Kidlat ng Silanganan | Pag-bigkas ng Diyos | Sa Pamamagitan Lamang ng Pagdanas ng Kapinuhan Maaaring Ibigin Nang Tunay ng Tao ang Diyos
Paano dapat ibigin ng tao ang Diyos sa panahon ng kapinuhan? Sa pagdanas ng kapinuhan, sa panahon ng kapinuhan nagagawa ng tao na tunay na purihin ang Diyos at nagagawang makita kung gaano karami ang kulang sa kanila. Habang lalong tumitindi ang iyong kapinuhan, lalo mas nagagawa mong talikuran ang laman; habang lalong tumitindi ang kanilang kapinuhan, lalong mas nadaragdagan ang pag-ibig ng mga tao para sa Diyos. Ito ang dapat ninyong maunawaan. Bakit dapat pinuhin ang mga tao? Anong epekto ang nilalayon nitong matamo? Ano ang kabuluhan ng gawain ng kapinuhan ng Diyos sa tao? Kung tunay mong hinahangad ang Diyos, kung gayon ang pagdanas sa Kanyang kapinuhan hanggang sa isang partikular na punto madadama mo na ito ay napakainam, at na ito ang sukdulang kailangan. Paano dapat ibigin ng tao ang Diyos sa panahon ng kapinuhan? Sa paggamit ng paninindigan upang ibigin ang Diyos upang tanggapin ang Kanyang kapinuhan: Sa panahon ng kapinuhan ikaw ay nagdurusa sa loob, na para bang isang kutsilyo ang pinipihit sa iyong puso, ngunit nakahanda kang mapalugod ang Diyos gamit ang iyong puso, na umiibig sa Kanya, at hindi ka nakahandang mag-alala para sa laman. Ito ang kahulugan ng pagsasagawa sa pag-ibig sa Diyos. Ikaw ay nasaktan sa loob, at ang iyong pagdurusa ay nakarating sa isang partikular na punto, ngunit nakahanda ka pa ring lumapit sa harap ng Diyos at manalangin, na sinasabi: “O Diyos! Ikaw ay hindi ko maaaring iwan. Bagamat mayroong kadiliman sa loob ko, nais kong mapalugod Ka; kilala Mo ang aking puso, at hinihiling ko na maglaan ka ng mas marami sa Iyong pag-ibig sa loob ko.” Ito ay pagsasagawa sa panahon ng kapinuhan. Kung gagamitin mo ang pag-ibig sa Diyos bilang saligan, madadala ka ng kapinuhan nang mas malapit sa Diyos at gagawin kang mas kapalagayang-loob ng Diyos. Yamang naniniwala ka sa Diyos, dapat mong isuko ang iyong puso sa harap ng Diyos. Kung iaalok mo at iaalay ang iyong puso sa harap ng Diyos, kung gayon sa panahon ng kapinuhan magiging imposible para sa iyo na itatwa ang Diyos, o iwan ang Diyos. Sa ganitong paraan ang iyong kaugnayan sa Diyos ay magiging mas malapit na, at mas normal na, at ang iyong pakikipag-isa sa Diyos ay magiging mas madalas na. Kung palagi kang nagsasagawa sa ganitong paraan, kung gayon gugugol ka ng mas maraming panahon sa liwanag ng Diyos, at ng mas maraming panahon sa ilalim ng paggabay ng Kanyang mga salita, magkakaroon din ng higit pang mas maraming mga pagbabago sa iyong disposisyon, at ang iyong kaalaman ay madadagdagan araw-araw. Kapag dumating ang araw at ang mga pagsubok ng Diyos ay biglang sumapit sa iyo, hindi ka lamang makapaninindigan sa panig ng Diyos, ngunit magagawa mo ring magpatotoo sa Diyos. Sa panahong iyon, ikaw ay magiging kagaya ni Job, at ni Pedro. Sa pagpapatotoo sa Diyos iibigin mo Siya nang tunay, at isusuko nang may kagalakan ang iyong buhay para sa Kanya; ikaw ay magiging saksi ng Diyos, at yaong pinakaiibig ng Diyos. Ang pag-ibig na nagdanas ng kapinuhan ay matatag, at hindi mahina. Hindi alintana kung kailan o kung paano ka isasailalim ng Diyos sa Kanyang mga pagsubok, nagagawa mong huwag mag-alala kung mamamatay ka man o mabubuhay, isasantabi ang lahat nang may kagalakan para sa Diyos, at masayang titiisin ang anuman para sa Diyos—at kaya ang iyong pag-ibig ay magiging dalisay, at magiging totoo ang pananampalataya. Sa gayon ka lamang magiging yaong tunay na inibig Diyos, at yaong tunay na ginawang perpekto ng Diyos.