Pag-bigkas ng Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Masasakit na Mga Pagsubok Mo Malalaman Ang Kagandahan ng Diyos | Kidlat ng Silanganan
Gaano mo ba kamahal ang Diyos sa kasalukuyan? At gaano ba ang iyong nalalaman ukol sa lahat ng ginawa ng Diyos sa iyo? Ito ang mga bagay ba dapat mong matutunan. Nang ang Diyos ay dumating sa lupa, ang lahat ng Kanyang ginawa sa tao at itinulot na makita ng tao ay upang ibigin Siya ng tao at makilala Siya nang tunay. Na nagagawa ng tao na magdusa para sa Diyos at nagawang makarating ng ganito kalayo ay, sa isang banda, dahil sa pag-ibig ng Diyos, at sa isa pang banda, ay dahil sa pagliligtas ng Diyos; higit sa rito, ito ay dahil sa gawain ng paghatol at pagkastigo na ipinatupad ng Diyos sa tao. Kung kayo ay walang paghatol, pagkastigo, at mga pagsubok ng Diyos, at kung hindi kayo pinagdusa ng Diyos, kung gayon, sa totoo lamang, hindi ninyo tunay na iniibig ang Diyos. Habang lalong lumalaki ang gawain ng Diyos sa tao, at habang lalong lumalaki ang pagdurusa ng tao, lalong mas nagagawa nitong ipakita kung gaano makahulugan ang gawain ng Diyos, at lalong mas nagagawa ng puso ng tao na tunay na ibigin ang Diyos. Paano mo natutunan kung paano ibigin ang Diyos? Nang walang paghihirap at kapinuhan, nang walang masasakit na pagsubok—at kung, tangi sa roon, ang lahat ng ibinigay ng Diyos sa tao ay biyaya, pag-ibig, at habag—magagawa mo bang matamo ang tunay na pag-ibig sa Diyos? Sa isang banda, sa panahon ng mga pagsubok ng Diyos ang tao ay nakarating sa pagkaalam sa kanyang mga kakulangan, at nakikita na siya ay walang kabuluhan, napakahamak, at mababa ang uri, na siya ay walang taglay na anuman, at walang saysay; sa kabilang dako, sa panahon ng kanyang mga pagsubok gumagawa ang Diyos ng mga kapaligiran para sa tao na ginagawa ang tao na lalong magawang maranasan ang kagandahan ng Diyos. Bagamat ang pagdurusa ay matindi, at paminsan-minsan ay hindi napagtatagumpayan—at inaabot pa nito ang antas ng nakapanlulumong pagdadalamhati—sa pagdanas nito, nakikita ng tao kung gaano kaibig-ibig ang gawain ng Diyos sa kanya, at sa saligan lamang na ito isinilang sa tao ang tunay na pag-ibig ukol sa Diyos. Nakikita sa kasalukuyan ng tao na kung sa biyaya, pag-ibig, at habag lamang ng Diyos, wala siyang kakayahan na tunay na makilala ang sarili niya, lalong hindi nagagawang makilala ang katuturan ng tao. Kapwa sa pamamagitan lamang ng kapinuhan at paghatol ng Diyos, sa panahon lamang ng gayong kapinuhan maaari mong makikilala ang iyong mga kakulangan, at mauunawaan na wala kang anumang bagay na taglay. Kaya, ang pag-ibig ng tao sa Diyos ay itinayo sa saligan ng kapinuhan at paghatol ng Diyos. Kung tinatamasa mo lamang ang biyaya ng Diyos, sa isang mapayapang buhay ng sambahayan o mga pagpapalang materyal, kung gayon hindi mo nakamit ang Diyos, at ang iyong paniniwala sa Diyos ay nabigo. Ipinatupad na ng Diyos ang isang yugto ng gawain ng biyaya sa katawang-tao, at ipinagkaloob na ang mga materyal na pagpapala sa tao—ngunit ang tao ay hindi maaaring gawing perpekto sa pamamagitan lamang ng biyaya, pag-ibig, at habag. Sa mga karanasan ng tao nakakaharap niya ang ilang pag-ibig ng Diyos, at nakikita ang pag-ibig at habag ng Diyos, ngunit sa pagdanas sa loob ng isang yugto ng panahon, nakikita niya na ang biyaya ng Diyos at ang Kanyang pag-ibig at habag ay walang kakayahan na gawing perpekto ang tao, at walang kakayahan sa pagbubunyag sa kung alin ang tiwali sa loob ng tao, ni nagagawa ng mga ito na alisin sa tao ang kanyang tiwaling disposisyon, o gawing perpekto ang kanyang pananampalataya at pag-ibig. Ang gawain ng biyaya ng Diyos ay ang gawain ng isang yugto, at hindi makaaasa ang tao sa pagtatamasa sa biyaya ng Diyos upang makilala ang Diyos.