Kidlat ng Silanganan| Salita ng Diyos| Ang Ikadalawampu’t-apat na Pagbigkas
Dumarating ang Aking pagkastigo sa lahat ng mga tao, gayon pa man ay nananatili rin itong malayo mula sa lahat ng mga tao. Ang buong buhay ng bawat tao ay puno ng pag-ibig at pagkamuhi sa Akin, at wala kahit isa ang kailanma’y nakakilala sa Akin—kung kaya sala sa lamig at sala sa init ang saloobin ng tao sa Akin, at wala itong kakayahan sa pagiging-normal. Gayunman ay parati Kong inalagaan at iningatan ang tao, at mapurol lamang ang kanyang isipan kaya wala siyang kakayahang makita ang lahat ng Aking mga gawa at maunawaan ang masigasig Kong mga hangarin. Ako ang nangungunang Isa sa gitna ng lahat ng mga bansa, at ang pinakamataas sa gitna ng lahat ng mga tao; hindi lamang talaga Ako kilala ng tao. Sa maraming taon, nanirahan Ako sa kalagitnaan ng tao at naranasan ang buhay sa mundo ng tao, gayon pa man lagi niya Akong ipinagsawalang-bahala at itinuring Akong katulad ng isang nilalang na nagmula sa kalawakan. Bunga nito, itinuturing Ako ng mga tao na katulad ng isang banyaga sa daan dahil sa mga pagkakaiba sa disposisyon at wika. Ang damit Ko rin ay tila masyadong kakaiba, at bilang resulta, walang lakas ng loob ang tao para lapitan Ako. Diyan Ko lamang nararamdaman ang kalungkutan ng buhay sa kalagitnaan ng tao, at diyan Ko rin lamang nararamdaman ang kawalan-ng-hustisya sa mundo ng tao. Lumalakad Ako sa kalagitnaan ng mga dumadaan, pinagmamasdan ang lahat ng kanilang mga mukha. Ito ay parang nabubuhay sila sa kalagitnaan ng isang karamdaman, bagay na nagpupuno ng kalungkutan sa kanilang mga mukha, at sa gitna ng pagkastigo, na pumipigil sa kanilang paglaya. Iginagapos ng tao ang kanyang sarili, at ibinababa ang kanyang sarili. Sa harapan Ko, karamihan sa mga tao ay lumilikha ng maling palagay tungkol sa kanilang mga sarili sa gayon ay maaring mapuri Ko sila, sadyang nag-aanyong kahabag-habag sa harap Ko ang karamihan sa mga tao sa gayon ay maaring makakuha sila ng tulong mula sa Akin. Sa Aking likuran, nililinlang at sinusuway Ako ng lahat ng mga tao. Hindi ba tama Ako? Hindi ba ito ang diskarte ng tao para manatiling buhay? Sino na ang kahit kailan ay nabuhay ng mas matagal kaysa sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay nagtaas sa Akin sa gitna ng iba? Sino na ang kahit kailan ay nagapos sa harapan ng Espiritu? Sino na ang kahit kailan ay naging matatag sa kanilang patotoo sa Akin sa harapan ni Satanas? Sino na ang kahit kailan ay nagdagdag ng pagiging-totoo sa “katapatan” nila sa Akin? Sino na ang kahit kailan ay inalis ng malaking pulang dragon dahil sa Akin? Sumapi na ang mga tao kay Satanas, mga bihasa sila sa pagsuway sa Akin, sila ang mga may-likha ng pagsalungat sa Akin, at sila ay mga nagsipagtapos sa pakikipagtawaran sa Akin. Para sa kapakanan ng sarili niyang tadhana, naghahanap ang tao dito at doon sa lupa; kapag kinakawayan Ko siya, nananatili siyang walang-pandama sa Aking pagiging-napakahalaga at patuloy siya sa pananampalataya sa kanyang pagsandig sa kanyang sarili, ayaw niyang maging isang pasanin sa iba. Mahalaga ang mga hangarin ng tao, gayunman walang kaninumang mga hangarin ang kailanman ay ganap na nakamit: Gumuguho silang lahat sa harapan Ko, bumabagsak nang tahimik.