I Tanging ang Lumikha ang may matibay na awa’t pag-ibig. Siya lang ang nagmamahal sa Kanyang mga nilikha, sa Kanyang mga nilikha. Bawa’t isipin Niya’y para sa kabutihan ng tao. Bawa’t damdamin Niya’y kapulupot ng kanilang pag-iral. Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao. Lahat ay para sa tao. II Sa puso Niya’y ramdam ang bawat kilos ng tao. Sala nila’y pumupukaw sa poot N’ya’t kalungkutan. Ngunit pag sila’y nagsisisi, pinatatawad Niya, nagagalak S’ya. Siya ay laging nagmamadali, nasa bawa’t dako bawat sandali. Bawat damdamin Niya’y iniaalay; ang buong buhay Niya, ito ay tahimik Niyang iniaalay sa bawat segundo. Lahat ay para sa tao. III Walang awa sa sariling buhay, ngunit tao’y minamahal. Gamit ang Kanyang kamay, hinubog ang sangkatauhan. Pagdamay at pagpaparaya’y ipinadarama Niya, na walang kundisyon o kapalit, nang tao’y mabuhay sa ilalim ng Kanyang pagtitig, na isang araw, sila’y magpapasakop at kilalanin na Siya ang isa na nagtutustos, at kilalanin na Siya lamang. Ah… Siya ang nagtutustos ng buhay ng sangnilikha, buhay ng buong sangnilikha. Bawa’t isipin Niya’y para sa kabutihan ng tao. Bawa’t damdamin Niya’y kapulupot ng kanilang pag-iral. Kapahayagan ng kung ano at mayroon Siya ay para sa tao. Lahat ay para sa tao. Lahat ay para sa tao.
Kapag umabot na sa rurok ang panahon ng paghatol, hindi Ko mamadaliin ang pagtapos sa Aking gawain, ngunit isasama Ko rito ang katibayan ng panahon ng pagkastigo at hahayaan Kong makita ng lahat ng bayan Ko ang katibayan na ito; at magdudulot ito ng mas maraming bunga. Ang katibayan na ito ang gagamitin Ko sa pagkastigo sa malaking pulang dragon, at hahayaan Kong makita ito ng Aking bayan upang mas higit nilang malaman ang Aking disposisyon. Ang panahon na matatamasa Ako ng Aking bayan ay kapag nakastigo na ang malaking pulang dragon. Ang sanhi ng pagtindig at paghihimagsik ng mga tao ng malaking pulang dragon ay ang Aking plano, at ang paraan ng pagperpekto Ko sa Aking bayan, at ito ay napakahusay na pagkakataon para lumago sa buhay ang bayan Ko. Kapag lumitaw ang maliwanag na buwan, agad masisira ang tahimik na gabi. Kahit nasa pilas-pilas ang buwan, masaya ang tao, at matiwasay na nakaupo sa ilalim ng liwanag ng buwan, hinahangaan niya ang magandang tanawin sa ilalim ng liwanag. Hindi mailarawan ng tao ang kanyang mga damdamin; parang gusto niyang ibalik ang kanyang mga saloobin sa nakaraan, parang nais niyang tumingin sa kinabukasan, na parang tinatamasa niya ang kasalukuyan. Makikita sa kanyang mukha ang isang ngiti, at may mabangong simoy sa nakalulugod na hangin; sa pag-ihip ng magiliw na lawiswis, mahahalata ng tao ang mabangong halimuyak, at tila nilasing siya nito at hindi niya magising ang kanyang sarili. Ito ang pinaka-oras na personal Akong pumupunta sa mga tao, at mas tumindi ang mabangong simoy na naaamoy ng tao, at sa gayong paraan tumatahan ang lahat ng tao sa gitna ng samyong ito. May kapayapaan Ako sa tao, nabubuhay siya na may magandang pakikisama sa Akin, hindi na siya pasaway sa kanyang pakitungo sa Akin, hindi Ko na pinupungos ang mga kakulangan ng tao, wala na sa mukha ng tao ang itsurang parang nababalisa, at hindi na banta ang kamatayan sa buong ng sangkatauhan. Ngayon, pasulong na Ako kasama ang tao sa panahon ng pagkastigo, pasulong na kasama siya sa Aking tabi. Ginagawa Ko ang Aking gawain, ang ibig sabihin, ihinampas Ko ang Aking tungkod sa kalagitnaan ng tao at tumama ito sa bahaging suwail ang tao. Sa mga mata ng tao, tila may mga kakaibang kapangyarihan ang tungkod Ko: Tumatama ito sa lahat ng mga kaaway Ko at hindi sila madaling makatatakas dito; sa gitna ng lahat ng sumasalungat sa Akin, ginagampanan ng tungkod ang likas niyang gamit; ginagampanan ng lahat ng mga nasa Aking kamay ang kanilang tungkulin ayon sa orihinal Kong layunin, at hindi nila kailanman sinuway ang mga kagustuhan Ko o nagbago sa kanilang diwa. Bilang resulta, uungol ang mga tubig, guguho ang mga bundok, mabubuwag ang mga malalaking ilog, magbabago palagi ang tao, lalabo ang araw, magdidilim ang buwan, hindi na mabubuhay ang tao nang may kapayapaan, mawawala na ang katahimikan sa lupa, ang mga kalangitan ay hindi na muling magiging mahinahon, at tahimik, at hindi na kailanman muling magtatagal. Mababago ang lahat ng mga bagay at mababawi ang kanilang orihinal na anyo. Magkakawatak-watak ang lahat ng mga kabahayan sa lupa, at mahahati-hati ang lahat ng mga bansa sa mundo; mawawala na ang mga araw ng pagbabalikan ng mag-asawa, hindi na muling magkikita ang ina at anak na lalaki, hindi na kailanman magtatagpo ang ama at anak na babae. Dudurugin Ko ang lahat ng mga bagay na dating nasa lupa. Hindi Ko bibigyan ng pagkakataon ang mga tao upang mailabas nila ang kanilang mga damdamin, sapagkat wala Akong mga damdamin, at natutunan Kong kamuhian ang mga damdamin ng mga tao sa isang antas. Dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako naitaboy sa isang tabi, kaya Ako ay naging “iba” sa kanilang paningin; dahil sa mga damdamin sa pagitan ng mga tao kaya Ako nakalimutan; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya sinamantala ang pagkakataong kunin ang kanyang “konsensya”; dahil sa mga damdamin ng tao kaya siya laging nanlulupaypay sa Aking pagkastigo; dahil sa mga damdamin ng tao kaya niya Ako tinatawag na hindi patas at hindi makatarungan, at sinasabing hindi Ko iniintindi ang mga damdamin ng tao sa Aking paghawak ng mga bagay-bagay. May kamag-anak din ba Ako sa mundo? Sino na ang naging katulad Ko, na nagtatrabaho sa araw at gabi, na hindi isinasaalang-alang ang pagkain o pagtulog, para sa kapakanan ng buong plano sa pamamahala Ko? Paano maihahambing ang tao sa Diyos? Paano siya magiging kaayon ng Diyos? Paano na ang Diyos, na lumilikha, ay maging kaparehong uri ng tao, na nilikha? Bakit lagi Akong naninirahan at kumikilos kasama ng tao sa lupa? Sino ang nag-aalala para sa Aking puso? Ang mga panalangin ba ng tao? Sumang-ayon Ako minsan na samahan ang tao at lumakad kasabay niya—at oo, nabubuhay ang tao hanggang ngayon sa ilalim ng Aking pag-aalaga at pag-iingat, ngunit kailan ang araw na maaaring humiwalay ang tao mula sa Aking pag-aalaga? Kahit hindi kailanman iningatan ng tao ang Aking puso, sino ang maaaring manatiling nabubuhay sa isang lupain na walang liwanag? Dahil lamang sa mga pagpapala Ko na nabubuhay ang tao hanggang ngayon.
Abril 4, 1992
Mula sa Mga Pagbigkas ni Cristo ng mga Huling Araw (Mga Seleksyon)
Namumuhay ang tao sa gitna ng liwanag, ngunit hindi niya batid ang kahalagahan ng liwanag. Siya ay ignorante sa substansya ng liwanag, at sa pinagmumulan ng liwanag, at, higit pa rito, kung sino ang nagmamay-ari nito. Nang ipinagkaloob Ko ang liwanag sa tao, Aking agarang sinusuri ang mga kondisyon sa gitna ng tao: Dahil sa liwanag, nagbabago ang lahat ng tao, at dumarami, at nakaalis sa kadiliman. Tinitingnan Ko ang bawat kanto ng sansinukob, at nakikita na ang mga bundok ay binabalot sa hamog, na ang tubig ay nagyeyelo sa gitna ng lamig, at iyon, ay dahil sa pagdating ng liwanag, tumitingin ang mga tao sa Silangan upang makadiskubre pa sila nang mas makahulugan—ngunit, ang mga tao ay nananatiling hindi maka-unawa ng malinaw na direksyon sa gitna ng maninipis na ulap. Dahil ang buong mundo ay nalulukuban ng hamog, kapag Ako ay tumitingin sa gitna ng mga ulap, ang Aking pag-iral ay hindi kailanman natutuklasan ng tao; naghahanap ang tao sa daigdig ng isang bagay, mukha siyang nangangalap, tila ninanais niya, na maghintay sa Aking pagdating—ngunit hindi niya alam ang Aking araw, at maaari lamang madalas tumingin sa kislap ng liwanag sa Silangan. Sa lahat ng sangkatauhan, hinahanap Ko ang mga tunay na nagnanais ng Aking sariling puso. Lumalakad Ako kasama ng lahat ng tao, at naninirahan sa lahat ng tao, ngunit ang tao ay ligtas at matiwasay sa lupa, at kaya’t walang tunay na nagnanais sa Aking puso. Hindi alam ng mga tao kung paano magmalasakit sa Aking nais, hindi nila nakikita ang Aking mga pagkilos, at hindi sila makihalubilo sa liwanag at mailawan ng liwanag. Kahit na palaging pinapahalagahan ng tao ang Aking mga salita, siya ay walang kakayahang mabatid ang panglilinlang ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay masyadong maliit, hindi niya kayang gawin kung ano ang nais ng kanyang puso. Hindi Ako kailanman tunay na minahal ng tao. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito nagawa na subukin niyang pasayahin Ako. Basta hinahawakan lang niya ang katayuan na Aking ibinigay sa kanyang mga kamay at sinusuri ito; walang pakiramdam sa Aking pagkamasuyuin, sa halip nagpupumilit siyang nagpapakabundat sa kanyang sarili sa mga pagpapala ng kanyang katayuan. Ito ba ay hindi kakulangan ng tao? Kapag gumalaw ang mga bundok, maaari bang umiwas ang mga ito para sa kapakanan ng iyong katayuan? Kapag umagos ang tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng iyong katayuan? Mababaligtad ba ang langit at lupa ng iyong katayuan? Ako ay minsang naging maawain sa tao, paulit-ulit—ngunit walang sinumang nagmamahal o nagpapahalaga rito, pinakinggan lang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Ang Aking bang mga salita ay hindi talaga nakakaantig sa puso ng tao? Ang Aking bang mga binibigkas ay tunay na walang epekto? Maaari bang walang sinuman ang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, siya ay nakikiisa kay Satanas upang lumaban sa Akin, at ginagamit si Satanas bilang isang “kapakinabangan” upang paglingkuran Ako. Ako ay susuong sa lahat ng mga mapanlinlang na balak ni Satanas, at pipigilan ang mga tao sa lupa na tanggapin ang panlilinlang ni Satanas, upang hindi sila manlaban sa Akin dahil sa pag-iral ni Satanas.
Nahuhulog ang tao sa kalagitnaan ng Aking liwanag, at mabilis siyang nakakabangon dahil sa Aking kaligtasan. Noong dinala Ko ang kaligtasan sa buong sandaigdigan, sinusubukan ng tao na hanapin ang mga paraan upang makapasok sa daloy ng Aking pagpapanumbalik, ngunit marami ang mga natangay nang walang bakas sa malakas na agos ng panunumbalik na ito; marami ang mga nalunod at nilamon ng malakas na agos ng mga tubig; at marami rin ang nanatili sa gitna ng malakas na agos, na hindi kailanman nawalan ng kanilang diwa ng direksiyon, at sumunod sa malakas na agos hanggang ngayon. Humahakbang Ako kasabay ng tao, ngunit hindi pa rin niya Ako nakikilala; alam lamang niya ang mga panlabas Kong kasuotan, at wala siyang kaalam-alam sa mga kayamanan na nakatago sa Aking kaloob-looban. Kahit na tinutustusan Ko ang tao at nagbibigay Ako sa kanya sa bawat araw, hindi niya kaya ang tunay na pagtanggap, wala siyang kakayahang tanggapin ang lahat ng mga kayamanang ibinibigay Ko. Wala sa katiwalian ng tao ang nakakaiwas sa Aking paningin; para sa Akin, ang panloob na mundo niya ay katulad ng maliwanag na buwan sa tubig. Hindi Ako nakikipaglaro sa tao, ni hindi basta nakikisabay lang sa kanya; wala lang talagang kakayahan ang tao na panagutan ang kanyang sarili, at dahil dito palaging ubod ng sama ang buong sangkatauhan, at kahit ngayon nananatili siyang walang kakayahang lumaya mula sa naturang kasamaan. Kaawa-awa, kalunus-lunos na sangkatauhan! Bakit nga ba mahal Ako ng tao, ngunit hindi niya kayang sundin ang mga layunin ng Aking Espiritu? Talaga bang hindi Ko ibinunyag ang Aking Sarili sa sangkatauhan? Talaga bang hindi nakita kailanman ng sangkatauhan ang Aking mukha? Maaari kayang masyadong maliit ang awa na Aking ipinakita sa sangkatauhan? O ang mga rebelde ng buong sangkatauhan! Dapat silang mawasak sa ilalim ng Aking talampakan, dapat silang maglaho sa gitna ng Aking pagkastigo, at dapat, sa araw ng pagkakumpleto ng Aking dakilang plano, ay maitataboy sila mula sa kalagitnaan ng sangkatauhan, upang makita ng buong sangkatauhan ang pangit nilang pagmumukha. Bihirang makita ng tao ang Aking mukha o bihira niyang marinig ang Aking tinig dahil masyadong nakalilito ang buong mundo, at masyadong malakas ang ingay nito, at dahil dito naging masyadong tamad ang tao na hanapin ang Aking mukha at subukang unawain ang Aking puso. Hindi ba ito ang dahilan ng katiwalian ng tao? Hindi ba dahil dito kaya nangangailangan ang tao? Ang buong sangkatauhan ay palaging nasa gitna ng Aking pagtustos; kung di gayon, kung hindi Ako maawain, sino ang mabubuhay hanggang ngayon? Ang mga kayamanan na nasa Akin ay walang kapantay, ngunit ang lahat ng mga kalamidad ay nandito rin sa Aking mga kamay—at sino ang makaliligtas mula sa kalamidad kung kailan nila gusto? Ang mga panalangin ba ng tao ang magpapahintulot sa kanya upang gawin ito? O ang mga luha sa puso ng tao? Hindi kailanman tunay na nanalangin ang tao sa Akin, at dahil dito walang kahit isa sa buong sangkatauhan ang ganap na namuhay sa gitna ng liwanag ng katotohanan, at namuhay lamang ang mga tao sa gitna ng pasumpung-sumpong na paglitaw ng liwanag. Ito nga ang nagdulot sa pangangailangan ng sangkatauhan ngayon.
Nakatago sa loob ng mga pagpapahayag ng Aking tinig ang isang bilang ng Aking mga layunin. Ngunit walang nalalaman at naiintindihan ang tao tungkol sa mga ito, at patuloy na tinatanggap ang Aking mga salita buhat sa labas at sinusunod ito mula sa labas, na walang kakayahang unawain ang Aking puso o alamin ang Aking kalooban mula sa Aking mga salita. Kahit na gawin Kong malinaw ang Aking mga salita, mayroon bang sinumang nakauunawa? Mula sa Sion, nagtungo Ako sa sangkatauhan. Dahil isinuot Ko ang pagkatao ng isang ordinaryong tao at dinamitan Ko ang Aking sarili ng balat ng isang tao, lumalapit lamang ang mga tao sa Akin, upang tingnan ang Aking panlabas na anyo, ngunit hindi nila nalalaman ang buhay na umiiral sa Aking kaloob-looban, o nakikilala man lamang ang Espiritu ng Diyos, at ang kilala lamang nila ay ang taong nasa laman. Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat para subukan ninyong kilalanin Siya? Maaari kaya na ang tunay na Diyos Mismo ay hindi karapat-dapat sa inyong ginagawang pagsisikap para subukin na “suriin” Siya? Kinasusuklaman Ko ang katiwalian ng buong sangkatauhan, ngunit nahahabag Ako sa kanilang kahinaan. Pinakikitunguhan Ko rin ang dating kalikasan ng buong sangkatauhan. Bilang isa sa Aking bayan sa China, hindi ba bahagi rin kayo ng sangkatauhan? Sa lahat ng Aking bayan, at sa lahat ng Aking mga anak, yaon ay, sa lahat ng Aking pinili mula sa sangkatauhan, nabibilang kayo sa pinakamababang grupo. Sa kadahilanang ito, ginamit Ko ang pinakamalaking bahagi ng lakas sa inyo, ang pinakamalaking bahagi ng pagsisikap. Hindi ninyo pa rin ba iniingatan ang pinagpalang buhay na ikinalulugod ninyo ngayon? Pinatitigas ninyo pa rin ba ang inyong puso upang maghimagsik laban sa Akin at sundin ang inyong sariling mga panukala? Kung hindi Ko pinanatili ang Aking awa at pagmamahal sa inyo, matagal nang bumagsak ang buong sangkatauhan bilang bihag ni Satanas at magiging “napakasarap na piraso” sa bibig nito. Sa araw na ito, sa gitna ng buong sangkatauhan, silang tunay na gumugugol ng kanilang mga sarili para sa Akin at buong puso Akong minamahal ay hindi pa rin sapat na mabilang sa mga daliri sa isang kamay. Maaari kayang sa ngayon, ang titulo na[a] “Aking bayan” ay naging personal ninyo nang pag-aari? Ang konsensya mo kaya ay basta na lang nanlamig? Tunay ka kayang karapat-dapat na maging bayan na Aking hinahangad? Kung iisipin Ko ang nakaraan, at titingnan Kong muli ang kasalukuyan, sino ang nakapagbigay ng kasiyahan sa Aking puso? Sino ang nagpakita ng tunay na malasakit sa Aking mga layunin? Kung hindi Ko pa kayo inudyukan, hindi pa kayo magigising, subalit maaaring nananatili pa rin parang nasa kalagayang nagyelo, at muli, parang nasa kalagayan ng pagtulog sa taglamig.
Ang “awa” ay pwedeng unawain sa iba’t-ibang paraan. Ang magmahal at pag-iingat at pag-aalaga. Ang “awa” ito’y malalim at masidhing pagkapit. Ito ay pag-aalagang ayaw manakit. Ang lahat ng ito’y sumasalamin sa pag-ibig at lambing, ito’y pahayag ng damdaming sila’y di isusuko. Ang lahat ng ito’y sumasalamin sa pag-ibig at lambing, ito’y pahayag ng damdaming sila’y di isusuko. Ito’y awa ng Diyos at pagpaparaya sa tao. Salitang karaniwan gamit ng Diyos sa tao, ito’y nagdadala ng Kanyang puso’t saloobin sa tao. Nang Diyos ay nagwika, binunyag lahat ng ganap.
Ang kalsada sa Nineveh, katulad din ng Sodoma, ganap ang kaguluhan at kasamaan. Ngunit dahil sila’y nagsisi, nabago ang puso ng Diyos, kanilang pagwasak ay napalitan na ng awa. Tungo sa habilin at salita ng Diyos, ang kanilang gawa’t ugali ay iba sa taga Sodoma. Pagsuko nila sa Diyos, ito ay ganap at lubos, at tunay na nagsisi sa kasalanang nagawa. Sila ay tunay at tapat sa lahat ng paraan. Kaya’t muling iginawad ng Diyos taos-pusong awa sa kanila. mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Rekomendasyon:
Bakit pinalalaganap ng mga Kristiano ang Ebanghelyo ?