Ang Paggamit ng Salita ng Diyos bilang isang Salamin
Pagkatapos tanggapin ang trabahong ito at kainin at inumin ang salita ng Diyos, naging malinaw sa akin na napakahalaga na nauunawaan ko ang aking sarili. Dahil dito, habang kinakain at iniinom ang salita ng Diyos, sinigurado ko na suriin nang mabuti ang sarili ko laban sa salita na kung saan inilalantad ng Diyos ang tao. Karamihan sa mga kaso, nagawa kong kilalanin ang aking mga kakulangan at mga kawalang-kakayahan. Naramdaman ko na talagang nagawa kong unawain ang sarili ko. Gayunpaman, sa pamamagitan lamang ng isang pagbubunyag mula sa Diyos ko nakita na hindi ko talaga nauunawaan ang aking sarili ayon sa salita ng Diyos.
Isang araw, nagpunta ako sa isang lugar kasama ng isang pinuno ng distrito upang mag-withdraw ng pera. Nang nakumpirma na ang halaga ng pera at naisulat na ang resibo, nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan, at pansamantala, walang sinuman sa amin ang nais na magpatalo. Nang oras na iyon, biglang napabulalas ang pinuno ng distrito: “Kung sirain mo na lang ang huling resibo, walang magiging katibayan. Kung itabi mo na lang kaya ang pera para sa sarili mo?” Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pagkatapos kong marinig ito, pero talagang naramdaman ko ang isang malaking insulto sa aking integridad; naging napakahirap para sa akin na lunukin iyon. Naisip ko: Anong klaseng tao ang tingin mo sa akin? Sinunod ko ang Diyos nang napakaraming taon at isa akong mabuting tao. Paano ko magagawa ang ganoong bagay? Bukod pa rito, pinamunuan ko ang trabahong ito nang napakaraming taon at hindi kailanman nagkamali sa usaping pananalapi, kaya bakit ko nanakawin ang pera ng iglesia? Sa anong paraan ko nakahawig si Judas? … Habang naiisip ko ang tungkol dito, mas lalo akong nagagalit. Habang mas naiisip ko ang tungkol dito, mas lalo kong nadama na hinahamak at ginagawa akong utus-utusan. Labis akong nasaktan na halos mapaluha ako.
Sa aking pighati, bigla kong naalala ang mga salita ng Diyos, “Ang kapaligirang nakapalibot sa atin gayundin ang mga tao, mga usapin at mga bagay, pinapayagang lahat ng Kanyang trono.” Naisip ko rin noon: Bakit lilikha ang Diyos ng sitwasyon kung saan sasabihin ng kapatid na babaeng ito ang gayong bagay? Ano ang itinuturo sa akin ng Diyos? Habang pinag-iisipan ito, nagsimulang makaramdam ng kapayapaan ang aking puso. Nagsimulang magtanong ang isip ko sa masasakit na reaksiyong nakuha ko tungkol sa komento ng kapatid na babae: Mali ba siya nang sabihin niyang “Kung itabi mo na lang kaya ang pera para sa sarili mo?” Sinabi ng Diyos na ipagkakanulo ng tao ang katuwiran at ilalayo ang kanilang sarili sa Diyos sa anumang oras at maging saanman. Walang sinuman ang tunay na mapagkakatiwalaan. Hindi ba ako kabilang dito? Bukod pa rito, gaano ba ang ipinagbago ng aking disposisyon? Gaano kalaking katotohanan na ang natamo ko? Kung hindi ko natamo ang katotohanan o hindi man lang gaanong nagbago ang disposisyon, bakit hindi ko dapat pinahintulutan ang iba na makita ako sa ganoong paraan at sa anong batayan ko dapat makita ang sarili ko bilang marangal at dalisay?