahan nang panandalian si Satanas, ang lupain ng alikabok, wala roong nananatiling purong ginto, kundi buhangin lamang, kaya’t, kinakatagpo ang mga kalagayang ito, nagsasagawa Ako ng nasabing yugto ng gawain. Dapat mong malaman na ang Aking tinatamo ay puro, pinong ginto, hindi buhangin. Paanong mananatili ang mga masasama sa Aking bahay? Paano Kong pahihintulutan ang mga soro na maging mga dapò sa Aking paraiso? Gumagamit Ako ng bawa’t maiisip na paraan upang ang mga bagay na ito ay mapaalis. Bago mabunyag ang Aking kalooban, walang sinuman ang nakakamalay kung ano ang Aking gagawin. Kinukuha ang oportunidad na ito, pinalalayas Ko yaong mga masasama, at napipilitan silang iwan ang Aking presensya. Ito ang Aking ginagawa sa mga masama, nguni’t magkakaroon pa rin ng araw para sa kanila na maghandog ng kanilang serbisyo para sa Akin. Ang pagnanasà ng tao para sa mga pagpapala ay malabis; sa gayon ay ibinabaling ko ang Aking katawan at ipinakikita ang Aking maluwalhating mukha sa mga bayang Gentil, upang ang mga tao ay makapanirahan sa isang mundo nang sila lamang at hatulan ang kanilang mga sarili, habang patuloy Kong winiwika ang mga salita na dapat Kong sabihin, at tinutustusan ang mga tao ng kanilang pangangailangan. Kapag ang mga tao ay natauhan na, matagal Ko nang napalaganap ang Aking gawain. Ipahahayag Ko pagkatapos ang Aking kalooban sa mga tao, at sisimulan ang pangalawang bahagi ng Aking gawain sa tao, hinahayaan ang lahat ng tao na sundan Ako nang malapitan upang makiisa sa Aking gawain, at hinahayaan ang mga tao na gawin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya upang isakatuparang kasama Ko ang gawaing marapat kong gawin.

Walang sinuman ang nananampalataya na makikita nila ang Aking kaluwalhaitan, at hindi Ko sila pinipilit, sa halip inililipat ang Aking kaluwalhatian mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan at dinadala ito sa isa pang mundo. Kapag ang mga tao ay nagsising muli, saka Ko ipamamalas ang Aking kaluwalhatian sa karamihan pa niyaong may paniniwala. Ito ang prinsipyo kung paano ako gumagawa. Dahil mayroong oras na ang Aking kaluwalhatian ay lilisanin ang Canaan, at mayroon ding panahon kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay lilisanin ang mga napili. Bilang karagdagan, mayroong isang panahon kung kailan ang Aking kaluwalhatian ay lilisanin ang buong daigdig, magsasanhi upang ito ay maging makulimlim at isinasadlak ito sa kadiliman. Kahit ang lupain ng Canaan ay hindi makikita ang liwanag ng araw; mawawalan ang lahat ng tao ng kanilang pananampalataya, nguni’t walang sinuman ang kayang tiising iwan ang mabangong samyo ng lupain ng Canaan. Kapag dumaan Ako papunta sa bagong langit at lupa at saka Ko lamang ibubunyag ang iba pang bahagi ng Aking kaluwalhatian, una, sa lupain ng Canaan, magsasanhi ng kinang ng liwanag na sumikat sa buong daigdig, na nakalubog sa madilim na gabi, kung kaya’t ang buong daigdig ay lalapit sa liwanag. Hayaan ang lahat ng tao sa buong daigdig na lumapit upang humugot ng lakas mula sa kapangyarihan ng liwanag, pinahihintulutan ang Aking kaluwalhatian na tumindi pa at magpakita nang panibago sa bawat bansa. Hayaang mapagtanto ng buong sangkatauhan na matagal na Akong dumating sa mundo ng mga tao at matagal na ring dinala ang Aking kaluwalhatian mula Israel tungo sa Silangan; dahil ang Aking kaluwalhatian ay sumisikat mula sa Silangan, kung saan ito dinala mula sa Kapanahunan ng Biyaya hanggang sa araw na ito. Nguni’t ito ay mula sa Israel na Aking nilisan at mula roon na Ako ay dumating sa Silangan. Kung kailan lamang na ang liwanag ng Silangan ay marahang nagiging kulay puti saka ang kadiliman sa buong daigdig ay magsisimulang maging liwanag, at doon lamang matutuklasan ng tao na matagal na akong lumisan sa Israel at muling bumabangon sa Silangan. Yamang minsan na Akong nakábábâ sa Israel at sa dakong huli ay nilisan ito, hindi na Ako maipapanganak sa Israel, dahil ang Aking gawain ay pumapatnubay sa buong sansinukob, at ang higit pa, ang kidlat ay tuwirang kumikislap mula Silangan hanggang Kanluran. Sa kadahilanang ito nakábábâ Ako sa Silangan at dinala ang Canaan sa mga tao ng Silangan. Hinahangad ko na dalhin ang mga tao mula sa buong daigdig tungo sa lupain ng Canaan, kaya’t ipinagpapatuloy kong ilabas ang Aking mga pagbigkas sa lupain ng Canaan upang pigilan ang buong sansinukob. Sa panahong ito, walang liwanag sa buong daigdig maliban sa Canaan, at lahat ng tao ay nasa panganib ng gutom at lamig. Ibinigay Ko ang Aking kaluwalhatian sa Israel at pagkatapos ay inalis iyon, at pagkatapos ay dinala ang mga Israelita patungo sa Silangan, at ang buong sangkatauhan patungo sa Silangan. Nadálá Ko silang lahat sa liwanag upang sila ay muling makaisa nito, at makasama nito, at hindi na muling mangailangan pang maghanap para dito. Pahihintulutan Ko ang lahat ng naghahanap na makitang muli ang liwanag at makita ang kaluwalhatian na mayroon Ako noon sa Israel; sila ay pahihintulutan Ko na makitang matagal na Akong nakábábâ mula sa isang puting ulap tungo sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at hayaan silang makita ang hindi-mabilang na mga ulap na puti at masaganang kumpul-kumpol na prutas, at higit pa rito, hayaan silang makita si Jehova na Diyos ng Israel. Sila ay hahayaan Kong tumingin sa Panginoon ng mga Hudyo, ang kinasasabikang Mesiyas, at sa buong pagpapakita Ko na inuusig na ng mga hari sa buong mga kapanahunan. Ako ay gagawa sa buong sansinukob at Ako ay gaganap ng dakilang gawain, ibinubunyag ang Aking buong kaluwalhatian at lahat ng Aking mga gawa sa tao sa mga huling araw. Ipakikita Ko ang Aking maluwalhating mukha sa kapuspusan nito sa mga naghintay sa Akin nang maraming taon, sa mga nanabik sa Akin na dumating sa ibabaw ng puting ulap, sa Israel na nanabik sa Akin na magpakitang muli, at sa buong sangkatauhan na siyang umuusig sa Akin, upang ang lahat ay makaalam na matagal Ko nang inalis ang Aking kaluwalhatian at dinala ito sa Silangan, nang sa gayon ito ay wala na sa Judea. Sapagka’t ang mga huling araw ay nakárátíng na!

Ginagawa Ko sa buong sansinukob ang Aking gawain, at sa Silangan, walang-katapusan ang paglabas ng dumadagundong na mga kalabog, yumayanig sa lahat ng mga taguri at mga sekta. Ang Aking tinig ang siyang nag-akay sa lahat ng tao tungo sa kasalukuyan. Sasanhiin Ko ang lahat ng tao na malupig ng Aking tinig, upang mangahulog sa batis na ito, at magpasakop sa Aking harapan, dahil matagal Ko nang binawi ang Aking kaluwalhatian mula sa buong daigdig at inilabas ito nang panibago sa Silangan. Sino ang hindi nananabik na makita ang Aking kaluwalhatian? Sino ang hindi balisang naghihintay sa Aking pagbabalik? Sino ang hindi nauuhaw para sa Aking muling pagpapakita? Sino ang hindi nagmimithi para sa Aking kariktan? Sino ang hindi lalapit sa liwanag? Sino ang hindi titingin sa kayamanan ng Canaan? Sino ang hindi nananabik sa pagbabalik ng Tagapagligtas? Sino ang hindi sumasamba sa Dakilang Makapangyarihan sa lahat? Ang Aking tinig ay lalaganap sa buong daigdig; nais Ko, kaharap ang mga taong Aking pinili, na magsalita pa ng higit na maraming salita sa kanila. Kagaya ng makapangyarihang mga kulog na yumayanig sa mga bundok at mga ilog, Aking winiwika ang Aking mga salita sa buong sansinukob at sa sangkatauhan. Kaya naman ang mga salita sa Aking bibig ay nagiging yaman ng tao, at minamahal ng lahat ng tao ang Aking mga salita. Kumikislap ang kidlat mula Silangan nang tuluy-tuloy hanggang Kanluran. Ang Aking mga salita ay gayon na umaayaw ang tao na isuko ang mga ito at kasabay nito ay nasusumpungang hindi maarok ang mga iyon, nguni’t nagbubunyi sa mga iyon, nang lalong higit pa. Gaya ng isang bagong-silang na sanggol, masaya at nagagalak ang lahat ng tao, ipinagdiriwang ang Aking pagdating. Sa pamamagitan ng Aking tinig, dadalhin Ko ang lahat ng tao sa Aking harapan. Mula roon, pormal Akong papasok sa sangkatauhan nang sa gayon ay lalapit sila para sambahin Ako. Sa pamamagitan ng kaluwalhatian na Aking pinasisinag at ng mga salita sa Aking bibig, Aking gagawin ito na anupa’t ang lahat ng mga tao ay lumalapit sa harapan Ko at makikita na kumikislap ang kidlat mula sa Silangan, at na nakábábâ na rin Ako sa “Bundok ng mga Olivo” ng Silangan. Makikita nila na matagal na Akong nasa daigdig, hindi na bilang Anak ng mga Hudyo bagkus ay bilang ang Kidlat ng Silangan. Dahil matagal na Akong nabuhay muli, at lumisan mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, at nagpakitang muli sa gitna ng mga tao nang may luwalhati. Ako ay Siyang sinamba nang di-mabilang na mga kapanahunan noon, at Ako rin ang “sanggol” na tinalikdan ng mga Israelita nang di-mabilang na mga kapanahunan noon. Higit pa rito, Ako ang lubos-na-maluwalhating Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat ng kasalukuyang kapanahunan! Hayaan ang lahat na lumapit sa harapan ng Aking trono at makita ang Aking maluwalhating mukha, marinig ang Aking tinig, at tumingin sa Aking mga gawa. Ito ay ang kabuuan ng Aking kalooban; ito ang katapusan at ang rurok ng Aking plano, gayundin ang layunin ng Aking pamamahala. Hayaan ang bawa’t bansa ay sambahin Ako, kilalanin Ako ng bawa’t dila, bawa’t tao’y panatilihin ang pananampalataya sa Akin, at bawa’t tao ay magpasakop sa Akin!


mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)

Mga Talababa:

a. Hindi kasama sa orihinal na teksto ang pariralang “makita na.”


Nabuo ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos—ang nagbalik na Panginoong Jesus—ang Cristo ng mga huling araw, at gayundin sa ilalim ng Kanyang matuwid na paghatol at pagkastigo. Ang iglesia ay binubuo ng lahat ng taong tunay na tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nalupig at nailigtas ng salita ng Diyos. Lubos itong itinatag ng Makapangyarihang Diyos nang personal, at personal Niyang pinamunuan at ginabayan, at hindi ito itinatag ng sinumang tao. Ito ay isang katotohanang tanggap ng lahat ng piniling tao sa Iglesia ng Makapangyarihang Diyos.