Mga pagbigkas ng Makapangyarihang Diyos | Tanging Yaong Mga Nagtutuon ng Pansin sa Pagsasagawa Ang Maaaring Gawing Perpekto
Sa mga huling araw, ang Diyos ay naging tao upang gawin ang gawain na kailangan Niyang gawin at upang gampanan ang Kanyang ministeryo ng mga salita. Siya ay dumating sa anyong tao upang gumawa sa kalagitnaan ng mga tao sa layuning gawing perpekto yaong mga tao na sumusunod sa Kanyang puso. Mula sa paglikha hanggang sa kasalukuyan ginagawa lamang Niya ang gawain sa panahon ng mga huling araw. Sa panahon lamang ng mga huling araw nagkatawang-tao ang Diyos upang gawin ang gayong kalaking gawain. Bagamat nagtititiis Siya ng mga kahirapan na mahihirapang tiisin ng mga tao, bagamat Siya bilang isang dakilang Diyos ay mayroong kababaang-loob na maging isang karaniwang tao, walang aspeto ng Kanyang gawain ang naantala, at ang Kanyang plano ay hindi itinapon na sa kalituhan kahit kaunti. Ginagawa Niya ang gawain alinsunod sa Kanyang orihinal na plano. Ang isa sa mga layunin ng pagkakatawang-taong ito ay para lupigin ang mga tao. Ang isa pa ay para gawing perpekto ang mga taong Kanyang iniibig. Hinahangad Niya na makita ng Kanyang sariling mga mata ang mga tao na Kanyang ginagawang perpekto, at nais Niyang makita sa Sarili Niya Mismo kung paanong sumaksi para sa Kanya ang mga tao na Kanyang ginagawang perpekto. Hindi iisang tao ang ginawang perpekto, at hindi dalawa. Ito gayunpaman ay, isang grupo ng kakaunting mga tao. Ang grupo ng mga taong ito ay mula sa iba’t-ibang mga bansa sa mundo, at mula sa iba’t-ibang nasyonalidad sa mundo. Ang layunin sa paggawa ng ganito karaming gawain ay para makamit ang grupong ito ng mga tao, upang makamit ang pagiging saksi ng grupo ng mga taong ito para sa Kanya, at para makamit ang kaluwalhatian na nakukuha Niya sa pamamagitan ng grupo ng mga taong ito. Hindi Siya gumagawa ng gawain na walang kabuluhan, ni hindi Siya gumagawa ng gawain na walang halaga. Maaaring sabihin na, sa paggawa ng napakaraming gawain, ang layunin ng Diyos ay upang gawing perpekto ang lahat ng mga iyong hinahangad Niyang gawing perpekto. Sa anumang bakanteng oras na mayroon Siya sa labas nito, aalisin Niya yaong mga masasama. Alamin na hindi Niya ginagawa ang dakilang gawaing ito dahil sa kanilang mga masasama; sa kabaligtaran, ibinibigay Niya ang lahat ng Kanya dahil sa maliit na bilang na mga taong Kanyang gagawing perpekto. Ang gawain na Kanyang ginagawa, ang mga salita na Kanyang sinasabi, ang mga misteryo na Kanyang ibinubunyag, at ang Kanyang paghatol at pagkastigo ay lahat para sa kapakanan ng maliit na bilang ng mga taong iyon. Hindi Siya naging tao dahil sa mga iyon na masasama, lalong hindi sila nag-uudyok ng malaking pagkapoot sa Kanya. Sinasabi Niya ang katotohanan, at nagsasalita ukol sa pagpasok, dahil sa mga iyon na gagawing perpekto, Siya ay naging tao dahil sa kanila, at dahil sa kanila kaya Niya ipinagkakaloob ang Kanyang mga pangako at mga pagpapala. Ang katotohanan, pagpasok, at buhay sa pagkatao na Kanyang sinasabi ay hindi para sa kapakanan nilang mga masasama. Nais Niyang umiwas makipag-usap sa mga iyon na masasama, at hinahangad na ipagkaloob ang lahat ng mga katotohanan sa mga iyon na gagawing perpekto. Subalit kinakailangan ng Kanyang gawain na, pansamantala, yaong masasama ay tutulutang matamasa ang ilan sa Kanyang mga kayamanan. Yaong mga hindi ipinatutupad ang katotohanan, na hindi napalulugod ang Diyos, at gumagambala sa Kanyang gawain ay masasamang lahat. Hindi sila maaaring gawing perpekto, at kinasusuklaman at itinatakwil ng Diyos. Sa kabilang banda, ang mga tao na isinasagawa ang katotohanan at kayang mapalugod ang Diyos at ginugugol ang kanilang buong mga sarili sa gawain ng Diyos ay ang mga tao na gagawing perpekto ng Diyos. Yaong mga hinahangad ng Diyos na maging ganap ay walang iba kung hindi ang grupong ito ng mga tao, at ang gawain na ginagawa ng Diyos ay para sa kapakanan ng mga taong ito. Ang katotohanan na Kanyang sinasabi ay nakatuon tungo sa mga tao na nakahanda sa pagsasagawa. Hindi Siya nakikipag-usap sa mga tao na hindi isinasagawa ang katotohanan. Ang pagdaragdag ng kabatiran at paglago ng pagkakilala na Kanyang sinasabi ay nakatuon sa mga tao na kayang ipatupad ang katotohanan. Kapag Siya ay nagsasalita tungkol sa mga iyon na gagawing perpekto Siya ay nagsasalita tungkol sa mga taong ito. Ang gawain ng Banal na Espiritu ay nakatuon tungo sa mga tao na makapagsasagawa sa katotohanan. Ang mga bagay kagaya ng pagmamay-ari ng karunungan at pagkakaroon ng pagkatao ay nakatuon tungo sa mga tao na nakahandang isagawa ang katotohanan. Yaong mga hindi ipatutupad ang katotohanan ay maaaring makarinig ng maraming mga katotohanan at maaaring makaunawa ng maraming mga katotohanan, ngunit dahil sila ay nabibilang sa masasamang tao, ang katotohanan na kanilang nauunawaan ay nagiging mga doktrina at mga salita lamang, at walang kahalagahan para sa pagbabago ng kanilang disposisyon o para sa kanilang mga buhay. Walang sinuman sa kanila ang tapat sa Diyos; silang lahat ay mga taong nakikita ang Diyos ngunit hindi nila Siya maaaring makamit, at lahat ay hinatulan ng Diyos.