Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Pag-bigkas ng Diyos | Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI


Ang Kabanalan ng Diyos (III)


      Ano’ng pakiramdam ninyo matapos ninyong dasalin ang inyong mga panalangin? (Tuwang-tuwa at naantig.) Simulan natin ang ating pagsasamahan. Anong paksa ang ating pagsasamahan noong nakaraan? (Ang kabanalan ng Diyos.) At aling aspeto ng Diyos Mismo ang nauukol sa kabanalan ng Diyos? Ito ba ay ukol sa kakanyahan ng Diyos? (Oo.) Kaya ano ang eksaktong paksa na nauukol sa kakanyahan ng Diyos? Ito ba’y ang kabanalan ng Diyos? (Oo.) Ang kabanalan ng Diyos: ito ang natatanging kakanyahan ng Diyos. Ano ang pangunahing tema na ating pinagsamahan noong nakaraan? (Pagkilala sa kasamaan ni Satanas.) At ano ang pagsasamahan natin noong nakaraan tungkol sa kasamaan ni Satanas? Naaalaala ba ninyo? (Kung paano itiwali ni Satanas ang sangkatauhan. Ginagamit nito ang kaalaman, siyensiya, tradisyunal na kultura, pamahiin, at panlipunang uso upang itiwali tayo.) Tama, ito ang pangunahing paksa na tinalakay natin nang nakaraan. Ginagamit ni Satanas ang kaalaman, siyensiya, pamahiin, tradisyunal na kultura, at panlipunang uso upang itiwali ang tao; ang mga ito ang mga paraan na kung saan ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Ilan lahat ang mga paraang ito? (Lima.) Alin-aling limang mga paraan? (Siyensiya, kaalaman, trasdisyunal na kultura, pamahiin, at panlipunang uso.) Alin sa palagay ninyo ang mas pinaka-ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao, ang bagay na mas malalim na ginagawa silang tiwali? (Tradisyunal na kultura.) May ilang mga kapatid na nag-iisip na ito ay tradisyunal na kultura. May iba pa? (Kaalaman.) Tila kayo ay may mataas na antas ng kaalaman. Mayroon pang iba? (Kaalaman.) Pareho kayo ng pananaw. Ang mga kapatid na nagsabing tradisyunal na kultura, maaari n’yo bang sabihin sa amin kung bakit ganito ang naisip ninyo? Mayroon ba kayong pagkaunawa nito? Hindi n’yo ba nais na ipaliwanag ang inyong pagkaunawa? (Ang mga pilosopiya ni Satanas at ang mga doktrina nina Confucius at Mencius ay malalim na nakatanim sa aming mga isip, kaya pakiramdam namin labis na ginagawa kaming tiwali ng mga ito.) Kayo na nag-iisip na ito ay ang kaalaman, maaari n’yo bang ipaliwanag kung bakit? Sabihin ang inyong mga dahilan. (Hindi tayo kailanman pahihintulutan ng kaalaman na sambahin ang Diyos. Itinatanggi nito ang pag-iral ng Diyos, at itinatanggi ang pamamahala ng Diyos. Iyon ay, ang kaalaman ay nagsasabi sa atin na mag-aral mula sa batang edad, at tanging sa pag-aaral at pagtamo ng kaalaman lamang natin matitiyak ang ating kinabukasan at tadhana. Sa ganitong paraan, ginagawa tayong tiwali nito.) Kaya ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang kontrolin ang iyong kinabukasan at tadhana, samakatuwid ikaw ay pinangungunahan nito sa paghila nito sa iyong ilong; Ito ang iyong iniisip kung paano labis na ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Kaya karamihan sa inyo ay iniisip na ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang itiwali ang tao nang mas malaliman. Mayroon pa bang iba? Ano ang tungkol sa siyensiya o panlipunang uso, halimbawa? Mayroon bang sinumang sumasang-ayon sa mga ito? (Oo.) Ngayon, pagsasamahan kong muli ang tungkol sa limang mga paraan na kung saan ginagawang tiwali ni Satanas ang tao at, kapag ako ay natapos na, tatanungin ko kayo ng ilang mga katanungan upang makita nang eksakto sa aling aspeto labis na ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Naiintindihan ninyo ang paksang ito, hindi ba?


   Ang katiwalian ni Satanas sa tao ay pangunahing nagpapakita sa limang mga aspeto; ang limang aspetong ito ay ang limang mga paraan na kung saan ginagawang tiwali ni Satanas ang tao. Ang una sa limang mga paraang ito na ating nabanggit ay ang kaalaman, kaya unahin natin ang kaalaman bilang paksa ng ating pagsasamahan. Ginagamit ni Satanas ang kaalaman bilang pain. Makinig nang maigi: Ito ay isang rui lamang ng pain. Ang mga tao ay nauudyok na “mag-aral nang mabuti at pagbutihin araw-araw,” upang sandatahan ang kanilang mga sarili ng kaalaman, gaya ng isang sandata, sa gayon gamitin ang kaalaman upang mabuksan ang tarangkahan sa siyensiya; sa ibang salita, kung mas maraming kaalaman ang iyong matamo, mas lalo mong mauunawaan. Sinasabi ni Satanas ang lahat ng ito sa mga tao. Sinasabi ni Satanas sa mga tao na pagyamanin din ang matatayog na mga ideyal, habang sila ay natututo ng kaalaman, sinasabi sa kanila na magkaruon ng mga ambisyon at mga ideyal. Lingid sa kaalaman ng mga tao, si Satanas ay nagpapahatid ng maraming mensaheng tulad nito, na nagiging dahilan upang ang mga tao ay walang malay na maramdaman na ang mga bagay na ito ay tama, o kapaki-pakinabang. Walang kaalam-alam, ang mga tao ay naglalakad sa ganitong uri ng daan, walang kaalaman-alam na inaakay pasulong ng kanilang sariling mga ideyal at mga ambisyon. Hakbang kada hakbang, ang mga tao ay walang kaalam-alam na natututo mula sa kaalaman na ibinigay ni Satanas ang mga pag-iisip ng mga dakila o bantog na mga tao, at tinatanggap ang mga ideyang ito. Natututunan din nila ang isang bagay matapos ang isa mula sa mga gawa ng ilan na itinuturing ng mga tao bilang mga bayani. Maaaring alam ninyo ang ilan sa kung ano ang itinataguyod ni Satanas para sa tao sa mga gawa ng mga bayaning ito, o ano’ng nais nitong ikintal sa tao. Ano ang ikinikintal ni Satanas sa tao? Ang tao ay dapat maging makabayan, may pambansang katapatan, at maging magiting. Ano ang natutunan ng tao mula sa ilang makasaysayang mga kuwento o mula sa ilang mga talambuhay nang magigiting na mga tao? Na magkaroon ng pakiramdam na personal na katapatan, o gumawa ng anumang bagay para sa isang kasama o para sa isang kaibigan. Sa loob ng kaalamang ito ni Satanas, walang kaalam-alam na natututunan ng tao ang maraming bagay, at natututunan ang maraming di-positibong mga bagay. Sa gitna ng walang kamalayan, ang mga binhi na inihanda para sa kanila ni Satanas ay naitatanim sa kanilang wala pa sa gulang na mga isip. Ang mga binhing ito ang nagpaparamdam sa kanila na dapat silang maging mga dakilang tao, na dapat maging bantog, na dapat maging mga bayani, na maging makabayan, maging mga tao na nagmamahal sa kanilang mga pamilya, o maging mga tao na gagawin ang anuman para sa isang kaibigan at magkaroon ng pakiramdam na personal na katapatan. Nasulsulan ni Satanas, sila’y walang kaalam-alam na tinatahak nila ang daan na inihanda nito para sa kanila. Habang tinatahak nila ang daang ito, napipilitang silang tanggapin ang mga patakaran sa pamumuhay ni Satanas. Walang kaalam-alam at sila mismo’y ganap na walang malay, bumubuo sila ng sarili nilang mga patakaran sa pamumuhay, samantalang ang mga ito ay walang iba kundi ang mga patakaran ni Satanas na sapilitang ikinintal sa kanila. Sa panahon ng proseso ng pag-aaral, idinudulot ni Satanas na itaguyod nila ang kanilang sariling mga layunin, na pagpasiyahan ang kanilang sariling mga layunin sa buhay, mga patakaran ng pamumuhay, at direksiyon sa buhay, habang ang lahat na ikinikintal sa kanila ay ang mga bagay ni Satanas, ginagamit ang mga kuwento, ginagamit ang mga talambuhay, ginagamit ang lahat ng mga paraang posible upang makuha ang mga tao na, unti-unti, kunin ang pain. Sa ganitong paraan, ang mga tao ay bumubuo ng sarili nilang mga libangan at mga gawain sa panahon ng kurso ng kanilang pag-aaral: Ang ilan ay nagugustuhan ang panitikan, ang ilan sa ekonomika, ang ilan sa astronomya o heograpya. Saka mayroong ilan na nagugustuhan ang pulitika, may ilan na gusto ang pisika, ilan ay kimika, at pati ang ilan ay gusto ang teolohiya. Ang lahat ng mga ito ay bahagi ng kaalaman at kayo ay nakipag-ugnayan sa mga ito. Sa inyong mga puso, bawat isa sa inyo ay nakakaalam kung paano ang pakikitungo sa mga bagay na ito, bawat isa ay nagkaroon na ng ugnayansa kanila. Tungkol sa mga uri ng kaalaman na ito, sinuman ay maaaring tiyak na mangusap nang walang katapusan tungkol sa isa sa mga ito. At kaya malinaw kung gaano labis na nakapasok ang kaalamang ito sa isip ng tao, ipinapakita nito ang posisyon na inookupahan ng kaalamang ito sa isip ng tao at kung gaano kalalim ang epekto nito sa tao. Kapag ang isang tao ay nagustuhan ang isang tapyas ng kaalaman, kapag sa kanilang puso ang isang tao ay malalim na nagmahal sa isa, sila samakatuwid ay walang kaalam-alam na bumubuo ng mga ideyal: Ang ilang mga tao ay nagnanais maging mga may-akda, ang ilan ay nagnanais maging mga manunulat, ang ilang ay nagnanais na gawing karera ang pulitika, at ilan ang nagnanais na makasali sa ekonomika at maging mga negosyante. Saka mayroong isang grupo ng mga tao na nagnanais maging mga bayani, na maging dakila o bantog. Hindi alintana kung anong uri ng tao nais maging ng sinuman, ang kanilang layunin ay kunin ang paraang ito nang pag-aaral ng kaalaman at gamitin ito para sa sarili nilang mga layunin, upang matupad ang kanilang sariling mga hangarin, kanilang sariling mga ideyal. Gaano man kagandang pakinggan ito—nais nilang makamit ang kanilang mga pangarap, hindi mamuhay nitong buhay na walang saysay, o nais nilang makasali sa isang karera—sila ay nanghihikayat ng mga matatayog na mga ideyal na ito at mga ambisyon ngunit, sa totoo, para sa ano ang lahat ng ito? Naisip na ba ninyo ito dati? Bakit gustong gawin ito ni Satanas? Ano ang layunin ni Satanas, sa pagkikintal ng mga bagay na ito sa tao? Ang inyong mga puso ay dapat maging malinaw sa tanong na ito.

       Ngayon ay pag-usapan natin ang tungkol sa kung paano ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang itiwali ang tao. Mula sa kung ano ang napag-usapan na natin hanggang ngayon, nasimulan n’yo na bang makilala ang masamang mga motibo ni Satanas? (Bahagya.) Bakit ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang itiwali ang tao? Ano ang nais nitong gawin sa tao sa paggamit ng kaalaman? Akayin ang tao upang sundan ang anong uri ng daan? (Upang tutulan ang Diyos.) Ito ay tiyak na upang tutulan ang Diyos. Ito ang epekto na maaaring makita mo sa mga tao na nag-aaral ng kaalaman, at ang kalalabasan na iyong makikita matapos ang pag-aaral ng kaalaman—ang pagtutol sa Diyos. Kaya ano ang mga masasamang mga motibo ni Satanas? Hindi ka nalilinawan, hindi ba? Sa panahon ng proseso nang pag-aaral ng tao sa kaalaman, gagamitin ni Satanas ang anumang paraan upang malugod ang mga tao sa kanilang sariling mga pagkamakasakim at matupad ang kanilang sariling mga ideyal. Malinaw ba sa iyo kung anong eksaktong daan nais kang akayin ni Satanas? Sa mahinahong pananalita, iniisip ng mga tao na walang mali sa pag-aaral ng kaalaman, na ito ay isang natural na pinagdaraanan. Iniisip nila na sa pagpapayaman ng matayog na mga ideyal o ang magkaroon ng mga ambisyon ay tinatawag lamang na pagkakaroon ng mga hangarin, at ito ang tamang daan na kailangan sundin ng tao. Kung maaaring mapagtanto ng mga tao ang kanilang sariling mga ideyal, o subukan ang isang karera sa buhay—hindi kaya mas maluwalhati ang mabuhay sa ganoong paraan? Ang hindi lamang igalang ang sariling mga ninuno sa ganoong paraan subalit ang mag-iwan din ng isang tatak sa kasaysayan—hindi ba ito isang mabuting bagay? Ito ay isang mabuti at naaangkop na bagay sa mga mata ng makamundong mga tao. Si Satanas ba, gayunman, kasama ang mga masasamang mga motibo nito, ay dinadala ang mga tao sa ganitong uri ng daan at pagkatapos ay nagpapasiya na tapos na? Tiyak na hindi. Sa katunayan, gaano man katayog ang mga ideyal ng tao, gaano man makatotohanan ang mga pagnanais ng tao o gaano kaangkop maaari sila maging, ang lahat na ninanais ng tao na matamo, ang lahat na hinahanap ng tao ay hindi maiiwasang nakadugtong sa dalawang salita. Ang dalawang salitang ito ay lubhang napakahalaga sa buhay ng bawat tao, at ang mga ito ay ang mga bagay na binabalak na ikintal ni Satanas sa tao. Aling dalawang salita ang mga ito? Una ay “katanyagan” at ang isa ay “pakinabang”: Sila ay katanyagan at pakinabang. Si Satanas ay gumagamit ng isang napaka-madayang uri ng paraan, isang paraan na sabay na sabay sa mga paniniwala ng tao; hindi ito anumang uri nang radikal na paraan. Sa gitna na kawalang-malay, natatanggap ng mga tao ang uri ng pamumuhay ni Satanas, ang mga patakaran nito ng pamumuhay, pagtatatag ng mga layunin sa buhay at kanilang direksyon sa buhay, at sa ganoon walang-malay din silang nagkakaroon ng mga ideyal sa buhay. Gaano man tila mataas pakinggan ang mga ideyal na ito sa buhay, sila ay pagkukunwari lamang na hindi maiiwasan na nakadugtong sa katanyagan at pakinabang. Sinumang dakila o bantog na tao, lahat ng mga tao sa katunayan, anumang bagay na sinusundan nila sa buhay ay tanging nauugnay sa dalawang mga salitang ito: “katanyagan” at “pakinabang.” Hindi nga ba? (Oo.) Iniisip ng mga tao na kapag nagkaroon sila ng katanyagan at pakinabang, samakatuwid maaari nilang gawing puhunan yaon upang tamasahin ang mataas na estado at malaking kayamanan, at masiyahan sa buhay. Kapag mayroon silang katanyagan at pakinabang, samakatuwid maaari nilang gawing puhunan yaon sa kanilang paghahanap ng kasiyahan at walang-prinsipyong pagtatamasa sa laman. Ang mga tao ay maluwag sa loob, kahit na walang kaalam-alam, na dinadala ang kanilang mga katawan, mga isip, at lahat ng mayroon sila, ang kanilang kinabukasan at kanilang mga tadhana at ibinibigay ang lahat ng mga ito kay Satanas upang makamit ang katanyagan at pakinabang na kanilang ninanais. Ginagawa ito ng mga tao na kailanman walang isang sandali ng pag-aatubili, kailanma’y mangmang sa pangangailangan na mabawi itong lahat. Ang mga tao kaya ay mayroon pang anumang kontrol sa kanilang mga sarili kapag napunta sila sa panig ni Satanas sa ganitong paraan at maging matapat dito? Tiyak na hindi. Sila ay ganap at lubos na kontrolado ni Satanas. Sila rin ay ganap at lubos na walang kakayanan na mapalaya ang kanilang mga sarili mula sa mahirap na kalagayan na kinasasangkutan nila. Kapag ang isang tao ay naparumi ng katanyagan at pakinabang, hindi na nila hinahanap ang liwanag, na matuwid o yaong mga bagay na maganda at mabuti. Ito ay dahil sa ang nakatutuksong kapangyarihan na mayroon ang katanyagan at pakinabang sa mga tao ay napakalaki, at sila ay nagiging mga bagay para sa mga tao upang tugisin sa buong buhay nila at kahit pati na sa lahat ng kawalang-hanggan nang walang katapusan. Hindi ba ito totoo? May ilang tao ang magsasabi na ang pag-aaral ng kaalaman ay wala ng higit sa pagbabasa ng mga libro o pag-aaral ng iilang mga bagay na hindi pa nila alam, sinasabing ginagawa nila ito upang sa gayon ay hindi maging huli sa mga panahon o hindi mapag-iwanan ng mundo. Sasabihin nila na ang kaalaman ay napapag-aralan lamang upang maaari silang makapaglagay ng pagkain sa hapag, para sa kanilang sariling kinabukasan o para sa pangunahing mga pangangailangan. Ngayon maaari mo bang sabihin sa Akin kung mayroong kahit sino na makakatiis nang mahirap na pag-aaral para lamang sa pangunahing mga pangangailangan, para lamang lutasin ang isyu ng pagkain? (Wala, walang ganon.) Walang mga taong ganito! Kaya ano ito na kanyang tinitiis ang mga paghihirap na ito at para saan ang pinagdurusahan niya sa lahat ng mga taong ito? Ito ay para sa katanyagan at pakinabang: Ang katanyagan at pakinabang ay naghihintay sa kanya, tumatawag sa kanya, at naniniwala lamang siya sa kanyang sariling sipag, mga paghihirap at pagpupunyagi maaaring masundan ang daang iyon at sa gayon makamit ang katanyagan at pakinabang. Dapat siyang magdusa ng mga paghihirap na ito para sa kanyang sariling hinaharap na landas, para sa kanyang hinaharap na kasiyahan at mas mainam na buhay. Maaari ba ninyong sabihin sa Akin kung ano talaga sa lupa ang kung tawagin ay kaalaman? Hindi ba ito ang mga patakaran ng pamumuhay at isang daan sa buhay na ikinintal sa mga tao ni Satanas, itinuro sa kanila ni Satanas sa kurso ng kanilang pag-aaral ng kaalaman? Hindi ba ito ang matayog ng mga ideyal sa buhay na ikinintal sa tao ni Satanas? Halimbawa, ang mga ideya ng dakilang mga tao, ang katapatan ng mga bantog o matatapang na espiritu ng mga bayani, o ang kagalantihan at kabaitan ng mga magkakalaban at mga eskrimador sa mga nobela ng sining ng pagtatanggol; ang mga ideyang ito ay nakakaimpluwensya sa isang henerasyon matapos ang isa, at ang mga tao sa bawat henerasyon ay dinadala na matanggap ang mga ideyang ito, na mabuhay para sa mga ideyang ito at tugisin sila nang walang katapusan. Ito ang daan, ang paagusan, na kung saan ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang itiwali ang tao. Kaya matapos na maihatid ni Satanas ang mga tao sa daan ng katanyagan at pakinabang, posible pa kaya sa kanila ang maniwala sa Diyos, na sambahin Siya? (Hindi, hindi na.) Ang kaalaman at ang mga patakaran sa pamumhay na ikinintal sa tao sa pamamagitan ni Satanas ay may laman ba ng anumang pag-iisip na sambahin ang Diyos? Hinahawakan ba nila ang anumang pag-iisip na nabibilang sa katotohanan? (Hindi, hindi nila.) Naglalaman ba sila ng anumang realidad tungkol sa pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan? (Hindi, hindi nila.) Tila kayo ay nagsasalita nang may kaunting walang katiyakan, ngunit hindi mahalaga. Hanapin ang katotohanan sa lahat ng mga bagay at makukuha ninyo ang tamang mga kasagutan; tanging sa mga tamang sagot maaari kayong makalakad sa tamang daan.

      Tayo ay dagliang magbalik-tanaw: Ano ang ginagamit ni Satanas upang panatilihing nakakulong at kontrolado ang tao? (Katanyagan at pakinabang.) Kaya ginagamit ni Satanas ang katanyagan at pakinabang upang kontrolin ang mga iniisip ng tao hanggang ang lahat ng maaari nilang isipin ay katanyagan at pakinabang na lamang. Nagsusumikap sila para sa katanyagan at pakinabang, nagdurusa ng mga paghihirap para sa katanyagan at pakinabang, tinitiis ang kahihiyan para sa katanyagan at pakinabang, isinasakrispisyo ang lahat-lahat na mayroon sila para sa katanyagan at pakinabang, at sila’y gagawa ng anumang paghatol o disisyon upang kapwa panatilihin at makamit ang katanyagan at pakinabang. Sa ganitong paraan iginagapos ni Satanas ang tao ng di-nakikitang mga kadena. Ang kadenang ito ay nakapasan sa mga katawan ng tao, at wala silang lakas ni tapang na itapon ito. Kaya ang mga tao ay kailanman naglalakad pasulong nang may malaking paghihirap, walang kaalam-alam na dinadala ang kadenang ito. Para sa kapakanan ng katanyagan at pakinabang na ito, ang sangkatauhan ay nahiwalay sa Diyos at ipinagkanulo Siya. Sa pagdaan ng bawat henerasyon, ang sangkatauhan ay naging higit na mas masama, higit na mas madilim at kaya sa ganitong paraan ang isang henerasyon matapos ang isa ay winawasak sa katanyagan at pakinabang ni Satanas. Sa pagtingin ngayon sa mga aksyon ni Satanas, ano ang eksaktong masamang mga motibo nito? Malinaw na ito ngayon, hindi ba? Hindi ba kasuklam-suklam si Satanas? (Oo!) Marahil ngayon hindi n’yo pa rin nakikita ang masamang mga motibo ni Satanas sapagkat iniisip ninyo na walang buhay kung walang katanyagan at pakinabang. Iniisip ninyo na, kapag iniwan ng mga tao ang katanyagan at pakinabang, samakatuwid hindi na nila makikita ang daan sa unahan, hindi na maaaring makita ang kanilang mga layunin, ang kanilang hinaharap ay magiging madilim, malamlam at mapanglaw. Subalit, dahan-dahan, isang araw ay malalaman ninyong lahat na ang katanyagan at pakinabang ay parang halimaw na kadena na ginagamit ni Satanas upang igapos ang tao. Hanggang sa araw na malaman mo ito, lubusan mong tutulan ang pagkontrol ni Satanas at lubusang lalabanan ang kadena na dala-dala ni Satanas upang igapos ka. Kapag dumating ang oras para naisin mong itapon lahat ng mga bagay na ikinintal sa iyo, ikaw sa gayon ay malinis na makikipagsira kay Satanas at tunay ding kamumuhian ang lahat nang dinala sa iyo ni Satanas. Sa gayon lamang magkakaroon ka ng isang tunay na pag-ibig at pananabik sa Diyos; sa gayon lamang maaari kang makalakad sa tamang daan ng buhay sa pagtugis sa katotohanan.

      Katatapos lamang nating pag-usapan ang tungkol sa kung paano ginagamit ni Satanas ang kaalaman upang itiwali ang tao, kaya ang susunod nating pagsasamahan ay tungkol sa kung paano gamitin ni Satanas ang siyensiya upang itiwali ang tao. Una, sa paggamit ng siyensiya upang itiwali ang tao, ginagamit ni Satanas ang pangalan ng siyensiya upang bigyang-kasiyahan ang pagkausyoso ng tao, bigyan-kasiyahan ang pagnanais[a] ng tao na saliksikin ang siyensiya at siyasating mabuti ang mga misteryo. Ganoon din sa ngalan ng siyensiya, binigyang-kasiyahan ni Satanas ang materyal na mga pangangailangan ng tao at hinihingi ng tao na tuluy-tuloy na iangat ang kanilang kalidad ng buhay. Si Satanas samakatuwid, sa pangalan nito, ay ginagamit ang daan ng siyensiya upang itiwali ang tao. Ito ba ay iniisip lamang ng tao o kaisipan ng tao na ginagawang tiwali ni Satanas ang tao sa pamamagitan ng paraan ng siyensya? Sa gitna ng mga tao, mga pangyayari, at mga bagay sa ating kapaligiran na ating nakikita at na ating nakakasalamuha, sa ano pa ginagamit ni Satanas ang siyensiya upang itiwali? (Ang natural na kapaligiran.) Tama kayo. Tila kayo ay lubhang napinsala nito, at labis din na naapektuhan nito. Maliban sa paggamit ng siyensiya upang linlangin ang tao, ginagamit ang lahat ng iba’t-ibang mga natuklasan at mga konklusyon ng siyensiya upang linlangin ang tao, ginagamit din ni Satanas ang siyensiya bilang isang paraan upang isagawa ang walang pakundangan na pagkawasak at pagsasamantala sa buhay na kapaligiran na ipinagkaloob sa tao ng Diyos. Ginagawa ito nito sa ilalim ng pagkukunwari na kung isasagawa ng tao ang siyentipikong pananaliksik, sa gayon ang buhay na kapaligiran ng tao ay magiging pabuti nang pabuti at ang pamantayan ng pamumuhay ng tao ay patuloy na uunlad, at dagdag pa ang siyentipikong kaunlaran ay ginagawa upang magsilbi sa pang-araw-araw na dumadaming materyal na mga pangangailangan ng tao at patuloy na pangangailangang iangat ang kanilang kalidad ng buhay. Kung hindi sa mga dahilang ito, sa gayon tinatanong nito kung ano ang ginagawa mong pagpapaunlad sa siyensiya sa anumang paraan. Ito ang pang-teoriyang batayan ni Satanas sa pagpapaunlad sa siyensiya. Anong mga kalalabasan, gayunpaman, mayroon ang siyensiya para sa sangkatauhan? Ano ang bumubuo sa ating agarang kapaligiran? Hindi ba’t ang hangin na nilalanghap ng sangkatauhan ay madumi na? Ang tubig bang ating iniinom ay tunay na dalisay pa? (Hindi.) Sa gayon ano ang tungkol sa pagkain na ating kinakain, ang karamihan ba nito ay natural? (Hindi.) Sa gayon ano ito? Ito ay pinalalago gamit ang abono at nililinang gamit ang genetikong pagbabago, at mayroong ding mga pagbabagong dulot nang paggamit ng iba’t-ibang siyentipikong mga pamamaraan, sa gayon kahit na ang mga gulay at prutas na ating kinakain ay hindi na natural. Hindi madali ngayon para sa mga tao na makatagpo nang hindi-nabagong mga produktong pagkain na makakain. Kahit ang lasa ng mga itlog ay hindi na gaya nang dati, dahil naproseso na ni Satanas sa tinaguriang siyensiya. Sa pagtingin sa mas malaking larawan, ang buong kapaligiran ay winasak at dinumihan; mga kabundukan, lawa, kagubatan, ilog, karagatan, at lahat-lahat na nasa ibabaw o ilalim ng lupa ay nasira na nang tinatawag na siyentipikong mga nagawa. Sa ibang salita, ang buong ekolohiya, ang buong buhay na kapaligiran na ipinagkaloob sa tao ng Diyos ay nadumihan at winasak ng tinaguriang siyensiya. Bagaman mayroong maraming mga tao na nakapagkamit nang kung ano ang inaasahan nila sa mga tuntunin sa kalidad ng buhay na kanilang hinahanap, binibigyan-kasiyahan kapwa ang kanilang mga pagkamakasakim at kanilang laman, ang kapaligirang tinitirhan ng tao ay talagang nasira at winasak ng iba’t-ibang “mga nagawa” na dulot ng siyensiya. Kahit sa labas o sa ating mga tahanan wala na tayo ngayong karapatang huminga ng isang hinga nang malinis na hangin. Sabihin mo sa Akin, ito ba’y ang dalamhati ng sangkatauhan? Mayroon pa bang anumang kaligayahang mapag-uusapan para ang tao ay mabuhay sa buhay na espasyong ito? Ang tao ay nabubuhay sa buhay na espasyong ito at, simula sa pinakasimula, ang buhay na kapaligirang ito ay nilikha ng Diyos para sa tao. Ang tubig na iniinom ng mga tao, ang hangin na nilalanghap ng mga tao, ang pagkain na kinakain ng mga tao, mga halaman, mga puno, at mga karagatan—ang buhay na kapaligirang ito ay lahat ipinagkaloob sa tao ng Diyos; ito ay natural, tumatakbo ayon sa kautusan ng kalikasan na inilatag ng Diyos. Kung walang siyensiya, at maaaring matamasa ng mga tao kung ano ang ipinagkaloob sa tao ayon sa paraan ng Diyos, maaaring silang maging maligaya at maaaring matamasa ang lahat sa kanyang pinaka-malinis. Ngayon, gayun paman, ang lahat ng ito ay nasira at winasak ni Satanas; ang pangunahing buhay na espasyo ng tao ay wala na sa kanyang pinaka-malinis. Subalit walang sinuman ang nakakapansin kung ano ang nagdulot ng ganitong uri ng kinalabasan o kung paano ito nangyari, at dagdag pa mas maraming mga taong nakakaunawa at lumalapit sa siyensiya sa paggamit ng mga ideya na ikinital sa kanila ni Satanas, at sa pagtingin sa siyensiya gamit ang makamundong mga mata. Hindi ba ito nakakapoot at kahabag-habag? Ngayon na nakuha na ni Satanas ang espasyo na kung saan ang sangkatauhan ay umiiral at ang kanilang buhay na kapaligiran at ginawa silang tiwali tungo sa ganitong estado, at kasama ang sangkatauhan na nagpapatuloy umunlad sa ganitong paraan, mayroon bang anumang pangangailangan para sa kamay ng Diyos na patayin ang sangkatauhang ito sa lupa na lubhang ginawang Tiwali at naging salungat sa Kanya? Mayroon bang anumang pangangailangan para sa kamay ng Diyos na wasakin ang sangkatauhan? (Wala.) Kung magpapatuloy ang sangkatauhan na umunlad sa ganitong paraan, anong direksyon ang tatahakin nito? (Pagkawasak.) Paano mawawasak ang sangkatauhan? Dagdag pa sa sakim na paghahanap ng tao sa katanyagan at pakinabang, palagi nilang isinasagawa ang siyentipikong pagtutuklas at malalimang pagsasaliksik, sa gayon walang-tigil na binibigyan-kasiyahan nila ang kanilang sariling materyal na mga pangangailangan at mga kasakiman; ano samakatuwid ang mga kalalabasan para sa tao? Una sa lahat wala ng anumang balanseng ekolohikal at, kasabay nito, ang mga katawan ng sangkatauhan ay lahat namantsahan at napinsala ng ganitong uri ng kapaligiran, at iba’t-ibang nakakahawang mga sakit, mga salot at manipis na ulap ay lumaganap sa lahat ng dako. Ito ay isang sitwasyon na ngayon ang tao ay walang kontrol, hindi ba tama iyon? Ngayong nauunawaan na ninyo ito, kung ang sangkatauhan ay di-sumunod sa Diyos, ngunit palaging sinusundan si Satanas sa ganitong paraan—ginagamit ang kaalaman upang patuloy na payamanin ang kanilang mga sarili, ginagamit ang siyensya upang walang-tigil na tuklasin ang hinaharap na buhay ng tao, ginagamit ang ganitong uri ng paraan upang patuloy na mabuhay—makikilala ba ninyo kung ano ang magiging natural na pagtatapos ng sangkatauhan? Ano ang magiging natural na pangwakas na kalalabasan? (Pagkawasak.) Ito ay pagkawasak: paisa-isang pagdating ng pagkawasak. Paisa-isang pagdating ng pagkawasak! Tila ngayon ang siyensiya ay isang uri ng gayuma at mabagal-kumilos na lason na inihanda ni Satanas para sa tao, upang sa gayon kapag sinubukan ninyong intindihin ang mga bagay-bagay gagawin ninyo ang gayon sa isang mahamog na manipis na ulap; gaano man kahirap ninyong tingnan, hindi ninyo maaaring makita nang malinaw ang mga bagay, at gaano man kahirap mong subukan, hindi ninyo maaaring malalaman ang mga ito. Si Satanas, gayunpaman, ay ginagamit pa rin ang pangalan ng siyensiya upang patakamin kayo at hilahin kayo sa ilong, isang paa nangunguna sa isa, tungo sa kailaliman at tungo sa kamatayan. Hindi nga ba? (Oo.) Ito ang ikalawang paraan.

    Ang usapin kung paano ginagamit ni Satanas ang tradisyunal na kultura upang itiwali ang tao ay nangangailangan din ng paliwanag. Maraming pagkakapareho sa pagitan ng tradisyunal na kultura at pamahiin, tanging ang tradisyunal na kultura ay may tiyak na mga kuwento, mga tukoy, at mga pinagmumulan. Nabuo at naimbento na ni Satanas ang maraming kuwentong katutubo o mga kuwento sa mga aklat ng kasaysayan, nag-iiwan sa mga tao nang malalim na impresyon ng tradisyunal na kultura o mga mapamahiing imahe. Halimbawa, ang sa Ang Walong Imortal na Tumatawid ng Dagat ng Tsina, Paglalakbay sa Kanluran, Ang Emperador ng Batong-Luntian, Sinakop ni Nezha ang Haring Dragon, at ang Pagpapatibay ng mga Diyos. Hindi ba ang mga ito ay malalim na nag-ugat sa mga isip ng tao? Kahit na ang ilang mga tao ay hindi nakakaalam ng lahat ng mga detalye, alam pa rin nila ang pangkalahatang mga kuwento, at ang pangkalahatang laman na ito ang dumikit sa iyong puso at dumikit sa iyong isip, at hindi mo makakalimutan ito. Ang mga bagay na ito ang itinayo ni Satanas para sa tao matagal na ang nakalipas, naipakalat na sa iba’t-ibang panahon ang mga iba’t-ibang mga kaisipan at mga pilosopiya sa buhay. Ang mga ito ay tuwirang nakakapinsala at nakakaagnas sa mga kaluluwa ng mga tao at inilalagay ang mga tao sa ilalim ng isang gayuma nang paisa-isa. Na ibig sabihin na kapag nasimulan mong tanggapin ang mga bagay na ito na nanggaling sa tradisyunal na kultura, mga kwento o pamahiin, kapag ang mga bagay na ito ay naitatag sa iyong isip, kapag nadikit ito sa iyong puso, ito ay parang isang gayuma—nabibitag ka at naiimpluwensyahan ng mga kulturang ito, ng mga ideyang ito at tradisyunal na mga kuwento. Iniimpluwensyahan nila ang iyong buhay, ang iyong pagtingin sa buhay at iniimpluwensyahan din nila ang iyong paghatol sa mga bagay. Mas higit pa iniimpluwensyahan nila ang pagtugis mo sa tunay na daan ng buhay: Ito ay talagang isang gayuma! Sinusubukan mo ngunit hindi mo maipagpag; tinataga mo sila ngunit hindi mo sila kayang mapabagsak; hinahataw mo sila ngunit hindi mo sila mapatumba. Hindi nga ba? (Oo.) Dagdag pa, pagkatapos na ang tao ay walang kaalam-alam na mapasailalim sa ganitong uri gayuma, walang kaalam-alam silang nagsisimulang sumamba kay Satanas, kinakandili ang imahe ni Satanas sa kanilang mga puso. Sa ibang salita, itinatag nila si Satanas bilang kanilang idolo, isang bagay para kanilang sambahin at tingalain, kahit humantong sa pagtrato dito sa parehong paraan na kanilang ginagawa sa Diyos. Walang kaalam-alam, ang mga bagay na ito ay nasa mga puso ng tao na nagkokontrol sa kanilang mga salita at gawa. Wala kang kaalam-alam na kinikilala mo ang pag-iral ng mga kuwentong ito, ginagawa ang mga ito na tunay na mga imahe, ginagawa ang mga ito na tunay na umiiral na mga bagay. Sa hindi pagkakaalam, walang kamalayan mong tinatanggap ang mga ideyang ito at ang pag-iral ng mga bagay na ito. Walang kamalayan mo ring tinatanggap ang mga demonyo, si Satanas at mga idolo sa iyong sariling tahanan at sa iyong sariling puso—ito talagang isang gayuma! Pareho ba ang inyong nararamdaman? (Oo.) Mayroon bang sinuman sa inyo ang nakapagsunog na ng insenso at sumamba kay Buddha? (Oo.) Kaya ano ang layunin nang pagsunog ng insenso at pagsamba kay Buddha? (Nananalangin para sa kapayapaan.) Kakatuwa ba na magdasal kay Satanas para sa kapayaaan? Si Satanas ba ay nagdadala ng kapayapaan? (Hindi.) Kung pag-iisipan ito ngayon, kayo ba ay mangmang noong nakaraan? (Oo.) Ang ganoong uri ng asal ay kakatuwa, mangmang at walang muwang, hindi ba? Si Satanas ay hindi maaaring magbigay sa iyo ng kapayapaan. Bakit? Si Satanas ay nag-iisip lamang kung paano ka itiwali at di-maaaring bigyan ka ng kapayapaan; maaaring bigyan ka lamang nito ng pansamantalang pamamahinga. Subalit dapat kang gumawa ng isang taimtim na pangako at kapag sinira mo ang iyong pangako o sinira ang iyong taimtim na pangako na iyong ginawa dito, samakatuwid makikita mo kung paano ka nito lubhang pahihirapan. Sa pagdadala nito sa iyo na gumawa ng taimtim na pangako, sa katunayan nais nito na kontrolin ka, hindi ba? Nang manalangin kayo para sa kapayapaan, nakamit n’yo ba ang kapayapaan? (Hindi.) Hindi kayo nakatamo ng kapayapaan, subalit sa kabaliktaran nagdala ito ng kasawian, walang katapusang mga kapahamakan at karamihan ng mga kalamidad—tunay na isang walang-hangganang dagat ng kapaitan. Ang kapayapaan ay wala sa sakop ni Satanas, at ito ang katotohanan. Ito ang kalalabasan para sa sangkatauhan ng piyudal na pamahiin at tradisyunal na kultura.


      Ang usapin na sinasamantala ni Satanas ang panlipunang uso upang itiwali ang tao ay nangangailangan din ng tiyak na paliwanag. Ang mga panlipunang usong ito ay isinasama ang maraming mga bagay. Sinasabi ng ilan na: “Sila ba ay tungkol sa mga damit na ating sinusuot? Sila ba ay tungkol sa pinakabagong mga moda, mga pagpapaganda, pag-aayos ng buhok, at pagkaing gourmet?” Sila ba’y tungkol sa mga bagay na ito? Ang mga ito ay isang bahagi ng mga uso, subalit hindi natin nais pag-usapan ang mga ito dito. Nais lamang nating pag-usapan ang tungkol sa mga ideya na dinadala ng panlipunang uso para sa mga tao, ang paraan na kanilang dinudulot sa mga tao sa pangangasiwa ng kanilang mga sarili sa mundo, ang mga layunin sa buhay at pagtingin na kanilang dinudulot sa mga tao. Ang mga ito ay napakahalaga; maaari nilang kontrolin at impluwensyahan ang pag-iisip ng tao. Isa-isa, ang lahat ng mga usong ito ay nagdadala ng isang masamang impluwensya na lagi nang nagpapalubha sa tao, na nagpapababa ng kanilang mga moral at ng kanilang kalidad ng karakter nang mas higit pa, hanggang sa masabi natin na karamihan ng mga tao ngayon ay walang katapatan, walang kabaitan, ni wala din silang anumang konsensya, at higit na walang anumang katuwiran. Kaya ano ang mga usong ito? Hindi mo nakikita ang mga usong ito ng karaniwang mata lamang. Kapag ang hangin ng isang uso ay umihip, marahil tanging maliit na bilang ng mga tao ang magiging mga tagapagpauso. Nagsisimula sila sa paggawa ng ganitong uri ng bagay, tinatanggap ang ganitong uri ng ideya o ganitong uri ng perspektibo. Ang karamihan ng mga tao, gayunpaman, sa gitna ng kanilang kawalang-kamalayan, ay patuloy na malalalinan, magiging bahagi at maaakit ng ganitong uri ng uso, hanggang sa silang lahat ay walang kaalam-alam at hindi-kinukusang tumanggap nito, at lahat ay nakalubog at kontrolado nito. Para sa taong wala sa matinong pangangatawan at isip, hindi kailanman alam kung ano ang katotohanan, na hindi maaaring makapagsabi ng kaibahan sa pagitan ng positibo at negatibong mga bagay, ang mga ganitong uri ng uso isa-isa ay ginagawa silang lahat na tanggapin nang maluwag sa kalooban ang mga usong ito, ang pananaw sa buhay, ang mga pilosopiya sa buhay at mga kahalagahan na nanggaling kay Satanas. Tinatanggap nila kung ano ang sinasabi sa kanila ni Satanas kung paano pakikitunguhan ang buhay at ang paraang mabuhay na “iginawad” sa kanila ni Satanas. Wala silang lakas, ni wala silang kakayanan, lalo na ang kamalayang tumutol. Kaya ano sa lupa ang mga usong ito? Nakapulot ako ng isang simpleng halimbawa na maaari ninyong maunawaan. Halimbawa, ang mga tao nang nakaraan ay pinatatakbo ang kanilang mga negosyo sa paraang hindi nangloloko ng matanda o bata, at binebenta ang mga bagay sa parehong presyo hindi alintana kung sino ang bumibili. Ang pahiwatig ba ng konsensya at kabaitan ay naipapahatid dito? Nang ginamit ng mga tao ang ganitong uri ng kredo kapag nagsasagawa ng kanilang negosyo, maaari ba nating masabi na sila ay mayroon pa ring ilang konsensya, kaunting kabaitan sa panahong iyon? (Oo.) Ngunit sa pangangailangan ng tao para sa kailanmang pagtaas ng halaga ng pera, ang mga tao ay walang kaalam-alam na minahal ang pera, nagmahal sa pakinabang at nagmahal nang higit pa at mas sa kasiyahan. Sa gayon tiningnan ba ng mga tao ang pera bilang mas mahalaga? Nang tingnan ng mga tao ang pera bilang mas mahalaga, walang kaalam-alam nilang pinababayaan ang kanilang reputasyon, kanilang kabantugan, karangalan, at katapatan; pinababayan nila ang lahat ng mga bagay na ito, hindi ba? Kapag nakisali ka sa negosyo, nakikita mo ang ibang tao na gumagawa ng ibang mga pakikitungo at gumagamit ng iba’t-ibang mga pamamaraan upang dayain ang mga tao at maging mayaman. Bagaman ang pera na kinita ay nakaw, sila’y yumayaman nang yumayaman. Ang buong pamilya nila ay nakikisali sa parehong negosyo gaya nang sa iyo, subalit tinatamasa nila ang buhay nang mas higit kaysa sa iyo, at masama ang loob mo, nagsasabing: “Bakit hindi ko magawa ang gayon? Bakit hindi ako kumikita nang katulad sa kanila? Dapat akong makagawa ng paraan upang magkaroon nang mas maraming pera, upang gawing masagana ang aking negosyo.” Sa gayon pag-iisipan mo ito. Ayon sa karaniwang paraan ng pagkita ng pera, ang hindi pagdaya sa matanda man o bata at sa pagbebenta ng mga bagay sa kaparehong presyo para sa lahat, ang perang nakukuha mo ay ayon sa mabuting konsensya, subalit hindi ka agad mapapayaman nito. Gayunpaman, sa ilalim ng udyok na magkaroon ng tubo, ang iyong pag-iisip ay sasailalim sa isang dahan-dahang pagbabago. Sa panahon ng pagbabagong ito, ang mga prinsipyo mo ng pag-uugali ay nagsisimula ring magbago. Kapag una mong nilinlang ang isang tao, kapag una mong dinaya ang isang tao, mayroong kang mga pasubali, nagsasabi “Ito ang huling pagkakataon na dadayain ko ang isang tao at hindi ko na ito uulitin. Hindi ako maaaring mandaya ng mga tao. Ang pandaraya ng mga tao ay magtatamo lamang ng ganti at magdadala ng kapahamakan sa akin! Ito ang huling pagkakataon na dadayain ko ang isang tao at hindi ko na ito uulitin.” Kapag una kang nandaya ng isang tao, ang iyong puso ay may ilang pag-aatubili; ito ang gawain ng konsensya ng tao—ang magkaroon ng pag-aatubili at sisihin ka, sa gayon nararamdaman nito ang di-natural kapag nandaya ka ng isang tao. Subalit matapos mong matagumpay na dayain ang isang tao makikita mo na ngayon ay mayroon ka nang mas maraming pera kaysa dati, at iisipin mo na ang paraang ito ay maaaring maging mas kapaki-pakinabang para sa iyo. Sa kabila ng bahagyang sakit sa iyong puso, nais mo pa ring batiin ang iyong sarili sa iyong “tagumpay,” at nararamdaman mo ang isang pagkalugod sa iyong sarili. Sa unang pagkakataon, sinasang-ayunan mo ang iyong sariling pag-uugali at sinasang-ayunan ang iyong sariling pandaraya. Pagkatapos, kapag ang tao ay nahawahan ng ganitong pandaraya, pareho ito sa isang tao na nasangkot sa pagsusugal at sa gayon ay naging isang sugarol. Sa kawalan ng kabatiran, sinasang-ayunan niya ang kanyang mapandayang pag-uugali at tinatanggap ito. Sa kawalan ng kabatiran, inilalagay nito ang pandaraya sa isang lehitimong pangnegosyong pag-uugali, at ginagawa ang pandaraya na maging isang pinaka-kapaki-pakinabang na paraan para sa kanyang kaligtasan ng buhay at sa kanyang buhay; iniisip niya na sa paggawa nito maaari siyang mabilis na yayaman. Sa simula ng prosesong ito hindi matatanggap ng mga tao ang ganitong uri ng pag-uugali, mababa ang tingin nila sa ganitong pag-uugali at sa ganitong paraan nang pagsasagawa ng mga bagay, hanggang sa kanilang subukan ito at pag-eksperimentuhan sa sarili nilang paraan, personal at unang karanasan, at pagkatapos ang kanilang mga puso ay nagsisimulang dahan-dahang magbago. Sa gayon ano ang pagbabagong ito? Ito ay ang pagsang-ayon at pagtanggap sa usong ito, isang pagtanggap at pagsang-ayon sa uring ito ng ideya na ikinintal sa iyo ng panlipunang uso. Sa kawalan ng kabatiran, pakiramdam mo na kapag hindi ka nandaya sa negosyo samakatuwid magdurusa ka ng maraming pagkalugi, na kapag hindi ka nandaya sa gayon mawawalan ka ng isang bagay. Walang kaalam-alam, ang ganitong pandaraya ang nagiging iyong pinaka-kaluluwa, ang iyong pangunahing sandigan, at nagiging isang uri ng pag-uugali na kailangang-kailangan panuntunan ng iyong buhay. Matapos tanggapin ng tao ang ganitong pag-uugali at ganitong pag-iisip, ang puso ba ng tao ay sumasailalim sa isang pagbabago? Ang iyong puso ay nagbago, sa gayon ang iyo bang katapatan ay nagbago? Ang iyo bang pagkatao ay nagbago? (Oo.) Sa gayon ang iyong konsensya ba ay nagbago? (Oo.) Ang kabuuan ng tao ay sumasailalim sa isang dekalidad na pagbabago mula sa kanilang puso tungo sa kanilang mga pag-iisip, sa naturang isang lawak na sila ay nababago mula sa at papalabas. Ang pagbabagong ito ay naglalagay sa iyo nang karagdagan at karagdagang layo sa Diyos, at ikaw ay nagiging mas higit at higit na umaayon kay Satanas, higit at mas higit na kapareho nito.

      Ngayon ang mga panlipunang usong ito ay madali para sa iyo na maunawaan. Pumili lamang ako ng isang simpleng halimbawa, isang karaniwang nakikitang halimbawa na pamilyar sa mga tao. Ang mga panlipunang usong ito ay may malaking impluwensya ba sa mga tao? (Oo!) Ang mga panlipunang usong bang ito ay may malalim na impluwensya sa mga tao? (Oo!) Isang napakalalim na mapinsalang epekto sa mga tao. Ginagamit ni Satanas ng isa-isa ang mga panlipunang usong ito upang itiwali ang ano sa tao? (Konsensya, katuwiran, pagkatao, mga moral.) Ano pa? (Ang pananaw ng tao sa buhay.) Naging sanhi ba sila nang unti-unting pagkabulok ng mga tao? (Oo.) Ginagamit ni Satanas ang mga panlipunang uso ito upang paisa-isang akitin ang mga tao sa pugad ng mga demonyo, sa gayon ang mga taong naiipit sa panlipunang uso ay walang kaalam-alam na magtataguyod ng pera at materyal na mga pagnanasa, gayundin magtataguyod ng kasamaan at karahasan. Sa sandaling ang mga bagay na ito ay makapasok sa puso ng tao, ano sa gayon magiging ang tao? Ang tao ay magiging ang demonyong Satanas! Ito ay dahilan sa anong sikolohikal na pagkahilig sa puso ng tao? Ano ang itinataguyod ng tao? Nasisimulang magustuhan ng tao ang kasamaan at karahasan. Ayaw nila ng kagandahan at kabaitan, kahit ang kapayapaan. Ang mga tao ay hindi handang mamuhay ng simpleng buhay ng normal na pagkatao, subalit sa halip nais na tamasahin ang mataas na estado at malaking kayamanan, ang magkatuwaan sa mga aliw ng laman, hindi nagtitipid sa pagsisikap upang bigyan-kasiyahan ang sarili nilang laman, na walang mga paghihigpit, walang mga gapos na pipigil sa kanila, sa ibang salita magagawa ang anumang naisin nila. Sa gayon kapag ang tao ay nalubog sa ganitong mga uri ng mga uso, maaari bang ang kaalaman na natutunan mo ay makatulong sa iyo na makalaya? Maaari bang ang tradisyunal na kultura at mga pamahiin na alam mo ay makatulong sa iyo na itapon itong katakut-takot na mahigpit na kalagayan? Maaari bang ang tradisyunal na mga moral at tradisyunal na seremonya na nauunawaan ng tao ay makatulong sa kanila na magsanay ng pagpipigil? Kuning halimbawa, Ang Tatlong Klasikong Karakter. Matutulungan ba nito ang mga tao na hilahing paalis ang kanilang mga paa mula sa kumunoy[b] ng mga usong ito? (Hindi, hindi maaari.) Sa ganitong paraan, ang tao ay nagiging mas higit na ano? Higit na mas masama, mayabang, magpakababa, makasarili, at malisyoso. Wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga tao, wala nang anumang pagmamahal sa pagitan ng mga miyembro ng pamilya, wala nang anumang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kamag-anak at mga kaibigan; ang pantaong mga ugnayan ay napuno ng pandaraya, puno ng karahasan. Bawat iisang tao ay nagnanais gamitin ang pandarayang mga paraan at mararahas ng mga pamamaraan upang mabuhay sa gitna ng kanilang kapwa tao; sila’y nagsisinungaling, nandadaya at nagiging marahas upang samsamin ang sarili nilang kabuhayan; nananalo sila sa kanilang mga posisyon at nakakamit ang sarili nilang mga pakinabang gamit ang karahasan at ginagawa nila ang anumang naisin nila gamit ang marahas at masamang mga paraan. Hindi ba nakakatakot ang ganitong pagkatao? (Oo.) Matapos madinig Akong magsalita tungkol sa mga bagay na ito ngayon lamang, hindi mo ba naiisip na nakakatakot na mamuhay sa gitna ng uri na ito ng karamihan ng mga tao, sa ganitong mundo at sa ganitong kapaligiran na ginawang tiwali ni Satanas? (Oo.) Sa gayon kailanma’y naramdaman n’yo na ba ang inyong mga sarili na kahabag-habag? Dapat maramadaman ninyo ito nang kaunti ngayon. (Oo.) Sa pagkarinig sa inyong tono, tila iniisip ninyo na “ginagamit ni Satanas ang napakaraming iba-ibang mga paraan upang itiwali ang tao. Kinukuha nito ang bawat pagkakataon at nasa lahat ng dako na ating binabalingan. Maaari pa bang maligtas ang tao?” May anumang pag-asa pa ba para sa sangkatauhan? Maaari bang mailigtas ng tao ang kanilang mga sarili? (Hindi.) Maaari bang maligtas ng Emperador na- Batong-Luntian ang tao? Maaari bang maligtas ni Confucious ang tao? Maari bang maligtas ni Guanyin Bodhisattva ang tao? (Hindi.) Sa gayon sino ang maaaring magligtas sa tao? (Ang Diyos.) Ilang mga tao, gayunpaman, ay itataas sa kanilang puso ang mga tanong na gaya ng: “Pinipinsala tayo ni Satanas nang napakarahas, talagang nakakagalit na wala tayong pag-asang mabuhay, ni magkaroon ng anumang tiwala sa pamumuhay. Tayong lahat ay nabubuhay sa gitna ng katiwalian at gayon pa man bawat iisang tao ay tumutuol sa Diyos, sa gayon ang ating mga puso ay ganap nang nanlamig ngayon. Kaya habang ginagawa tayong tiwali ni Satanas, nasaan ang Diyos? Ano ang ginagawa ng Diyos? Anuman ang ginagawa ng Diyos para sa atin kailanman’y hindi natin naramdaman iyon!” Ilang mga tao ang hindi maiwasang hindi magdusa ng ilang kawalan, at hindi maiwasang hindi maramdamang halos masiraan ng loob. Sa inyo, ang pandamang ito, ang pakiramdam na ito ay napakalalim sapagkat lahat ng aking nasabi na ay upang gawin ang mga tao na unti-unting maintindihan, maramdaman nang higit at mas higit pa na sila ay walang pag-asa, na maramdaman na higit at mas higit pa na sila ay tinalikdan ng Diyos. Subalit huwag mag-alala. Ang ating pagsasamahang paksa para sa araw na ito, “ang kasamaan ni Satanas,” ay hindi ang ating tunay na tema. Upang pag-usapan ang tungkol sa kakanyahan ng kabanalan ng Diyos, gayunpaman, dapat muna nating pag-usapan kung paano itiwali ni Satanas ang tao at ang kasamaan ni Satanas upang mas maging malinaw sa mga tao kung anong uri ng kondisyon nandoroon ang sangkatauhan ngayon at eksaktong kung hanggang saan naging tiwali ang tao. Ang isang layunin ng pag-uusap tungkol dito ay upang hayaan ang mga tao na malaman ang kasamaan ni Satanas, habang ang isang layunin ng pag-uusap tungkol dito ay upang mas malaliman na maunawaan kung ano ang tunay na kabanalan. Naiintindihan na ninyo ito ngayon, hindi ba?

      Ang mga bagay bang ito na kasasabi ko pa lamang ay mas detalyado kaysa nang nakaraan? (Oo.) Kaya ang pagkaunawa ba ninyo ngayon ay mas may kaunting kalaliman, samakatuwid? (Oo.) Alam ko na maraming mga tao ngayon ang umaasang sabihin Ko kung ano eksakto ang kabanalan ng Diyos, subalit kapag Ako ay nangusap tungkol sa kabanalan ng Diyos tatalakayin Ko muna ang tungkol sa mga gawa na ginagawa ng Diyos. Dapat lahat kayo ay makinig nang mabuti, sa gayon tatanungin ko kayo kung ano eksakto ang kabanalan ng Diyos. Hindi ko sasabihin sa inyo nang tuwiran, ngunit sa halip hahayaan ko kayong subukan na alamin ito, bigyan kayo ng pagkakataon na alamin ito. Ano sa palagay ninyo ang paraang ito? (Mabuti iyon.) Kaya makinig nang maigi.

      Kapag ginagawang tiwali ni Satanas ang tao o gumagamit nang walang-pigil na pamiminsala, ang Diyos ay hindi magsasawalng-kibo, ni hindi rin Niya ipinagwawalang-bahala o magbubulag-bulagan doon sa Kanyang mga napili. Ang lahat ng ginagawa ni Satanas ay ganap na malinaw at naiintindihan ng Diyos. Anuman ang gawin ni Satanas, anumang uso ang sinasanhi nito na lumitaw, alam ng Diyos ang lahat na sinusubukang gawin ni Satanas, at hindi isinusuko ng Diyos yaong Kanyang mga pinili. Sa halip, hindi man lang nakatatawag-pansin, palihim, tahimik, ginagawa ng Diyos ang lahat-lahat ng kinakailangan. Kapag sinimulan Niya ang gawain sa isang tao, kapag napili Niya ang isang tao, hindi Niya ito pinahahayag kaninuman, ni hindi rin Niya ito ipinahahayag kay Satanas, lalo nang hindi gumawa ng anumang kahanga-hangang kapahayagan. Siya ay napakatahimik, napakanatural lamang na gumagawa nang kung ano ang kinakailangan. Una, pumipili Siya ng pamilya para sa iyo; anong uri ng karanasan mayroon ang pamilya, sinu-sino ang iyong mga magulang, sinu-sino ang iyong mga ninuno—ang lahat ng ito ay napagpasiyahan na ng Diyos. Sa ibang salita, hindi ito mga padalus-dalos na disisyong ginawa Niya, ngunit sa halip ito ay isang gawa na nasimulan matagal na ang nakalipas. Sa sandaling nakapili na ang Diyos ng isang pamilya para sa iyo, pinipili na rin Niya ang petsa kung kailan ka ipapanganak. Mayamaya, pinanonood ka ng Diyos habang ikaw ay ipinanganganak na umiiyak sa mundo, pinapanood ang iyong pagsilang, pinapanood ang pagbigkas mo ng iyong unang mga salita, pinanonood ang pagkadapa at paampang-ampang sa iyong unang mga hakbang, pagkatuto kung paano lumakad. Una humahakbang ka ng isa at pagkatapos ng isa pa … ngayon ay tumatakbo ka na, ngayon tumatalon ka na, ngayon nagsasalita ka na, ngayon ipinahahayag mo na ang iyong mga damdamin. Sa panahong ito, habang lumalaki ang tao, ang mga titig ni Satanas ay nakatuon sa bawat isa sa kanila, parang isang tigreng pinagmamasdan ang kanyang bibiktimahin. Subalit sa paggawa ng Kanyang gawain, ang Diyos kailanman ay hindi nagdusa ng anumang limitasyon ng mga tao, mga pangyayari o mga bagay, ng espasyo o panahon; ginagawa Niya kung ano ang dapat at ginagawa kung ano ang nararapat. Sa proseso ng paglaki, nakakatagpo ka ng maraming mga bagay na hindi mo nagugustuhan, nakakatagpo mo ang mga pagkakasakit at mga kabiguan. Subalit habang lumalakad ka sa daang ito, ang iyong buhay at iyong hinaharap ay mahigpit na nasa ilalim ng pangangalaga ng Diyos. Binibigyan ka ng Diyos ng isang tunay na garantiya na magtatagal sa lahat ng iyong buhay, sapagkat Siya ay nasa tabi mo, binabantayan ka at inaalagaan ka. Walang-kamalayan dito, ikaw ay lumalaki. Nagsisimula kang makipag-ugnayan sa bagong mga bagay at nagsisimulang kilalanin ang mundong ito at ang sangkatauhang ito. Ang lahat-lahat ay sariwa at bago sa iyo. Gusto mong ginagawa ang iyong sariling gusto at gusto mong ginagawa kung ano ang gusto mo. Namumuhay ka sa loob ng iyong sariling pagkatao, namumuhay sa loob ng iyong sariling buhay na espasyo at wala ka ni katiting na pang-unawa tungkol sa pag-iral ng Diyos. Subalit pinanonood ka ng Diyos sa bawat hakbang sa daan habang lumalaki ka, at pinanonood ka habang gumagawa ka ng bawat pasulong na mahabang hakbang. Kahit kapag ikaw ay natututo ng kaalaman, o nag-aaral ng siyensiya, ni isang hakbang hindi kailanman umalis ang Diyos sa iyong tabi. Ikaw ay pareho rin gaya ng ibang mga tao na, sa kalagitnaan nang pagkuha na malaman at makipag-ugnayan sa mundo, naitatag mo ang iyong sariling mga mithiin, mayroon kang iyong sariling mga libangan, iyong sariling mga interes, at nagkikimkim ka rin nang matatayog na mga ambisyon. Madalas mong pagnilayan ang sarili mong kinabukasan, kadalasang iginuguhit ang balangkas kung paano ang hitsura ng iyong kinabukasan. Subalit anuman ang mangyari sa daan, malinaw na nakikita ng Diyos ang lahat. Marahil ikaw mismo ay nakalimot na sa iyong sariling nakaraan, subalit sa Diyos, walang sinuman ang maaaring makaunawa nang mas mainam sa iyo kundi Siya. Nabubuhay ka sa ilalim ng mga mata ng Diyos, lumalaki, nagkaka-gulang. Sa panahong ito, ang pinakamahalagang gawain ng Diyos ay bagay na walang sinumang kailanman ang nakakahiwatig, bagay na walang sinumang nakakaalam. Tiyak na hindi sinasabi ito sa iyo ng Diyos. Kaya ano itong pinakamahalagang bagay? Alam n’yo ba? (Ang pagdadala sa mga tao sa harapan Niya.) Kaya ano ang ginagawa ng Diyos upang dalhin ang mga tao sa harapan Niya? Sa anong panahon Niya dinadala ang mga tao sa harapan Niya? Alam n’yo ba? Ito ba ang pangunahing gawain ng Diyos? Ito ba ang pinakamahalagang bagay na ginagawa ng Diyos? Maaaring sabihin ng isa na ito ay isang garantiya na ililigtas ng Diyos ang isang tao. Ito’y nangangahulugan na nais ng Diyos na iligtas ang taong ito, kaya dapat Niyang gawin ito, at ang gawaing ito ay lubhang napakahalaga kapwa sa tao at sa Diyos. Alam n’yo ba ito? Tila ba walang kayong anumang pakiramdam tungkol dito, o anumang konsepto nito, kaya sasabihin ko sa inyo. Mula sa panahon nang ikaw ay ipinanganak hanggang sa kasalukuyan, isinagawa ng Diyos ang maraming gawain para sa iyo, subalit hindi Niya sinabi sa iyo sa bawat panahong may ginawa Siya. Hindi mo dapat malaman, kaya hindi sinabi sa iyo, tama? (Oo.) Sa tao, lahat-lahat ng Kanyang ginagawa ay mahalaga. Sa Diyos, ito ay bagay na dapat Niyang gawin. Subalit sa puso Niya mayroong isang mahalagang bagay na kinakailangan Niyang gawin na lubhang nakahihigit sa anumang mga bagay na ito. Ano iyon? Iyon ay, mula sa panahon nang ang tao ay ipinanganak hanggang sa kasalukuyan, dapat magarantiyahan ng Diyos ang kaligtasan ng bawat isa sa kanila. Maaaring nararamdaman ninyo bagaman hindi ninyo ganap na nauunawaan, sinasabing “Ang kaligtasan bang ito ay napakahalaga?” Kaya ano ang literal na kahulugan ng “kaligtasan”? Marahil nauunawaan n’yo ito na nangangahulugan ng kapayapaan o marahil nauunawaan n’yo ito na nangangahulugan nang kailanman hindi pagdanas ng anumang kapahamakan o kalamidad, ang mamuhay nang mabuti, ang mamuhay ng isang normal na buhay. Subalit sa inyong mga puso dapat ninyong malaman na hindi ganoon kasimple iyon. Kaya ano sa lupa ang bagay na tinutukoy ko, na dapat gawin ng Diyos? Ano ang kahulugan nito sa Diyos? Ito ba’y tunay na isang garantiya ng iyong kaligtasan? Katulad nang ngayon mismo? Hindi. Kaya ano iyon na ginagawa ng Diyos? Ang kaligtasang ito ay nangangahulugan na hindi ka nilamon ni Satanas. Ito ba ay mahalaga? Hindi ka nilamon ni Satanas, kaya ito ba ay may kinalaman sa iyong kaligtasan, o wala? Ito ay may kinalaman sa iyong personal na kaligtasan, at walang maaaring maging higit na mas mahalaga. Sa sandaling lamunin ka ni Satanas, ang iyong kaluluwa ni ang iyong laman ay hindi na nabibilang sa Diyos. Hindi ka na ililigtas ng Diyos. Pinababayaan ng Diyos ang mga kaluluwang ganoon at pinababayaan ang mga taong tulad noon. Kaya sinasabi ko ang pinakamahalagang bagay na ginagawa ng Diyos ay ang garantiyahan ang iyong kaligtasan, ang garantiyahan na hindi ka malalamon ni Satanas. Ito ay medyo mahalaga, hindi ba? Kaya bakit hindi kayo makasagot? Tila hindi ninyo nararamdaman ang dakilang kabutihan ng Diyos!

     Mas marami pang ginagawa ang Diyos maliban sa paggarantiya sa kaligtasan ng mga tao, paggarantiya na hindi sila malalamon ni Satanas; Marami rin Siyang ginagawa sa paghahanda para sa pagpili sa isang tao at para sa pagliligtas sa kanila. Una, anong uri ng karakter mayroon ka, sa anong uri ng pamilya ka ipapanganak, sinu-sino ang magiging mga magulang mo, ilang magkakapatid kayo, ano ang iyong pampamilyang sitwasyon at pangkabuhayang estado, ano ang mga kondisyon ng iyong pamilya—ang lahat ng ito ay napakaingat na isinaayos para sa iyo ng Diyos. Alam n’yo ba sa anong uri ng pamilya karamihang ipinanganak ang piniling mga tao ng Diyos, kung ang tatanungin ay ang karamihan sa mga tao? Ang mga ito ba’y prominenteng mga pamilya? Maaaring may ilan. Hindi natin maaaring masabi nang tiyakan na wala, subalit sila’y napaka-kakaunti. Sila ba’y mga pamilya na may pambihirang kayamanan, tulad ng mga bilyonaryo o mga multi-milyonaryo? Sila’y halos kailanman hindi ganitong uri ng pamilya. Kaya anong uri ng pamilya ang pinaka-isinasaayos ng Diyos para sa mga tao? (Ordinaryong mga pamilya.) Kaya aling mga pamilya ang ordinaryong mga pamilya? Sila ay nakararaming nagtatrabahong mga pamilyang at nagsasakang mga pamilya. Ang mga manggagawa ay umaasa sa kanilang sahod para mabuhay at nakakayanan ang pangunahing mga pangangailangan. Hindi nila hahayaan na ikaw ay magutom sa anumang kadahilanan, subalit hindi mo maaaring maasahan na ang lahat ng iyong materyal na mga pangangailangan ay matutugunan. Ang mga magsasaka ay umaasa sa pagtatanim ng mga pananim para sa kanilang pagkain, mayroon silang butil na makakain at, anuman ang mangyari, hindi ka magugutom, subalit hindi ka maaaring magkaroon ng napakagagandang mga damit. Pagkatapos may mga ilang pamilya na nakikibahagi sa negosyo o nagpapatakbo ng maliit na mga negosyo, at may ilan na kung saan ang mga magulang ay matatalinong mga tao, at ang mga ito ay maaari ring ituring bilang ordinaryong mga pamilya. Mayroon ding ilang mga magulang na mga manggagawa sa opisina o minor na opisyal ng pamahalaan kadalasan, na hindi rin maaaring ituring bilang prominenteng mga pamilya. Mas maraming mga tao ang ipinanganak sa ordinaryong mga pamilya, at ang lahat ng ito ay isinaayos ng Diyos. Na ang ibig sabihin, ang lahat ng kapaligirang ito na tinitirhan mo ay hindi ang pamilyang may malaking kayamanan na inaakala mo, ngunit sa halip ito ay isang pamilya na pinagpasiyahan para sa iyo ng Diyos, at ang karamihan ng mga tao ay namumuhay sa loob ng hangganan ng ganitong uri ng pamilya; hindi natin tatalakayin dito ang mga namumukod-tangi. Kaya ano ang tungkol sa katayuang sosyal? Ang mga kondisyong pangkabuhayan ng karamihan sa mga magulang ay pangkaraniwan at wala silang mataas na katayuang sosyal—para sa kanila mabuti na ang magkaroon lang ng isang trabaho. Mayroon bang sinumang mga gobernador? Mayroon bang sinumang mga presidente? (Wala.) Kadalasan sila’y mga tao tulad ng mga tagapangasiwa nang maliliit na mga negosyo o munting mga amo, lahat ay may pangkaraniwang katayuang sosyal, lahat nabubuhay sa mga karaniwang kondisyong pangkabuhayan. Ang isa pang kadahilanan ay ang kapaligiran ng pampamilyang buhay. Una sa lahat, walang mga magulang na malinaw na mag-iimpluwensya sa kanilang mga anak na lumakad sa daan ng paghula at panghuhula; ang mga ito ay napaka-kakaunti rin. Karamihan sa mga magulang ay medyo normal at kapareho ninyo. Itinatatag ng Diyos ang ganitong uri ng kapaligiran para sa mga tao kasabay nang pagpili sa kanila, at ito ay lubhang kapaki-pakinabang sa Kanyang gawain sa pagliligtas ng mga tao. Mula sa labas, tila ang Diyos ay walang nagawang napakadakila para sa tao; ginagawa lamang Niya ang lahat-lahat nang palihim, mapagpakumbaba at tahimik lang. Subalit sa katunayan, ang lahat nang ginagawa ng Diyos ay ang paglalatag ng isang pundasyon para sa iyong kaligtasan, upang ihanda ang daang tatahakin at ihanda ang lahat ng kinakailangang mga kondisyon para sa iyong kaligtasan. Kagyat sa tinukoy na oras ng bawat tao, ibinabalik sila ng Diyos sa harapan Niya—kapag dumating na ang oras para madinig mo ang tinig ng Diyos, yaon ang oras na pupunta ka sa harapan Niya. Sa oras na mangyari ito, ang ilang mga tao ay magiging sariling mga magulang na rin, samantalang ang iba ay magiging anak lamang ng isang tao. Sa ibang salita, may ilang mga tao ang mga nakapag-asawa at nagkaanak samantalang ang iba ay nanatiling nag-iisa pa rin, hindi pa nakapagsisimula ng kanilang sariling mga pamilya. Subalit hindi alintana ang mga sitwasyon ng tao, naitakda na ng Diyos ang mga panahon kung kailan ka mapipili at kung kailan ang Kanyang ebanghelyo at mga salita ay makakaabot sa iyo. Naitakda na ng Diyos ang mga kalagayan, napagpasiyahan na sa isang tiyak na tao o sa isang tiyak na konteksto na sa pamamamagitan noon ay maipapasa ang ebanghelyo sa iyo, upang maaari mong marinig ang mga salita ng Diyos. Naihanda na ng Diyos para sa iyo ang lahat ng kinakailangang mga kondisyon nang sa gayon, walang kaalam-alam, makarating ka sa harapan Niya at makabalik sa pamilya ng Diyos. Ikaw rin ay walang kaalam-alam na sinusundan ang Diyos at pumapasok sa Kanyang baitang-baitang na gawain, pumapasok sa paraan nang paggawa ng Diyos na mayroon Siya, baitang-baitang, na inihanda para sa iyo. Ang pinakamababa sa lahat na ginagawa ng Diyos at ibinibigay sa tao sa panahong ito ay unang-una sa lahat ang pangangalaga at pag-iingat na tinatamasa ng tao, at ito ay talagang tunay. Kaya anong mga uri ng mga paraan ang ginagamit ng Diyos? Itinatakda ng Diyos ang iba’t-ibang mga tao, mga pangyayari, at mga bagay upang maaaring makita ng tao ang Kanyang pag-iral at Kanyang mga gawa sa loob nila. Halimbawa, may mga ilang tao na naniniwala sa Diyos sapagkat may isang tao sa kanilang pamilya ang may sakit, at sinasabi nila, “Isa sa aking pamilya ay may sakit, ano naman ang aking gagawin?” May ilang mga tao ang samakatuwid magsasabi, “Maniwala kay Jesus!” Kung kaya magsisimula silang maniwala sa Diyos, at ang paniniwalang ito sa Diyos ay nangyari dahilan sa sitwasyon. Kaya sino ang nagsaayos ng sitwasyon na ito? (Ang Diyos.) Sa pamamagitan ng sitwasyong ito bumaling sila sa Diyos. May ilang mga pamilyang tulad nito na kung saan ang lahat ay mga mananampalataya, bata at matanda, samantalang may ilan na kung saan ang paniniwala ay indibidwal. Kaya sabihin mo sa Akin, ano ang matatamo mula sa Diyos ng isang mananampalataya? Lumilitaw ang sakit ay sumasapit, ngunit sa katunayan ito’y isang kondisyon na ibinigay sa kanya upang makarating sa harapan ng Diyos—ito ang kabutihan ng Diyos. Dahil sa ang pampamilyang buhay ng ilang tao ay mahirap at hindi sila makahanap ng kapayapaan, ang isang pagkakataon ay dumarating na kung saan may isang tao na magpapasa ng ebanghelyo at sasabihing “Ang iyong pamilya ay nahihirapan. Maniwala kay Jesus. Maniwala kay Jesus at magkakaroon ka ng kapayapaan.” Hindi namamalayan, ang taong ito sa gayon ay maniniwala sa Diyos sa ilalim nang napaka-natural na mga pangyayari, kaya ito ba ay hindi isang uri ng kondisyon? (Oo.) At ang kanyang pamilya ba na wala sa kapayapaan ay isang biyaya na ibinigay sa kanya ng Diyos? (Oo.) May mga ilan sa gayon na naniniwala sa Diyos dahil sa ibang mga kadahilanan, ngunit anuman ang dahilan na nagdadala sa iyo na maniwala sa Kanya, lahat ng ito ay talagang inayos at ginabayan ng Diyos, nang walang duda.

      Sa una, ginagamit ng Diyos ang iba’t-ibang mga paraan upang piliin ka at dalhin ka sa Kanyang pamilya. Ito ang unang bagay na ginagawa Niya at isang biyaya na ibinigay Niya sa bawat isa at bawat tao. Ngayon sa gawain ng Diyos sa mga huling araw, hindi na Niya basta iginagawad ang biyaya at mga pagpapala sa tao tulad nang ginawa Niya sa simula, ni hindi rin Niya patuloy na sinusuyo ang mga tao—ito ay dahil sa pundasyon ng gawain sa Kapanahunan ng Biyaya. Sa panahon ng gawain sa mga huling araw na ito, ano ang nakita ng tao mula sa lahat ng mga aspeto ng gawain ng Diyos na kanilang naranasan? Hindi lamang nila nakita ang pag-ibig ng Diyos, subalit pati na rin ang paghatol at pagkastigo ng Diyos. Sa panahong ito, tangi sa roon ang Diyos ay nagbibigay, sumusuporta, nililiwanagan at ginagabayan ang tao, sa gayon unti-unti nilang nalalaman ang Kanyang mga intensyon, nalalaman ang mga salita na sinasabi Niya at ang katotohanang iginagawad Niya sa tao. Kapag ang tao ay mahina, kapag sila ay malungkot, kapag wala silang mabalingan, gagamitin ng Diyos ang Kanyang mga salita upang magpaginhawa, magpayo at pasiglahin sila, nang sa gayon ang tao na mababa ang tayog ay unti-unting matagpuan ang kanilang lakas, umakyat sa pagiging positibo at maging handang makipagtulungan sa Diyos. Ngunit kapag sinusuway ng tao ang Diyos o tinututulan Siya, o kapag ibinubunyag nila ang kanilang sariling katiwalian at sinasalungat ang Diyos, hindi magpapakita ng awa ang Diyos sa pagtutuwid sa kanila at sa pagdidisiplina sa kanila. Sa kahangalan, kamangmangan, kahinaan at kamusmusan ng tao, gayunpaman, ang Diyos ay magpapakita ng pagpaparaya at pasensya. Sa ganitong paraan, sa pamamagitan ng lahat ng gawain ng Diyos na ginagawa para sa tao, ang tao ay unti-unting nagkaka-gulang, lumalaki, at nalalaman ang mga intensyon ng Diyos, upang malaman ang ilang katotohanan, upang malaman kung ano ang positibong mga bagay at ano ang negatibong mga bagay, upang malaman kung ano ang kasamaan at ano ang kadiliman. Ang Diyos ay hindi palaging nagtutuwid at nagdidisiplina ng tao, ni hindi rin Siya nagpapakita ng pagpaparaya at pasensya. Sa halip binibigyan Niya ang bawat tao sa iba-ibang mga paraan, at sa kanilang iba-ibang mga yugto at ayon sa kanilang iba-ibang mga tayog at kakayahan. Ginagawa Niya ang maraming mga bagay para sa tao at sa malaking halaga; walang nahahalata ang tao sa halagang ito o sa mga bagay na ito na ginagawa ng Diyos, datapwat lahat ng ginagawa Niya sa totoo’y natutupad sa bawat isang tao. Ang pag-ibig ng Diyos ay tunay: Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos naiiwasan ng tao ang sunod-sunod na sakuna, habang sa kahinaan ng tao, ipinapakita ng Diyos ang Kanyang pagpaparaya muli’t muli. Ang paghatol at pagkastigo ng Diyos ay nagbibigay-daan sa tao na unti-unting makilala ang katiwalian ng sangkatauhan at ang kanilang tiwaling makademonyong kakanyahan. Yaong binibigay ng Diyos, ang Kanyang pagliliwanag sa tao at Kanyang paggabay ay lahat nagbibigay-daan sa sangkatauhan upang higit at mas higit pang makilala ang kakanyahan ng katotohanan, at mas lalong malaman kung ano ang kinakailangan ng mga tao, anong daan ang dapat nilang tahakin, para sa ano ang kanilang pamumuhay, ang kahalagahan at kahulugan ng kanilang mga buhay, at kung paano lumakadsa daang tatahakin. Ang lahat ng mga bagay na ito na ginagawa ng Diyos ay hindi maihihiwalay mula sa Kanyang orihinal na layunin. Ano, sa gayon, ang layuning ito? Alam n’yo ba? Bakit nais na gamitin ng Diyos ang mga paraang ito upang ipatupad ang Kanyang gawain sa tao? Anong kalalabasan ang nais Niyang makamit? Sa ibang salita, ano ang nais Niyang makita sa tao at makuha mula sa kanila? Nais na makita ng Diyos na ang puso ng tao ay maaaring muling buhayin. Sa ibang salita, ang mga paraang ito na ginagamit Niya upang gumawa sa tao ay ang patuloy na pukawin ang puso ng tao, pukawin ang espiritu ng tao, hahayaan ang tao na malaman kung saan sila nanggaling, sino ang gumagabay sa kanila, sumusuporta sa kanila, nagbibigay sa kanila, at nagpapahintulot sa tao na mabuhay hanggang sa ngayon; ang mga ito ay upang ipaalam sa tao kung sino ang Maylalang, na kanilang dapat sambahin, anong uri ng daan na dapat nilang tahakin, at sa anong paraan dapat makarating ang tao sa harapan ng Diyos; ginagamit ang mga ito upang unti-unting panumbalikin ang puso ng tao, upang nakikilala ng tao ang puso ng Diyos, nauunawaan ang puso ng Diyos, at naiintindihan ang malaking pangangalaga at paglingap sa likod ng Kanyang gawain na iligtas ang tao. Kapag pinanumbalik ang puso ng tao, hindi na nilang nanaising mamuhay ng buhay ng isang masamang tao, tiwaling disposisyon, subalit sa halip nanaising hanapin ang katotohanan sa kasiyahan ng Diyos. Kapag ang puso ng tao ay napukaw, sa gayon maaari na silang lubusan at tuluyang umalis kay Satanas, hindi na muling mapinsala pa ni Santanas, hindi na muling kontrolado at malilinlang nito. Sa halip, ang tao ay maaaring makipagtulungan sa gawain ng Diyos at sa Kanyang mga salita sa isang positibong paraan upang bigyan-kasiyahan ang puso ng Diyos, sa gayon nakakamit ang pagkatakot sa Diyos at sa pag-iwas sa kasamaan. Ito ang orihinal na layunin ng gawain ng Diyos.

     Ang talakayan ngayon lamang tungkol sa kasamaan ni Satanas ay pinaramdam sa bawat isa na tila bang ang mga tao ay namumuhay nang napakalungkot at na ang buhay ng tao ay dinadagsa ng kasawian. Ngunit ano ang pakiramdam ninyo ngayon na tinalakay ko ang tungkol sa kabanalan ng Diyos at ang gawain na Kanyang isinasagawa sa tao? (Napakasaya.) Nakikita natin ngayon na ang lahat-lahat na ginagawa ng Diyos, lahat ng Kanyang pinaghirapang ayusin para sa tao ay busilak. Lahat-lahat nang ginagawa ng Diyos ay walang mali, nangangahulugang ito ay tamang-tama, hindi nangangailangan na iwasto ninoman, magbigay ng payo o gumawa ng anumang pagbabago. Ang lahat nang ginagawa ng Diyos para sa bawat indibidwal ay walang pagdududa; inaakay Niya ang bawat isa sa kamay, sinusubaybayan ka sa bawat sandali at kailanma’y hindi umalis sa iyong tabi. Habang ang mga tao ay lumalaki sa ganitong uri ng kapaligiran at lumalaki sa ganitong uri ng karanasan, maaari ba nating sabihin na ang mga tao sa katunayan ay lumalaki sa palad ng kamay ng Diyos? (Oo.) Kaya ngayon dama n’yo pa ba ang damdamin ng kawalan? (Hindi.) May sinuman ba na nakakaramdam pa ng pagkalungkot? (Wala.) Kaya may sinuman ba na nararamdaman na tinalikdan ng Diyos ang sangkatauhan? (Wala.) Kaya ano sa lupa ang sa gayon nagawa ng Diyos? (Pinananatili Niya ang sangkatauhan.) Ang malaking paglingap at pangangalaga sa likod ng lahat-lahat na ginagawa ng Diyos ay walang duda. Ang karagdagan pa, habang ipinapatupad ng Diyos ang gawaing ito, kailanma’y wala Siyang inilatag na kondisyon o hinihingi sa sinuman sa inyo na alamin ang halaga na Kanyang ibinabayad para sa inyo, kaya samakatuwid kayo ay nakakaramdam nang taos-pusong pasasalamat sa Kanya. Ang Diyos ba kailanman ay dati nang nakagawa ng anumang bagay tulad nito? (Hindi.) Sa kabuuan ng inyong mahabang mga buhay, talagang ang bawat indibidwal ay nakatagpo na ng maraming mapanganib na mga sitwasyon at sumailalim sa maraming mga tukso. Ito ay sapagkat si Satanas ay nandoon mismo sa tabi mo, ang mga mata nito ay palaging nakatuon sa iyo. Gusto nito kapag ang kapahamakan ay humahampas sa iyo, kapag dinadagsa ka ng mga kalamidad, kapag walang mabuting nangyayari sa iyo, at gusto nito kapag ikaw ay nahuhuli sa lambat ni Satanas. Samantalang para sa Diyos, palagi ka Niyang pinoprotektahan, iniiwas ka Niya bawat kasawian at mula sa bawat kapahamakan. Ito ang dahilan kung bakit sinasabi ko na ang lahat ng mayroon ang tao—kapayapaan at kasiyahan, mga pagpapala at personal na kaligtasan—ay sa katunayan lahat nasa ilalim ng kontrol ng Diyos, at ginagabayan Niya at pinagpapasiyahan ang buhay at kapalaran ng bawat indibidwal. Subalit ang Diyos ba ay may napalaking paniwala sa Kanyang posisyon, gaya nang sinasabi ng ilang tao? Sinasabi sa iyo, “Ako ang pinakadakila sa lahat, Ako ang namamahala sa inyo, kayong lahat ay dapat magsumamo sa Aking habag at ang pagsuway ay mapaparusahan ng kamatayan.” Kailanman ba’y tinakot ng Diyos ang sangkatauhan sa ganitong paraan? (Hindi.) Kailanman ba’y sinabi Niya, “Ang sangkatauhan ay tiwali kaya hindi mahalaga kung paano Ko sila tratuhin, anumang hindi makatwirang pagtrato ay maaari; hindi Ko kinakailangang isaayos nang maigi ang mga bagay para sa kanila.” Ganito ba mag-isip ang Diyos? (Hindi.) Ang Diyos ba ay kumilos sa ganitong paraan? (Hindi.) Bagkus, ang pagtrato ng Diyos sa bawat isa at bawat tao ay maalab at responsable, mas responsible pati kaysa sa iyo sa sarili mo. Hindi nga ba? Ang Diyos ay hindi basta na nangungusap, ni hindi rin Siya tumatayo nang mataas na nagyayabang ni hindi Siya gumagawa ng panloloko sa mga tao. Sa halip Siya ay matapat at matahimik na ginagawa ang mga bagay na kinakailangan Niya Mismong gawin. Ang mga bagay na ito ay nagdadala ng mga pagpapala, kapayapaan at tuwa sa tao, dinadala nila ang tao nang mapayapa at matiwasay sa harapan ng paningin ng Diyos at sa Kanyang pamilya at dinadala sa tao ang tamang katuwiran, tamang pag-iisip, tamang paghatol at tamang kondisyon ng pag-iisip na kinakailangan nila upang makaharap sa Diyos at matanggap ang kaligtasan ng Diyos. Sa gayon ang Diyos ba kailanman ay naging mapanloko sa tao sa Kanyang gawain? (Hindi.) Kailanman ba’y nagpakita Siya ng huwad na tanghal ng kabaitan, sinusuyo ang tao nang may kaunting pakikitungo, pagkatapos ay tatalikuran Niya ang tao? (Hindi.) Kailanman ba’y nagsabi ang Diyos ng isang bagay at pagkatapos ay gumawa ng iba? (Hindi.) Ang Diyos ba kailanma’y gumawa ng hungkag na mga pangako at nagyabang, sinasabi sa iyo na maari Niyang gawin ito para sa iyo o tutulungan kang gawin iyon, at pagkatapos ay nawala? (Hindi.) Walang katusuhan sa Diyos, walang kasinungalingan. Ang Diyos ay matapat at lahat-lahat ng Kanyang ginagawa ay kapwa totoo at tunay. Siya lamang ang maaaring maasahan ng tao at tanging mapagkakatiwalaan ng tao ng kanilang mga buhay at ng kanilang lahat-lahat. Dahil sa walang katusuhan sa Diyos, maaari ba nating masabi na ang Diyos ang pinaka-taos-puso? (Oo.) Syempre maaari, tama? Bagaman, sa pagtalakay ng tungkol sa salitang ito ngayon, kapag ginamit sa Diyos ito ay napakahina, masyadong ginawang pantao, na wala na tayong magagawa tungkol dito sapagkat ang mga ito ang mga hangganan ng pantaong wika. Bahagyang di-naaangkop dito na tawagin ang Diyos na taos-puso, subalit gagamitin natin ang salitang ito pansamantala. Ang Diyos ay matapat at taos-puso, hindi nga ba Siya? (Oo.) Kaya ano ang ating ibig sabihin sa pagtalakay tungkol sa mga aspetong ito? Ang ibig sabihin ba natin ay ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ng tao at ang mga pagkakaiba sa pagitan ng Diyos at ni Satanas? Maaari nating sabihin ito sapagkat hindi maaaring makita ng tao sa Diyos ang isa mang bakas nang tiwaling disposisyon ni Satanas. Tama ba ako sa pagsabi nito? Maaari ba akong makakuha ng Amen para dito? (Amen!) Wala tayong nakikitang kasamaan ni Satanas na naibunyag sa Diyos. Lahat nang ginagawa ng Diyos at ibinubunyag ay ganap na kapaki-pakinabang at makakatulong sa tao, ganap na ginawa upang maglaan para sa tao, puno ng buhay at nagbibigay sa tao ng isang daanan na masusundan at isang direksyon na tatahakin. Ang Diyos ay hindi tiwali at, tangi sa roon, tinitingnan ngayon ang lahat ng ginagawa ng Diyos, maaari ba nating masabi na ang Diyos ay banal? (Oo.) Dahil sa ang Diyos ay walang katiwalian ng sangkatauhan at wala kahit na malayo man tulad ng tiwaling disposisyon ng tao o ng kakanyahan ni Satanas, mula sa kuru-kurong ito maaari nating masabi na ang Diyos ay banal. Ang Diyos ay walang ibinubunyag na katiwalian, at ang pagbubunyag ng Kanyang sariling kakanyahan sa Kanyang gawain ay lahat pagpapatibay na kinakailangan natin na ang Diyos Mismo ay banal. Nakikita n’yo ba ito ngayon? Na ibig sabihin, upang makilala ang banal na kakanyahan ng Diyos, pansamantalang tingnan natin ang dalawang aspetong ito: 1) Walang tiwaling disposisyon sa Diyos; 2) ang kakanyahan ng gawain ng Diyos sa tao ay nagpapahintulot sa tao na makita ang sariling kakanyahan ng Diyos at ang kakanyahang ito ay kapwa ganap na positibo at ganap na tunay. Para ano ang mga bagay na bawat pamamaraan ng Diyos ay dinadala sa tao? Lahat sila ay positibong mga bagay, sila ay lahat pag-ibig, lahat katotohanan at lahat realidad. Una, hinihingi ng Diyos sa tao na maging tapat—hindi ba ito positibo? Binibigyan ng Diyos ang tao ng karunungan—hindi ba ito positibo? Ginagawa ng Diyos ang tao na magawang maunawaan ang pagkakaiba ng kabutihan sa kasamaan—hindi ba ito positibo? Hinahayaan Niya na maunawaan ng tao ang kahulugan at kahalagahan ng buhay ng tao—hindi ba ito positibo? Hinahayaan Niya ang tao na makita ang kakanyahan ng mga tao at ng mga bagay ayon sa katotohanan—hindi ba ito positibo? (Oo.) At ang bunga ng lahat ng ito ay na ang tao ay hindi na malilinlang ni Satanas, hindi na maipagpapatuloy na mapinsala ni Satanas o nakokontrol nito. Sa ibang salita, hinahayaan nila ang mga tao na ganap na palayain ang kanilang mga sarili mula sa katiwalian ni Satanas, at samakatuwid unti-unting lumakad sa daan ng pagkatakot sa Diyos at paglayo sa kasamaan. Gaano kalayo na ninyong nalakad ang landas na ito ngayon? Mahirap sabihin, hindi ba? Ngunit sa pinakamababa mayroon na ba kayo ngayong unang pagkaunawa kung paanong sinisira ni Satanas ang tao, kung aling mga bagay ang masama at aling mga bagay ang negatibo? (Oo.) Sa unang pagkaunawang ito, kayo ngayon ay kamuntiman lang na naglalakad sa tamang daan, nakapagsimula nang malaman ang katotohanan, makita ang liwanag ng buhay, at sa gayon ang inyong pananamapalataya sa Diyos ay mas lumaki na.

     Tatapusin na natin ngayon ang pagtalakay tungkol sa kabanalan ng Diyos, kaya sino sa inyo, mula sa lahat ng inyong narinig at natanggap, ang makakapagsabi kung ano ang kabanalan ng Diyos? Ano ang tinutukoy ng kabanalan ng Diyos na tinatalakay ko? Pag-isipan ng isang saglit. Ano ang kabanalan ng Diyos? Ang pagkamakatotohanan ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang katapatan ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang di-pagkamakasarili ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang kababaang-loob ba ng Diyos ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang pagmamahal ba ng Diyos para sa tao ay ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Malayang ibinibigay ng Diyos sa tao ang katotohanan at buhay—ito ba ang Kanyang kabanalan? (Oo.) Ang lahat ng ito na ibinubunyag ng Diyos ay natatangi; hindi ito umiiral sa loob ng tiwaling pagkatao, ni hindi ito nakikita doon. Walang pinaka maliit na bakas nito ang makikita sa panahon ng proseso nang pagawang tiwali ni Satanas sa tao, ni sa tiwaling disposisyon ni Satanas ni sa kakanyahan o kalikasan ni Satanas. Kaya ang lahat ng mayroon at kung ano ang Diyos ay natatangi at tanging ang Diyos Mismo ang may ganitong uri ng kakanyahan, tanging ang Diyos Mismo ang nag-aangkin ng ganitong uri ng kakanyahan. Sa pagtalakay nito sa ngayon, mayroon bang sinuman sa inyo ang nakakita sa sinuman na ganitong banal sa sangkatauhan? (Wala.) Kaya mayroon bang sinuman ang ganito kabanal sa mga sikat na mga tao, ang dakilang mga tao at mga idolo na inyong sinasamba sa sangkatauhan? (Wala.) Tiyak na walang sinuman na maaaring matawag na banal! Ang tinatawag na mga santo ng mga di-naniniwala ay lahat mga ipokritong nagmamarunong at pinaka-tuso, ang pinaka-traidor na demonyong Satanas. Ito ay walang iba kundi tiyak na katotohanan. Maaari lamang na sabihin ngayon na ang Diyos lamang ang tunay na banal, na ang kabanalan ng Diyos ay natatangi at tanging Siya lamang ang maaari magsama nito sa pangalan at gayundin sa katotohanan. At saka, mayroon ding itong isang praktikal na bahagi. Mayroon bang anumang pagkakaiba sa pagitan ng kabanalan na tinatalakay ko ngayon at ang kabanalan na dati ninyong napag-isipan at naguguniguni? (Oo.) Sa gayon gaano kalaki ang pagkakaibang ito? (Napakalaki!) Gamit ang inyong sariling mga salita, ano kadalasan ang ibig sabihin ng mga tao kapag pinag-uusapan ang tungkol sa kabanalan? (Ilang panlabas na asal.) Ang asal o kapag isinasalarawan ang isang bagay, sinasabi nila na ito ay banal. Kaya ang pagsasalarawan bang ito ng “kabanalan” ay isang teorya? Ito ay ang isang bagay lamang na mukhang malinis at maganda, bagay na mukha o tunog mabuti sa mga tao, wala ni anumang tunay na sangkap ng kabanalan. Walang anumang totoo tungkol sa kung ano ang kabanalan na ipinapalagay ng mga tao na maging. Bukod dito, ano eksakto ang tinutukoy na “kabanalan” na iniisip ng mga tao? Ito ba ay kung ano ang kanilang iniisip o hinatulang maging? Halimbawa, may ilang Budista ang namatay habang nagsasanay, lumilisan habang sila’y nakaupo doon na natutulog. May ilang mga tao ang nagsasabi na sila ay naging banal at lumipad na tungong langit. Ito rin ay isang uri ng imahinasyon. Pagkatapos may mga ilan na nag-iisip na ang isang diwata na lumulutang pababa mula sa langit ay banal. Mayroon din ilan na nag-iisip na ang kailanma’y di-pag-asawa, kumain at manamit nang mahirap at magdusa buong buhay ay banal. Sa katunayan, ang pag-iisip ng mga tao sa salitang “banal” ay palaging isang uri lamang nang mababaw na imahinasyon at teorya na walang pangunahing tunay na diwa dito, at dagdag pa walang kinalaman sa kakanyahan ng kabanalan. Ang kakanyahan ng kabanalan ay tunay na pag-ibig, ngunit higit dito ito ay ang kakanyahan ng katotohanan, pagkamatuwid at liwanag. Ang salitang “banal” ay angkop lamang kapag ginamit sa Diyos; wala sa nilikha ang karapat-dapat na matawag na banal. Dapat maunawaan iyon ng tao. Ang di-kilalanin kung ano ang tunay na kabanalan ay ang hindi kilalanin ang Diyos. Tanging ang Diyos ang banal, at ito ay ang hindi mapag-aalinlanganang katotohanan.

      Balikan natin ang pagtalakay tungkol sa kung anong mga paraan ang ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao. Tinalakay pa lamang natin tungkol sa iba’t-ibang mga paraan na kung saan gumagawa ang Diyos sa tao na kung saan bawat isa sa inyo ay maaaring mararanasan sa inyong mga sarili, kaya hindi na ako tutungo sa masyadong maraming mga detalye. Ngunit sa inyong mga puso kayo marahil ay malabo tungkol sa mga paraan na ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao, o sa pinakadulo ito ay kulang sa detalye, kaya magiging kapakipakinabang sa inyo na pag-usapan ito. Nais n’yo bang maunawaan ito? (Oo.) Marahil may ilan sa inyo ang magtatanong: “Bakit pag-uusapan muli si Satanas? Nakita na natin na si Satanas ay masama at kinasusuklaman na natin si Satanas; kaya magagawa pa ba tayong tiwali ni Satanas?” Sa katunayan, bagaman kinasusuklaman ninyo si Satanas, hindi ninyo ganap na makita sa pamamagitang ito. May ilang mga bagay na kailangan n’yo pa ring harapin, kung hindi maaaring hindi na kayo tunay na makalaya mula sa impluwensya ni Satanas.

     Tinalakay na natin noong nakaraan ang limang mga paraan na kung paano itiwali ni Satanas ang tao, hindi ba? Sa loob ng limang mga paraang ito ay ang mga kaparaanang ginagamit nito, na dapat ay makita ng tao. Ang mga paraan na kung saan ginagawang tiwali ni Satanas ang tao ay isang uri lamang ng takip; pinaka-lihim na mapanira ang mga kaparaanang nagtatago sa likod ng patsada na ito at nais nito na gamitin ang mga kaparaanang ito upang makamit ang mga layunin nito. Ano ang mga kaparaanang ito? Lagumin ang mga ito para sa Akin. (Ito’y nandadaya, nangsusulsol at nananakot.) Mas marami ang itatala ninyo, mas napapalapit kayo. Tila bang kayo ay malalim na napinsala nito at may malakas na nararamdaman sa paksa. (Ito’y gumagamit din nang matamis na pananalita at mga kasinungalingan, nang-iimpluwensya ito, nanglilinlang at sapilitang umookupa.) Sapilitang umookupa—ito’y nagbibigay ng isang napakalalim na impresyon, hindi ba? Ang mga tao ay natatakot sa sapilitang pag-okupa ni Satanas. Mayroon pang iba? (Marahas na pinipinsala nito ang mga tao, ginagamit kapwa ang mga pananakot at mga pang-aakit, at ito’y nagsisinungaling.) Ang mga kasinungalingan ang sangkap ng mga kilos nito at ito’y nagsisinungaling upang dayain ka. Ano ang kalikasan ng pagsisinungaling? Ang pagsisinungaling ba ay hindi kapareho ng pandaraya? Ang layunin nang pagsabi ng mga kasinungalingan ay sa katunayan upang dayain ka. Mayroon pang iba? Magsalita. Sabihin sa Akin ang lahat ng mga alam ninyo. (Ito’y nanghihikayat, namiminsala, nambubulag at nanlilinlang.) Karamihan sa inyo ay may parehong pakiramdam tungkol sa panlilinlang na ito, hindi ba? (Ito’y gumagamit ng pagapang na hindi matapat na papuri, kumokontrol ng tao, hinahawakan ang tao, lubhang tinatakot ang tao at pinipigilan ang tao na maniwala sa Diyos.) Medyo alam ko ang ibig ninyong sabihin at lahat ng ito ay kapwa magaganda. Lahat kayo’y may nalalaman tungkol dito, kaya lagumin na natin sila ngayon.

      May anim na pangunahing mga kaparaanan na ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao.

       Ang una ay kontrol at pamumuwersa. Iyon ay, gagawin ni Satanas ang lahat nang posible upang kontrolin ang iyong puso. Ano ang ibig sabihin ng “pamumuwersa”? (Nangangahulugan ito ng pamimilit.) Tinatakot ka nito at pinipilit na pakinggan itong mabuti, pinapag-isip ka sa mga kalalabasan kung hindi ka susunod. Matatakot ka at di-mangangahas na salungatin ito, kaya sa gayon wala kang mapagpipilian kundi ang pasailalim sa impluwensya nito.

      Ang ikalawa ay ang pandaraya at panlalansi. Ano ang kakailanganin ng “pandaraya at panlalansi”? Bumubuo si Satanas ng ilang mga kuwento at mga kasinungalingan, nilalansi ka na paniwalaan ang mga ito. Kailanma’y hindi nito sinasabi sa iyo na ang tao ay nilikha ng Diyos, ngunit hindi rin nito direktang sinasabi na ikaw ay hindi nilikha ng Diyos. Hindi nito ginagamit ang salitang “Diyos, ” ngunit sa halip gumagamit ng iba pa bilang isang pamalit, ginagamit ang bagay na ito upang linlangin ka nang sa gayon wala kang pangunahing ideya sa pag-iral ng Diyos, at kailanma’y hindi ka nito pinahihintulutan na malaman kung sino talaga ang Diyos. Ang panlalasing ito mangyari pa ay kinabibilangan ng maraming mga aspeto, hindi lamang ang isang ito.

      Ang ikatlo ay ang mapamilit na pagtuturo ng doktrina. Mayroon bang mapamilit na pagtuturo ng doktrina? (Oo.) Mapamilit na pagtuturo ng doktrina ng ano? Ang mapamilit na pagtuturo ng doktrina ba ay ginawa ng sariling desisyon ng tao? Ginawa ba ito nang may pagsang-ayon ang tao? (Hindi.) Hindi bale kung hindi ka sumasang-ayon dito. Sa iyong kawalang-malay bumubuhos ito sa iyo, ikinikintal sa iyo ang pag-iisip ni Satanas, ang mga patakaran nito sa buhay at ang masamang kakanyahan nito. Sa katunayan, ang lahat nang ikinikintal ni Satanas sa iyo ay mga kasinungalingan, mababaw na mga kamalian at sa katunayan mga maling pananampalataya at mga kamalian na ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao. Ang makademonyong mga lason na ito ay itinatanim sa mga utak ng tao at sa kanilang mga isip, at ito’y tunay na binabago ang isip ng mga tao. Kapag tinanggap ng isang tao ang ganitong makademonyong mga lason, sila’y nagiging hindi tao ni multo, walang ni katiting na pagkatao.

       Ang ikaapat ay mga pagbabanta at mga pang-aakit. Iyon ay, ginagamit ni Satanas ang iba’t-ibang mga paraan upang iyong tanggapin ito, sundan ito, gumawa sa paglilingkod nito; sinusubukan nito na makamit ang mga layunin nito sa pamamagitan ng anumang mga paraan na kinakailangan. Minsan nagbibigay ito ng maliliit na mga pabor sa iyo ngunit inaakit ka pa rin nito na magkasala. Kung hindi mo susundin ito, papahirapan ka nito at parurusahan ka at gagamit ito ng iba’t-ibang mga paraan upang salakayin ka at bitagin ka.

       Ang ikalima ay panlilinlang at paralisis. “Panlilinlang at paralisis” ay ang pagbuo ni Satanas ng ilang matamis-pakinggan na mga pahayag at mga ideya na kaugnay sa mga pagkaintindi ng mga tao upang gawin na tila bang isinasaalang-alang nito ang laman ng mga tao o iniisip tungkol sa kanilang mga buhay at kinabukasan, gayong sa katunayan ito ay upang lokohin ka lamang. Samakatuwid pinaparalisa ka nito upang hindi mo malaman kung ano ang tama at ano ang mali, sa gayon ikaw ay walang kaalam-alam na susunod sa daan nito at dahil doon mapapasailalim sa pag-kontrol nito.

       Ang ikaanim ay ang pagkawasak ng katawan at isip. Ano sa tao ang winawasak ni Satanas? (Ang kanilang isip, kanilang buong pagkatao.) Winawasak ni Satanas ang iyong isip, ginagawa kang walang-kapangyarihan na tumutol, nangangahulugan na labis na dahan-dahan na ibinabaling ang iyong puso tungo kay Satanas sa kabila ng iyong sarili. Ikinikintal nito ang mga bagay na ito sa iyo araw-araw, araw-araw na ginagamit itong mga ideya at mga kultura upang impluwensyahan at palakihin ka, sobrang dahan-dahan na sinisira ang iyong kalooban, ginagawa ka na huwag nang gustuhing maging isang mabuting tao, ginagawa ka na huwag nang naising magtiyagang manindigan para sa tinatawag mong pagkamatuwid. Walang kaalam-alam, wala ka ng paghahangad na lumangoy pasalungat sa agos laban sa laki at lakas ng tubig, subalit sa halip ay sumabay sa daloy pababa kasama ito. Ang “pagkawasak” ay nangangahulugan na labis na pinapahirapan ni Satanas ang mga tao nang sobra na sila’y nagiging hindi tao ni multo, sa gayon sinusunggaban nito ang pagkakataon upang ubusin sila.

       Bawat isa sa mga paraang ito na ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao ay maaaring tanggala ng lakas ang tao na lumaban; alinman sa mga ito ay maaaring nakamamatay para sa tao at iiwan sila na walang lugar na lumaban. Sa ibang salita, anuman ang ginagawa ni Satanas at anuman ang paraan na ginagamit nito ay maaaring magdulot sa iyo na manghina, madala ka sa ilalim ng pag-kontrol ni Satanas at parumihin ka sa putikan ng kasamaan nang sa gayon hindi ka makatakas. Ito ang mga kaparaanan na ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao at sila ay lubhang malupit, malisyoso, lihim na mapanira at kasuklam-suklam. Bawat isa ay personal na nalasap ang kapaitan ng mga paraang ito, kaya ang puso ng tao sa gayon ay maaaring mapait na mamuhi kay Satanas at magpasiyang magrebelde laban sa masamang demonyong ito.

      Masasabi natin na si Satanas ay masama, ngunit upang patibayin ito dapat pa rin nating tingnan kung anu-ano ang mga kinalabasan nang katiwalian ni Satanas sa tao at aling mga disposisyon at mga kakanyahan ang dinadala nito sa tao. Alam ninyong lahat ang ilan sa mga ito, kaya magsalita tungkol dito. Kapag ginawang tiwali na ni Satanas ang tao, aling makademonyong disposisyon ang kanilang ipinapahayag at ibinubunyag? (Mayabang at mapagmalaki, makasarili at kasuklam-suklam, baluktot at mapanlinlang, lihim na mapanira at malisyoso, at walang pagkatao.) Sa kabuuan, maaari nating masabi na sila’y walang pagkatao, tama? Hayaan ang ibang mga kapatid na magsalita. (Mayabang, tuso, malisyoso, makasarili, sakim, mababaw, hindi totoo.) Huwag sabihin kung ano ang ibinunyag ng ilang disposisyon ng aspeto; dapat mong sabihin kung ano ang kakanyahan ng didposisyong iyon. Nauunawaan mo? (Kapag ang tao ay ginawang tiwali ni Satanas, sila ay karaniwang mayabang at mapaghalaga sa sarili, hambog at mapagmataas, sakim at makasarili. Ang mga ito ay napakaseryoso.) (Matapos ang tao ay sirain ni Satanas, sila’y walang-prinsipyong kumikilos kapwa sa pang-materyal at pang-espiritwal. Sila sa gayon ay nagiging palaban sa Diyos, tumutol sa Diyos, sinusuway ang Diyos, at nawawala ang kanilang konsensya at katuwiran na dapat mayroon ang tao.) Ang nasabi mo ay lahat pareho lamang na may maliit na mga pagkakaiba, na ang ilan sa inyo ay mas nababahala sa malilit na mga detalye. Upang lagumin, ang “mayabang”ay ang salitang mas madalas mabanggit—mayabang, mapanlinlang, malisyoso at makasarili. Ngunit nakaligtaan ninyong lahat ang kaparehong bagay. Ang mga tao na walang konsensya, na nawalan ng kanilang katuwiran at walang pagkatao—datapwat mayroon pang bagay na kasing-halaga na wala sa inyong nasabi. Kaya ano iyon? (Pagkakanulo.) Tumpak! Walang sinuman ang nagsabing “Pagkanulo.” Ang pangwakas na kalalabasan ng mga disposisyong ito na umiiral sa sinumang tao kapag sila’y ginawang tiwali ni Satanas ay ang kanilang pagkanulo sa Diyos at hindi na nila nakikilala Siya. Anuman ang sabihin ng Diyos sa tao o anumang gawain na ginagawa Niya sa kanila, hindi nila kinikilala ang nalalaman nilang katotohanan, at makikitang hindi na nila kinikilala ang Diyos at ipinagkakanulo Siya: Ito ang kalalabasan nang katiwalian ni Satanas sa tao at pareho ito sa lahat nang tiwaling mga disposisyon ng tao. Sa mga paraan na ginagamit ni Satanas upang itiwali ang tao—ang kaalamang natututunan ng tao, ang siyensiyang nalalaman nila, ang mga pamahiin, tradisyunal na mga kultura at mga panlipunang uso na nauunawaan nila—mayroon bang anuman na magagamit ng tao upang masabi kung ano ang matuwid at ano ang hindi matuwid? Mayroon bang anumang mga pamantayan upang gumawa dito? (Wala.) Mayroon bang anumang bagay na makakatulong sa tao upang malaman kung ano ang banal at ano ang massama? (Wala.) Walang mga pamantayan at walang pundasyon na maaaring makatulong sa tao. Kahit na alam ng mga tao ang salitang “banal,” walang sinuman ang aktwal na nakakaalam kung ano ang banal. Kaya ang mga bagay ba na ito na dinadala ni Satanas sa tao ay makakapagpahintulot sa tao na malaman ang katotohanan? Hindi nila kailanman maaaring payagan ang tao na malaman ang katotohanan. Hahayaan ba nila ang tao na mamuhay kasama ang dumadaming sangkatauhan? Hahayaan ba nila ang tao na mamuhay sa lumalaking pagkaunawa kung paano tunay na sumamba sa Diyos? (Hindi.) Ito ay malinaw na hindi nila mapapayagan ang tao na sambahin ang Diyos, ni hindi nila hahayaan ang tao na malaman kung ano ang kabanalan at kasamaan. Pasalungat, ang tao ay nagiging mas at higit pang nanghihina, palayo nang palayo sa Diyos, mas at higit pang masama, mas at higit pang makasalanan. Ito ang pangunahing dahilan sa likod nang sinasabi natin na si Satanas ay masama. Pagkatapos masuri ang napakaraming masasamang katangian ni Satanas, nakita n’yo na ba kay Satanas ang anumang elemento ng kabanalan maski alin sa mga katangian nito o sa inyong pagkaunawa ng kakanyahan nito? (Hindi.) Tiyak iyon, hindi ba? Sa gayon nakita n’yo na ba ang anumang kakanyahan ni Satanas na kabahagi sa anumang pagkakapareho sa Diyos? (Hindi.) Ang anuman bang pagpapahayag ni Satanas ay nakikibahagi sa anumang pagkakapareho sa Diyos? (Hindi.) Kaya ngayon nais ko kayong tanungin, gamit ang inyong sariling mga salita, kung ano eksakto ang kabanalan ng Diyos? Una sa lahat, sa ano sinasabing nakakabit ang kabanalan ng Diyos? Ito ba ay sinabing nakakabit sa kakanyahan ng Diyos? O ito ba’y sinasabing nakakabit sa ilang aspeto ng Kanyang disposisyon? (Ito ay sinasabing nakakabit sa kakanyahan ng Diyos.) Dapat matamo natin ang isang malinaw na panghahawakan sa ating ninanais na paksa. Sinasabing ito ay nakakabit sa kakanyahan ng Diyos. Una sa lahat, ginamit natin ang kasamaan ni Satanas bilang hadlang sa kakanyahan ng Diyos, kaya nakita n’yo na ba ang anumang kakanyahan ni Satanas sa Diyos? (Hindi.) Paano naman ang anumang kakanyahan ng sangkatauhan? (Wala.) Sinuman ay magsabi sa Akin. (Ang kabanalan ng Diyos ay natatangi, ito ay matapat, taos-puso at walang anumang tiwaling disposisyon sa Diyos. Ang Diyos ay ganap na positibo, gaya ng lahat nang dinadala Niya sa tao.) (Lahat ng kakanyahan ng Diyos ay positibo, lahat nang ibinubunyag Niya ay para sa kaligtasan ng tao at para isabuahy ng tao ang isang normal na wangis ng tao. Ito ay gayon upang tunay Niyang ingatan ang tao at nang ang tao ay maisabuhay ang normal na pagkatao.) Ang isabuhay lamang ba ang normal na pagkatao? (Ito ay upang maaaring tunay na malaman ng tao ang katotohanan; ang Kabanalan Niya ay Kanyang tunay na pagmamahal at kaligtasan ng sangkatauhan.) (Lahat nang ibinunyag ng kakanyahan ng Diyos ay positibo. Ang pagkamakatotohanan ng Diyos, ang Kanyang katapatan, ang Kanyang di-pagkamakasarili, ang Kanyang kababang-loob at ang Kanyang pagmamahal sa sangkatauhan ay lahat paghahayag ng kakanyahan ng kabanalan ng Diyos.) (Ang Diyos ay hindi mayabang, hindi makasarili, hindi nagkakanulo, at sa aspetong ito ang banal na kakanyahan ng Diyos ay makikita rin na maibubunyag.) Mm. Mayroon pang ibang idadagdag? (Ang Diyos ay walang bakas ng tiwaling disposisyon ni Satanas. Ang mayroon si Satanas ay ganap na negatibo, samantalang kung anong mayroon ang Diyos ay walang iba kundi positibo. Nakikita natin na ang Diyos ay palaging nasa ating tabi. Mula nang tayo’y sobrang maliit pa hanggang ngayon, lalo na kapag tayo’y naligaw ng landas, palagi Siyang nandoon, binabantayan tayo at pinananatiling ligtas. Walang panlilinlang sa Diyos, walang panlilinlang. Malinaw at payak Siyang mangusap, at ito rin ang tunay na kakanyahan ng Diyos.) Magaling! (Wala tayong nakikitang tiwalang disposisyon ni Satanas sa gawain ng Diyos, walang panloloko, walang pagmamayabang, walang hungkag na mga pangako at walang panlilinlang. Tanging ang Diyos lamang ang maaaring mapaniwalaan ng tao at ang gawain ng Diyos ay matapat at taos-puso. Mula sa gawain ng Diyos makikita natin ang Diyos na nagsasabi sa mga tao na maging tapat, magkaroon ng karunungan, upang maaaring masabi ang mabuti sa masama at magkaroon ng pagkakilala sa iba’t-ibang tao, mga pangyayari, at mga bagay. Sa ganito makikita natin ang kabanalan ng Diyos.) Mayroon pang ibang idadagdag? Natapos na ba kayo? (Oo.) Nasisiyahan ba kayo sa mga sinabi ninyo? Gaano kalawak ang tunay na nasa inyong mga puso? At gaano ninyo nauunawaan ang kabanalan ng Diyos? Alam ko na ang bawat isa sa inyo ay mayroon sa inyong puso ng ilang antas ng pandamang pagkaunawa, sapagkat bawat indibidwal ay makakaramdam ng gawain ng Diyos sa kanila at, sa iba’t-ibang antas, makakamit nila ang maraming mga bagay mula sa Diyos; nagtatamo sa ng biyaya at mga pagpapala, sila’y napaliwanagan at nailawan, at tinatanggap nila ang paghatol at pagkastigo ng Diyos upang ang tao ay magkaroon ng ilang simpleng pagkaunawa sa kakanyahan ng Diyos.

      Bagaman ang kabanalan ng Diyos na ating tinatalakay ngayon ay maaaring mukhang kakaiba sa karamihan ng mga tao, anuman ang maging itsura nito nasimulan na natin ang paksang ito, at magkakaroon kayo ng mas malalim na pagkaunawa habang tinatahak ninyo ang landas na naghihintay. Hinihingi nito sa inyo na unti-unting maramdaman at maunawaan mula sa loob ng inyong sariling karanasan. Ngayon ang inyong pandamang pagkaunawa ng kakanyahan ng Diyos ay nangangailangan din ng isang mahabang panahon na matutunan, pagtibayin, maramdaman at maranasan ito, hanggang sa isang araw makikilala ninyo ang kabanalan ng Diyos mula sa pinakasentro ng inyong puso na siyang walang kamali-maling kakanyahan ng Diyos, ang walang pag-iimbot na pagmamahal ng Diyos, na siyang walang pag-iimbot na pagmamahal sa lahat na iginagawad ng Diyos sa tao, at makikila ninyo ang kabanalan ng Diyos na walang dungis at walang pagkukulang. Ang mga kakanyahang ito ng Diyos ay hindi lamang mga salita na ginagamit Niya upang ipagpasikat ang Kanyang pagkakakilanlan, ngunit sa halip ginagamit ng Diyos ang Kanyang kakanyahan upang matahimik at taos-pusong pakitunguhan ang bawat indibidwal. Sa ibang salita, ang kakanyahan ng Diyos ay hindi hungkag, ni hindi rin ito panteorya o pangdoktrina at tiyak na hindi isang uri ng kaalaman. Hindi to isang uri ng edukasyon para sa tao, ngunit sa halip ay ang tunay na pagbubunyag ng sariling mga kilos ng Diyos at ang binunyag na kakanyahan kung anong mayroon at kung ano ang Diyos. Dapat kilalanin ng tao ang kakanyahang ito at unawain ito, yamang ang lahat nang ginagawa ng Diyos at bawat salita na Kanyang sinasabi ay may malaking kahalagahan at malaking kabuluhan sa bawat isang tao. Kapag naunawaan mo ang kabanalan ng Diyos, samakatuwid magagawa mong tunay na maniwala sa Diyos; kapag naunawaan mo ang kabanalan ng Diyos, tunay mong makikilala ang totoong kahulugan ng mga salitang “Ang Diyos Mismo, Ang Natatangi.” Hindi ka na mag-iisip na maaari kang pumili ng lalakarang ibang mga daan, at hindi ka na nahahandang ipagkanulo ang lahat nang isinaayos ng Diyos para sa iyo. Sapagkat ang kakanyahan ng Diyos ay banal, nangangahulugan iyon na tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos maaari kang makalakad sa maliwanag, tamang daan sa buhay; tanging sa pamamagitan ng Diyos lamang maaari mong malaman ang kahulugan ng buhay, tanging sa pamamagitan lamang ng Diyos maisasabuhay mo ang tunay na buhay, taglayin ang katotohanan, malalaman ang katotohanan, at tanging sa pamamagitan ng Diyos makakamit mo ang buhay mula sa katotohanan. Tanging ang Diyos Mismo lamang ang makakatulong sa iyo na layuan ang kasamaan at iadya ka mula sa kapinsalaan at pag-kontrol ni Satanas. Maliban sa Diyos, walang sinuman at walang maaaring makapagligtas sa iyo mula sa dagat ng paghihirap upang hindi ka na magdusa: Ito ay napagpasiyahan na ng kakanyahan ng Diyos. Tanging ang Diyos Mismo ang magliligtas sa iyo nang walang pag-iimbot, tanging Diyos ang huling responsable para sa iyong kinabukasan, para sa iyong tadhana at para sa iyong buhay, at isinasaayos Niya ang lahat ng bagay para sa iyo. Ito ay isang bagay na di-maaaring matamo ng nilalang o di-nilalang. Sapagkat walang nilalang o di-nilalang ang nagmamay-ari ng isang kakanyahan ng Diyos na tulad nito, walang tao o bagay ang may kakayanan na iligtas at gabayan ka. Ito ang kahalagahan ng kakanyahan ng Diyos sa tao. Marahil inyong mararamdaman na ang mga salitang ito na nasabi ko ay talagang may maitutulong kahit kaunti sa prinsipyo. Subalit kung hahanapin mo ang katotohanan, kung minamahal mo ang katotohanan, sa iyong karanasan mula ngayon ang mga salitang ito ay hindi lamang babaguhin ang iyong tadhana, subalit mas dadalhin ka sa iyong tamang daan sa buhay. Nauunawan mo ito, hindi ba? (Oo.) Kaya ngayon mayroon ba kayong ilang interes na makilala ang kakanyahan ng Diyos? (Oo.) Mabuti ang maging interesado. Tatapusin natin dito ang ating talakayan sa paksang ito ngayon sa pagkilala sa kabanalan ng Diyos.

      Gusto kong talakayin sa inyo ang tungkol sa isang bagay na inyong ginawa na nakasorpresa sa Akin sa simula ng ating pagtitipon ngayon. Ang ilan sa inyo marahil ay nagkikimkim ng damdaming pasasalamat ngayon lamang, o nakakaramdam ng lubos na pasasalamat, at sa gayon ay nais ninyong ipahayag ng pisikal kung ano ang nasa inyong puso. Ito ay hindi kasiraan, at hindi tama ni mali. Ngunit ano ito na nais kong sabihin sa inyo? Ang inyong ginawa ay hindi mali at hindi ko nais na sisihin kayo sa anumang paraan. Nais kong maunawaan ninyo ang isang bagay. Ano ito? Una nais kong tanungin kayo kung ano ang ginawa n’yo ngayon lamang. Ito ba ay pagpapatirapa o pagluhod upang sumamba? May makapagsasabi ba sa Akin? (Naniniwala kami na ito ay pagpapatirapa. Nagpapatirapa kami sa ganitong paraan.) Naniniwala kayo na ito’y pagpapatirapa, sa gayon ano ang kahulugan ng pagpapatirapa? (Pagsamba.) Kaya ano ang pagluhod upang sumamba sa gayon? Ang dahilan kung bakit hindi ko agad binanggit ito sa inyo nang tuwiran ay sapagkat ang paksa ng ating pagsasamahan ngayon ay napakahalaga at hindi ko nais na maapektuhan ang inyong kalooban. Nagpapatirapa ba kayo sa inyong karaniwang mga pagtitipon? (Hindi.) Nagpapatirapa ba kayo kapag kayo’y nagdarasal? (Oo.) Nagpapatirapa ba kayo sa bawat oras na kayo’y nagdarasal, kapag ipinapahintulot ng mga kondisyon? (Oo.) Iyan ay kahanga-hanga. Subalit ano ang nais kong maunawaan ninyo ngayon? Ito ay ang dalawang uri ng mga tao na ang mga pagluhod ay tinatanggap ng Diyos. Hindi natin kailangang konsultahin ang Biblia o ang mga pag-uugali ng anumang espiritwal na mga karakter, at sasabihin ko sa inyo ang isang bagay na totoo dito at ngayon. Una, ang pagpapatirapa at pagluhod sa pagsamba ay hindi makapareho. Bakit tinatanggap ng Diyos ang mga pagluhod ng mga taong ipinapatirapa ang kanilang mga sarili? Ito ay dahil sa tinatawag ng Diyos ang isang tao papunta sa Kanya at inuutusan ang taong ito na tanggapin ang komisyon ng Diyos, kaya nagpapatirapa siya mismo para sa Diyos. Ito ang unang uri ng tao. Ang ikalawang uri ay ang pagluhod upang sumamba ang isang tao na may takot sa Diyos at layuan ang kasamaan. Mayroon lamang ganitong dalawang uri ng mga tao. Kaya sa anong uri kayo nabibilang? Masasabi n’yo ba? Ito ay nababatay sa katotohanan, bagaman maaaring masaktan nang kaunti ang inyong mga damdamin. Walang masasabi tungkol sa mga pagluhod ng mga tao sa panahon ng pagdarasal—ito ay tama at gayon na nararapat, sapagkat kapag nagdarasal ang mga tao ito ay karamihan pagdarasal para sa isang bagay, binubuksan ang kanilang mga puso sa Diyos at humaharap sa Kanya. Ito ay pakikipag-usap at pakikipagpalitan, puso sa puso sa Diyos. Subalit kapag nakikipagkita ako sa inyo sa pagsasamahan, hindi ko hinihiling sa inyo na ipatirapa ninyo ang inyong mga sarili. Hindi ko sinasadya na sisihin kayo sa kung ano ang inyong nagawa ngayon. Alam ninyo na nais ko lamang na linawin ito sa inyo upang inyong maunawaan ang prinsipyong ito, hindi ba? (Alam namin.) Sa gayon hindi na ninyo ipagpapatuloy na gawin ito. Ang mga tao ba sa gayon ay may anumang pagkakataon na magpatirapa at lumuhod sa harapan ng Diyos? Palaging magkakaroon ng isang pagkakataon. Sa malao’t madali ang araw ay darating, ngunit ang panahon ay hindi ngayon. Nakikita n’yo ba? (Oo.) Pinalulungkot ba kayo nito? (Hindi.) Mabuti yan. Marahil ang mga salitang ito ay mag-uudyok at magbibigay-inspirasyon sa inyo upang malaman n’yo sa inyong puso ang kasalukuyang kalagayan sa pagitan ng Diyos at tao at anong uri ng ugnayan ang umiiral ngayon sa pagitan nila. Bagaman napag-usapan na natin kamakailan lamang at nakapagpalitan na nang maigi, ang pagkakaunawa ng tao sa Diyos ay malayo pa sa sapat. Ang tao ay malayo pa ang pupuntahan sa daang ito nang paghahanap na maunawaan ang Diyos. Hindi Ko intensyon na gawin ito nang mabilisan, o magmadali na ipahayag ang mga uring ito ng mga hangarin o mga damdamin. Ang ginawa ninyo ngayon ay maaaring mahayag at magbunyag ng inyong tunay na mga damdamin, at nahahalata ko iyon. Kaya habang ginagawa ninyo ito, ninais ko lamang na tumayo at ibigay sa inyo ang Aking mabuting mga pagbati, sapagkat nais ko kayong lahat ay maging mabuti. Kaya sa bawat salita Ko at bawat pagkilos ginagawa ko ang Aking sukdulan upang matulungan kayo, gabayan kayo, nang sa gayon magkaroon kayo ng tamang pagkaunawa at tamang pagtanaw sa lahat ng mga bagay. Nauunawaan ninyo, tama? (Oo.) Mabuti yan. Bagaman ang mga tao ay may ilang pagkaunawa sa iba’t-ibang disposisyon ng Diyos, ang mga aspeto na kung anong mayroon at kung ano ang Diyos at ang ginagawang gawain ng Diyos, ang karamihan sa pagkaunawang ito ay di-alayo sa pagbabasa ng mga salita sa isang pahina, o unawain ang mga ito sa prinsipyo, o pag-iisip lamang tungkol sa kanila. Ang pinakakulang sa mga tao ay ang totoong pagkaunawa at pagtanaw na nagmumula sa aktwal na karanasan. Kahit na gumagamit ang Diyos ng iba’t-ibang mga paraan upang pukawin ang mga puso ng tao, may mahaba pang daan na lalakaran bago ang mga puso ng tao ay mapukaw sa wakas. Hindi ko nais makita sinuman na nagdaramdam na tila ba iniwan sila ng Diyos sa lamig, na pinabayaan sila ng Diyos o na tinalikuran Niya sila. Ang nais ko lamang makita na ang lahat ay nasa daan nang paghahanap sa katotohanan at naghahanap na maunawaan ang Diyos, matapang na nagmamartsa pasulong na may mapasiyang kalooban, walang mga pangamba, walang dinadalang mga pasanin. Anumang mga mali na nagawa mo, gaano man kalayo kang naligaw o kung gaano man ang iyong paglabag, huwag mong hayaan ang mga ito na maging mga pasanin o labis na bagahe na dadalhin mo sa iyong pagtugis na maunawaan ang Diyos: Ipagpatuloy ang pagmamartsa pasulong. Kailan man ito mangyayari, ang puso ng Diyos na kaligtasan ng tao ay kailanma’y hindi magbabago: Ito ang pinakamamahal na bahagi ng kakanyahan ng Diyos. Mas mabuti na ba ang pakiramdam ninyo ngayon? (Oo.) Inaasahan ko na makukuha ninyo ang tamang paglapit sa lahat ng mga bagay at sa mga salita na aking nawika. Tapusin na natin ang pagsamahang ito ngayon, kung gayon. Paalam sa lahat! (Paalam!)

Enero 11, 2014

Mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

Mga Talababa:

a. Ang orihinal na teksto ay nababasa “pagbibigay kasiyahan sa tao sa pagsaliksik ng siyensiya at masusing pananaliksik sa mga hiwaga.”
b. Ang orihinal na teksto ay nilalaktawan “ang kumunoy ng.”

Ang pinagmulan:Ang Diyos Mismo, ang Natatangi VI

Rekomendasyon:

Ang pinagmulan ng Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

 Paghahanap sa mga yapak ng Diyos—Ang Kidlat ng Silanganan

Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat nang personal