Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos| Tanging ang mga Ginawang Perpekto ang Maaaring Mamuhay ng Makahulugang Buhay
Sa katunayan, ang gawain na ginagawa ngayon ay upang talikdan ng mga tao si Satanas, talikdan ang kanilang dating ninuno. Nilalayon ng lahat ng mga paghatol ayon sa salita na ilantad ang tiwaling disposisyon ng sangkatauhan at mangyaring maipaunawa sa mga tao ang diwa ng buhay. Ang paulit-ulit na mga paghatol na ito ay tumatagos lahat sa mga puso ng mga tao. Tuwirang nakaaapekto ang bawat paghatol sa kanilang kapalaran at sinadyang sugatan ang kanilang mga puso upang mapakawalan nila ang lahat ng mga bagay na iyon at sa gayon mapanuto sa buhay, malaman ang maruming mundong ito, at malaman din ang karunungan ng Diyos at kapangyarihan at malaman ang sangkatauhang ito na ginawang tiwali ni Satanas. Habang nararagdagan ang ganitong uri ng pagkastigo at paghatol, lalong masusugatan ang puso ng tao at lalong magigising ang kanyang espiritu. Ang layunin ng mga ganitong uri ng paghatol ay ang paggising sa mga espiritu ng mga lubhang tiwali at pinakanalinlang sa mga tao. Walang espiritu ang tao, iyon ay, namatay ang kanyang espiritu sa matagal na panahong nakalipas at hindi niya alam na may langit, hindi alam na may Diyos, at tiyak na hindi batid na siya ay nagpupumiglas sa kailaliman ng kamatayan; paano niya posibleng malalaman na siya ay namumuhay sa buktot na impiyerno sa daigdig? Paano niya posibleng malalaman na ang nabubulok na bangkay niya ay, sa pamamagitan ng katiwalian ni Satanas, ay nahulog sa Hades ng kamatayan? Paano niya posibleng malaman na ang lahat ng bagay sa daigdig ay matagal nang sira na hindi na makukumpuni ng sangkatauhan? At paano niya posibleng malaman na ang Maylalang ay dumating sa daigdig sa ngayon at naghahanap ng isang grupo ng mga tiwaling tao na Kanyang ililigtas? Kahit matapos na maranasan ng tao ang bawat posibleng kapinuhan at paghatol, ang kanyang mapurol na kamalayan ay bahagya pang napukaw at tila walang tugon. Napakasama ng sangkatauhan! Bagaman ang ganitong paghatol ay tulad ng malupit na graniso na nahuhulog mula sa kalangitan, ito ang pinakadakilang pakinabang sa tao. Kung hindi sa paghatol sa mga tao na tulad nito, walang resulta at walang pasubali na imposibleng iligtas ang mga tao sa kailaliman ng paghihirap. Kung hindi dahil sa gawaing ito, magiging napakahirap para sa mga tao na lumabas mula sa Hades dahil ang kanilang mga puso ay namatay sa matagal ng panahon at ang kanilang mga espiritu ay matagal ng niyurakan ni Satanas. Ang pagligtas sa inyo na lumubog sa kailaliman ng kasamaan ay kinakailangan na walang humpay na tawagan kayo, na walang humpay na hatulan kayo, at sa gayon lamang na ang nagyeyelong puso ninyo ay magigising. Ang inyong katawang-tao, ang inyong mga mararangyang pagnanasa, ang inyong kasakiman, at ang inyong kalibugan ay malalim na nakaugat sa inyo. Ang mga bagay na ito ay walang tigil na kumokontrol sa inyong mga puso na kayo ay walang kapangyarihan na itakwil ang yugto ng mga piyudal at masasamang kaisipang iyon. Hindi kayo nananabik na baguhin ang inyong kasalukuyang sitwasyon, ni takasan ang impluwensya ng kadiliman. Kayo ay simpleng nakatali sa mga bagay na iyon. Kahit na alam ninyo na ang gayong buhay ay lubhang nakasasakit at ang gayong mundo ay napakadilim, magkagayunman, walang ni isa man sa inyo ang may tapang na baguhin ang ganitong uri ng buhay. Nananabik lamang kayo na tumakas sa ganitong tunay na buhay, pakawalan ang inyong mga kaluluwa mula sa purgatoryo, at mamuhay sa isang kapaligirang mapayapa, maligaya, at katulad ng langit. Hindi kayo handang tiisin ang mga kahirapan upang baguhin ang inyong kasalukuyang buhay; hindi kayo handang hanapin sa loob ng paghatol at pagkastigo na ito para sa buhay na dapat ninyong pasukan. Sa halip, nangangarap kayo ng mga hindi makatotohanang pangarap tungkol sa magandang mundo sa ibayo ng katawang-tao. Ang buhay na pinananabikan ninyo ay isa na walang pagpupunyagi ninyong makakamit nang hindi makararanas ng anumang kirot. Iyan ay ganap na hindi makatotohanan! Dahil kung ano ang inyong inaasahan ay hindi ang isabuhay ang makahulugang haba ng buhay sa katawang-tao at matamo ang katotohanan sa buong haba ng buhay, iyon ay, upang mamuhay para sa katotohanan at tumayo para sa katarungan. Hindi ito ang dapat isaalang-alang ninyo na isang maningning, nakasisilaw na buhay. Naramdaman ninyo na ito ay hindi kahali-halina o makahulugang buhay. Sa inyo, ang pagsasabuhay ng gayong buhay ay tunay na pagmamaliit ng inyong sarili! Kahit na tinanggap ninyo ang ganitong pagkastigo sa kasalukuyan, magkagayunman kung ano ang inyong hinahangad ay hindi upang makamit ang katotohanan o mamuhay sa katotohanan sa kasalukuyan, ngunit sa halip upang pumasok sa isang maligayang buhay sa ibayo ng katawang-tao sa kinalaunan. Kayo ay hindi naghahanap ng katotohanan, ni hindi naninindigan para sa katotohanan, at tiyak na kayo ay hindi nabubuhay para sa katotohanan. Hindi kayo naghahangad sa pagpasok sa ngayon, ngunit walang tigil na nag-iisip na may darating na araw kapag tumitingin kayo sa bughaw na kalangitan at umiyak ng mga mapapait na luha, umaasang dadalhin sa langit. Hindi ninyo ba alam na ang gayong pag-iisip ay wala na sa katotohanan? Nanatili kang nag-iisip na ang Tagapagligtas ng walang hanggang kabaitan at malasakit ay walang dudang darating isang araw na kukunin ka kasama Niya, ikaw na nagtiis ng kahirapan at pagdurusa sa mundong ito, at Siya ay walang dudang maghihiganti para sa inyo na nabiktima at inapi. Hindi ka ba puno ng kasalanan? Ikaw lamang ba ang nadusa sa mundong ito? Nahulog ka mismo sa sakop ni Satanas at nagdusa, at gayunma’y kailangan mo ang Diyos upang ipaghiganti ka? Yaong mga hindi mabigyang kasiyahan ang mga hinihingi ng Diyos—sila bang lahat ay mga kaaway ng Diyos? Yaong mga hindi naniniwala sa Diyos na nagkatawang-tao—hindi ba sila ang antikristo? Ano ang silbi ng iyong mabubuting gawa? Mapapalitan ba nila sa lugar ang isang puso na sumasamba sa Diyos? Hindi mo matatanggap ang biyaya ng Diyos sa paggawa lamang ng ilang mga mabubuting gawa, at hindi ipaghihiganti ng Diyos ang mga pagkakasala laban sa iyo dahil lamang sa nabiktima o inapi ka. Yaong mga naniniwala sa Diyos ngunit hindi kilala ang Diyos, ngunit gumagawa ng mga mabubuting gawa—hindi rin ba sila kakastiguhin? Naniniwala ka lamang sa Diyos, gusto mo lamang sa Diyos na ituwid at ipaghiganti ang mga pagkakasala laban sa iyo, at nagnanais na tustusan ka ng Diyos ng pagtatakasan mula sa iyong kahirapan. Ngunit tumatanggi kang magbigay pansin sa katotohanan; ni nauuhaw na isabuhay ang katotohanan. Lalong mas mahirap na kayanin mong tumakas sa mahirap, walang katuturang buhay. Sa halip, habang isinasabuhay ang iyong buhay sa katawang-tao at iyong buhay sa kasalanan, umaasa ka sa Diyos na itama ang iyong mga karaingan at hawiin ang hamog ng iyong pag-iral. Paano ito naging posible? Kung tinataglay mo ang katotohanan, maaari mong sundan ang Diyos. Kung isinasabuhay mo, maaaring ikaw ay kahayagan ng salita ng Diyos. Kung tinataglay mo ang buhay, malalasap mo ang biyaya ng Diyos. Yaong mga nagtataglay ng katotohanan ay maaaring tamasahin ng biyaya ng Diyos. Tinitiyak ng Diyos ang pagtutuwid para sa mga taong buong pusong iniibig Siya gayundin ang pagtitiis sa mga kahirapan at mga pagdurusa, hindi para sa mga taong iniibig lamang ang kanilang mga sarili at nasilo ng mga panlilinlang ni Satanas. Paano magkakaroon ng kabutihan sa mga taong hindi umiibig sa katotohanan? Paano magkakaroon ng pagkamatuwid sa mga taong iniibig lamang ang laman? Hindi ba ang pagkamatuwid at kabutihan ay lahat sa pagtukoy sa katotohanan? Hindi ba sila nakalaan sa mga taong buong pusong iniibig ang Diyos? Yaong mga hindi umiibig sa katotohanan at na walang iba kundi mga nabubulok na mga bangkay—hindi ba ang lahat ng mga taong ito kumukupkop sa kasamaan? Yaong mga hindi kayang isabuhay ang katotohanan—hindi ba silang lahat ay mga kaaway ng katotohanan? Paano naman kayo?