Kidlat ng Silanganan| Ang Kalooban ng Diyos| Ang Ikalabintatlong Pagbigkas
Nakatago sa loob ng mga pagpapahayag ng Aking tinig ang isang bilang ng Aking mga layunin. Ngunit walang nalalaman at naiintindihan ang tao tungkol sa mga ito, at patuloy na tinatanggap ang Aking mga salita buhat sa labas at sinusunod ito mula sa labas, na walang kakayahang unawain ang Aking puso o alamin ang Aking kalooban mula sa Aking mga salita. Kahit na gawin Kong malinaw ang Aking mga salita, mayroon bang sinumang nakauunawa? Mula sa Sion, nagtungo Ako sa sangkatauhan. Dahil isinuot Ko ang pagkatao ng isang ordinaryong tao at dinamitan Ko ang Aking sarili ng balat ng isang tao, lumalapit lamang ang mga tao sa Akin, upang tingnan ang Aking panlabas na anyo, ngunit hindi nila nalalaman ang buhay na umiiral sa Aking kaloob-looban, o nakikilala man lamang ang Espiritu ng Diyos, at ang kilala lamang nila ay ang taong nasa laman. Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat para subukan ninyong kilalanin Siya? Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa inyong ginagawang pagsisikap para subukin na “suriin” Siya? Kinasusuklaman Ko ang katiwalian ng buong sangkatauhan, ngunit nahahabag Ako sa kanilang kahinaan. Pinakikitunguhan Ko rin ang dating kalikasan ng buong sangkatauhan. Bilang isa sa Aking bayan sa China, hindi ba bahagi rin kayo ng sangkatauhan? Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo. Sa kadahilanang ito, ginamit Ko ang pinakamalaking bahagi ng lakas sa inyo, ang pinakamalaking bahagi ng pagsisikap. Hindi ninyo pa rin ba iniingatan ang pinagpalang buhay na ikinalulugod ninyo ngayon? Pinatitigas ninyo pa rin ba ang inyong puso upang maghimagsik laban sa Akin at sundin ang inyong sariling mga panukala? Kung hindi Ko pinanatili ang Aking awa at pagmamahal sa inyo, matagal nang bumagsak ang buong sangkatauhan bilang bihag ni Satanas at magiging “napakasarap na piraso” sa bibig nito. Sa araw na ito, sa gitna ng buong sangkatauhan, silang tunay na gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin at buong puso Akong minamahal ay hindi pa rin sapat na mabilang sa mga daliri sa isang kamay. Maaari kayang sa ngayon, ang titulo na[a] “Aking bayan” ay naging personal ninyo nang pag-aari? Ang konsensya mo kaya ay basta na lang nanlamig? Tunay ka kayang karapat-dapat na maging bayan na Aking hinahangad? Kung iisipin Ko ang nakaraan, at titingnan Kong muli ang kasalukuyan, sino ang nakapagbigay ng kasiyahan sa Aking puso? Sino ang nagpakita ng tunay na malasakit sa Aking mga layunin? Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.