Kidlat ng Silanganan | Ang Patotoo ng isang Cristiano | Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos
Hong Wei, Beijing
August 15, 2012
Noong Hulyo 21, 2012, isang napakalakas na ulan ang nagpasimulang bumuhos. Nang araw na iyon, nagkataong mayroon akong tungkuling gagampanan, kaya pagkatapos ng aming pagpupulong at nakita kong tumila ang ulan, nagmadali akong umuwi sakay ng aking bisikleta. Pagkarating ko lamang sa lansangang bayan saka ko natuklasang ang tubig ay rumaragasa mula sa bundok na gaya ng isang talon, at ang kalsada ay nakalubog sa umaagos na tubig ulan na anupa’t hindi na ito makita pa. Nahintakutan ako sa aking nakita, kaya sa puso ko ay walang-lubay akong nanawagan, “Diyos! Nagsusumamo ako Sa’yo na dagdagan ang aking pananampalataya at lakas ng loob. Ngayon ang panahon na ibig Mong manindigan akong saksi. Kung hahayaan Mo akong matangay ng tubig, sa gayon ay naroon din ang Iyong mabuting layunin para rito. Handa akong pasakop sa iyong pangangasiwa at pagsasaayos.” Pagkatapos kong manalanging gaya nito, napanatag ako; hindi na ako ganoon katakot, at patuloy na hinarap ang bagyo pauwi sa bahay. Sinong nakaaalam na higit pang malaking panganib ang naghihintay sa akin? Sa daan pauwi sa aking bahay ay may matarik na dalisdis. Dahil sa bagong lagay na aspalto at sa tubig ulan na umaagos mula sa dalisdis, ang dalawang preno ng bike sa unahan ay di gumagana habang palusong ako. Sa paanan ng burol na ito ay may isang kalsadang patungo sa Pambansang Ruta 108, at sa kabilang bahagi nito ay hilera ng mga puno. Sa ibayo noon ay ang agos ng ilog; kung hindi ko mapababagalan ang aking takbo, sa gayo’y wala akong mapagpipilian kundi sumalpok sa mga punong iyon, at posible pang mahulog ako sa ilog. Ang mga kahihinatnan noon…. naisip ko, Ngayon, mapapahamak ako! Habang iniisip ko ito, may kung anong lakas na nanggaling kung saan ang biglang nagpabagsak sa akin mula sa aking bisikleta. Ang bugso ng bisikleta ay tinangay ako, at nadala ako hanggang sa interseksyon sa paanan ng burol. Sa tagpong iyon, dalawang kotse ang nagkataong dumaang magkasabay sa mismong harap ko. Muntik na! Buti na lang, sa gitna ng kagipitang ito, iniligtas ako ng Diyos.