Kingdom Praise Musical Drama—Every Nation Worships the Practical God

菜單

Ang Patotoo ng isang Cristiano | Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos

Kaligtasan, Diyos,  nanalangin, iglesia, baha

Kidlat ng Silanganan | Ang Patotoo ng isang Cristiano | Dahil sa Pagsasagawa ng Aking Tungkulin, Pinagkalooban Ako ng Napakalaking Kaligtasan ng Diyos


Hong Wei, Beijing

August 15, 2012

  Noong Hulyo 21, 2012, isang napakalakas na ulan ang nagpasimulang bumuhos. Nang araw na iyon, nagkataong mayroon akong tungkuling gagampanan, kaya pagkatapos ng aming pagpupulong at nakita kong tumila ang ulan, nagmadali akong umuwi sakay ng aking bisikleta. Pagkarating ko lamang sa lansangang bayan saka ko natuklasang ang tubig ay rumaragasa mula sa bundok na gaya ng isang talon, at ang kalsada ay nakalubog sa umaagos na tubig ulan na anupa’t hindi na ito makita pa. Nahintakutan ako sa aking nakita, kaya sa puso ko ay walang-lubay akong nanawagan, “Diyos! Nagsusumamo ako Sa’yo na dagdagan ang aking pananampalataya at lakas ng loob. Ngayon ang panahon na ibig Mong manindigan akong saksi. Kung hahayaan Mo akong matangay ng tubig, sa gayon ay naroon din ang Iyong mabuting layunin para rito. Handa akong pasakop sa iyong pangangasiwa at pagsasaayos.” Pagkatapos kong manalanging gaya nito, napanatag ako; hindi na ako ganoon katakot, at patuloy na hinarap ang bagyo pauwi sa bahay. Sinong nakaaalam na higit pang malaking panganib ang naghihintay sa akin? Sa daan pauwi sa aking bahay ay may matarik na dalisdis. Dahil sa bagong lagay na aspalto at sa tubig ulan na umaagos mula sa dalisdis, ang dalawang preno ng bike sa unahan ay di gumagana habang palusong ako. Sa paanan ng burol na ito ay may isang kalsadang patungo sa Pambansang Ruta 108, at sa kabilang bahagi nito ay hilera ng mga puno. Sa ibayo noon ay ang agos ng ilog; kung hindi ko mapababagalan ang aking takbo, sa gayo’y wala akong mapagpipilian kundi sumalpok sa mga punong iyon, at posible pang mahulog ako sa ilog. Ang mga kahihinatnan noon…. naisip ko, Ngayon, mapapahamak ako! Habang iniisip ko ito, may kung anong lakas na nanggaling kung saan ang biglang nagpabagsak sa akin mula sa aking bisikleta. Ang bugso ng bisikleta ay tinangay ako, at nadala ako hanggang sa interseksyon sa paanan ng burol. Sa tagpong iyon, dalawang kotse ang nagkataong dumaang magkasabay sa mismong harap ko. Muntik na! Buti na lang, sa gitna ng kagipitang ito, iniligtas ako ng Diyos.

Cristianong Kanta | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos

ibig Iligtas, Eba, Adan, paglikha, Diyos


Kidlat ng Silanganan | Cristianong Kanta | Ito ang Sangkatauhang ibig Iligtas ng Diyos




I
Sangkatauhang tinapakan ni Satanas,
sina Eba at Adan ay di na naging tulad sa simula ng paglikha.
Ngunit puno ng mga paniwala, kaalaman, imahinasyon
at mga bagay na salungat sa Maylikha.
Puno ng tiwaling disposisyon.
Gayunpaman, sa mata ng Diyos
sila’y Kanya pa ring nilikha.

Ang tinig ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I

Noah, bahaghari, Diyos, Biblia, kuwento

Kidlat ng Silanganan | Ang tinig ng Diyos | Ang Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo I


  Sa araw na ito tayo ay magpapahayag ng isang mahalagang paksa. Ito ay isang paksa na tinalakay na mula pa noong simula ng gawain ng Diyos maging hanggang ngayon, at ito ay may napakahalagang kabuluhan para sa bawat tao. Sa madaling salita, ito ay isang suliranin na haharapin ng lahat sa buong proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos at isang suliranin na dapat ay bigyang-pansin. Ito ay napakahalaga, di-maiiwasan na suliranin kung saan ay hindi kaya ng sangkatauhan na ihiwalay ang kanyang sarili mula dito. Kung pag-uusapan ang kahalagahan, ano ang pinakamahalagang bagay para sa bawat mananampalataya sa Diyos? Ang palagay ng ilan, ang pinakamahalagang bagay ay ang maunawaan ang kalooban ng Diyos; sa paniniwala ng ilan ang pinakamahalaga ay ang makakain at makainom ng mas marami pang mga salita ng Diyos; sa pakiramdam naman ng iba ang pinakamahalagang bagay ay ang makilala ang kanilang mga sarili; sa iba naman ay ang opiniyon na ang pinakamahalagang bagay ay ang malaman kung paano mahahanap ang kaligtasan sa pamamagitan ng Diyos, paano ang susunod sa Diyos, at paano matutupad ang kalooban ng Diyos. Isasantabi nating lahat ang mga suliraning ito para sa araw na ito. Kaya ano ang tatalakayin natin kung ganoon? Ang tatalakayin natin ay isang paksa tungkol sa Diyos. Ito ba ang pinakamahalagang paksa para sa bawat tao? Ano ang nilalaman ng isang paksa na tungkol sa Diyos? Siyempre, tiyak na hindi maihihiwalay ang paksang ito sa disposisyon ng Diyos, sa diwa ng Diyos, at sa gawain ng Diyos. Kaya sa araw na ito, tatalakayin natin “Ang Gawain ng Diyos, Ang Disposisyon ng Diyos, at Ang Diyos Mismo.”

Awit ng Papuri | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari




Kidlat ng Silanganan | Awit  ng Papuri  | Ang Ating Diyos ay Makapangyayari Bilang Hari


Makapangyarihang Diyos, Amang walang hanggan,
Prinsipe ng Kapayapaan,
S’ya’y naghahari bilang Hari ng lahat!
I
Makapangyarihang Diyos,
Amang walang hanggang,
Prinsipe ng Kapayapaan Diyos na Hari nating lahat!
Kanyang mga yapak sa Bundok ng Olibo, sa Bundok ng Olibo.
O kay ganda! Makinig! Tayong mga bantay itaas mga tinig,
Itaas ating mga tinig, tayo’y umawit,
pagka’t sa Sion Diyos ay nagbalik.
Nasaksihan ng aming mga mata ang kapanglawan ng Jerusalem!
Sabay tayong umawit ng buong galak, pagkat tayo’y inaliw N’ya,
Tinubos N’ya ang Jerusalem.
Sa mga bansa’y pinamalas, ng Diyos ang bisig N’yang banal,
pinakita ang tunay na Siya.
Makikita’ng pagligtas Niya hanggang sa dulo ng mundo.

Ebangheliyong pelikula | Ang Pagbibigay-kahulugan ba sa Biblia ay Pareho sa Pagdadakila at Pagsasaksi sa Diyos?



Kidlat ng Silanganan | Ebangheliyong pelikula | Ang Pagbibigay-kahulugan ba sa Biblia ay Pareho sa Pagdadakila at Pagsasaksi sa Diyos?



Karamihan sa mga tao sa buong relihiyosong mundo ay naniniwala na iyong makakapagpaliwanag ng husto sa Biblia ay ang mga taong kilala ang Diyos, at kung kaya rin nilang bigyang-kahulugan ang mga misteryo ng Biblia at ipaliwanag ang mga propesiya, sila ang mga tao na umaayon sa kalooban ng Diyos, at sila’y dumadakila at sumasaksi sa Diyos. Maraming tao, sa makatuwid, ay may bulag na pananalig sa ganitong uri ng tao at kanilang pinupuri sila. Kaya, ang mga pagpapaliwanag ba sa Biblia ng mga pastor at elder ay talagang dumadakila at sumasaksi sa Diyos? Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Yaong mga nagbabasa ng Biblia sa mga enggrandeng iglesia, nagsasalaysay ng Biblia araw-araw, ngunit ni isa ay hindi nauunawaan ang mga layunin ng gawa ng Diyos. Wala ni isa ang kayang makilala ang Diyos; bukod dito, wala ni isa ang umaayon sa puso ng Diyos. Lahat sila ay mga walang silbi, masasamang tao, bawat isang tumatayo nang mapagmataas para turuan ang Diyos. Kahit iwinawasiwas nila ang ngalan ng Diyos, kusang-loob nila Siyang sinasalungat” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).
Rekomendasyon:
Ano ang Ebanghelyo ?

Pagpapahayag ng Makapangyarihang Diyos
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay itinatag ng personal na bumalik na Panginoong Jesus sa mga huling araw

Awit ng Pagsamba | Ano ang Diwa ng Pagsalungat ng mga Fariseo sa Diyos



Kidlat ng Silanganan | Awit  ng Pagsamba | Ano ang Diwa ng Pagsalungat ng mga Fariseo sa Diyos


Sa dalawang libong taon, kahit na alam ng mga mananampalataya ang katunayan na sumuway ang mga Fariseo sa Panginoong Jesus, walang sinuman sa buong relihiyosong mundo ang tiyak na nakakaalam kung ano ang tunay na dahilan at diwa ng pagsuway sa Diyos ng mga Fariseo. Tanging sa pagdating ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw na maaaring mabunyag ang katotohanan sa katanungang ito. Sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Ang mga Fariseong ito sa pagkatao ay mga sutil, mayayabang, at ayaw sumunod sa katotohanan. Ang panuntunan ng paniniwala nila sa Diyos ay: Gaano man kalalim ang pangangaral Mo, gaano man kataas ang Iyong awtoridad, hindi Ikaw si Cristo maliban kung Ikaw ang tinatawag na Mesiyas. Hindi ba katawa-tawa at kakatwa ang mga pananaw na ito?” (Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao). Ang Kidlat ng Silanganan, nilikha ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos dahil sa pagpapakita at gawain ng Makapangyarihang Diyos, ang ikalawang pagdating ng Panginoong Jesus, ang Cristo ng mga huling araw. Binubuo ito ng lahat ng mga taong tumatanggap sa gawain ng Makapangyarihang Diyos sa mga huling araw at nilupig at niligtas ng Kanyang mga salita. Lubos itong itinatag nang personal ng Makapangyarihang Diyos at pinamumunuan Niya bilang Pastol. Talagang hindi ito nilikha ng tao. Si Kristo ay ang katotohanan, daan, at buhay. Kordero ng Diyos pakinggan ang tinig ng Diyos. Hangga’t nababasa ninyo ang mga salita ng Makapangyarihang Diyos, makikita ninyo na nagpakita ang Diyos.
Rekomendasyon:
Ang Ebanghelyo ay lumalaganap!

Awit ng Papuri| Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao

Pagpapala na Ipinagkakaloob, Diyos,Tao, kaharian, buhay

Kidlat ng Silanganan | Awit ng Papuri | Ang Pinakadakilang Pagpapala na Ipinagkakaloob ng Diyos sa Tao


I
Sa kaganapan ng salita ng Diyos, kaharia’y nagkakahubog.
Sa pagbabalik ng tao sa normal, kaharian ng Diyos narito.
Mga tao ng Diyos sa kaharian,
babawiin n’yo buhay na laan sa sangkatauhan.
Ngayon, namumuhay kayo sa harap ng Diyos;
bukas, mamumuhay kayo sa Kanyang kaharian.
Lahat ng lupain punô ng sigla’t galak.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.
Kaharian ng Diyos narito sa lupa.